Mga Talata sa Bibliya

Mga patalastas


Subkategorya

106 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Aborsyon

Alam mo, ang buhay ay galing sa Diyos. Siya ang nagbibigay ng saysay sa ating pagkatao. Kahit pa may mga pagsubok at humahadlang sa Kanyang plano, lagi Niyang hinahangad ang ikabubuti natin. Nasa plano Niya mula pa sa umpisa na dumami tayo at punuin ang mundo. Kaya mahalagang maintindihan natin na ang anumang bagay na nagdudulot ng kamatayan ay hindi kailanman kalooban ng Diyos. Ang pagpapalaglag ay hindi bahagi ng Kanyang plano para sa mundong ito.

Anuman ang pinagdadaanan mo ngayon, tandaan mo na laging nariyan ang Diyos para sa iyo. Kung ikaw man ay nabuntis nang hindi inaasahan o bunga ng isang masakit na karanasan, ang buhay na nasa iyong sinapupunan ay may karapatang mabuhay at umunlad. Ang pagpapalaglag ay hindi ang solusyon at maaari itong magdulot ng mabigat na pasanin sa iyong damdamin at kalooban.

Magtiwala ka na kaya kang pagalingin at palayain ng Diyos. May magandang plano Siya para sa iyo at sa iyong magiging anak. Lumapit ka sa Kanya, ipagkatiwala mo sa Kanya ang iyong mga problema, at humingi ka ng tawad sa Kanya. Talikuran mo ang anumang pag-iisip na hahantong sa pagpapalaglag at magsisi ka nang buong puso. Handa ang Diyos na ibigay ang Kanyang pagpapala sa iyo. Kahit pakiramdam mo ay nag-iisa ka, tandaan mo na laging kasama mo ang Banal na Espiritu upang aliwin at palakasin ka sa iyong paglalakbay.


Mga Awit 139:13-16

Kilala nʼyo ako, dahil kayo ang lumikha sa akin. Kayo ang humugis sa akin sa sinapupunan ng aking ina.

Pinupuri ko kayo dahil kahanga-hanga ang pagkakalikha nʼyo sa akin. Nalalaman ko na ang inyong mga gawa ay tunay na kahanga-hanga.

Nakita nʼyo ang aking mga buto nang akoʼy lihim na hugisin sa loob ng sinapupunan ng aking ina.

Nakita nʼyo na ako, hindi pa man ako isinisilang. Ang itinakdang mga araw na akoʼy mabubuhay ay nakasulat na sa aklat nʼyo bago pa man mangyari.

Genesis 1:27

Kaya nilikha ng Dios ang tao, lalaki at babae ayon sa wangis niya.

Mga Awit 127:3

Ang mga anak ay pagpapala at gantimpalang mula sa Panginoon.

Galacia 1:15

Ngunit sa awa ng Dios, bago pa man ako ipanganak, pinili na niya ako at tinawag upang ihayag sa akin ang kanyang Anak para maipangaral siya sa mga hindi Judio. Nang mangyari ito, hindi ako sumangguni kaninuman.

Isaias 44:24

Ito ang sinasabi ng Panginoon na inyong Tagapagligtas na lumikha sa inyo: Ako ang Panginoong lumikha ng lahat ng bagay. Ako lang mag-isa ang naglatag ng langit at ako lang din ang lumikha ng mundo.

Mga Awit 22:10-11

Mula kapanganakan ko, nakadepende na ako sa inyo, at mula noon, kayo lang ang aking Dios.

Kaya huwag nʼyo akong pababayaan, dahil malapit nang dumating ang kaguluhan, at wala na akong ibang maaasahan.

Lucas 1:41-44

Nang marinig ni Elizabet ang pagbati ni Maria, naramdaman niyang gumalaw nang malakas ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Napuspos ng Banal na Espiritu si Elizabet

at malakas niyang sinabi, “Higit kang pinagpala ng Dios sa lahat ng babae, at pinagpala rin niya ang magiging anak mo!

Isang malaking karangalan na dalawin ako ng ina ng aking Panginoon.

Nang marinig ko ang pagbati mo sa akin, gumalaw nang malakas sa tuwa ang sanggol sa sinapupunan ko.

Isaias 49:1

Makinig kayo sa akin, kayong mga naninirahan sa malalayong lugar: Hindi pa man ako isinilang, tinawag na ako ng Panginoon para maglingkod sa kanya.

Exodus 21:22-25

“Kung may nag-aaway at nasaktan ang isang buntis, at napaanak ito nang wala pa sa oras, pero walang masamang nangyari sa kanya, pagbabayarin ang nakasakit ayon sa halagang hinihingi ng asawa at pinayagan ng hukom.

Pero kung malubha ang nangyari sa babae, parurusahan ang responsable katulad ng nangyari sa babae. Kung namatay ang babae, papatayin din siya.

Kung mabulag ang babae, bubulagin din siya. Kung mabungi ang ngipin nito, bubungiin din siya. Kung nabali ang kamay o paa, babaliin din ang kanyang kamay o paa.

Kung napaso, papasuin din siya. Kung nasugatan, susugatan din siya. Kung nagalusan, gagalusan din siya.

Genesis 2:7

Nilikha ng Panginoong Dios ang tao mula sa lupa. Hiningahan niya sa ilong ang tao ng hiningang nagbibigay-buhay. Kaya ang tao ay naging buhay na nilalang.

Mga Awit 113:9

Pinaliligaya niya ang baog na babae sa tahanan nito, sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng mga anak. Purihin ninyo ang Panginoon!

Mga Awit 139:16

Nakita nʼyo na ako, hindi pa man ako isinisilang. Ang itinakdang mga araw na akoʼy mabubuhay ay nakasulat na sa aklat nʼyo bago pa man mangyari.

Deuteronomio 30:19

“Sa araw na ito, tinawag ko ang langit at lupa na maging saksi kung alin dito ang pipiliin ninyo: buhay o kamatayan, pagpapala o sumpa. Piliin sana ninyo ang buhay para mabuhay kayo nang matagal pati na ang inyong mga anak.

Mga Awit 139:1-2

Panginoon, siniyasat nʼyo ako at kilalang-kilala.

kayo ay naroon din upang akoʼy inyong patnubayan at tulungan.

Maaaring mapakiusapan ko ang dilim na itago ako, o ang liwanag sa paligid ko na maging gabi;

kaya lang, kahit ang kadiliman ay hindi madilim sa inyo, Panginoon, at ang gabi ay parang araw. Dahil para sa inyo, pareho lang ang dilim at ang liwanag.

Kilala nʼyo ako, dahil kayo ang lumikha sa akin. Kayo ang humugis sa akin sa sinapupunan ng aking ina.

Pinupuri ko kayo dahil kahanga-hanga ang pagkakalikha nʼyo sa akin. Nalalaman ko na ang inyong mga gawa ay tunay na kahanga-hanga.

Nakita nʼyo ang aking mga buto nang akoʼy lihim na hugisin sa loob ng sinapupunan ng aking ina.

Nakita nʼyo na ako, hindi pa man ako isinisilang. Ang itinakdang mga araw na akoʼy mabubuhay ay nakasulat na sa aklat nʼyo bago pa man mangyari.

O Dios, hindi ko lubos maintindihan ang mga iniisip nʼyo; itoʼy tunay na napakarami.

Kung bibilangin ko ito, mas marami pa kaysa sa buhangin. Sa aking paggising, akoʼy nasa inyo pa rin.

O Dios, patayin nʼyo sana ang masasama! Lumayo sana sa akin ang mga mamamatay-tao!

Nalalaman nʼyo kung ako ay nakaupo o nakatayo. Kahit na kayo ay nasa malayo, nalalaman nʼyo ang lahat ng aking iniisip.

Mateo 18:10

“Tiyakin ninyo na hindi nʼyo hahamakin ang kahit isa sa maliliit na batang ito, dahil tandaan nʼyo: ang mga anghel na nagbabantay sa kanila ay laging nasa harapan ng aking Ama sa langit. [

Roma 5:8

Pero ipinakita ng Dios sa atin ang kanyang pag-ibig sa ganitong paraan: Kahit noong tayoʼy makasalanan pa, namatay si Cristo para sa atin.

Mga Kawikaan 6:16-17

May mga bagay na kinamumuhian ang Panginoon:

ang pagmamataas, ang pagsisinungaling, ang pagpatay ng tao,

Mga Awit 34:7

Ang anghel ng Panginoon ay nagbabantay sa mga may takot sa Dios, at ipinagtatanggol niya sila.

Mga Awit 146:9

Iniingatan niya ang mga dayuhan, tinutulungan ang mga ulila at mga biyuda, ngunit hinahadlangan niya ang mga kagustuhan ng masasama.

Isaias 46:3-4

Makinig kayo sa akin, mga lahi ni Jacob, kayong mga natirang mga mamamayan ng Israel. Inalagaan ko kayo mula nang kayoʼy ipinanganak.

Aalagaan ko kayo hanggang sa tumanda at pumuti ang inyong buhok. Nilikha ko kayo kaya kayoʼy aalagaan ko. Tutulungan ko kayo at ililigtas.

1 Corinto 3:16-17

Hindi nʼyo ba alam na kayoʼy templo ng Dios, at ang Espiritu ng Dios ay naninirahan sa inyo?

Ang sinumang wawasak sa templo ng Dios ay parurusahan niya, dahil banal ang templo ng Dios. At ang templong iyon ay walang iba kundi kayo.

Mga Awit 8:4-5

akoʼy nagtatanong, ano ba ang tao upang inyong alalahanin? Sino nga ba siya upang inyong kalingain?

Ginawa nʼyo kaming mababa ng kaunti sa mga anghel. Ngunit pinarangalan nʼyo kami na parang mga hari.

1 Pedro 1:18-19

Alam naman ninyo kung ano ang ipinangtubos sa inyo mula sa walang kabuluhang pamumuhay na minana nʼyo sa mga ninuno ninyo. Ang ipinangtubos sa inyoʼy hindi ang mga bagay na nawawala katulad ng ginto o pilak,

kundi ang mahalagang dugo ni Cristo. Katulad siya ng isang tupa na walang dungis o kapintasan na inihandog sa Dios.

Eclesiastes 11:5

Kung paanong hindi mo nalalaman ang direksyon ng hangin o kung paano lumalaki ang sanggol sa sinapupunan ng kanyang ina, ganoon din ang ginagawa ng Dios na gumagawa ng lahat ng bagay, hindi mo rin ito maiintindihan.

Mateo 19:14

Sinabi ni Jesus sa mga tagasunod niya, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pigilan, dahil ang mga katulad nila ay kabilang sa kaharian ng Dios.”

Mga Awit 71:6

Mula nang akoʼy isilang, kasama na kita at akoʼy inyong iningatan. Pupurihin ko kayo magpakailanman.

Mga Awit 139:14

Pinupuri ko kayo dahil kahanga-hanga ang pagkakalikha nʼyo sa akin. Nalalaman ko na ang inyong mga gawa ay tunay na kahanga-hanga.

Lucas 18:15-16

Dinala ng mga tao ang kanilang maliliit na anak kay Jesus upang patungan niya ng kamay at pagpalain. Nang makita iyon ng mga tagasunod ni Jesus, sinaway nila ang mga tao.

Pero tinawag ni Jesus ang mga bata, at sinabihan niya ang mga tagasunod niya, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pigilan, dahil ang mga katulad nila ay kabilang sa kaharian ng Dios.

Isaias 66:9

Niloob kong silaʼy malapit nang maipanganak. At ngayong dumating na ang takda nilang kapanganakan, hindi ko pa ba pahihintulutang ipanganak sila? Siyempre pahihintulutan ko. At hindi pipigilin na silaʼy maipanganak na. Ako, na inyong Dios ang nagsasabi nito.”

Mga Awit 127:4-5

Ang anak na isinilang sa panahon ng kabataan ng kanyang ama ay parang pana sa kamay ng sundalo.

Mapalad ang taong may maraming anak, dahil may tutulong sa kanya kapag humarap siya sa kanyang mga kaaway sa hukuman.

Exodus 23:7

Huwag kayong magbibintang sa iba nang walang katotohanan. Huwag ninyong papatayin ang mga inosenteng tao, dahil parurusahan ko ang sinumang gagawa nito.

Mateo 10:29-31

Hindi baʼt napakamura ng halaga ng dalawang maya? Pero wala ni isa man sa kanila ang nahuhulog sa lupa nang hindi ayon sa kagustuhan ng inyong Ama.

si Felipe, si Bartolome, si Tomas, si Mateo na maniningil ng buwis, si Santiago na anak ni Alfeus, si Tadeus,

Mas lalo na kayo, maging ang bilang ng inyong mga buhok ay alam niya.

Kaya huwag kayong matakot, dahil mas mahalaga kayo kaysa sa maraming maya.”

Mga Awit 119:73

Akoʼy nilikha at hinubog nʼyo; kaya bigyan nʼyo ako ng pang-unawa upang matutunan ko ang inyong mga utos.

Roma 8:31

Ngayon, kung iisipin natin ang mga bagay na ito, masasabi nating panig sa atin ang Dios, at dahil dito, walang magtatagumpay laban sa atin.

Mga Awit 139:11-12

Maaaring mapakiusapan ko ang dilim na itago ako, o ang liwanag sa paligid ko na maging gabi;

kaya lang, kahit ang kadiliman ay hindi madilim sa inyo, Panginoon, at ang gabi ay parang araw. Dahil para sa inyo, pareho lang ang dilim at ang liwanag.

Genesis 9:6

“Ang sinumang pumatay sa kanyang kapwa ay papatayin din ng kanyang kapwa. Sapagkat ang tao ay ginawa ng Dios na kawangis niya.

Mga Awit 130:3-4

Kung inililista nʼyo ang aming mga kasalanan, sino kaya sa amin ang matitira sa inyong presensya?

Ngunit pinapatawad nʼyo kami, upang matuto kaming gumalang sa inyo.

Isaias 44:2

Ako, ang Panginoon, na lumikha at tumutulong sa iyo. Huwag kang matakot, ikaw na aking lingkod at pinili ko.

Mga Awit 51:5

Akoʼy makasalanan at masama mula pa noong akoʼy isinilang, kahit noong ipinaglilihi pa lang ako.

Galacia 5:13

Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag ninyong gamitin ang kalayaan nʼyo para pagbigyan ang mga pagnanasa ng laman. Sa halip, magmahalan kayoʼt magtulungan.

Efeso 2:10

Nilikha tayo ng Dios; at sa pakikipag-isa natin kay Cristo Jesus, binigyan niya tayo ng bagong buhay, para gumawa tayo ng kabutihan na noon paʼy itinalaga na ng Dios na gawin natin.

Deuteronomio 24:16

“Hindi dapat patayin ang magulang dahil sa kasalanan ng kanilang mga anak, o ang mga anak dahil sa kasalanan ng kanilang magulang; ang bawat isa ay papatayin lang dahil sa kanyang sariling kasalanan.

Mga Awit 26:9

Huwag nʼyo po akong parusahang kasama ng mga makasalanan, gaya ng mga mamamatay-tao. Palagi silang handang gumawa ng masama, at nanghihingi ng suhol.

Colosas 1:16-17

Sapagkat sa pamamagitan niya, at para sa kanya, nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa mundo, ang nakikita pati rin ang di-nakikita, katulad ng mga espiritung naghahari at namamahala, mga espiritung namumuno at may kapangyarihan.

Bago pa man likhain ang anumang bagay, naroon na si Cristo, at sa pamamagitan niya ang lahat ay nananatiling nasa kaayusan.

Mga Hebreo 13:5

Iwasan nʼyo ang pagiging sakim sa salapi. Maging kontento kayo sa anumang nasa inyo, sapagkat sinabi ng Dios, “Hinding-hindi ko kayo iiwan o pababayaan man.”

1 Juan 3:15

Ang sinumang napopoot sa kanyang kapatid ay isang mamamatay-tao, at alam ninyo na walang mamamatay-tao ang may buhay na walang hanggan.

Roma 12:1-2

Kaya nga mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo alang-alang sa maraming pagkakataong kinaawaan tayo ng Dios, ibigay ninyo sa kanya ang inyong mga sarili bilang mga handog na buhay, banal at kalugod-lugod sa kanya. Ito ang tunay na pagsamba sa kanya.

Magmahalan kayo bilang magkakapatid kay Cristo at maging magalang sa isaʼt isa.

Huwag kayong maging tamad kundi magpakasipag at buong pusong maglingkod sa Panginoon.

At dahil may pag-asa kayo sa buhay, magalak kayo. Magtiis kayo sa mga paghihirap at laging manalangin.

Tulungan ninyo ang mga pinabanal ng Dios na nangangailangan, at patuluyin ninyo sa inyong mga tahanan ang walang matutuluyan.

Idalangin ninyo sa Dios na pagpalain ang mga taong umuusig sa inyo. Pagpalain ninyo sila sa halip na sumpain.

Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makiramay kayo sa mga naghihinagpis.

Mamuhay kayo nang mapayapa sa isaʼt isa. Huwag kayong magmataas, sa halip ay makipagkaibigan kayo sa mga taong mababa ang kalagayan. Huwag kayong magmarunong.

Huwag ninyong gantihan ng masama ang mga gumagawa sa inyo ng masama. Gawin ninyo ang mabuti sa paningin ng lahat.

Hanggaʼt maaari, mamuhay kayo nang mapayapa sa lahat ng tao.

Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti. Ipaubaya ninyo iyan sa Dios. Sapagkat sinabi ng Panginoon sa Kasulatan, “Ako ang maghihiganti; ako ang magpaparusa.”

Huwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Hayaan ninyong baguhin kayo ng Dios sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip, para malaman ninyo ang kalooban ng Dios – kung ano ang mabuti, ganap, at kalugod-lugod sa kanyang paningin.

Mateo 5:5

Mapalad ang mga mapagpakumbaba, dahil mamanahin nila ang mundo.

Mga Awit 106:38

na mga dios-diosan ng Canaan. Dahil sa pagpatay nila sa walang malay nilang mga anak, dinungisan nila ang lupain ng Canaan

Mga Kawikaan 10:12

Ang galit ay nagpapasimula ng kaguluhan, ngunit ang pag-ibig ay nagpapatawad ng lahat ng kasalanan.

Mga Awit 119:116

Panginoon, bigyan nʼyo ako ng kalakasan ayon sa inyong pangako upang ako ay patuloy na mabuhay; at huwag nʼyong hayaan na mabigo ako sa pag-asa ko sa inyo.

Eclesiastes 4:1

Nakita ko ulit ang mga pang-aapi rito sa mundo. Umiiyak ang mga inaapi, pero walang tumutulong sa kanila dahil makapangyarihan ang mga umaapi sa kanila.

Isaias 41:10

Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo.

Roma 12:10

Magmahalan kayo bilang magkakapatid kay Cristo at maging magalang sa isaʼt isa.

Mga Kawikaan 23:22

Makinig ka sa iyong mga magulang sapagkat kung hindi dahil sa kanila, hindi ka naisilang sa mundong ito. Huwag mo silang hahamakin kapag sila ay matanda na.

Mga Awit 8:3-4

Kapag tumitingala ako sa langit na inyong nilikha, at aking pinagmamasdan ang buwan at mga bituin sa kanilang kinalalagyan,

akoʼy nagtatanong, ano ba ang tao upang inyong alalahanin? Sino nga ba siya upang inyong kalingain?

Deuteronomio 7:13-14

Mamahalin niya kayo, pagpapalain at padadamihin. Bibigyan niya kayo ng maraming anak at pagpapalain ang mga pananim sa inyong lupa: ang inyong mga trigo, bagong katas ng ubas at langis. At padadamihin niya ang inyong mga hayop doon sa lupaing ipinangako niyang ibibigay sa inyong mga ninuno at sa inyo.

Pagpapalain niya kayo ng higit pa sa sinumang mga mamamayan sa mundo. Walang lalaki o babae sa inyo na magiging baog, ganoon din sa inyong mga hayop.

Genesis 1:26-27

Pagkatapos, sinabi ng Dios, “Likhain natin ang tao ayon sa ating wangis. Sila ang mamamahala sa lahat ng uri ng hayop: mga lumalangoy, lumilipad, lumalakad at gumagapang.”

Kaya nilikha ng Dios ang tao, lalaki at babae ayon sa wangis niya.

Isaias 45:9

Nakakaawa ang taong nakikipagtalo sa Dios na lumikha sa kanya. Ang katulad niyaʼy palayok lamang. Ang putik bang ginagawang palayok ay maaaring magsabi sa magpapalayok kung ano ang dapat niyang gawin? O makakapagreklamo ba siyang walang kakayahan ang magpapalayok?

Mga Awit 72:12-14

Dahil tinutulungan niya ang mga napabayaang dukha na humingi ng tulong sa kanya.

Kahahabagan niya ang mga dukha at nangangailangan at silaʼy kanyang tutulungan.

Ililigtas niya sila sa mga malulupit at mapang-api dahil para sa kanya, ang buhay nilaʼy mahalaga.

Santiago 1:5

Kung mayroon mang nagkukulang sa inyo sa karunungan, humingi siya sa Dios at ibibigay ito sa kanya nang walang pagmamaramot at panunumbat.

Mga Awit 27:10

Iwanan man ako ng aking mga magulang, kayo naman, Panginoon, ang mag-aalaga sa akin.

Mga Kawikaan 3:5-6

Magtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan.

Alalahanin mo ang Panginoon sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.

Mga Awit 40:11

Panginoon, huwag nʼyong pigilin ang awa nʼyo sa akin. Ang inyong pag-ibig at katapatan ang laging mag-iingat sa akin.

Mga Awit 119:137

Matuwid kayo, Panginoon, at tama ang inyong mga paghatol.

Mateo 6:26

Tingnan ninyo ang mga ibon sa himpapawid. Hindi sila nagtatanim, o nag-aani, o nag-iipon ng pagkain sa bodega, ngunit pinapakain sila ng inyong Amang nasa langit. Hindi baʼt mas mahalaga kayo kaysa sa mga ibon?

Exodus 23:2

“Huwag kayong makikiisa sa karamihan sa paggawa ng masama. Kung sasaksi kayo sa isang kaso, huwag nʼyong babaluktutin ang hustisya para lang masunod ang opinyon ng karamihan.

Genesis 25:21-22

Dahil baog si Rebeka, nanalangin si Isaac sa Panginoon na magkaanak ito. Tinugon ng Panginoon ang dalangin niya, kaya nagbuntis si Rebeka.

Naramdaman niya na nagtutulakan ang kambal na sanggol sa loob ng kanyang tiyan. Sinabi ni Rebeka, “Kung ganyan lang ang mangyayari sa kanila pagdating ng panahon mabuti pang mamatay na lang ako.” Kaya nagtanong siya sa Panginoon tungkol dito. Sinabi sa kanya ng Panginoon,

Isaias 49:15-16

Pero sumagot ang Panginoon, “Makakalimutan ba ng isang ina ang kanyang anak? Hindi ba niya pagmamalasakitan ang isinilang niyang sanggol? Maaaring makalimot ang isang ina, pero ako, hindi makalilimot sa inyo!

“O Jerusalem, hinding-hindi kita malilimutan. Isinulat ko ang pangalan mo sa aking mga palad. Palagi kong iniisip na maitayong muli ang iyong mga pader.

Mga Awit 116:15

Nasasaktan ang Panginoon kung mamatay ang kanyang mga tapat na mga mamamayan.

Roma 14:7-8

Wala ni isa man sa atin ang nabubuhay o namamatay para sa sarili lamang.

Kung tayoʼy nabubuhay, nabubuhay tayo para sa Panginoon, at kung tayoʼy mamamatay, mamamatay tayo para sa Panginoon. Kaya mabuhay man tayo o mamatay, tayoʼy sa Panginoon.

Mga Awit 119:32

Pinagsisikapan kong sundin ang inyong mga utos, dahil pinapalawak nʼyo ang aking pang-unawa.

Mga Kawikaan 18:21

Ang salita ng tao ay makapagliligtas ng buhay o kaya ay makamamatay. Kaya mag-ingat sa pagsasalita sapagkat aanihin mo ang mga bunga nito.

Job 3:11-12

“Mabuti pang namatay na lang ako sa sinapupunan ng aking ina.

Bakit pa ako kinalingaʼt pinasuso ng aking ina?

Eclesiastes 3:1-2

May oras na nakatakda para sa lahat ng gawain dito sa mundo:

Nakita ko ang mga gawaing itinakda ng Dios para sa tao.

At lahat ng ito ay itinadhana ng Dios na mangyari sa takdang panahon. Binigyan niya tayo ng pagnanais na malaman ang hinaharap, pero hindi talaga natin mauunawaan ang mga ginawa niya mula noong simula hanggang wakas.

Naisip ko na walang pinakamabuting gawin ang tao kundi magsaya at gumawa ng mabuti habang nabubuhay.

Gusto ng Dios na kumain tayo, uminom at magpakasaya sa mga pinaghirapan natin dahil ang mga bagay na itoʼy regalo niya sa atin.

Alam kong ang lahat ng ginagawa ng Dios ay magpapatuloy magpakailanman at wala tayong maaaring idagdag o ibawas dito. Ginagawa ito ng Dios para magkaroon tayo ng paggalang sa kanya.

Ang mga nangyayari ngayon at ang mga mangyayari pa lang ay nangyari na noon. Inuulit lang ng Dios ang mga pangyayari.

Nakita ko rin na ang kasamaan ang naghahari rito sa mundo sa halip na katarungan at katuwiran.

Sinabi ko sa sarili ko, “Hahatulan ng Dios ang matutuwid at masasamang tao, dahil may itinakda siyang oras sa lahat ng bagay.

Sinusubok ng Dios ang mga tao para ipakita sa kanila na tulad sila ng mga hayop.

Ang kapalaran ng tao ay tulad ng sa hayop; pareho silang mamamatay. Pareho silang may hininga, kaya walang inilamang ang tao sa hayop. Talagang walang kabuluhan ang lahat!

May oras ng pagsilang at may oras ng kamatayan; may oras ng pagtatanim at may oras ng pag-aani.

Mga Awit 139:18

Kung bibilangin ko ito, mas marami pa kaysa sa buhangin. Sa aking paggising, akoʼy nasa inyo pa rin.

Roma 6:13

Huwag na ninyong gamitin ang alin mang bahagi ng inyong katawan sa paggawa ng kasalanan. Sa halip, ialay ninyo ang inyong sarili sa Dios bilang mga taong binigyan ng bagong buhay. Ilaan ninyo sa Dios ang inyong katawan sa paggawa ng kabutihan.

Mateo 12:12

Ngunit mas mahalaga ang tao kaysa sa tupa! Kaya ipinapahintulot ng Kautusan ang paggawa ng mabuti sa Araw ng Pamamahinga.”

Mga Awit 119:45

Mamumuhay akong may kalayaan, dahil pinagsisikapan kong sundin ang inyong mga tuntunin.

Isaias 40:11

Aalagaan niya ang kanyang mga mamamayan gaya ng pastol na nag-aalaga ng kanyang mga tupa. Kinakarga niya ang maliliit na tupa at maingat niyang pinapatnubayan ang mga inahing tupa.

Mga Awit 116:9

Kaya mamumuhay ako na malapit sa Panginoon dito sa mundo ng mga buhay.

Deuteronomio 30:19-20

“Sa araw na ito, tinawag ko ang langit at lupa na maging saksi kung alin dito ang pipiliin ninyo: buhay o kamatayan, pagpapala o sumpa. Piliin sana ninyo ang buhay para mabuhay kayo nang matagal pati na ang inyong mga anak.

at kung sa mga oras na iyon ay magbabalik-loob kayo sa Panginoon na inyong Dios, at susundin ninyo nang buong puso at kaluluwa ang lahat ng iniutos ko sa inyo ngayon,

Mahalin ninyo ang Panginoon na inyong Dios. Sundin ninyo siya at manatili kayo sa kanya, dahil siya ang inyong buhay. Kung gagawin ninyo ito, mabubuhay kayo nang matagal doon sa lupain na ipinangako niyang ibibigay sa inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob.”

Mga Awit 146:5-6

Mapalad ang tao na ang tulong ay nagmumula sa Dios ni Jacob, na ang kanyang pag-asa ay sa Panginoon na kanyang Dios,

na siyang gumawa ng langit at lupa, ng dagat at ang lahat ng narito. Mananatiling tapat ang Panginoon magpakailanman.

Job 10:3-4

Natutuwa ba kayo na pinahihirapan nʼyo ako? Bakit nʼyo itinatakwil ang inyong nilikha, at sinasang-ayunan naman ang binabalak ng masama?

Ang paningin nʼyo baʼy tulad ng paningin ng tao?

Mga Awit 139:4

Panginoon, hindi pa man ako nagsasalita ay alam nʼyo na ang aking sasabihin.

Mateo 28:19-20

Kaya puntahan ninyo ang lahat ng mga lahi at gawin silang mga tagasunod ko. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu.

Biglang lumindol nang malakas, at isang anghel ng Panginoon ang bumaba mula sa langit at iginulong ang bato na nakatakip sa libingan at inupuan ito.

Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. At tandaan ninyo: lagi ninyo akong kasama hanggang sa katapusan ng mundo.”

Genesis 4:10-11

Sinabi ng Panginoon kay Cain, “Ano ang iyong ginawa? Ang dugo ng kapatid moʼy parang tinig na nagmamakaawa na parusahan ko ang taong pumatay sa kanya.

Dahil sa ginawa mo, isusumpa ka. Mula ngayon, hindi ka na makakapagsaka sa lupa na sumipsip ng dugo ng iyong kapatid na pinatay mo.

Mga Awit 139:1-6

Panginoon, siniyasat nʼyo ako at kilalang-kilala.

kayo ay naroon din upang akoʼy inyong patnubayan at tulungan.

Maaaring mapakiusapan ko ang dilim na itago ako, o ang liwanag sa paligid ko na maging gabi;

kaya lang, kahit ang kadiliman ay hindi madilim sa inyo, Panginoon, at ang gabi ay parang araw. Dahil para sa inyo, pareho lang ang dilim at ang liwanag.

Kilala nʼyo ako, dahil kayo ang lumikha sa akin. Kayo ang humugis sa akin sa sinapupunan ng aking ina.

Pinupuri ko kayo dahil kahanga-hanga ang pagkakalikha nʼyo sa akin. Nalalaman ko na ang inyong mga gawa ay tunay na kahanga-hanga.

Nakita nʼyo ang aking mga buto nang akoʼy lihim na hugisin sa loob ng sinapupunan ng aking ina.

Nakita nʼyo na ako, hindi pa man ako isinisilang. Ang itinakdang mga araw na akoʼy mabubuhay ay nakasulat na sa aklat nʼyo bago pa man mangyari.

O Dios, hindi ko lubos maintindihan ang mga iniisip nʼyo; itoʼy tunay na napakarami.

Kung bibilangin ko ito, mas marami pa kaysa sa buhangin. Sa aking paggising, akoʼy nasa inyo pa rin.

O Dios, patayin nʼyo sana ang masasama! Lumayo sana sa akin ang mga mamamatay-tao!

Nalalaman nʼyo kung ako ay nakaupo o nakatayo. Kahit na kayo ay nasa malayo, nalalaman nʼyo ang lahat ng aking iniisip.

Nagsasalita sila ng masama laban sa inyo. Binabanggit nila ang inyong pangalan sa walang kabuluhan.

Panginoon, kinamumuhian ko ang mga namumuhi sa inyo. Kinasusuklaman ko ang mga kumakalaban sa inyo.

Labis ko silang kinamumuhian; ibinibilang ko silang mga kaaway.

O Dios, siyasatin nʼyo ako, upang malaman nʼyo ang nasa puso ko. Subukin nʼyo ako, at alamin ang aking mga iniisip.

Tingnan nʼyo kung ako ay may masamang pag-uugali, at patnubayan nʼyo ako sa daang dapat kong tahakin magpakailanman.

Nakikita nʼyo ako habang akoʼy nagpapahinga o nagtatrabaho. Ang lahat ng ginagawa ko ay nalalaman ninyo.

Panginoon, hindi pa man ako nagsasalita ay alam nʼyo na ang aking sasabihin.

Lagi ko kayong kasama, at kinakalinga nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.

Ang pagkakilala nʼyo sa akin ay tunay na kahanga-hanga; hindi ko kayang unawain.

Mga Kawikaan 12:28

Ang matuwid na pamumuhay ay patungo sa buhay, at maililigtas ka nito sa kamatayan.

1 Pedro 3:15

Alalahanin nʼyo na si Cristo ang dapat ninyong parangalan at sundin. Dapat lagi kayong handang magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa pag-asa ninyo.

Roma 10:17

Sasampalataya lang ang tao kung maririnig niya ang mensahe tungkol kay Cristo, at maririnig lang niya ito kung may mangangaral sa kanya.

Mga Awit 25:12-13

Ang sinumang may takot sa inyo, Panginoon, ay turuan nʼyo po ng daan na dapat nilang lakaran.

Mabubuhay sila ng masagana, at ang kanilang lahi ay patuloy na maninirahan sa lupain na ipinangako ng Dios.

Mga Hebreo 4:12

Sapagkat buhay at mabisa ang salita ng Dios, at higit na matalas kaysa sa alinmang espadang magkabila ang talim. Tumatagos ito hanggang kaluluwaʼt espiritu, at hanggang sa kasu-kasuan at kaloob-looban ng buto. Nalalaman nito ang pinakamalalim na iniisip at hinahangad ng tao.

Genesis 1:31

Pinagmasdan ng Dios ang lahat niyang nilikha at lubos siyang nasiyahan. Lumipas ang gabi at dumating ang umaga. Iyon ang ikaanim na araw.

Mga Awit 139:15-16

Nakita nʼyo ang aking mga buto nang akoʼy lihim na hugisin sa loob ng sinapupunan ng aking ina.

Nakita nʼyo na ako, hindi pa man ako isinisilang. Ang itinakdang mga araw na akoʼy mabubuhay ay nakasulat na sa aklat nʼyo bago pa man mangyari.

Jeremias 1:5

“Jeremias, bago kita nilalang sa tiyan ng iyong ina, pinili na kita. At bago ka isinilang, hinirang na kita para maging propeta sa mga bansa.”

Mga Awit 22:10

Mula kapanganakan ko, nakadepende na ako sa inyo, at mula noon, kayo lang ang aking Dios.

Mga Awit 139:13

Kilala nʼyo ako, dahil kayo ang lumikha sa akin. Kayo ang humugis sa akin sa sinapupunan ng aking ina.

Isaias 49:15

Pero sumagot ang Panginoon, “Makakalimutan ba ng isang ina ang kanyang anak? Hindi ba niya pagmamalasakitan ang isinilang niyang sanggol? Maaaring makalimot ang isang ina, pero ako, hindi makalilimot sa inyo!

Job 31:15

Hindi baʼt ang Dios na lumikha sa akin ang siya ring Dios na lumikha sa aking mga alipin?

Mga Awit 127:5

Mapalad ang taong may maraming anak, dahil may tutulong sa kanya kapag humarap siya sa kanyang mga kaaway sa hukuman.

Roma 6:23

Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang kaloob ng Dios ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.

Exodus 20:13

“Huwag kayong papatay.

1 Juan 1:9

Ngunit kung ipinagtatapat natin sa Dios ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin niya ang ating mga kasalanan at lilinisin tayo sa lahat ng uri ng kasamaan dahil matuwid siya.

Panalangin sa Diyos

Bathala ng kaluwalhatian, sa ngalan ni Hesus, humihingi po ako ng kapatawaran sa pagnanasang naitanim sa aking puso na iwaksi ang batang ito na iyong hinuhubog sa aking sinapupunan. Lagyan mo po ako, Hesus, ng pananabik at pagkauhaw na hanapin ang iyong presensya at kalugdaan ka. Dalanginin mo po ang aking puso at pagalingin ang aking mga sugat. Ipinagkakatiwala ko sa iyong mga kamay ang batang ito na dumating sa aking buhay anuman ang dahilan. Isinasamo ko po, Panginoon, na ako'y iyong patnubayan at bigyan ng karunungan upang makagawa ng mabubuting desisyon ukol sa kanyang paglaki at paghubog. Punuin mo po ang aking puso ng pagmamahal at pag-aaruga sa kanya upang mapag-alagaan ko siya sa iyong tulong at paglalaan. Ilayo mo po ako sa pagnanasang wakasan ang kanyang buhay. Espiritu Santo, kailangan ko po ng iyong pag-aaliw at kapayapaan dahil pakiramdam ko'y di ko na kaya. Palayain mo po ako sa lahat ng kasamaan, sa lahat ng manipulasyon, at isara mo po ang aking mga tainga sa tinig ni satanas. Tulungan mo po akong mapanatili ang malalim na pakikipag-ugnayan sa iyo at magkaroon ng de-kalidad na oras sa iyong presensya, nagpupuyat at nag-aayuno sa lahat ng oras. Panginoon, hinihiling ko po na araw-araw mong paibayuhin sa akin ang iyong pag-ibig at ang alab na hanapin ka, anuman ang aking makita sa aking paligid, sapagkat nasusulat: "Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin." Linisin at dalanginin mo po ako upang mahalin ang batang ito. Sa ngalan ni Hesus, Amen.