Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


MGA TALATA PARA SA PAG-AASAWA

MGA TALATA PARA SA PAG-AASAWA

Alam mo, ang kasal, regalo ito mula sa Diyos. Para hindi tayo nag-iisa. Napakaganda at espesyal na relasyon na kailangan ng tiyaga at dedikasyon. Bilang mga anak ng Diyos, dapat nating ipakita ang Kanyang pagmamahal, at ang kasal, araw-araw na pagkakataon para gawin natin 'yun.

Maraming talata sa Biblia na makakatulong sa pagpapatatag ng pagsasama ninyo, basahin at isabuhay natin. Isa sa mga unang dapat nating gawin bilang mag-asawa ay ang humiwalay sa ating mga magulang para bumuo ng sarili nating pamilya, sarili nating tahanan. Siyempre, dapat pa rin natin silang igalang, pero ang mga desisyon, dapat sa inyong mag-asawa na.

Dapat nating ilaan sa Diyos ang ating kasal. Sundin natin ang Kanyang itinakda para sa bawat isa sa atin bilang mag-asawa. Ipagkatiwala natin sa Kanya ang ating pagmamahal. Palakasin natin ito araw-araw sa pamamagitan ng panalangin at pagbabasa ng salita ng Diyos.

Ang kasal, panghabambuhay. 'Yan ang plano ng Diyos para sa atin. Hindi Niya gusto ang hiwalayan. Ang nais Niya, magsama tayo hanggang sa huli. May mga pagkakataon na sadyang mahirap, tulad ng pagtataksil o pang-aabuso, pero ang orihinal na plano ng Diyos ay magsama ang mag-asawa hanggang kamatayan.




Efeso 5:33

Kaya kayong mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa gaya ng pagmamahal ninyo sa inyong sarili. At kayong mga babae, igalang nʼyo ang inyong asawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 18:22

Kung nakapag-asawa ka, nakatanggap ka ng kabutihan, at ito ang nagpapakita na mabuti ang Panginoon sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:19

Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa at huwag ninyo silang pagmamalupitan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:4

Dapat ninyong pahalagahan ang pag-aasawa, at dapat ninyong iwasan ang pangangalunya. Sapagkat hahatulan ng Dios ang mga nangangalunya at ang mga imoral.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 13:4-5

Ang taong may pag-ibig ay mapagtiis, mabait, hindi marunong mainggit, hindi hambog o mapagmataas, hindi bastos ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 31:10-11

Mahirap hanapin ang mabuting asawa. Higit pa sa mamahaling alahas ang kanyang halaga. Lubos ang tiwala sa kanya ng kanyang asawa, at wala na itong mahihiling pa sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 7:3

Dapat tuparin ng lalaki ang kanyang tungkulin sa kanyang asawa, at ganoon din naman ang babae.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 2:24

Iyan ang dahilan na iiwan ng lalaki ang kanyang amaʼt ina at makikipag-isa sa kanyang asawa, at silang dalawa ay magiging isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:25

Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa, tulad ng pagmamahal ni Cristo sa kanyang iglesya. Inihandog niya ang kanyang sarili para sa iglesya

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:7

Kayo namang mga lalaki, pakisamahan ninyong mabuti ang inyong asawa, dahil ito ang nararapat bilang isang Cristiano. Igalang nʼyo sila bilang mga babaeng mas mahina kaysa sa inyo, dahil binigyan din sila ng Dios ng buhay na walang hanggan katulad ninyo. Kapag ginawa nʼyo ito, sasagutin ng Dios ang mga panalangin ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 11:11

Ngunit dapat ninyong tandaan na sa buhay natin sa Panginoon, kailangan ng babae ang lalaki, at kailangan din ng lalaki ang babae.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:21

Magpasakop kayo sa isaʼt isa bilang paggalang kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:9

Mas mabuti pang tumirang mag-isa sa bubungan ng bahay kaysa sa loob ng bahay na ang kasama ay asawang palaaway.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:8

Higit sa lahat, magmahalan kayo nang tapat. Sapagkat kung mahal mo ang kapwa mo, mapapatawad mo siya kahit gaano pa karami ang nagawa niyang kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:2-3

Maging mahinahon kayo, mapagpakumbaba, maunawain at mapagpaumanhin sa mga pagkukulang ng bawat isa bilang pagpapakita ng pag-ibig ninyo. Ngunit hindi ganyan ang natutunan nʼyo tungkol kay Cristo. Hindi baʼt alam na ninyo ang tungkol kay Jesus? At bilang mga mananampalataya niya, hindi baʼt naturuan na kayo ng katotohanang nasa kanya? Kaya talikuran nʼyo na ang dati ninyong pamumuhay dahil gawain ito ng dati ninyong pagkatao. Ang pagkataong ito ang siyang nagpapahamak sa inyo dahil sa masasamang hangarin na dumadaya sa inyo. Baguhin nʼyo na ang inyong pag-iisip at pag-uugali. Ipakita nʼyong binago na kayo ng Dios at binigyan ng buhay na matuwid at banal katulad ng sa Dios. Kaya huwag na kayong magsisinungaling. Ang bawat isaʼy magsabi ng katotohanan sa kanyang mga kapatid kay Cristo, dahil kabilang tayong lahat sa iisang katawan. Kung magalit man kayo, huwag kayong magkasala. At huwag nʼyong hayaan na lumipas ang araw na galit pa rin kayo. Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon si Satanas. Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw, sa halip ay maghanapbuhay siya nang marangal para makatulong din siya sa mga nangangailangan. Huwag kayong magsasalita ng masama kundi iyong makabubuti at angkop sa sitwasyon para maging kapaki-pakinabang sa nakakarinig. Pagsikapan ninyong mapanatili ang pagkakaisa nʼyo mula sa Banal na Espiritu sa pamamagitan ng mapayapa ninyong pagsasamahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 127:3

Ang mga anak ay pagpapala at gantimpalang mula sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 1:15-16

Napakaganda mo, aking giliw. Mga mata moʼy kasing pungay ng mga mata ng kalapati. Kay kisig mo, mahal ko. Napakaganda mong pagmasdan habang tayo ay nakahiga sa mga damo,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:17

Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon, at nagkaroon tayo ng kapatid upang sa kagipitan ay tumulong.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:24

At sikapin nating mahikayat ang isaʼt isa sa pagmamahalan at sa paggawa ng kabutihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 5:1

Nasa hardin ako ngayon, aking irog na magiging kabiyak ko. Nanguha ako ng mira at mga pabango. Kinain ko ang aking pulot at ininom ang aking alak at gatas. Kayong mga nagmamahalan, kumain kayo at uminom.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 27:9

Ang langis at pabango ay gaya ng tapat na payo ng isang kaibigan na nagdudulot ng kaligayahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 128:3

Ang inyong asawa ay magiging katulad ng ubasan sa inyong tahanan, na sagana sa bunga, at ang inyong mga anak na nakapaligid sa inyong hapag-kainan ay parang mga bagong tanim na olibo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:12

Ang galit ay nagpapasimula ng kaguluhan, ngunit ang pag-ibig ay nagpapatawad ng lahat ng kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 6:1

Mga anak, sundin nʼyo ang mga magulang nʼyo dahil ito ang nararapat gawin bilang mga mananampalataya sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 3:4

Hindi pa man ako nakakalayo sa kanila, nakita ko ang mahal ko. Hinawakan ko siya ng buong higpit at hindi binitiwan hanggang nadala ko siya sa bahay ng aking ina, doon sa silid kung saan ako nabuo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 13:13

Tatlong bagay ang nananatili: ang pagtitiwala, pag-asa, at pag-ibig. Ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:1-2

Tularan nʼyo ang Dios dahil kayong lahat ay minamahal niyang mga anak. Alamin ninyo kung ano ang nakalulugod sa Panginoon. Huwag kayong makibahagi sa mga walang kabuluhang gawain ng mga taong nasa kadiliman, sa halip, ipamukha nʼyo sa kanila ang kasamaan nila. (Nakakahiyang banggitin man lang ang mga bagay na ginagawa nila nang lihim.) Pero kung pagsasabihan nʼyo sila sa masasama nilang ginagawa, malalaman nilang masama nga ang kanilang mga ginagawa. Sapagkat maliliwanagan ang lahat ng naabot ng liwanag ng katotohanan. Kaya nga sinasabi, “Gumising ka, ikaw na natutulog, bumangon ka mula sa mga patay at liliwanagan ka ni Cristo.” Kaya mag-ingat kayo kung paano kayo namamuhay. Huwag kayong mamuhay tulad ng mga mangmang kundi tulad ng marurunong na nakakaalam ng kalooban ng Dios. Huwag ninyong sayangin ang panahon nʼyo; gamitin nʼyo ito sa paggawa ng mabuti, dahil maraming gumagawa ng kasamaan sa panahong ito. Huwag kayong magpakamangmang kundi alamin nʼyo kung ano ang kalooban ng Panginoon na gawin ninyo. Huwag kayong maglalasing dahil nakakasira ito ng maayos na pamumuhay. Sa halip, hayaan ninyong mapuspos kayo ng Banal na Espiritu. Sa pagtitipon nʼyo, umawit kayo ng mga salmo, himno, at ng iba pang mga awiting espiritwal. Buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon. Mamuhay kayo nang may pag-ibig sa kapwa tulad ng pag-ibig sa atin ni Cristo. Inialay niya ang sarili niya para sa atin bilang mabangong handog sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 24:5

“Kung bagong kasal ang isang lalaki, huwag ninyo siyang isasama sa labanan o bibigyan ng anumang responsibilidad sa bayan sa loob ng isang taon, para manatili muna siya sa kanyang bahay at mabigyan ng kasiyahan ang kanyang asawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:6

Ituro sa bata ang tamang pag-uugali, at hindi niya ito malilimutan hanggang sa kanyang pagtanda.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 27:17

Kung paanong pinatatalas ng bakal ang kapwa-bakal, ang tao namaʼy matututo sa kanyang kapwa-tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 9:9

Magpakasaya ka kasama ang minamahal mong asawa, sa buhay mong walang kabuluhan na ibinigay ng Dios dito sa mundo. Sapagkat para sa iyo naman iyan, para sa pagpapagal mo rito sa mundo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:10

Ang taong nagmamahal ay hindi gumagawa ng masama sa kanyang kapwa. Kaya kung nagmamahalan tayo, tinutupad natin ang buong Kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 2:3

Kung ihahambing naman sa ibang kabinataan, ang mahal koʼy tulad ng puno ng mansanas sa gitna ng mga puno roon sa kagubatan. Ako ay nanabik na maupo sa lilim niya, at tikman ang matamis niyang bunga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:7

Kaya tanggapin ninyo ang isaʼt isa gaya nang pagtanggap ni Cristo sa inyo para mapapurihan ang Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 4:12

O irog ko, aking magiging kabiyak, tulad ka ng isang halamanan na may bukal at nababakuran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 7:6

O napakaganda mo, aking sinta, umaapaw ka sa kariktan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 24:3-4

Sa pamamagitan ng karunungan, maitatayo mo at mapapaunlad ang iyong tahanan. Mapupuno rin ito ng mahahalagang kayamanan. Dumaan ako sa bukid ng taong tamad at mangmang. Puno na ito ng mga damo at matitinik na halaman, at giba na ang mga bakod nito. Nang makita ko ito, napaisip ako ng mabuti, at natutunan ko ang aral na ito: Sa kaunting pahinga, kaunting pagtulog, at paghalukipkip mo, taong tamad, ay biglang darating sa iyo ang kahirapan na para kang ninakawan ng armadong tulisan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:5

Ipakita nʼyo sa lahat ang kagandahang-loob ninyo. Malapit nang dumating ang Panginoon!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:16

Mamuhay kayo nang mapayapa sa isaʼt isa. Huwag kayong magmataas, sa halip ay makipagkaibigan kayo sa mga taong mababa ang kalagayan. Huwag kayong magmarunong.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 10:27

Sumagot ang lalaki, “Mahalin mo ang Panginoon mong Dios nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong lakas, at nang buong pag-iisip. At mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 3:16

Sinabi rin niya sa babae, “Dahil sa ginawa mo, dadagdagan ko ang paghihirap mo sa pagbubuntis at mararamdaman mo ang sobrang sakit sa iyong panganganak. Pero sa kabila niyan, hahangarin mo pa rin ang iyong asawa at maghahari siya sa iyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 2:4

Dinala niya ako sa isang handaan para ipakita sa lahat na ako ay kanyang minamahal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 16:14

At anuman ang inyong gawin, gawin ninyo nang may pag-ibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:18

Mga anak, huwag tayong magmahalan sa salita lang, kundi ipakita natin sa gawa na tunay tayong nagmamahalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:19

Kaya pagsikapan nating gawin lagi ang mga bagay na magbibigay ng kapayapaan at makakapagpatibay sa isaʼt isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:12

Wala pang tao na nakakita sa Dios. Ngunit kung nagmamahalan tayo, ang Dios ay sumasaatin at lubos na natupad ang kanyang pag-ibig sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 31:30

Ang pagiging kaakit-akit ay makapandaraya, at ang kagandahan ay kumukupas. Pero ang babaeng may takot sa Panginoon ay dapat purihin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 8:10

Akoʼy birhen nga, at ang dibdib koʼy parang mga tore. Kaya nga ang aking mahal ay lubos na nasisiyahan sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 7:32-34

Gusto ko sanang maging malaya kayo sa mga alalahanin sa mundong ito. Kung ang isang lalaki ay walang asawa, ang pinagkakaabalahan niya ay ang mga gawain ng Panginoon at kung paano siya magiging kalugod-lugod sa kanya. Ngunit ang lalaking may asawaʼy abala sa mga bagay dito sa mundo, kung paano niya mapapaligaya ang kanyang asawa. Dahil dito, hati ang kanyang isipan. Ganoon din naman sa mga babae. Kung ang isang babaeʼy walang asawa, ang pinagkakaabalahan niya ay ang paglilingkod sa Panginoon, at nais niyang ilaan ang kanyang buong buhay sa paglilingkod sa kanya. Ngunit ang babaeng may asawa ay abala sa mga bagay dito sa mundo, kung paano niya mapapaligaya ang kanyang asawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 1:27

Kaya nilikha ng Dios ang tao, lalaki at babae ayon sa wangis niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 11:3

Ngayon, gusto kong malaman ninyo na si Cristo ang ulo ng bawat lalaki, at ang lalaki ang siya namang ulo ng babae, at ang Dios naman ang ulo ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 13:11

Hanggang dito na lamang, mga kapatid, at paalam na sa inyo. Sikapin ninyo na walang makitang kapintasan sa inyo, at sundin ninyo ang mga payo ko. Magkaisa kayo at mamuhay nang payapa. Nang sa ganoon, ang Dios na pinanggagalingan ng pag-ibig at kapayapaan ay sasainyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:14

At higit sa lahat, magmahalan kayo, dahil ito ang magdudulot ng tunay na pagkakaisa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 1:16

Kay kisig mo, mahal ko. Napakaganda mong pagmasdan habang tayo ay nakahiga sa mga damo,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 4:7

O irog ko, ang lahat sa iyoʼy maganda. Walang maipipintas sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 1:28

Binasbasan niya sila at sinabi, “Magpakarami kayo para mangalat ang mga lahi ninyo at mamahala sa buong mundo. At pamahalaan ninyo ang lahat ng hayop.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:22

Mga babae, magpasakop kayo sa inyong asawa gaya nang pagpapasakop nʼyo sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:18

Mga babae, magpasakop kayo sa asawa nʼyo, dahil iyan ang nararapat gawin bilang mananampalataya sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 30:18-19

May apat na bagay na para sa akin ay kahanga-hanga at hindi ko maunawaan: Kung paano nakakalipad ang agila sa kalangitan, kung paano nakakagapang ang ahas sa batuhan, kung paano nakapaglalayag ang barko sa karagatan, at ang pamamaraan ng lalaki sa babae.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 24:67

Pagkatapos, dinala ni Isaac si Rebeka sa toldang tinitirhan noon ng kanyang inang si Sara. Naging asawa niya si Rebeka at mahal na mahal niya ito. Kaya naibsan ang kalungkutan ni Isaac na dulot ng pagkamatay ng kanyang ina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:6

Hindi na sila dalawa kundi isa na lang. Kaya hindi dapat paghiwalayin ng tao ang pinagsama ng Dios.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:1

Ang marunong na babae ay pinatatatag ang kanyang sambahayan, ngunit ang hangal na babae ay sinisira ang kanyang sariling tahanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:10

Magmahalan kayo bilang magkakapatid kay Cristo at maging magalang sa isaʼt isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:3-4

Kung gusto ninyong maging maganda, huwag sa panlabas lang tulad ng pag-aayos nʼyo ng buhok na nilalagyan ng mamahaling alahas, at pagsusuot ng mamahaling damit. Sa halip, pagandahin ninyo ang inyong kalooban, ang mabuting pag-uugali na hindi nagbabago. Maging mahinhin kayo at maging mabait. Ito ang mahalaga sa paningin ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 31:28-29

Pinupuri siya ng kanyang mga anak, at pinupuri rin ng kanyang kabiyak na nagsasabi, “Maraming babae na mabuting asawa, ngunit ikaw ang pinakamabuti sa kanilang lahat.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 7:39

Ang babaeʼy nakatali sa kanyang asawa habang nabubuhay pa ito. Ngunit kung patay na ang kanyang asawa, maaari na siyang mag-asawa uli, pero dapat sa isang mananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 7:4

Sapagkat ang lalaki ay may karapatan sa katawan ng kanyang asawa. At ganoon din naman, ang babae sa kanyang asawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:4

Ang mabuting maybahay ay kasiyahan at karangalan ng kanyang asawa, ngunit parang kanser sa buto ang nakakahiyang asawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 2:16

Akin lang ang mahal ko, at ako naman ay kanya lang. Nagpapastol siya sa gitna ng mga liryo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:14

Bahay at kayamanan sa magulang ay namamana, ngunit ang Panginoon lang ang nagbibigay ng matalinong asawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 4:9

O irog ko na aking magiging kabiyak, sa isang sulyap mo lamang at sa pang-akit ng iyong kwintas na napapalamutian ng iisang bato ay nabihag mo na ang aking puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:1

Kayong mga babae, magpasakop kayo sa asawa ninyo, upang kung ang asawa ninyoʼy hindi pa naniniwala sa salita ng Dios, maaaring madala nʼyo sila sa Panginoon sa pamamagitan ng mabuti ninyong pag-uugali kahit na hindi kayo magsalita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 5:18-19

Maging maligaya ka sa iyong asawa, na napangasawa mo noong iyong kabataan. Maganda siya at kaakit-akit gaya ng usa. Sana ay lagi kang lumigaya sa kanyang dibdib at maakit sa kanyang pag-ibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 1:2

Paliguan mo ako ng iyong mga halik. Pagkat mas matamis pa kaysa katas ng ubas ang iyong pag-ibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:32

Sa halip, maging mabait kayo at maawain sa isaʼt isa. At magpatawad kayo sa isaʼt isa gaya ng pagpapatawad ng Dios sa inyo dahil kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 29:20

Kaya naglingkod si Jacob kay Laban ng pitong taon para mapangasawa niya si Raquel. Dahil sa pagmamahal niya kay Raquel, parang ilang araw lang sa kanya ang pitong taon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 7:5

Kaya huwag ninyong ipagkait ang pagsiping sa inyong asawa, maliban na lamang kung napagkasunduan ninyong ipagpaliban ito, upang mailaan ninyo ang inyong mga sarili sa pananalangin. Ngunit pagkalipas ng inyong pinagkasunduan, magsiping na uli kayo dahil baka hindi na kayo makapagpigil at matukso kayo ni Satanas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 6:3

Akoʼy sa aking mahal, at ang mahal ko naman ay sa akin lang. Nagpapastol siya sa gitna ng mga liryo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 31:25

Malakas at iginagalang siya, at hindi siya nangangamba para sa kinabukasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 7:10

Ngayon, sa inyong mga may asawa, may utos ako na sinabi mismo ng Panginoon: Hindi dapat hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa, at ganoon din naman ang babae sa kanyang asawa. Ngunit kung hihiwalay ang babae sa kanyang asawa, dapat manatili siyang walang asawa o di kayaʼy bumalik na lang sa kanyang asawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:2

Sapagkat nakikita nilang may takot kayo sa Dios at malinis ang pamumuhay ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 8:6

Iukit mo ang pangalan ko sa puso mo para patunayan na ako lamang ang mahal mo. At ako lamang ang yayakapin ng mga bisig mo. Makapangyarihan ang pag-ibig gaya ng kamatayan; maging ang pagnanasa ay hindi mapipigilan. Ang pag-ibig ay parang lumiliyab at lumalagablab na apoy.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 5:15

Dapat sa asawa mo lang ikaw sumiping. Kung baga sa tubig, doon ka lang sa sarili mong balon kumuha ng iyong iinumin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 5:8

Ang sinumang hindi kumakalinga sa sariling kamag-anak, lalo na sa sariling pamilya ay tumatalikod sa pananampalataya at masahol pa sa mga hindi mananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:3

Huwag kayong gumawa ng anumang bagay dahil sa makasariling hangarin o sa paghahangad na maitaas ang sarili. Sa halip, magpakumbaba kayo sa isaʼt isa at ituring na mas mabuti ang iba kaysa sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 22:39

At ang ikalawang pinakamahalagang utos ay katulad din nito: ‘Mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 7:10

Ako ay sa kanya lang, at ako lamang ang kanyang inaasam.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:11

Dahil dito, patuloy ninyong pasiglahin at patatagin ang isaʼt isa, katulad nga ng ginagawa ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 5:16

Kay tamis halikan ang kanyang bibig. Tunay ngang siyaʼy kaakit-akit. O mga babae ng Jerusalem, siya ang aking mahal, ang aking iniibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Malakias 2:14

Itinatanong ninyo kung bakit? Sapagkat saksi ang Panginoon na nagtaksil kayo sa asawa na inyong pinakasalan noong inyong kabataan. Sinira ninyo ang inyong kasunduan na magiging tapat kayo sa isaʼt isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 27:15-16

Ang asawang bungangera ay parang tumutulong bubungan sa panahon ng tag-ulan. Hindi siya mapatigil, tulad ng hanging hindi mapigilan o kaya ng langis na hindi mahawakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 2:18

Pagkatapos, sinabi ng Panginoong Dios, “Hindi mabuting mabuhay ang tao nang nag-iisa lang, kaya igagawa ko siya ng kasama na tutulong sa kanya at nararapat sa kanya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:31

Gawin ninyo sa inyong kapwa ang gusto ninyong gawin nila sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 4:10

Ang pag-ibig mo aking irog ay walang kasingtamis. O aking magiging kabiyak, higit pa ito kaysa sa masarap na inumin. Ang samyo ng iyong pabangoʼy mas mabango kaysa sa lahat ng pabango.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Awit ng mga Awit 8:7

Kahit laksa-laksang tubig, hindi ito mapipigilan. Sinumang magtangkang bilhin ito kahit ng lahat niyang yaman ay baka malagay lamang sa kahihiyan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Dakilang Diyos, tapat at totoo! Pinupuri ka namin dahil Ikaw ang makatarungan, banal, at karapat-dapat sa lahat ng papuri at pagsamba. Sa ngalan ni Hesus, dumadalangin kami sa Iyo, O Diyos, Ikaw na siyang bumabago at umaakay sa amin mula sa isang kaluwalhatian patungo sa isa pa, upang kami ay maging mabuting halimbawa at patotoo sa ibang mga mag-asawa na nagsisimula ng kanilang buhay may-asawa, at maging tagapagdala ng Iyong kaluwalhatian. Panginoon, hinihiling namin na bigyan Mo ng kakayahan ang mga asawang lalaki na pamunuan ang kanilang tahanan nang may karunungan mula sa langit, na tinuturuan ang kanilang pamilya sa Iyong salita at sa patnubay ng Iyong Banal na Espiritu. Ama, nilikha Mo ang mga kababaihan na may layunin, binigyan Mo sila ng kapangyarihan at awtoridad laban sa kadiliman. Panginoon, nawa'y araw-araw nilang talikuran ang lahat ng gawa ng laman, alitan, at kahangalan. Alam ko, aking Diyos, na Ikaw ay kumikilos sa mga pamilya, nawa'y ang mga mag-asawa ay hindi malinlang ng mga mapanghikayat na salita ng sinuman na mag-udyok sa kanila sa masamang landas o subukang tuksuhin sila. Sabi ng Iyong salita: "Walang takot sa pag-ibig, kundi ang ganap na pag-ibig ay nagtataboy ng takot, sapagkat ang takot ay may kaparusahan; at ang natatakot ay hindi pa nagiging ganap sa pag-ibig." Panginoon, hinihiling namin na pigilan Mo ang mga bibig ng mga nais humarang sa pamamagitan ng masasamang payo, paggamit ng okultismo, o sa pamamagitan ng mga maling aral o salita laban sa pamilyang Iyong itinatag. Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas