Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mateo 5:7 - Ang Salita ng Dios

7 Mapalad ang mga maawain, dahil kaaawaan din sila ng Dios,

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

7 Mapapalad ang mga mahabagin: sapagka't sila'y kahahabagan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

7 “Mapapalad ang mga mahabagin, sapagkat sila'y kahahabagan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

7 Mapapalad ang mga mahabagin: sapagka't sila'y kahahabagan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

7 “Mapalad ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

7 “Pinagpala ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

7 “Mapalad ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mateo 5:7
37 Mga Krus na Reperensya  

May dala silang mga higaan, mangkok, palayok, trigo, sebada, harina, binusang butil, buto ng mga gulay,


Tapat kayo sa mga tapat sa inyo, at mabuti kayo sa mabubuting tao.


Kahit sa kadiliman, taglay pa rin ang liwanag ng taong namumuhay nang matuwid, at puno ng kabutihan, kahabagan at katuwiran.


Nagbibigay siya sa mga dukha, at ang kanyang kabutihan ay maaalala magpakailanman. Ang kanyang kakayahan ay lalo pang dadagdagan ng Dios upang siyaʼy maparangalan.


Tapat kayo sa mga tapat sa inyo, at mabuti kayo sa mabubuting tao.


Ang matuwid ay palaging nagbibigay at nagpapahiram, at ang kanilang mga anak ay nagiging pagpapala sa iba.


Kung mabait ka para iyon sa iyong kabutihan, ngunit kung malupit ka para iyon sa iyong kapahamakan.


Ang taong mapagbigay ay magtatagumpay sa buhay; ang taong tumutulong ay tiyak na tutulungan.


Ang humahamak sa kapwa ay nagkakasala, ngunit ang tumutulong sa dukha ay pinagpapala.


Kapag tumutulong ka sa mahirap, para kang nagpapautang sa Panginoon, dahil ang Panginoon ang magbabayad sa iyo.


Kapag namatay ang isang taong matuwid, walang gaanong nagtatanong kung bakit. Walang gaanong nakakaalam na ang mga taong matuwid ay kinukuha ng Dios para ilayo sa masama.


Kaya Mahal na Hari, pakinggan nʼyo po ang payo ko: Tigilan nʼyo na po ang inyong kasamaan, gumawa kayo ng matuwid at maging maawain sa mga dukha. Kung gagawin nʼyo po ito, baka sakaling manatili kayong maunlad.”


Muling nabuntis si Gomer at nanganak ng isang babae. Sinabi ng Panginoon kay Hoseas, “Lo Ruhama ang ipangalan mo sa bata, dahil hindi ko kaaawaan ni patatawarin ang mga mamamayan ng Israel.


“Kaya tawagin ninyo ang inyong kapwa Israelita na ‘Aking mga mamamayan’ at ‘Kinaawaan.’ ”


Patitirahin ko kayo sa inyong lupain bilang mga mamamayan ko. Kaaawaan ko kayong tinatawag na Lo Ruhama, at tatawagin ko kayong aking mga mamamayan kayong tinatawag na Lo Ami. At sasabihin ninyo na ako ang inyong Dios.”


Sumagot si Micas: Tinuruan tayo ng Panginoon kung ano ang mabuti. At ito ang nais niyang gawin natin: Gawin natin ang matuwid, pairalin natin ang pagkamaawain sa iba at buong pagpapakumbabang sumunod sa Dios.


At kapag nananalangin kayo, patawarin nʼyo muna ang mga nagkasala sa inyo para ang mga kasalanan ninyo ay patawarin din ng inyong Amang nasa langit.


Ito ang inyong gawin: Mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gumawa kayo ng mabuti sa kanila. Kung magpapahiram kayo, magpahiram kayo nang hindi umaasa ng anumang kabayaran. At malaking gantimpala ang tatanggapin ninyo, at makikilala kayong mga anak ng Kataas-taasang Dios. Sapagkat mabuti siya kahit sa mga taong masama at walang utang na loob.


Dati, kayong mga hindi Judio ay suwail sa Dios, pero kinaawaan niya kayo dahil sa pagsuway ng mga Judio.


Ngayon, tungkol naman sa mga walang asawa, wala akong utos mula sa Panginoon. Ngunit bilang isang mapagkakatiwalaan dahil sa awa ng Dios, ito ang aking masasabi:


Dahil sa awa ng Dios, pinili niya kami para ipahayag ang kanyang bagong pamamaraan sa pagpapawalang-sala sa mga tao, kaya naman hindi kami pinanghihinaan ng loob.


Sa halip, maging mabait kayo at maawain sa isaʼt isa. At magpatawad kayo sa isaʼt isa gaya ng pagpapatawad ng Dios sa inyo dahil kay Cristo.


Kaya bilang mga banal at minamahal na mga pinili ng Dios, dapat kayong maging mapagmalasakit, maganda ang kalooban, mapagpakumbaba, mabait at mapagtiis.


kahit na nilapastangan ko siya noong una. Bukod pa riyan, inusig at nilait ko ang mga sumasampalataya sa kanya. Ngunit kinaawaan ako ng Dios, dahil ginawa ko ito noong hindi pa ako sumasampalataya sa kanya at hindi ko alam ang ginagawa ko.


Ngunit kinaawaan ako ng Dios para maipakita ni Jesu-Cristo sa pamamagitan ko kung gaano siya katiyaga sa mga makasalanan. Magsisilbing halimbawa ang ginawa ni Cristo sa akin para sa iba na sasampalataya sa kanya na pagkakalooban niya ng buhay na walang hanggan.


Kaya huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng maawaing Dios para matanggap natin ang awa at biyayang makakatulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.


Makatarungan ang Dios, at hindi niya magagawang kalimutan ang inyong mabubuting gawa at ang pagmamahal na ipinakita ninyo sa kanya at patuloy na ipinapakita sa pamamagitan ng pagtulong sa mga kapwa pinabanal ng Dios.


Walang awang hahatulan ng Dios ang hindi marunong maawa; pero ang maawain sa kapwa ay hindi kailangang matakot sa oras ng paghatol.


Ngunit ang taong may karunungang mula sa Dios, una sa lahat ay may malinis na pamumuhay. Maibigin siya sa kapayapaan, mahinahon, masunurin, puno ng awa at kabutihan, walang pinapaboran, at hindi nagkukunwari.


Datiʼy hindi kayo mga taong sakop ng Dios, pero ngayon, mga sakop na niya kayo. Noon, hindi kayo kinaawaan ng Dios, pero ngayon, kinaawaan na niya kayo.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas