Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Kawikaan 21:6 - Ang Salita ng Dios

6 Ang kayamanang nakuha sa pandaraya ay madaling mawala at maaaring humantong sa maagang kamatayan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

6 Ang pagtatamo ng mga kayamanan sa pamamagitan ng sinungaling na dila ay singaw na tinatangay na paroo't parito noong nagsisihanap ng kamatayan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

6 Ang pagkakaroon ng kayamanan sa pamamagitan ng dilang bulaan, ay singaw na tinatangay at bitag ng kamatayan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

6 Ang pagtatamo ng mga kayamanan sa pamamagitan ng sinungaling na dila Ay singaw na tinatangay na paroo't parito noong nagsisihanap ng kamatayan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

6 Ang pagkakamal ng salapi dahil sa kadayaan ay maghahatid sa maagang kamatayan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

6 Ang pagkakamal ng salapi dahil sa kadayaan ay maghahatid sa maagang kamatayan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

6 Ang pagkakamal ng salapi dahil sa kadayaan ay maghahatid sa maagang kamatayan.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Kawikaan 21:6
12 Mga Krus na Reperensya  

Ang kayamanang nakuha sa masamang paraan ay hindi makapagbibigay ng anumang kabutihan, ngunit ang matuwid na pamumuhay ay makapagliligtas sa iyo sa kamatayan.


Ang kayamanang nakuha sa pandaraya ay madaling nawawala, ngunit ang kayamanang pinaghirapan ay pinagpapala.


Pinipintasan ng mamimili ang kanyang binibili upang makatawad siya. Pero kung nabili na, hindi na niya ito pinipintasan, sa halip ay ipinagyayabang pa.


Ang mana na kinuha ng maaga sa bandang huliʼy hindi magiging pagpapala.


Ang naghahasik ng kasamaan ay aani ng kapahamakan, at matitigil na ang kanyang pamiminsala sa iba.


Una, tulungan nʼyo ako na huwag magsinungaling. Pangalawa, huwag nʼyo akong payamanin o pahirapin, sa halip bigyan nʼyo lamang ako ng sapat para sa aking mga pangangailangan.


Ngunit ang taong hindi makakasumpong sa akin ay ipinapahamak ang kanyang sarili. Ang mga galit sa akin ay naghahanap ng kamatayan.”


Ang taong yumaman sa masamang paraan ay parang ibon na nililimliman ang hindi niya itlog. Sa bandang huli, sa kalagitnaan ng buhay niya, mawawala ang kayamanan niya at lalabas na siyaʼy hangal.”


Mga mamamayan ng Israel, bakit gusto ninyong mamatay? Tumigil na kayo sa paggawa ng kasalanan at baguhin na ang inyong pamumuhay.


Kinakailangang pigilan sila, dahil nanggugulo sila sa mga sambahayan sa pangangaral ng mga bagay na hindi naman dapat ituro, para lang kumita ng salapi.


Dahil sa kasakiman nila, lilinlangin nila kayo sa pamamagitan ng matatamis na salita para kwartahan kayo. Matagal nang nakahanda ang hatol sa kanila, at malapit na silang lipulin.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas