Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mateo 5:8 - Ang Salita ng Dios

8 Mapalad ang mga taong may malinis na puso, dahil makikita nila ang Dios.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

8 Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka't makikita nila ang Dios.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

8 “Mapapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

8 Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka't makikita nila ang Dios.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

8 “Mapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

8 “Pinagpala ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

8 “Mapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mateo 5:8
25 Mga Krus na Reperensya  

Pinangalanan ni Jacob ang lugar na iyon na Peniel, dahil sinabi niya, “Nakita ko ang mukha ng Dios pero buhay pa rin ako.”


Tapat kayo sa mga taong totoo sa inyo, ngunit mas tuso kayo sa mga taong masama.


Sumagot ang Panginoon, “Ang taong namumuhay ng tama, walang kapintasan at taos-pusong nagsasabi ng katotohanan,


Tapat kayo sa mga taong totoo sa inyo, ngunit tuso kayo sa mga taong masama.


Makatutungtong ang may matuwid na pamumuhay at malinis na puso, ang hindi sumasamba sa mga dios-diosan, at ang hindi sumusumpa ng kasinungalingan.


Ilikha nʼyo ako ng busilak na puso, O Dios, at bigyan ako ng bagong espiritu na matapat.


Ang nais nʼyo ay isang pusong tapat, kung kayaʼt ipagkaloob nʼyo sa aking kaloob-looban ang karunungan.


Tunay na mabuti ang Dios sa Israel, lalo na sa mga taong malilinis ang puso.


Ang taong may malinis na puso at mahinahon magsalita ay magiging kaibigan ng hari.


Sa paningin ng Dios, tayong mga Judio at silang mga hindi Judio ay pare-pareho lang. Dahil nilinis din niya ang kanilang puso nang sumampalataya sila.


Sa ngayon, para tayong nakatingin sa malabong salamin. Ngunit darating ang araw na magiging malinaw ang lahat sa atin. Bahagya lamang ang ating nalalaman sa ngayon; ngunit darating ang araw na malalaman natin ang lahat, tulad ng pagkakaalam ng Dios sa atin.


Mga minamahal, dahil sa mga ipinangako ng Dios sa atin, linisin natin ang ating sarili sa anumang bagay na nagpaparumi sa ating katawan at espiritu, at sikapin nating mamuhay nang banal at may takot sa Dios.


Sa mga malilinis ang isip, lahat ng bagay ay malinis. Ngunit sa mga marurumi ang isip at hindi sumasampalataya ay walang anumang malinis. Ang totoo, narumihan ang kanilang isipan at budhi.


lumapit tayo sa kanya nang may tapat na puso at matatag na pananampalataya, dahil nilinis na ng dugo ni Jesus ang mga puso natin mula sa maruming pag-iisip, at nahugasan na ang mga katawan natin ng malinis na tubig.


Pagsikapan ninyong mamuhay nang may mabuting relasyon sa lahat ng tao, at magpakabanal kayo. Sapagkat kung hindi banal ang pamumuhay nʼyo, hindi nʼyo makikita ang Panginoon.


Kung nakakalinis ang mga ito, di lalo na ang dugo ni Cristo. Sa pamamagitan ng walang hanggang Banal na Espiritu, inialay ni Cristo ang sarili niya bilang handog na walang kapintasan sa Dios. Ang dugo niya ang lilinis sa ating pusoʼt isipan para matalikuran natin ang mga gawaing walang kabuluhan at paglingkuran ang Dios na buhay.


Ngunit ang taong may karunungang mula sa Dios, una sa lahat ay may malinis na pamumuhay. Maibigin siya sa kapayapaan, mahinahon, masunurin, puno ng awa at kabutihan, walang pinapaboran, at hindi nagkukunwari.


Lumapit kayo sa Dios at lalapit din siya sa inyo. Kayong mga makasalanan, mamuhay kayo nang malinis. At kayong mga nagdadalawang-isip, linisin nʼyo ang inyong puso.


At dahil sumusunod na kayo sa katotohanan, malinis na kayo sa mga kasalanan ninyo, at ngayon ay nagkaroon na kayo ng tapat na pagmamahal sa mga kapatid nʼyo kay Cristo. Magmahalan kayo ng taos-puso,


Makikita nila ang kanyang mukha, at isusulat sa mga noo nila ang kanyang pangalan.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas