Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Awit 101:2 - Ang Salita ng Dios

2 Mamumuhay ako nang walang kapintasan. Kailan nʼyo ako lalapitan? Mamumuhay ako nang matuwid sa aking tahanan,

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

2 Ako'y magpapakapantas sa sakdal na lakad: Oh kailan ka pasasa akin? Ako'y lalakad sa loob ng aking bahay na may sakdal na puso.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

2 Aking susundin ang daang matuwid. O kailan ka darating sa akin? Ako'y lalakad sa loob ng aking bahay na may tapat na puso.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

2 Ako'y magpapakapantas sa sakdal na lakad: Oh kailan ka pasasa akin? Ako'y lalakad sa loob ng aking bahay na may sakdal na puso.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

2 ang aking susunding lagi ay ugaling walang kapintasan, kailan ka kaya darating sa aki't ako'y lalapitan? Malinis ang budhing mamumuhay ako sa aking tahanan,

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

2 ang aking susunding lagi ay ugaling walang kapintasan, kailan ka kaya darating sa aki't ako'y lalapitan? Malinis ang budhing mamumuhay ako sa aking tahanan,

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

2 ang aking susunding lagi ay ugaling walang kapintasan, kailan ka kaya darating sa aki't ako'y lalapitan? Malinis ang budhing mamumuhay ako sa aking tahanan,

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Awit 101:2
22 Mga Krus na Reperensya  

Pinili ko siya para ipatupad niya sa mga anak at mga lahi niya ang utos ko na gumawa sila ng tama at matuwid. Sa ganoong paraan, matutupad ang aking pangako sa kanya.”


Naghari si David sa buong Israel. Ginawa niya ang matuwid at tama para sa lahat ng mamamayan niya.


Nang matanda na siya, nahimok siya ng kanyang mga asawa na sumamba sa ibang mga dios. Hindi na naging maganda ang relasyon niya sa Panginoon na kanyang Dios; hindi tulad ng ama niyang si David.


At ikaw, kung mamumuhay kang tapat at matuwid sa aking harapan, katulad ng iyong ama na si David, at kung gagawin mo ang lahat ng ipinapagawa ko sa iyo at tutuparin ang aking mga tuntunin at mga utos,


Kahit hindi nawala ang mga sambahan sa matataas na lugar, naging matapat pa rin si Asa sa Panginoon sa buong buhay niya.


Kumilos din ang Panginoon sa mga taga-Juda para magkaisa sila sa pagtupad ng utos ng hari at ng mga opisyal, ayon sa utos ng Panginoon.


Ipapadama ko ang aking kabutihan sa aking mga kababayan na tapat sa Dios at namumuhay nang matuwid; silaʼy magiging kasama ko at papayagan kong maglingkod sa akin.


Tutuparin ko ang aking ipinangako na susundin ang inyong matuwid na mga utos.


Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng masama, upang masunod ko ang mga utos ng aking Dios.


Ngunit akoʼy namumuhay nang matuwid, kaya iligtas nʼyo ako at inyong kahabagan.


Ako naman na dukha at nangangailangan, alalahanin nʼyo ako, Panginoon. Kayo ang tumutulong sa akin. Kayo ang aking Tagapagligtas. Aking Dios, agad nʼyo akong tulungan.


“Gumawa kayo ng altar na lupa para sa akin at gawin ninyo itong pag-aalayan ng inyong mga tupa, kambing at mga baka bilang handog na sinusunog at handog para sa mabuting relasyon. Gawin ninyo ito sa lugar na pinili ko para sambahin ako, at doon ay pupuntahan ko kayo at pagpapalain.


Sinabi niya, “Panginoon, alalahanin po ninyo kung papaano ako namuhay nang tapat at buong pusong naglingkod sa inyo at kung papaano ako gumawa ng mabuti sa paningin ninyo.” At umiyak siya ng husto.


Ituro ninyo ito sa inyong mga anak. Pag-usapan ninyo ito kapag kayoʼy nasa inyong mga bahay at kapag naglalakad, kapag nakahiga, at kapag babangon kayo.


Pero kung ayaw nʼyong maglingkod sa Panginoon, mamili kayo ngayon sa araw na ito kung sino ang paglilingkuran ninyo. Maglilingkod ba kayo sa mga dios na pinaglilingkuran ng mga ninuno nʼyo sa kabila ng Ilog ng Eufrates, o sa mga dios ng mga Amoreo na ang lupain ay tinitirhan nʼyo ngayon? Pero para sa akin at sa pamilya ko maglilingkod kami sa Panginoon.”


Sumagot si Ahimelec, “Hindi po baʼt si David ay manugang ninyo at pinakamatapat ninyong lingkod? Bukod pa roon, siya po ang kapitan ng mga guwardya ninyo at iginagalang siya sa inyong sambahayan.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas