Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


110 Mga talata sa Bibliya tungkol sa The Curse

110 Mga talata sa Bibliya tungkol sa The Curse

Alam mo, ipinapakita sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng Bibliya na ang sumpa ay bunga ng kasalanan at pagtalikod sa Kanyang banal na kalooban. Nung sinuway nina Adan at Eba ang Diyos sa Hardin ng Eden, doon nagsimula ang sumpa sa mundo.

Parang salamin ang sumpa ng katarungan ng Diyos. Natural na resulta ito kapag tinalikuran natin Siya at sinunod ang sarili nating kagustuhan. Sa Genesis, matapos magkasala ang tao, sinabi ng Diyos, "Sumpain ang lupa dahil sa iyo; sa hirap ka kakain mula roon sa lahat ng araw ng iyong buhay" (Genesis 3:17). Hindi lang sina Adan at Eba ang naapektuhan nito, kundi ang buong sangkatauhan. Simula noon, naging bahagi na ng buhay natin ang paghihirap, sakit, at pagsubok.

Pero kahit may sumpa, dahil sa dakilang pag-ibig at awa ng Diyos, may solusyon Siyang inilaan para sa atin. At ito ay sa pamamagitan ni Jesucristo, na Siyang nagpasan ng sumpa ng kasalanan sa krus. Kaya tayo pwedeng makalaya sa bigat na ito. Sabi nga sa Galacia, "Tinubos tayo ni Cristo mula sa sumpa ng batas, nang siya ay maging sumpa para sa atin" (Galacia 3:13). Si Jesus ang naging sumpa para sa atin, Siya ang tumanggap ng parusang nararapat sa atin.

Kaya kung titingin tayo kay Jesucristo at tatanggapin Siya bilang ating Tagapagligtas, mararanasan natin ang kalayaan mula sa sumpa at ang pagpasok sa bagong buhay na may pakikipag-isa sa Diyos. Turo ng Bibliya na kay Cristo, tayo ay bagong nilalang: "Kaya't kung ang sinuman ay na kay Cristo, siya ay bagong nilalang na; ang mga dating bagay ay lumipas na; narito, ang lahat ng bagay ay naging bago" (2 Corinto 5:17).




Galacia 3:13

Ngunit hindi natin masunod ang lahat ng iniuutos ng Kautusan, kaya sinumpa tayo ng Dios. Pero ngayon, tinubos na tayo ni Cristo sa sumpang ito. Sinumpa siya alang-alang sa atin, dahil sinasabi sa Kasulatan, “Isinumpa ang sinumang binitay sa puno.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:29

Huwag kayong magsasalita ng masama kundi iyong makabubuti at angkop sa sitwasyon para maging kapaki-pakinabang sa nakakarinig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 28:15

“Ngunit kung hindi kayo susunod sa Panginoon na inyong Dios at hindi susunding mabuti ang lahat ng utos niya at tuntunin na ibinibigay ko sa inyo ngayon, mararanasan ninyo ang lahat ng sumpang ito:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:8

Pero ngayon, dapat na ninyong itakwil ang lahat ng ito: galit, poot, sama ng loob, paninira sa kapwa, at mga bastos na pananalita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 28:16-19

Susumpain ng Panginoon ang inyong mga lungsod at bukid. Susumpain niya ang inyong mga ani at pagkain. Susumpain niya kayo sa pamamagitan ng pagbibigay sa inyo ng kaunting anak, ani, at hayop. Susumpain niya ang lahat ng gagawin ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:7

“Huwag ninyong gagamitin ang pangalan ko sa walang kabuluhan. Ako ang Panginoon na inyong Dios, ang magpaparusa sa sinumang gagamit ng pangalan ko sa walang kabuluhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:5

Huwag ninyo itong paglilingkuran o sasambahin, dahil ako ang Panginoon na inyong Dios ay ayaw na may sinasamba kayong iba. Pinaparusahan ko ang mga nagkakasala sa akin, pati na ang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na henerasyon ng mga napopoot sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 23:10

Puno na ang lupain ng mga taong sumasamba sa mga dios-diosan, dahil gumagawa ng kasamaan ang mga propeta at nagmamalabis sa kapangyarihan nila. At dahil ditoʼy isinumpa ng Panginoon ang lupain, kaya natuyo at nalanta ang mga tanim.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 11:26-28

Makinig kayo! Pinapapili ko kayo ngayon sa pagpapala o sa sumpa. Pagpapalain kayo kung susundin ninyo ang mga utos ng Panginoon na inyong Dios na ibinibigay ko sa inyo ngayon. Susumpain ko kayo kung hindi ninyo susundin ang mga utos na ito ng Panginoon na ibinibigay ko sa inyo ngayon, at sumamba sa ibang mga dios na hindi naman ninyo kilala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 3:10

Mula sa iisang bibig nanggagaling ang pagpupuri at pagsumpa. Mga kapatid, hindi dapat ganyan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 17:5

Sinabi pa ng Panginoon, “Isusumpa ko ang taong lumalayo sa akin at nagtitiwala lamang sa tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 48:10

Sumpain ang taong pabaya sa paggawa ng gawain ng Panginoon laban sa Moab. Sumpain ang taong hindi papatay sa mga taga-Moab.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:14

Idalangin ninyo sa Dios na pagpalain ang mga taong umuusig sa inyo. Pagpalain ninyo sila sa halip na sumpain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 26:14-16

Pero kung hindi kayo makikinig sa akin, at hindi ninyo susundin ang aking mga utos at tuntunin, nilalabag ninyo ang kasunduan ko sa inyo. Kaya ganito ang gagawin ko sa inyo. Bigla kayong masisindak sa takot dahil padadalhan ko kayo ng mga sakit na hindi gumagaling, at lagnat na magpapadilim ng inyong paningin at magpapahina ng inyong katawan. Magtatanim kayo, pero hindi rin ninyo pakikinabangan dahil sasalakayin kayo ng inyong mga kalaban at kukunin nila at kakainin ang inyong mga ani.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 27:15-26

“Sumpain ang taong gagawa ng anumang mga dios-diosan na gawa sa bato o tanso at sasambahin ito kahit palihim. Sapagkat kinasusuklaman ng Panginoon ang dios-diosang ginawa ng tao.” At sasagot ang lahat ng tao, “Amen!” “Sumpain ang taong hindi gumagalang sa kanyang magulang.” At sasagot ang lahat ng tao, “Amen!” “Sumpain ang taong nagnakaw ng lupain ng kanyang kapwa sa pamamagitan ng paglilipat ng muhon ng lupain nito.” At sasagot ang lahat ng tao, “Amen!” “Sumpain ang taong nagliligaw ng bulag sa daan.” At sasagot ang lahat ng tao, “Amen!” “Sumpain ang taong hindi nagbibigay ng hustisya sa mga dayuhan, sa mga ulila at sa mga biyuda.” At sasagot ang lahat ng tao, “Amen!” Kapag nakatawid na kayo sa Jordan, doon sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Dios, magtumpok kayo ng malalaking bato, at pahiran ninyo ang palibot nito ng apog. “Sumpain ang taong nakikipagtalik sa asawa ng kanyang ama, dahil ipinapahiya niya ang kanyang ama.” At sasagot ang lahat ng tao, “Amen!” “Sumpain ang taong nakikipagtalik sa anumang hayop.” At sasagot ang lahat ng tao, “Amen!” “Sumpain ang taong nakikipagtalik sa kanyang kapatid na babae, kapatid man niya ito sa ama o sa ina.” At sasagot ang lahat ng tao, “Amen!” “Sumpain ang taong nakikipagtalik sa kanyang biyenang babae.” At sasagot ang lahat ng tao, “Amen!” “Sumpain ang taong pumatay ng kanyang kapwa kahit walang nakakaalam.” At sasagot ang lahat ng tao, “Amen!” “Sumpain ang taong tumatanggap ng suhol para pumatay ng inosenteng tao.” At sasagot ang lahat ng tao, “Amen!” “Sumpain ang tao na hindi susunod o gagawa sa lahat ng utos na ito.” At sasagot ang lahat ng tao, “Amen!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 109:17

Gustong-gusto niyang sumpain ang iba, kaya sa kanya na lang sana mangyari ang kanyang sinabi. Ayaw niyang pagpalain ang iba kaya sana hindi rin siya pagpalain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Malakias 3:9

Iyan ang dahilan kung bakit ko isinumpa ang buong bansa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 3:17

Sinabi rin niya sa lalaki, “Dahil naniwala ka sa asawa mo at kumain ng bunga ng punongkahoy na ipinagbawal ko sa inyo, susumpain ko ang lupa! Kaya sa buong buhay mo ay magpapakahirap ka nang husto para makakain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:28

Pagpalain ninyo ang mga umaalipusta sa inyo. At idalangin ninyo ang mga nagmamalupit sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 3:14

Kaya sinabi ng Panginoong Dios sa ahas, “Dahil sa ginawa mong ito, parurusahan kita. Sa lahat ng hayop, ikaw lang ang makakaranas ng sumpang ito: Sa buong buhay moʼy gagapang ka sa pamamagitan ng iyong tiyan at ang bibig mo ay palaging makakakain ng alikabok.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Bilang 23:8

Paano ko susumpain ang mga taong hindi isinusumpa ng Dios? Paano ko susumpain ang mga taong hindi isinusumpa ng Panginoon?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 30:19

“Sa araw na ito, tinawag ko ang langit at lupa na maging saksi kung alin dito ang pipiliin ninyo: buhay o kamatayan, pagpapala o sumpa. Piliin sana ninyo ang buhay para mabuhay kayo nang matagal pati na ang inyong mga anak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 3:1

Kinalaunan, nagsalita si Job at isinumpa niya ang araw na isinilang siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:33

Isinusumpa ng Panginoon ang sambahayan ng masasama, ngunit pinagpapala niya ang sambahayan ng mga matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 5:3-4

Sinabi ng anghel sa akin, “Nakasulat sa kasulatang iyan ang sumpang darating sa buong lupain ng Israel. Sinasabi sa isang bahagi ng kasulatan na ang lahat ng magnanakaw ay aalisin sa Israel, at sa kabilang bahagi naman ng kasulatan ay sinasabi na ang lahat ng sumusumpa ng may kasinungalingan ay aalisin din. Sinabi ng Makapangyarihang Panginoon, ‘Ipapadala ko ang sumpang ito sa tahanan ng magnanakaw at sa tahanan ng sumusumpa ng kasinungalingan sa aking pangalan. Mananatili ito sa kanilang mga bahay at lubusang wawasakin ang mga ito.’ ”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:14

Salita ng masamang babae ay parang malalim na hukay, at doon nahuhulog ang kinamumuhian ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 26:2

Ang sumpa ay hindi tatalab sa walang kasalanan. Tulad ito ng ibong hindi dumadapo at lilipad-lipad lamang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 25:41

“Pagkatapos, sasabihin ko naman sa mga tao sa aking kaliwa, ‘Lumayo kayo sa akin, kayong mga isinumpa ng Dios! Doon kayo sa walang katapusang apoy na inihanda para sa diyablo at sa kanyang mga kampon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 11:3

Sabihin mo sa kanila na ako, ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ay nagsasabing isusumpa ko ang taong ayaw sumunod sa mga sinasabi sa kasunduang ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 24:6

Kaya isusumpa ng Dios ang mundo, at mananagot ang mga mamamayan nito dahil sa kanilang mga kasalanan. Susunugin sila at iilan lang ang matitira.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 15:23

Ang pagsuway sa Panginoon ay kasinsama ng pangkukulam at ang katigasan ng uloʼy kasinsama ng pagsamba sa mga dios-diosan. Dahil sa pagsuway mo sa salita ng Panginoon, inayawan ka rin niya bilang hari.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Malakias 4:6

Ibabalik niya ang magandang relasyon ng mga magulang at mga anak, upang pagdating ko ay hindi ko na isusumpa ang inyong bayan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 28:20-22

Maguguluhan at malilito kayo sa lahat ng gagawin ninyo hanggang sa malipol kayo at tuluyang mawala, dahil sa masama ninyong ginagawa sa pamamagitan ng pagsuway sa kanya. Padadalhan kayo ng Panginoon ng mga salot hanggang sa mamatay kayo roon sa lupain na titirhan at aangkinin ninyo. Pahihirapan kayo ng Panginoon sa sakit na hindi gumagaling, lagnat, pamamaga, mainit na hangin, mahabang tagtuyot, at peste sa mga halaman hanggang sa mamatay kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 28:16

Susumpain ng Panginoon ang inyong mga lungsod at bukid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 6:8

Ngunit kung matitinik na mga halaman lang ang tumutubo roon, wala itong pakinabang. Nanganganib itong sumpain na lang ng Dios, at sa bandang huli ay susunugin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 28:17

Susumpain niya ang inyong mga ani at pagkain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 109:17-18

Gustong-gusto niyang sumpain ang iba, kaya sa kanya na lang sana mangyari ang kanyang sinabi. Ayaw niyang pagpalain ang iba kaya sana hindi rin siya pagpalain. Walang tigil niyang isinusumpa ang iba; parang damit na lagi niyang suot. Bumalik sana ito sa kanya na parang tubig na nanunuot sa kanyang katawan, at parang langis na tumatagos sa kanyang mga buto.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 21:22-23

“Kung ang isang tao ay pinarusahan ng kamatayan dahil sa isang krimen na ginawa niya, at ibinitin ang bangkay niya sa puno, hindi dapat umabot hanggang umaga ang bangkay niya roon. Dapat ninyo itong ilibing sa araw ding iyon, dahil ang sinumang ibinitin sa puno ay isinumpa ng Dios. Kung hindi ninyo ito ililibing sa araw ding iyon, madudungisan nito ang lupaing ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Dios bilang mana ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:27

Ang taong mapagbigay sa mahihirap ay hindi kukulangin, ngunit ang nagbubulag-bulagan ay makakatanggap ng mga sumpa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 7:26

Huwag kayong magdadala sa mga bahay ninyo ng anumang kasuklam-suklam na bagay, para hindi kayo malipol kasama ng mga bagay na iyon. Kamuhian ninyo ito, dahil itong mga bagay ay dapat wasakin ng lubusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 65:20

Doon ay walang mamamatay na sanggol o bata pa. Ang sinumang mamamatay sa gulang na 100 taon ay bata pa, at ang mamamatay nang hindi pa umaabot sa 100 taon ay ituturing na pinarusahan ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 43:28

Kaya inilagay ko sa kahihiyan ang iyong mga pari, at ikaw, Israel ay ipinaubaya ko sa kapahamakan at kahihiyan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 3:17-19

Sinabi rin niya sa lalaki, “Dahil naniwala ka sa asawa mo at kumain ng bunga ng punongkahoy na ipinagbawal ko sa inyo, susumpain ko ang lupa! Kaya sa buong buhay mo ay magpapakahirap ka nang husto para makakain. Tutubo sa lupa ang mga damo at halamang may tinik. Ang kakainin moʼy manggagaling sa mga pananim sa bukid. Kinakailangang magpakahirap ka nang husto para makakain, hanggang sa bumalik ka sa lupa na iyong pinagmulan. Dahil sa lupa ka nagmula, sa lupa ka rin babalik.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 4:11-12

Dahil sa ginawa mo, isusumpa ka. Mula ngayon, hindi ka na makakapagsaka sa lupa na sumipsip ng dugo ng iyong kapatid na pinatay mo. Kahit magtanim ka pa, ang lupa ay hindi na magbibigay sa iyo ng ani. At wala kang pirmihang matitirhan, kaya magpapagala-gala ka kahit saan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 24:24

Kapag pinalaya mo ang taong may kasalanan, susumpain ka at kamumuhian ng mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 29:19-20

Ang sinumang nakarinig ng mga babala ng sumpang ito ay huwag mag-iisip na hindi siya masasaktan kahit na magpatuloy siya sa kanyang gusto. Pagbagsak ang idudulot nito sa inyong lahat. Ipinatawag ni Moises ang lahat ng Israelita at sinabi sa kanila, “Nakita ninyo ang lahat ng ginawa ng Panginoon sa Faraon at sa lahat ng opisyal niya at sa buong bansa nito. Hindi siya patatawarin ng Panginoon. Maglalagablab ang galit ng Panginoon sa kanya tulad ng apoy, at mangyayari sa kanya ang lahat ng sumpa na nakasulat sa aklat na ito, at buburahin ng Panginoon ang kanyang pangalan sa mundo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:22

Ang mga pinagpapala ng Panginoon ay patuloy na titira sa lupain ng Israel. Ngunit silang mga isinumpa niya ay palalayasin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 34:5

Pagkatapos gamitin ng Panginoon ang kanyang espada sa langit, tatama naman ito sa Edom para parusahan at lipulin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 18:20

Ang taong nagkasala ang siyang dapat mamatay. Hindi dapat parusahan ang anak dahil sa kasalanan ng kanyang ama at ang ama naman ay hindi dapat parusahan dahil sa kasalanan ng kanyang anak. Ang taong matuwid ay gagantimpalaan sa ginawa niyang kabutihan at ang taong masama ay parurusahan dahil sa ginawa niyang kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 23:5

Ngunit hindi nakinig ang Panginoon na inyong Dios kay Balaam. Sa halip, ginawa niyang basbas ang sumpa sa inyo, dahil minamahal kayo ng Panginoon na inyong Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 1:8-9

Sumpain nawa ng Dios ang sinuman – kami o maging isang anghel galing sa langit – na mangangaral sa inyo ng magandang balita na iba kaysa sa ipinangaral namin sa inyo. Sinabi na namin sa inyo noon at muli kong sasabihin: Kung may mangangaral sa inyo ng magandang balita na iba kaysa sa tinanggap ninyo, sumpain siya ng Dios!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hukom 5:23

Pagkatapos, sinabi ng anghel ng Panginoon, “Sumpain ang Meroz! Sumpain kayong mga naninirahan dito dahil hindi kayo tumulong nang makipaglaban ang Panginoon sa mga makapangyarihang tao.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 9:25

sinabi niya; “Sumpain ka Canaan! Maghihirap ka at magiging alipin ng iyong mga kapatid.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 30:7

Ipaparanas ng Panginoon na inyong Dios ang lahat ng sumpang ito sa inyong mga kaaway na napopoot at gumigipit sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:21

Sinasaway nʼyo ang mga hambog at isinusumpa ang mga ayaw sumunod sa inyong mga utos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:44

Ngunit sinasabi ko sa inyo na mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 3:14

Ang lumalabas sa kanilang bibig ay panay pagmumura at masasakit na salita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 12:3

Kaya gusto kong malaman ninyo na walang taong pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios ang magsasabi, “Sumpain si Jesus!” At wala ring taong makapagsasabi na, “Si Jesus ay Panginoon,” kung hindi siya pinapatnubayan ng Banal na Espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 28:45

Mangyayari ang lahat ng sumpang ito sa inyo hanggang sa mamatay kayo, kung hindi ninyo susundin ang Panginoon na inyong Dios at ang kanyang mga utos at mga tuntunin na ibinigay niya sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Pedro 2:14

Kung tumingin sila sa babae, puno ito ng pagnanasa. Wala silang tigil sa paggawa ng kasalanan at hinihikayat pa ang mga taong mahihina. Sanay sila sa pagiging sakim. Mga isinumpa sila!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 11:10-11

Tinularan nila ang mga kasalanan ng mga ninuno nilang hindi naniwala sa mga salita ko. Sumamba rin sila sa mga dios-diosan. Ang mga mamamayan ng Israel at Juda ay parehong sumuway sa kasunduang ginawa ko sa mga ninuno nila. Kaya ako, ang Panginoon, ay nagsasabi na magpapadala ako sa kanila ng kaparusahan na hindi nila matatakasan. At kahit na humingi sila ng tulong sa akin, hindi ko sila pakikinggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:53

Akoʼy galit na galit sa masasamang tao, na ayaw sumunod sa inyong kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 65:15

Ang inyong mga pangalan ay susumpain ng aking mga pinili, at ako, ang Panginoong Dios, ang papatay sa inyo. Pero ang aking mga lingkod ay bibigyan ko ng bagong pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 28:58-59

“Kung hindi ninyo susunding mabuti ang lahat ng mga utos na nakasulat sa aklat na ito, at hindi igagalang ang kahanga-hanga at kamangha-manghang pangalan ng Panginoon na inyong Dios, padadalhan niya kayo at ang inyong mga lahi ng malulubhang karamdaman na sobrang sakit at wala nang lunas para rito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 13:19

Nilalapastangan ninyo ako sa harap ng mga mamamayan ko para lang sa kaunting sebada at ilang tinapay. Sa pamamagitan ng pagsisinungaling ay sinasabi ninyong mamamatay ang hindi dapat mamatay at hindi mamamatay ang dapat mamatay. At naniniwala naman ang mga mamamayan ko sa kasinungalingan ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 17:7-8

Pero mapalad ang taong nagtitiwala at lubos na umaasa lamang sa akin. Matutulad siya sa punongkahoy na itinanim sa tabi ng ilog na ang mga ugat ay umaabot sa tubig. Ang punongkahoy na itoʼy hindi manganganib, dumating man ang tag-init o mahabang tag-araw. Palaging sariwa ang mga dahon nito at walang tigil ang pamumunga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 27:15

“Sumpain ang taong gagawa ng anumang mga dios-diosan na gawa sa bato o tanso at sasambahin ito kahit palihim. Sapagkat kinasusuklaman ng Panginoon ang dios-diosang ginawa ng tao.” At sasagot ang lahat ng tao, “Amen!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 109:28

Isinusumpa nila ako, ngunit pinagpapala nʼyo ako. Mapapahiya sila kapag sinalakay nila ako ngunit ako na inyong lingkod ay magagalak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 2:24

Lumingon si Eliseo, tinitigan niya ang mga ito at isinumpa sa pangalan ng Panginoon. Pagkatapos, may dalawang babaeng oso na lumabas galing sa gubat at pinagluray-luray ang 42 kabataan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 16:22

Parusahan nawa ng Dios ang sinumang hindi nagmamahal sa kanya. Panginoon, bumalik na po kayo!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:23

Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang kaloob ng Dios ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:21-23

“Marami ang tumatawag sa akin ng ‘Panginoon’, pero hindi ito nangangahulugan na makakapasok sila sa kaharian ng langit. Ang mga tao lang na sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit ang mapapabilang sa kanyang kaharian. Marami ang magsasabi sa akin sa Araw ng Paghuhukom, ‘Panginoon, hindi baʼt sa ngalan nʼyo ay nagpahayag kami ng inyong salita, nagpalayas ng masasamang espiritu at gumawa ng maraming himala?’ Ngunit sasabihin ko sa kanila, ‘Hindi ko kayo kilala! Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng masama!’ ”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 42:18

“Ito pa ang sinabi ng Panginoong Makapangyarihan, ang Dios ng Israel, ‘Kung paano ko ipinadama sa mga taga-Jerusalem ang tindi ng galit ko, ipadarama ko rin sa inyo ang galit ko kung pupunta kayo sa Egipto. Susumpain at kasusuklaman kayo ng mga tao. Kukutyain nila kayo at ituturing na masama, at hindi na kayo makakabalik pa sa lupaing ito.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 30:1-3

Sinabi ng Panginoon, “Nakakaawa ang aking mga anak na suwail. Gumagawa sila ng mga plano na hindi naaayon sa kalooban ko. Nakikipagkasundo sila na hindi ko pinapayagan. Kaya lalo lang nadadagdagan ang kanilang kasalanan. Sinabi nila sa mga propeta, ‘Huwag na ninyong sabihin sa amin ang tungkol sa mga pahayag ng Dios sa inyo. Huwag na ninyong sabihin sa amin ang tama. Sabihin nʼyo sa amin ang mga bagay na makapagpapasaya sa amin at mga pangitain na hindi mangyayari. Umalis kayo sa aming dinadaanan, huwag ninyo kaming harangan. Huwag na ninyong sabihin sa amin ang tungkol sa Banal na Dios ng Israel.’ ” Kaya sinabi ng Banal na Dios ng Israel, “Dahil sa itinakwil ninyo ang aking mensahe at nagtiwala kayo sa pang-aapi at pandaraya, bigla kayong malilipol. Ang inyong mga kasalanan ay katulad ng bitak na biglang wawasak ng mataas na pader. Madudurog kayo na parang palayok, na sa lakas ng pagbagsak ay wala man lang kahit kapirasong mapaglagyan ng baga o maipansalok ng tubig.” Sinabi pa ng Panginoong Dios, ang Banal na Dios ng Israel, “Magbalik-loob kayo sa akin at pumanatag, dahil ililigtas ko kayo. Huwag kayong mabahala kundi magtiwala sa akin, dahil palalakasin ko kayo. Pero tumanggi kayo at sinabi ninyo, ‘Makakatakas kami sa aming mga kaaway, dahil mabibilis ang aming mga kabayo.’ Oo nga, makakatakas kayo pero mas mabibilis ang mga hahabol sa inyo. Sa banta ng isa, 1,000 sundalo ang makakatakas sa inyo. Sa banta ng lima, makakatakas kayong lahat. Matutulad kayo sa nakatayong bandila na nag-iisa sa tuktok ng bundok.” Pero naghihintay ang Panginoon na kayoʼy lumapit sa kanya para kaawaan niya. Nakahanda siyang ipadama sa inyo ang kanyang pagmamalasakit. Sapagkat ang Panginoon ay Dios na makatarungan, at mapalad ang nagtitiwala sa kanya. Kayong mga taga-Zion, na mga mamamayan ng Jerusalem, hindi na kayo muling iiyak! Kaaawaan kayo ng Panginoon kung hihingi kayo ng tulong sa kanya. Kapag narinig niya ang inyong panalangin, sasagutin niya kayo. Pumunta sila sa Egipto para humingi ng proteksyon sa hari, na hindi man lang sumangguni sa akin. Para kayong pinakain at pinainom ng Panginoon ng kapighatian at paghihirap. Pero kahit na ginawa niya ito sa inyo, siya na guro ninyo ay hindi magtatago sa inyo. Makikita ninyo siya, at maririnig ninyo ang kanyang tinig na magtuturo sa inyo ng tamang daan, saan man kayo naroroon. Ituring na ninyong marumi ang inyong mga dios-diosang gawa sa pilak at ginto. Itapon nʼyo na parang napakaruming basahan at sabihin, “Ayaw ko nang makita kayo!” Bibigyan kayo ng Panginoon ng ulan sa panahon ng pagtatanim, at magiging sagana ang inyong ani. At ang inyong mga hayop ay manginginain sa malawak na pastulan. Ang mga baka ninyo at asnong pang-araro ay kakain ng pinakamainam na pagkain ng hayop. Sa mga araw na iyon na papatayin ang inyong mga kaaway at wawasakin ang kanilang mga muog, dadaloy ang tubig mula sa bawat matataas na bundok. Liliwanag ang buwan na parang araw. Ang araw naman ay magliliwanag ng pitong ibayo, na parang liwanag ng pitong araw na pinagsama-sama sa iisang araw. Mangyayari ito sa araw na gagamutin at pagagalingin ng Panginoon ang sugat ng mga mamamayan niya. Makinig kayo! Dumarating ang Panginoon mula sa malayo. Nag-aapoy siya sa galit at nasa gitna ng usok. Ang mga labi niyang nanginginig sa galit ay parang nagliliyab na apoy. Ang kanyang hininga ay parang malakas na agos na umaabot hanggang leeg. Nililipol niya ang mga bansa na parang sinasalang trigo. Para silang mga hayop na nilagyan ng bokado at hinila. Pero kayong mga mamamayan ng Dios ay aawit, katulad ng ginagawa ninyo sa gabi ng pista ng pagpaparangal sa Panginoon. Magagalak kayo katulad ng taong nagmamartsa sa tunog ng plauta habang naglalakad patungo sa Bundok ng Panginoon para sambahin siya, ang Bato na kanlungan ng Israel. Pero mabibigo lamang sila sa hinihingi nilang proteksyon sa Faraon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 14:8

Kakalabanin ko siya at gagawing babala sa mga tao, at siyaʼy pag-uusapan nila. Ihihiwalay ko siya sa mga mamamayan ko. At malalaman ninyo na ako ang Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 11:28

Susumpain ko kayo kung hindi ninyo susundin ang mga utos na ito ng Panginoon na ibinibigay ko sa inyo ngayon, at sumamba sa ibang mga dios na hindi naman ninyo kilala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 5:3

Ayon sa aking nakita at nalaman, maaaring umunlad ang pamumuhay ng isang hangal, pero bigla na lang isusumpa ng Dios ang sambahayan niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 27:25

Sumagot ang mga tao, “Kami at ang mga anak namin ang mananagot sa kanyang kamatayan!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 28:63-64

Gaya ng kasiyahan ng Panginoon sa pagpapaunlad at pagpaparami sa inyo, ikasisiya rin niya ang pagwasak at pagpatay sa inyo, hanggang sa mawala kayo sa lupaing titirhan at aangkinin ninyo. “Pangangalatin kayo ng Panginoon sa lahat ng bansa sa bawat sulok ng mundo. At dooʼy sasamba kayo sa ibang mga dios na gawa sa kahoy at bato, na hindi ninyo nakikilala o ng inyong mga ninuno.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 2:1-3

Nakakaawa kayong nagpupuyat sa pagpaplano ng masama. Kinaumagahan ay isinasagawa ninyo ang inyong planong masama dahil may kakayahan kayong gawin iyon. Kaya ngayon, umalis na kayo rito sa Israel dahil ang lugar na ito ay hindi na makapagbibigay sa inyo ng kapahingahan, sapagkat dinungisan ninyo ito ng inyong mga kasalanan. Masisira ang lugar na ito at hindi na mapapakinabangan. Ang gusto ninyong mangangaral ay iyong nangangaral nang walang kabuluhan, manlilinlang at sinungaling, at ganito ang sinasabi: ‘Sasagana kayo sa alak at iba pang mga inumin.’ ” Sinabi ng Panginoon, “Kayong natitirang mga mamamayan ng Israel at Juda, titipunin ko kayo gaya ng mga tupa sa kulungan o kawan ng mga hayop sa pastulan. Mapupuno ng mga tao ang inyong lupain. Bubuksan ko ang pinto ng lungsod na bumihag sa inyo, at pangungunahan ko kayo sa inyong paglabas. Ako, ang Panginoon na inyong hari, ang mangunguna sa inyo.” Inaagaw ninyo ang mga bukid at mga bahay na inyong nagugustuhan. Dinadaya ninyo ang mga tao para makuha ninyo ang kanilang bahay o lupaing minana. Kaya ito ang sinasabi ng Panginoon sa inyo, “Makinig kayo! Pinaplano kong parusahan kayo at hindi kayo makakaligtas. Hindi na kayo makapagmamalaki dahil sa panahong iyon ay lilipulin kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 22:28

“Huwag ninyong lalapastanganin ang Dios at susumpain ang inyong pinuno.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 28:23-24

Magiging parang tanso ang langit na hindi magbibigay ng ulan at ang lupa ay matutuyo at magiging kasintigas ng bakal. Sa halip na tubig ang ibigay ng Panginoon sa inyo bilang ulan, alikabok ang ibibigay niya. Pauulanin niya ng alikabok hanggang sa mamatay kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 35:11-15

Kaya ako, ang Panginoong Dios na buhay, ay sumusumpang gagantihan ko kayo sa inyong galit, inggit at poot, na ipinadama ninyo sa mga mamamayan ko. Kaya malalaman ninyong ako ang Panginoon habang pinarurusahan ko kayo. Sa ganitong paraan, malalaman din ninyong ako ang Panginoon na nakaririnig ng lahat ng paglapastangan ninyo sa mga bundok ng Israel. Sapagkat sinasabi ninyong, ‘Wasak na ito, sakupin na natin!’ Nagmalaki kayo sa akin. Kinutya nʼyo ako at narinig ko ito. “Kaya ako, ang Panginoong Dios, ay nagsasabing magagalak ang buong mundo, kapag ginawa kong mapanglaw ang lugar ninyo, dahil natuwa kayo nang naging mapanglaw ang lupaing ipinamana ko sa mga mamamayan ng Israel. Kaya ito rin ang mangyayari sa inyo. Magiging mapanglaw ang bundok ng Seir at ang buong lupain ng Edom. At malalaman ninyo na ako ang Panginoon.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 48:27

Kayong mga taga-Moab, hindi baʼt kinutya ninyo ang Israel? Bakit, nahuli ba siyang nagnakaw? Bakit iiling-iling pa kayo sa pagkutya nʼyo sa kanya?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 28:41-42

Magkakaanak kayo pero, mawawala sila sa inyo dahil bibihagin sila. Kakainin ng maraming insekto ang lahat ng inyong puno at pananim.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:1

Kaya ngayon, hindi na hahatulan ng kaparusahan ang mga nakay Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 50:13

Dahil sa aking poot, wala nang maninirahan sa Babilonia at magiging mapanglaw ito. Masisindak at mangingilabot ang lahat ng dadaan dito dahil sa lahat ng nangyari sa bansang ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:21

Ang taong masama, tiyak na parurusahan, ngunit ang matuwid ay makakaligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 10:1-3

Nakakaawa kayong mga gumagawa ng mga di-makatarungang kautusan na umaapi sa mga mahihirap kong mamamayan at nagkakait ng katarungan sa kanila. Sa pamamagitan ng mga kautusang iyon, kinukuha ninyo ang mga ari-arian ng mga biyuda at mga ulila. Pinarusahan ko ang mga bansang sumasamba sa mga dios-diosan na mas marami pa kaysa sa mga dios-diosan sa Jerusalem at Samaria. Winasak ko na ang Samaria at ang mga dios-diosan nito. Ganyan din ang gagawin ko sa Jerusalem at sa mga dios-diosan nito.” Pero ito ang sinabi ng Panginoon na mangyayari kapag natapos na niya ang gagawin niya laban sa Bundok ng Zion at sa Jerusalem: “Parurusahan ko ang hari ng Asiria dahil sa kanyang pagmamataas at pagmamalaki. Sapagkat sinasabi niya, ‘Nagawa ko ito dahil sa sarili kong lakas at karunungan. Tinalo ko ang maraming bansa at sinamsam ang kanilang mga kayamanan. Para akong toro; tinalo ko ang kanilang mga hari. Kinuha ko ang mga kayamanan ng mga bansa, na para bang nangunguha lang ako ng itlog sa mga pugad na iniwanan ng inahin. Walang pakpak na pumagaspas o huni na narinig.’ ” Maaari bang magmalaki ang palakol o ang lagare sa gumagamit sa kanya? Mabubuhat ba ng pamalo ang may hawak sa kanya? Kaya magpapadala ang Panginoong Makapangyarihan ng sakit na magpapahina sa malulusog na sundalo ng Asiria. Susunugin ng Panginoon ang mga kayamanan niya sa naglalagablab na apoy. Ang Panginoon na siyang ilaw at banal na Dios ng Israel ay magiging tulad ng naglalagablab na apoy na susunog sa mga matitinik niyang halaman sa loob ng isang araw lang. Kung paanong sinisira ng sakit ang katawan ng tao, sisirain din ng Panginoon ang mga kagubatan at mga bukid ng hari ng Asiria. Iilan lang ang matitirang puno sa kanyang kagubatan. Mabibilang ito kahit ng batang paslit. Darating ang araw na ang mga natitirang Israelitang lahi ni Jacob ay hindi na magtitiwala sa Asiria na nagpahirap sa kanila. Magtitiwala na sila sa Panginoon, ang Banal na Dios ng Israel. Magbabalik-loob sila sa Makapangyarihang Dios. Kahit na kasindami ng buhangin sa tabing-dagat ang mga Israelita, iilan lang ang makakabalik. Nakatakda na ang parusang nararapat para sa buong Israel. At tiyak na gagawin ito ng Panginoong Dios na Makapangyarihan. Kaya sinabi ng Panginoong Dios na Makapangyarihan, “Kayong mga mamamayan ko na naninirahan sa Zion, huwag kayong matakot sa mga taga-Asiria kahit na pinahihirapan nila kayo katulad ng ginawa sa inyo ng mga Egipcio. Sapagkat hindi magtatagal at mawawala na ang galit ko sa inyo at sa kanila ko naman ito ibubuhos hanggang sa mamatay sila. Parurusahan ko sila katulad ng ginawa ko sa mga taga-Midian sa Bato ng Oreb at sa mga Egipcio nang nilunod ko sila sa dagat. Sa araw na iyon, palalayain ko kayo mula sa kapangyarihan ng Asiria. Para kayong natanggalan ng mabigat na pasanin sa mga balikat nʼyo at ng pamatok na nagpapabigat sa leeg ninyo. Lalaya kayo mula sa kapangyarihan nila dahil magiging makapangyarihan kayo.” Nilusob ng Asiria ang Ayat. Doon sila dumaan sa Migron at iniwan nila sa Micmash ang mga dala nila. Dumaan sila sa tawiran, at doon natulog sa Geba. Natakot ang mga taga-Rama, at tumakas ang mga mamamayan ng Gibea na bayan ni Haring Saul. Ano ang gagawin ninyo sa araw ng pagpaparusa sa inyo? Ano ang gagawin nʼyo pagdating ng panganib mula sa malayo? Kanino kayo hihingi ng tulong? At saan ninyo itatago ang mga kayamanan ninyo?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 3:11

Pero nakakaawa ang masasama, dahil darating sa kanila ang kapahamakan. Gagantihan sila ayon sa mga ginawa nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:21

Makinig kayo sa kanya at sundin ang sinasabi niya. Huwag kayong magrerebelde sa kanya dahil ang lahat ng ginagawa niyaʼy ginagawa niya sa aking pangalan, at hindi niya pababayaang magpatuloy kayo sa mga kasalanan ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Tesalonica 1:9

Parurusahan sila ng walang hanggang paghihirap at pagkawalay sa Panginoon, at hindi na nila makikita pa ang dakila niyang kapangyarihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 18:30

“Kaya sinasabi ko sa inyo, mga mamamayan ng Israel, ako, ang Panginoong Dios, ako ang hahatol sa bawat isa sa inyo ayon sa inyong mga ginawa. Kaya, magsisi na kayo! Talikuran na ninyo ang lahat ng inyong kasalanan para hindi kayo mapahamak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 44:8

Bakit ninyo ako ginagalit sa paggawa ninyo ng inyong mga dios? Nagsusunog pa kayo ng mga insenso para sa mga ito dito sa Egipto kung saan kayo ngayon naninirahan. Ipinapahamak ninyo ang sarili ninyo at ginagawa ninyong kasuklam-suklam at kahiya-hiya sa lahat ng bansa sa daigdig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 28:38-39

“Marami ang itatanim ninyo pero kakaunti lang ang inyong aanihin, dahil kakainin ito ng mga balang. Magtatanim kayo ng ubas at aalagaan ninyo ito, pero hindi kayo makakapamitas ng bunga nito o makakainom ng katas mula rito, dahil kakainin ito ng mga uod.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 14:22-23

Sinabi ng Panginoong Makapangyarihan, “Lulusubin ko at wawasakin ang Babilonia. Wala akong ititirang buhay sa lugar na ito. Walang matitira sa kanilang mga lahi. Gagawin ko itong ilang, na may maraming latian, at gigibain ko na parang winalisan. Ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ang nagsasabi nito.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 18:21

Pero ngayon, pabayaan po ninyong mamatay ang mga anak nila sa gutom at digmaan. Pabayaan nʼyong mabiyuda ang mga babae at mawala ang mga anak nila. Pabayaan nʼyo pong mamatay ang kanilang mga lalaki sa sakit at ang mga kabataang lalaki sa digmaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Hosea 4:6

“Napapahamak ang aking mga mamamayan dahil kulang ang kaalaman nila tungkol sa akin. Sapagkat kayo mismong mga pari ay tinanggihan ang kaalamang ito, kaya tinatanggihan ko rin kayo bilang mga pari ko. Kinalimutan ninyo ang Kautusan ko kaya kalilimutan ko rin ang mga anak ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 22:3

Walang anumang isinumpa ng Dios na makikita roon. Naroon ang trono ng Dios at ng Tupa, at sasambahin siya ng mga lingkod niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 48:42

Mawawasak ang Moab dahil sa paghihimagsik niya sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Nahum 1:14

Ito naman ang sinasabi ng Panginoon sa mga taga-Asiria: “Mawawala ang lahi ninyo at wawasakin ko ang mga rebulto ninyong kahoy o metal sa templo ng inyong mga dios-diosan. Ihahanda ko na ang inyong mga libingan dahil hindi na kayo dapat mabuhay.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 106:36-39

Sinamba rin nila ang kanilang mga dios-diosan, at ito ang nagtulak sa kanila sa kapahamakan. Inihandog nila ang kanilang mga anak sa mga demonyo na mga dios-diosan ng Canaan. Dahil sa pagpatay nila sa walang malay nilang mga anak, dinungisan nila ang lupain ng Canaan pati ang kanilang mga sarili. Dahil sa kanilang ginawang iyon, nagtaksil sila sa Dios katulad ng babaeng nakikiapid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 16:9

Pero kahit na napaso ang mga tao, hindi pa rin sila nagsisi sa mga kasalanan nila. Hindi rin nila pinapurihan ang Dios, sa halip ay nilapastangan nila ang Dios na nagpadala ng salot na iyon sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 2:17

“Kayong mga Israelita na rin ang nagdala ng kapahamakang ito sa sarili ninyo. Sapagkat itinakwil nʼyo ako, ang Panginoon na inyong Dios, akong pumatnubay sa paglalakbay ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 25:7

parurusahan ko kayo. Ipapaubaya ko kayo sa ibang bansa para kunin ang mga ari-arian ninyo. Lilipulin ko kayo at uubusin hanggang wala nang matira sa inyo, at malalaman ninyong ako ang Panginoon.’ ”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 29:27

Kaya nagalit nang matindi ang Panginoon sa kanilang bansa at ipinalasap niya sa kanila ang lahat ng sumpa na nakasulat sa aklat na ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 1:21-22

Sinabi niya, “Ipinanganak akong walang dala at mamamatay din akong walang dala. Ang Panginoon ang nagbigay ng lahat ng mayroon ako at ang Panginoon din ang kumuha nito. Purihin ang pangalan ng Panginoon!” Sa kabila ng lahat ng nangyari, hindi nagkasala si Job. Hindi niya sinisi ang Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 1:1-2

Mapalad ang taong hindi namumuhay ayon sa payo ng masasama, o sumusunod sa mali nilang halimbawa, at hindi nakikisama sa mgataong nangungutya. Sa halip ay nagagalak siyang sumunod sa mga aral na mula sa Panginoon, at araw-gabi ito ay kanyang pinagbubulay-bulayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Bathalang makatarungan at totoo, sakdal sa lahat ng Iyong mga daan, puspos ng karunungan at kaalaman, wala Kang pagkakamali, Ikaw ang katuwiran, ang kabutihan, at lahat ng kailangan namin upang mamuhay nang banal. Turuan Mo po kami, Panginoon, na sumunod sa Iyong mga utos at manatiling matatag sa Iyong salita, nang sa gayon ay hindi kami maging suwail sa Iyong kalooban, kundi mamuhay sa walang hanggang pagpapala. Sapagkat ang sinumang lumalayo sa Iyong salita at sumusuway sa Iyong mga utos ay nabubuhay sa sumpa. Hawakan Mo po ang aking damdamin at lahat ng ako, nawa'y ang Iyong pag-ibig ang siyang gumagabay sa akin. Likhain Mo sa akin, O Diyos, ang isang malinis na puso, at panibaguhin Mo ang isang matuwid na espiritu sa loob ko. Iligtas Mo ako sa lahat ng sumpa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Iyong dugo, Hesus. Nawa'y wala nang anumang magtali sa akin sa anumang uri ng sumpa, sapagkat ako ay tinubos ng dugo ni Cristo, at dinala Niya sa krus ang lahat ng aking kasalanan at paghihimagsik. Kaya't idinedeklara ko ang aking sarili na ganap na malaya at nasa paglilingkod sa aking Diyos. Sapagkat inibig Niya ako muna at ibinigay ang Kanyang buhay bilang pantubos para sa akin, mamahalin ko Siya at sasambahin habang ako'y nabubuhay. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas