Nakatira ang Diyos natin sa gitna ng papuri ng Kanyang bayan. Araw-araw, may dahilan tayo para magpuri at sumamba sa Kanya. Natutuwa Siya sa papuring mula sa puso mo, 'yung totoong pagsamba na may pusong puno ng pasasalamat.
Kapag nagpupuri tayo, may mga himalang nangyayari sa buhay natin. Sa papuri, mayroong kagalingan, mayroong kalayaan. Ang Diyos Ama natin sa Langit, ang daming ginawa Niyang kabutihan sa buhay mo simula pa noong nilikha ka Niya. Lagi Siyang tapat at binabantayan ka Niya. Kaya purihin mo Siya dahil Siya ay mabuti at ang Kanyang pag-ibig ay bago bawat umaga.
“Mapuno nawa ang aking bibig ng iyong pagpuri, ng iyong kaluwalhatian buong araw.” (Mga Awit 71:8). Pupunuin ng Diyos ang bibig mo ng papuri, sabi nga sa Kanyang salita. Magpasalamat ka lang sa lahat ng kabutihan Niya at ibubuhos Niya sa'yo ang papuring mula sa puso mo.
“Kaya't aawitan kita ng papuri, O aking Diyos, at hindi ako tatahimik. Panginoong DIYOS ko, magpakailanman akong magpapasalamat sa iyo.” (Mga Awit 30:12)
Ngunit ako ay aawit tungkol sa inyong kapangyarihan. Tuwing umaga aawit ako nang may kagalakan tungkol sa inyong pag-ibig. Sapagkat kayo ang aking kanlungan sa oras ng kagipitan.
Ang inyong pag-ibig ay mahalaga pa kaysa sa buhay, kaya pupurihin ko kayo. Pasasalamatan ko kayo habang akoʼy nabubuhay. Itataas ko ang aking mga kamay sa paglapit sa inyo.
Halikayo, magsiawit tayo nang may kagalakan! Sumigaw tayo sa pagpupuri sa Panginoon na ating Bato na kanlungan at tagapagligtas. Sa loob ng 40 taon, lubha akong nagalit sa kanila. At sinabi kong silaʼy mga taong naligaw ng landas at hindi sumusunod sa aking mga itinuturo. Kaya sa galit ko, isinumpa kong hindi nila makakamtan ang kapahingahang galing sa akin.” Lumapit tayo sa kanya nang may pasasalamat, at masaya nating isigaw ang mga awit ng papuri sa kanya.
Itanim ninyong mabuti sa mga puso nʼyo ang mga aral ni Cristo. Paalalahanan at turuan nʼyo ang isaʼt isa ayon sa karunungang kaloob ng Dios. Umawit kayo ng mga salmo, himno, at iba pang mga awiting espiritwal na may pasasalamat sa Dios sa mga puso ninyo.
Kayong mga tao sa buong mundo, sumigaw kayo nang may kagalakan sa Panginoon! Paglingkuran ninyo nang may kagalakan ang Panginoon. Lumapit kayo sa kanya na umaawit sa tuwa.
Nang maghahatinggabi na, nananalangin sina Pablo at Silas at umaawit ng mga papuri sa Dios. Nakikinig naman sa kanila ang ibang mga bilanggo.
Awitan ninyo ang Dios, awitan ninyo siya ng mga papuri. Purihin nʼyo siya, na siyang may hawak sa mga ulap. Ang kanyang pangalan ay Panginoon. Magalak kayo sa kanyang harapan! Ang Dios na tumatahan sa kanyang banal na templo ang nangangalaga sa mga ulila at tagapagtanggol ng mga biyuda.
Umawit tayo ng bagong awit sa Panginoon, dahil gumawa siya ng mga kahanga-hangang bagay! Sa kanyang kapangyarihan at kalakasaʼy tinalo niya ang ating mga kaaway. Ipinakita ng Panginoon sa mga bansa ang kanyang pagliligtas at pagiging makatuwiran.
Magpapakasaya ako dahil sa inyo, Kataas-taasang Dios. Aawit ako ng mga papuri para sa inyo.
Panginoon, naniniwala po ako na mahal nʼyo ako. At ako ay nagagalak dahil iniligtas nʼyo ako. Panginoon, aawitan kita dahil napakabuti nʼyo sa akin mula pa noon.
Sa pagtitipon nʼyo, umawit kayo ng mga salmo, himno, at ng iba pang mga awiting espiritwal. Buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon.
Dahil akoʼy iniligtas nʼyo, sisigaw ako sa tuwa habang tumutugtog at umaawit ng papuri sa inyo.
Panginoon, pupurihin kita sa gitna ng mga bansa. Akoʼy aawit para sa inyo sa gitna ng inyong mga mamamayan.
Purihin ang Panginoon! Napakabuting umawit ng pagpupuri sa ating Dios. Napakabuti at nararapat lang na siya ay purihin.
Aawit ako sa Panginoon habang nabubuhay. Aawit ako ng papuri sa aking Dios habang may hininga.
Purihin ang Panginoon! Umawit kayo ng bagong awit sa Panginoon. Purihin nʼyo siya sa pagtitipon ng kanyang tapat na mga mamamayan.
Umawit kayo sa Panginoon dahil kahanga-hanga ang kanyang mga ginawa. Ipahayag nʼyo ito sa buong mundo.
Tinuruan niya ako ng bagong awit, ang awit ng pagpupuri sa ating Dios. Marami ang makakasaksi at matatakot sa Dios, at silaʼy magtitiwala sa kanya.
Kayong mga matuwid, sumigaw kayo sa galak, dahil sa ginawa ng Panginoon! Kayong namumuhay ng tama, nararapat ninyo siyang purihin! Sinisira ng Panginoon ang mga plano ng mga bansang hindi kumikilala sa kanya. Sinasalungat niya ang kanilang binabalak. Ngunit ang mga plano ng Panginoon ay mananatili magpakailanman, at ang kanyang mga balak, sa saliʼt saling lahi ay matutupad. Mapalad ang bansa na ang Dios ay ang Panginoon. At mapalad ang mga taong pinili niya na maging kanya. Mula sa langit ay minamasdan ng Panginoon ang lahat ng tao. Mula sa kanyang luklukan, tinitingnan niya ang lahat ng narito sa mundo. Siya ang nagbigay ng puso sa mga tao, at nauunawaan niya ang lahat ng kanilang ginagawa. Hindi nananalo ang isang hari dahil sa dami ng kanyang kawal, at hindi naman naililigtas ang kawal gamit ang kanyang lakas. Ang mga kabayo ay hindi maaasahan na maipanalo ang digmaan; hindi sila makapagliligtas sa kabila ng kanilang kalakasan. Ngunit binabantayan ng Panginoon ang mga may takot sa kanya, sila na nagtitiwala sa kanyang pag-ibig. Silaʼy inililigtas niya sa kamatayan, at sa panahon ng taggutom, silaʼy kanyang inaalalayan. Pasalamatan ninyo ang Panginoon sa pamamagitan ng mga alpa at mga instrumentong may mga kwerdas. Tayoʼy naghihintay nang may pagtitiwala sa Panginoon. Siya ang tumutulong at sa atin ay nagtatanggol. Nagagalak tayo, dahil tayoʼy nagtitiwala sa kanyang banal na pangalan. Panginoon, sumaamin nawa ang inyong matapat na pag-ibig. Ang aming pag-asa ay nasa inyo. Awitan ninyo siya ng bagong awit. Tugtugan ninyo siya ng buong husay, at sumigaw kayo sa tuwa.
Umawit kayo ng bagong awit sa Panginoon! Umawit kayo ng mga papuri sa kanya, kayong lahat na nasa mundo. Purihin ninyo siya, kayong mga naglalayag, kayong lahat ng mga nilikha sa dagat at kayong mga nakatira sa malalayong lugar.
Panginoon, ang inyong pag-ibig at katapatan ay umaabot hanggang sa kalangitan. Ang inyong katuwiran ay kasintatag ng kabundukan. Ang inyong paraan ng paghatol ay sinlalim ng karagatan. Ang mga tao o hayop man ay inyong iniingatan, O Panginoon.
Kayong mga tao sa buong mundo, umawit kayo ng mga bagong awit sa Panginoon! Sabihin ninyo sa mga bansa, “Naghahari ang Panginoon!” Matatag ang daigdig na kanyang nilikha at hindi ito matitinag. Hahatulan niya ang mga tao ng walang kinikilingan. Magalak ang kalangitan at mundo, pati ang mga karagatan, bukirin at ang lahat ng nasa kanila. Lahat ng mga puno sa gubat ay umawit sa tuwa sa presensya ng Panginoon. Dahil tiyak na darating siya upang hatulan ang mga tao sa mundo batay sa kanyang katuwiran at katotohanan. Awitan ninyo ang Panginoon at purihin ang kanyang pangalan. Ipahayag ninyo sa bawat araw ang tungkol sa pagligtas niya sa atin.
Panginoon, kayoʼy makapangyarihan at karapat-dapat na purihin. Ang inyong kadakilaan ay hindi kayang unawain. Ang bawat salinlahi ay magsasabi sa susunod na salinlahi ng tungkol sa inyong makapangyarihang gawa. Pagbubulay-bulayan ko ang inyong kadakilaan at kapangyarihan, at ang inyong kahanga-hangang mga gawa.
Ngunit magalak nawa ang lahat ng nanganganlong sa inyo; magsiawit nawa sila sa kagalakan. Ingatan nʼyo silang mga nagmamahal sa inyo, upang sa inyo magmula ang kanilang kagalakan.
Umawit kayo ng mga papuri sa Panginoon, kayong mga tapat sa kanya. Papurihan ninyo ang kanyang banal na pangalan.
Ang Panginoon ang aking kalakasan at siya ang aking awit. Siya ang nagligtas sa akin.
Kayong mga tao sa buong mundo, umawit kayo sa Panginoon. Ipahayag ninyo sa bawat araw ang tungkol sa pagliligtas niya sa atin. Ipahayag ninyo sa lahat ng tao sa mga bansa ang kanyang kapangyarihan at kahanga-hangang mga gawa. Dahil dakila ang Panginoon at karapat-dapat papurihan. Dapat siyang katakutan ng higit kaysa sa lahat ng mga dios,
Awitan ninyo ang Dios, awitan ninyo siya ng mga papuri. Purihin nʼyo siya, na siyang may hawak sa mga ulap. Ang kanyang pangalan ay Panginoon. Magalak kayo sa kanyang harapan!
Umawit kayo nang may galak sa Dios na nagbibigay sa atin ng kalakasan. Sumigaw kayo nang may tuwa sa Dios ni Jacob! Ako ang Panginoon na inyong Dios. Ako ang naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto. Humingi kayo sa akin at ibibigay ko sa inyo ang mga pangangailangan ninyo. Ngunit kayong mga Israelita na aking mga mamamayan, hindi kayo nakinig at sumunod sa akin. Kaya hinayaan ko kayo sa katigasan ng inyong ulo at ginawa ninyo ang inyong gusto. Kung nakinig lang sana kayo sa akin at sumunod sa aking mga pamamaraan, kaagad ko sanang nilupig at pinarusahan ang inyong mga kaaway. Ang mga napopoot sa akin ay yuyukod sa takot. Ang kaparusahan nila ay walang katapusan. Ngunit kayo na aking mga mamamayan, pakakainin ko kayo ng pinakamainam na bunga ng trigo at pulot hanggang sa mabusog kayo.” Umawit kayo at tugtugin ang tamburin kasabay ng magandang tunog ng alpa at lira.
Halikayo, magsiawit tayo nang may kagalakan! Sumigaw tayo sa pagpupuri sa Panginoon na ating Bato na kanlungan at tagapagligtas.
Magpasalamat kayo sa Panginoon, dahil siyaʼy mabuti. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.
Ang sinumang nananahan sa piling ng Kataas-taasang Dios na Makapangyarihan ay kakalingain niya.
Umawit tayo ng bagong awit sa Panginoon, dahil gumawa siya ng mga kahanga-hangang bagay! Sa kanyang kapangyarihan at kalakasaʼy tinalo niya ang ating mga kaaway.
Umawit kayo sa Panginoon dahil kahanga-hanga ang kanyang mga ginawa. Ipahayag nʼyo ito sa buong mundo. Sumigaw kayo at umawit sa galak, kayong mga taga-Zion. Sapagkat makapangyarihan ang Banal na Dios ng Israel na nasa piling ninyo.”
Kayong mga tao sa buong mundo, isigaw ninyo ang inyong papuri sa Dios nang may kagalakan. O Dios, tunay ngang binigyan nʼyo kami ng pagsubok, na tulad ng apoy na nagpapadalisay sa pilak. Hinayaan nʼyo kaming mahuli sa bitag at pinagpasan nʼyo kami ng mabigat na dalahin. Pinabayaan nʼyo ang aming mga kaaway na tapakan kami sa ulo; parang dumaan kami sa apoy at lumusong sa baha. Ngunit dinala nʼyo kami sa lugar ng kasaganaan. Mag-aalay ako sa inyong templo ng mga handog na sinusunog upang tuparin ko ang aking mga ipinangako sa inyo, mga pangakong sinabi ko noong akoʼy nasa gitna ng kaguluhan. Mag-aalay ako sa inyo ng matatabang hayop bilang handog na sinusunog, katulad ng mga tupa, toro at mga kambing. Halikayo at makinig, kayong lahat na may takot sa Dios. Sasabihin ko sa inyo ang mga ginawa niya sa akin. Humingi ako sa kanya ng tulong habang nagpupuri. Kung hindi ko ipinahayag sa Panginoon ang aking mga kasalanan, hindi niya sana ako pakikinggan. Ngunit tunay na pinakinggan ako ng Dios at ang dalangin koʼy kanyang sinagot. Umawit kayo ng mga papuri para sa kanya. Parangalan ninyo siya sa pamamagitan ng inyong mga awit.
Sisigaw sa tuwa ang gibang Jerusalem dahil aaliwin at palalakasin na ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan. Ililigtas niya ang Jerusalem!
Pasalamatan nʼyo ang Panginoon. Sambahin nʼyo siya! Ihayag sa mga tao ang kanyang mga ginawa. Ipinagpatuloy niya ang kasunduang ito kay Jacob, at magpapatuloy ito magpakailanman. Sinabi niya sa bawat isa sa kanila, “Ibibigay ko sa iyo ang lupain ng Canaan bilang pamana ko sa iyo at sa iyong mga angkan.” Noon ay iilan pa lang ang mga mamamayan ng Dios, at mga dayuhan pa lang sila sa lupain ng Canaan. Nagpalipat-lipat sila sa mga bansa at mga kaharian. Ngunit hindi pinahintulutan ng Dios na apihin sila. Para maproteksyunan sila, sinaway niya ang mga hari na kumakalaban sa kanila. Sinabi niya, “Huwag ninyong galawin ang hinirang kong mga lingkod, huwag ninyong saktan ang aking mga propeta.” Nagpadala ang Dios ng taggutom sa lupain ng Canaan. Kinuha niyang lahat ang kanilang pagkain. Ngunit pinauna na niya si Jose sa Egipto upang silaʼy tulungan. Ipinagbili siya roon upang maging alipin. Kinadenahan ang kanyang mga paa at nilagyan ng bakal ang kanyang leeg, hanggang sa nangyari ang kanyang propesiya. Ang mga sinabi ng Panginoon na naganap sa kanya ay nagpatunay na siyaʼy matuwid. Awitan nʼyo siya ng mga papuri; ihayag ang lahat ng kamangha-mangha niyang mga gawa.
At sinabi pa, “Kayong lahat na mga hindi Judio, purihin ninyo ang Panginoon. Kayong lahat, purihin siya.”
Pinasasalamatan ko kayo Panginoon, dahil matuwid kayo. Aawitan ko kayo ng mga papuri, Kataas-taasang Dios.
Ang lahat ng bansa na ginawa nʼyo ay lalapit at sasamba sa inyo. Pupurihin nila ang inyong pangalan,
Panginoon, buong puso kitang pasasalamatan. Ikukuwento ko ang lahat ng inyong ginawang kahanga-hanga.
Gigising ako ng maaga at ihahanda ko ang aking sarili at ang aking instrumentong may mga kwerdas para magpuri sa inyo. Panginoon, pupurihin ko kayo sa gitna ng mga mamamayan. At sa gitna ng mga bansa, ikaw ay aking aawitan.
Ngunit ako ay aawit tungkol sa inyong kapangyarihan. Tuwing umaga aawit ako nang may kagalakan tungkol sa inyong pag-ibig. Sapagkat kayo ang aking kanlungan sa oras ng kagipitan. O Dios, kayo ang aking kalakasan. Aawit ako ng mga papuri sa inyo, dahil kayo ang aking kanlungan at Dios na sa akin ay nagmamahal.
Panginoon, aawit ako ng tungkol sa inyong pag-ibig at katarungan. Aawit ako ng mga papuri sa inyo.
Sanaʼy maging kalugod-lugod sa inyo Panginoon ang aking iniisip at sinasabi. Kayo ang aking Bato na kanlungan at Tagapagligtas!
Kayo ang nagpapalakas at nag-iingat sa akin. Nagtitiwala ako sa inyo nang buong puso. Tinutulungan nʼyo ako, kaya nagagalak ako at umaawit ng pasasalamat.
Kataas-taasang Dios na Panginoon namin, napakabuting magpasalamat at umawit ng papuri sa inyo. Pinalakas nʼyo ako na tulad ng lakas ng lakas ng toro at binigyan nʼyo rin ako ng kagalakan. Nasaksihan ko ang pagkatalo ng aking mga kaaway, at narinig ko ang pagdaing ng masasamang kumakalaban sa akin. Uunlad ang buhay ng mga matuwid gaya ng mga palma, at tatatag na parang puno ng sedro na tumutubo sa Lebanon. Para silang mga punong itinanim sa templo ng Panginoon na ating Dios, lumalago at namumunga kahit matanda na, berdeng-berde ang mga dahon at nananatiling matatag. Ipinapakita lamang nito na ang Panginoon, ang aking Bato na kanlungan ay matuwid. Sa kanyaʼy walang anumang kalikuan na matatagpuan. Nakalulugod na ipahayag ang inyong pag-ibig at katapatan araw at gabi,
Sinugo rin si Cristo para ipakita ang awa ng Dios sa mga hindi Judio, nang sa ganoon ay papurihan din nila ang Dios. Ayon nga sa Kasulatan, “Pasasalamatan kita sa piling ng mga hindi Judio, at aawit ako ng mga papuri sa iyo.”
Kahit mga bata at sanggol ay nagpupuri sa inyo, kaya napapahiya at tumatahimik ang inyong mga kaaway.
Panginoon, magpapasalamat ako sa inyo nang buong puso. Aawit ako ng mga papuri sa inyo sa harap ng mga dios. Luluhod ako na nakaharap sa inyong templo at magpupuri sa inyo dahil sa inyong pag-ibig at katapatan. Dahil ipinakita nʼyo na kayo at ang inyong mga salita ay dakila sa lahat.
Magpuri sila sa kanya sa pamamagitan ng pagsasayaw; at tumugtog sila ng tamburin at alpa sa pagpupuri sa kanya.
hindi naninirang puri, at hindi nagsasalita at gumagawa ng masama laban sa kanyang kapwa.
Pasasalamatan kayo, Panginoon, ng lahat ng inyong nilikha; pupurihin kayo ng inyong mga tapat na mamamayan. Ipamamalita nila ang inyong kapangyarihan at ang kadakilaan ng inyong paghahari, upang malaman ng lahat ang inyong dakilang mga gawa at ang kadakilaan ng inyong paghahari.
Bakit nga ba ako nalulungkot at nababagabag? Dapat magtiwala ako sa inyo. Pupurihin ko kayong muli, aking Dios at Tagapagligtas!
Gustong-gusto kong pumunta roon! Nananabik akong pumasok sa inyong templo, Panginoon. Ang buong katauhan koʼy aawit nang may kagalakan sa inyo, O Dios na buhay.
Pumasok kayo sa kanyang templo nang may pagpapasalamat at pagpupuri. Magpasalamat kayo at magpuri sa kanya.
Ang Dios ang ating kanlungan at kalakasan. Siyaʼy laging nakahandang sumaklolo sa oras ng kagipitan. Sinasabi niya, “Tumigil kayo at kilalanin ninyo na ako ang Dios. Akoʼy pararangalan sa mga bansa. Akoʼy papupurihan sa buong mundo.” Kasama natin ang Panginoong Makapangyarihan. Ang Dios ni Jacob ang ating kanlungan. Kaya huwag tayong matatakot kahit lumindol man, at gumuho ang mga bundok at bumagsak sa karagatan. Humampas man at umugong ang mga alon na naglalakihan, at mayanig ang kabundukan.
Purihin ninyo ang Panginoon na inyong Dios, kayong mga naninirahan sa Zion, ang bayan ng Jerusalem! Dahil pinatitibay niya ang pintuan ng inyong bayan, at kayoʼy kanyang pinagpapala.
Pumili si David at ang mga kumander ng mga sundalo mula sa mga anak ni Asaf, Heman at Jedutun para ipahayag ang mensahe ng Dios na tinutugtugan ng mga alpa, lira at pompyang. Ito ang talaan ng mga pangalan nila at gawain:
Pasalamatan ang Panginoon, dahil siyaʼy mabuti; ang kanyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan. Napaligiran ako ng maraming bansang kaaway ko, ngunit sa kapangyarihan ng Panginoon silaʼy tinalo ko. Totoong pinaligiran nila ako, ngunit sa kapangyarihan ng Panginoon silaʼy tinalo ko. Sinalakay nila ako na parang mga pukyutan, ngunit silaʼy napatigil agad na parang sinusunog na dayami na madali lang mapawi ng apoy. Dahil sa kapangyarihan ng Panginoon, silaʼy tinalo ko. Puspusan nila akong sinalakay, at halos magtagumpay na sila, ngunit tinulungan ako ng Panginoon. Ang Panginoon ang aking kalakasan at siya ang aking awit. Siya ang nagligtas sa akin. Naririnig ang masayang sigawan ng mga mamamayan ng Dios sa kanilang mga tolda dahil sa kanilang tagumpay. Ang Panginoon ang nagbigay sa kanila ng tagumpay sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan! Ang kapangyarihan ng Panginoon ang nagbibigay ng tagumpay! Hindi ako mamamatay, sa halip ay mabubuhay, at isasaysay ko ang mga ginawa ng Panginoon. Kahit napakatindi ng parusa ng Panginoon sa akin, hindi niya niloob na akoʼy mamatay. Buksan ninyo ang pintuan ng templo ng Panginoon para sa akin dahil papasok ako at siyaʼy aking pasasalamatan. Ang lahat ng mamamayan ng Israel ay magsabi, “Ang kanyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.”
Ikukuwento ko sa aking mga kababayan ang lahat ng tungkol sa inyo. At sa gitna ng kanilang pagtitipon, kayo ay aking papupurihan.
Kaya kunin mo ang iyong alpa at tugtugin mong mabuti habang nililibot mo ang lungsod. Umawit ka nang umawit para maalala ka.”
Magpupuri sa inyo, Panginoon, ang lahat ng hari sa buong mundo, dahil maririnig nila ang inyong mga salita.
Lagi akong magpupuri sa inyo, dahil tinuturuan nʼyo ako ng inyong mga tuntunin. Akoʼy aawit tungkol sa inyong mga salita, dahil matuwid ang lahat nʼyong mga utos.
Masisiyahan ako tulad ng taong nabusog sa malinamnam na handaan. At magpupuri ako sa inyo ng awit ng kagalakan
Huwag natin itong ilihim sa ating mga anak; sabihin din natin ito sa mga susunod na salinlahi. Sabihin natin sa kanila ang kapangyarihan ng Panginoon at ang mga kahanga-hanga niyang gawa.
O Dios, marapat ka naming purihin sa Zion! Ang mga ipinangako namin sa inyo ay aming tutuparin.
Ang mga matitirang tao ay sisigaw sa kaligayahan. Ang mga nasa kanluran ay magpapahayag tungkol sa kapangyarihan ng Panginoon.
Magsiawit kayo ng papuri sa Panginoon na hari ng Jerusalem! Ihayag ninyo sa mga bansa ang kanyang mga ginawa!
Dapat silang mag-alay ng handog ng pasasalamat sa kanya at ihayag ang kanyang mga ginawa nang may masayang pag-aawitan.
Pupurihin ko kayo, Panginoon! Ang lahat ng nilikha ay magpupuri sa inyo magpakailanman.
Dahil pinasaya nʼyo ako, Panginoon, sa pamamagitan ng inyong kahanga-hangang mga gawa. At dahil dito, akoʼy umaawit sa tuwa.
Purihin nʼyo ang kanyang banal na pangalan. Magalak kayo, kayong mga lumalapit sa Panginoon.
Ito ang sinabi niya sa kanyang Ama: “Ipapahayag ko sa aking mga kapatid ang mga ginawa mo, at aawit ako ng papuri sa iyo sa piling ng mga sumasamba sa iyo.”
Purihin ang Panginoon! Purihin ninyo ang Dios sa kanyang templo. Purihin nʼyo siya sa langit, ang kanyang matibay na tirahan.
Kayong lahat ng tao sa buong mundo, sumigaw kayo sa tuwa sa Panginoon! Buong galak kayong umawit ng papuri sa kanya. Umawit kayo ng mga papuri sa Panginoon habang tinutugtog ang mga alpa at mga trumpeta at tambuli. Sumigaw kayo sa galak sa presensya ng Panginoon na ating Hari.
Sa pagtatagumpay mo kami ay sisigaw sa kagalakan, at magdiriwang na nagpupuri sa ating Dios. Ibigay nawa ng Panginoon ang lahat mong kahilingan.
para hindi ako tumahimik, sa halip ay umawit ng papuri sa inyo. Panginoon kong Dios, kayo ay aking pasasalamatan magpakailanman.
Purihin ninyo ang Panginoon, dahil siya ay mabuti. Umawit kayo ng mga papuri sa kanya, dahil ito ay kaaya-aya.
Palayain nʼyo ako sa bilangguang ito, upang akoʼy makapagpuri sa inyo. At ang mga matuwid ay magtitipon sa paligid ko, dahil sa kabutihan nʼyo sa akin, Panginoon.
Mapalad ang taong hindi namumuhay ayon sa payo ng masasama, o sumusunod sa mali nilang halimbawa, at hindi nakikisama sa mgataong nangungutya. Sa halip ay nagagalak siyang sumunod sa mga aral na mula sa Panginoon, at araw-gabi ito ay kanyang pinagbubulay-bulayan.
Pero muling mabubuhay ang inyong mga mamamayang namatay. Babangon ang kanilang mga bangkay at aawit sa galak. Kung papaanong ang hamog ay nagpapalamig ng lupa, kayo rin Panginoon ang muling bubuhay sa mga patay.
O Panginoon, aming Panginoon, ang kadakilaan ng inyong pangalan ay makikita sa buong mundo, at ipinakita nʼyo ang inyong kaluwalhatian hanggang sa kalangitan.
Binigyan niya ng pagkain ang lahat niyang nilalang. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.
Pagkatapos, parang nagising ang Panginoon mula sa kanyang pagkakahimlay; at para siyang isang malakas na tao na pinatapang ng alak.
Pasalamatan nʼyo ang Panginoon. Sambahin nʼyo siya! Ihayag sa mga tao ang kanyang mga ginawa.
Pero kayong mga mamamayan ng Dios ay aawit, katulad ng ginagawa ninyo sa gabi ng pista ng pagpaparangal sa Panginoon. Magagalak kayo katulad ng taong nagmamartsa sa tunog ng plauta habang naglalakad patungo sa Bundok ng Panginoon para sambahin siya, ang Bato na kanlungan ng Israel.
Kaya nga mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo alang-alang sa maraming pagkakataong kinaawaan tayo ng Dios, ibigay ninyo sa kanya ang inyong mga sarili bilang mga handog na buhay, banal at kalugod-lugod sa kanya. Ito ang tunay na pagsamba sa kanya.
Pupurihin ko ang Dios sa pamamagitan ng awit. Pararangalan ko siya sa pamamagitan ng pasasalamat.