Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Awit 128:2 - Ang Salita ng Dios

2 Ang inyong pinaghirapan ay magiging sapat sa inyong pangangailangan, at kayoʼy magiging maunlad at maligaya.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

2 Sapagka't iyong kakanin ang gawa ng iyong mga kamay: magiging maginhawa ka, at ikabubuti mo.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

2 Kakainin mo ang bunga ng paggawa ng iyong mga kamay; ikaw ay magiging masaya at ito'y magiging mabuti sa iyo.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

2 Sapagka't iyong kakanin ang gawa ng iyong mga kamay: Magiging maginhawa ka, at ikabubuti mo.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

2 Kakainin niya ang bunga ng kanyang pinaghirapan, ang taong ito'y maligaya't maunlad ang pamumuhay.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

2 Kakainin niya ang bunga ng kanyang pinaghirapan, ang taong ito'y maligaya't maunlad ang pamumuhay.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

2 Kakainin niya ang bunga ng kanyang pinaghirapan, ang taong ito'y maligaya't maunlad ang pamumuhay.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Awit 128:2
18 Mga Krus na Reperensya  

Kinakailangang magpakahirap ka nang husto para makakain, hanggang sa bumalik ka sa lupa na iyong pinagmulan. Dahil sa lupa ka nagmula, sa lupa ka rin babalik.”


Ang katulad niyaʼy isang punongkahoy na itinanim sa tabi ng sapa, na namumunga sa takdang panahon at hindi nalalanta ang mga dahon. Magtatagumpay siya sa anumang kanyang ginagawa.


Kunin sana ng kanyang pinagkakautangan ang kanyang mga ari-arian, at agawin ng mga dayuhan ang kanyang pinaghirapan.


Kahit ang isang taoʼy magkasala ng isandaang beses at mabuhay pa nang matagal, alam kong mas mabuti pa rin ang kahihinatnan ng taong may takot sa Dios.


Sabihin ninyo sa mga matuwid na mapalad sila, dahil aanihin nila ang bunga ng mabubuti nilang gawa.


Nangako ang Panginoon na gagawin niya ito sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. Sinabi niya, “Hindi ko na ipapakain ang inyong mga trigo sa inyong mga dayuhang kaaway. Hindi na rin nila maiinom ang mga bagong katas ng ubas na inyong pinaghirapan.


Kaya ako, ang Panginoong Dios ay nagsasabing, ang aking mga lingkod ay kakain at iinom, pero kayoʼy magugutom at mauuhaw. Matutuwa sila, pero kayoʼy mapapahiya.


Akala mo ba magiging dakila kang hari kung magtatayo ka ng palasyong gawa sa sedro? Bakit ayaw mong sundin ang iyong ama? Matuwid at makatarungan ang mga ginawa niya; kaya namuhay siya nang maunlad at payapa ang kalagayan.


Kaya nga, mga minamahal na kapatid, magpakatatag kayo at huwag manghina sa inyong pananampalataya. Magpakasipag kayo sa gawaing ibinigay sa inyo ng Panginoon, dahil alam ninyo na hindi masasayang ang mga paghihirap ninyo para sa kanya.


At ito ang pangako, “Giginhawa ka at hahaba ang buhay mo rito sa lupa.”


Pagpapalain kayo ng Panginoon doon sa lupaing ipinangako niya sa inyong mga ninuno na ibibigay sa inyo. Pararamihin niya ang inyong mga anak, mga hayop at ang inyong ani.


Magtatanim kayo ng ubas at aalagaan ninyo ito, pero hindi kayo makakapamitas ng bunga nito o makakainom ng katas mula rito, dahil kakainin ito ng mga uod.


Pagpapalain niya kayo ng maraming anak, masaganang ani at maraming hayop.


Kakainin nila ang mga hayop at mga ani ninyo hanggang sa mamatay kayo. Wala silang ititirang trigo, bagong katas ng ubas, langis o hayop hanggang sa malipol kayo.


Pagpapalain ng Panginoon na inyong Dios ang lahat ng ginagawa ninyo at pupunuin niya ng ani ang mga bodega ninyo. Pagpapalain niya kayo sa lupaing ibinibigay niya sa inyo.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas