Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


MGA TALATA TUNGKOL SA PAGKAIBIGAN

MGA TALATA TUNGKOL SA PAGKAIBIGAN

Napapaligiran si Hesus ng mga kaibigan at nag-iwan Siya sa atin ng magandang halimbawa ng pakikipagkaibigan. Napakahalaga ng isang kaibigan sa buhay natin. Sinasabi nga sa Biblia, “Mas mabuti ang dalawa kaysa sa isa, dahil kung madapa ang isa, maitatayo siya ng kasama niya.” Tunay na biyaya at pribilehiyo ang pagkakaroon ng mabuti at totoong kaibigan.

Parang kapatid ang isang kaibigan sa panahon ng kagipitan. Payo at suporta ang maibibigay niya. Nakikigalak siya sa iyong mga tagumpay at karamay sa oras ng kalungkutan. Lagi niyang hangad ang iyong ikabubuti at ikasusulong, at tinutulungan ka pa niyang mapalapit sa Diyos.

Sa iba't ibang yugto ng buhay natin, nandiyan ang ating mga kaibigan. Sila ang nagiging pamilya natin kaya napakahalagang malaman mong mayroon kang kaibigan na dalisay ang pakikipagkaibigan. "Walang may higit na pag-ibig kaysa rito, na ibigay ng isang tao ang kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan." (Juan 15:13)




Juan 15:14

Mga kaibigan ko kayo kung sinusunod nʼyo ang aking mga utos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 3:20

Narito ako sa labas ng pintuan ninyo at kumakatok. Kung may makarinig sa akin at buksan ang pinto, papasok ako at magsasalo kami sa pagkain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 33:11

Kapag nakikipag-usap ang Panginoon kay Moises, magkaharap sila, katulad ng magkaibigan na nagkukwentuhan. Pagkatapos, bumabalik si Moises sa kampo, pero ang binata niyang lingkod na si Josue na anak ni Nun ay nananatili sa Tolda.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 15:15

Hindi ko na kayo itinuturing na alipin, dahil hindi alam ng alipin kung ano ang ginagawa ng kanyang amo. Sa halip, itinuturing ko na kayong mga kaibigan, dahil sinasabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking Ama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 41:8

“Pero ikaw, Israel, na aking lingkod at pinili na mula sa lahi ni Abraham na aking kaibigan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 2:15

Huwag ninyong ibigin ang mundo o ang mga makamundong bagay. Ang umiibig sa mga ito ay hindi umiibig sa Ama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 2:23

Natupad ang sinasabi ng Kasulatan, “Sumampalataya si Abraham sa Dios, at dahil dito, itinuring siyang matuwid. Tinawag pa nga siyang kaibigan ng Dios.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 4:4

Kayong mga hindi tapat sa Dios, hindi nʼyo ba alam na kaaway ng Dios ang umiibig sa mundo? Kaya ang sinumang nagnanais makipagkaibigan sa mundo ay ginagawa niyang kaaway ng Dios ang sarili niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:11

Ang taong may malinis na puso at mahinahon magsalita ay magiging kaibigan ng hari.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Mga Cronica 20:7

O Dios namin, hindi baʼt itinaboy nʼyo po ang mga nakatira sa lupaing ito sa pamamagitan ng inyong mga mamamayan? At hindi ba ibinigay nʼyo po ito sa kanila na mga lahi ni Abraham na inyong kaibigan, para maging kanila magpakailanman?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 15:12-13

Ito ang aking utos sa inyo: magmahalan kayo katulad ng pagmamahal ko sa inyo. Wala nang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 22:21-25

“Job, magpasakop ka sa Dios at makipagkasundo ka sa kanya upang pagpalain ka niya. Tanggapin mo ang kanyang mga itinuturo at ingatan mo sa iyong puso ang kanyang mga salita. Kung manunumbalik ka sa Dios na Makapangyarihan, at aalisin ang kasamaan sa sambahayan mo, pagpapalain ka niyang muli. Huwag mong pahalagahan ang iyong kayamanan; ituring mo ito na parang buhangin o batong nasa ilog. At ang Dios na Makapangyarihan ang ituring mong ginto at mamahaling pilak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 3:29

Kagaya sa isang kasal: ang babaeng ikakasal ay para sa lalaking ikakasal, at ang abay na naghihintay ay natutuwa sa pagdating ng lalaking ikakasal. Ganoon din sa akin, tuwang-tuwa ako ngayon na lumalapit na ang mga tao kay Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 15:13

Wala nang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 55:14

Dati, malapit kami sa isaʼt isa, at magkasama pa kaming pumupunta sa templo ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 25:14

Panginoon, kayoʼy malapit sa mga taong may takot sa inyo, at pinapaalala nʼyo sa kanila ang inyong kasunduan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 12:50

Sapagkat ang sinumang sumusunod sa kalooban ng aking Ama sa langit ang siya kong ina at mga kapatid.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 27:4

Isang bagay ang hinihiling ko sa Panginoon, ito ang tanging ninanais ko: na akoʼy manirahan sa kanyang templo habang akoʼy nabubuhay, upang mamasdan ang kanyang kadakilaan, at hilingin sa kanya ang kanyang patnubay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 63:1-3

O Dios, kayo ang aking Dios. Hinahanap-hanap ko kayo. Nananabik ako sa inyo nang buong pusoʼt kaluluwa, na tulad ng lupang tigang sa ulan. Mamamatay sila sa labanan at ang kanilang mga bangkay ay kakainin ng mga asong-gubat. Matutuwa ang hari sa ginawa ng Dios sa kanya. Matutuwa rin ang mga nangako sa Panginoon. Ngunit ang lahat ng sinungaling ay patatahimikin ng Panginoon! Nakita ko ang inyong kapangyarihan at kaluwalhatian sa inyong templo. Ang inyong pag-ibig ay mahalaga pa kaysa sa buhay, kaya pupurihin ko kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 73:28

Ngunit ako, minabuti kong maging malapit sa Dios. Kayo, Panginoong Dios, ang pinili kong kanlungan, upang maihayag ko ang lahat ng inyong mga ginawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:21

“Marami ang tumatawag sa akin ng ‘Panginoon’, pero hindi ito nangangahulugan na makakapasok sila sa kaharian ng langit. Ang mga tao lang na sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit ang mapapabilang sa kanyang kaharian.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 15:5

“Ako ang puno ng ubas, at kayo ang aking mga sanga. Ang taong nananatili sa akin at ako rin sa kanya ay mamumunga nang marami. Sapagkat wala kayong magagawa kung hiwalay kayo sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:63

Akoʼy kaibigan ng lahat ng may takot sa inyo at sumusunod sa inyong mga tuntunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:18

Kayoʼy malapit sa lahat ng tapat na tumatawag sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:32

Sapagkat nasusuklam ang Panginoon sa mga taong baluktot ang pag-iisip, ngunit nagtitiwala siya sa mga namumuhay nang matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 91:14-15

Sinabi ng Dios, “Ililigtas ko at iingatan ang umiibig at kumikilala sa akin. Kapag tumawag siya sa akin, sasagutin ko siya; sa oras ng kaguluhan, sasamahan ko siya. Ililigtas ko siya at pararangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:17

Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon, at nagkaroon tayo ng kapatid upang sa kagipitan ay tumulong.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 5:10

Datiʼy kaaway tayo ng Dios, pero ngayon, tinanggap na niya tayong mga kaibigan sa pamamagitan ng pagkamatay ng kanyang Anak. At ngayong mayroon na tayong magandang relasyon sa Dios, tiyak na ililigtas niya tayo sa kaparusahan sa pamamagitan ng buhay ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 18:24

May mga pagkakaibigang hindi nagtatagal, ngunit may pagkakaibigan din na higit pa sa magkapatid ang pagsasamahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:21-22

Noong una ay malayo kayo sa Dios, at naging kaaway niya dahil sa kasamaan ng inyong pag-iisip at mga gawa. Pero ngayon, ibinalik na niya kayo sa kanyang sarili sa pamamagitan ng kamatayan ng katawang-tao ni Cristo. Kaya maihaharap na kayo sa kanya na banal, malinis at walang kapintasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 18:17-19

Sinabi ng Panginoon, “Hindi ko itatago kay Abraham ang gagawin ko. Talagang magiging malaki at makapangyarihang bansa ang mga lahi niya sa hinaharap. At sa pamamagitan niya, makakatanggap ng pagpapala ang ibang mga bansa. Pinili ko siya para ipatupad niya sa mga anak at mga lahi niya ang utos ko na gumawa sila ng tama at matuwid. Sa ganoong paraan, matutupad ang aking pangako sa kanya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 9:23-24

Hindi dapat ipagmalaki ng marunong ang karunungan niya, o ng malakas ang kalakasan niya, o ng mayaman ang kayamanan niya. Kung gusto ng sinuman na magmalaki, dapat lang niyang ipagmalaki na kilala niya ako at nauunawaan niyang ako ang Panginoong mapagmahal na gumagawa ng tama at matuwid dito sa mundo, dahil iyon ang kinalulugdan ko. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Amos 3:3

Maaari bang magsama sa paglalakbay ang dalawang tao kung hindi sila magkasundo?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 6:8

Sumagot si Micas: Tinuruan tayo ng Panginoon kung ano ang mabuti. At ito ang nais niyang gawin natin: Gawin natin ang matuwid, pairalin natin ang pagkamaawain sa iba at buong pagpapakumbabang sumunod sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 14:21

“Ang sinumang tumatanggap at sumusunod sa mga utos ko ang siyang nagmamahal sa akin. At ang nagmamahal sa akin ay mamahalin din ng aking Ama. Mamahalin ko rin siya, at ipapakilala ko ang aking sarili sa kanya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 11:6

Hindi makapagbibigay-lugod sa Dios ang taong walang pananampalataya, dahil ang sinumang lumalapit sa kanya ay dapat maniwalang may Dios at nagbibigay siya ng gantimpala sa mga taong humahanap sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:9

Ngunit kayoʼy mga taong pinili, mga maharlikang pari, at mga mamamayan ng Dios. Pinili kayo ng Dios na maging kanya upang ipahayag ninyo ang kahanga-hanga niyang mga gawa. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman tungo sa kahanga-hanga niyang kaliwanagan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 15:13-15

Wala nang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan. Mga kaibigan ko kayo kung sinusunod nʼyo ang aking mga utos. Hindi ko na kayo itinuturing na alipin, dahil hindi alam ng alipin kung ano ang ginagawa ng kanyang amo. Sa halip, itinuturing ko na kayong mga kaibigan, dahil sinasabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking Ama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:7-8

“Humingi kayo sa Dios, at bibigyan kayo. Hanapin ninyo sa kanya ang hinahanap nʼyo, at makikita ninyo. Kumatok kayo sa kanya, at pagbubuksan kayo. Sapagkat ang lahat ng humihingi ay nakakatanggap; ang naghahanap ay nakakakita; at ang kumakatok ay pinagbubuksan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 5:10-11

Datiʼy kaaway tayo ng Dios, pero ngayon, tinanggap na niya tayong mga kaibigan sa pamamagitan ng pagkamatay ng kanyang Anak. At ngayong mayroon na tayong magandang relasyon sa Dios, tiyak na ililigtas niya tayo sa kaparusahan sa pamamagitan ng buhay ni Cristo. Hindi lang iyan, nagagalak tayo sa relasyon natin sa Dios ngayon dahil sa ginawa ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Naibalik na ang magandang relasyon natin sa Dios dahil sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 1:9

Tapat ang Dios na tumawag sa inyo upang makipag-isa sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo na ating Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:13

Kung paanong ang ama ay nahahabag sa kanyang mga anak, ganoon din ang pagkahabag ng Panginoon sa mga may takot sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 5:18-19

Ang lahat ng itoʼy gawa ng Dios na nagpanumbalik sa atin sa kanya sa pamamagitan ni Cristo. At ibinigay niya sa amin ang tungkuling papanumbalikin ang mga tao sa kanya. At ito nga ang aming ibinabalita: Pinapanumbalik ng Dios ang mga tao sa kanya sa pamamagitan ni Cristo, at hindi na ibinibilang na laban sa kanila ang kanilang mga kasalanan. At kami ang kanyang pinagkatiwalaan na magpahayag ng mensaheng ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:4

Sa Panginoon mo hanapin ang kaligayahan, at ibibigay niya sa iyo ang ninanais mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 2:13

Ngunit kayo ngayon ay na kay Cristo na. Malayo kayo noon sa Dios, pero ngayon ay malapit na kayo sa kanya sa pamamagitan ng dugo ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 3:12

Sa pananampalataya natin kay Cristo Jesus at pakikipag-isa sa kanya, tayo ngayon ay malaya nang makakalapit sa Dios nang walang takot o pag-aalinlangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 1:20-22

at sa pamamagitan ni Cristo, ipagkakasundo sa kanya ang lahat ng nilikha sa langit at sa mundo. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng dugo ni Cristo sa krus. Noong una ay malayo kayo sa Dios, at naging kaaway niya dahil sa kasamaan ng inyong pag-iisip at mga gawa. Pero ngayon, ibinalik na niya kayo sa kanyang sarili sa pamamagitan ng kamatayan ng katawang-tao ni Cristo. Kaya maihaharap na kayo sa kanya na banal, malinis at walang kapintasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:22

lumapit tayo sa kanya nang may tapat na puso at matatag na pananampalataya, dahil nilinis na ng dugo ni Jesus ang mga puso natin mula sa maruming pag-iisip, at nahugasan na ang mga katawan natin ng malinis na tubig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 4:8

Lumapit kayo sa Dios at lalapit din siya sa inyo. Kayong mga makasalanan, mamuhay kayo nang malinis. At kayong mga nagdadalawang-isip, linisin nʼyo ang inyong puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 1:3

Ipinapahayag namin sa inyo ang nakita at narinig namin upang maging kaisa namin kayo sa Ama at sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:7-8

Mga minamahal, mag-ibigan tayo dahil ang pag-ibig ay mula sa Dios. Ang umiibig sa kanyang kapwa ay anak ng Dios at kumikilala sa Dios. Ang sinumang hindi umiibig sa kanyang kapwa ay hindi kumikilala sa Dios dahil ang Dios ay pag-ibig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Mahal na Diyos, sa iyo ang lahat ng kapurihan at karangalan! Salamat po dahil ikaw ang bukal ng lahat ng bagay, at mula lamang sa iyo nagmumula ang wagas at tunay na pag-ibig at pagkakaibigan. Hinihiling ko po na pagpalain mo ang buhay ng aking mga kaibigan, bigyan mo sila ng lakas upang sa kanilang mga puso ay laging mangingibabaw ang pagmamahalan at pagkakaibigan, anuman ang pagdaanan o kaharapin. Dalangin ko rin po na araw-araw ay patatagin mo ang aming pagsasamahan, tulad ng pagkakaibigan nina David at Jonathan. Sabi nga po sa iyong salita, “Ang nagnanais na magkaroon ng kaibigan ay dapat maging kaibigan din.” Panginoon, sila po ay tunay na napatunayang mga kaibigan sa oras ng aking pangangailangan at paghihirap, nang marami ang lumisan, sila ay nanatili sa aking tabi. Ama, tulungan mo po ako at bigyan ng karunungan upang mapahalagahan at maalagaan ang kanilang pagkakaibigan. Nawa’y araw-araw ay magkasama kaming lumakad, hawak ang kamay ng Espiritu Santo, upang buong tapang naming maharap ang anumang pagsubok at hamon, dahil sa iyong kamay lamang nagmumula ang aming tagumpay. Ingatan mo po ang aking puso, nawa’y walang anumang makasira o makahawa sa aming pagkakaibigan. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas