Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mateo 5:5 - Ang Salita ng Dios

5 Mapalad ang mga mapagpakumbaba, dahil mamanahin nila ang mundo.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

5 Mapapalad ang maaamo: sapagka't mamanahin nila ang lupa.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

5 “Mapapalad ang mga mapagpakumbaba, sapagkat mamanahin nila ang lupa.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

5 Mapapalad ang maaamo: sapagka't mamanahin nila ang lupa.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

5 “Mapalad ang mga mapagpakumbabá, sapagkat mamanahin nila ang daigdig.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

5 “Pinagpala ang mga mapagpakumbaba, sapagkat mamanahin nila ang daigdig.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

5 “Mapalad ang mga mapagpakumbabá, sapagkat mamanahin nila ang daigdig.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mateo 5:5
30 Mga Krus na Reperensya  

Tinutulungan ng Panginoon ang mga inaapi, ngunit nililipol niya nang lubos ang masasama.


Dahil ang Panginoon ay nalulugod sa kanyang mga mamamayan; pinararangalan niya ang mga mapagpakumbaba sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng tagumpay.


Kakain ang mga dukha hanggang sa mabusog. Pupurihin kayo ng mga lumalapit sa inyo. Sanaʼy sumakanila ang mabuti at mahabang buhay magpakailanman.


Mabubuhay sila ng masagana, at ang kanilang lahi ay patuloy na maninirahan sa lupain na ipinangako ng Dios.


Pinapatnubayan nʼyo ang mga mapagpakumbaba para gumawa ng tama. Silaʼy tinuturuan nʼyo ng inyong pamamaraan.


Ngunit ang mga mapagpakumbaba ay patuloy na mananahan sa lupain ng Israel nang mapayapa at masagana.


Ang mga pinagpapala ng Panginoon ay patuloy na titira sa lupain ng Israel. Ngunit silang mga isinumpa niya ay palalayasin.


Ang mga matuwid ay mananahan magpakailanman sa lupain ng Israel na sa kanilaʼy ipinamana.


Magtiwala ka sa Panginoon at sundin mo ang kanyang pamamaraan. Pararangalan ka niya at patitirahin sa lupain ng Israel, at makikita mong itataboy niya ang mga taong masama.


Ang masama ay ipagtatabuyan, ngunit ang nagtitiwala sa Panginoon ay mananatili sa lupaing ito.


Kapag nakita ito ng mga dukha, matutuwa sila. Lahat ng lumalapit sa Dios ay magagalak.


Bibigyan niya ng katarungan ang mga mahihirap at ipagtatanggol ang kanilang mga karapatan. Sa pamamagitan ng kanyang salita, parurusahan niya ang mga tao sa mundo at mamamatay ang masasamang tao.


Muling sasaya ang mga mapagpakumbaba at mga dukha dahil sa Panginoon, ang Banal na Dios ng Israel.


Ang lahat mong mamamayan ay magiging matuwid, at sila na ang magmamay-ari ng lupain ng Israel magpakailanman. Ginawa ko silang parang halaman na itinanim ko para sa aking karangalan.


Ang Espiritu ng Panginoong Dios ay nasa akin. Sapagkat hinirang niya ako na mangaral ng magandang balita sa mga mahihirap. Sinugo niya ako para aliwin ang mga sugatang-puso, at para ibalita sa mga bihag at mga bilanggo na silaʼy malaya na.


Kayo namang mga mapagpakumbaba at sumusunod sa mga utos ng Panginoon, lumapit kayo sa kanya. Magpatuloy kayong gumawa ng matuwid at magpakumbaba. Baka sakaling ingatan kayo ng Panginoon sa araw na ibuhos niya ang kanyang galit.


(Mapagpakumbaba si Moises higit sa lahat ng mga tao sa mundo.)


Sundin ninyo ang mga utos ko at matuto kayo sa akin, dahil mabait ako at mababang-loob. Makakapagpahinga kayo,


“Sabihin ninyo sa mga naninirahan sa Zion na paparating na ang kanilang hari! Mapagpakumbaba siya, at nakasakay sa asno, sa isang bisirong asno.”


Ipinangako ng Dios kay Abraham at sa kanyang lahi na mamanahin nila ang mundo. Ang pangakong ito ay ibinigay ng Dios kay Abraham hindi dahil sa pagsunod niya sa Kautusan, kundi dahil itinuring siya ng Dios na matuwid sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya.


kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Kung ganito ang pamumuhay natin hindi natin malalabag ang mga utos ng Dios.


Maging mahinahon kayo, mapagpakumbaba, maunawain at mapagpaumanhin sa mga pagkukulang ng bawat isa bilang pagpapakita ng pag-ibig ninyo.


Kaya bilang mga banal at minamahal na mga pinili ng Dios, dapat kayong maging mapagmalasakit, maganda ang kalooban, mapagpakumbaba, mabait at mapagtiis.


Ngunit ikaw, bilang lingkod ng Dios, iwasan mo ang mga bagay na iyan. Sikapin mong mamuhay nang matuwid, banal, may matibay na pananampalataya, mapagmahal, mapagtiis at mabait sa kapwa.


Kailangang mahinahon siya sa pagtutuwid sa mga sumasalungat sa kanya, baka sakaling sa ganitong paraan ay bigyan sila ng Dios ng pagkakataong magsisi at malaman ang katotohanan.


Huwag nilang siraan ang sinuman, at huwag silang maging palaaway, sa halip, dapat silang maging maunawain at mapagpakumbaba sa lahat.


Kaya talikuran nʼyo na ang lahat ng kasamaan at maruruming gawain, at tanggapin nang may pagpapakumbaba ang salita ng Dios na itinanim sa inyong puso na siyang makapagliligtas sa inyo.


Sino sa inyo ang marunong at nakakaunawa? Ipakita niya na talagang marunong siya sa pamamagitan ng mabuting pamumuhay na may pagpapakumbaba.


Alalahanin nʼyo na si Cristo ang dapat ninyong parangalan at sundin. Dapat lagi kayong handang magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa pag-asa ninyo.


Sa halip, pagandahin ninyo ang inyong kalooban, ang mabuting pag-uugali na hindi nagbabago. Maging mahinhin kayo at maging mabait. Ito ang mahalaga sa paningin ng Dios.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas