Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Kawikaan 15:1 - Ang Salita ng Dios

1 Ang malumanay na sagot ay nakakapawi ng poot, ngunit lalong nakakapagpagalit ang pabalang na sagot.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

1 Ang malubay na sagot ay nakapapawi ng poot: nguni't ang mabigat na salita ay humihila ng galit.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

1 Nakapapawi ng poot ang sagot na malumanay, ngunit nagbubunsod sa galit ang salitang magaspang.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

1 Ang malubay na sagot ay nakapapawi ng poot: Nguni't ang mabigat na salita ay humihila ng galit.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

1 Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugong marahas, poot ay hindi mawawaglit.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

1 Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugong marahas, poot ay hindi mawawaglit.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

1 Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugong marahas, poot ay hindi mawawaglit.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Kawikaan 15:1
16 Mga Krus na Reperensya  

Sumagot ang mga taga-Israel, “Sampu kaming lahi ng Israel kaya sampung beses ang karapatan namin sa hari kaysa sa inyo. Bakit ang baba ng tingin nʼyo sa amin? Hindi baʼt kami ang unang nagsabi na pabalikin natin ang ating hari?” Pero ayaw magpaawat ng mga taga-Juda, at masasakit na salita ang isinasagot nila sa mga taga-Israel.


Sumagot sila, “Kung ipapakita mo ngayon ang iyong kabutihan sa kanila, at ibibigay ang kahilingan nila, maglilingkod sila sa iyo magpakailanman.”


Sumagot sila, “Kung ipapakita nʼyo ang inyong kabutihan sa kanila, at ibibigay sa kanila ang kanilang kahilingan, maglilingkod sila sa inyo magpakailanman.”


Kapag nagawa mo iyon, makikiusap kaya siyang lagi sa iyo na pakawalan mo siya, o di kayaʼy magmakaawa siya sa iyo?


Ang galit ay nagpapasimula ng kaguluhan, ngunit ang pag-ibig ay nagpapatawad ng lahat ng kasalanan.


Ang taong mainitin ang ulo ay nagpapasimula ng gulo, ngunit ang taong mahinahon ay tagapamayapa ng gulo.


Ang mapagpasensya at ang mahinahon magsalita ay makapanghihikayat ng mga pinuno at kahit na ng may matitigas na puso.


Ang taong sakim ay nagpapasimula ng kaguluhan, ngunit ang taong nagtitiwala sa Panginoon ay magtatamo ng kasaganaan.


Ang taong madaling magalit ay nagpapasimula ng gulo, at palaging nagkakasala.


Ang mga taong nangungutya ay nagpapasimula ng gulo sa mga bayan, ngunit ang matatalino ang nagpapatigil nito.


Pagkatapos niyang magsalita, pinauwi niya ang mga tao.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas