Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Kawikaan 16:1 - Ang Salita ng Dios

1 Nasa tao ang pagpaplano, ngunit ang Panginoon ang nagpapasya kung magaganap ito o hindi.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

1 Ang mga paghahanda ng puso ay ukol sa tao: nguni't ang sagot ng dila ay mula sa Panginoon.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

1 Ang mga balak ng isipan ay sa tao nagmumula, ngunit mula sa Panginoon ang sagot ng dila.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

1 Ang mga paghahanda ng puso ay ukol sa tao: Nguni't ang sagot ng dila ay mula sa Panginoon.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

1 Ang mga balak ng isipan ay sa tao nagmumula, ngunit mula kay Yahweh ang sagot ng dila.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

1 Ang mga balak ng isipan ay sa tao nagmumula, ngunit mula kay Yahweh ang sagot ng dila.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

1 Ang mga balak ng isipan ay sa tao nagmumula, ngunit mula kay Yahweh ang sagot ng dila.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Kawikaan 16:1
24 Mga Krus na Reperensya  

“Lumakad ka, at sabihin mo sa lingkod kong si David na ito ang sinabi ko, ‘Ikaw ba ang magpapatayo ng templong titirhan ko?


Pagkakita ng mga kumander ng mga mangangarwahe kay Jehoshafat, inisip nila na siya ang hari ng Israel, kaya nilusob nila ito. Pero humingi ng tulong sa Panginoon si Jehoshafat, at tinulungan siya at inilayo sa mga kalaban niya.


Sinabi ni Ezra, “Purihin ang Panginoon, ang Dios ng mga ninuno natin, na humipo ng puso ng hari na parangalan niya ang templo ng Panginoon sa Jerusalem.


Panginoon, dinggin nʼyo po ang dalangin ko, na inyong lingkod, at ang dalangin ng iba pa ninyong mga lingkod na nasisiyahang igalang kayo. Bigyan nʼyo po ako ngayon ng tagumpay sa paghiling ko sa hari. At nawaʼy kabutihan ang maipakita niya sa akin.” Nang panahong iyon, tagapagsilbi ako ng inumin ng hari.


Malapit nang matapos ang mga araw ko. Bigo ang mga plano koʼt hinahangad.


Panginoon, narinig nʼyo ang dalangin ng mga mahihirap. Pakinggan nʼyo po sila at palakasin.


Bigyan nʼyo ako ng pagnanais na sundin ang inyong mga turo at hindi ang pagnanais na yumaman.


Kausapin mo siya at turuan kung ano ang kanyang sasabihin. Tutulungan ko kayong dalawa sa pagsasalita, at tuturuan ko rin kayo kung ano ang gagawin ninyo.


Ang takot sa Panginoon ay nagtuturo ng karunungan, at ang nagpapakumbaba ay pinaparangalan.


Ang tao ang nagpaplano, ngunit nasa Panginoon ang kaganapan nito.


Marami tayong mga pinaplano, ngunit ang kalooban pa rin ng Panginoon ang masusunod.


Ang Panginoon ang nagkaloob nitong ating buhay, kaya hindi natin alam ang ating magiging kapalaran.


Ang isipan ng hari ay parang ilog na pinapadaloy ng Panginoon saan man niya naisin.


Panginoon, alam ko po na ang buhay ng tao ay hindi kanya. Hindi siya ang may hawak ng kinabukasan niya.


Nagpapasalamat kami sa Dios na ipinadama niya sa puso ni Tito ang pagmamalasakit sa inyo na tulad ng pagmamalasakit namin sa inyo.


Sapagkat ang Dios ang siyang nagbibigay sa inyo ng pagnanais at kakayahang masunod nʼyo ang kalooban niya.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas