Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


MGA TALATA TUNGKOL SA PAGPAPALA

MGA TALATA TUNGKOL SA PAGPAPALA

Alam mo, ang biyaya ng Diyos sa buhay natin, dumarating 'yan sa tamang panahon at tamang dami. Hindi nagkukulang, hindi rin nahuhuli. Alam Niya kung kailan ibibigay ang hinihingi mo sa panalangin.

Isipin mo, napapaligiran tayo ng biyaya Niya! May kalusugan tayo, may tahanan, may pagkain sa mesa, maayos ang ating pag-iisip. May mga taong nagmamahal sa atin, at higit sa lahat, nandiyan ang Diyos sa buhay natin. Nakatanggap tayo ng kaligtasan, isang napakagandang regalo! Minsan nakakalimutan nating pasalamatan ang mga bagay na ito, 'yung mga bagay na hinahanap-hanap ng iba. Magpasalamat tayo at magalak dahil ang pag-ibig ng Diyos ay bago bawat umaga.

Pangako ng Diyos sa atin sa Filipos 4:19, “Ang Diyos na aking pinaglilingkuran ay magbibigay ng lahat ng inyong pangangailangan ayon sa kanyang kayamanan sa pamamagitan ni Cristo Jesus.” Sabi rin sa Kanyang salita, ang biyayang galing sa Kanya ay nagpapayaman at hindi nagdaragdag ng kalungkutan. Alam Niya ang ating pangangailangan at inaalagaan Niya tayo.

Magtiis tayo, darating din ang biyaya sa hindi inaasahang pagkakataon. Sabi nga sa Exodo 23:25, "Sambahin mo ang Panginoon mong Diyos, at pagpapalain niya ang iyong tinapay at tubig. Aalisin ko ang sakit sa gitna ninyo.” Manatili tayong masunurin sa Diyos at kasama nito ang pagdating ng Kanyang mga biyaya.




Juan 10:10

Dumarating ang magnanakaw para lang magnakaw, pumatay at mangwasak. Ngunit dumating ako upang magkaroon ang mga tao ng buhay na ganap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 23:1

Ang Panginoon ang aking pastol, hindi ako magkukulang ng anuman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:19

At dahil kayoʼy nakay Cristo Jesus, ibibigay sa inyo ng aking Dios ang lahat ng pangangailangan nʼyo, mula sa kasaganaan ng kayamanan niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 65:11

Pinag-aapaw nʼyo ang panahon ng anihan, at saan ka man dumaan ay puno ng kasaganaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 9:8

At magagawa ng Dios na ibigay sa inyo ang higit pa sa inyong mga pangangailangan, para sa lahat ng panahon ay maging sapat kayo sa lahat ng bagay, at lagi ninyong matutulungan ang iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Malakias 3:10

Pero ngayon, hinahamon ko kayo na subukan ninyo ako, ang Panginoong Makapangyarihan. Dalhin ninyo nang buo ang inyong mga ikapu sa bodega ng templo upang may pagkain sa aking templo. Kapag ginawa ninyo ito, padadalhan ko kayo ng ulan at ibubuhos ko ang sobra-sobrang pagpapala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:25

Akoʼy naging bata at ngayoʼy matanda na, ngunit hindi ko pa nakita kahit kailan na ang matuwid ay pinabayaan ng Panginoon o ang kanya mang mga anak ay namalimos ng pagkain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 8:9

Sapagkat alam naman ninyo ang biyayang ipinakita ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na kahit na mayaman siya doon sa langit ay nagpakadukha siya dito sa mundo alang-alang sa atin, para sa pamamagitan ng kanyang kahirapan ay maging mayaman tayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 36:8

Sa inyong tahanan ay pinakakain nʼyo sila ng masaganang handa, at pinaiinom nʼyo sila sa inyong ilog ng kaligayahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 3:20

Purihin natin ang Dios na makakagawa ng higit pa sa hinihingi o inaasahan natin sa pamamagitan ng kapangyarihan niyang kumikilos sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:38

Magbigay kayo, upang bigyan din kayo ng Dios. Ibabalik sa inyo nang sobra-sobra at umaapaw ang ibinigay ninyo. Sapagkat kung paano kayo magbigay sa iba, ganoon din ang pagbibigay ng Dios sa inyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:10

Kahit mga leon ay kukulangin sa pagkain at magugutom, ngunit hindi kukulangin ng mabubuting bagay ang mga nagtitiwala sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 28:12

Padadalhan kayo ng Panginoon ng ulan sa tamang panahon mula sa taguan ng kayamanan niya sa langit, at pagpapalain niya ang lahat ng ginagawa ninyo. Magpapautang kayo sa maraming bansa, pero kayo ay hindi mangungutang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:24-25

Ang mga taong mapagbigay ay lalong yumayaman, ngunit ang mga taong sakim ay hahantong sa kahirapan. Ang taong mapagbigay ay magtatagumpay sa buhay; ang taong tumutulong ay tiyak na tutulungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 84:11

Dahil kayo Panginoong Dios ay parang araw na nagbibigay liwanag sa amin at pananggalang na nag-iingat sa amin. Pinagpapala nʼyo rin kami at pinararangalan Hindi nʼyo ipinagkakait ang mabubuting bagay sa sinumang matuwid ang pamumuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 29:12

Sa inyo nagmumula ang kayamanan at karangalan. Kayo ang namamahala sa lahat ng bagay. Makapangyarihan kayo, at kayo ang nagpapalakas at nagbibigay kapangyarihan sa sinuman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:33

Kaya unahin ninyo ang mapabilang sa kaharian ng Dios at ang pagsunod sa kanyang kalooban, at ibibigay niya ang lahat ng pangangailangan ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 66:12

Pinabayaan nʼyo ang aming mga kaaway na tapakan kami sa ulo; parang dumaan kami sa apoy at lumusong sa baha. Ngunit dinala nʼyo kami sa lugar ng kasaganaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 58:11

Palagi ko kayong papatnubayan at bubusugin, kahit na mahirap ang kalagayan ninyo. Palalakasin ko kayo, at kayoʼy magiging parang halamanang sagana sa tubig at parang bukal na hindi nawawalan ng tubig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 17:14-16

Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Dios ng Israel, ‘Hindi mauubusan ng harina ang iyong mangkok at hindi mauubusan ng langis ang iyong banga hanggang sa araw na padalhan ko ng ulan ang lupa.’ ” Lumakad ang babae at ginawa niya ang sinabi ni Elias. Kaya may pagkain araw-araw para kay Elias, at para sa biyuda at sa kanyang anak. Sapagkat hindi nauubos ang harina sa mangkok at hindi rin nauubos ang langis sa banga, ayon sa sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ni Elias.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 34:6

Dumaan ang Panginoon sa harap ni Moises at sinabi, “Ako ang Panginoon, ang mahabagin at matulunging Dios. Mapagmahal at matapat ako, at hindi madaling magalit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 6:17

Sabihin mo sa mga mayayaman sa mundong ito na huwag silang maging mayabang o umasa sa kayamanan nilang madaling mawala. Sa halip, umasa sila sa Dios na nagkakaloob sa atin ng lahat ng bagay na ikasisiya natin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 104:24

Kay dami ng inyong mga ginawa, Panginoon. Nilikha nʼyo ang lahat ayon sa inyong karunungan. Ang buong mundo ay puno ng inyong nilikha.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 61:7

Sa halip na kahihiyan, dodoble ang matatanggap ninyong pagpapala sa inyong lupain at talagang masisiyahan kayo sa matatanggap ninyo. Magiging maligaya kayo magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 8:18

Pero alalahanin ninyo na ang Panginoon na inyong Dios ang siyang nagbigay sa inyo ng kakayahang maging mayaman, at ginawa niya ito para matupad niya ang kasunduan niya sa inyong mga ninuno, katulad ng ginawa niya ngayon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:15

Pagkatapos, sinabi niya sa kanila, “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman, dahil ang buhay ng tao ay hindi nasusukat sa dami ng kanyang pag-aari.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:22

Ang pagpapala ng Panginoon ay nagpapayaman at hindi niya ito dinadagdagan ng anumang kalungkutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:16

Sapat ang inyong ibinibigay at silaʼy lubos na nasisiyahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 1:3

Ang katulad niyaʼy isang punongkahoy na itinanim sa tabi ng sapa, na namumunga sa takdang panahon at hindi nalalanta ang mga dahon. Magtatagumpay siya sa anumang kanyang ginagawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 33:3

“Tumawag ka sa akin at sasagutin kita, at ipahahayag ko sa iyo ang mga kahanga-hanga at mahihiwagang bagay na hindi mo pa alam.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 42:10

Pagkatapos maipanalangin ni Job ang kanyang mga kaibigan, muli siyang pinaunlad ng Panginoon at dinoble pa niya ang dating kayamanan ni Job.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 5:19

Binibigyan ng Dios ang bawat tao ng mga pag-aari at kayamanan. Hinahayaan niyang pakinabangan nila ang mga ito para matanggap nila ang para sa kanila at magpakasaya sa mga pinaghirapan nila. Ito ang regalo ng Dios sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 13:2

Napakayaman na ni Abram, marami na siyang hayop, pilak at ginto.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Pedro 1:3

Ang kapangyarihan ng Dios ang nagbigay sa atin ng lahat ng kailangan natin para mamuhay nang may kabanalan. Itoʼy sa pamamagitan ng pagkakakilala natin sa kanya na tumawag sa atin. Tinawag niya tayo sa pamamagitan ng kapangyarihan niya at kabutihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:20

Ang taong tapat ay sasagana sa pagpapala, ngunit ang taong nagmamadaling yumaman ay parurusahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 112:3

Yayaman ang kanyang sambahayan, at ang kanyang kabutihan ay maaalala magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 55:1-2

Sinabi ng Panginoon, “Lumapit kayo, lahat kayong nauuhaw, narito ang tubig! Kahit wala kayong pera, lumapit kayo at kumain! Halikayo, kumuha kayo ng inumin at gatas ng walang bayad! Ang ulan at nyebe ay mula sa itaas, at hindi bumabalik doon hanggaʼt hindi muna nakapagbibigay ng tubig sa lupa at nakapagpapalago ng mga halaman para makapagbigay ng binhi at pagkain sa nagtatanim at sa mga tao. Ganyan din ang aking mga salita, hindi ito mawawalan ng kabuluhan. Isasakatuparan nito ang aking ninanais, at isasagawa ang aking layunin kung bakit ko ito ipinadala. “Mga Israelita, aalis kayo nang masaya sa Babilonia at papatnubayan kayo ng Dios. Ang mga bundok at mga burol ay parang mga taong aawit sa tuwa. At ang lahat ng mga puno ay parang mga taong magpapalakpakan. Tutubo na ang mga puno ng sipres at mirto sa dating tinutubuan ng mga halamang may tinik. Ang mga pangyayaring itoʼy magbibigay ng karangalan sa akin. Magiging tanda ito magpakailanman ng aking kapangyarihan.” Bakit ninyo ginugugol ang inyong mga salapi sa mga bagay na hindi makakain? Bakit nʼyo inuubos ang mga sweldo ninyo sa mga bagay na hindi makakapagpabusog sa inyo? Makinig kayo sa akin at makakakain kayo ng mga masasarap na pagkain, at talagang mabubusog kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 9:6

Tandaan ninyo ito: Ang naghahasik ng kaunti ay umaani ng kaunti, at ang naghahasik ng marami ay umaani ng marami.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 132:15

Bibigyan ko ang Zion ng lahat niyang pangangailangan, at kahit ang mga mamamayan niyang dukha ay bubusugin ko ng pagkain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 45:3

Ibibigay ko sa iyo ang mga nakatagong kayamanan, para malaman mong ako ang Panginoon, ang Dios ng Israel na tumawag sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:17

Kapag tumutulong ka sa mahirap, para kang nagpapautang sa Panginoon, dahil ang Panginoon ang magbabayad sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 22:14

Tinawag ni Abraham ang lugar na iyon na “Naglalaan ang Panginoon.” Ito ang pinagmulan ng kasabihang, “Sa bundok ng Panginoon may inilalaan siya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:29

At ang sinumang nag-iwan ng kanyang bahay, mga kapatid, mga magulang, mga anak, o mga lupa dahil sa akin ay tatanggap ng mas marami pa kaysa sa kanyang iniwan, at tatanggap din siya ng buhay na walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 5:4-6

Pagkatapos niyang mangaral, sinabi niya kay Simon, “Pumalaot kayo at ihulog ang mga lambat ninyo, at makakahuli kayo ng isda.” Sumagot si Simon, “Guro, magdamag po kaming nangisda pero wala kaming nahuli. Pero dahil sinabi ninyo, ihuhulog ko ulit ang lambat.” Kaya pumalaot sila at inihulog ang lambat. At napakaraming isda ang nahuli nila hanggang sa halos masira na ang kanilang lambat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:25

Sambahin ninyo ako, ang Panginoon na inyong Dios, at bibigyan ko kayo ng masaganang pagkain at tubig. Pagagalingin ko ang inyong mga karamdaman,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 32:15

Mangyayari ito hanggang sa ipadala sa atin ang Espiritu mula sa langit. Kung magkagayon, ang ilang ay magiging matabang lupain at ang matabang lupain ay magiging kagubatan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 1:6

Natitiyak kong ipagpapatuloy ng Dios ang mabuting gawain na sinimulan niya sa inyo hanggang sa araw ng pagbabalik ni Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 60:5

Kapag nakita mo na ito, matutuwa ka at mag-uumapaw ang iyong kagalakan, dahil ang kayamanan ng mga bansa ay dadalhin dito sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 111:5

Binibigyan niya ng pagkain ang mga may takot sa kanya, at ang kanyang kasunduan sa kanila ay hindi niya kinakalimutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:25

Ang taong mapagbigay ay magtatagumpay sa buhay; ang taong tumutulong ay tiyak na tutulungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Hari 4:6-7

Nang mapuno na ang lahat ng sisidlan, sinabi niya sa isa sa kanyang mga anak, “Bigyan mo pa ako ng sisidlan.” Sumagot ang anak niya, “Wala na pong sisidlan.” At tumigil na ang pag-agos ng langis. Pumunta ang babae kay Eliseo na lingkod ng Dios at sinabi niya ang nangyari sa kanya. Sinabi ni Eliseo sa kanya, “Umalis ka at ipagbili ang langis, at bayaran mo ang utang mo. May matitira ka pang sapat na pera para mabuhay kayo ng mga anak mo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 67:6-7

Mag-ani sana ng sagana ang mga lupain. Nawaʼy pagpalain nʼyo kami, O Dios, na aming Dios. At magkaroon sana ng takot sa inyo ang lahat ng tao sa buong mundo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 14:20

Kumain silang lahat at nabusog. Pagkatapos, tinipon nila ang natirang pagkain, at nakapuno sila ng 12 basket.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 4:34-35

Hindi sila nagkulang sa kanilang pangangailangan dahil ipinagbili ng mga may kaya ang kanilang mga lupaʼt bahay, at ang peraʼy ibinigay nila sa mga apostol. At ibinigay naman ito ng mga apostol sa bawat isa ayon sa kanilang pangangailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:7

Ipamamalita nila ang katanyagan ng inyong kabutihan, at aawit sila nang may kagalakan tungkol sa inyong katuwiran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 30:9

Pauunlarin kayo ng Panginoon na inyong Dios sa lahat ng ginagawa ninyo. Pararamihin niya ang inyong mga anak, mga hayop at ang inyong mga ani, dahil natutuwa ang Panginoong pagpalain kayo gaya ng pagpapala niya sa inyong mga ninuno.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 63:5

Masisiyahan ako tulad ng taong nabusog sa malinamnam na handaan. At magpupuri ako sa inyo ng awit ng kagalakan

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:13

Nawa ang Dios na nagbibigay sa atin ng pag-asa ang siya ring magbigay sa inyo ng buong kagalakan at kapayapaan dahil sa inyong pananampalataya sa kanya, para patuloy na lumago ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 104:28

Binibigyan nʼyo sila ng pagkain at kinakain nila ito, at silaʼy nabubusog.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:3

Hindi hinahayaan ng Panginoon na magutom ang mga matuwid, ngunit ipinagkakait naman niya ang hangad ng mga masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:5

Pinagkakalooban niya ako ng mga mabubuting bagay habang akoʼy nabubuhay, kaya akoʼy parang nasa aking kabataan at malakas tulad ng agila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 34:26

Pagpapalain ko sila at ang mga lugar sa paligid ng aking banal na bundok. Padadalhan ko sila ng ulan sa tamang oras bilang pagpapala sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 68:19

Purihin ang Panginoon, ang Dios na ating Tagapagligtas na tumutulong sa ating mga suliranin sa bawat araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 4:12

Nang sa ganoon, hindi nʼyo na kailangang umasa sa iba, at igagalang kayo ng mga hindi mananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 22:25

At ang Dios na Makapangyarihan ang ituring mong ginto at mamahaling pilak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 115:14

Paramihin sana kayo ng Panginoon, kayo at ang inyong mga angkan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 28:11

Pagpapalain kayo ng Panginoon doon sa lupaing ipinangako niya sa inyong mga ninuno na ibibigay sa inyo. Pararamihin niya ang inyong mga anak, mga hayop at ang inyong ani.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 43:19-20

dahil bagong bagay na ang gagawin ko. Itoʼy nangyayari at nakikita na ninyo. Gagawa ako ng daan at mga bukal sa disyerto. Kapag dumaan ka sa tubig, akoʼy kasama mo. Kapag tatawid ka ng mga ilog, hindi ka malulunod. Kapag dumaan ka sa apoy, hindi ka masusunog; at ang liyab nito ay hindi makakapinsala sa iyo. Pararangalan ako ng maiilap na hayop, pati na ng mga asong-gubat at mga kuwago, dahil maglalagay ako ng mga bukal sa disyerto para may mainom ang mga pinili kong mamamayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:4

Ang paggalang sa Panginoon at pagpapakumbaba ay magdudulot sa iyo ng mahabang buhay, kayamanan at karangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 5:10

Ang taong maibigin sa pera at iba pang kayamanan, kailanman ay hindi masisiyahan. Wala rin itong kabuluhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 128:2

Ang inyong pinaghirapan ay magiging sapat sa inyong pangangailangan, at kayoʼy magiging maunlad at maligaya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 3:13

Bibigyan din kita ng hindi mo hiningi, ang kayamanan at karangalan para walang hari na makapantay sa iyo sa buong buhay mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 25:29

Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa ng mas marami, ngunit ang wala, kahit ang kaunting nasa kanya ay kukunin pa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 16:18

Nang takalin nila ito, isang salop ang nakuha ng bawat tao. Ang nagtipon ng marami ay hindi sumobra, at ang nagtipon ng kaunti ay hindi naman kinulang. Tamang-tama lang ang nakuha ng bawat isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:5

Iwasan nʼyo ang pagiging sakim sa salapi. Maging kontento kayo sa anumang nasa inyo, sapagkat sinabi ng Dios, “Hinding-hindi ko kayo iiwan o pababayaan man.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 92:14-15

lumalago at namumunga kahit matanda na, berdeng-berde ang mga dahon at nananatiling matatag. Ipinapakita lamang nito na ang Panginoon, ang aking Bato na kanlungan ay matuwid. Sa kanyaʼy walang anumang kalikuan na matatagpuan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 8:18-21

Makapagbibigay ako ng kayamanan, karangalan, kaunlaran at tagumpay na magtatagal. Ang maibibigay ko ay higit pa sa purong ginto at pilak. Tumatayo siya sa matataas na lugar sa tabi ng daan, sa mga kanto, Sinusunod ko ang tama at matuwid. Bibigyan ko ng kayamanan ang nagmamahal sa akin; pupunuin ko ang lalagyan nila ng kayamanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:19-21

“Huwag kayong mag-ipon ng kayamanan para sa inyong sarili rito sa mundo, dahil dito ay may mga insekto at kalawang na sisira sa inyong kayamanan, at may mga magnanakaw na kukuha nito. “Kaya kapag nagbibigay kayo ng tulong, huwag na ninyo itong ipamalita gaya ng ginagawa ng mga pakitang-tao roon sa mga sambahan at sa mga daan upang purihin sila ng mga tao. Ang totoo, tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Sa halip, mag-ipon kayo ng kayamanan sa langit, kung saan walang insekto at kalawang na naninira, at walang nakakapasok na magnanakaw. Sapagkat kung nasaan ang inyong kayamanan, naroon din ang inyong puso.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:32

“Kayong mga tagasunod ko ay kaunti lang. Ngunit huwag kayong matakot, dahil ipinagkaloob ng inyong Ama na maghari kayong kasama niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 8:14-15

Sa ngayon ay masagana kayo, kaya nararapat lamang na tulungan ninyo ang nangangailangan. Sa panahon na kayo naman ang mangailangan, at sila ang masagana, sila naman ang tutulong sa inyo. Sa ganoon, magkakapantay-pantay ang kalagayan ng isaʼt isa. Ayon nga sa Kasulatan, “Ang nagtipon ng marami ay hindi sumobra, at ang nagtipon ng kaunti ay hindi naman kinulang.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 132:13-15

Hinangad at pinili ng Panginoon ang Zion na maging tahanan niya. Sinabi niya, “Ito ang aking tirahan magpakailanman; dito ako maninirahan dahil ito ang nais ko. Bibigyan ko ang Zion ng lahat niyang pangangailangan, at kahit ang mga mamamayan niyang dukha ay bubusugin ko ng pagkain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:32

Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait sa halip ay ibinigay para sa atin, tiyak na ibibigay din niya sa atin ang lahat ng bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:12-13

Marunong akong mamuhay sa hirap o ginhawa. Natutunan ko na ang lahat ng ito, kaya maging anuman ang kalagayan ko, busog man o gutom, sagana o salat, kontento pa rin ako. Kaya kong harapin ang kahit anong kalagayan sa pamamagitan ng tulong ni Cristo na nagpapatatag sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:64

Panginoon, minamahal nʼyo ang lahat ng tao sa buong mundo. Ituro nʼyo sa akin ang inyong mga tuntunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 17:6

Dinadalhan siya ng mga uwak ng tinapay at karne tuwing umaga at gabi, at sa ilog siya umiinom.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:7-8

“Humingi kayo sa Dios, at bibigyan kayo. Hanapin ninyo sa kanya ang hinahanap nʼyo, at makikita ninyo. Kumatok kayo sa kanya, at pagbubuksan kayo. Sapagkat ang lahat ng humihingi ay nakakatanggap; ang naghahanap ay nakakakita; at ang kumakatok ay pinagbubuksan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 116:7

Magpapakatatag ako, dahil ang Panginoon ay mabuti sa akin,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 16:10-12

Ang taong mapagkakatiwalaan sa maliliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malalaking bagay. At ang taong madaya sa maliliit na bagay ay magiging madaya rin sa malalaking bagay. Kaya kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng kayamanan na talagang para sa inyo?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 111:9

Tinubos niya ang kanyang mga mamamayan, at gumawa siya ng kasunduan na pangwalang hanggan. Banal siya at kahanga-hanga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:6

Dadami ang kayamanan sa tahanan ng mga matuwid, ngunit anumang pag-aari ng masasama ay mawawala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 3:5

Kung sa aming sarili lamang, wala kaming sapat na kakayahang gawin ito. Lahat ng aming kakayahan ay mula sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 22:35

Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa mga tagasunod niya, “Noong suguin ko kayo nang walang dalang pitaka, bag, o sandalyas, kinulang ba kayo?” Sumagot sila, “Hindi po.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 41:10

Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:19

Sa panahon ng kahirapan hindi sila malalagay sa kahihiyan. Kahit na taggutom, magkakaroon pa rin sila ng kasaganaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:5-6

Magtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan. Alalahanin mo ang Panginoon sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 29:11

Alam ko kung paano ko tutuparin ang mga plano ko para sa kabutihan nʼyo at hindi sa kasamaan nʼyo, at plano para bigyan kayo ng pag-asa na magkaroon kayo ng mabuting kinabukasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 4:10

Nanalangin si Jabez sa Dios ng Israel, “Pagpalain nʼyo po sana ako at palawakin ang aking nasasakupan. Samahan nʼyo po ako at ilayo sa kapahamakan para hindi ako masaktan.” At dininig ng Dios ang kanyang kahilingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:21

Sumagot si Jesus, “Kung nais mong maging ganap sa harap ng Dios, umuwi ka at ipagbili ang iyong mga ari-arian at ipamigay mo ang pera sa mga mahihirap. At magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod sa akin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:5

Ang gawaing plinanong mabuti at pinagsikapan ay patungo sa kaunlaran, ngunit ang gawaing padalos-dalos ay maghahatid ng karalitaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:12

At dahil may pag-asa kayo sa buhay, magalak kayo. Magtiis kayo sa mga paghihirap at laging manalangin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 2:46-47

Araw-araw, nagtitipon sila sa templo at naghahati-hati ng tinapay sa kanilang mga bahay. Lubos ang kagalakan nila sa kanilang pakikibahagi sa pagkain, at palagi silang nagpupuri sa Dios. Nagustuhan sila ng lahat ng tao. Araw-araw ay idinaragdag sa kanila ng Panginoon ang mga taong kanyang inililigtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 147:14

Binibigyan niya ng kapayapaan ang inyong lugar, at binubusog niya kayo ng pinakamabuting trigo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 2:4-5

Ngunit napakamaawain ng Dios at napakadakila ng pag-ibig niya sa atin, na kahit itinuring tayong patay dahil sa mga kasalanan natin, muli niya tayong binuhay kasama ni Cristo. (Kaya naligtas tayo dahil lamang sa biyaya ng Dios.)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 9:16-17

Kinuha ni Jesus ang limang tinapay at dalawang isda. Tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Dios. Pagkatapos, hinati-hati niya ang tinapay at ibinigay sa mga tagasunod niya upang ipamigay sa mga tao. Kumain silang lahat at nabusog. Pagkatapos, tinipon nila ang natirang pagkain, at nakapuno sila ng 12 basket.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:9

Dahil pinaiinom niya ang mga nauuhaw, at pinakakain ang mga nagugutom.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 9:11

Pasasaganain kayo ng Dios sa lahat ng bagay para lagi kayong makatulong sa iba. At marami ang magpapasalamat sa Dios dahil sa tulong na ipinapadala ninyo sa kanila sa pamamagitan namin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:11

Bigyan nʼyo po kami ng aming pagkain sa araw-araw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 107:37-38

Nagsasabog sila ng binhi sa bukirin at nagtatanim ng ubas, kaya sagana sila pagdating ng anihan. Silaʼy pinagpapala ng Dios, at pinararami ang kanilang angkan. Kahit ang kanilang mga alagang hayop ay nadadagdagan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 41:49

Napakarami ng trigong naipon ni Jose; parang kasing dami ng buhangin sa tabing-dagat. Itinigil na lang niya ang pagtatakal nito dahil hindi na ito makayanang takalin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 8:2

Kahit na dumaranas sila ng maraming pagsubok, masayang-masaya pa rin sila. Kaya nga naging lubos silang mapagbigay sa kabila ng kanilang matinding kahirapan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:26

Ang taong tamad ay laging naghahangad na makatanggap, ngunit ang taong matuwid ay nagbibigay nang walang alinlangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 65:9

Inaalagaan nʼyo ang lupa at dinidiligan ng ulan. Pinabubunga at pinatataba nʼyo ito. Ang mga ilog, O Dios, ay patuloy nʼyong pinaaagos. Binibigyan nʼyo ng ani ang mga tao. Ganito ang itinakda ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 14:13-14

At anuman ang hilingin nʼyo sa aking pangalan ay gagawin ko upang maparangalan ang Ama sa pamamagitan ko na kanyang Anak. Oo, gagawin ko ang anumang hilingin ninyo sa aking pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 1:3

Purihin natin ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Dahil sa pakikipag-isa natin kay Cristo, ibinigay niya sa atin ang lahat ng pagpapalang espiritwal mula sa langit. Bago pa man niya likhain ang mundo, pinili na niya tayo para maging banal at walang kapintasan sa paningin niya. Dahil sa pag-ibig niya,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 15:6

Pagpapalain kayo ng Panginoon na inyong Dios ayon sa ipinangako niya sa inyo. Maraming bansa ang mangungutang sa inyo, pero kayo ay hindi mangungutang. Pamamahalaan ninyo ang maraming bansa pero hindi kayo mapamamahalaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:7

Kapag ginawa nʼyo ito, bibigyan kayo ng Dios ng kapayapaan na siyang mag-iingat sa puso ninyo at pag-iisip dahil kayoʼy nakay Cristo Jesus. At ang kapayapaang ito ay hindi kayang unawain ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 13:12

Sapagkat ang taong sumusunod sa narinig niyang katotohanan ay bibigyan pa ng higit na pang-unawa. Ngunit ang taong hindi sumusunod sa katotohanan, kahit ang kaunti niyang naunawaan ay kukunin pa sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Cronica 29:11-12

Makapangyarihan kayo, kagalang-galang, dakila, at kapuri-puri! Sapagkat sa inyo ang lahat ng bagay na nasa langit at nasa lupa. Kayo ang hari, O Panginoon, at higit kayo sa lahat! Sa inyo nagmumula ang kayamanan at karangalan. Kayo ang namamahala sa lahat ng bagay. Makapangyarihan kayo, at kayo ang nagpapalakas at nagbibigay kapangyarihan sa sinuman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:2

Ang Panginoon ang lumikha sa tao, mayaman man o mahirap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 30:23

Bibigyan kayo ng Panginoon ng ulan sa panahon ng pagtatanim, at magiging sagana ang inyong ani. At ang inyong mga hayop ay manginginain sa malawak na pastulan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 23:5

Ipinaghanda nʼyo ako ng piging sa harap ng aking mga kaaway. Pinahiran nʼyo ng langis ang aking ulo, tanda ng inyong pagtanggap at parangal sa akin. At hindi nauubusan ng laman ang aking inuman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 17:7-8

Pero mapalad ang taong nagtitiwala at lubos na umaasa lamang sa akin. Matutulad siya sa punongkahoy na itinanim sa tabi ng ilog na ang mga ugat ay umaabot sa tubig. Ang punongkahoy na itoʼy hindi manganganib, dumating man ang tag-init o mahabang tag-araw. Palaging sariwa ang mga dahon nito at walang tigil ang pamumunga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 28:3-6

“Pagpapalain niya ang mga lungsod at mga bukid ninyo. “Aagawin ng ibang lalaki ang babaeng magiging asawa ninyo. Magpapatayo kayo ng mga bahay pero hindi kayo ang titira rito. Magtatanim kayo ng ubas pero hindi kayo ang makikinabang sa mga bunga nito. Kakatayin ang baka ninyo sa inyong harapan, pero hindi ninyo ito makakain. Pipiliting kunin sa inyo ang inyong mga asno, at hindi na ito ibabalik sa inyo. Ibibigay ang inyong mga tupa sa inyong mga kaaway, at walang tutulong sa inyo upang mabawi ito. Habang nakatingin kayo, bibihagin ang mga anak ninyo ng mga taga-ibang bansa, at araw-araw kayong aasang babalik sila, pero wala kayong magagawa. Kakainin ng mga taong hindi ninyo nakikilala ang pinaghirapan ninyo, at palagi kayong aapihin at pahihirapan. At kapag nakita ninyo itong lahat, mababaliw kayo. Patutubuan kayo ng Panginoon ng mga bukol na hindi gumagaling mula sa sakong hanggang sa ulo ninyo. “Kayo at ang pinili ninyong hari ay ipapabihag ng Panginoon sa bansang hindi ninyo kilala maging ng inyong mga ninuno. Doon, sasamba kayo sa ibang mga dios na gawa sa kahoy at bato. Kasusuklaman kayo, hahamakin, at kukutyain ng mga naninirahan sa mga bansa kung saan kayo binihag. “Marami ang itatanim ninyo pero kakaunti lang ang inyong aanihin, dahil kakainin ito ng mga balang. Magtatanim kayo ng ubas at aalagaan ninyo ito, pero hindi kayo makakapamitas ng bunga nito o makakainom ng katas mula rito, dahil kakainin ito ng mga uod. Pagpapalain niya kayo ng maraming anak, masaganang ani at maraming hayop. Magtatanim kayo ng maraming olibo kahit saan sa inyong lugar, pero wala kayong makukuhang langis mula rito, dahil malalaglag ang mga bunga nito. Magkakaanak kayo pero, mawawala sila sa inyo dahil bibihagin sila. Kakainin ng maraming insekto ang lahat ng inyong puno at pananim. “Unti-unting magiging makapangyarihan ang mga dayuhang naninirahang kasama ninyo habang kayo naman ay unti-unting manghihina. Papautangin nila kayo pero hindi kayo makapagpapautang sa kanila. Sila ang mamumuno sa inyo at kayo ang susunod sa kanila. Mangyayari ang lahat ng sumpang ito sa inyo hanggang sa mamatay kayo, kung hindi ninyo susundin ang Panginoon na inyong Dios at ang kanyang mga utos at mga tuntunin na ibinigay niya sa inyo. Magiging babala sa inyo at sa inyong mga salinlahi ang mga sumpang ito magpakailanman. Dahil hindi kayo naglingkod nang may kaligayahan at kagalakan sa Panginoon na inyong Dios sa panahon ng inyong kasaganaan, ibibigay niya kayo sa mga kaaway na ipinadala niya sa inyo at maglilingkod kayo sa kanila. Gugutumin kayo, uuhawin, kukulangin ng damit at mawawalan ng lahat ng bagay. Pahihirapan niya kayo na parang kinabitan ng pamatok na bakal sa leeg hanggang sa mamatay kayo. “Ipapasalakay kayo ng Panginoon sa isang bansa na mula sa malayong lugar, sa dulo ng mundo, na hindi ninyo maintindihan ang salita. Sasalakayin nila kayo katulad ng pagsila ng agila sa mga kaaway. Pagpapalain niya kayo ng masaganang ani at pagkain. Mababangis sila at walang awa sa matanda man o bata. Kakainin nila ang mga hayop at mga ani ninyo hanggang sa mamatay kayo. Wala silang ititirang trigo, bagong katas ng ubas, langis o hayop hanggang sa malipol kayo. Sasalakayin nila ang lahat ng lungsod na ibinibigay ng Panginoon na inyong Dios sa inyo hanggang sa gumuho ang nagtataasang pader nito na pinagtitiwalaan ninyo. “Sa panahong pinapalibutan kayo ng mga kaaway, kakainin ninyo ang inyong mga anak na ibinigay sa inyo ng Panginoon na inyong Dios dahil sa sobrang gutom. Kahit na ang mahinahon at napakabait na tao sa inyo ay hindi na maaawa sa kanyang kapatid, sa minamahal niyang asawa at sa natira niyang anak. Hindi niya sila bibigyan ng kinakain niyang laman ng kanyang anak dahil natatakot siyang maubusan ng pagkain. Ganyan ang mangyayari sa inyo sa panahon na papalibutan ng inyong mga kaaway ang lahat ng lungsod ninyo. Kahit na ang mahinhin at napakabait na babae ay magiging mabangis sa kanyang minamahal na asawaʼt mga anak. Itatago niya ang kanyang anak na kapapanganak pa lang at ang inunan nito para kainin nang lihim, dahil natatakot siyang walang makain habang pinapalibutan ng inyong mga kaaway ang mga lungsod. “Kung hindi ninyo susunding mabuti ang lahat ng mga utos na nakasulat sa aklat na ito, at hindi igagalang ang kahanga-hanga at kamangha-manghang pangalan ng Panginoon na inyong Dios, padadalhan niya kayo at ang inyong mga lahi ng malulubhang karamdaman na sobrang sakit at wala nang lunas para rito. Pagpapalain niya ang lahat ng ginagawa ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 6:6-8

Kung sabagay, daig pa ng taong namumuhay nang banal at kontento na sa kalagayan ang mayaman. Ang totoo, wala tayong dinala sa mundong ito, at wala rin tayong madadala pag-alis dito. Kaya kung mayroon na tayong pagkain at pananamit, dapat na tayong makontento.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 12:24

Tingnan ninyo ang mga uwak. Hindi sila nagtatanim, o nag-aani, o nag-iipon sa mga bodega, pero pinakakain sila ng Dios. Higit kayong mahalaga kaysa sa mga ibon!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 24:35

Pinagpala ng Panginoon ang aking amo at napakayaman na niya ngayon. Binigyan siya ng Panginoon ng maraming tupa, kambing, baka, kamelyo, asno, pilak, ginto at mga aliping lalaki at babae.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:27

Ang taong mapagbigay sa mahihirap ay hindi kukulangin, ngunit ang nagbubulag-bulagan ay makakatanggap ng mga sumpa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:7

Ipagkatiwala nʼyo sa kanya ang lahat ng kabalisahan nʼyo, dahil nagmamalasakit siya sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 1:21

Sinabi niya, “Ipinanganak akong walang dala at mamamatay din akong walang dala. Ang Panginoon ang nagbigay ng lahat ng mayroon ako at ang Panginoon din ang kumuha nito. Purihin ang pangalan ng Panginoon!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 105:37

Pagkatapos nito, pinalabas niya ang mga taga-Israel sa lupain ng Egipto na wala ni isa mang napahamak, at may dala pa silang mga pilak at ginto. At sa kanilaʼy wala ni isa mang napahamak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 11:33

Napakadakila ng kabutihan ng Dios! Napakalalim ng kanyang karunungan at kaalaman! Hindi natin kayang unawain ang kanyang mga pasya at pamamaraan!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 2:3

at sundin ang mga iniuutos ng Panginoon na iyong Dios. Sumunod ka sa kanyang mga pamamaraan, mga tuntunin at mga utos na nakasulat sa Kautusan ni Moises para magtagumpay ka sa lahat ng gagawin mo, saan ka man magpunta.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 10:30-31

Mas lalo na kayo, maging ang bilang ng inyong mga buhok ay alam niya. Kaya huwag kayong matakot, dahil mas mahalaga kayo kaysa sa maraming maya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:2

Ituon natin ang ating paningin kay Jesus na siyang sandigan ng pananampalataya natin mula sa simula hanggang sa katapusan. Tiniis niya ang paghihirap sa krus at hindi niya ito ikinahiya, dahil inisip niya ang kaligayahang naghihintay sa kanya. At ngayon nga ay nakaupo na siya sa kanan ng trono ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:4-5

Magalak kayong lagi sa Panginoon! Inuulit ko, magalak kayo! Ipakita nʼyo sa lahat ang kagandahang-loob ninyo. Malapit nang dumating ang Panginoon!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 100:4-5

Pumasok kayo sa kanyang templo nang may pagpapasalamat at pagpupuri. Magpasalamat kayo at magpuri sa kanya. Dahil mabuti ang Panginoon; ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan, at ang kanyang katapatan ay magpakailanman!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:31-33

Kaya huwag kayong mag-alala kung ano ang inyong kakainin, iinumin, o susuotin. Ang mga bagay na ito ang pinapahalagahan ng mga taong hindi kumikilala sa Dios. Ngunit alam ng inyong Amang nasa langit na kailangan ninyo ang mga bagay na ito. Kaya unahin ninyo ang mapabilang sa kaharian ng Dios at ang pagsunod sa kanyang kalooban, at ibibigay niya ang lahat ng pangangailangan ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 2:9

Ganito nga ang sinasabi ng Kasulatan, “Wala pang taong nakakita, nakarinig, o nakaisip sa mga bagay na inihanda ng Dios para sa mga nagmamahal sa kanya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 3:8

Alam ko ang mga ginagawa ninyo. Kahit kakaunti ang inyong kakayahan, sinunod ninyo ang mga turo ko at naging tapat kayo sa akin. Kaya nagbukas ako ng pintuan para sa inyo na walang sinumang makapagsasara.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Dakilang Diyos, Amang Walang Hanggan! Purihin Ka po sa Iyong katarungan, kabanalan, at sa Iyong pagiging karapat-dapat sa lahat ng papuri at pagsamba! Lumapit po ako sa Iyo ngayon sa pamamagitan ng Panginoong Hesukristo upang magpasalamat sa Iyong kabutihan at sa bawat biyayang ipinagkaloob Mo sa aking buhay. Kalooban Mo po na ako'y umunlad sa lahat ng bagay, upang ang Iyong presensya ay masasalamin sa bawat aspeto ng aking buhay. Tulungan Mo po akong maunawaan na kahit sa gitna ng mga pagsubok, sa pamamagitan lamang ng Iyong Banal na Espiritu ako magkakaroon ng matagumpay at pinagpalang buhay. Sabi Mo po sa Iyong salita: "Sapagka't Ikaw, Oh Panginoon, ay magpapala sa matuwid; Iyong kukubkubin siya ng biyaya na parang isang kalasag." Salamat po sa Iyong natatanging pagpapala, sa pagpapagaling, paglalaan, at pag-iingat sa aking buhay. Pinagpala Mo po ako sa pamamagitan ng paglalagay ng mga tamang tao sa aking landas, sa tamang panahon. Sapagkat ginawa Mo akong higit pa sa isang mananagumpay sa bawat laban, ipinagkaloob Mo sa akin ang tagumpay, kaya naman, sa Iyo ko po iaalay ang lahat ng kapurihan at karangalan. Panginoon, tulungan Mo po ako higit sa lahat na maingatan ang aking puso mula sa kayabangan at pagmamataas. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas