Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


MGA TALATA TUNGKOL SA KABANALAN

MGA TALATA TUNGKOL SA KABANALAN

Tinawag tayo ng Diyos para mamuhay sa kabanalan. Ang kabanalan ay ang pagiging dalisay, inialay, at hiwalay para sa Kanya. Para mapanatili natin ang kadalisayang ito, kailangan nating lumayo sa lahat ng hindi kalugod-lugod sa Kanya. Ang Kanyang salita ang pinakamagandang gabay para malaman natin kung ano ang hindi Niya gusto.

Basahin mo ang Kanyang salita araw-araw para mas makilala mo Siya. Sa ganitong paraan, malalaman mo ang mabuti at masama, ang naglalapit at naglalayo sa iyo sa Panginoon. "Paano ba pananatilihin ng isang binata ang kadalisayan ng kanyang pamumuhay? Sa pamamagitan ng pagsunod sa iyong salita." (Mga Awit 119:9).

Ibinigay ni Hesukristo ang Kanyang buhay para linisin at gawin tayong banal. Kung tunay mong mahal ang ating Ama sa Langit, lalayuan mo ang lahat ng naglalayo sa iyo sa Kanya. Ingatan mo ang sarili mo araw-araw at sikaping maging banal sa lahat ng iyong ginagawa.

Kailangan mong sikaping hanapin ang kabanalang nais ng Diyos para sa iyo para makita mo Siya. Sabi nga sa Biblia, "Sikapin ninyong makasundo ang lahat, at mamuhay nang banal; kung wala ito, walang sinuman ang makakakita sa Panginoon." (Hebreo 12:14). Inaasahan ng ating Ama sa Langit na haharap ka sa Kanya nang banal, na ilalayo mo ang lahat ng nagpaparumi sa iyong katawan at espiritu.

Maraming bersikulo tungkol sa kabanalan ang mababasa mo rito at kung gaano ito kahalaga sa ating Panginoong Hesukristo.




Mga Awit 111:10

Ang pagkatakot sa Panginoon ang pinagmumulan ng karunungan. Lahat ng sumusunod sa kanyang mga utos ay may mabuting pang-unawa. Purihin siya magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 1:7

Ang pagkatakot sa Panginoon na may paggalang ang simula ng karunungan. Ngunit sa hangal, walang halaga ang karunungan at ayaw niyang maturuan upang maituwid ang kanyang pag-uugali.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 89:7

Iginagalang kayo sa pagtitipon ng mga banal sa langit. Higit kayong kahanga-hanga, at silang lahat na nakapalibot sa inyoʼy may malaking takot sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:28-29

Kaya magpasalamat tayo sa Dios dahil kabilang na tayo sa kaharian niya na hindi nayayanig. Sambahin natin siya sa paraang kalugod-lugod, na may takot at paggalang sa kanya, dahil kapag nagparusa ang ating Dios, itoʼy parang apoy na nakakatupok.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 96:9

Sambahin ninyo ang kabanalan ng Panginoon. Matakot kayo sa kanya, kayong lahat ng nasa sanlibutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:7

Huwag mong isipin na napakarunong mo na. Matakot ka sa Panginoon, at huwag gumawa ng masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 12:13

Ngayong nabasa mo na ang lahat ng ito, ito ang aking huling payo: Matakot ka sa Dios at sundin mo ang kanyang mga utos, dahil ito ang tungkulin ng bawat tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 8:13

Ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ay dapat ninyong kilalaning banal. Ako ang dapat ninyong katakutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:9

Kayong mga hinirang ng Panginoon, matakot kayo sa kanya, dahil ang may takot sa kanya ay hindi kukulangin sa lahat ng pangangailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:11

Ang Panginoon ay nalulugod sa mga may takot sa kanya at nagtitiwala sa kanyang pag-ibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:27

Ang pagkatakot sa Panginoon ay magpapabuti at magpapahaba ng iyong buhay at maglalayo sa iyo sa kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 10:12-13

“At ngayon, O mga mamamayan ng Israel, ang hinihingi lang ng Panginoon na inyong Dios sa inyo ay igalang ninyo siya, mamuhay ayon sa kanyang pamamaraan, mahalin siya, maglingkod sa kanya nang buong pusoʼt kaluluwa, at sundin ang lahat ng mga utos at tuntunin niya na ibinibigay ko sa inyo sa araw na ito para sa ikabubuti ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 25:14

Panginoon, kayoʼy malapit sa mga taong may takot sa inyo, at pinapaalala nʼyo sa kanila ang inyong kasunduan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:120

Nanginginig ako sa takot sa inyo; sa hatol na inyong gagawin ay natatakot ako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:1

Kaya nga mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo alang-alang sa maraming pagkakataong kinaawaan tayo ng Dios, ibigay ninyo sa kanya ang inyong mga sarili bilang mga handog na buhay, banal at kalugod-lugod sa kanya. Ito ang tunay na pagsamba sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:161

Inuusig ako ng mga namumuno ng walang dahilan, ngunit salita nʼyo lang ang aking kinatatakutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:20

Kaya sinabi ni Moises sa mga tao, “Huwag kayong matakot dahil pumunta ang Panginoon dito para subukin kayo sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan at magkaroon kayo ng takot sa kanya, at nang hindi kayo magkasala.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:50

Kinaaawaan niya ang mga taong may takot sa kanya sa bawat henerasyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:19

Ibinibigay nʼyo ang nais ng mga taong may takot sa inyo; pinapakinggan nʼyo ang kanilang mga daing at inililigtas nʼyo sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 10:12

“At ngayon, O mga mamamayan ng Israel, ang hinihingi lang ng Panginoon na inyong Dios sa inyo ay igalang ninyo siya, mamuhay ayon sa kanyang pamamaraan, mahalin siya, maglingkod sa kanya nang buong pusoʼt kaluluwa,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:10-11

upang ang lahat ng nasa langit at lupa, at nasa ilalim ng lupa ay luluhod sa pagsamba sa kanya. At kikilalanin ng lahat na si Jesu-Cristo ang Panginoon, sa ikapupuri ng Dios Ama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:23

Ang pagkatakot sa Panginoon ay magdudulot ng mahabang buhay, kasapatan, at kaligtasan sa kapahamakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:11

Dahil kung gaano man kalaki ang agwat ng langit sa lupa, ganoon din kalaki ang pag-ibig ng Dios sa mga may takot sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:17

Igalang nʼyo ang lahat ng tao at mahalin nʼyo ang mga kapatid ninyo kay Cristo. Mamuhay kayo nang may takot sa Dios, at igalang ninyo ang Emperador.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 2:11

Paglingkuran ninyo ang Panginoon nang may takot, at magalak kayo sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 111:5

Binibigyan niya ng pagkain ang mga may takot sa kanya, at ang kanyang kasunduan sa kanila ay hindi niya kinakalimutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:33

Ang takot sa Panginoon ay nagtuturo ng karunungan, at ang nagpapakumbaba ay pinaparangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 66:2

Hindi baʼt ako ang gumawa ng lahat ng bagay. “Binibigyang pansin ko ang mga taong mapagpakumbaba, nagsisisi, at may takot sa aking mga salita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:23-24

Anuman ang gawin nʼyo, gawin nʼyo ito nang buong katapatan na parang ang Panginoon ang pinaglilingkuran nʼyo at hindi ang tao. Alam naman ninyong may gantimpala kayong matatanggap sa Panginoon, dahil si Cristo na Panginoon natin ang siyang pinaglilingkuran ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 5:7

Ngunit dahil sa dakila nʼyong pag-ibig sa akin, makakapasok ako sa banal nʼyong templo. At doon akoʼy sasamba nang may paggalang sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:17

Ngunit ang pag-ibig ng Panginoon ay walang hanggan sa mga may takot sa kanya, sa mga tumutupad ng kanyang kasunduan, at sa mga sumusunod sa kanyang mga utos. At ang kanyang katuwirang ginagawa ay magpapatuloy sa kanilang mga angkan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 115:11

Kayong mga may takot sa Panginoon, magtiwala kayo sa kanya. Siya ang tutulong at mag-iingat sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 28:28

Pagkatapos, sinabi niya sa mga tao, ‘Ang pagkatakot sa Panginoon at ang paglayo sa kasamaan ay siyang karunungan at pagkaunawa.’ ”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 20:41

Kapag nakuha ko na kayo mula sa mga bansa kung saan kayo nangalat, tatanggapin ko na kayo katulad ng pagtanggap ko sa mabangong insenso na inihahandog sa akin. Ipapakita ko sa inyo ang kabanalan ko habang nakatingin ang ibang mga bansa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:38

Tuparin nʼyo ang inyong ipinangako sa akin na inyong lingkod, na siyang mga ipinangako nʼyo sa mga may takot sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:16

Ganoon din ang dapat ninyong gawin. Pagliwanagin ninyo ang inyong ilaw sa mga tao, upang makita nila ang mabubuting gawa ninyo at pupurihin nila ang inyong Amang nasa langit.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 8:13

Ang may takot sa Panginoon ay lumalayo sa kasamaan. Namumuhi ako sa kapalaluan, kayabangan, pagsisinungaling at masamang pag-uugali.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 4:10

Magpakumbaba kayo sa harapan ng Panginoon, at itataas niya kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:57

Kayo lang Panginoon, ang tangi kong kailangan. Akoʼy nangangakong susundin ang inyong mga salita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:10-11

Hindi siya nalulugod sa lakas ng mga kabayo o sa kagitingan ng mga kawal. Ang Panginoon ay nalulugod sa mga may takot sa kanya at nagtitiwala sa kanyang pag-ibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:27

Ang may paggalang sa Panginoon ay hahaba ang buhay, ngunit ang taong masama ay iigsi ang buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 111:1

Purihin ang Panginoon! Buong puso kong pasasalamatan ang Panginoon sa pagtitipon ng mga matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 33:6

Siya ang magpapatatag sa inyo. Iingatan niya kayo at bibigyan ng karunungan at kaalaman. At ang mahalagang kayamanan ninyo ay ang pagkatakot sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:2

Ang taong namumuhay sa katuwiran ay may takot sa Panginoon, ngunit ang namumuhay sa kasamaan ay humahamak sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 5:29

Sanaʼy palagi nila akong igalang at sundin ang aking mga utos para maging mabuti ang kalagayan nila at ng kanilang mga salinlahi magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 4:4

Kapag kayoʼy nagagalit, huwag kayong magkakasala. Habang nakahiga kayo sa inyong higaan, tumahimik kayo at magbulay-bulay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 5:7

Ang sobrang pananaginip at pagsasalita ay walang kabuluhan. Sa halip, matakot ka sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:11

Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, “Ako, ang Panginoon na buhay ay sumusumpa na darating ang araw na luluhod ang lahat ng tao sa akin at kikilalanin akong Dios.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 86:11

Panginoon, ituro nʼyo sa akin ang inyong pamamaraan, at susundin ko ito nang may katapatan. Bigyan nʼyo ako ng pusong may takot sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 57:15

Ito pa ang sinasabi ng Kataas-taasang Dios, ang Banal na Dios na nabubuhay magpakailanman: “Nakatira ako sa mataas at banal na lugar, pero nakatira rin akong kasama ng mga taong mapagpakumbaba at nagsisisi, para silaʼy palakasin ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 112:1

Purihin ang Panginoon! Mapalad ang taong may takot sa Panginoon at malugod na sumusunod sa kanyang mga utos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:74

Matutuwa ang mga may takot sa inyo kapag akoʼy kanilang nakita, dahil akoʼy nagtitiwala sa inyong salita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 111:9

Tinubos niya ang kanyang mga mamamayan, at gumawa siya ng kasunduan na pangwalang hanggan. Banal siya at kahanga-hanga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:7

Ang anghel ng Panginoon ay nagbabantay sa mga may takot sa Dios, at ipinagtatanggol niya sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 33:8

Ang lahat ng tao sa daigdig ay dapat matakot sa Panginoon,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 11:3

Magiging kagalakan niya ang pagsunod sa Panginoon. Hindi siya mamumuno at hahatol batay lang sa kanyang nakita o narinig sa iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:28

Huwag kayong matakot sa mga gustong pumatay sa inyo. Ang katawan lang ninyo ang kaya nilang patayin, pero hindi ang inyong kaluluwa. Sa halip, matakot kayo sa Dios, na siyang may kakayahang puksain ang katawan at kaluluwa ninyo sa impyerno.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:17

Walang pinapaboran ang Dios. Hinahatulan niya ang mga tao ayon sa gawa ng bawat isa. Kaya kung tinatawag nʼyo siyang Ama kapag nananalangin kayo sa kanya, igalang nʼyo siya habang naninirahan pa kayo sa mundong ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 9:10

Ang paggalang sa Panginoon ang pasimula ng karunungan. At ang pagkilala sa Banal na Dios ay nagpapahiwatig ng pagkaunawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 30:4

Umawit kayo ng mga papuri sa Panginoon, kayong mga tapat sa kanya. Papurihan ninyo ang kanyang banal na pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 50:10

Sino sa inyo ang may takot sa Panginoon at sumusunod sa mga itinuturo ng kanyang lingkod? Kinakailangang magtiwala siya sa Panginoon niyang Dios kahit sa daang madilim at walang liwanag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:13

Huwag na ninyong gamitin ang alin mang bahagi ng inyong katawan sa paggawa ng kasalanan. Sa halip, ialay ninyo ang inyong sarili sa Dios bilang mga taong binigyan ng bagong buhay. Ilaan ninyo sa Dios ang inyong katawan sa paggawa ng kabutihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 1:29

Dahil ayaw ninyo na tinuturuan kayo at wala kayong takot sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:23-24

O Dios, siyasatin nʼyo ako, upang malaman nʼyo ang nasa puso ko. Subukin nʼyo ako, at alamin ang aking mga iniisip. Tingnan nʼyo kung ako ay may masamang pag-uugali, at patnubayan nʼyo ako sa daang dapat kong tahakin magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 16:29

Ibigay ninyo sa Panginoon ang mga papuring nararapat sa kanya. Magdala kayo ng mga handog at pumunta sa kanyang presensya. Sambahin ninyo ang Panginoon sa kagandahan ng kanyang kabanalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 22:23

Kayong may takot sa Panginoon, purihin ninyo siya! Kayong mga lahi ni Jacob na siyang bayan ng Israel, parangalan ninyo siya at matakot kayo sa kanya!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:2

Huwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Hayaan ninyong baguhin kayo ng Dios sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip, para malaman ninyo ang kalooban ng Dios – kung ano ang mabuti, ganap, at kalugod-lugod sa kanyang paningin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 112:6

Tiyak na magiging matatag ang kanyang kalagayan at hindi siya makakalimutan magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 130:4

Ngunit pinapatawad nʼyo kami, upang matuto kaming gumalang sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 33:18

Ngunit binabantayan ng Panginoon ang mga may takot sa kanya, sila na nagtitiwala sa kanyang pag-ibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:9

Kaya manalangin kayo ng katulad nito: ‘Ama naming nasa langit, sambahin nawa kayo ng mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 76:7

Kaya dapat kayong katakutan. Sinong makakatagal sa inyong harapan kapag kayoʼy nagalit?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 11:20

Totoo iyan. Pinutol sila dahil hindi sila sumampalataya kay Cristo, at kayo naman ay ikinabit dahil sumampalataya kayo. Kaya huwag kayong magmataas, sa halip ay magkaroon kayo ng takot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 101:3

at hindi ko hahayaan ang kasamaan. Namumuhi ako sa mga ginagawa ng mga taong tumatalikod sa Dios, at hindi ko gagawin ang kanilang ginagawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 118:1

Pasalamatan ang Panginoon, dahil siyaʼy mabuti; ang kanyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 149:5

Magalak ang mga tapat sa Dios dahil sa kanilang tagumpay; umawit sila sa tuwa kahit sa kanilang mga higaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 104:31

Panginoon, sana ay magpatuloy ang inyong kaluwalhatian magpakailanman. Sanaʼy magalak kayo sa lahat ng inyong nilikha.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:12

Sapagkat itinutuwid ng Panginoon ang ugali ng kanyang mga minamahal, katulad ng ginagawa ng isang ama sa kanyang anak na kinalulugdan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:30-31

Kahit ang mga kabataan ay napapagod, nanlulupaypay at nabubuwal, ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon ay muling magkakaroon ng lakas. Lilipad sila na gaya ng isang agila. Tumakbo man sila ay hindi mapapagod. Lumakad man sila ay hindi manghihina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 112:7

Hindi siya matatakot sa masamang balita, dahil matatag siya at buong pusong nagtitiwala sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:26

Ang taong may takot sa Panginoon ay may kasiguraduhan at siya ang kanlungan ng kanyang sambahayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 27:4

Isang bagay ang hinihiling ko sa Panginoon, ito ang tanging ninanais ko: na akoʼy manirahan sa kanyang templo habang akoʼy nabubuhay, upang mamasdan ang kanyang kadakilaan, at hilingin sa kanya ang kanyang patnubay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 56:10

Panginoong Dios, pinupuri ko kayo dahil sa inyong mga salita at pangako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 12:14

Kung kayo at ang hari ninyo ay mamumuhay nang may takot sa Panginoon, susunod sa mga utos niya, at maglilingkod sa kanya, walang masamang mangyayari sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 130:7

Mga taga-Israel, magtiwala kayo sa Panginoon, dahil siyaʼy mapagmahal at laging handang magligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 3:18

at wala silang takot sa Dios.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:157

Marami ang umuusig sa akin, ngunit hindi ako lumayo sa inyong mga turo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 51:12

Sumagot ang Panginoon, “Ako ang nagpapalakas at nagpapaligaya sa inyo. Kaya bakit kayo matatakot sa mga taong katulad ninyo na mamamatay din lang na parang damo?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 149:1

Purihin ang Panginoon! Umawit kayo ng bagong awit sa Panginoon. Purihin nʼyo siya sa pagtitipon ng kanyang tapat na mga mamamayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:113

Kinamumuhian ko ang mga taong hindi tapat sa inyo, ngunit iniibig ko ang inyong mga kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Panginoon ko, banal at kagila-gilalas ang iyong pangalan, walang makakapantay sa iyong kabanalan! Lumalapit ako sa iyo sa pamamagitan ng aking Panginoong Hesukristo dahil nais kong igalang ka sa pamamagitan ng aking pamumuhay at pag-iisip. Dalangin ko na lalo mong luwalhatiin ang aking buhay. Nasaan man ako, nawa’y mamuhay ako sa kabanalan. At ang aking pinakamahusay na paraan ng pagpapatotoo sa iba ay hindi lamang sa salita, kundi maging sa aking gawa. Sabi nga po sa iyong salita, “Ang pagkatakot kay Yahweh ang pasimula ng karunungan, at ang pagkakilala sa Banal ang tunay na kaalaman.” Ama, palakasin mo ako upang patuloy akong magmatiyaga at maging mapagbantay sa pananalangin. Nawa’y mapanatili ko ang aking sarili na walang bahid at dungis hanggang sa pagbabalik ng aking Panginoong Hesus. Ama, nilikha mo ako na kawangis mo, tulungan mo akong maging isang patotoo ng pagbabago sa pamamagitan ng iyong Espiritu Santo. Nawa ang aking pinakadakilang pagpapatunay ng pag-ibig at paggalang sa iyo ay ang mamuhay sa takot at pagtatalaga sa iyo. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas