Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


MGA TALATA TUNGKOL SA BISYO AT ADIKSIYON

MGA TALATA TUNGKOL SA BISYO AT ADIKSIYON

Nakakasira talaga ang mga adiksyon at bisyo. Parang pagkapit nang mahigpit sa isang gawain, bagay, aktibidad, o kahit tao na nakakasama na sa atin. Maraming Kristiyano ang nahihirapan dahil nakatali pa rin sa mga bisyo at adiksyon. Minsan, dala ito ng mga nakaraan nating karanasan.

Pero tandaan mo, kay Kristo, malaya na tayo! Patawad na tayo sa lahat ng ating mga kasalanan. Kung mananatili ka sa nakaraan, parang lalong lumalakas ang pagkagapos sa 'yo. Baka nga may ugat ito sa mga negatibong bagay na minana natin, at lumalabas kapag may "pinagbukasan" tayong daan para makapasok ang kaaway.

Kailangan mong talikuran ang mga bagay na nagpapaalipin sa 'yo sa adiksyon. Humingi ka ng tulong sa Espiritu Santo na ipakita sa 'yo kung saan ka pa nakatali. Tanggapin mo ang kapatawaran at pagpapagaling ng Diyos.

Nawa'y tulungan tayo ng Diyos na maging malaya sa lahat ng adiksyon at sa lahat ng bagay na nakakasira sa ating buhay. Sabi nga sa Juan 8:36, "Kung kayo'y pinalaya ng Anak, kayo'y tunay na magiging malaya."




Isaias 10:27

Sa araw na iyon, palalayain ko kayo mula sa kapangyarihan ng Asiria. Para kayong natanggalan ng mabigat na pasanin sa mga balikat nʼyo at ng pamatok na nagpapabigat sa leeg ninyo. Lalaya kayo mula sa kapangyarihan nila dahil magiging makapangyarihan kayo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 8:34

Sumagot si Jesus, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sinumang nagkakasala ay alipin ng kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 6:12

Maaaring may magsabi sa inyo ng ganito, “Pwede kong gawin ang kahit ano.” Totoo iyan, ngunit hindi lahat ng bagay ay nakakabuti sa inyo. Kaya kahit pwede kong gawin ang kahit ano, hindi naman ako paaalipin dito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 4:7

Kaya magpasakop kayo sa Dios. Labanan nʼyo ang diyablo at lalayo ito sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 5:17

Ang sinumang nakay Cristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao; binago na siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 8:36

Kaya kung ang Anak ng Dios ang magpapalaya sa inyo, talagang magiging malaya kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:13

Walang pagsubok na dumarating sa inyo na hindi naranasan ng ibang tao. Ngunit maaasahan natin ang pangako ng Dios na hindi niya tayo pababayaang subukin ng higit pa sa ating makakaya. Kaya kung dumaranas kayo ng pagsubok, gagawa siya ng paraan para mapagtagumpayan ninyo ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:14

Sa halip, paghariin ninyo sa inyong buhay ang Panginoong Jesu-Cristo, at huwag ninyong pagbigyan ang inyong makamundong pagnanasa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 18:2

Panginoon, kayo ang aking matibay na batong kanlungan at pananggalang. Kayo ang aking Tagapagligtas na nag-iingat sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 26:41

Magpuyat kayo at manalangin upang hindi kayo madaig ng tukso. Ang espirituʼy handang sumunod, ngunit mahina ang laman.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 23:1-4

Ang Panginoon ang aking pastol, hindi ako magkukulang ng anuman. Tulad ng tupa, pinagpapahinga niya ako sa masaganang damuhan, patungo sa tahimik na batisan akoʼy kanyang inaakay. Panibagong kalakasan akoʼy kanyang binibigyan. Pinapatnubayan niya ako sa tamang daan, upang siyaʼy aking maparangalan. Kahit dumaan ako sa pinakamadilim na libis, hindi ako matatakot dahil kayo ay aking kasama. Ang dala nʼyong pamalo ang sa akin ay nag-iingat; ang inyo namang tungkod ang gumagabay at nagpapagaan sa aking kalooban.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 2:16

Sapagkat ang lahat ng kamunduhan – ang masasamang hilig ng laman, ang pagnanasa sa mga nakikita ng mata, at ang anumang pagmamayabang sa buhay – ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa mundo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:7

Ipagkatiwala nʼyo sa kanya ang lahat ng kabalisahan nʼyo, dahil nagmamalasakit siya sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 30:2

Panginoon kong Dios, humingi ako ng tulong sa inyo, at pinagaling nʼyo ako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:4

Akoʼy nanalangin sa Panginoon at akoʼy kanyang sinagot. Pinalaya niya ako sa lahat ng aking takot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:5

Ipagkatiwala mo sa Panginoon ang lahat ng iyong ginagawa; magtiwala ka sa kanya at tutulungan ka niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:5-6

Magtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan. Alalahanin mo ang Panginoon sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:17-18

Tinutugon ng Panginoon ang panalangin ng mga matuwid, at inililigtas sila sa lahat ng mga suliranin. Malapit ang Panginoon sa mga may bagbag na puso, at tinutulungan niya ang mga nawawalan ng pag-asa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 51:10

Ilikha nʼyo ako ng busilak na puso, O Dios, at bigyan ako ng bagong espiritu na matapat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 86:5

Tunay na napakabuti nʼyo at mapagpatawad, at puno ng pag-ibig sa lahat ng tumatawag sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 41:10

Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 91:1-2

Ang sinumang nananahan sa piling ng Kataas-taasang Dios na Makapangyarihan ay kakalingain niya. walang kasamaan, kalamidad o anumang salot ang darating sa iyo o sa iyong tahanan. Dahil uutusan ng Dios ang kanyang mga anghel upang ingatan ka saan ka man magpunta. Bubuhatin ka nila upang hindi masugatan ang iyong mga paa sa bato. Tatapakan mo ang mga leon at mga makamandag na ahas. Sinabi ng Dios, “Ililigtas ko at iingatan ang umiibig at kumikilala sa akin. Kapag tumawag siya sa akin, sasagutin ko siya; sa oras ng kaguluhan, sasamahan ko siya. Ililigtas ko siya at pararangalan. Bibigyan ko siya ng mahabang buhay at ipapakita ko sa kanya ang aking pagliligtas.” Masasabi niya sa Panginoon, “Kayo ang kumakalinga sa akin at nagtatanggol. Kayo ang aking Dios na pinagtitiwalaan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:2-4

Pupurihin ko ang Panginoon, at hindi kalilimutan ang kanyang kabutihan. Purihin ninyo ang Panginoon, kayong makapangyarihan niyang mga anghel na nakikinig at sumusunod sa kanyang mga salita. Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na mga nilalang niya sa langit na naglilingkod sa kanya at sumusunod sa kanyang kalooban. Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na mga nilalang niya sa lahat ng dako na kanyang pinaghaharian. Purihin ang Panginoon! Pinatatawad niya ang lahat kong kasalanan, at pinagagaling ang lahat kong karamdaman. Inililigtas niya ako sa kapahamakan, at pinagpapala ng kanyang pag-ibig at habag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:13-14

Sa kanilang kagipitan, silaʼy tumawag sa Panginoon, at silaʼy kanyang iniligtas. Pinutol niya ang kanilang mga kadena at silaʼy kinuha niya sa napakadilim na piitan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:11

Ang salita nʼyo ay iningatan ko sa aking puso upang hindi ako magkasala sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:3

Pinagagaling niya ang mga pusong nabigo, at ginagamot ang kanilang mga sugat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 4:23

Higit sa lahat, ingatan mo ang iyong isipan, sapagkat kung ano ang iyong iniisip iyon din ang magiging buhay mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:27-28

Kung maglalaro ka ng apoy sa iyong kandungan tiyak na masusunog ang damit mo. At kung tatapak ka sa baga, mapapaso ang mga paa mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:1

Ang sobrang pag-inom ng alak ay nagbubunga ng panunuya at kaguluhan, kaya ang taong naglalasing ay salat sa karunungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:19-21

Anak, pakinggan mo ang itinuturo ko sa iyo. Maging matalino ka at sundin mo ang tamang daan. Kung palakain ka, pigilan mo ang iyong sarili. Huwag kang gumaya sa mga lasenggo at matakaw sa pagkain, dahil ang gaya nila ay hahantong sa kahirapan. Tulog lang sila ng tulog, kaya sa bandang huli ay magdadamit na lang sila ng basahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:29-32

Sino ang may matinding problema? Sino ang mahilig sa away? Sinong mareklamo? Sinong nasugatan na dapat sana ay naiwasan? At sino ang may mga matang namumula? Huwag kang magnanasa sa mga pagkaing kanyang inihanda, dahil baka iyon ay pain lang sa iyo. Sino pa kundi ang mga lasenggong sugapa sa ibaʼt ibang klase ng alak! Huwag kang matakam sa alak na napakagandang tingnan sa isang baso at tila masarap. Kapag nalasing ka, sasama ang iyong pakiramdam na parang tinuklaw ka ng makamandag na ahas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 25:28

Ang taong walang pagpipigil sa sarili ay madaling bumagsak gaya ng isang bayan na walang pader.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 26:3-4

Panginoon, bigyan nʼyo nang lubos na kapayapaan ang taong kayo lagi ang iniisip dahil nagtitiwala siya sa inyo. Magtiwala kayong lagi sa Panginoon, dahil siya ang ating Bato na kanlungan magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:29-31

Pinalalakas niya ang mga nanghihina at ang mga napapagod. May tagapagbalitang sumisigaw na nangangaral sa mga tao, “Ihanda ninyo ang daan sa ilang para sa Panginoon. Gawin ninyong matuwid ang daan na dadaanan ng ating Dios. Kahit ang mga kabataan ay napapagod, nanlulupaypay at nabubuwal, ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon ay muling magkakaroon ng lakas. Lilipad sila na gaya ng isang agila. Tumakbo man sila ay hindi mapapagod. Lumakad man sila ay hindi manghihina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 41:13

Sapagkat ako ang Panginoon na iyong Dios. Ako ang nagpapalakas sa iyo at nagsasabing huwag kang matatakot dahil tutulungan kita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 43:1-2

Pero ito ngayon ang sinasabi ng Panginoong lumikha sa iyo, O Israel: “Huwag kang matakot dahil ililigtas kita. Tinawag kita sa pangalan mo, at ikaw ay akin. Mga mamamayan ng Israel, kayo ang aking mga saksi. Pinili ko kayong maging mga lingkod ko, para makilala ninyo ako at magtiwala kayo sa akin, at para maunawaan ninyo na ako lamang ang Dios. Walang ibang Dios na nauna sa akin, at wala ring Dios na susunod pa sa akin. Ako lang ang Panginoon at maliban sa akin ay wala nang iba pang Tagapagligtas. Nagpahayag ako na ililigtas ko kayo, at tinupad ko nga ito. Walang ibang Dios na gumawa nito sa inyo, kayo ang mga saksi ko.” Sinabi pa ng Panginoon, “Ako ang Dios. Mula pa noon ako na ang Dios. Walang makakatakas sa aking mga kamay. Walang makakapagbago ng mga ginagawa ko.” Ito ang sinasabi ng Panginoon ninyong Tagapagligtas, ang Banal na Dios ng Israel, “Para maligtas kayo, ipapasalakay ko ang Babilonia sa mga sundalo ng isang bansa, at tatakas sila sa pamamagitan ng mga barkong kanilang ipinagmamalaki. Ako ang Panginoon, ang inyong Banal na Dios, ang lumikha sa Israel, ang inyong Hari. Ako ang Panginoon na gumawa ng daan sa gitna ng dagat. Tinipon ko ang mga karwahe, mga kabayo, at mga sundalo ng Egipto, at winasak sa gitna ng dagat at hindi na sila nakabangon pa. Para silang ilaw na namatay. Pero huwag na ninyong iisipin pa ang nakaraan, dahil bagong bagay na ang gagawin ko. Itoʼy nangyayari at nakikita na ninyo. Gagawa ako ng daan at mga bukal sa disyerto. Kapag dumaan ka sa tubig, akoʼy kasama mo. Kapag tatawid ka ng mga ilog, hindi ka malulunod. Kapag dumaan ka sa apoy, hindi ka masusunog; at ang liyab nito ay hindi makakapinsala sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 44:22

Ang mga kasalanan moʼy parang ulap o ambon na pinaglaho ko na. Manumbalik ka sa akin para mailigtas kita.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 53:5

Ang totoo, sinugatan siya dahil sa ating mga pagsuway; binugbog siya dahil sa ating kasamaan. Ang parusang tiniis niya ang naglagay sa atin sa magandang kalagayan. At dahil sa mga sugat niya ay gumaling tayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 58:6

Ang ayunong makapagpapalugod sa akin ay ang ayunong may kasamang matuwid na pag-uugali. Tigilan ninyo ang paggawa ng kasamaan, pairalin nʼyo na ang katarungan, palayain ninyo ang mga inaalipin at ang inaapi ay inyong tulungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 17:14

Panginoon, pagalingin nʼyo po ako at gagaling ako; iligtas nʼyo po ako at maliligtas ako. At kayo lang ang tangi kong pupurihin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 29:11

Alam ko kung paano ko tutuparin ang mga plano ko para sa kabutihan nʼyo at hindi sa kasamaan nʼyo, at plano para bigyan kayo ng pag-asa na magkaroon kayo ng mabuting kinabukasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 36:26-27

Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. At ang matitigas ninyong puso ay magiging pusong masunurin. Ibibigay ko rin sa inyo ang aking Espiritu para maingat ninyong masunod ang mga utos koʼt mga tuntunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 7:8

Sinabi ng mga Israelita, “Hindi tayo dapat kutyain ng ating mga kaaway. Kahit na nadapa tayo, muli tayong babangon. At kahit na nasa kadiliman tayo, ang Panginoon ang ating ilaw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:13

At huwag nʼyo kaming hayaang matukso kundi iligtas nʼyo po kami kay Satanas. [Sapagkat kayo ang Hari, ang Makapangyarihan at Dakilang Dios magpakailanman!]’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:33

Kaya unahin ninyo ang mapabilang sa kaharian ng Dios at ang pagsunod sa kanyang kalooban, at ibibigay niya ang lahat ng pangangailangan ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 11:28-30

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. Sundin ninyo ang mga utos ko at matuto kayo sa akin, dahil mabait ako at mababang-loob. Makakapagpahinga kayo, upang tanungin si Jesus, “Kayo na po ba ang inaasahan naming darating o maghihintay pa kami ng iba?” dahil madaling sundin ang aking mga utos, at magaan ang aking mga ipinapagawa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 5:34

Pagkatapos, sinabi sa kanya ni Jesus, “Anak, pinagaling ka ng iyong pananampalataya. Umuwi kang mapayapa. Magaling ka na.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:37

Sapagkat walang imposible sa Dios.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 4:18

“Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon, dahil pinili niya ako upang ipangaral sa mga dukha ang Magandang Balita. Sinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag na malaya na sila, at sa mga bulag na makakakita na sila. Sinugo rin niya ako upang palayain ang mga inaapi,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 18:27

Sumagot si Jesus, “Ang imposible sa tao ay posible sa Dios.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 3:16-17

“Sapagkat ganito ang pag-ibig ng Dios sa mga tao sa sanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang Bugtong na Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat hindi sinugo ng Dios ang kanyang Anak dito sa mundo upang hatulan ng parusa ang mga tao, kundi upang iligtas sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 8:12

Muling nagsalita si Jesus sa mga tao, “Ako ang ilaw ng mundo. Ang sumusunod sa akin ay hindi na mamumuhay sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw na nagbibigay-buhay.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 8:32

Malalaman ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 10:10

Dumarating ang magnanakaw para lang magnakaw, pumatay at mangwasak. Ngunit dumating ako upang magkaroon ang mga tao ng buhay na ganap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 14:6

Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakarating sa Ama kung hindi sa pamamagitan ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 14:27

“Huwag kayong mabagabag, at huwag kayong matakot, dahil iniiwan ko sa inyo ang kapayapaan. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo. Hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 15:5

“Ako ang puno ng ubas, at kayo ang aking mga sanga. Ang taong nananatili sa akin at ako rin sa kanya ay mamumunga nang marami. Sapagkat wala kayong magagawa kung hiwalay kayo sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 16:33

Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito para magkaroon kayo ng kapayapaan sa akin. Daranas kayo ng paghihirap dito sa mundo, pero magpakatatag kayo dahil nagtagumpay na ako laban sa kapangyarihan ng mundo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 5:8

Pero ipinakita ng Dios sa atin ang kanyang pag-ibig sa ganitong paraan: Kahit noong tayoʼy makasalanan pa, namatay si Cristo para sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:6

Alam natin na ang dati nating pagkatao ay ipinako na sa krus kasama ni Cristo para mamatay, kaya hindi na tayo dapat alipinin pa ng kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:12-13

Huwag na ninyong paghariin ang kasalanan sa inyong katawang may kamatayan, para hindi na ninyo sundin ang masasamang hilig nito. Huwag na ninyong gamitin ang alin mang bahagi ng inyong katawan sa paggawa ng kasalanan. Sa halip, ialay ninyo ang inyong sarili sa Dios bilang mga taong binigyan ng bagong buhay. Ilaan ninyo sa Dios ang inyong katawan sa paggawa ng kabutihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:16-18

Hindi nʼyo ba alam na alipin tayo ng anumang sinusunod natin? Kaya kung sinusunod natin ang kasalanan, alipin tayo ng kasalanan at ang dulot nitoʼy kamatayan. Pero kung sumusunod tayo sa Dios, mga alipin tayo ng Dios at ang dulot nitoʼy katuwiran. Noong una, alipin kayo ng kasalanan. Pero salamat sa Dios dahil ngayon, buong puso ninyong sinusunod ang mga aral na itinuro sa inyo. Pinalaya na kayo sa kasalanan at ngayoʼy mga alipin na kayo ng katuwiran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:1-2

Kaya ngayon, hindi na hahatulan ng kaparusahan ang mga nakay Cristo Jesus. Pero dahil nasa inyo na si Cristo, mamatay man ang katawan nʼyo dahil sa kasalanan, buhay naman ang inyong espiritu dahil itinuring na kayong matuwid ng Dios. At dahil nasa inyo na ang Espiritu ng Dios na muling bumuhay kay Jesu-Cristo, siya rin ang magbibigay ng buhay sa inyong mga katawang may kamatayan. Gagawin niya ito sa pamamagitan ng kanyang Espiritung nananahan sa inyo. Kaya nga mga kapatid, hindi tayo dapat mamuhay ayon sa ating makasalanang pagkatao. Sapagkat mamamatay kayo kapag namuhay kayo ayon sa inyong makasalanang pagkatao. Pero mabubuhay kayo kung susupilin ninyo ang inyong makasalanang pagkatao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Ang mga taong pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios ay mga anak ng Dios. At ang Espiritu na tinanggap ninyo ay hindi kayo inalipin upang muling matakot, sa halip ginawa kayong mga anak ng Dios. Ngayon, sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, matatawag na ninyong “Ama” ang Dios. Ang Banal na Espiritu at ang ating espiritu ay parehong nagpapatunay na tayoʼy mga anak ng Dios. At bilang mga anak, mga tagapagmana tayo ng Dios at kasama ni Cristo na magmamana ng mga pagpapalang inilaan niya. Sapagkat kung magtitiis tayo kagaya ni Cristo noon, darating ang araw na pararangalan din tayong kasama niya. Para sa akin, ang mga paghihirap sa buhay na ito ay hindi maihahambing sa napakagandang kalagayan na mapapasaatin balang araw. Maging ang buong nilikha ay sabik na naghihintay na ihayag ng Dios ang mga anak niya. Sapagkat sa pakikipag-isa natin kay Cristo Jesus, pinalaya na tayo sa kapangyarihan ng kasalanan at kamatayan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu na nagbibigay-buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:6

Ang kahihinatnan ng pagsunod sa nais ng makasalanang pagkatao ay kamatayan, pero ang kahihinatnan ng pagsunod sa nais ng Banal na Espiritu ay kapayapaan at buhay na walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:11

At dahil nasa inyo na ang Espiritu ng Dios na muling bumuhay kay Jesu-Cristo, siya rin ang magbibigay ng buhay sa inyong mga katawang may kamatayan. Gagawin niya ito sa pamamagitan ng kanyang Espiritung nananahan sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:28

Alam natin na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Dios para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:1-2

Kaya nga mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo alang-alang sa maraming pagkakataong kinaawaan tayo ng Dios, ibigay ninyo sa kanya ang inyong mga sarili bilang mga handog na buhay, banal at kalugod-lugod sa kanya. Ito ang tunay na pagsamba sa kanya. Magmahalan kayo bilang magkakapatid kay Cristo at maging magalang sa isaʼt isa. Huwag kayong maging tamad kundi magpakasipag at buong pusong maglingkod sa Panginoon. At dahil may pag-asa kayo sa buhay, magalak kayo. Magtiis kayo sa mga paghihirap at laging manalangin. Tulungan ninyo ang mga pinabanal ng Dios na nangangailangan, at patuluyin ninyo sa inyong mga tahanan ang walang matutuluyan. Idalangin ninyo sa Dios na pagpalain ang mga taong umuusig sa inyo. Pagpalain ninyo sila sa halip na sumpain. Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makiramay kayo sa mga naghihinagpis. Mamuhay kayo nang mapayapa sa isaʼt isa. Huwag kayong magmataas, sa halip ay makipagkaibigan kayo sa mga taong mababa ang kalagayan. Huwag kayong magmarunong. Huwag ninyong gantihan ng masama ang mga gumagawa sa inyo ng masama. Gawin ninyo ang mabuti sa paningin ng lahat. Hanggaʼt maaari, mamuhay kayo nang mapayapa sa lahat ng tao. Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti. Ipaubaya ninyo iyan sa Dios. Sapagkat sinabi ng Panginoon sa Kasulatan, “Ako ang maghihiganti; ako ang magpaparusa.” Huwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Hayaan ninyong baguhin kayo ng Dios sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip, para malaman ninyo ang kalooban ng Dios – kung ano ang mabuti, ganap, at kalugod-lugod sa kanyang paningin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:12-14

Mag-uumaga na, kaya iwanan na natin ang mga gawain ng kadiliman at isuot na ang kabutihan bilang panlaban nating mga nasa liwanag. Mamuhay tayo nang marangal dahil tayo ay nasa liwanag na. Huwag nating gawin ang paglalasing, magugulong kasiyahan, sekswal na imoralidad, kalaswaan, ang pag-aaway, at inggitan. Sa halip, paghariin ninyo sa inyong buhay ang Panginoong Jesu-Cristo, at huwag ninyong pagbigyan ang inyong makamundong pagnanasa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 6:19-20

Hindi baʼt ang katawan ninyo ay templo ng Banal na Espiritung nasa inyo at tinanggap ninyo mula sa Dios? Kung ganoon, ang katawan ninyoʼy hindi sa inyo kundi sa Dios, Hindi nʼyo ba alam na sa mga huling araw tayong mga banal ang hahatol sa mga tao sa mundo? At kung kayo ang hahatol sa mga tao sa mundo, wala ba kayong kakayahang hatulan ang maliliit na bagay na iyan? dahil tinubos kayo ng Dios sa napakalaking halaga. Kaya gamitin ninyo ang inyong katawan sa paraang ikapupuri ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 15:33

Huwag kayong palilinlang sa kasabihang iyan. Sa halip, ito ang inyong paniwalaan: “Ang masasamang kasamaʼy nakakasira ng mabuting ugali.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 6:16-18

Hindi maaaring magsama ang mga dios-diosan at ang Dios sa iisang templo. At tayo ang templo ng Dios na buhay! Gaya ng sinabi ng Dios, “Mananahan akoʼt mamumuhay sa kanilang piling. Akoʼy magiging Dios nila, at silaʼy magiging mga taong sakop ko. Kaya lumayo kayo at humiwalay sa kanila. Layuan ninyo ang itinuring na marumi at tatanggapin ko kayo. At akoʼy magiging Ama ninyo, at kayo namaʼy magiging mga anak ko. Ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ang nagsasabi nito.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 10:3-5

Kahit na namumuhay kami rito sa mundo, hindi kami nakikipaglaban sa mga kumokontra sa katotohanan nang ayon sa pamamaraan ng mundo. Sa halip, ang kapangyarihan ng Dios ang aming armas. Iyon ang aming ginagamit na panlaban sa mga maling pangangatwiran ng mga taong mapagmataas at ayaw maniwala sa mga turo ng Dios. Sinisira namin ang kanilang maling pangangatwiran na tulad ng matibay na pader na humahadlang sa kanila na makilala ang Dios. Kinukumbinsi namin silang sundin ang mga utos ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 2:20

Namatay akong kasama ni Cristo sa krus. Hindi na ako ang nabubuhay sa aking sarili, kundi si Cristo na. Ipinapamuhay ko ang buhay kong ito sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Dios na nagmahal sa akin at nag-alay ng buhay niya para sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:1

Pinalaya tayo ni Cristo sa ilalim ng Kautusan. Kaya manindigan kayo sa pananampalataya nʼyo at huwag na kayong magpaaliping muli.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:16

Kaya mamuhay kayo nang ayon sa nais ng Banal na Espiritu para hindi ninyo mapagbigyan ang pagnanasa ng laman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:19-21

Ang mga taong sumusunod sa ninanasa ng laman ay makikilala sa gawa nila: sekswal na imoralidad, kalaswaan, kahalayan, Tandaan nʼyo ang sinasabi ko: Ako mismong si Pablo ang nagsasabi sa inyo na kung magpapatuli kayo para maging katanggap-tanggap sa Dios, mawawalan ng kabuluhan ang ginawa ni Cristo para sa inyo. pagsamba sa mga dios-diosan, pangkukulam, pagkapoot, pag-aaway-away, pagkasakim, pagkagalit, pagkakawatak-watak, pagkakahati-hati, pagkainggit, paglalasing, pagkahilig sa kalayawan, at iba pang kasamaan. Binabalaan ko kayo tulad ng ginawa ko na noon: Ang mga namumuhay nang ganito ay hindi mapapabilang sa kaharian ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:22-23

Ngunit ito ang bungang makikita sa taong namumuhay sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu: pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabutihan, kagandahang-loob, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Kung ganito ang pamumuhay natin hindi natin malalabag ang mga utos ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:22-24

Kaya talikuran nʼyo na ang dati ninyong pamumuhay dahil gawain ito ng dati ninyong pagkatao. Ang pagkataong ito ang siyang nagpapahamak sa inyo dahil sa masasamang hangarin na dumadaya sa inyo. Baguhin nʼyo na ang inyong pag-iisip at pag-uugali. Ipakita nʼyong binago na kayo ng Dios at binigyan ng buhay na matuwid at banal katulad ng sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:8

Dati, namumuhay kayo sa kadiliman, pero ngayon ay naliwanagan na kayo dahil kayo ay nasa Panginoon na. Kaya ipakita sa pamumuhay nʼyo na naliwanagan na kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:18

Huwag kayong maglalasing dahil nakakasira ito ng maayos na pamumuhay. Sa halip, hayaan ninyong mapuspos kayo ng Banal na Espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 6:10-11

At bilang pangwakas, magpakatatag kayo sa Panginoon sa pamamagitan ng dakila niyang kapangyarihan. Gamitin nʼyo ang lahat ng kagamitang pandigma na ibinigay sa inyo ng Dios para malabanan nʼyo ang mga lalang ng diyablo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 1:6

Natitiyak kong ipagpapatuloy ng Dios ang mabuting gawain na sinimulan niya sa inyo hanggang sa araw ng pagbabalik ni Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:13

Sapagkat ang Dios ang siyang nagbibigay sa inyo ng pagnanais at kakayahang masunod nʼyo ang kalooban niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:6-7

Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Sa halip, ilapit sa Dios ang lahat ng pangangailangan nʼyo sa pamamagitan ng panalangin na may pasasalamat. Kapag ginawa nʼyo ito, bibigyan kayo ng Dios ng kapayapaan na siyang mag-iingat sa puso ninyo at pag-iisip dahil kayoʼy nakay Cristo Jesus. At ang kapayapaang ito ay hindi kayang unawain ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:8

Bukod diyan, mga kapatid, lagi ninyong isaisip ang mga bagay na mabuti at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, maganda, at kanais-nais.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:13

Kaya kong harapin ang kahit anong kalagayan sa pamamagitan ng tulong ni Cristo na nagpapatatag sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:13-14

Iniligtas niya tayo mula sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat tayo sa kaharian ng minamahal niyang Anak. At sa pamamagitan ng kanyang Anak, tinubos niya tayo, na ang ibig sabihin ay pinatawad na ang ating mga kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:5

Kaya patayin nʼyo na ang anumang kamunduhang nasa inyo: ang sekswal na imoralidad, kalaswaan, pagnanasa, at kasakiman na katumbas na rin ng pagsamba sa mga dios-diosan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 4:3-4

Nais ng Dios na maging banal kayo, kaya lumayo kayo sa sekswal na imoralidad. Dapat ay matutong makitungo ang bawat isa sa asawa niya sa banal at marangal na pamamaraan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:6-8

Kaya nga, huwag tayong maging pabaya katulad ng iba na natutulog, kundi maging handa at mapagpigil sa sarili. Sapagkat ang taong namumuhay sa kadiliman ay katulad ng taong pabaya na natutulog o katulad ng lasing na walang pagpipigil sa sarili. Pero dahil namumuhay na tayo sa liwanag, dapat ay may pagpipigil tayo sa sarili. Gawin natin bilang panangga sa dibdib ang pananampalataya at pag-ibig, at bilang helmet naman ang pag-asa natin sa pagliligtas sa atin ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:22-23

at iwasan ang lahat ng uri ng kasamaan. Pakabanalin nawa kayong lubos ng Dios na siyang nagbibigay ng kapayapaan. At nawaʼy panatilihin niyang walang kapintasan ang buo ninyong pagkatao – ang espiritu, kaluluwa at katawan – hanggang sa pagbabalik ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 6:6

Kung sabagay, daig pa ng taong namumuhay nang banal at kontento na sa kalagayan ang mayaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 1:7

Sapagkat hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng kaduwagan, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at disiplina sa sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 2:22

Kaya iwasan mo ang masasamang hilig ng kabataan. Pagsikapan mong mamuhay nang matuwid, tapat, mapagmahal at may mabuting pakikitungo sa kapwa, kasama ng mga tumatawag sa Panginoon nang may malinis na puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Tito 2:12

Ito ang nagtuturo sa atin na talikuran ang kasamaan at makamundong pagnanasa. Kaya mamuhay tayo sa mundong ito nang maayos, matuwid at makadios

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 2:18

At dahil siya mismo ay nakaranas ng paghihirap nang tinukso siya, matutulungan niya ang mga dumaranas ng tukso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 4:15-16

Nadarama rin ng ating punong pari ang lahat ng kahinaan natin, dahil naranasan din niya ang lahat ng pagsubok na dumarating sa atin, pero hindi siya nagkasala. Kaya huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng maawaing Dios para matanggap natin ang awa at biyayang makakatulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:23

Magpakatatag tayo sa pag-asa natin at huwag tayong mag-alinlangan, dahil tapat ang Dios na nangako sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:1-2

Napapaligiran tayo ng maraming tao na nagpapatotoo tungkol sa pananampalataya nila sa Dios. Kaya talikuran na natin ang kasalanang pumipigil sa atin at alisin ang anumang hadlang sa pagtakbo natin. Buong tiyaga tayong magpatuloy sa takbuhing itinakda ng Dios para sa atin. Sa maikling panahon, dinidisiplina tayo ng mga ama natin dito sa lupa ayon sa inaakala nilang mabuti. Ngunit ang pagdidisiplina ng Dios ay laging para sa ikabubuti natin upang maging banal tayong gaya niya. Habang dinidisiplina tayo, hindi tayo natutuwa kundi nasasaktan. Ngunit ang ibubunga naman nito sa bandang huli ay ang mapayapa at matuwid na pamumuhay. Kaya palakasin ninyo ang sarili nʼyo at patibayin ang inyong loob. Lumakad kayo sa matuwid na daan upang ang mga kapatid na sumusunod sa inyo, na mahihina ang pananampalataya, ay hindi matisod at mapilayan kundi lumakas. Pagsikapan ninyong mamuhay nang may mabuting relasyon sa lahat ng tao, at magpakabanal kayo. Sapagkat kung hindi banal ang pamumuhay nʼyo, hindi nʼyo makikita ang Panginoon. Ingatan nʼyo na walang sinuman sa inyo ang tatalikod sa biyaya ng Dios. At huwag ninyong hayaang umiral ang samaan ng loob sa inyo at marami ang madamay. Ingatan din ninyo na walang sinuman sa inyo ang gagawa ng sekswal na imoralidad o mamumuhay nang gaya ni Esau, na hindi pinahalagahan ang mga espiritwal na bagay, dahil ipinagpalit niya ang karapatan niya bilang panganay sa isang kainan. At alam nʼyo na rin na pagkatapos ay hiningi ni Esau sa kanyang ama ang pagpapalang nauukol sa panganay, pero tinanggihan siya. Sapagkat hindi na mababago ang ginawa niya anumang pagsisikap at pag-iyak ang gawin niya. Ang paglapit nʼyo sa Dios ay hindi katulad ng paglapit ng mga Israelita noon. Lumapit sila sa isang bundok na nakikita nila –  ang Bundok ng Sinai na may nagliliyab na apoy, may kadiliman at malakas na hangin. Nakarinig din sila ng tunog ng trumpeta at boses ng nagsasalita. At nang marinig nila ang boses na iyon, nagmakaawa silang huwag na itong magsalita pa sa kanila Ituon natin ang ating paningin kay Jesus na siyang sandigan ng pananampalataya natin mula sa simula hanggang sa katapusan. Tiniis niya ang paghihirap sa krus at hindi niya ito ikinahiya, dahil inisip niya ang kaligayahang naghihintay sa kanya. At ngayon nga ay nakaupo na siya sa kanan ng trono ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:5

Kung mayroon mang nagkukulang sa inyo sa karunungan, humingi siya sa Dios at ibibigay ito sa kanya nang walang pagmamaramot at panunumbat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:12

Mapalad ang taong nananatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok dahil pagkatapos niyang mapagtagumpayan ang mga ito, tatanggapin niya bilang gantimpala ang buhay na walang hanggan, na ipinangako ng Dios sa mga nagmamahal sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:13-15

Kung dumaranas ng tukso ang isang tao, hindi niya dapat isiping galing ito sa Dios, dahil hindi maaaring matukso ang Dios sa kasamaan, at hindi rin siya nanunukso sa kahit kanino. Natutukso ang isang tao kapag nahihikayat siya at nadadala ng sariling pagnanasa. At kung susundin niya ang pagnanasa niya, magbubunga ito ng kasalanan; at kung magpapatuloy siya sa kasalanan, hahantong ito sa kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:13-16

Kaya lagi kayong maging handa na gawin ang kalooban ng Dios. Magpakatatag kayo at lubos na umasa na matatanggap nʼyo ang mga pagpapalang ibibigay sa inyo kapag dumating na si Jesu-Cristo. Bilang masunuring mga anak ng Dios, huwag kayong padadala sa masasamang hilig ninyo noong hindi pa kayo nakakakilala sa Dios. Banal ang Dios na tumawag sa inyo, kaya dapat magpakabanal din kayo sa lahat ng ginagawa ninyo. Sapagkat sinasabi ng Dios sa Kasulatan, “Magpakabanal kayo dahil banal ako.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:8-9

Humanda kayo at mag-ingat, dahil ang kaaway ninyong si Satanas ay umaali-aligid na parang leong umaatungal at naghahanap ng malalapa. Patatagin ninyo ang inyong pananampalataya sa Dios at labanan ninyo si Satanas. Alalahanin ninyong hindi lang kayo ang naghihirap kundi pati ang mga kapatid nʼyo kay Cristo sa buong mundo. Nararanasan din nila ang mga paghihirap na ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 1:9

Ngunit kung ipinagtatapat natin sa Dios ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin niya ang ating mga kasalanan at lilinisin tayo sa lahat ng uri ng kasamaan dahil matuwid siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Dakila at walang hanggang Diyos, Kataas-taasang Panginoon! Pinupuri ka po namin dahil Ikaw ay Makatarungan, Banal, at karapat-dapat sa lahat ng papuri at pagsamba. Ama naming nasa langit, hinihiling ko po na baguhin Mo ang aking buhay dahil ako po ay natutukso ng mga bisyo. Ipaintindi Mo po sa akin na sa Iyo ko lamang matatagpuan ang bagong buhay. Hinihiling ko po na tupukin ng apoy ng Iyong Espiritu Santo ang lahat ng karumihan sa akin, at nawa'y matigil na ang pagsira ng droga sa sangkatauhan. Ama naming nasa langit, dumaraing po ako sa Iyo, inaamin na Ikaw lamang ang may kapangyarihang magbago at magpanibago ng aking buhay para sa ikabubuti at magpakailanman. Tulungan Mo po akong maging matatag laban sa aking mga kahinaan, at nawa'y bigyan Mo ako ng lakas upang malampasan ko itong adiksyon at maisaayos ko ang aking buhay. Sa Iyong patnubay, nawa'y maibalik ko ang aking kalusugan, kabuhayan, at pamilya. Sabi nga po sa Iyong salita, "Wala pang dumating na tukso sa inyo na hindi nararanasan ng lahat ng tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya kayo hahayaang subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, kasama ng tukso ay gagawa rin siya ng paraan para ito malampasan ninyo upang kayo'y magtiis." Bigyan Mo po ako ng disiplina sa sarili at ilayo Mo ako sa masasamang impluwensya na nagtutulak sa akin upang mahulog sa tukso ng bisyo, dahil tunay na ang masasamang kasama ay sumisira ng mabubuting gawi. Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas