Alam mo, sa Biblia, paulit-ulit na itinuturo na hindi sa atin ang paghihiganti. Kay Lord lang ‘yun. Sa Roma 12:19 nga, malinaw na sinasabi, “Mga minamahal, huwag kayong maghiganti kundi ipaubaya ninyo sa Diyos ang pagpaparusa, sapagkat nasusulat, ‘Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti,’ sabi ng Panginoon.” Ibig sabihin, hindi natin dapat kinukuha ang hustisya sa ating mga kamay. Magtiwala tayo na si Lord ang bahala, Siya lang ang makakapagbigay ng tunay na hustisya.
Natural lang naman na gusto nating gumanti kapag nasaktan tayo. Parang instinct na natin ‘yun, di ba? Pero sabi sa Kawikaan 20:22a, “Huwag mong sabihin, ‘Gaganti ako!’ Magtiwala ka kay Yahweh, at ililigtas ka niya.”
Minsan, iniisip natin na sa pamamagitan ng paghihiganti, maibabalik natin ang ating dignidad o makakamit natin ng hustisya. Pero ang itinuturo sa atin ng Biblia, hindi natin responsibilidad ‘yun. Dapat tayong magtiwala sa kapangyarihan at karunungan ng Diyos. Siya ang bahala sa lahat, sa Kanyang perpektong panahon.
Kapag binitawan natin ang paghihiganti at sinunod ang mga turo ng Biblia, doon natin mararanasan ang tunay na kalayaan. Doon natin mararamdaman ang pagmamahal at biyaya ng Diyos na kayang baguhin ang ating buhay.
Panginoon, kayo ang Dios na nagpaparusa. Ipakita nʼyo na ang inyong katarungan. Siya na nagpaparusa sa mga bansang hindi kumikilala sa kanya ay hindi ba magpaparusa sa inyo? Siya na nagtuturo sa mga tao, wala bang nalalaman? Alam ng Panginoon na ang iniisip ng mga tao ay walang kabuluhan. O Panginoon, mapalad ang taong pinangangaralan nʼyo sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanya ng inyong mga kautusan. Tinuturuan nʼyo siya upang magkaroon siya ng kapayapaan sa oras ng kaguluhan hanggang sa oras na ang masasama ay inyong parusahan. Dahil hindi nʼyo itatakwil, Panginoon, ang mamamayang pag-aari ninyo. Darating ang araw na ang paghatol ay muling magiging makatarungan at itoʼy susundin ng lahat ng namumuhay nang matuwid. Walang tumutulong sa akin laban sa mga taong gumagawa ng kasamaan kundi kayo lang, Panginoon. Kung hindi nʼyo ako tinulungan Panginoon, maaaring patay na ako ngayon. Nang sabihin kong parang mamamatay na ako, ang inyong pag-ibig at awa Panginoon ang tumulong sa akin. Kapag gulong-gulo ang isip ko, inaaliw nʼyo ako at akoʼy sumasaya. Kayo ang humahatol sa lahat ng tao, kaya sige na po Panginoon, gantihan nʼyo na nang nararapat ang mayayabang.
Huwag kayong gumanti ng masama o magtatanim ng galit sa inyong kapwa, kundi mahalin ninyo siya gaya ng inyong sarili. Ako ang Panginoon.
Sabi niya, “Ako ang maghihiganti at magpaparusa sa kanila, sapagkat darating ang panahon na madudulas sila. Malapit nang dumating ang panahon ng kanilang pagbagsak.”
Mga bansa, purihin nʼyo ang mga mamamayan ng Panginoon. Sapagkat gaganti ang Panginoon sa mga pumatay sa kanyang mga lingkod. Gaganti siya sa kanyang mga kaaway, at lilinisin niya ang kanyang lupain at ang kanyang mamamayan.
Huwag ninyong gantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama, at huwag din ninyong gantihan ng pang-iinsulto ang mga nang-iinsulto sa inyo. Ang dapat ninyong gawin ay manalangin na kaawaan sila ng Dios, dahil pinili kayo ng Dios na gawin ito, at para kaawaan din niya kayo.
Huwag kang matuwa kapag napapahamak ang iyong kaaway, dahil kapag nakita ng Panginoon na natutuwa ka, hindi niya ito magugustuhan, at hindi na niya parurusahan ang iyong kaaway. Huwag kang mabalisa o mainggit sa mga taong masama, Sapagkat ang iniisip nila at sinasabi ay para sa kapahamakan ng iba. sapagkat wala silang mabuting kinabukasan at magiging tulad sila ng ilaw na namatay.
Huwag mong sasabihin, “Gaganti ako, gagawin ko sa kanya ang ginawa niya sa akin.”
Ayaw ng Panginoong Dios na sumamba ang mga tao sa ibang mga dios. Galit siya sa kanyang mga kaaway at pinaghihigantihan niya sila. Ang Panginoon ay hindi madaling magalit, ngunit dakila ang kanyang kapangyarihan at tiyak na parurusahan niya ang nagkasala. Kapag dumadaan siya, umuugong ang hangin at bumabagyo. Ang mga ulap ay parang alikabok sa kanyang mga paa.
Ngunit sinasabi ko sa inyo na mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo.
“Narinig ninyo na sinabi noong una, ‘Mata sa mata, ngipin sa ngipin.’ Ngunit sinasabi ko sa inyo na huwag ninyong gantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama. Kung sampalin ka sa kanang pisngi, iharap mo pa ang kaliwa.
Huwag ninyong gantihan ng masama ang mga gumagawa sa inyo ng masama. Gawin ninyo ang mabuti sa paningin ng lahat. Hanggaʼt maaari, mamuhay kayo nang mapayapa sa lahat ng tao.
At kapag nananalangin kayo, patawarin nʼyo muna ang mga nagkasala sa inyo para ang mga kasalanan ninyo ay patawarin din ng inyong Amang nasa langit.
“Ngunit sinasabi ko sa inyo na mga nakikinig sa akin: Mahalin ninyo ang inyong mga kaaway. Maging mabuti kayo sa mga galit sa inyo. Pagpalain ninyo ang mga umaalipusta sa inyo. At idalangin ninyo ang mga nagmamalupit sa inyo.
Huwag kang matuwa kapag napapahamak ang iyong kaaway, dahil kapag nakita ng Panginoon na natutuwa ka, hindi niya ito magugustuhan, at hindi na niya parurusahan ang iyong kaaway.
Sapagkat kilala natin ang Dios na nagsabi, “Ako ang maghihiganti; ako ang magpaparusa.” At mayroon ding nakasulat na ganito: “Hahatulan ng Panginoon ang mga taong sakop niya.”
Idalangin ninyo sa Dios na pagpalain ang mga taong umuusig sa inyo. Pagpalain ninyo sila sa halip na sumpain.
Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti. Ipaubaya ninyo iyan sa Dios. Sapagkat sinabi ng Panginoon sa Kasulatan, “Ako ang maghihiganti; ako ang magpaparusa.”
Huwag na huwag ninyong gagantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama, sa halip, sikapin ninyong makagawa ng mabuti sa isaʼt isa at sa lahat.
Hanggang dito na lamang, mga kapatid, at paalam na sa inyo. Sikapin ninyo na walang makitang kapintasan sa inyo, at sundin ninyo ang mga payo ko. Magkaisa kayo at mamuhay nang payapa. Nang sa ganoon, ang Dios na pinanggagalingan ng pag-ibig at kapayapaan ay sasainyo.
Inapi siya at sinaktan, pero hindi man lang dumaing. Para siyang tupang dadalhin sa katayan para patayin, o tupang gugupitan na hindi man lang umiimik.
Sinisiguro ko sa iyo, sa presensya ng buhay na Panginoon, na ang Panginoon mismo ang papatay sa kanya, o mamamatay siya sa digmaan o dahil sa katandaan. Pero huwag sanang ipahintulot ng Panginoon na ako ang pumatay sa kanyang piniling hari. Kunin na lang natin ang sibat at ang lalagyan niya ng tubig na nasa kanyang ulunan at umalis na tayo.”
Pero sinabi ng Panginoon kay Cain, “Hindi iyan mangyayari sa iyo! Sapagkat ang sinumang papatay sa iyo ay gagantihan ko ng pitong beses.” Kaya nilagyan ng Panginoon ng palatandaan si Cain para hindi siya patayin ng kahit sinong makakakita sa kanya.
Kapag nagugutom ang iyong kaaway, pakainin mo; kapag nauuhaw, painumin mo. Kapag ginawa mo ito mahihiya siya sa iyo at ang Panginoon ang magpapala sa iyo.
Huwag kang magagalit. Pigilan mo ang iyong poot. Ni huwag kang mababalisa, dahil ito sa iyo ay makakasama. Ang masama ay ipagtatabuyan, ngunit ang nagtitiwala sa Panginoon ay mananatili sa lupaing ito.
Kaya huwag ninyong hahatulan o hahamakin ang inyong kapatid kay Cristo. Sapagkat tayong lahat ay haharap sa Dios, at siya ang hahatol kung ang ginawa natin ay mabuti o masama. Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, “Ako, ang Panginoon na buhay ay sumusumpa na darating ang araw na luluhod ang lahat ng tao sa akin at kikilalanin akong Dios.” Kaya lahat tayoʼy mananagot sa Dios sa lahat ng ating mga ginawa.
Sinabi ni Jesus sa kanya, “Ibalik mo ang iyong espada sa lalagyan nito! Ang gumagamit ng espada ay sa espada rin mamamatay.
Panginoon, kontrahin nʼyo po ang mga kumukontra sa akin. Labanan nʼyo ang mga kumakalaban sa akin.
Kayo ang matuwid na hukom, at sa araw-araw ay ipinapakita nʼyo ang inyong galit sa masasama. Kung ayaw nilang magsisi sa kanilang mga kasalanan, ikaw namaʼy nakahandang silaʼy parusahan. Katulad nʼyo ay isang sundalong nakahanda na ang mga nakamamatay na sandata. Nahasa na niya ang kanyang espada, at nakaumang na ang palasong nagbabaga.
Gagawin ng Dios ang nararapat; tiyak na pahihirapan niya ang mga nagpapahirap sa inyo. At kayong mga naghihirap ay bibigyan niya ng kapahingahan kasama namin. Mangyayari ito pagbalik ng Panginoong Jesus galing sa langit kasama ng makapangyarihan niyang mga anghel. Darating siyang napapalibutan ng nagliliyab na apoy, at parurusahan niya ang mga hindi kumikilala sa Dios at hindi sumusunod sa Magandang Balita tungkol sa ating Panginoong Jesus.
Kapag kinalulugdan ng Panginoon ang ating pamumuhay, kahit na ang ating kaaway ay gagawin niyang ating kaibigan.
Sabihin ninyo sa mga natatakot, “Huwag kayong matakot. Lakasan ninyo ang inyong loob. Darating ang inyong Dios para maghiganti sa inyong mga kaaway, at ililigtas niya kayo.”
hindi bastos ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa,
[Sinabi ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila dahil hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.”] Nagpalabunutan ang mga sundalo para paghahati-hatian ang mga damit ni Jesus.
Sapagkat ang mga namumuno sa bayan ay mga lingkod ng Dios para sa ating ikabubuti. Pero kung gagawa ka ng masama, dapat kang matakot dahil may kapangyarihan silang parusahan ka. Silaʼy mga lingkod ng Dios na nagpaparusa sa mga gumagawa ng masama.
“Kung makita ninyong nakawala ang baka o asno ng inyong kaaway, kailangang isauli ninyo ito sa kanya. Kung makita ninyong natumba ang asno ng inyong kaaway dahil sa bigat ng karga nito, huwag nʼyo itong pabayaan kundi tulungan itong makatayo.
Panginoon, alam kong iniingatan nʼyo ang karapatan ng mga dukha, at binibigyan nʼyo ng katarungan ang mga nangangailangan.
Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo. Ang lahat ng nagagalit sa iyo ay tiyak na mapapahiya at malilito. Ang mga lumalaban sa iyo ay mapapahamak.
Huwag kang mainis o mainggit man sa masasama, Hindi magtatagal at mawawala ang masasama. At kahit hanapin mo man sila ay hindi mo na makikita. Ngunit ang mga mapagpakumbaba ay patuloy na mananahan sa lupain ng Israel nang mapayapa at masagana. Ang mga masama ay nagpaplano ng hindi mabuti laban sa mga matuwid, at galit na galit sila. Ngunit tinatawanan lamang ng Panginoon ang mga masama, dahil alam niyang malapit na ang oras ng paghahatol. Binunot na ng masasama ang kanilang mga espada, at nakaumang na ang kanilang mga pana upang patayin ang mga dukha na namumuhay nang matuwid. Ngunit sila rin ang masasaksak ng kanilang sariling espada at mababali ang kanilang mga pana. Ang kaunting tinatangkilik ng matuwid ay mas mabuti kaysa sa kayamanan ng masama. Dahil tutulungan ng Panginoon ang matuwid, ngunit mawawalan ng kakayahan ang taong masama. Araw-araw, inaalagaan ng Panginoon ang mga taong matuwid. At tatanggap sila ng gantimpalang pangwalang hanggan. Sa panahon ng kahirapan hindi sila malalagay sa kahihiyan. Kahit na taggutom, magkakaroon pa rin sila ng kasaganaan. dahil tulad ng damo, silaʼy madaling matutuyo, at tulad ng sariwang halaman, silaʼy malalanta.
Ang mapagpasensya ay mas higit ang karunungan, ngunit ang madaling magalit ay nagpapakita ng kahangalan.
Tandaan nʼyo ito, mga minamahal kong kapatid: Dapat maging handa kayo sa pakikinig, dahan-dahan sa pananalita, at huwag agad magagalit. Mga kapatid, magalak kayo sa tuwing dumaranas kayo ng mga pagsubok. Sapagkat ang galit ay hindi nakakatulong sa tao para maging matuwid sa paningin ng Dios.
Ang malumanay na sagot ay nakakapawi ng poot, ngunit lalong nakakapagpagalit ang pabalang na sagot.
Iwasan ang masama at gawin ang mabuti; nang sa gayon ay manahan ka sa lupain magpakailanman. Dahil ang nais ng Panginoon ay katarungan, at ang mga taong tapat sa kanya ay hindi niya pinapabayaan. Silaʼy iingatan niya magpakailanman. Ngunit ang lahi ng mga taong masama ay mawawala. Ang mga matuwid ay mananahan magpakailanman sa lupain ng Israel na sa kanilaʼy ipinamana.
Pinaghigantihan nʼyo ang aking mga kaaway, at ipinasailalim mo ang mga bansa sa aking kapangyarihan. Inililigtas nʼyo ako sa mararahas kong kalaban, at pinagtagumpay nʼyo ako sa kanila.
Hanggang kailan pa kaya ang aking paghihintay? Kailan nʼyo parurusahan ang mga umuusig sa akin na inyong lingkod? Ang mga mapagmataas na hindi sumusunod sa inyong mga kautusan ay naghukay ng mga patibong upang akoʼy hulihin. Kaya tulungan nʼyo ako dahil akoʼy kanilang inuusig nang walang dahilan, hanggang sa akoʼy nabingit na sa kamatayan. Ngunit hindi ko tinalikuran ang inyong mga tuntunin dahil maaasahan ang inyong mga utos.
Kapag kasamaan ang iginanti mo sa kabutihang ginawa sa iyo, palaging may masamang mangyayari sa sambahayan mo.
Kung pinapatawad ninyo ang mga taong nagkasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Amang nasa langit. Ngunit kung hindi ninyo sila pinapatawad, hindi rin kayo patatawarin ng inyong Ama.”
Ang taong mainitin ang ulo ay nagpapasimula ng gulo, ngunit ang taong mahinahon ay tagapamayapa ng gulo.
Ininsulto siya pero hindi siya gumanti ng insulto. Pinahirapan siya pero hindi siya nagbanta. Ipinagkatiwala niya ang lahat sa Dios na humahatol nang makatarungan.
Ang Panginoon ang makikipaglaban para sa inyo. Hindi nʼyo na kailangang makipaglaban pa.”
Huwag kang mainggit sa mga taong masama o hangarin mang makipagkaibigan sa kanila. Kapag ikaw ay nawalan ng pag-asa sa panahon ng kahirapan, nagpapakita lang ito na ikaw ay mahina. Huwag kang mag-atubiling iligtas ang walang kasalanan na hinatulan ng kamatayan. Maaaring sabihin mo na wala kang nalalaman sa nangyari, pero alam ng Dios kung totoo o hindi ang iyong sinasabi, dahil binabantayan ka niya at alam niya ang nasa puso mo. Gagantimpalaan ka niya ayon sa iyong mga ginawa. Anak, kung papaanong matamis at mabuti para sa iyo ang pulot, ganoon din naman ang karunungan. Sapagkat kung marunong ka, mapapabuti ang iyong kinabukasan at mapapasaiyo ang iyong mga hinahangad. Huwag kang gagaya sa taong masama na palihim na sumasalakay sa bahay ng matuwid. Ang taong matuwid, mabuwal man ng pitong ulit ay tiyak na makakabangon ulit. Hindi tulad ng taong masama na kapag nabuwal ay hindi na makakabangon pa. Huwag kang matuwa kapag napapahamak ang iyong kaaway, dahil kapag nakita ng Panginoon na natutuwa ka, hindi niya ito magugustuhan, at hindi na niya parurusahan ang iyong kaaway. Huwag kang mabalisa o mainggit sa mga taong masama, Sapagkat ang iniisip nila at sinasabi ay para sa kapahamakan ng iba.
“Hindi ko ikinatuwa ang kapahamakan ng aking kaaway o ang pagsapit sa kanila ng kahirapan. Hindi baʼt kapahamakan at kasawian para sa mga gumagawa ng kasamaan? Hindi ako nagkasala sa pamamagitan ng pagsumpa sa kanila.
Kaya mag-ingat kayo. “Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, pagsabihan mo siya. At kung magsisi siya, patawarin mo. Ganyan din ang mangyayari sa araw ng pagbabalik ko na Anak ng Tao. Sa araw na iyon, ang nasa labas ng bahay ay huwag nang pumasok para kumuha ng mga ari-arian niya. Ang nasa bukid ay huwag nang umuwi. Alalahanin ninyo ang nangyari sa asawa ni Lot. Sapagkat ang taong naghahangad magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang taong nagnanais mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Sinasabi ko sa inyo, sa gabing iyon, kapag may dalawang natutulog na magkatabi; maaaring kukunin ang isa at iiwan ang isa. Sa dalawang babaeng magkasamang naggigiling, kukunin ang isa at iiwan ang isa. [At kapag may dalawang lalaking nagtatrabaho sa bukid, maaaring kukunin ang isa at iiwan ang isa.]” Tinanong siya ng mga tagasunod niya, “Saan po ito mangyayari, Panginoon?” Sumagot siya sa pamamagitan ng kasabihan, “Kung saan may bangkay, doon nag-uumpukan ang mga buwitre.” Kahit pitong beses pa siyang magkasala sa iyo sa maghapon, kung pitong beses din siyang hihingi ng tawad sa iyo ay patawarin mo.”
Kung magalit man kayo, huwag kayong magkasala. At huwag nʼyong hayaan na lumipas ang araw na galit pa rin kayo. Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon si Satanas.
Walang anumang sandatang ginawa na magtatagumpay laban sa iyo, at masasagot mo ang anumang ibibintang laban sa iyo. Ito ang pamana ko sa aking mga lingkod. Bibigyan ko sila ng tagumpay. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”
Kahit na namumuhay kami rito sa mundo, hindi kami nakikipaglaban sa mga kumokontra sa katotohanan nang ayon sa pamamaraan ng mundo. Sa halip, ang kapangyarihan ng Dios ang aming armas. Iyon ang aming ginagamit na panlaban sa mga maling pangangatwiran ng mga taong mapagmataas at ayaw maniwala sa mga turo ng Dios. Sinisira namin ang kanilang maling pangangatwiran na tulad ng matibay na pader na humahadlang sa kanila na makilala ang Dios. Kinukumbinsi namin silang sundin ang mga utos ni Cristo.
Ang mga taong sumusunod sa ninanasa ng laman ay makikilala sa gawa nila: sekswal na imoralidad, kalaswaan, kahalayan, Tandaan nʼyo ang sinasabi ko: Ako mismong si Pablo ang nagsasabi sa inyo na kung magpapatuli kayo para maging katanggap-tanggap sa Dios, mawawalan ng kabuluhan ang ginawa ni Cristo para sa inyo. pagsamba sa mga dios-diosan, pangkukulam, pagkapoot, pag-aaway-away, pagkasakim, pagkagalit, pagkakawatak-watak, pagkakahati-hati, pagkainggit, paglalasing, pagkahilig sa kalayawan, at iba pang kasamaan. Binabalaan ko kayo tulad ng ginawa ko na noon: Ang mga namumuhay nang ganito ay hindi mapapabilang sa kaharian ng Dios.
Kung makikinig lang kayo nang mabuti sa sinasabi niya at gagawin ang lahat ng sinasabi ko, lalabanan ko ang inyong mga kaaway.
Kahit nakikipagkaibigan ako sa kanila ay kinakalaban pa rin nila ako, ngunit ipinapanalangin ko pa rin sila. Sa kabutihang ginagawa ko sa kanila, masama ang iginaganti nila. At sa aking pag-ibig, ibinabalik nilaʼy galit.
Lumapit si Pedro kay Jesus at nagtanong, “Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang kapatid na laging nagkakasala sa akin? Pitong beses po ba?” Sumagot si Jesus, “Hindi lang pitong beses kundi 77 beses.
Kapag sinampal ka sa isang pisngi, iharap mo rin ang kabila. Kapag may gustong kumuha ng balabal mo, ibigay mo. At kung pati ang damit mo ay kinukuha niya, ibigay mo na rin.
Parurusahan nʼyo sila dahil sa kanilang mga kasalanan. Tiyak na lilipulin nʼyo sila, O Panginoon naming Dios.
Kapag katarungan ang umiiral, ang mga matuwid ay natutuwa, ngunit natatakot ang masasama.
Kaya sinabi ng Panginoon, ang Makapangyarihang Dios ng Israel, “Gagaan ang kalooban ko kapag naparusahan ko na kayong mga taga-Jerusalem na aking mga kaaway.
Tayong malalakas sa pananampalataya ay dapat tumulong sa mga kapatid nating mahihina sa pananampalataya. Hindi lang ang sarili nating kapakanan ang dapat nating isipin, At sinabi pa sa Kasulatan, “Kayong mga hindi Judio, makigalak kayo sa mga taong sakop ng Dios.” At sinabi pa, “Kayong lahat na mga hindi Judio, purihin ninyo ang Panginoon. Kayong lahat, purihin siya.” Sinabi naman ni Isaias, “Magmumula sa lahi ni Jesse ang isang mamumuno sa mga hindi Judio, at aasa sila sa kanya.” Nawa ang Dios na nagbibigay sa atin ng pag-asa ang siya ring magbigay sa inyo ng buong kagalakan at kapayapaan dahil sa inyong pananampalataya sa kanya, para patuloy na lumago ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Mga kapatid, lubos akong naniniwala na puno kayo ng kabutihan, may sapat na kaalaman, at marunong magpaalala sa isaʼt isa. Ganoon pa man, sumulat pa rin ako ng walang pag-aalinlangan tungkol sa mga bagay na dapat ipaalala sa inyo, dahil ipinagkaloob ng Dios sa akin na maging lingkod ni Cristo Jesus para sa mga hindi Judio. Naglilingkod ako sa kanila na tulad ng isang pari at ipinangangaral ko ang Magandang Balita ng Dios. Ginagawa ko ito para maging handog sila na katanggap-tanggap sa Dios, na itinalaga sa kanya sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. At dahil akoʼy nakay Cristo Jesus, maipagmamalaki ko ang aking mga nagawa para sa Dios. At wala akong ibang ipinagmamalaki kundi ang mga ginawa ni Cristo sa pamamagitan ko, na nahikayat ko ang mga hindi Judio na sumunod sa Dios sa pamamagitan ng aking mga aral at mga gawa, sa tulong ng mga himala at kamangha-manghang mga bagay na gawa ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Kaya naipangaral ko ang Magandang Balita tungkol kay Cristo mula sa Jerusalem hanggang Iliricum. kundi ang kapakanan din ng iba, para mapalakas ang kanilang pananampalataya.
Ang hangal ay madaling magalit kapag iniinsulto, ngunit ang taong may karunungan ay hindi pinapansin ang pang-iinsulto sa kanya.
Magpasensiyahan kayo sa isaʼt isa at magpatawaran kayo kung may hinanakit kayo kaninuman, dahil pinatawad din kayo ng Panginoon.
Mga minamahal, mag-ibigan tayo dahil ang pag-ibig ay mula sa Dios. Ang umiibig sa kanyang kapwa ay anak ng Dios at kumikilala sa Dios. Ang sinumang hindi umiibig sa kanyang kapwa ay hindi kumikilala sa Dios dahil ang Dios ay pag-ibig.
Ang taong walang pagpipigil sa sarili ay madaling bumagsak gaya ng isang bayan na walang pader.
Lumayo kayo sa masama at gawin ninyo ang mabuti. Pagsikapan ninyong kamtin ang kapayapaan.
Pagsikapan ninyong mamuhay nang may mabuting relasyon sa lahat ng tao, at magpakabanal kayo. Sapagkat kung hindi banal ang pamumuhay nʼyo, hindi nʼyo makikita ang Panginoon. Ingatan nʼyo na walang sinuman sa inyo ang tatalikod sa biyaya ng Dios. At huwag ninyong hayaang umiral ang samaan ng loob sa inyo at marami ang madamay.
Alam natin na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Dios para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin.
Dahil uutusan ng Dios ang kanyang mga anghel upang ingatan ka saan ka man magpunta. Bubuhatin ka nila upang hindi masugatan ang iyong mga paa sa bato. Tatapakan mo ang mga leon at mga makamandag na ahas.
Ang galit ay nagpapasimula ng kaguluhan, ngunit ang pag-ibig ay nagpapatawad ng lahat ng kasalanan.
“Gawin ninyo sa inyong kapwa ang gusto ninyong gawin nila sa inyo. Ganyan ang tamang pagsunod sa Kautusan ni Moises at sa mga isinulat ng mga propeta.”
Higit sa lahat, magmahalan kayo nang tapat. Sapagkat kung mahal mo ang kapwa mo, mapapatawad mo siya kahit gaano pa karami ang nagawa niyang kasalanan.
Ang kaligtasan ng mga matuwid ay mula sa Panginoon. Siya ang nag-iingat sa kanila sa panahon ng kaguluhan. Sa Panginoon mo hanapin ang kaligayahan, at ibibigay niya sa iyo ang ninanais mo. Tinutulungan sila ng Panginoon at inililigtas sa mga taong masama, dahil silaʼy humihingi ng kanyang kalinga.
Walang anumang takot sa pag-ibig. Pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang takot. Kung natatakot man ang isang tao, itoʼy dahil sa takot na maparusahan, at ipinapakita lang nito na hindi pa lubos na natupad sa kanya ang pag-ibig. Umiibig tayo sa Dios dahil siya ang unang umibig sa atin.
Ibigay mo sa Panginoon ang iyong mga alalahanin at aalagaan ka niya. Hindi niya pababayaan ang mga matuwid magpakailanman.
Kung ikaw ay mahinahon, nagpapakita lang na marunong ka. At kung pinapatawad mo ang nagkasala sa iyo, makapagdudulot ito ng karangalan sa iyo.
Ngayon, kung iisipin natin ang mga bagay na ito, masasabi nating panig sa atin ang Dios, at dahil dito, walang magtatagumpay laban sa atin.
Mula sa langit ay magpapadala kayo ng tulong upang akoʼy iligtas. Ilalagay nʼyo sa kahihiyan ang mga kaaway ko. Ipapakita nʼyo ang inyong pag-ibig at katapatan sa akin.
“Huwag kayong magbabalita ng kasinungalingan. Huwag kayong magsisinungaling para tumulong sa isang taong masama.
Kaya palakasin ninyo ang mga nanghihina. Sabihin ninyo sa mga natatakot, “Huwag kayong matakot. Lakasan ninyo ang inyong loob. Darating ang inyong Dios para maghiganti sa inyong mga kaaway, at ililigtas niya kayo.”
Tinitiyak ko sa inyo na sa Araw ng Paghuhukom, mananagot ang bawat isa sa mga walang kwentang salitang binitiwan niya. Sapagkat ibabatay sa mga salita mo kung paparusahan ka o hindi.”
Dumaan ang Panginoon sa harap ni Moises at sinabi, “Ako ang Panginoon, ang mahabagin at matulunging Dios. Mapagmahal at matapat ako, at hindi madaling magalit. Ipinapakita ko ang pagmamahal ko sa maraming tao, at pinapatawad ko ang mga kasamaan nila, pagsuway at mga kasalanan. Pero pinaparusahan ko ang mga nagkakasala, pati na ang kanilang salinlahi hanggang sa ikatlo at ikaapat na henerasyon.”
Siya ang Bato na kanlungan; matuwid ang lahat ng gawa niya at mapagkakatiwalaan ang lahat ng kanyang mga pamamaraan. Matapat siyang Dios at hindi nagkakasala; makatarungan siya at maaasahan.
Tunay na napakabuti nʼyo at mapagpatawad, at puno ng pag-ibig sa lahat ng tumatawag sa inyo.
Purihin ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Siyaʼy maawaing Ama at Dios na laging nagpapalakas ng ating loob. Pinalalakas niya ang ating loob sa lahat ng ating paghihirap, para sa pamamagitan ng kalakasan ng loob na ibinigay sa atin ng Dios ay mapalakas din natin ang loob ng ibang naghihirap.
Sinugo rin niya ako para ibalita na ngayon na ang panahon na ililigtas ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan at parurusahan ang kanilang mga kaaway. Sinugo rin niya ako para aliwin ang mga nalulungkot sa Zion, nang sa ganoon, sa halip na maglagay sila ng abo sa kanilang ulo bilang tanda ng pagdadalamhati, maglalagay sila ng langis o ng koronang bulaklak sa kanilang ulo bilang tanda ng kaligayahan. Silaʼy magiging parang matibay na puno na itinanim ng Panginoon. Kikilalanin silang mga taong matuwid sa ikakaluwalhati ng Panginoon.
Iingatan ka ng Panginoon sa anumang kapahamakan; pati ang buhay moʼy kanyang iingatan. Ang Panginoon ang mag-iingat sa iyo nasaan ka man, ngayon at magpakailanman.
“Huwag ninyong husgahan ang iba, para hindi rin kayo husgahan ng Dios. At kung humihingi siya ng isda, bibigyan ba ninyo ng ahas? Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit! Ibibigay niya ang mabubuting bagay sa mga humihingi sa kanya. “Gawin ninyo sa inyong kapwa ang gusto ninyong gawin nila sa inyo. Ganyan ang tamang pagsunod sa Kautusan ni Moises at sa mga isinulat ng mga propeta.” “Pumasok kayo sa makipot na pintuan, dahil maluwang ang pintuan at malapad ang daan patungo sa kapahamakan, at marami ang pumapasok doon. Ngunit makipot ang pintuan at mahirap ang daan patungo sa buhay na walang hanggan, at kakaunti lang ang dumadaan dito.” “Mag-ingat kayo sa mga huwad na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang mga maamong tupa, pero ang totoo, tulad sila ng mga gutom na lobo. Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Ang matitinik na halaman ay hindi namumunga ng ubas o igos. Ang mabuting puno ay namumunga ng mabuting bunga, at ang masamang puno ay namumunga ng masama. Ang mabuting puno ay hindi namumunga ng masama, at ang masamang puno ay hindi namumunga ng mabuti. Ang lahat ng punong hindi namumunga ng mabuti ay pinuputol at itinatapon sa apoy. Sapagkat kung paano ninyo hinusgahan ang inyong kapwa ay ganoon din kayo huhusgahan ng Dios.
Magtiwala ka sa Panginoon at sundin mo ang kanyang pamamaraan. Pararangalan ka niya at patitirahin sa lupain ng Israel, at makikita mong itataboy niya ang mga taong masama.
Panginoon, iligtas nʼyo ako sa mga taong masama at malupit. Bagsakan sana sila ng mga nagniningas na baga, at ihulog sana sila sa hukay nang hindi na sila makabangon pa. Madali sanang mawala sa lupa ang mga taong nagpaparatang ng mali laban sa kanilang kapwa. Dumating sana ang salot sa mga taong malupit upang lipulin sila. Panginoon, alam kong iniingatan nʼyo ang karapatan ng mga dukha, at binibigyan nʼyo ng katarungan ang mga nangangailangan. Tiyak na pupurihin kayo ng mga matuwid at sa piling nʼyo silaʼy mananahan. Nagpaplano sila ng masama at palaging pinag-aaway ang mga tao.
Kaya isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: Magmahalan kayo. Kung paano ko kayo minamahal, ganoon din dapat ang pagmamahal nʼyo sa isaʼt isa. Kung nagmamahalan kayo, malalaman ng lahat ng tao na mga tagasunod ko kayo.”
Alisin nʼyo ang anumang samaan ng loob, galit, pag-aaway, pambubulyaw, paninira sa kapwa, pati na ang lahat ng uri ng masasamang hangarin. Sa halip, maging mabait kayo at maawain sa isaʼt isa. At magpatawad kayo sa isaʼt isa gaya ng pagpapatawad ng Dios sa inyo dahil kay Cristo.
Huwag kayong patatalo sa masama kundi talunin ninyo ang masama sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti.
Pero naghihintay ang Panginoon na kayoʼy lumapit sa kanya para kaawaan niya. Nakahanda siyang ipadama sa inyo ang kanyang pagmamalasakit. Sapagkat ang Panginoon ay Dios na makatarungan, at mapalad ang nagtitiwala sa kanya.
Ang aking kinabukasan ay nasa inyong mga kamay. Iligtas nʼyo po ako sa aking mga kaaway na umuusig sa akin.
Ang pag-iwas sa gulo ay tanda ng karangalan; hangal lang ang may gusto ng kaguluhan.