Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Kawikaan 17:7 - Ang Salita ng Dios

7 Hindi bagay sa hangal ang magsalita ng mabuti, at lalong hindi bagay sa isang namumuno ang magsinungaling.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

7 Ang marilag na pananalita ay hindi nagiging mabuti sa mangmang: lalo na ang magdarayang mga labi, sa isang pangulo.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

7 Hindi bagay sa hangal ang pinong pananalita, lalo na ang mga mandarayang mga labi, sa isang namamahala.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

7 Ang marilag na pananalita ay hindi nagiging mabuti sa mangmang: Lalo na ang magdarayang mga labi, sa isang pangulo.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

7 Ang pinong pananalita ay di mahahanap sa mangmang, ni ang kasinungalingan sa taong marangal.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

7 Ang pinong pananalita ay di mahahanap sa mangmang, ni ang kasinungalingan sa taong marangal.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

7 Ang pinong pananalita ay di mahahanap sa mangmang, ni ang kasinungalingan sa taong marangal.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Kawikaan 17:7
15 Mga Krus na Reperensya  

Sinabi sa akin ng Dios, na bato na kanlungan ng Israel, ‘Ang namumuno nang matuwid at may takot sa Dios,


Nakatitiyak akong hindi maaaring gumawa ang Makapangyarihang Dios ng masama. Hindi niya maaaring baluktutin ang hustisya.


Patahimikin nʼyo silang mga sinungaling, pati ang mga mayayabang at mapagmataas na binabalewala at hinahamak ang mga matuwid.


Ang katotohanan ay mananatili kailanman, ngunit hindi magtatagal ang kasinungalingan.


Nasusuklam ang Panginoon sa mga nagsasabi ng kasinungalingan, ngunit nalulugod siya sa nagsasabi ng katotohanan.


Hindi bagay sa taong mangmang ang mamuhay sa karangyaan, at mas lalong hindi bagay sa isang alipin ang mamuno sa mga pinuno.


Ang karunungan ay hindi maunawaan ng mangmang. Wala siyang masabi kapag mahahalagang bagay ang pinag-uusapan.


Kung paanong hindi bagay na mag-nyebe sa tag-araw at umulan sa panahon ng tag-ani, hindi rin bagay na papurihan ang taong hangal.


Ang pilay na paa ay walang kabuluhan, katulad ng kawikaan sa bibig ng hangal.


Kapag ang pinuno ay naniniwala sa kasinungalingan, lahat ng lingkod niyaʼy mabubuyo sa kasamaan.


ang pagmamataas, ang pagsisinungaling, ang pagpatay ng tao,


Mapagkunwari! Alisin mo muna ang mala-trosong puwing sa iyong mata, nang sa ganoon ay makakita kang mabuti para maalis mo ang puwing sa mata ng iyong kapwa.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas