Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Kawikaan 21:2 - Ang Salita ng Dios

2 Inaakala ng tao na tama ang lahat ng kanyang ginagawa, ngunit ang Panginoon lang ang nakakaalam kung ano ang ating motibo.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

2 Bawa't lakad ng tao ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata: nguni't tinitimbang ng Panginoon ang mga puso.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

2 Matuwid sa kanyang sariling mga mata ang bawat lakad ng tao, ngunit tinitimbang ng Panginoon ang mga puso.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

2 Bawa't lakad ng tao ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata: Nguni't tinitimbang ng Panginoon ang mga puso.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

2 Ang akala ng tao lahat ng kilos niya'y wasto, ngunit si Yahweh lang ang nakakasaliksik ng puso.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

2 Ang akala ng tao lahat ng kilos niya'y wasto, ngunit si Yahweh lang ang nakakasaliksik ng puso.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

2 Ang akala ng tao lahat ng kilos niya'y wasto, ngunit si Yahweh lang ang nakakasaliksik ng puso.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Kawikaan 21:2
18 Mga Krus na Reperensya  

hahayaan kong hatulan ako ng Dios, dahil siya ang nakakaalam kung nagkasala nga ako.


Dahil mataas ang tingin niya sa kanyang sarili, hindi niya nakikita ang kanyang kasalanan para kamuhian ito.


Ang akala ng hangal ay palagi siyang tama, ngunit ang taong marunong ay nakikinig sa payo.


Inaakala natin na tama ang lahat ng ating ginagawa, ngunit ang Panginoon lang ang makakapaghusga kung ano talaga ang ating motibo.


Maaaring iniisip mo na nasa tamang daan ka, ngunit ang dulo pala nito ay kamatayan.


Sinusubok ng Panginoon ang puso ng tao katulad ng pilak at ginto na sinusubok sa apoy kung ito ay tunay o hindi.


Marami ang nagsasabi na sila ay tapat, ngunit mayroon kaya sa kanila ang mapagkakatiwalaan?


Maaaring sabihin mo na wala kang nalalaman sa nangyari, pero alam ng Dios kung totoo o hindi ang iyong sinasabi, dahil binabantayan ka niya at alam niya ang nasa puso mo. Gagantimpalaan ka niya ayon sa iyong mga ginawa.


May mga tao na ang tingin sa sarili ay tunay na perpekto, ngunit ang totoo ang buhay nila ay madumi.


Pero ako, ang Panginoon, alam ko ang puso at isip ng tao. Gagantihan ko ang bawat isa ayon sa pag-uugali at mga gawa niya.


Ang Tekel ay nangangahulugan na tinimbang ka ng Dios at napatunayang ikaw ay nagkulang.


Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, “Nagbabanal-banalan kayo sa harap ng mga tao pero alam ng Dios kung ano talaga ang nilalaman ng inyong puso. Sapagkat ang mga bagay na itinuturing ng tao na mahalaga ay kinasusuklaman ng Dios.


Kung mayroon sa inyong nag-aakala na nakakahigit siya sa iba gayong hindi naman, nililinlang lamang niya ang kanyang sarili.


Huwag lang kayong maging tagapakinig ng salita ng Dios kundi sundin nʼyo ang sinasabi nito. Dahil kung hindi, dinadaya nʼyo lang ang sarili ninyo.


Papatayin ko ang mga tagasunod niya upang malaman ng lahat ng iglesya na alam ko ang iniisip at hinahangad ng tao. Gagantihan ko ang bawat isa sa inyo ayon sa mga ginawa ninyo.


Pero sinabi ng Panginoon kay Samuel, “Huwag mong tingnan ang tangkad at ang kakisigan niya dahil hindi siya ang pinili ko. Hindi ako tumitingin na gaya ng pagtingin ng tao. Ang taoʼy tumitingin sa panlabas na kaanyuan, ngunit ang tinitingnan koʼy ang puso.”


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas