Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




1 Pedro 3:10 - Ang Biblia 2001

10 Sapagkat, “Ang nagmamahal sa buhay, at nais makakita ng mabubuting araw, ay magpigil ng kanyang dila sa masama, at ang kanyang mga labi ay huwag magsalita ng daya,

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

10 Sapagka't, Ang magnais umibig sa buhay, At makakita ng mabubuting araw, Ay magpigil ng kaniyang dila sa masama, At ang kaniyang mga labi ay huwag magsalita ng daya:

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

10 Sapagka't, Ang magnais umibig sa buhay, At makakita ng mabubuting araw, Ay magpigil ng kaniyang dila sa masama, At ang kaniyang mga labi ay huwag magsalita ng daya:

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

10 Ayon sa nasusulat, “Ang mga nagnanais ng payapa at saganang pamumuhay, dila nila'y pigilan sa paghabi ng kasamaan. Ang anumang panlilinlang at madayang pananalita sa kanyang mga labi ay di dapat lumabas.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

10 Ayon sa nasusulat, “Ang mga nagnanais ng payapa at saganang pamumuhay, dila nila'y pigilan sa pagsasabi ng kasamaan. Ang anumang panlilinlang at madayang pananalita sa kanyang mga labi ay di dapat mamutawi.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

10 Ayon sa nasusulat, “Ang mga nagnanais ng payapa at saganang pamumuhay, dila nila'y pigilan sa paghabi ng kasamaan. Ang anumang panlilinlang at madayang pananalita sa kanyang mga labi ay di dapat lumabas.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Salita ng Dios

10 Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, “Ang sinumang nagnanais ng maligaya at masaganang pamumuhay ay hindi dapat magsalita ng masama at kasinungalingan.

Tingnan ang kabanata Kopya




1 Pedro 3:10
24 Mga Krus na Reperensya  

Si Satanas ay sumagot sa Panginoon, “Balat sa balat! Lahat ng pag-aari ng tao ay ibibigay niya dahil sa kanyang buhay.


Kanyang tinubos ang kaluluwa ko mula sa pagbaba sa hukay, at makakakita ng liwanag ang aking buhay.’


“Ang mga araw ko ay mas matulin kaysa isang mananakbo, sila'y tumatakbong palayo, wala silang nakikitang mabuti.


upang makita ko ang kasaganaan ng iyong hinirang, upang ako'y magalak sa kasayahan ng iyong bansa, upang ako'y lumuwalhati na kasama ng iyong mana.


Ako'y naniniwala na aking masasaksihan ang kabutihan ng Panginoon sa lupain ng mga nabubuhay!


siya'y paroroon sa salinlahi ng kanyang mga magulang; na hindi sila makakakita ng liwanag kailanman.


Siya'y punungkahoy ng buhay sa mga humahawak sa kanya; at mapalad ang lahat ng nakakapit sa kanya.


sapagkat kahabaan ng araw at mga taon ng buhay, at kapayapaan, ang sa iyo'y kanilang ibibigay.


Sapagkat sa mga nakakatagpo sa kanila ang mga ito'y buhay, at kagalingan sa kanilang buong katawan.


Sapagkat ang nakakatagpo sa akin, ay nakakatagpo ng buhay, at biyaya mula sa Panginoon ay kanyang makakamtan.


Siniyasat ng aking isipan kung paano pasasayahin ang aking katawan sa pamamagitan ng alak—pinapatnubayan pa ng karunungan ang aking isipan—at kung paano maging hangal, hanggang sa aking makita kung ano ang mabuting gawin ng mga tao sa silong ng langit sa iilang araw ng kanilang buhay.


At sinabi niya sa kanya, “Bakit mo ako tinatanong tungkol sa mabuti? Iisa ang mabuti. Ngunit kung ibig mong pumasok sa buhay, tuparin mo ang mga utos.”


Sapagkat ang sinumang nagnanais iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito at ang sinumang mawalan ng kanyang buhay dahil sa akin at sa ebanghelyo ay maililigtas iyon.


Nakita ni Jesus si Nathanael na lumalapit sa kanya, at sinabi ang tungkol sa kanya, “Narito ang isang tunay na Israelita na sa kanya'y walang pandaraya!”


Ang umiibig sa kanyang buhay ay mawawalan nito, at ang napopoot sa kanyang buhay sa sanlibutang ito ay maiingatan ito para sa buhay na walang hanggan.


Sapagkat ito'y hindi hamak na bagay sa inyo; sapagkat ito'y inyong buhay, at sa pamamagitan ng bagay na ito ay inyong pahahabain ang inyong mga araw sa lupain na inyong itinawid sa Jordan upang angkinin.”


Kung inaakala ng sinuman na siya'y relihiyoso, subalit hindi pinipigil ang kanyang dila, kundi dinadaya ang kanyang puso, ang relihiyon ng taong iyon ay walang kabuluhan.


Kaya't iwaksi ninyo ang lahat ng kasamaan, pandaraya, pagkukunwari, inggitan, at lahat ng paninirang-puri.


“Siya'y hindi nagkasala, at walang natagpuang pandaraya sa kanyang bibig.”


At sa kanilang bibig ay walang natagpuang kasinungalingan; sila'y mga walang dungis.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas