Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Isaias 11:3 - Ang Salita ng Dios

3 Magiging kagalakan niya ang pagsunod sa Panginoon. Hindi siya mamumuno at hahatol batay lang sa kanyang nakita o narinig sa iba.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

3 At ang kaniyang kaluguran ay magiging sa pagkatakot sa Panginoon: at hindi siya hahatol ng ayon sa paningin ng kaniyang mga mata, ni sasaway man ng ayon sa pakinig ng kaniyang mga tainga:

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

3 at ang kanyang kalulugdan ay ang takot sa Panginoon. Hindi siya hahatol ng ayon sa nakikita ng kanyang mga mata, ni magpapasiya man ng ayon sa narinig ng kanyang mga tainga.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

3 At ang kaniyang kaluguran ay magiging sa pagkatakot sa Panginoon: at hindi siya hahatol ng ayon sa paningin ng kaniyang mga mata, ni sasaway man ng ayon sa pakinig ng kaniyang mga tainga:

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

3 Kagalakan niya ang sumunod at gumalang kay Yahweh. Hindi siya hahatol ayon sa kanyang nakita, o magpapasya batay sa kanyang narinig.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

3 Kagalakan niya ang sumunod at gumalang kay Yahweh. Hindi siya hahatol ayon sa kanyang nakita, o magpapasya batay sa kanyang narinig.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

3 Kagalakan niya ang sumunod at gumalang kay Yahweh. Hindi siya hahatol ayon sa kanyang nakita, o magpapasya batay sa kanyang narinig.

Tingnan ang kabanata Kopya




Isaias 11:3
20 Mga Krus na Reperensya  

Ang desisyon nʼyo ang makapagbibigay sa akin ng kapayapaan dahil tulad kayo ng isang anghel ng Dios, na nakakaalam kung ano ang masama at mabuti. Lagi sana kayong samahan ng Panginoon na inyong Dios.”


Sinabi ng hari sa babae, “Umuwi ka na, ako na ang bahala. Mag-uutos akong huwag na nilang saktan ang anak mo.”


Nang marinig ng mga mamamayan ng Israel ang pagpapasya ng hari, lumaki ang paggalang nila sa kanya, dahil nakita nila na may karunungan siyang mula sa Dios sa paghatol ng tama.


Kaya bigyan nʼyo po ako ng karunungan para pamahalaan ang inyong mga mamamayan at kaalamang malaman kung ano ang mabuti at masama. Dahil sino po ba ang may kakayahang mamahala sa inyong mga mamamayan na napakarami?”


Kung alam ng dila ng tao kung alin ang masarap o hindi masarap na pagkain, alam din ng tainga ng tao kung alin ang mabuti o masamang salita.


Sapagkat kung papaanong alam ng dila ang masarap at hindi masarap na pagkain, alam din ng tainga kung ano ang tama at hindi tamang mga salita.


Kung gagawin mo ito, malalaman mo kung ano ang pagkatakot sa Panginoon at mauunawaan mo ang tungkol sa kanya.


Kung makikinig ka sa akin, malalaman mo ang dapat mong gawin, ang tama, matuwid at nararapat.


Siya ang magpapatatag sa inyo. Iingatan niya kayo at bibigyan ng karunungan at kaalaman. At ang mahalagang kayamanan ninyo ay ang pagkatakot sa Panginoon.


Ang lupaing ito ang magiging parte ng pinuno ng Israel. “Ang aking mga pinuno ay hindi na mang-aapi sa aking mga mamamayan. Hahayaan nila na ang mga mamamayan ng Israel ang magmay-ari ng lupang ibinibigay sa kanila ayon sa angkan nila.


At sa pamamagitan ng mga kautusan niya, pagkakasunduin niya ang maraming bansa, pati na ang mga makapangyarihang bansa sa malayo. Kaya hindi na magdidigmaan ang mga bansa, at hindi na rin sila magsasanay ng mga sundalo para sa digmaan. Gagawin na lang nilang talim ng araro ang kanilang mga espada, at gagawing karit na pantabas ang kanilang mga sibat.


Patuloy na lumaki si Jesus at lalo pang naging matalino. Kinalugdan siya ng Dios at ng mga tao.


At hindi na kailangang may magsabi pa sa kanya tungkol sa mga tao, dahil alam niya kung ano ang nasa mga puso nila.


Huwag kayong humusga ayon lang sa nakikita ninyo, kundi humusga kayo ayon sa nararapat.”


Ngunit ang matigas na pagkain ay para sa may mga sapat na gulang na, at alam na kung ano ang mabuti at masama.


Pero sinabi ng Panginoon kay Samuel, “Huwag mong tingnan ang tangkad at ang kakisigan niya dahil hindi siya ang pinili ko. Hindi ako tumitingin na gaya ng pagtingin ng tao. Ang taoʼy tumitingin sa panlabas na kaanyuan, ngunit ang tinitingnan koʼy ang puso.”


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas