Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


103 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pagsisinungaling

103 Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Pagsisinungaling

Isipin mo, kaibigan, ang pagsisinungaling, hindi 'yan basta-basta. Sa harap ng Diyos, mabigat ang kasalanan ng pagsisinungaling at may mapait na bunga para sa gumagawa nito lalo na kapag nabunyag. Huwag kang magsisinungaling para lang makaiwas sa responsibilidad o para magpalakas sa iba. Dahil sa pagsisinungaling, mawawala ang tiwala sa'yo ng mga tao.

Kapag nagsisinungaling ka, pinipili mo 'yun. At kung hindi ka man nakokonsensya, baka dahil nawawala na ang takot mo sa Diyos at nasanay ka na sa pagsisinungaling. Kung kaya mo nang magsinungaling habang nakatingin sa mata ng kapwa mo, delikado na 'yan. Hindi lang dahil sa ginagawa mo sa kanya, kundi dahil wala ka nang pakialam kung paano ka titingnan ng Diyos.

Kapag naging sinungaling ka na, lumalayo ang loob mo sa iba. Baka sa una, iniisip mong okay lang magsinungaling nang minsan, pero kapag inulit mo, para kang nagbukas ng pinto. At kapag narealize mo na ang mali mo, huli na ang lahat, hindi ka na makatigil at malaki na ang butas na nagawa mo. Ang pagsisinungaling ay maglalayo sa'yo sa Diyos at mawawala pa ang mga mahalagang kaibigan at karelasyon mo.

Niloloko lang ng sinungaling ang sarili niya. Nawawala ang respeto, paghanga, at tiwala sa kanya. Ngayong alam mo na ito, mag-ingat ka sa mga salitang lumalabas sa bibig mo. Huwag mong hayaang maging alipin ka ng masasamang espiritu na ayaw mong magsabi ng totoo.

Ang pagsisinungaling ay parang bitag na makakalaya ka lang kung aaminin mo ang iyong mga kasalanan kay Kristo, lalayo sa kasamaan, at magiging tapat sa lahat ng oras. Ang pagsisinungaling ay maglalayo sa'yo sa Diyos, huwag mong hayaang mabuhay nang wala Siya sa buhay mo. May oras ka pa para ituwid ang landas mo at gawin ang tama. Nasa Bibliya rin naman 'yan.




Pahayag 22:15

Pero maiiwan sa labas ang masasamang tao, mga mangkukulam, mga imoral, mga mamamatay-tao, mga sumasamba sa mga dios-diosan, at ang lahat ng nabubuhay sa kasinungalingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:9

Huwag kayong magsinungaling sa isaʼt isa, dahil hinubad nʼyo na ang dati ninyong pagkatao at masasamang gawain,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:5

Ang taong matuwid ay namumuhi sa kasinungalingan, ngunit ang taong masama ay gumagawa ng mga bagay na kahiya-hiya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:163

Namumuhi ako at nasusuklam sa kasinungalingan, ngunit iniibig ko ang inyong kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:5

Ang saksing sinungaling ay parurusahan, at ang nagsisinungaling ay hindi makakatakas sa kaparusahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:16

“Huwag kayong sasaksi ng hindi totoo sa inyong kapwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Pahayag 21:8

Pero nakakatakot ang sasapitin ng mga duwag, mga ayaw sumampalataya sa akin, marurumi ang gawain, mga mamamatay-tao, mga imoral, mga mangkukulam, mga sumasamba sa mga dios-diosan, at lahat ng sinungaling. Itatapon sila sa nagliliyab na lawang apoy at asupre, na siyang ikalawang kamatayan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 5:3

Agad namang nagtanong si Pedro, “Ananias, bakit ka nagpalinlang kay Satanas? Nagsisinungaling ka sa Banal na Espiritu dahil binawasan mo ang pinagbilhan ng lupa ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 1:10

Ang Kautusan ay ibinigay din para sa mga gumagawa ng sekswal na imoralidad, mga nakikipagtalik sa kapwa lalaki, kidnaper, sinungaling at tumetestigo nang hindi totoo, at sa sinumang sumasalungat sa tamang aral

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:19

Ang katotohanan ay mananatili kailanman, ngunit hindi magtatagal ang kasinungalingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 101:7

Ang mga mandaraya at mga sinungaling ay hindi ko papayagang tumahan sa aking palasyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:5

Ang tapat na saksi ay hindi nagsisinungaling, ngunit pawang kasinungalingan ang sinasabi ng saksing sinungaling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:7

Hindi bagay sa hangal ang magsalita ng mabuti, at lalong hindi bagay sa isang namumuno ang magsinungaling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:16-19

May mga bagay na kinamumuhian ang Panginoon: ang pagmamataas, ang pagsisinungaling, ang pagpatay ng tao, ang pagpaplano ng masama, ang pagmamadaling gumawa ng masama, ang pagpapatotoo sa kasinungalingan, at pinag-aaway ang kanyang kapwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zefanias 3:13

Ang mga Israelitang ito ay hindi gagawa ng masama; hindi sila magsisinungaling o mandadaya. Kakain at matutulog silang payapa at walang kinatatakutan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 19:18-19

Dapat itong imbestigahang mabuti ng mga hukom, at kung mapapatunayang nagsisinungaling nga ang saksi sa pamamagitan ng pambibintang sa kanyang kapwa, dapat siyang parusahan ng parusang dapat sana ay sa taong pinagbintangan niya. Sa pamamagitan nito, mawawala ang masasamang gawa sa inyong bansa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:22

Nasusuklam ang Panginoon sa mga nagsasabi ng kasinungalingan, ngunit nalulugod siya sa nagsasabi ng katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:25

Kaya huwag na kayong magsisinungaling. Ang bawat isaʼy magsabi ng katotohanan sa kanyang mga kapatid kay Cristo, dahil kabilang tayong lahat sa iisang katawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 3:13-14

“Ang kanilang pananalitaʼy hindi masikmura tulad ng bukas na libingan. Ang kanilang sinasabiʼy puro pandaraya. Ang mga salita nilaʼy parang kamandag ng ahas. Ang lumalabas sa kanilang bibig ay panay pagmumura at masasakit na salita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 8:44

Ang diyablo ang inyong ama. At kung ano ang gusto niya, iyon ang ginagawa ninyo. Siyaʼy mamamatay-tao mula pa sa simula, at ayaw niya ng katotohanan dahil walang katotohanan sa kanya. Likas sa kanya ang pagsisinungaling dahil sinungaling siya, at siya ang pinagmumulan ng lahat ng kasinungalingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:10

Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, “Ang sinumang nagnanais ng maligaya at masaganang pamumuhay ay hindi dapat magsalita ng masama at kasinungalingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 52:2-4

Sa pagbabalak mo ng masama laban sa iba, kasintalim ng pang-ahit ang iyong dila, at lagi kang nagsisinungaling. Minamahal mo ang kasamaan kaysa sa kabutihan, at mas nais mong magsinungaling kaysa magsabi ng katotohanan. Taong sinungaling, ang gusto moʼy makapanakit ng iba sa pamamagitan ng iyong pananalita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 8:16

Ito ang dapat ninyong gawin: Magsabi kayo ng totoo sa isaʼt isa. Humatol kayo nang tama sa inyong mga hukuman para sa ikabubuti ng lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 3:14-15

Kung pagkainggit at pagkamakasarili naman ang umiiral sa inyong puso, huwag ninyong ipagyabang na may karunungan kayo, dahil pinasisinungalingan nʼyo ang katotohanan. Ang ganitong karunungan ay hindi nagmumula sa Dios kundi sa mundo. Mula ito sa diyablo at hindi sa Banal na Espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:18

Ang nagkikimkim ng galit ay sinungaling, at ang naninira sa kanyang kapwa ay hangal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 5:6

Lilipulin nʼyo ang mga sinungaling. Kinasusuklaman nʼyo ang mga mamamatay-tao at mga mandaraya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:1

“Huwag kayong magbabalita ng kasinungalingan. Huwag kayong magsisinungaling para tumulong sa isang taong masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:29

Naging alipin sila ng lahat ng uri ng kasamaan, kalikuan, kasakiman at masasamang hangarin. Silaʼy mainggitin, mamamatay-tao, mapanggulo, mandaraya, at laging nag-iisip ng masama sa kanilang kapwa. Silaʼy mga tsismosoʼt tsismosa

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 15:19

Sapagkat sa puso ng tao nagmumula ang masasamang pag-iisip na nagtutulak sa kanya para pumatay, mangalunya, gumawa ng sekswal na imoralidad, magnakaw, magsinungaling at manira ng kapwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 30:8

Una, tulungan nʼyo ako na huwag magsinungaling. Pangalawa, huwag nʼyo akong payamanin o pahirapin, sa halip bigyan nʼyo lamang ako ng sapat para sa aking mga pangangailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 2:4

Ang nagsasabing nakikilala niya ang Dios ngunit hindi naman sumusunod sa kanyang mga utos ay sinungaling, at wala sa kanya ang katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 27:35

Pero sumagot si Isaac, “Niloko ako ng nakababatang kapatid mo at nakuha na niya ang basbas ko na para sana sa iyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 120:2

Panginoon, iligtas nʼyo ako sa mga mandaraya at sinungaling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:17

Huwag ninyong gantihan ng masama ang mga gumagawa sa inyo ng masama. Gawin ninyo ang mabuti sa paningin ng lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 24:28

Huwag kang sasaksi sa iyong kapwa nang walang sapat na dahilan, o magsalita laban sa kanya ng kasinungalingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:7

“Huwag ninyong gagamitin ang pangalan ko sa walang kabuluhan. Ako ang Panginoon na inyong Dios, ang magpaparusa sa sinumang gagamit ng pangalan ko sa walang kabuluhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 58:3

Ang masasama ay lumalayo sa Dios at mula nang isilang ay nagsisinungaling na.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 5:2

Huwag kang pabigla-bigla sa pagsasalita. Mag-isip ka muna nang mabuti bago ka mangako sa Dios. Tandaan mo na ang Dios ay nasa langit at ikaw ay nandito sa lupa. Kaya mag-ingat ka sa pagsasalita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:6

Ang kayamanang nakuha sa pandaraya ay madaling mawala at maaaring humantong sa maagang kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 26:59-60

Doon sa loob, ang mga namamahalang pari at ang lahat ng miyembro ng Korte ng mga Judio ay nagsisikap na makakuha ng mga ebidensya laban kay Jesus upang mahatulan siya ng kamatayan. Nang si Jesus ay nasa Betania, sa bahay ni Simon na dating may malubhang sakit sa balat, Pero wala silang nakuha, kahit marami pa ang lumapit at sumaksi ng kasinungalingan. Nang bandang huli, may dalawang lalaking lumapit

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:29

Ilayo nʼyo ako mula sa paggawa ng masama, at tulungan nʼyo ako na sundin ang inyong kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 25:18

Ang taong sumasaksi ng kasinungalingan laban sa kanyang kapwa ay nakakapinsala tulad ng espada, pamalo at pana.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 4:2

Tinalikuran namin ang mga kahiya-hiya at patagong gawain. Hindi kami nanlilinlang, at hindi rin namin binabaluktot ang salita ng Dios. Pawang katotohanan ang ipinangangaral namin. Alam ito ng Dios, at malinis ang aming konsensya sa harap ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 101:2-3

Mamumuhay ako nang walang kapintasan. Kailan nʼyo ako lalapitan? Mamumuhay ako nang matuwid sa aking tahanan, at hindi ko hahayaan ang kasamaan. Namumuhi ako sa mga ginagawa ng mga taong tumatalikod sa Dios, at hindi ko gagawin ang kanilang ginagawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 2:21

Tinuturuan ninyo ang iba, pero bakit hindi ninyo maturuan ang inyong sarili? Nangangaral kayong huwag magnakaw, pero kayo mismoʼy nagnanakaw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:3

Ang pamumuhay nang may katapatan ang gagabay sa taong matuwid, ngunit ang taong mandaraya ay mapapahamak dahil hindi tama ang kanyang pamumuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:8

Pero ngayon, dapat na ninyong itakwil ang lahat ng ito: galit, poot, sama ng loob, paninira sa kapwa, at mga bastos na pananalita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:7

Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili. Ang Dios ay hindi madadaya ninuman. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 6:31

Gawin ninyo sa inyong kapwa ang gusto ninyong gawin nila sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 4:2

Ang mga aral na itoʼy itinuturo ng mga taong mandaraya, sinungaling at walang konsensya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:6

Huwag kayong padadala sa walang kabuluhang pangangatwiran ng iba tungkol sa masasama nilang gawain, dahil galit ang Dios sa mga suwail.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:28

Dahil ang nais ng Panginoon ay katarungan, at ang mga taong tapat sa kanya ay hindi niya pinapabayaan. Silaʼy iingatan niya magpakailanman. Ngunit ang lahi ng mga taong masama ay mawawala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 12:36

Tinitiyak ko sa inyo na sa Araw ng Paghuhukom, mananagot ang bawat isa sa mga walang kwentang salitang binitiwan niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:4

Ang taong masama ay gustong makinig sa kapwa niya masama, at ang taong sinungaling ay gustong makinig sa kapwa niya sinungaling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:13

iwasan ninyo ang masamang pananalita at pagsisinungaling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 1:6

Kung sinasabi nating may pakikiisa tayo sa kanya ngunit namumuhay naman tayo sa kadiliman, nagsisinungaling tayo at hindi namumuhay nang ayon sa katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:18

Ipinapahayag ng Dios mula sa langit ang kanyang poot sa lahat ng kasamaan at kalapastanganang ginagawa ng mga tao, na siyang pumipigil sa kanila para malaman ang katotohanan tungkol sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:26

Kung may nag-aakalang siya ay relihiyoso pero hindi naman magawang pigilan ang dila niya, walang silbi ang pagiging relihiyoso niya at niloloko lang niya ang kanyang sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 22:1

“Kung nagnakaw ang isang tao ng baka o tupa, at kinatay niya ito o ipinagbili, kailangang magbayad siya. Sa isang bakang ninakaw niya, magbabayad siya ng limang baka. At sa isang tupang ninakaw niya, magbabayad siya ng apat na tupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:12

Kapag ang pinuno ay naniniwala sa kasinungalingan, lahat ng lingkod niyaʼy mabubuyo sa kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 15:2-3

Sumagot ang Panginoon, “Ang taong namumuhay ng tama, walang kapintasan at taos-pusong nagsasabi ng katotohanan, hindi naninirang puri, at hindi nagsasalita at gumagawa ng masama laban sa kanyang kapwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 2:14

Nang makita kong hindi na ayon sa katotohanan ng Magandang Balita ang ginagawa nila, pinagsabihan ko si Pedro sa harap ng lahat, “Bakit mo pinipilit ang mga hindi Judio na mamuhay na parang mga Judio? Ikaw nga mismo na isang Judio ay namumuhay na parang hindi Judio.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:1

Dahil ipinanganak na kayong muli, talikuran nʼyo na ang lahat ng uri ng kasamaan: pandaraya, pagkukunwari, pagkainggit, at lahat ng paninirang-puri.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 3:14

Ang lumalabas sa kanilang bibig ay panay pagmumura at masasakit na salita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:19

ang pagpapatotoo sa kasinungalingan, at pinag-aaway ang kanyang kapwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 101:3

at hindi ko hahayaan ang kasamaan. Namumuhi ako sa mga ginagawa ng mga taong tumatalikod sa Dios, at hindi ko gagawin ang kanilang ginagawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 59:13

Nagrebelde tayo at nagtaksil sa Panginoon. Itinakwil natin ang ating Dios. Inaapi natin at sinisiil ang ating kapwa. Pinag-iisipan natin ng mabuti kung paano magsalita ng kasinungalingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 18:30

“Kaya sinasabi ko sa inyo, mga mamamayan ng Israel, ako, ang Panginoong Dios, ako ang hahatol sa bawat isa sa inyo ayon sa inyong mga ginawa. Kaya, magsisi na kayo! Talikuran na ninyo ang lahat ng inyong kasalanan para hindi kayo mapahamak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:23

Magpakatatag tayo sa pag-asa natin at huwag tayong mag-alinlangan, dahil tapat ang Dios na nangako sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:13

Hindi ka uunlad kung hindi mo ipapahayag ang iyong mga kasalanan, ngunit kung ipapahayag mo ito at tatalikdan, kahahabagan ka ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 58:1-2

Kayong mga pinuno, matuwid ba ang paghatol ninyo sa mga tao? Magagalak ang mga matuwid kapag nakita na nilang pinaghigantihan ng Dios ang masasama, at dumanak na ang kanilang dugo. At sasabihin ng mga tao, “Tunay ngang may gantimpala ang matutuwid at mayroong Dios na humahatol sa mga tao sa mundo.” Hindi! Dahil paggawa ng masama ang laging iniisip ninyo at namiminsala kayo sa iba saanman kayo naroroon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:37

Sabihin mo na lang na ‘Oo’ kung oo, at ‘Hindi’ kung hindi; dahil kung manunumpa pa kayo, galing na iyan sa diyablo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 78:36

Nagpuri sila sa kanya, ngunit sa bibig lang, kaya sinungaling sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Samuel 22:27

Tapat kayo sa mga taong totoo sa inyo, ngunit mas tuso kayo sa mga taong masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 9:1

Ngayon, ako na mananampalataya ni Cristo ay may sasabihin sa inyo. Totoo ito at hindi ako nagsisinungaling. At pinapatunayan ng Banal na Espiritu sa aking konsensya na totoo ang sasabihin ko:

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:9

Ang hindi tapat na saksi ay parurusahan, at ang sinumang nagsisinungaling ay mapapahamak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 13:6

hindi natutuwa sa kasamaan, kundi nagagalak sa katotohanan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:8

Mapalad ang mga taong may malinis na puso, dahil makikita nila ang Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 24:26

Ang tapat na kasagutan ay tanda ng mabuting pagkakaibigan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 66:18

Kung hindi ko ipinahayag sa Panginoon ang aking mga kasalanan, hindi niya sana ako pakikinggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:18

Mga anak, huwag tayong magmahalan sa salita lang, kundi ipakita natin sa gawa na tunay tayong nagmamahalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:7

Huwag kayong magbibintang sa iba nang walang katotohanan. Huwag ninyong papatayin ang mga inosenteng tao, dahil parurusahan ko ang sinumang gagawa nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:12

Binabantayan ng Panginoon ang mga taong may karunungan, ngunit sinisira niya ang plano ng mga taksil.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:9

Magmahalan kayo nang tapat. Iwasan ninyo ang masama at laging gawin ang mabuti.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 25:14

Ang taong hindi tumutupad sa kanyang pangako ay parang ulap at hangin na walang dalang ulan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:15

“Mag-ingat kayo sa mga huwad na propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang mga maamong tupa, pero ang totoo, tulad sila ng mga gutom na lobo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:10-11

Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, “Ang sinumang nagnanais ng maligaya at masaganang pamumuhay ay hindi dapat magsalita ng masama at kasinungalingan. Dapat lumayo siya sa masama at gawin ang mabuti. Pagsikapan niyang kamtin ang kapayapaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:24

At sikapin nating mahikayat ang isaʼt isa sa pagmamahalan at sa paggawa ng kabutihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 28:3

Huwag nʼyo akong parusahan kasama ng masasama. Nagkukunwari silang mga kaibigan, pero ang plano palaʼy pawang kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 18:17

Ang unang naglahad ng salaysay sa korte ay parang iyon na ang totoo, hanggang hindi pa nasusuri at natatanong ng kabilang panig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:26

Huwag tayong maging mapagmataas, huwag nating galitin ang ating kapwa, at iwasan ang inggitan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 101:2

Mamumuhay ako nang walang kapintasan. Kailan nʼyo ako lalapitan? Mamumuhay ako nang matuwid sa aking tahanan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 9:1-3

Ngayon, ako na mananampalataya ni Cristo ay may sasabihin sa inyo. Totoo ito at hindi ako nagsisinungaling. At pinapatunayan ng Banal na Espiritu sa aking konsensya na totoo ang sasabihin ko: Hindi lang iyon, kundi nangyari rin ang ganoon sa dalawang anak ni Rebeka sa ating ninunong si Isaac, ipinakita rin ng Dios na hindi lahat ng nagmula kay Abraham ay itinuturing na mga anak niya. Bago pa man ipanganak ang kambal, sinabi na ng Dios kay Rebeka, “Maglilingkod ang nakatatanda sa nakababatang kapatid.” Sinabi ito ng Dios noong wala pa silang nagagawang mabuti o masama, para patunayan na ang pagpili niya ay batay sa sarili niyang pasya at hindi sa mabubuting gawa ng tao. Gaya nga ng sinabi ng Dios sa Kasulatan, “Minamahal ko si Jacob, pero si Esau ay hindi.” Baka naman sabihin ng iba na hindi makatarungan ang Dios. Aba, hindi! Sapagkat sinabi niya kay Moises, “Mahahabag ako sa gusto kong kahabagan; maaawa ako sa gusto kong kaawaan.” Kung ganoon, ang pagpili ng Dios ay hindi batay sa kagustuhan ng tao o sa paggawa niya ng mabuti, kundi sa awa ng Dios. Sapagkat ayon sa Kasulatan, sinabi ng Dios sa Faraon, “Pinayagan kitang mabuhay dahil dito: para maipakita ko ang kapangyarihan ko sa pamamagitan mo at makilala ang pangalan ko sa buong mundo.” Kaya nga, kinaaawaan ng Dios ang ibig niyang kaawaan, at pinatitigas niya ang ulo ng ibig niyang patigasin. Maaaring may magsabi sa akin, “Kung ganoon, bakit pa niya pinapanagot ang mga tao sa kanilang mga kasalanan? At sino ang makakasalungat sa kanyang kalooban?” Labis akong nalulungkot at nababalisa Pero sino ka para magreklamo sa Dios ng ganyan? Tayoʼy mga nilikha lang ng Dios, kaya hindi tayo makakapagreklamo kung bakit niya tayo ginawang ganito. Tulad sa isang gumagawa ng palayok, may karapatan siyang gawin ang putik ayon sa gusto niya. May karapatan siyang gumawa ng dalawang uri ng sisidlan mula sa iisang tumpok ng putik: ang isa ay pang-espesyal, at ang isa naman ay pangkaraniwan lang. Ganoon din naman ang Dios. Nais niyang ipakita ang kanyang kapangyarihan at matinding galit sa mga makasalanan, pero minabuti niyang tiisin muna nang buong tiyaga ang mga taong dapat sanang lipulin na. Ginawa niya ito para ipakita kung gaano siya kadakila sa mga taong kinaaawaan niya, na inihanda na niya noon pa para parangalan. Itoʼy walang iba kundi tayo na mga tinawag niya, hindi lang mula sa mga Judio kundi mula rin sa mga hindi Judio. Ito ang sinabi ng Dios sa aklat ni Hoseas: “Ang dating hindi ko mga tao ay tatawagin kong, ‘Mga tao ko.’ At ang dating hindi ko mahal ay mamahalin ko. At sa mga sinabihang, ‘Kayoʼy hindi ko mga mamamayan,’ silaʼy tatawaging, ‘Mga anak ng Dios na buhay.’ ” Tungkol naman sa mga Israelita, sinabi ni Propeta Isaias: “Kahit na maging kasindami pa ng buhangin sa tabing-dagat ang lahi ni Israel, kakaunti lang sa kanila ang maliligtas, dahil mabilis at matindi ang gagawing paghatol ng Panginoon sa mga tao sa mundo.” Sinabi rin ni Isaias, “Kung ang Panginoong Makapangyarihan ay walang itinira sa ating lahi, natulad na sana tayo sa Sodom at Gomora.” para sa aking mga kalahi at kababayang Judio. Kung maaari lang sana, ako na lang ang sumpain ng Dios at mahiwalay kay Cristo, maligtas lang sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 33:31

Kaya magkakasamang pumunta sa iyo ang mga mamamayan ko na nagpapanggap lang na gustong makinig sa iyo, pero hindi nila sinusunod ang mga sinasabi mo. Magaling silang magsalita na mahal nila ako, ngunit ang nasa puso nila ay kasakiman sa pera.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:6

Mas mabuti pa ang mahirap na namumuhay nang matuwid kaysa sa mayaman na namumuhay sa kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 2:21

Sumusulat ako sa inyo, hindi dahil sa hindi ninyo alam ang katotohanan kundi dahil sa alam nʼyo na, at alam din ninyo na walang kasinungalingan na maaaring magmula sa katotohanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 16:17

Mga kapatid, mag-ingat kayo sa mga taong lumilikha ng pagkakahati-hati at gumugulo sa pananampalataya ninyo. Nangangaral sila laban sa mga aral na natanggap ninyo sa amin. Kaya iwasan ninyo sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:3

Huwag kayong magtiwala sa mga makapangyarihang tao o kaninuman, dahil silaʼy hindi makapagliligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 23:28

Ganyang-ganyan kayo, dahil kung masdan kayo ng mga taoʼy parang tama ang ginagawa ninyo, pero sa loob ninyoʼy puno kayo ng pagkukunwari at kasalanan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:1

Kinasusuklaman ng Panginoon ang nandaraya sa timbangan, ngunit ang nagtitimbang ng tama ay kanyang kinalulugdan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 4:5

Kaya huwag kayong humatol nang wala sa takdang panahon. Hintayin ninyo ang pagbabalik ng Panginoon. Pagdating niya, ilalantad niya ang lahat ng mga sekreto at motibo ng bawat isa. At sa panahong iyon, tatanggapin ng bawat isa ang papuring mula sa Dios na ayon sa kanyang ginawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 15:1-2

Panginoon, sino ang maaaring tumira sa inyong templo? Sino ang karapat-dapat na tumira sa inyong Banal na Bundok? Sumagot ang Panginoon, “Ang taong namumuhay ng tama, walang kapintasan at taos-pusong nagsasabi ng katotohanan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Dakila at Kagalang-galang na Ama, sinasamba kita at pinupuri ang kadakilaan ng iyong kabanalan at kapangyarihan. Mahal kong Ama, lumalapit ako sa iyo sa pamamagitan ng aking Panginoong Hesukristo, sapagkat ikaw ay Diyos na mapagmahal sa katotohanan, hindi ka tao na magsisinungaling at walang anumang kadiliman sa iyo. Kaya nga humihingi ako ng kapatawaran at nagsusumamo na bigyan mo ako ng sapat na kapakumbabaan upang humingi ng tawad sa mga taong aking niloko, dinaya, at siniraan. Tulungan mo akong manatili sa katapatan sa harap mo, at sa mga nakapaligid sa akin. Nais kong magsabi ng totoo sa lahat ng oras dahil ang iyong salita ay nagsasabi: "Ang may nais na mahalin ang buhay at makakita ng mabubuting araw, ay pigilin niya ang kanyang dila sa kasamaan, at ang kanyang mga labi ay huwag magsalita ng daya." Banal na Espiritu, gawin mo akong marunong at maingat sa pagsasalita, nawa'y ang aking mga labi ay huwag magsalita ng daya, ilayo mo ako sa pagtawag sa iba na taksil dahil lamang sa hindi sila kapareho ko ng iniisip. Turuan mo akong mahalin ang kapwa gaya ng pagmamahal ko sa aking sarili at husgahan ang aking sarili gaya ng paghuhusga ko sa iba. Linisin mo ang aking puso upang mahalin ang katotohanan, upang hanapin ang kapayapaan at isabuhay ito. Diyos ko, ayoko nang lumayo ang mga tao sa akin dahil sa pagiging sinungaling, taksil, o tsismoso. Linisin mo ang pintuan ng aking mga labi, nawa'y ang mga salita ng aking puso at ang pagninilay ng aking puso ay maging kalugud-lugod sa iyo, sapagkat nasusulat: "Ang mga labi na sinungaling ay karumaldumal sa Panginoon; Ngunit ang mga gumagawa ng katotohanan ay kanyang kinalulugdan." Turuan mo akong mahalin ang aking sarili at parangalan ang iba sa pamamagitan ng aking mga gawa at salita. Gawin mo akong taong may pang-unawa sa mga panahon na handang magbigay-lugod sa iyo sa harap ng madla at sa aking pag-iisa. Ingatan mo ang aking mga iniisip at dagdagan mo ng katotohanan ang aking buhay. Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas