Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Awit 128:3 - Ang Salita ng Dios

3 Ang inyong asawa ay magiging katulad ng ubasan sa inyong tahanan, na sagana sa bunga, at ang inyong mga anak na nakapaligid sa inyong hapag-kainan ay parang mga bagong tanim na olibo.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

3 Ang asawa mo'y magiging parang mabungang puno ng ubas, sa mga pinakaloob ng iyong bahay: ang mga anak mo'y parang mga puno ng olibo, sa palibot ng iyong dulang.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

3 Ang asawa mo'y magiging gaya ng mabungang puno ng ubas sa loob ng iyong tahanan; ang mga anak mo'y magiging gaya ng mga puno ng olibo sa palibot ng iyong hapag-kainan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

3 Ang asawa mo'y magiging parang mabungang puno ng ubas, Sa mga pinaka-loob ng iyong bahay: Ang mga anak mo'y parang mga puno ng olibo, Sa palibot ng iyong dulang.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

3 Sa tahanan, ang asawa'y parang ubas na mabunga, at bagong tanim na olibo sa may hapag ang anak niya.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

3 Sa tahanan, ang asawa'y parang ubas na mabunga, at bagong tanim na olibo sa may hapag ang anak niya.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

3 Sa tahanan, ang asawa'y parang ubas na mabunga, at bagong tanim na olibo sa may hapag ang anak niya.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Awit 128:3
11 Mga Krus na Reperensya  

“Ikaw Jose, katulad ka ng mailap na asno sa tabi ng bukal o sa tabi ng bangin.


Matatapang ang anak ni Ulam at mahuhusay silang pumana. Marami silang anak at apo – 150 lahat. Silang lahat ang lahi ni Benjamin.


Ang mga anak ay pagpapala at gantimpalang mula sa Panginoon.


Mapalad ang taong may maraming anak, dahil may tutulong sa kanya kapag humarap siya sa kanyang mga kaaway sa hukuman.


Sana habang bata pa ang aming mga anak na lalaki ay maging katulad sila ng tanim na tumutubong matibay, at sana ang aming mga anak na babae ay maging tulad ng naggagandahang haligi ng palasyo.


Ngunit ako ay tulad ng punong olibo na yumayabong sa loob ng inyong templo. Nagtitiwala ako sa inyong pag-ibig magpakailanman.


Noong una ay inihambing sila ng Panginoon sa isang malagong puno ng olibo na maraming bunga. Pero sa biglang pagdaan ng naglalagablab na apoy ay mawawasak sila na parang sinunog na mga sanga at hindi na mapapakinabangan pa.


“Ang iyong ina ay tulad ng isang ubas na itinanim sa tabi ng tubig. Nagkaroon ito ng maraming sanga at bunga dahil sagana sa tubig.


Sapagkat kung kayong mga sanga ng olibong ligaw ay naidugtong niya sa olibong inalagaan kahit na hindi ito kadalasang ginagawa, mas madaling idugtong muli ng Dios ang mga sangang pinutol mula sa dating puno.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas