Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mateo 5:4 - Ang Salita ng Dios

4 Mapalad ang mga naghihinagpis, dahil aaliwin sila ng Dios.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

4 Mapapalad ang nangahahapis: sapagka't sila'y aaliwin.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

4 “Mapapalad ang mga nahahapis, sapagkat sila ay aaliwin.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

4 Mapapalad ang nangahahapis: sapagka't sila'y aaliwin.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

4 “Mapalad ang mga nagdadalamhati, sapagkat aaliwin sila ng Diyos.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

4 “Pinagpala ang mga nagdadalamhati, sapagkat aaliwin sila ng Diyos.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

4 “Mapalad ang mga nagdadalamhati, sapagkat aaliwin sila ng Diyos.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mateo 5:4
34 Mga Krus na Reperensya  

Sa araw na iyon, aawit kayo: “Panginoon, pinupuri ko kayo. Nagalit kayo sa akin, pero hindi na ngayon, at ngayoʼy inaaliw nʼyo na ako.


Aalisin din ng Panginoong Dios ang kamatayan at papahirin niya ang mga luha ng lahat ng tao. Aalisin niya ang kahihiyan ng kanyang mga mamamayan sa buong mundo. Mangyayari nga ito dahil sinabi mismo ng Panginoon.


Kayong mga taga-Zion, na mga mamamayan ng Jerusalem, hindi na kayo muling iiyak! Kaaawaan kayo ng Panginoon kung hihingi kayo ng tulong sa kanya. Kapag narinig niya ang inyong panalangin, sasagutin niya kayo.


Babalik sila sa Zion na umaawit. Mawawala na ang kanilang kalungkutan at pagdadalamhati, at mapapalitan na ng walang hanggang kaligayahan.


Nakita ko ang kanilang pag-uugali, pero pagagalingin ko sila. Papatnubayan ko sila at aaliwin ang mga nalulungkot sa kanila.


Kayong lahat ng nagmamahal sa Jerusalem, makigalak kayong kasama niya. At kayong mga umiiyak para sa kanya, makisaya kayo sa kanya,


Hindi baʼt ako ang gumawa ng lahat ng bagay. “Binibigyang pansin ko ang mga taong mapagpakumbaba, nagsisisi, at may takot sa aking mga salita.


Ang mga makakaligtas sa kamatayan at tatakas papunta sa mga bundok ay iiyak doon na parang huni ng kalapati, dahil sa kani-kanilang kasalanan.


at sinabi sa kanya, “Libutin mo ang buong lungsod ng Jerusalem at tatakan mo ang noo ng mga taong nagdadalamhati dahil sa mga kasuklam-suklam na mga ginagawa roon.”


“Bibigyan ko ang mga angkan ni David at ang mga taga-Jerusalem ng espiritung maawain at mapanalanginin. Pagmamasdan nila ako na kanilang sinibat, at iiyak sila katulad ng magulang na umiiyak sa pagkamatay ng kanilang kaisa-isang anak o anak na panganay.


Pero sumagot si Abraham, ‘Anak, alalahanin mong noong nabubuhay ka pa sa lupa ay mabuti ang kalagayan mo pero si Lazarus ay hirap na hirap. Ngayon naman ay inaaliw siya rito at ikaw naman ang nahihirapan.


Mapalad kayong mga nagugutom ngayon, dahil bubusugin kayo. Mapalad kayong mga umiiyak ngayon, dahil tatawa kayo.


Nakakaawa kayong mga busog ngayon, dahil magugutom kayo. Nakakaawa kayong mga tumatawa ngayon, dahil magdadalamhati kayo at iiyak.


Lumapit siya sa likuran ni Jesus sa bandang paanan. Doon ay umiyak ang babae at tumulo ang luha niya sa paa ni Jesus. Pagkatapos, pinunasan niya ito ng kanyang buhok, hinalikan at binuhusan ng pabango.


Sinabi ni Jesus sa babae, “Iniligtas ka ng iyong pananampalataya. Umuwi kang mapayapa.”


Mapalad ang taong nananatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok dahil pagkatapos niyang mapagtagumpayan ang mga ito, tatanggapin niya bilang gantimpala ang buhay na walang hanggan, na ipinangako ng Dios sa mga nagmamahal sa kanya.


Papahirin niya ang mga luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan, kalungkutan, iyakan o sakit. Sapagkat lumipas na ang dating kalagayan.”


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas