Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


MGA TALATA TUNGKOL SA DIYOS

MGA TALATA TUNGKOL SA DIYOS

Kaibigan, ang Diyos ang lumikha sa'yo, ang iyong tagapagtanggol, ang iyong tagapagtaguyod. Siya ang makapangyarihan sa lahat, mahabagin, mapagpatawad, at mabuti.

Malalaman natin Siya sa pamamagitan ng Kanyang salita. Alam mo, interesado Siya sa buhay mo. Mahal ka Niya at may magandang plano Siya para sa'yo.

Kahit ano pa man ang mangyari, alam na Niya. Wala Siyang hindi alam. Ang pagmamahal Niya ay walang katapusan. Sabi nga sa Isaias 41:13, “Ako ang Panginoon mong Diyos, ang umaalalay sa iyong kanang kamay; ang nagsasabi sa iyo, ‘Huwag kang matakot, tutulungan kita.’” Ganyan ang Diyos, lagi Siyang nandyan para sa atin. Kailangan lang natin Siyang lapitan.

Siya ang lumikha at nag-aalaga sa lahat ng bagay. Iniligtas Niya ang mundo sa pamamagitan ng Kanyang anak, si Hesukristo.




Mga Awit 139:1-4

Panginoon, siniyasat nʼyo ako at kilalang-kilala. kayo ay naroon din upang akoʼy inyong patnubayan at tulungan. Maaaring mapakiusapan ko ang dilim na itago ako, o ang liwanag sa paligid ko na maging gabi; kaya lang, kahit ang kadiliman ay hindi madilim sa inyo, Panginoon, at ang gabi ay parang araw. Dahil para sa inyo, pareho lang ang dilim at ang liwanag. Kilala nʼyo ako, dahil kayo ang lumikha sa akin. Kayo ang humugis sa akin sa sinapupunan ng aking ina. Pinupuri ko kayo dahil kahanga-hanga ang pagkakalikha nʼyo sa akin. Nalalaman ko na ang inyong mga gawa ay tunay na kahanga-hanga. Nakita nʼyo ang aking mga buto nang akoʼy lihim na hugisin sa loob ng sinapupunan ng aking ina. Nakita nʼyo na ako, hindi pa man ako isinisilang. Ang itinakdang mga araw na akoʼy mabubuhay ay nakasulat na sa aklat nʼyo bago pa man mangyari. O Dios, hindi ko lubos maintindihan ang mga iniisip nʼyo; itoʼy tunay na napakarami. Kung bibilangin ko ito, mas marami pa kaysa sa buhangin. Sa aking paggising, akoʼy nasa inyo pa rin. O Dios, patayin nʼyo sana ang masasama! Lumayo sana sa akin ang mga mamamatay-tao! Nalalaman nʼyo kung ako ay nakaupo o nakatayo. Kahit na kayo ay nasa malayo, nalalaman nʼyo ang lahat ng aking iniisip. Nagsasalita sila ng masama laban sa inyo. Binabanggit nila ang inyong pangalan sa walang kabuluhan. Panginoon, kinamumuhian ko ang mga namumuhi sa inyo. Kinasusuklaman ko ang mga kumakalaban sa inyo. Labis ko silang kinamumuhian; ibinibilang ko silang mga kaaway. O Dios, siyasatin nʼyo ako, upang malaman nʼyo ang nasa puso ko. Subukin nʼyo ako, at alamin ang aking mga iniisip. Tingnan nʼyo kung ako ay may masamang pag-uugali, at patnubayan nʼyo ako sa daang dapat kong tahakin magpakailanman. Nakikita nʼyo ako habang akoʼy nagpapahinga o nagtatrabaho. Ang lahat ng ginagawa ko ay nalalaman ninyo. Panginoon, hindi pa man ako nagsasalita ay alam nʼyo na ang aking sasabihin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 4:13

Walang makapagtatago sa Dios. Nakikita niya at lantad sa paningin niya ang lahat, at sa kanya tayo mananagot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:20

kahit inuusig man tayo ng ating konsensya. Sapagkat ang Dios ay mas higit kaysa sa ating konsensya at nalalaman niya ang lahat ng bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:28

Hindi nʼyo ba alam o hindi nʼyo ba narinig na ang Panginoon ay walang hanggang Dios na lumikha ng buong mundo? Hindi siya napapagod o nanghihina at walang nakakaarok ng kanyang isip.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:3

Nakikita ng Panginoon ang lahat ng lugar. Minamasdan niya ang ginagawa ng masasama at ng mga matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:5

Makapangyarihan ang ating Panginoon. Ang kanyang karunungan ay walang hangganan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 11:33-34

Napakadakila ng kabutihan ng Dios! Napakalalim ng kanyang karunungan at kaalaman! Hindi natin kayang unawain ang kanyang mga pasya at pamamaraan! Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan: “Sino kaya ang makakaunawa sa kaisipan ng Panginoon? Sino kaya ang makakapagpayo sa kanya?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 1:5

“Jeremias, bago kita nilalang sa tiyan ng iyong ina, pinili na kita. At bago ka isinilang, hinirang na kita para maging propeta sa mga bansa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 37:16

Alam mo ba kung paano lumulutang ang mga ulap? Ang lahat ng itoʼy kahanga-hangang gawa ng Dios na ang dunong ay walang hangganan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 5:21

Sapagkat nakikita ng Panginoon ang lahat ng iyong ginagawa; saan ka man naroroon tinitingnan ka niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:30

Mas lalo na kayo, maging ang bilang ng inyong mga buhok ay alam niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 28:9

“At ikaw, Solomon na anak ko, kilalanin mo at paglingkuran ang Dios ng iyong ama nang buong puso mo at isip, dahil nakikita ng Panginoon ang bawat puso ng tao at nalalaman niya ang ating layunin at pag-iisip. Kung dudulog ka sa kanya, tutulungan ka niya, pero kung tatalikod ka sa kanya, itatakwil ka niya magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 94:11

Alam ng Panginoon na ang iniisip ng mga tao ay walang kabuluhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 23:24

Walang sinumang makapagtatago sa akin kahit saan mang lihim na lugar na hindi ko nakikita. Hindi nʼyo ba alam na akoʼy nasa langit, nasa lupa at kahit saan? Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 34:21

“Binabantayan ng Dios ang lahat ng ginagawa ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 33:13-15

Mula sa langit ay minamasdan ng Panginoon ang lahat ng tao. Mula sa kanyang luklukan, tinitingnan niya ang lahat ng narito sa mundo. Siya ang nagbigay ng puso sa mga tao, at nauunawaan niya ang lahat ng kanilang ginagawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 2:10-11

Ngunit ang mga bagay na itoʼy ipinahayag na sa atin ng Dios sa pamamagitan ng kanyang Espiritu. Sapagkat ang lahat ng bagay ay nalalaman ng Espiritu, maging ang mga malalalim na kaisipan ng Dios. Hindi baʼt walang nakakaalam sa iniisip ng isang tao maliban sa kanyang sariling espiritu? Ganoon din naman, walang nakakaalam sa iniisip ng Dios maliban sa kanyang Espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:16

Nakita nʼyo na ako, hindi pa man ako isinisilang. Ang itinakdang mga araw na akoʼy mabubuhay ay nakasulat na sa aklat nʼyo bago pa man mangyari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:2

Inaakala ng tao na tama ang lahat ng kanyang ginagawa, ngunit ang Panginoon lang ang nakakaalam kung ano ang ating motibo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 55:8-9

Sinabi ng Panginoon, “Ang pag-iisip ko ay hindi katulad ng pag-iisip ninyo at ang pamamaraan ko ay hindi katulad ng pamamaraan ninyo. Kung gaano kalayo ang langit sa lupa, ganoon din kalayo ang aking pamamaraan at pag-iisip kaysa sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 44:21

hindi baʼt iyon ay malalaman nʼyo rin? Dahil alam nʼyo kahit ang mga lihim sa isip ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:27

At ang anumang nais sabihin ng Banal na Espiritu ay alam ng Dios na siyang sumisiyasat sa puso ng mga tao. Sapagkat namamagitan ang Banal na Espiritu para sa mga mananampalataya, kung ano ang ayon sa kalooban ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 17:10

Pero ako, ang Panginoon, alam ko ang puso at isip ng tao. Gagantihan ko ang bawat isa ayon sa pag-uugali at mga gawa niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:2

Nalalaman nʼyo kung ako ay nakaupo o nakatayo. Kahit na kayo ay nasa malayo, nalalaman nʼyo ang lahat ng aking iniisip.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:4

Ang bilang ng mga bituin ay kanyang nalalaman at ang bawat isa ay binigyan niya ng pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:8

Huwag nʼyo silang gayahin, dahil alam na ng inyong Ama kung ano ang kailangan ninyo bago pa man ninyo ito hingin sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 2:22

Ipinapaliwanag niya ang mahihiwagang bagay na mahirap intindihin. Nasa kanya ang liwanag, at nalalaman niya ang anumang nasa kadiliman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 21:22

“Matuturuan ba ng tao ang Dios, na siya ngang pinakamataas na hukom?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 2:24-25

Pero hindi nagtiwala si Jesus sa pananampalataya nila, dahil kilala niya ang lahat ng tao. At hindi na kailangang may magsabi pa sa kanya tungkol sa mga tao, dahil alam niya kung ano ang nasa mga puso nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 3:20

at “Alam ng Dios na ang mga pangangatwiran ng marurunong ay walang kabuluhan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 4:12-13

Sapagkat buhay at mabisa ang salita ng Dios, at higit na matalas kaysa sa alinmang espadang magkabila ang talim. Tumatagos ito hanggang kaluluwaʼt espiritu, at hanggang sa kasu-kasuan at kaloob-looban ng buto. Nalalaman nito ang pinakamalalim na iniisip at hinahangad ng tao. Walang makapagtatago sa Dios. Nakikita niya at lantad sa paningin niya ang lahat, at sa kanya tayo mananagot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:12

kaya lang, kahit ang kadiliman ay hindi madilim sa inyo, Panginoon, at ang gabi ay parang araw. Dahil para sa inyo, pareho lang ang dilim at ang liwanag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:13-14

Sino ang makapagsasabi ng nasa isip ng Panginoon, o makapagtuturo sa kanya kung ano ang dapat niyang gawin? Kanino siya sumasangguni para maliwanagan, at sino ang nagturo sa kanya ng tamang pagpapasya? Sino ang nagturo sa kanya ng kaalaman, o nagpaliwanag sa kanya para kanyang maunawaan? Wala!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 19:27

Pero alam ko ang lahat tungkol sa iyo, kung saan ka nananatili, kung saan ka galing, kung saan ka pupunta, at kung gaano katindi ang galit mo sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 28:24

Sapagkat nakikita niya kahit ang pinakamalayong bahagi ng mundo at ang lahat ng nasa ilalim ng langit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 11:5

Pagkatapos, nilukuban ako ng Espiritu ng Panginoon at inutusang sabihin ito: “Ito ang sinasabi ng Panginoon sa inyo mga mamamayan ng Israel: Alam ko kung ano ang sinasabi at iniisip ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 24:12

Maaaring sabihin mo na wala kang nalalaman sa nangyari, pero alam ng Dios kung totoo o hindi ang iyong sinasabi, dahil binabantayan ka niya at alam niya ang nasa puso mo. Gagantimpalaan ka niya ayon sa iyong mga ginawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 16:17

Nakita ko ang lahat ng pag-uugali nila. Wala kahit anuman na naitatago sa akin. Nakita ko rin ang mga kasalanan nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:6

Ang pagkakilala nʼyo sa akin ay tunay na kahanga-hanga; hindi ko kayang unawain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 90:8

Nakikita nʼyo ang aming mga kasalanan, kahit na ang mga kasalanang lihim naming ginawa ay alam ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:19-20

Sa pamamagitan ng karunungan, nilikha ng Panginoon ang lupa at ang langit, at bumukas ang mga bukal at mula sa mga ulap ay bumuhos ang ulan. sapagkat ito ang magpapahaba at magpapaunlad ng iyong buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 2:3

Walang sinumang makapagyayabang dahil alam ng Panginoong Dios ang lahat ng bagay, at hinahatulan niya ang mga gawa ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 11:36

Sapagkat ang lahat ng bagay ay nanggaling sa kanya, at nilikha ang mga ito sa pamamagitan niya at para sa kanya. Purihin ang Dios magpakailanman! Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 50:11

Kilala ko rin ang lahat ng ibon sa mga bundok, at ang lahat ng hayop sa parang ay akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 16:11-12

Magtiwala kayo sa Panginoon, at sa kanyang kalakasan. Palagi kayong dumulog sa kanya. Kayong mga pinili ng Dios na mga lahi ni Jacob na lingkod ng Dios, alalahanin ninyo ang kahanga-hanga niyang mga gawa, mga himala, at ang kanyang mga paghatol.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 34:22

Walang madilim na lugar na maaaring pagtaguan ng masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:2

Walang natatago na hindi malalantad, at walang nalilihim na hindi mabubunyag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 29:15

Nakakaawa kayong mga nagtatago ng inyong mga plano sa Panginoon. Ginagawa ninyo ang inyong mga gawain sa dilim at sinasabi ninyo, “Walang makakakita o makakaalam ng ginagawa natin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:7

Paano ba ako makakaiwas sa inyong Espiritu? Saan ba ako makakapunta na wala kayo?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 8:39

dinggin nʼyo po sila riyan sa inyong luklukan sa langit. Kumilos po kayo at patawarin sila, at gawin sa bawat isa ang nararapat sa kanilang mga ginawa, dahil alam nʼyo po ang bawat puso nila. Tunay na tanging kayo lamang po ang nakakaalam ng puso ng lahat ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 16:9

Sapagkat nakatingin ang Panginoon sa buong mundo para palakasin ang mga taong matapat sa kanya. Kamangmangan ang iyong ginawa! Kaya mula ngayon makikipaglaban ka na.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:2

Pinili na kayo ng Dios Ama noon pa para maging mga anak niya sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, para sundin nʼyo si Jesu-Cristo at upang linisin kayo sa mga kasalanan nʼyo sa pamamagitan ng kanyang dugo. Sumainyo nawa ang higit pang biyaya at kapayapaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:15

Inuutusan niya ang mundo, at agad naman itong sumusunod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 15:18

at matagal ko na itong ipinahayag.’ ”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:168

Ang lahat kong ginagawa ay inyong nalalaman, kaya sinusunod ko ang inyong mga tuntunin at katuruan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 66:18

Alam ko ang kanilang ginagawa at iniisip. Kaya darating ako at titipunin ko ang lahat ng mamamayan ng lahat ng bansa, at makikita nila ang aking kapangyarihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 21:17

Sa ikatlong ulit ay sinabi ni Jesus, “Simon na anak ni Juan, mahal mo ba talaga ako?” Nasaktan si Pedro dahil tatlong beses na siyang tinanong kung mahal niya si Jesus. Kaya sumagot siya, “Panginoon, alam nʼyo po ang lahat ng bagay. Alam nʼyo rin po na mahal ko kayo.” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Alagaan mo ang aking mga tupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 48:6

Narinig ninyo ang aking mga propesiya at nakita ninyo ang katuparan ng mga ito, pero ayaw ninyong tanggapin na ako ang gumawa nito. Mula ngayon, sasabihin ko sa inyo ang mga bagong bagay na hindi ko pa ipinahayag sa inyo. Hindi pa ninyo ito alam.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:24

Ang Panginoon ang nagkaloob nitong ating buhay, kaya hindi natin alam ang ating magiging kapalaran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 23:10

Ngunit alam niya ang ginagawa ko. Pagkatapos na masubukan niya ako, makikita niyang malinis ako tulad ng lantay na ginto.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 94:9

Ang Dios na gumawa ng ating mga tainga at mata, hindi ba nakakarinig o nakakakita?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:1

Panginoon, siniyasat nʼyo ako at kilalang-kilala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:13

Nalalaman nating tayoʼy nasa Dios at ang Dios ay sumasaatin dahil ibinigay niya sa atin ang kanyang Espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:3

Nakikita nʼyo ako habang akoʼy nagpapahinga o nagtatrabaho. Ang lahat ng ginagawa ko ay nalalaman ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 8:27

“Pero makakapanahan po ba talaga kayo, O Dios, dito sa mundo? Ni hindi nga po kayo magkasya kahit sa pinakamataas na langit, dito pa kaya sa templo na ipinatayo ko?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 2:19

Ganoon pa man, nananatiling matibay ang saligang itinatag ng Dios, at may nakasulat na “Alam ng Panginoon kung sino ang sa kanya,” at “Dapat lumayo sa kasamaan ang bawat taong nagsasabi na siyaʼy sa Panginoon.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 17:26-27

Mula sa isang tao, nilikha niya ang lahat ng lahi at ipinangalat sa buong mundo. Noon paʼy itinakda na niya ang hangganan ng tirahan ng mga tao at ang panahon na silaʼy mabubuhay dito sa lupa. Ang lahat ng itoʼy ginawa ng Dios upang hanapin natin siya, at baka sakaling matagpuan natin siya. Pero ang totoo, ang Dios ay hindi malayo sa atin,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:2-3

Itinatayong muli ng Panginoon ang Jerusalem, at muli niyang tinitipon ang mga nabihag na Israelita. Hindi niya ito ginawa sa ibang mga bansa; hindi nila alam ang kanyang mga utos. Purihin ang Panginoon! Pinagagaling niya ang mga pusong nabigo, at ginagamot ang kanilang mga sugat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 3:20

Purihin natin ang Dios na makakagawa ng higit pa sa hinihingi o inaasahan natin sa pamamagitan ng kapangyarihan niyang kumikilos sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 11:2

Mananatili sa kanya ang Espiritu ng Panginoon at magbibigay ito sa kanya ng karunungan, pang-unawa, kakayahan sa pagpaplano, kapangyarihan, kaalaman, at takot sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 16:27

Purihin natin ang Dios na tanging nakakaalam ng lahat. Purihin natin siya magpakailanman sa pamamagitan ni Jesu-Cristo! Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 44:20-21

O Dios, kung kayo ay nakalimutan namin, at sa ibang dios, kami ay nanalangin, hindi baʼt iyon ay malalaman nʼyo rin? Dahil alam nʼyo kahit ang mga lihim sa isip ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:11

Kung alam ng Panginoon ang nangyayari sa daigdig ng mga patay, lalo namang alam niya ang nasa puso ng mga buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 45:21

Isangguni ninyo sa isaʼt isa, at ihayag ang inyong usapin. Sino ang humula noon tungkol sa mga bagay na mangyayari? Hindi baʼt ako, ang Panginoon? Wala nang ibang Dios, ako lang, ang Dios na matuwid at Tagapagligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 2:20-22

Sinabi niya, “Purihin ang Dios magpakailanman. Siya ay matalino at makapangyarihan. Siya ang nagbabago ng panahon. Siya ang nagpapasya kung sino ang maghahari at siya rin ang nag-aalis sa kanila sa trono. Siya ang nagbibigay ng karunungan sa marurunong. Ipinapaliwanag niya ang mahihiwagang bagay na mahirap intindihin. Nasa kanya ang liwanag, at nalalaman niya ang anumang nasa kadiliman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 1:8-9

para maunawaan ang kanyang lihim na plano na nais niyang matupad sa pamamagitan ni Cristo

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 18:30

Ang pamamaraan nʼyo, O Dios ay walang kamalian. Ang inyong mga salita ay maaasahan. Kayoʼy katulad ng isang kalasag sa mga naghahanap ng kaligtasan sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Samuel 22:31

Ang pamamaraan nʼyo, O Dios ay walang kamalian. Ang inyong mga salita ay maaasahan. Kayoʼy katulad ng isang kalasag sa mga naghahanap ng kaligtasan sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:66

Bigyan nʼyo ako ng kaalaman at karunungan, dahil nagtitiwala ako sa inyong mga utos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 38:4-5

“Nasaan ka noong nilikha ko ang pundasyon ng daigdig? Kung talagang may alam ka, sabihin mo sa akin. habang silaʼy nagtatago sa kanilang lungga o sa maliliit na punongkahoy? Sino ang nagpapakain sa mga uwak kapag silaʼy nagugutom at kapag ang mga inakay nilaʼy humihingi ng pagkain sa akin? Alam mo ba kung sino ang nagpasya ng magiging lawak ng pundasyon at sukat nito?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:15

Nakita nʼyo ang aking mga buto nang akoʼy lihim na hugisin sa loob ng sinapupunan ng aking ina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:26

Tumingin kayo sa langit! Sino kaya ang lumikha sa mga bituing iyon? Ang Dios ang lumikha niyan. Inilabas niya isa-isa ang mga iyon habang tinatawag niya ang kanilang pangalan. At dahil sa kanyang kapangyarihan, ni isa man ay walang nawala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:12

Sapagkat iniingatan ng Panginoon ang matuwid, at sinasagot niya ang mga panalangin nila, ngunit galit siya sa mga gumagawa ng masama.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 9:4

Pero alam ni Jesus ang iniisip nila, kaya sinabi niya, “Bakit kayo nag-iisip ng masama?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:1

Purihin ang Panginoon! Napakabuting umawit ng pagpupuri sa ating Dios. Napakabuti at nararapat lang na siya ay purihin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 1:25

Sapagkat ang inaakala ng tao na kamangmangan ng Dios ay higit pa sa karunungan ng tao, at ang inaakala nilang kahinaan ng Dios ay higit pa sa kalakasan ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:14

Kanino siya sumasangguni para maliwanagan, at sino ang nagturo sa kanya ng tamang pagpapasya? Sino ang nagturo sa kanya ng kaalaman, o nagpaliwanag sa kanya para kanyang maunawaan? Wala!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:7

Ipamamalita nila ang katanyagan ng inyong kabutihan, at aawit sila nang may kagalakan tungkol sa inyong katuwiran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 3:9

at ipaliwanag sa lahat kung paano maisasakatuparan ang plano ng Dios. Noong unaʼy inilihim ito ng Dios na lumikha ng lahat ng bagay,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 2:3

Si Cristo ang pinagmumulan ng lahat ng karunungan at kaalaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 12:13

“Pero ang Dios ay hindi lang nagtataglay ng karunungan, nasa kanya rin ang kapangyarihan, at siya lang ang nakakaunawa kung ano ang dapat gawin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 104:24

Kay dami ng inyong mga ginawa, Panginoon. Nilikha nʼyo ang lahat ayon sa inyong karunungan. Ang buong mundo ay puno ng inyong nilikha.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 55:9

Kung gaano kalayo ang langit sa lupa, ganoon din kalayo ang aking pamamaraan at pag-iisip kaysa sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 38:1-2

Pagkatapos, sinagot ng Panginoon si Job mula sa ipu-ipo, sinabi niya, Nilagyan ko ng hangganan ang dagat; parang pintuang isinara at nilagyan ng trangka. Sinabihan ko ang dagat, ‘Hanggang dito ka lang at huwag kang lalampas; hanggang dito lang ang malalaki mong alon.’ “Minsan ba sa buhay mo Job ay nautusan mo ang umaga na magbukang-liwayway para ang ningning nito ay lumiwanag sa buong mundo at mapatigil ang kasamaang ginagawa kapag madilim? At dahil sa sikat ng araw, ang daigdig ay malinaw na nakikita katulad ng marka ng pantatak at lukot ng damit. Ang liwanag ay nakakapigil sa masasama, dahil hindi sila makakagawa ng karahasan sa iba. “Ikaw baʼy nakapunta na sa mga bukal na nasa ilalim ng dagat o sa pinakamalalim na bahagi ng dagat? Naipakita na ba sa iyo ang mga pintuan patungo sa lugar ng mga patay? Alam mo ba kung gaano kalaki itong mundo? Sabihin mo sa akin kung alam mo ang lahat ng ito! “Alam mo ba kung saan nanggaling ang liwanag at dilim? “Sino ka na nag-aalinlangan sa aking karunungan? Ang mga sinasabi moʼy nagpapatunay lang na wala kang nalalaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:14

Dahil alam niya ang ating kahinaan, alam niyang nilikha tayo mula sa lupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 8:17

Ganoon din naman, walang natatagong hindi mahahayag at walang lihim na hindi malalaman at mabubunyag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 46:10

Sa simula pa lang, sinabi ko na ang mga mangyayari sa hinaharap. Ang aking mga inihayag ay magaganap, at gagawin ko ang lahat ng gusto kong gawin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 77:14

Kayo ang Dios na gumagawa ng mga himala. Ipinapakita nʼyo sa mga tao ang inyong kapangyarihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 11:33

Napakadakila ng kabutihan ng Dios! Napakalalim ng kanyang karunungan at kaalaman! Hindi natin kayang unawain ang kanyang mga pasya at pamamaraan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 29:11-12

Makapangyarihan kayo, kagalang-galang, dakila, at kapuri-puri! Sapagkat sa inyo ang lahat ng bagay na nasa langit at nasa lupa. Kayo ang hari, O Panginoon, at higit kayo sa lahat! Sa inyo nagmumula ang kayamanan at karangalan. Kayo ang namamahala sa lahat ng bagay. Makapangyarihan kayo, at kayo ang nagpapalakas at nagbibigay kapangyarihan sa sinuman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 9:10

Ang paggalang sa Panginoon ang pasimula ng karunungan. At ang pagkilala sa Banal na Dios ay nagpapahiwatig ng pagkaunawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:142

Walang katapusan ang inyong katuwiran, at ang inyong kautusan ay batay sa katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 50:4

Tinuruan ako ng Panginoong Dios kung ano ang sasabihin ko para mapalakas ang mga nanlulupaypay. Ginigising niya ako tuwing umaga para pakinggan ang mga itinuturo niya sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 42:9

Ang mga propesiya koʼy natupad at sasabihin ko ngayon ang mga bagong bagay bago pa ito mangyari.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:26

Ito ang lihim niyang plano na hindi inihayag noon sa naunang mga panahon at mga salinlahi, pero ngayon ay inihayag na sa atin na mga pinabanal niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 26:14

Mga simpleng bagay lang ito para sa kanya. Parang isang bulong lang na ating napakinggan. Sino ngayon ang makakaunawa sa kapangyarihan ng Dios?”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 11:3

Magiging kagalakan niya ang pagsunod sa Panginoon. Hindi siya mamumuno at hahatol batay lang sa kanyang nakita o narinig sa iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:29

Sapagkat alam na ng Dios noon pa man kung sinu-sino ang kanyang magiging mga anak. At silaʼy itinalaga niyang matulad sa kanyang Anak na si Jesus para siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:3

Panginoon, kayoʼy makapangyarihan at karapat-dapat na purihin. Ang inyong kadakilaan ay hindi kayang unawain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 1:17

Purihin at dakilain magpakailanman ang Haring walang hanggan at walang kamatayan – ang di-nakikita at nag-iisang Dios. Amen.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 29:29

May mga lihim na bagay na ang Panginoon lang ang nakakaalam, pero ipinahayag niya sa atin ang kanyang kasunduan, at dapat natin itong sundin maging ng ating lahi magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 111:10

Ang pagkatakot sa Panginoon ang pinagmumulan ng karunungan. Lahat ng sumusunod sa kanyang mga utos ay may mabuting pang-unawa. Purihin siya magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 4:15

Nadarama rin ng ating punong pari ang lahat ng kahinaan natin, dahil naranasan din niya ang lahat ng pagsubok na dumarating sa atin, pero hindi siya nagkasala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:12

Sino ang makakatakal ng tubig sa dagat sa pamamagitan ng kanyang mga palad, o makakasukat ng langit sa pamamagitan ng pagdangkal nito? Sinong makakapaglagay ng lahat ng lupa sa isang lalagyan, o makakapagtimbang ng mga bundok at mga burol?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 11:7-9

“Kaya mo bang unawain ang lahat-lahat tungkol sa Dios? Mas mataas pa ito kaysa sa langit at mas malalim pa kaysa sa lugar ng mga patay. Mas malawak pa ito kaysa sa mundo at mas maluwang pa kaysa sa dagat. Maihahambing mo kaya ang karunungan mo sa kanya?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 8:2-3

Ang taong nag-aakala na marami na siyang alam ay kulang pa rin talaga sa kaalaman. Ngunit ang taong nagmamahal sa Dios ay siyang kinikilala ng Dios na kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:73

Akoʼy nilikha at hinubog nʼyo; kaya bigyan nʼyo ako ng pang-unawa upang matutunan ko ang inyong mga utos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 38:16

“Ikaw baʼy nakapunta na sa mga bukal na nasa ilalim ng dagat o sa pinakamalalim na bahagi ng dagat?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:1

Nasa tao ang pagpaplano, ngunit ang Panginoon ang nagpapasya kung magaganap ito o hindi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 42:8-9

Ako ang Panginoon! Iyan ang aking pangalan! Hindi ko ibibigay kaninuman o sa mga dios-diosan ang aking karangalan at mga papuri na para sa akin. Ang mga propesiya koʼy natupad at sasabihin ko ngayon ang mga bagong bagay bago pa ito mangyari.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 2:6-7

Kung sabagay, nagtuturo rin kami ng malalalim na karunungan sa mga matatag na sa pananampalataya, ngunit ang karunungang itoʼy hindi mula sa karunungan ng mundong ito, o sa mga namumuno sa mundong ito na nakatakda nang malipol. Ang karunungang sinasabi ko ay ang karunungan ng Dios na kanyang inilihim noon. Itoʼy itinalaga niya para sa ating karangalan bago pa man niya likhain ang mundo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 32:8

Sinabi ng Panginoon sa akin, “Ituturo ko sa iyo ang daan na dapat mong lakaran. Papayuhan kita habang binabantayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:26-27

Tinutulungan tayo ng Banal na Espiritu sa kahinaan natin. Hindi natin alam kung ano ang dapat nating ipanalangin, kaya ang Espiritu na rin ang namamagitan sa Dios para sa atin sa pamamagitan ng mga daing na hindi natin kayang sabihin. At ang anumang nais sabihin ng Banal na Espiritu ay alam ng Dios na siyang sumisiyasat sa puso ng mga tao. Sapagkat namamagitan ang Banal na Espiritu para sa mga mananampalataya, kung ano ang ayon sa kalooban ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 13:12

Sa ngayon, para tayong nakatingin sa malabong salamin. Ngunit darating ang araw na magiging malinaw ang lahat sa atin. Bahagya lamang ang ating nalalaman sa ngayon; ngunit darating ang araw na malalaman natin ang lahat, tulad ng pagkakaalam ng Dios sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 66:1-2

Ito ang sinasabi ng Panginoon, “Ang langit ang aking trono, at ang lupa ang tuntungan ng aking mga paa. Kaya, anong klaseng bahay ang itatayo ninyo para sa akin? Saang lugar ninyo ako pagpapahingahin? Kayong lahat ng nagmamahal sa Jerusalem, makigalak kayong kasama niya. At kayong mga umiiyak para sa kanya, makisaya kayo sa kanya, para magtamasa kayo ng kanyang kasaganaan katulad ng sanggol na sumususo sa kanyang ina at nabusog. Sapagkat sinasabi ng Panginoon, “Pauunlarin ko ang Jerusalem. Dadalhin sa kanya ang kayamanan ng mga bansa na parang umaapaw na daluyan ng tubig. Kayoʼy matutulad sa isang sanggol na aalagaan, hahawakan, pasususuhin, at kakalungin ng kanyang ina. Aaliwin ko kayo katulad ng isang ina na umaaliw sa kanyang anak.” Kapag itoʼy nakita ninyong ginagawa ko na, magagalak kayo, at lalago na parang sariwang tanim. Ipapakita ng Panginoon ang kanyang kapangyarihan sa kanyang mga lingkod, pero ipapakita niya ang kanyang galit sa kanyang mga kaaway. Makinig kayo! Darating ang Panginoon na may dalang apoy. Sasakay siya sa kanyang mga karwaheng pandigma na parang ipu-ipo. Ipapakita niya ang kanyang galit sa kanyang mga kaaway, at parurusahan niya sila ng nagliliyab na apoy. Sapagkat sa pamamagitan ng apoy at espada, parurusahan ng Panginoon ang lahat ng taong makasalanan, at marami ang kanyang papatayin. Sinabi ng Panginoon, “Sama-samang mamamatay ang mga nagpapakabanal at naglilinis ng mga sarili nila sa pagsamba sa kanilang mga dios-diosan sa halamanan. Mamamatay silang kumakain ng baboy, daga, at iba pang mga pagkaing kasuklam-suklam. Alam ko ang kanilang ginagawa at iniisip. Kaya darating ako at titipunin ko ang lahat ng mamamayan ng lahat ng bansa, at makikita nila ang aking kapangyarihan. Magpapakita ako ng himala sa kanila. At ang mga natitira sa kanila ay susuguin ko sa mga bansang Tarshish, Pul, Lud (ang mga mamamayan nito ay tanyag sa paggamit ng pana), Tubal, Grecia, at sa iba pang malalayong lugar na hindi nakabalita tungkol sa aking kadakilaan at hindi nakakita ng aking kapangyarihan. Ipapahayag nila ang aking kapangyarihan sa mga bansa. Hindi baʼt ako ang gumawa ng lahat ng bagay. “Binibigyang pansin ko ang mga taong mapagpakumbaba, nagsisisi, at may takot sa aking mga salita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 12:10

Nasa kamay niya ang buhay o hininga ng bawat nilalang, pati na ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 1:18

Ipinapanalangin ko rin na maliwanagan ang inyong pusoʼt isipan para maunawaan nʼyo ang pag-asa na inilaan niya sa atin, ang napakahalaga at napakasaganang pagpapala na ipinangako niya sa mga pinabanal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 56:8

Nalalaman nʼyo ang aking kalungkutan at napapansin nʼyo ang aking mga pag-iyak. Hindi baʼt inilista nʼyo ito sa inyong aklat?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 16:7

Pero sinabi ng Panginoon kay Samuel, “Huwag mong tingnan ang tangkad at ang kakisigan niya dahil hindi siya ang pinili ko. Hindi ako tumitingin na gaya ng pagtingin ng tao. Ang taoʼy tumitingin sa panlabas na kaanyuan, ngunit ang tinitingnan koʼy ang puso.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 5:3

Pagkatapos, sinabi ko, “Panginoon, naghahanap po kayo ng taong tapat. Sinaktan nʼyo po ang inyong mga mamamayan pero balewala ito sa kanila. Pinarusahan nʼyo sila pero ayaw nilang magpaturo. Pinatigas nila ang kanilang mga puso at ayaw nilang magsisi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:9

Ang tao ang nagpaplano, ngunit nasa Panginoon ang kaganapan nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 11:3

Dahil sa pananampalataya, alam natin na ang sanlibutan ay ginawa ng Dios sa pamamagitan ng kanyang salita. Kaya ang mga bagay na nakikita natin ay galing sa mga hindi nakikita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 28:29

Ang kaalamang ito ay mula sa Panginoong Makapangyarihan. Napakabuti ng kanyang mga payo, at kahanga-hanga ang kanyang kaalaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 12:22

Ang mga lihim ay kanyang inihahayag, at ang madilim ay pinapalitan ng liwanag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 2:16

At ayon sa Magandang Balita na itinuturo ko, ang konsensya ay pagbabatayan din sa araw na hahatulan ng Dios, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, ang lahat ng lihim ng mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 11:27

Pagkatapos, sinabi niya sa mga tao, “Ibinigay sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang mga taong nais ng Anak na makakilala sa Ama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 28:12

“Pero saan nga ba matatagpuan ang karunungan at pang-unawa?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:7

Huwag mong isipin na napakarunong mo na. Matakot ka sa Panginoon, at huwag gumawa ng masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 5:21

at itinaboy mula sa mga tao. Naging isip-hayop siya. Tumira siya kasama ng mga asnong-gubat at kumain ng damo na parang baka. Palaging basa ng hamog ang kanyang katawan. Ganoon ang kanyang kalagayan hanggang kilalanin niya na ang Kataas-taasang Dios ang siyang may kapangyarihan sa mga kaharian ng mga tao at maaari niyang ipasakop ang mga ito kahit kanino niya gustuhin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 25:14

Panginoon, kayoʼy malapit sa mga taong may takot sa inyo, at pinapaalala nʼyo sa kanila ang inyong kasunduan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:6-7

Hindi baʼt napakamura ng halaga ng maya? Ngunit kahit isa sa kanila ay hindi nakakalimutan ng Dios. Higit kayong mahalaga kaysa sa maraming maya. Kahit ang bilang ng buhok nʼyo ay alam niya. Kaya huwag kayong matakot.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:30

Walang karunungan, pang-unawa o payo ang makakapantay sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 9:11

Bago pa man ipanganak ang kambal, sinabi na ng Dios kay Rebeka, “Maglilingkod ang nakatatanda sa nakababatang kapatid.” Sinabi ito ng Dios noong wala pa silang nagagawang mabuti o masama, para patunayan na ang pagpili niya ay batay sa sarili niyang pasya at hindi sa mabubuting gawa ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 36:9

Dahil kayo ang nagbibigay ng buhay. Pinapaliwanagan nʼyo kami, at naliliwanagan ang aming isipan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 8:4

akoʼy nagtatanong, ano ba ang tao upang inyong alalahanin? Sino nga ba siya upang inyong kalingain?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 14:24

Nanumpa ang Panginoong Makapangyarihan at sinabi, “Mangyayari ang plano ko; matutupad ang desisyon ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Pedro 3:8

Ngunit huwag sana ninyong kakalimutan mga minamahal, na sa Panginoon, walang pinagkaiba ang isang araw sa isang libong taon. Para sa kanya ang mga ito ay pareho lang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 4:5

Kaya huwag kayong humatol nang wala sa takdang panahon. Hintayin ninyo ang pagbabalik ng Panginoon. Pagdating niya, ilalantad niya ang lahat ng mga sekreto at motibo ng bawat isa. At sa panahong iyon, tatanggapin ng bawat isa ang papuring mula sa Dios na ayon sa kanyang ginawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Salamat po, Panginoon, sapagkat Ikaw ang aking manggagamot, tagapaglaan, at tagapagtanggol. Ikaw ang lumalaban para sa akin at nagdadala sa akin mula sa isang kaluwalhatian patungo sa isa pa. Sa dakila at makapangyarihang pangalan ni Hesus, lumalapit ako sa Iyo upang sambahin at purihin Ka, dahil sa Iyong walang hanggang pag-ibig at awa. Hari ko, pupurihin at dadakilain Kita sapagkat pinatawad Mo ako, iniligtas Mo ako, at tinanggap Mo ako. Gumagawa Ka ng mga tanda sa langit at dito sa lupa, hinati Mo ang dagat. O mapalad, Banal ng Israel! O Diyos, pinagpala Ka sa lahat ng bansa, pinupuri at pinagpapala nila ang Iyong pangalan, na higit sa lahat ng pangalan, at ipinapahayag na Ikaw ang Kataas-taasang Hari. Diyos ko, hinihiling ko na ang Iyong papuri ay laging nasa aking bibig. Sabi ng Iyong salita: "Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na nagpala sa atin ng bawat pagpapalang espirituwal sa kalangitan kay Cristo." Salamat po sa Iyong walang hanggang awa, Ikaw ang aking Diyos, aking Hari, at walang mabuti kung wala Ka. Ikaw ang lumikha ng langit at lupa, ang Iyong pangalan lamang ang dakila. Purihin at awitan Ka ng lahat ng Iyong mga banal sapagkat kamangha-mangha ang Iyong mga gawa, at di mabilang tulad ng buhangin sa dagat. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas