Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




1 Pedro 3:10 - Ang Salita ng Dios

10 Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, “Ang sinumang nagnanais ng maligaya at masaganang pamumuhay ay hindi dapat magsalita ng masama at kasinungalingan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

10 Sapagka't, Ang magnais umibig sa buhay, At makakita ng mabubuting araw, Ay magpigil ng kaniyang dila sa masama, At ang kaniyang mga labi ay huwag magsalita ng daya:

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

10 Sapagkat, “Ang nagmamahal sa buhay, at nais makakita ng mabubuting araw, ay magpigil ng kanyang dila sa masama, at ang kanyang mga labi ay huwag magsalita ng daya,

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

10 Sapagka't, Ang magnais umibig sa buhay, At makakita ng mabubuting araw, Ay magpigil ng kaniyang dila sa masama, At ang kaniyang mga labi ay huwag magsalita ng daya:

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

10 Ayon sa nasusulat, “Ang mga nagnanais ng payapa at saganang pamumuhay, dila nila'y pigilan sa paghabi ng kasamaan. Ang anumang panlilinlang at madayang pananalita sa kanyang mga labi ay di dapat lumabas.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

10 Ayon sa nasusulat, “Ang mga nagnanais ng payapa at saganang pamumuhay, dila nila'y pigilan sa pagsasabi ng kasamaan. Ang anumang panlilinlang at madayang pananalita sa kanyang mga labi ay di dapat mamutawi.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

10 Ayon sa nasusulat, “Ang mga nagnanais ng payapa at saganang pamumuhay, dila nila'y pigilan sa paghabi ng kasamaan. Ang anumang panlilinlang at madayang pananalita sa kanyang mga labi ay di dapat lumabas.

Tingnan ang kabanata Kopya




1 Pedro 3:10
24 Mga Krus na Reperensya  

Sinabi ni Satanas, “Matatanggap ng tao na mawala ang lahat sa kanya bastaʼt buhay lang siya.


Iniligtas niya ako sa kamatayan at patuloy akong nabubuhay.’


“Madaling lumipas ang mga araw sa buhay ko; mas mabilis pa ito kaysa sa mananakbo. Lumilipas ito nang walang nakikitang kabutihan.


upang akoʼy maging bahagi rin ng kaunlaran ng inyong bansang hinirang, at makadama rin ng kanilang kagalakan, at maging kasama nila sa pagpupuri sa inyo.


Ngunit naniniwala ako na mararanasan ko ang kabutihan nʼyo, Panginoon, habang akoʼy nabubuhay dito sa mundo.


Ngunit makakasama pa rin sila ng kanilang mga ninunong namatay na, doon sa lugar na hindi sila makakakita ng liwanag.


Mapalad ang taong may karunungan, dahil magbibigay ito ng mabuti at mahabang buhay.


sapagkat ito ang magpapahaba at magpapaunlad ng iyong buhay.


Sapagkat magbibigay ito ng malusog na katawan at mahabang buhay sa sinumang makakasumpong nito.


Sapagkat ang taong makakasumpong sa akin ay magkakaroon ng maganda at mahabang buhay, at pagpapalain siya ng Panginoon.


Sinubukan kong magpakasaya sa pag-inom ng alak. Kahit na marunong ako, sinubukan kong gumawa ng kamangmangan. Naisip ko lang na baka iyon ang pinakamabuting gawin ng tao sa maikling buhay niya dito sa mundo.


Sumagot si Jesus, “Bakit itinatanong mo sa akin kung ano ang mabuti? Isa lang ang mabuti, at walang iba kundi ang Dios. Kung gusto mong magkaroon ng buhay na walang hanggan, sundin mo ang mga utos.”


Sapagkat ang taong naghahangad magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang taong nagnanais mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin at sa Magandang Balita ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan.


Nang makita ni Jesus na papalapit sa kanya si Natanael, sinabi niya, “Narito ang isang tunay na Israelita na hindi nandaraya.”


Ang taong labis na nagpapahalaga sa kanyang buhay ay mawawalan nito, ngunit ang hindi nanghihinayang sa buhay niya sa mundong ito alang-alang sa akin ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan.


Hindi lang karaniwang salita ang mga utos na ito; magbibigay ito sa inyo ng buhay. Kung susundin ninyo ito, mabubuhay kayo nang matagal sa lupain na aangkinin ninyo sa kabila ng Jordan.”


Kung may nag-aakalang siya ay relihiyoso pero hindi naman magawang pigilan ang dila niya, walang silbi ang pagiging relihiyoso niya at niloloko lang niya ang kanyang sarili.


Dahil ipinanganak na kayong muli, talikuran nʼyo na ang lahat ng uri ng kasamaan: pandaraya, pagkukunwari, pagkainggit, at lahat ng paninirang-puri.


Hindi siya nagkasala o nagsinungaling man.


Hindi sila nagsinungaling kailanman at wala silang anumang kapintasan.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas