Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


112 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Murmuration

112 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Murmuration

Alam mo, nakakatuwa talaga sa puso ng Diyos kapag iniingatan natin ang ating mga iniisip at binubuka ang ating mga labi para sambahin Siya. Gustung-gusto Niyang ikinukwento natin ang Kanyang mga kababalaghan at di mabilang na mga gawa. Pero hindi Niya kailanman ikinalulugod ang mga sinungaling na labi at ang dilang nagsasabi ng kasinungalingan.

Nalulungkot ang Diyos kapag nakakarinig Siya ng paninirang-puri at mga masasamang salita laban sa kapwa. Kasuklam-suklam daw ito sa Kanya. Isipin mo, ang tsismis, awayan, pagkakawatak-watak, pagmumura at pagrereklamo, parang gapos sa atin na mahirap tanggalin. Kadalasan, nangyayari ito kapag hindi natin pinapakain ang ating espiritu sa salita ng Diyos at hinahayaan nating maimpluwensyahan tayo ng kaaway.

Napakalakas ng dila natin. Kaya nitong magpala, kaya rin nitong manira. Kaya dapat talaga nating bantayan ang ating mga sinasabi. Kung nagkasala tayo sa pamamagitan ng paninirang-puri, humingi tayo ng tawad sa Diyos at talikuran na natin ito. Mahalaga ito para sa ating kaligtasan.

Gusto ng Diyos na maging instrumento tayo ng pagpapala sa iba. Nais Niya na ang ating mga salita ay maging parang banayad na simoy ng hangin sa kaluluwa ng kapwa. Kaya dapat nating talikuran ang pagrereklamo at hilingin kay Jesus na hugasan tayo ng Kanyang dugo. Lumayo tayo sa kasamaan at ingatan ang ating mga salita. Matuto rin tayong tumahimik kapag kinakailangan.

Maging mabuting impluwensya tayo sa mga nakapaligid sa atin. Ipakita natin ang pagkakaiba ng isang Kristiyano sa pamamagitan ng ating mga salita at gawa. Tandaan natin, kaya nating gawin ang lahat sa pamamagitan ni Cristo na nagpapalakas sa atin.




Roma 1:30

at mapanirang-puri. Napopoot sila sa Dios, mga walang galang at mapagmataas. Naghahanap sila ng magagawang masama, at suwail sa mga magulang nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:1

“Huwag kayong magbabalita ng kasinungalingan. Huwag kayong magsisinungaling para tumulong sa isang taong masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 2:16

Iwasan mo ang makamundo at walang kwentang usap-usapan, dahil lalo lang napapalayo sa Dios ang mga gumagawa nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 26:20

Namamatay ang apoy kung ubos na ang panggatong, natitigil ang away kung wala ng tsismisan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 50:19

Lagi kayong nagsasalita ng masama at kay dali para sa inyong magsinungaling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:9

Sinisira ng hindi makadios ang kapwa niya sa pamamagitan ng kanyang mga salita. Ang taong matuwid ay maililigtas ng kanyang kaalaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:18

Ang nagkikimkim ng galit ay sinungaling, at ang naninira sa kanyang kapwa ay hangal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:29

Huwag kayong magsasalita ng masama kundi iyong makabubuti at angkop sa sitwasyon para maging kapaki-pakinabang sa nakakarinig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 16:7-8

at bukas ng umaga, makikita ninyo ang makapangyarihang presensya ng Panginoon. Sapagkat narinig niya ang mga reklamo ninyo. Sino ba kami para sa amin kayo magreklamo?” Sinabi pa ni Moises, “Bibigyan kayo ng Panginoon ng karne na kakainin ninyo sa gabi at bubusugin niya kayo ng tinapay sa umaga, dahil narinig niya ang pagrereklamo ninyo sa kanya. Hindi kayo nagrereklamo sa amin kundi sa Panginoon. Sino ba kami para sa amin kayo magreklamo?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:28

Ang taong nanlilibak ng kapwa ay nagsisimula ng away, at ang matalik na magkaibigan ay kanyang pinaghihiwalay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 18:8

Ang tsismis ay gaya ng pagkaing masarap nguyain at lunukin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 3:8

Pero walang taong nakakagawa nito sa dila. Wala itong tigil sa kasamaan at puno ng lasong nakamamatay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Tito 3:2

Huwag nilang siraan ang sinuman, at huwag silang maging palaaway, sa halip, dapat silang maging maunawain at mapagpakumbaba sa lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:13

Ang mga taong madaldal ay nagsisiwalat ng sikreto ng iba, ngunit ang taong mapagkakatiwalaan ay nakakapagtago ng sikreto ng iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:4

Ang taong masama ay gustong makinig sa kapwa niya masama, at ang taong sinungaling ay gustong makinig sa kapwa niya sinungaling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:13

iwasan ninyo ang masamang pananalita at pagsisinungaling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 14:27

“Hanggang kailan pa ba ang pagrereklamo sa akin ng masasamang mamamayang ito? Narinig ko ang mga reklamo ng mga Israelita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 19:16

Huwag kayong magtsitsismisan tungkol sa inyong kapwa. Huwag kayong magsasalita o gagawa ng anumang makasisira sa inyong kapwa. Ako ang Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 106:25

Nagsipagreklamo sila sa loob ng kanilang mga tolda at hindi sumunod sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:19

Ang taong masalita nagbubunyag ng sikreto, kaya iwasan mo ang ganyang uri ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:23

Ang taong nag-iingat sa kanyang mga sinasabi ay nakakaiwas sa gulo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:14

Gawin nʼyo ang lahat nang walang reklamo o pagtatalo,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:4

Ang malumanay na pananalita ay nakapagpapasigla ng kalooban ng tao, ngunit ang masakit na salita ay nakakasugat ng puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 15:2-3

Sumagot ang Panginoon, “Ang taong namumuhay ng tama, walang kapintasan at taos-pusong nagsasabi ng katotohanan, hindi naninirang puri, at hindi nagsasalita at gumagawa ng masama laban sa kanyang kapwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:9

Huwag kayong magsisihan, mga kapatid, para hindi kayo hatulan ng Dios. Malapit nang dumating ang Hukom.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 11:1

Nagreklamo ang mga Israelita kay Moises dahil sa hirap na kanilang dinaranas. Nang marinig ito ng Panginoon, nagalit siya at nagpadala siya ng apoy na sumunog sa ilang dulong bahagi ng kampo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:29-30

Naging alipin sila ng lahat ng uri ng kasamaan, kalikuan, kasakiman at masasamang hangarin. Silaʼy mainggitin, mamamatay-tao, mapanggulo, mandaraya, at laging nag-iisip ng masama sa kanilang kapwa. Silaʼy mga tsismosoʼt tsismosa Ang balitang itoʼy tungkol sa kanyang Anak, ang ating Panginoong Jesu-Cristo. Sa kanyang pagkatao, isinilang siya sa lahi ni Haring David, at sa kanyang banal na espiritu, napatunayang siya ang makapangyarihang Anak ng Dios, nang siyaʼy nabuhay mula sa mga patay. at mapanirang-puri. Napopoot sila sa Dios, mga walang galang at mapagmataas. Naghahanap sila ng magagawang masama, at suwail sa mga magulang nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 16:2-3

Doon sa ilang, nagreklamo ang lahat ng mga Israelita kina Moises at Aaron. Pero ang iba sa kanilaʼy hindi nakinig kay Moises, nagtira sila para sa susunod na araw. Pero inuod ito at bumaho. Kaya nagalit si Moises sa kanila. Tuwing umaga, nangunguha ang bawat isa ayon sa kanyang kailangan. At kapag uminit na, natutunaw ang pagkaing hindi nila nakukuha. Sa ikaanim na araw, doble ang kanilang kinukuha – mga dalawang salop bawat tao. Kaya pumunta ang mga pinuno ng mamamayan ng Israel kay Moises at nagtanong kung bakit doble. Sinabi ni Moises sa kanila, “Iniutos ng Panginoon na magpahinga kayo bukas dahil Araw ng Pamamahinga, na banal na araw para sa Panginoon. Kaya lutuin ninyo ang gusto ninyong lutuin, at ilaga ang gusto ninyong ilaga. Ang matitira ay ilaan para bukas.” Kaya itinira nila ito para sa susunod na araw ayon sa iniutos ni Moises. At nang sumunod na araw hindi ito inuod o bumaho. Sinabi ni Moises sa kanila, “Kainin nʼyo iyan ngayon, dahil ngayon ang Araw ng Pamamahinga para sa Panginoon. Wala kayong makikita niyan ngayon. Makakakuha kayo ng pagkaing ito sa loob ng anim na araw, pero sa ikapitong araw ay magpahinga kayo. Sa araw na iyon, wala kayong makukuhang pagkain.” May mga tao pa ring lumabas para manguha ng pagkain sa ikapitong araw, pero wala silang nakita. At sinabi ng Panginoon kay Moises, “Hanggang kailan ba susuwayin ng mga taong ito ang aking mga utos at katuruan? Alalahanin ninyo na binigyan ko kayo ng Araw ng Pamamahinga, kaya nga tuwing ikaanim na araw ay dinodoble ko ang pagkain ninyo. Dapat manatili sa bahay niya ang bawat isa sa ikapitong araw. Walang lalabas para kumuha ng pagkain.” Sinabi nila, “Mabuti pang pinatay na lang kami ng Panginoon sa Egipto! Doon, kahit paanoʼy nakakakain kami ng karne at ng lahat ng pagkain na gusto namin. Pero dinala nʼyo kami rito sa ilang para patayin kaming lahat sa gutom.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 12:1

Ngayon, siniraan nila Miriam at Aaron si Moises dahil nakapag-asawa siya ng isang taga-Cush.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:10

Huwag din kayong mareklamo tulad ng ilan sa kanila, kaya pinatay sila ng Anghel ng kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 50:16-17

Ngunit sinabi ng Dios sa mga masama, “Wala kayong karapatang banggitin ang aking mga kautusan at kasunduan! Namumuhi kayo sa aking pagdidisiplina. Hindi ninyo pinapansin ang mga sinasabi ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 1:27

Nagreklamo kayo sa inyong mga tolda at sinabi, ‘Kinasusuklaman tayo ng Panginoon, kaya pinaalis niya tayo sa Egipto para ibigay sa kamay ng mga Amoreo at kanilang patayin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 20:11

Pagkatanggap nila ng sahod, nagreklamo sila sa may-ari ng ubasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 101:5

Sinumang lihim na naninira sa kanyang kapwa ay aking wawasakin. Ang mga hambog at mapagmataas ay hindi ko palalagpasin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:12

Ang taong nangungutya ay ayaw ng sinasaway; ayaw ding tumanggap ng payo mula sa taong may karunungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 7:21-22

Huwag mong pakikinggan ang lahat ng sinasabi ng tao at baka mismong alipin mo ang marinig mong nagsasalita laban sa iyo. Dahil alam mo sa sarili mo na marami ka ring pinagsalitaan ng masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:15

Kung pinarusahan man kayo, sanaʼy hindi dahil nakapatay kayo ng tao, o nagnakaw, o nakagawa ng masama, o kayaʼy nakialam sa ginagawa ng iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:10

Kaya huwag ninyong hahatulan o hahamakin ang inyong kapatid kay Cristo. Sapagkat tayong lahat ay haharap sa Dios, at siya ang hahatol kung ang ginawa natin ay mabuti o masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 32:3

Noong hindi ko pa ipinagtatapat ang aking mga kasalanan, buong araw akoʼy nanlulumo at nanghihina ang aking katawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:15

Ngunit kung patuloy kayong mag-aaway-away na parang mga hayop, baka tuluyan na ninyong masira ang buhay ng isaʼt isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:164

Pitong beses akong nagpupuri sa inyo bawat araw dahil matuwid ang inyong mga utos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 17:3

Pero uhaw na uhaw ang mga tao roon, kaya patuloy ang pagrereklamo nila kay Moises, “Bakit mo pa kami inilabas ng Egipto? Mamamatay din lang pala kami rito sa uhaw pati ang mga anak at mga hayop namin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 14:29

Mamamatay kayo rito sa disyerto. Dahil nagreklamo kayo sa akin, walang kahit isa sa inyo na may edad na 20 taong gulang pataas

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 12:36-37

Tinitiyak ko sa inyo na sa Araw ng Paghuhukom, mananagot ang bawat isa sa mga walang kwentang salitang binitiwan niya. Sapagkat ibabatay sa mga salita mo kung paparusahan ka o hindi.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:5

Iwasan nʼyo ang pagiging sakim sa salapi. Maging kontento kayo sa anumang nasa inyo, sapagkat sinabi ng Dios, “Hinding-hindi ko kayo iiwan o pababayaan man.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 4:11

Mga kapatid, huwag ninyong siraan ang isaʼt isa. Ang naninira o humahatol sa kapatid niya ay nagsasalita laban sa Kautusan at humahatol sa Kautusan. At kung ikaw ang humahatol sa Kautusan, hindi ka na tagatupad nito kundi isa nang hukom.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:30-31

Ang taong matuwid ay nagsasalita ng tama, at may karunungan. Ang Kautusan ng Dios ay iniingatan niya sa kanyang puso, at hindi niya ito sinusuway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 10:20

Huwag mong susumpain ang hari kahit sa isip mo lang o ang mayayaman kahit na palihim lang, dahil baka may magsabi sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 16:11

Sino ba si Aaron para reklamuhan ninyo? Sa ginagawa ninyong iyan, ang Panginoon ang inyong kinakalaban.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 59:12

Nagkakasala sila dahil sa kasamaan ng kanilang sinasabi. Mahuli sana sila sa kanilang kayabangan. Nagmumura sila at nagsisinungaling,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 2:1

Ngayon, masasabi mong dapat lang hatulan ang mga taong ito dahil sa kanilang kasamaan. Pero maging ikaw na humahatol ay walang maidadahilan. Sapagkat sa iyong paghatol sa iba ay hinahatulan mo rin ang iyong sarili, dahil ginagawa mo rin ang mga bagay na iyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 14:3

Ngunit ang lahat ay naligaw ng landas at pare-parehong nabulok ang pagkatao. Wala kahit isa man ang gumagawa ng mabuti.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:37

“Huwag ninyong husgahan ang iba, upang hindi rin kayo husgahan ng Dios. Huwag kayong magsabi na dapat silang parusahan ng Dios, upang hindi rin niya kayo parusahan. Magpatawad kayo, upang patawarin din kayo ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:9

Kung patatawarin mo ang kasalanan ng iyong kaibigan, mananatili ang inyong samahan, ngunit kung patuloy mong uungkatin ang kanyang kasalanan, masisira ang inyong pagkakaibigan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 41:6-7

Kapag dumadalaw sila sa akin, nagkukunwari silang nangungumusta, pero nag-iipon lang pala sila ng masasabi laban sa akin. Kapag silaʼy lumabas na, ikinakalat nila ito. Ang lahat ng galit sa akin ay masama ang iniisip tungkol sa akin, at pinagbubulung-bulungan nila ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:1-2

“Huwag ninyong husgahan ang iba, para hindi rin kayo husgahan ng Dios. At kung humihingi siya ng isda, bibigyan ba ninyo ng ahas? Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit! Ibibigay niya ang mabubuting bagay sa mga humihingi sa kanya. “Gawin ninyo sa inyong kapwa ang gusto ninyong gawin nila sa inyo. Ganyan ang tamang pagsunod sa Kautusan ni Moises at sa mga isinulat ng mga propeta.” “Pumasok kayo sa makipot na pintuan, dahil maluwang ang pintuan at malapad ang daan patungo sa kapahamakan, at marami ang pumapasok doon. Ngunit makipot ang pintuan at mahirap ang daan patungo sa buhay na walang hanggan, at kakaunti lang ang dumadaan dito.” “Mag-ingat kayo sa mga huwad na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang mga maamong tupa, pero ang totoo, tulad sila ng mga gutom na lobo. Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Ang matitinik na halaman ay hindi namumunga ng ubas o igos. Ang mabuting puno ay namumunga ng mabuting bunga, at ang masamang puno ay namumunga ng masama. Ang mabuting puno ay hindi namumunga ng masama, at ang masamang puno ay hindi namumunga ng mabuti. Ang lahat ng punong hindi namumunga ng mabuti ay pinuputol at itinatapon sa apoy. Sapagkat kung paano ninyo hinusgahan ang inyong kapwa ay ganoon din kayo huhusgahan ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 22:12-13

Napapaligiran ako ng maraming kaaway, na para bang mababangis na mga toro mula sa Bashan. Para rin silang mga leong umaatungal at nakanganga na handa akong lapain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:7

Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili. Ang Dios ay hindi madadaya ninuman. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 78:19

Kinutya nila ang Dios nang sabihin nilang, “Makakapaghanda ba ang Dios ng pagkain dito sa ilang?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 21:5

kaya nagreklamo sila sa Dios at kay Moises. Sinabi nila, “Bakit ba pinalabas mo pa kami sa Egipto para mamatay lang dito sa disyerto? Walang pagkain at tubig dito! At hindi na kami makakatiis sa nakakasawang ‘manna’ na ito!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:19-20

Tandaan nʼyo ito, mga minamahal kong kapatid: Dapat maging handa kayo sa pakikinig, dahan-dahan sa pananalita, at huwag agad magagalit. Mga kapatid, magalak kayo sa tuwing dumaranas kayo ng mga pagsubok. Sapagkat ang galit ay hindi nakakatulong sa tao para maging matuwid sa paningin ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:155

Hindi maliligtas ang masasama, dahil hindi nila ipinamumuhay ang inyong mga tuntunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 12:2-3

Nagsisinungaling sila sa kanilang kapwa. Nambobola sila para makapandaya ng iba. Panginoon, patigilin nʼyo na sana ang mga mayayabang at mambobola.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 11:4-6

May mga grupo ng dayuhan na sumama sa mga Israelita na naghahanap ng mga pagkaing gusto nilang kainin, kaya nagreklamo pati ang mga Israelita na nagsasabi, “Kung makakakain man lang sana tayo ng karne. Noong naroon tayo sa Egipto, nakakakain tayo ng mga libreng isda at ng mga pipino, melon, sibuyas at mga bawang. Pero dito wala tayong ganang kumain; puro ‘manna’ lang ang ating kinakain.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:15

Ingatan nʼyo na walang sinuman sa inyo ang tatalikod sa biyaya ng Dios. At huwag ninyong hayaang umiral ang samaan ng loob sa inyo at marami ang madamay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 28:3

Huwag nʼyo akong parusahan kasama ng masasama. Nagkukunwari silang mga kaibigan, pero ang plano palaʼy pawang kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 138:3

Nang tumawag ako sa inyo sinagot nʼyo ako. Pinalakas nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 18:15

“Kung magkasala sa iyo ang iyong kapatid, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan. Pagsabihan mo siya tungkol sa ginawa niya. Kung makikinig siya sa iyo, magkakaayos kayong muli at mapapanumbalik mo siya sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:25

Ang taong sakim ay nagpapasimula ng kaguluhan, ngunit ang taong nagtitiwala sa Panginoon ay magtatamo ng kasaganaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:28-32

At dahil sa ayaw talaga nilang kilalanin ang Dios, hinayaan niya sila sa kanilang kaisipang hindi makapili ng tama. Kaya ginagawa nila ang mga bagay na hindi nararapat. Naging alipin sila ng lahat ng uri ng kasamaan, kalikuan, kasakiman at masasamang hangarin. Silaʼy mainggitin, mamamatay-tao, mapanggulo, mandaraya, at laging nag-iisip ng masama sa kanilang kapwa. Silaʼy mga tsismosoʼt tsismosa Ang balitang itoʼy tungkol sa kanyang Anak, ang ating Panginoong Jesu-Cristo. Sa kanyang pagkatao, isinilang siya sa lahi ni Haring David, at sa kanyang banal na espiritu, napatunayang siya ang makapangyarihang Anak ng Dios, nang siyaʼy nabuhay mula sa mga patay. at mapanirang-puri. Napopoot sila sa Dios, mga walang galang at mapagmataas. Naghahanap sila ng magagawang masama, at suwail sa mga magulang nila. Silaʼy mga hangal, mga traydor, at walang awa. Alam nila ang utos ng Dios na dapat parusahan ng kamatayan ang mga taong gumagawa ng mga kasalanang ito, pero patuloy pa rin silang gumagawa nito, at natutuwa pa sila na ginagawa rin ito ng iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 6:4

ang taong itoʼy mayabang pero wala namang nalalaman. Gusto lang niyang makipagtalo na nauuwi lang naman sa inggitan, alitan, paninira, pambibintang,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 73:8-9

Kinukutya nila at pinagsasabihan ng masama ang iba. Mayayabang sila at nagbabantang manakit. Nagsasalita sila ng masama laban sa Dios at sa mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 16:1-3

Ngayon, nagrebelde kay Moises si Kora na anak ni Izar, na angkan ni Kohat na anak ni Levi. Kasama niya sa pagrerebelde sina Datan at Abiram na mga anak ni Eliab, at si On na anak ni Pelet na mula sa lahi ni Reuben. May kasama pa silang 250 lalaking Israelita na kilala at pinili ng mga pinuno mula sa kapulungan ng Israel. Pinili niya kayo at ang iba pang mga Levita para makalapit sa kanyang presensya, at ngayon gusto pa ninyong maging pari? Sino ba si Aaron para reklamuhan ninyo? Sa ginagawa ninyong iyan, ang Panginoon ang inyong kinakalaban.” Pagkatapos, ipinatawag ni Moises sina Datan at Abiram, na mga anak ni Eliab. Pero sinabi nila, “Hindi kami pupunta! Hindi pa ba sapat na kinuha mo kami sa Egipto na maganda at masaganang lupain para patayin lang kami rito sa ilang? At ngayon, gusto mo pang maghari sa amin. At isa pa, hindi mo kami dinala sa maganda at masaganang lupain o binigyan ng mga bukid o mga ubasan na aming aariin. Ngayon, gusto mo pa ba kaming lokohin? Hindi kami pupunta sa iyo!” Nagalit si Moises at sinabi niya sa Panginoon, “Huwag po ninyong tatanggapin ang kanilang mga handog. Hindi ako nagkasala sa sinuman sa kanila; wala akong kinuha sa kanila kahit isang asno.” Sinabi ni Moises kay Kora, “Bukas, ikaw at ang iyong mga tagasunod ay pupunta sa presensya ng Panginoon sa Toldang Tipanan, at pupunta rin doon si Aaron. Ang 250 na mga tagasunod mo ay pagdalhin mo ng tig-iisang lalagyan ng insenso. Palagyan mo ito ng insenso at ihandog sa Panginoon. Kayo ni Aaron ay magdadala rin ng lalagyan ng insenso.” Kaya kumuha ang bawat isa ng kanya-kanyang lalagyan ng insenso at nilagyan ng baga at insenso, at tumayo sila kasama nina Moises at Aaron sa pintuan ng Toldang Tipanan. Nang magtipon na si Kora at ang mga tagasunod niya sa harapan ni Moises at ni Aaron, doon sa pintuan ng Toldang Tipanan, nagpakita ang makapangyarihang presensya ng Panginoon sa buong kapulungan. Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron, “Lumayo kayo sa mga taong ito para mapatay ko sila agad.” Pero nagpatirapa sina Moises at Aaron at sinabi, “O Dios na pinanggagalingan ng buhay ng lahat ng tao, magagalit po ba kayo sa buong kapulungan kahit isang tao lang ang nagkasala?” Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Sabihin mo sa mga mamamayan na lumayo sila sa Tolda nina Kora, Datan at ni Abiram.” Pinuntahan ni Moises si Datan at si Abiram, at sumunod sa kanya ang mga tagapamahala ng Israel. Pagkatapos, sinabi niya sa mga mamamayan, “Lumayo kayo sa mga tolda ng masasamang taong ito! Huwag kayong hahawak ng kahit anong pag-aari nila, dahil kapag ginawa ninyo ito parurusahan kayong kasama nila dahil sa lahat ng kasalanan nila.” Kaya lumayo ang mga tao sa mga tolda nina Kora, Datan at Abiram. Lumabas sina Datan at Abiram, at tumayo sa pintuan ng kanilang mga tolda kasama ng kanilang mga asawaʼt anak. Sinabi ni Moises sa mga tao, “Sa pamamagitan nito malalaman ninyo na ang Panginoon ang nagsugo sa akin para sa paggawa ng mga bagay na ito, at hindi ko ito sariling kagustuhan. Kung mamatay ang mga taong ito sa natural na kamatayan, hindi ako isinugo ng Panginoon. Pumunta silang lahat kina Moises at Aaron, at sinabi, “Sobra na ang ginagawa nʼyo sa amin, ang buong sambayanan ay banal at nasa gitna nila ang presensya ng Panginoon, kaya bakit ninyo ginagawang mas mataas ang inyong sarili ng higit sa aming lahat?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 66:18

Kung hindi ko ipinahayag sa Panginoon ang aking mga kasalanan, hindi niya sana ako pakikinggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 109:3

Sinisiraan nila ako at sinusugod ng walang dahilan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 7:21

Huwag mong pakikinggan ang lahat ng sinasabi ng tao at baka mismong alipin mo ang marinig mong nagsasalita laban sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:4

at sa Dios lang din sila mananagot. Kaya, sino ka para humatol sa utusan ng iba? Ang Amo lang niya ang makapagsasabi kung mabuti o masama ang ginagawa niya. At talagang magagawa niya ang tama, dahil ang Panginoon ang tutulong sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:26

Huwag tayong maging mapagmataas, huwag nating galitin ang ating kapwa, at iwasan ang inggitan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 3:6

Ang dila ay tulad ng apoy. Napakaraming kasamaan ang nagmumula sa ating dila at ito ay nagpaparumi sa buong pagkatao natin. Katulad ito ng apoy na nanggagaling sa impyerno, at sumisira sa buong buhay natin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 94:21

Sama-sama silang kumakalaban sa matutuwid at hinahatulan nila ng kamatayan ang walang kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:1

Ang malumanay na sagot ay nakakapawi ng poot, ngunit lalong nakakapagpagalit ang pabalang na sagot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:22

Ngunit sinasabi ko sa inyo na ang may galit sa kanyang kapatid ay parurusahan din. At ang humamak sa kanyang kapatid at magsabi sa kanya, ‘Wala kang silbi!’ ay dadalhin sa mataas na hukuman. At ang sinumang magsabi ng ‘Ulol ka!’ sa kanyang kapatid ay mapupunta sa apoy ng impyerno.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 106:24-25

Tinanggihan nila ang magandang lupain dahil hindi sila naniwala sa pangako ng Dios sa kanila. Nagsipagreklamo sila sa loob ng kanilang mga tolda at hindi sumunod sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 11:1-3

Nagreklamo ang mga Israelita kay Moises dahil sa hirap na kanilang dinaranas. Nang marinig ito ng Panginoon, nagalit siya at nagpadala siya ng apoy na sumunog sa ilang dulong bahagi ng kampo. Narinig ni Moises ang reklamo ng bawat pamilya sa pintuan ng kanilang mga tolda. Kaya nagalit nang matindi ang Panginoon sa kanila, at dahil ditoʼy nabahala si Moises. Nagtanong siya sa Panginoon, “Bakit nʼyo po ako binigyan na inyong lingkod ng malaking problema? Ano po ba ang ginawa ko na hindi kayo natuwa kaya ibinigay ninyo sa akin ang problema ng mga taong ito? Mga anak ko po ba sila? Ama ba nila ako? Bakit ninyo sinasabi sa akin na alagaan ko sila katulad ng isang yaya na kumakarga sa isang bata, at dalhin sila sa lupaing ipinangako ninyo sa kanilang mga ninuno? Saan po ba ako kukuha ng karne para sa mga taong ito? Dahil patuloy ang pagrereklamo nila sa akin na bigyan ko sila ng karneng makakain nila. Hindi ko po sila kayang alagaang lahat nang mag-isa. Napakahirap nito para sa akin. Kung ganito lang po ang pagtrato ninyo sa akin, patayin na lang ninyo ako ngayon. Kung nalulugod kayo sa akin, huwag ninyo akong pabayaang magdusa.” Kaya sinabi ng Panginoon kay Moises, “Tipunin mo ang 70 sa mga tagapamahala ng Israel na kilalang-kilala mo na mga pinuno ng mga mamamayan, at papuntahin sila sa Toldang Tipanan at patayuin sila roon kasama mo. Bababa ako at makikipag-usap sa iyo roon, at ibibigay ko sa kanila ang ibang kapangyarihan na ibinigay ko sa iyo upang makatulong sila sa pamamahala ng mga tao para hindi lang ikaw mag-isa ang namamahala. “Pagkatapos, sabihin mo sa mga tao na linisin nila ang kanilang sarili dahil bukas, may makakain na silang karne. Sabihin mo ito sa kanila: ‘Narinig ko ang inyong reklamo na gusto ninyong kumain ng karne. At sinasabi ninyo na mas mabuti pa ang inyong kalagayan sa Egipto. Kaya bukas, bibigyan ko kayo ng karne para makakain kayo. Hindi lang isang araw, o dalawa, o lima, o 10, o 20 araw ang pagkain ninyo nito, Dahil dito, humingi ng tulong ang mga Israelita kay Moises, at nanalangin si Moises sa Panginoon, at namatay ang apoy. kundi isang buwan, hanggang sa magsawa kayo at hindi na kayo makakain nito. Dahil itinakwil ninyo ako na sumasama sa inyo, at nagreklamo kayo sa akin na sanaʼy hindi na lang kayo umalis sa Egipto.’ ” Pero sinabi ni Moises, “600,000 lahat ang tao na kasama ko, at ngayoʼy sinasabi po ninyo na bibigyan ninyo sila ng karne na kanilang kakainin sa loob ng isang buwan? Kahit po katayin pa namin ang lahat ng tupa at baka o kahit hulihin pa namin ang mga isda sa dagat, hindi po ito magkakasya sa kanila.” Sinabi ng Panginoon kay Moises, “May limitasyon ba ang aking kapangyarihan? Makikita mo ngayon kung mangyayari ang sinabi ko o hindi.” Kaya lumakad si Moises at sinabi sa mga tao ang sinabi ng Panginoon. Tinipon niya ang 70 tagapamahala at pinatayo sa palibot ng Tolda. Pagkatapos, bumaba ang Panginoon sa pamamagitan ng ulap at nakipag-usap kay Moises. Kinuha niya ang ibang kapangyarihan ni Moises at ibinigay sa 70 tagapamahala. At nang matanggap nila ito, nagsalita sila kagaya ng mga propeta pero hindi na ito nangyari pang muli. Ang dalawa sa 70 tagapamahala na sina Eldad at Medad ay nagpaiwan sa kampo at hindi pumunta sa Tolda. Pero natanggap din nila ang kapangyarihan at nagsalita rin sila na kagaya ng mga propeta. May isang binata na nagtatakbo papunta kay Moises at sinabi na nagsasalita sina Eldad at Medad doon sa kampo na kagaya ng mga propeta. Sinabi ni Josue na anak ni Nun, na naging katulong ni Moises mula noong bata pa ito, “Amo, patigilin po ninyo sila.” Pero sumagot si Moises, “Nababahala ka ba kung ano ang magiging resulta nito sa aking pagkapinuno? Kung sa akin lang, gusto kong bigyan ng Panginoon ng kapangyarihan ang lahat ng mamamayan at makapagsalita sila kagaya ng mga propeta.” Kaya ang lugar na iyon ay pinangalanang Tabera, dahil nagpadala ang Panginoon ng apoy sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:10

Ang taong nagmamahal ay hindi gumagawa ng masama sa kanyang kapwa. Kaya kung nagmamahalan tayo, tinutupad natin ang buong Kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:13

Magpasensiyahan kayo sa isaʼt isa at magpatawaran kayo kung may hinanakit kayo kaninuman, dahil pinatawad din kayo ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 38:13-14

Ngunit para akong pipi at bingi na hindi nakaririnig at hindi nakapagsasalita. Nagbibingi-bingihan ako at hindi sumasagot sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:1

Dahil ipinanganak na kayong muli, talikuran nʼyo na ang lahat ng uri ng kasamaan: pandaraya, pagkukunwari, pagkainggit, at lahat ng paninirang-puri.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:20

pagsamba sa mga dios-diosan, pangkukulam, pagkapoot, pag-aaway-away, pagkasakim, pagkagalit, pagkakawatak-watak, pagkakahati-hati,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 141:3

Panginoon, tulungan nʼyo akong huwag makapagsalita ng masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 57:4

Napapaligiran ako ng mga kaaway, parang mga leong handang lumapa ng tao. Ang mga ngipin nilaʼy parang sibat at pana, mga dilaʼy kasintalim ng espada.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 20:15

Hindi baʼt may karapatan akong gawin ang gusto ko sa pera ko? O naiinggit lang kayo dahil mabuti ako sa kanila?’ ”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:24

At sikapin nating mahikayat ang isaʼt isa sa pagmamahalan at sa paggawa ng kabutihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 31:18

Patahimikin nʼyo silang mga sinungaling, pati ang mga mayayabang at mapagmataas na binabalewala at hinahamak ang mga matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:19

Ang katotohanan ay mananatili kailanman, ngunit hindi magtatagal ang kasinungalingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 3:13-14

“Ang kanilang pananalitaʼy hindi masikmura tulad ng bukas na libingan. Ang kanilang sinasabiʼy puro pandaraya. Ang mga salita nilaʼy parang kamandag ng ahas. Ang lumalabas sa kanilang bibig ay panay pagmumura at masasakit na salita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 5:2

Huwag kang pabigla-bigla sa pagsasalita. Mag-isip ka muna nang mabuti bago ka mangako sa Dios. Tandaan mo na ang Dios ay nasa langit at ikaw ay nandito sa lupa. Kaya mag-ingat ka sa pagsasalita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:26

Kung may nag-aakalang siya ay relihiyoso pero hindi naman magawang pigilan ang dila niya, walang silbi ang pagiging relihiyoso niya at niloloko lang niya ang kanyang sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:20

Nagsasalita sila ng masama laban sa inyo. Binabanggit nila ang inyong pangalan sa walang kabuluhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:3

Ang salita ng hangal ang magpapasama sa kanya, ngunit ang salita ng marunong ang mag-iingat sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 78:22-23

dahil wala silang pananampalataya sa kanya, at hindi sila nagtitiwala na ililigtas niya sila. Ganoon pa man, iniutos niyang bumukas ang langit,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 26:8

Nagalit ang mga tagasunod ni Jesus nang makita ito. Sinabi nila, “Bakit niya sinasayang ang pabangong iyan?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 28:3-4

Huwag nʼyo akong parusahan kasama ng masasama. Nagkukunwari silang mga kaibigan, pero ang plano palaʼy pawang kasamaan. Gantihan nʼyo sila ayon sa kanilang mga gawa. Parusahan nʼyo sila ayon sa masama nilang gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 21:5-6

kaya nagreklamo sila sa Dios at kay Moises. Sinabi nila, “Bakit ba pinalabas mo pa kami sa Egipto para mamatay lang dito sa disyerto? Walang pagkain at tubig dito! At hindi na kami makakatiis sa nakakasawang ‘manna’ na ito!” Kaya pinadalhan sila ng Panginoon ng mga makamandag na ahas at pinagkakagat sila, at marami ang nangamatay sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:16-19

May mga bagay na kinamumuhian ang Panginoon: ang pagmamataas, ang pagsisinungaling, ang pagpatay ng tao, ang pagpaplano ng masama, ang pagmamadaling gumawa ng masama, ang pagpapatotoo sa kasinungalingan, at pinag-aaway ang kanyang kapwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 63:11

Matutuwa ang hari sa ginawa ng Dios sa kanya. Matutuwa rin ang mga nangako sa Panginoon. Ngunit ang lahat ng sinungaling ay patatahimikin ng Panginoon!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 68:1-2

Kumilos sana ang Dios, at ikalat ang kanyang mga kaaway. Magsitakas na sana palayo silang mga galit sa kanya. Doon sila nanirahan, at sa inyong kagandahang-loob ay binigyan nʼyo ang mga mahihirap ng kanilang mga pangangailangan. Panginoon, nagpadala kayo ng mensahe, at itoʼy ibinalita ng maraming kababaihan: “Nagsisitakas ang mga hari at ang kanilang mga hukbo! Ang mga naiwan nilang kayamanan ay pinaghati-hatian ng mga babae ng Israel. Kahit na ang mga tagapag-alaga ng hayop ay nakakuha ng mga naiwang bagay gaya ng imahen ng kalapati, na ang mga pakpak ay nababalutan ng pilak at ang dulo nito ay nababalutan ng purong ginto.” Nang ikalat ng makapangyarihang Dios ang mga haring iyon, pinaulanan niya ng yelo ang lugar ng Zalmon. Napakataas at napakaganda ng bundok ng Bashan; maraming taluktok ang bundok na ito. Ngunit bakit ito nainggit sa bundok ng Zion na pinili ng Dios bilang maging tahanan niya magpakailanman? Dumating ang Panginoong Dios sa kanyang templo mula sa Sinai kasama ang libu-libo niyang karwahe. Nang umakyat siya sa mataas na lugar, marami siyang dinalang bihag. Tumanggap siya ng regalo mula sa mga tao, pati na sa mga naghimagsik sa kanya. At doon maninirahan ang Panginoong Dios. Purihin ang Panginoon, ang Dios na ating Tagapagligtas na tumutulong sa ating mga suliranin sa bawat araw. Itaboy sana sila ng Dios gaya ng usok na tinatangay ng hangin. Mamatay sana sa harapan niya ang mga masasama, gaya ng kandilang natutunaw sa apoy.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:10

Ang sinumang magsalita ng masama laban sa akin na Anak ng Tao ay mapapatawad, ngunit ang magsalita ng masama laban sa Banal na Espiritu ay hindi mapapatawad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:18

Hanggaʼt maaari, mamuhay kayo nang mapayapa sa lahat ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 11:17-19

Tungkol sa bagay na tatalakayin ko ngayon ay hindi ko kayo mapupuri, dahil ang mga pagtitipon ninyo ay nakakasama sa halip na nakakabuti. Sapagkat nabalitaan ko, una sa lahat, na tuwing nagtitipon-tipon kayo bilang iglesya, nagkakaroon kayo ng pagkakapangkat-pangkat, at medyo naniniwala ako na iyan nga ang nangyayari. Kinakailangan sigurong mangyari iyan para malaman kung sino sa inyo ang mga tunay na mananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:8-9

Kaya dapat silang magpasalamat sa Panginoon dahil sa pag-ibig niya at kahanga-hangang gawa sa mga tao. Dahil pinaiinom niya ang mga nauuhaw, at pinakakain ang mga nagugutom.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Mahal kong Diyos at Ama sa langit, sa ngalan ni Hesus, nais kong magpasalamat sa iyong pagmamahal at katapatan sa aking buhay sa kabila ng kung sino ako at mga pagkakamaling nagawa ko. Ang aking pananampalataya ay walang hangganan at alam kong inihagis mo na sa kailaliman ng dagat ang aking mga kasalanan, wala akong kahatulan sa iyo dahil nilinis mo ako gamit ang iyong dugo Hesus. Hinihiling ko sa iyo ngayon na palayain ang aking mga labi sa pagsasalita ng kasinungalingan at pagdaragdag ng mga komentong nakakasira sa akin at sa mga nakapaligid sa akin, Diyos ko linisin mo ng isopo ang aking puso upang mahalin ko ang iyong katotohanan at ang iyong liwanag, sa iyo ay walang kadiliman at hinihiling ko na palayain mo ako sa espiritu ng tsismis, tinatalikuran ko ang inggit, ang sama ng loob, ang pagkabigo at ang poot. Hinihiling ko sa iyo Espiritu Santo na ipanumbalik mo ang aking relasyon sa Diyos, dahil ayaw ko na siyang biguin pa sa pamamagitan ng maraming salita, nais ko nang buong puso Panginoon na ang mga salita ng aking bibig at ang pagninilay ng aking puso ay maging kalugod-lugod sa iyo. Palagi mo akong tinuturuan na labanan ang kasamaan, tulungan mo ako, kung gayon, na magtagumpay at huwag bigyan ng kalayaan ang mga pagnanasa ng aking laman, pigilan mo ang aking dila. Ama, lagyan mo ng preno ang aking bibig kapag gusto kong makasakit sa aking kapwa, ipaalala mo sa aking puso ang aking halaga kapag ako ay mahina, kapos at minamaliit, kailangan ko ang iyong lakas, ang iyong pagmamahal, ang iyong mga salita at ang iyong paghikayat. Palayain mo ako sa kasamaang ito upang sambahin kita nang may dalisay na puso at may mga labing pinabanal, sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas