Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Awit 57:4 - Ang Salita ng Dios

4 Napapaligiran ako ng mga kaaway, parang mga leong handang lumapa ng tao. Ang mga ngipin nilaʼy parang sibat at pana, mga dilaʼy kasintalim ng espada.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

4 Ang aking kaluluwa ay nasa gitna ng mga leon: ako'y nahihiga sa gitna niyaong mga pinaningasan ng apoy, sa mga anak ng tao, na ang mga ngipin ay sibat at mga pana, at ang kanilang dila ay matalas na tabak.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

4 Ang aking kaluluwa ay nasa gitna ng mga leon, ako'y nahihiga sa gitna ng mga taong bumubuga ng apoy, sa mga anak ng tao na ang mga ngipin ay sibat at mga pana, at matalas na mga tabak ang kanilang dila.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

4 Ang aking kaluluwa ay nasa gitna ng mga leon: Ako'y nahihiga sa gitna niyaong mga pinaningasan ng apoy, Sa mga anak ng tao, na ang mga ngipin ay sibat at mga pana, At ang kanilang dila ay matalas na tabak.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

4 Kasama ko'y mga leon, kapiling ko sa paghimlay, mabangis na mga hayop na sisila sa sinuman; parang sibat at palaso yaong ngipin nilang taglay, matulis ang mga dila na animo'y mga sundang.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

4 Kasama ko'y mga leon, kapiling ko sa paghimlay, mabangis na mga hayop na sisila sa sinuman; parang sibat at palaso yaong ngipin nilang taglay, matulis ang mga dila na animo'y mga sundang.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

4 Kasama ko'y mga leon, kapiling ko sa paghimlay, mabangis na mga hayop na sisila sa sinuman; parang sibat at palaso yaong ngipin nilang taglay, matulis ang mga dila na animo'y mga sundang.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Awit 57:4
20 Mga Krus na Reperensya  

Sino ang makakapagpabuka ng kanyang bunganga? Ang mga ngipin niyaʼy nakakatakot.


Naghihintay silang nakakubli na parang leon, upang sakmalin at kaladkarin ang mahihirap.


Panginoon, hanggang kailan kayo manonood lang? Iligtas nʼyo na ako sa mga sumasalakay na ito na parang mga leon na gusto akong lapain.


Paliwanagan nʼyo ako at turuan ng inyong katotohanan, upang akoʼy magabayan pabalik sa inyong templo sa banal na bundok.


Sa pagbabalak mo ng masama laban sa iba, kasintalim ng pang-ahit ang iyong dila, at lagi kang nagsisinungaling.


Malumanay at mahusay nga siyang magsalita, ngunit puno naman ng poot ang kanyang puso, at ang kanyang pananalita ay nakakasugat tulad ng matalim na espada.


O Panginoong Dios, sirain nʼyo ang kanilang kakayahan sa pamiminsala na parang binabali nʼyo ang kanilang mga ngipin na parang pangil ng mga leon!


Pakinggan nʼyo ang kanilang pananalita; kasing sakit ng tusok ng espada. At sinasabi pa nila, “Wala namang nakakarinig sa atin.”


Naghahanda sila ng matatalim na salita, na gaya ng espada at palasong nakakasugat.


Ang pabigla-biglang salita ay nakakasugat ng damdamin, ngunit ang magandang salita ay nagpapagaling.


Ang taong sumasaksi ng kasinungalingan laban sa kanyang kapwa ay nakakapinsala tulad ng espada, pamalo at pana.


Panganib sa mahihirap ang masamang pinuno gaya ng mabangis na leon at osong naghahanap ng mabibiktima.


May mga tao namang sakim at napakalupit, pati mahihirap ay kanilang ginigipit.


Ang dila ay tulad ng apoy. Napakaraming kasamaan ang nagmumula sa ating dila at ito ay nagpaparumi sa buong pagkatao natin. Katulad ito ng apoy na nanggagaling sa impyerno, at sumisira sa buong buhay natin.


Mula sa bibig niya ay lumalabas ang matalas na espada na gagamitin niyang panlupig sa mga bansa. At pamamahalaan niya sila sa pamamagitan ng kamay na bakal. Ipapakita niya sa kanila ang matinding galit ng Dios na makapangyarihan sa lahat.


Pero kung hindi, matupok sana kayo ni Abimelec na parang lalamunin kayo ng apoy. At kayo na mga taga-Shekem at taga-Bet Millo ay tutupukin din ni Abimelec na parang lalamunin kayo ng apoy.”


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas