Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Awit 8:2 - Ang Salita ng Dios

2 Kahit mga bata at sanggol ay nagpupuri sa inyo, kaya napapahiya at tumatahimik ang inyong mga kaaway.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

2 Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan, dahil sa iyong mga kaaway, upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

2 mula sa bibig ng mga sanggol at mga musmos, ikaw ay nagtatag ng tanggulan dahil sa mga kalaban mo, upang patahimikin ang kaaway at ang maghihiganti sa iyo.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

2 Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan, Dahil sa iyong mga kaaway, Upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

2 Pinupuri ka ng mga bata't bagong silang, ikaw ay nagtayo ng isang tanggulan, kaya't natahimik ang lahat ng iyong kaaway.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

2 Pinupuri ka ng mga bata't bagong silang, ikaw ay nagtayo ng isang tanggulan, kaya't natahimik ang lahat ng iyong kaaway.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

2 Pinupuri ka ng mga bata't bagong silang, ikaw ay nagtayo ng isang tanggulan, kaya't natahimik ang lahat ng iyong kaaway.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Awit 8:2
21 Mga Krus na Reperensya  

Lahat ay magpuri sa Panginoon, dahil siyaʼy dakila sa lahat, at ang kanyang kapangyarihan ay higit pa sa lahat ng nasa langit at lupa.


Kapag kayoʼy nagagalit, huwag kayong magkakasala. Habang nakahiga kayo sa inyong higaan, tumahimik kayo at magbulay-bulay.


dahil sa pangungutya at insulto sa akin ng aking mga kaaway na gumaganti sa akin.


Sinasabi niya, “Tumigil kayo at kilalanin ninyo na ako ang Dios. Akoʼy pararangalan sa mga bansa. Akoʼy papupurihan sa buong mundo.”


Nabagabag ako dahil naglagay ng bitag ang aking mga kaaway. Naghukay rin sila sa aking dadaanan, ngunit sila rin ang nahulog dito.


Pero magiging tahimik ang mga Israelita; kahit tahol ng asoʼy walang maririnig.’ Sa pamamagitan nito, malalaman ninyo na iba ang pagtrato ng Panginoon sa mga Israelita at sa mga Egipcio.


“Tunay na matatakot sila. Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, silaʼy magiging parang bato na hindi nakakakilos, hanggang sa makadaan ang inyong mga mamamayan na inyong iniligtas, O Panginoon.


ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon ay muling magkakaroon ng lakas. Lilipad sila na gaya ng isang agila. Tumakbo man sila ay hindi mapapagod. Lumakad man sila ay hindi manghihina.


Sinasabi nila sa isaʼt isa: “Banal, Banal, Banal, ang Panginoong Makapangyarihan! Ang kapangyarihan niyaʼy sumasakop sa buong mundo.”


Agad niyang winawasak ang matitibay na napapaderang bayan, at dinudurog ang napapaderang lungsod.


Pero ang Panginoon ay nasa kanyang banal na templo. Kaya ang buong mundo ay manahimik sa kanyang presensya.’ ”


Nang oras ding iyon, sinabi ni Jesus, “Pinupuri kita Ama, Panginoon ng langit at lupa, dahil inilihim mo ang mga katotohanang ito sa mga taong ang akala sa sarili ay marurunong at matatalino, pero inihayag mo sa mga taong tulad ng bata na kaunti lang ang nalalaman.


Sinabi nila kay Jesus, “Naririnig mo ba ang sinasabi nila?” Sumagot si Jesus, “Oo. Hindi ba ninyo nabasa ang sinabi sa Kasulatan na kahit ang maliliit na bata ay tinuruan ng Dios na magpuri sa kanya?”


Nang oras ding iyon, napuno si Jesus ng kagalakang mula sa Banal na Espiritu. At sinabi niya, “Pinupuri kita Ama, Panginoon ng langit at ng lupa, dahil inilihim mo ang mga katotohanang ito sa mga taong ang akala sa sariliʼy mga marurunong at matatalino, at inihayag mo sa mga taong tulad ng bata na kaunti lang ang nalalaman. Oo, Ama, pinupuri kita dahil iyon ang kalooban mo.”


Ngunit pinili ng Dios ang mga itinuturing ng mundo na mangmang upang hiyain ang marurunong. Pinili ng Dios ang mga itinuturing ng mundo na mahihina upang hiyain ang malalakas.


Iniingatan niya ang tapat niyang mamamayan. Ngunit lilipulin niya ang masasama. Walang sinumang magtatagumpay sa pamamagitan ng sarili niyang kalakasan.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas