Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




1 Samuel 2:3 - Ang Salita ng Dios

3 Walang sinumang makapagyayabang dahil alam ng Panginoong Dios ang lahat ng bagay, at hinahatulan niya ang mga gawa ng tao.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

3 Huwag na kayong magsalita ng totoong kapalaluan; Huwag mabuka ang kahambugan sa inyong bibig; Sapagka't ang Panginoon ay Dios ng kaalaman, At sa pamamagitan niya'y sinusukat ang mga kilos.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

3 Huwag na kayong magsalita nang may kapalaluan; huwag lumabas sa inyong bibig ang kahambugan; sapagkat ang Panginoon ay Diyos ng kaalaman, at ang mga kilos ay kanyang tinitimbang.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

3 Huwag na kayong magsalita ng totoong kapalaluan; Huwag mabuka ang kahambugan sa inyong bibig; Sapagka't ang Panginoon ay Dios ng kaalaman, At sa pamamagitan niya'y sinusukat ang mga kilos.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

3 Walang maaaring magyabang sa iyo, Yahweh, walang maaaring maghambog, sapagkat alam mo ang lahat ng bagay, ikaw ang hahatol sa lahat ng ginagawa ng tao.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

3 Walang maaaring magyabang sa iyo, Yahweh, walang maaaring maghambog, sapagkat alam mo ang lahat ng bagay, ikaw ang hahatol sa lahat ng ginagawa ng tao.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

3 Walang maaaring magyabang sa iyo, Yahweh, walang maaaring maghambog, sapagkat alam mo ang lahat ng bagay, ikaw ang hahatol sa lahat ng ginagawa ng tao.

Tingnan ang kabanata Kopya




1 Samuel 2:3
26 Mga Krus na Reperensya  

dinggin nʼyo po sila riyan sa inyong luklukan sa langit. Kumilos po kayo at patawarin sila, at gawin sa bawat isa ang nararapat sa kanilang mga ginawa, dahil alam nʼyo po ang bawat puso nila. Tunay na tanging kayo lamang po ang nakakaalam ng puso ng lahat ng tao.


hahayaan kong hatulan ako ng Dios, dahil siya ang nakakaalam kung nagkasala nga ako.


Makapangyarihan ang ating Panginoon. Ang kanyang karunungan ay walang hangganan.


Silaʼy mayayabang sa kanilang pagsasalita at mga walang awa.


Patahimikin nʼyo silang mga sinungaling, pati ang mga mayayabang at mapagmataas na binabalewala at hinahamak ang mga matuwid.


hindi baʼt iyon ay malalaman nʼyo rin? Dahil alam nʼyo kahit ang mga lihim sa isip ng tao.


Tigilan nʼyo na ang pagmamalaki na kayo ay nanalo at magpakumbaba na kayo.”


Silang lahat na gumagawa ng masama ay ubod ng yabang.


Inaakala natin na tama ang lahat ng ating ginagawa, ngunit ang Panginoon lang ang makakapaghusga kung ano talaga ang ating motibo.


Maaaring sabihin mo na wala kang nalalaman sa nangyari, pero alam ng Dios kung totoo o hindi ang iyong sinasabi, dahil binabantayan ka niya at alam niya ang nasa puso mo. Gagantimpalaan ka niya ayon sa iyong mga ginawa.


Ang may takot sa Panginoon ay lumalayo sa kasamaan. Namumuhi ako sa kapalaluan, kayabangan, pagsisinungaling at masamang pag-uugali.


Patag ang daan ng taong matuwid, at kayo, Panginoong matuwid, ang nagpatag nito.


Sino ba ang hinahamak at nilalapastangan mo? Sino ang pinagtataasan mo ng boses at pinagyayabangan mo? Hindi baʼt ako, ang Banal na Dios ng Israel?


Pero ako, ang Panginoon, alam ko ang puso at isip ng tao. Gagantihan ko ang bawat isa ayon sa pag-uugali at mga gawa niya.


Nagmalaki kayo sa akin. Kinutya nʼyo ako at narinig ko ito.


Kaya ngayon, pinupuri koʼt pinararangalan ang Hari ng langit, dahil matuwid at tama ang lahat niyang ginagawa at ibinabagsak niya ang mga mapagmataas.”


Ang Tekel ay nangangahulugan na tinimbang ka ng Dios at napatunayang ikaw ay nagkulang.


Sinabi pa ng Panginoon, “Masasakit ang inyong sinabi tungkol sa akin. Pero itinatanong ninyo, ‘Ano ang sinabi naming masakit tungkol sa inyo?’


Sapagkat buhay at mabisa ang salita ng Dios, at higit na matalas kaysa sa alinmang espadang magkabila ang talim. Tumatagos ito hanggang kaluluwaʼt espiritu, at hanggang sa kasu-kasuan at kaloob-looban ng buto. Nalalaman nito ang pinakamalalim na iniisip at hinahangad ng tao.


“Ang Panginoon po ay ang Makapangyarihang Dios! Ang Panginoon po ay ang Makapangyarihang Dios! Nalalaman po niya kung bakit namin ito ginawa, at dapat din ninyong malaman. Kung nagrebelde kami o kayaʼy lumabag sa Panginoon, patayin nʼyo kami sa araw na ito.


Papatayin ko ang mga tagasunod niya upang malaman ng lahat ng iglesya na alam ko ang iniisip at hinahangad ng tao. Gagantihan ko ang bawat isa sa inyo ayon sa mga ginawa ninyo.


Sumagot si Zebul sa kanya, “Nasaan na ngayon ang ipinagmamalaki mo? Hindi baʼt sinabi mo, ‘Bakit sino ba si Abimelec at magpapasakop tayo sa kanya?’ Ngayon, nandito na ang hinahamak mo! Bakit hindi ka makipaglaban sa kanila?”


Pero sinabi ng Panginoon kay Samuel, “Huwag mong tingnan ang tangkad at ang kakisigan niya dahil hindi siya ang pinili ko. Hindi ako tumitingin na gaya ng pagtingin ng tao. Ang taoʼy tumitingin sa panlabas na kaanyuan, ngunit ang tinitingnan koʼy ang puso.”


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas