Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Awit 40:3 - Ang Salita ng Dios

3 Tinuruan niya ako ng bagong awit, ang awit ng pagpupuri sa ating Dios. Marami ang makakasaksi at matatakot sa Dios, at silaʼy magtitiwala sa kanya.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

3 At siya'y naglagay ng bagong awit sa aking bibig, sa makatuwid baga'y pagpuri sa aming Dios: marami ang mangakakakita at mangatatakot, at magsisitiwala sa Panginoon.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

3 Nilagyan niya ng bagong awit ang aking bibig, isang awit ng pagpupuri sa ating Diyos. Marami ang makakakita at matatakot, at magtitiwala sa Panginoon.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

3 At siya'y naglagay ng bagong awit sa aking bibig, sa makatuwid baga'y pagpuri sa aming Dios: Marami ang mangakakakita at mangatatakot, At magsisitiwala sa Panginoon.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

3 Isang bagong awit, sa aki'y itinuro, papuri sa Diyos, ang awit ng puso; matatakot ang bawat makakasaksi, at magtitiwala sa Diyos na si Yahweh.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

3 Isang bagong awit, sa aki'y itinuro, papuri sa Diyos, ang awit ng puso; matatakot ang bawat makakasaksi, at magtitiwala sa Diyos na si Yahweh.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

3 Isang bagong awit, sa aki'y itinuro, papuri sa Diyos, ang awit ng puso; matatakot ang bawat makakasaksi, at magtitiwala sa Diyos na si Yahweh.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Awit 40:3
18 Mga Krus na Reperensya  

Patnubayan nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong mga salita, at huwag nʼyong hayaang pagharian ako ng kasamaan.


Palayain nʼyo ako sa bilangguang ito, upang akoʼy makapagpuri sa inyo. At ang mga matuwid ay magtitipon sa paligid ko, dahil sa kabutihan nʼyo sa akin, Panginoon.


O Dios, aawitan kita ng bagong awit na sinasabayan ng alpa.


Sa oras ng kagipitan ay itatago niya ako sa kanyang templo, at ilalagay niya ako sa ligtas na lugar.


Awitan ninyo siya ng bagong awit. Tugtugan ninyo siya ng buong husay, at sumigaw kayo sa tuwa.


Sumigaw sana sa kagalakan ang mga taong nagagalak sa aking kalayaan. Palagi sana nilang sabihin, “Purihin ang Panginoon na nagagalak sa tagumpay ng kanyang mga lingkod.”


Ginagabayan ng Panginoon ang bawat hakbang ng taong matuwid na ang buhay ay nakakalugod sa kanya.


Makikita ito ng mga matuwid at magtataka sila. Pagtatawanan ka nila at sasabihing,


Pagod na ako sa paghingi ng tulong at masakit na ang aking lalamunan. Dumidilim na ang paningin ko sa paghihintay ng tulong nʼyo, O Dios.


Pero sa bandang huli, magbabalik-loob silang muli sa Panginoon nilang Dios at sa lahi ni David na kanilang hari. Buong paggalang silang lalapit sa Panginoon dahil sa kanyang kabutihan.


Pero kahit ganito ang nangyari sa kanila, marami sa mga nakarinig ng kanilang pagtuturo ang sumampalataya. Ang mga lalaki na sumampalataya ay 5,000.


Ang 144,000 tao ay umaawit sa harap ng trono, ng apat na buhay na nilalang, at ng mga namumuno. Bago ang kanilang awit at walang nakakaalam maliban sa kanila na 144,000 na tinubos mula sa mundo.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas