Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mateo 5:9 - Ang Salita ng Dios

9 Mapalad ang mga taong nagtataguyod ng kapayapaan, dahil tatawagin silang mga anak ng Dios.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

9 Mapapalad ang mga mapagpayapa: sapagka't sila'y tatawaging mga anak ng Dios.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

9 “Mapapalad ang mga mapagpayapa, sapagkat sila ay tatawaging mga anak ng Diyos.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

9 Mapapalad ang mga mapagpayapa: sapagka't sila'y tatawaging mga anak ng Dios.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

9 “Mapalad ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan, sapagkat sila'y ituturing na mga anak ng Diyos.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

9 “Pinagpala ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan, sapagkat sila'y ituturing na mga anak ng Diyos.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

9 “Mapalad ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan, sapagkat sila'y ituturing na mga anak ng Diyos.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mateo 5:9
31 Mga Krus na Reperensya  

Lumabas si David para salubungin sila at sinabi, “Kung pumunta kayo rito para tumulong sa akin bilang kaibigan, tinatanggap ko kayo na sumama sa amin. Pero kung pumunta kayo rito para ibigay ako sa aking mga kalaban kahit wala akong kasalanan, sanaʼy makita ito ng Dios ng ating mga ninuno at parusahan niya kayo.”


Matagal na rin akong naninirahang kasama ng mga walang hilig sa kapayapaan.


Kung nais ninyo ng masaya at mahabang buhay,


Kung gagawin ninyo ito, magiging tunay na anak kayo ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat hindi lang sa mabubuting tao niya pinapasikat ang araw kundi pati na rin sa masasama. At hindi lang ang matutuwid ang binibigyan niya ng ulan kundi pati na rin ang mga hindi matuwid.


Kaya dapat kayong maging ganap, tulad ng inyong Amang nasa langit.”


Hindi na rin sila mamamatay dahil matutulad na sila sa mga anghel. Silaʼy mga anak ng Dios dahil muli silang binuhay.


Ito ang inyong gawin: Mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gumawa kayo ng mabuti sa kanila. Kung magpapahiram kayo, magpahiram kayo nang hindi umaasa ng anumang kabayaran. At malaking gantimpala ang tatanggapin ninyo, at makikilala kayong mga anak ng Kataas-taasang Dios. Sapagkat mabuti siya kahit sa mga taong masama at walang utang na loob.


Kinabukasan, bumalik si Moises at nakita niya ang dalawang Israelitang nag-aaway. Gusto niyang pagkasunduin ang dalawa, kaya sinabi niya sa kanila, ‘Pareho kayong mga Israelita. Bakit kayo nag-aaway?’


Hanggaʼt maaari, mamuhay kayo nang mapayapa sa lahat ng tao.


Ang mga taong pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios ay mga anak ng Dios.


Ang Banal na Espiritu at ang ating espiritu ay parehong nagpapatunay na tayoʼy mga anak ng Dios.


Maging ang buong nilikha ay sabik na naghihintay na ihayag ng Dios ang mga anak niya.


Ang nangyayari, nagdedemandahan ang magkakapatid sa Panginoon, at sa harapan pa ng mga hindi mananampalataya!


Hanggang dito na lamang, mga kapatid, at paalam na sa inyo. Sikapin ninyo na walang makitang kapintasan sa inyo, at sundin ninyo ang mga payo ko. Magkaisa kayo at mamuhay nang payapa. Nang sa ganoon, ang Dios na pinanggagalingan ng pag-ibig at kapayapaan ay sasainyo.


Kaya nga, mga sugo kami ni Cristo, at sa pamamagitan namin, nakikiusap ang Dios sa inyo na manumbalik na kayo sa kanya.


Ngunit ito ang bungang makikita sa taong namumuhay sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu: pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabutihan, kagandahang-loob, katapatan,


Bilang isang bilanggo dahil sa paglilingkod sa Panginoon, hinihiling kong mamuhay kayo nang karapat-dapat bilang mga tinawag ng Dios.


Nakikiusap ako kina Eudia at Syntique, na magkasundo na sila bilang magkapatid sa Panginoon.


Magpasensiyahan kayo sa isaʼt isa at magpatawaran kayo kung may hinanakit kayo kaninuman, dahil pinatawad din kayo ng Panginoon.


Pagsikapan ninyong mamuhay nang may mabuting relasyon sa lahat ng tao, at magpakabanal kayo. Sapagkat kung hindi banal ang pamumuhay nʼyo, hindi nʼyo makikita ang Panginoon.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas