Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


111 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Pagnanakaw, Pagnanakaw

111 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Pagnanakaw, Pagnanakaw

Alam mo, sabi sa Biblia, bawal ang magnakaw. Kasalanan 'yan sa mata ng Diyos at labag din sa batas ng tao. Walang justification, walang reward, puro parusa lang ang aabutin.

Kaya, linisin natin ang ating mga puso mula sa kasamaan at iwasan ang mga landas na patungo sa kapahamakan. Wala kang mapapala sa pagnanakaw, parang sinasakal mo lang ang sarili mo. Kahit gaano kaliit o kalaki ang ninakaw mo, kung hindi sa'yo, hindi sa'yo. Wala kang maidadahilan sa Diyos, kahit gaano kahirap ang buhay.

Sabi nga sa Biblia, "Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw; sa halip ay magtrabaho siya, na gumagawa ng mabuti sa pamamagitan ng kaniyang mga kamay, upang mayroon siyang maibigay sa nangangailangan." Imbes na mang-agaw, gusto ni Jesus na maging mapagbigay tayo at laging may maibahagi sa iba.

Kaya dapat magtrabaho tayo nang marangal. Huwag nating babalewalain ang pinaghirapan ng iba. 'Wag mong isipin na porke hindi ka nahuli sa unang beses, ligtas ka na. Darating ang araw na mabubunyag ang lahat at baka makulong ka pa nang matagal.

Isipin mo kung ano ang makakabuti sa buhay mo. Huwag kang padala sa bugso ng damdamin o hayaang bulagin ka ng sitwasyon. Hanapin mo ang Diyos. Sa kanyang walang hanggang awa, ipagkakaloob Niya ang kailangan mo ayon sa kanyang kayamanan at kaluwalhatian.

Huwag kang mahulog sa patibong ng kaaway. Humingi ka ng tulong. Iwanan mo na ang mga maling gawain at hayaan mong ang Banal na Espiritu ang gumabay sa'yo. Sundin mo ang mga utos ng Diyos, manatili kang matatag sa kanyang salita at makikita mo kung paano ka niya aalagaan sa bawat araw.




Mga Awit 62:10

Huwag kayong umasa sa perang nakuha sa pangingikil at pagnanakaw. Dumami man ang inyong kayamanan, huwag ninyo itong mahalin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:2

Ang kayamanang nakuha sa masamang paraan ay hindi makapagbibigay ng anumang kabutihan, ngunit ang matuwid na pamumuhay ay makapagliligtas sa iyo sa kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:6

Ang kayamanang nakuha sa pandaraya ay madaling mawala at maaaring humantong sa maagang kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:21

Ang taong masama ay nangungutang pero hindi nagbabayad, ngunit ang taong matuwid ay naaawa at nagbibigay ng sagana.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 19:11

Huwag kayong magnanakaw, o magsisinungaling, o mandadaya ng inyong kapwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:22-23

Huwag mong abusuhin ang mga mahihirap o apihin man sila sa mga hukuman, sapagkat ipagtatanggol sila ng Panginoon. Anuman ang gawin ninyong masama sa kanila ay gagawin din niya sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 5:3-4

Sinabi ng anghel sa akin, “Nakasulat sa kasulatang iyan ang sumpang darating sa buong lupain ng Israel. Sinasabi sa isang bahagi ng kasulatan na ang lahat ng magnanakaw ay aalisin sa Israel, at sa kabilang bahagi naman ng kasulatan ay sinasabi na ang lahat ng sumusumpa ng may kasinungalingan ay aalisin din. Sinabi ng Makapangyarihang Panginoon, ‘Ipapadala ko ang sumpang ito sa tahanan ng magnanakaw at sa tahanan ng sumusumpa ng kasinungalingan sa aking pangalan. Mananatili ito sa kanilang mga bahay at lubusang wawasakin ang mga ito.’ ”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:18

“Alin po sa mga ito?” tanong ng lalaki. Sumagot si Jesus, “Huwag kang papatay, huwag kang mangangalunya, huwag kang magnanakaw, huwag kang sasaksi ng kasinungalingan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 15:19

Sapagkat sa puso ng tao nagmumula ang masasamang pag-iisip na nagtutulak sa kanya para pumatay, mangalunya, gumawa ng sekswal na imoralidad, magnakaw, magsinungaling at manira ng kapwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 19:8

Sa loob ng bahay niya ay tumayo si Zaqueo at sinabi, “Panginoon, ibibigay ko po sa mga mahihirap ang kalahati ng kayamanan ko. At kung may nadaya akong sinuman, babayaran ko ng apat na beses ang kinuha ko sa kanya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:22

Huwag mong abusuhin ang mga mahihirap o apihin man sila sa mga hukuman,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:70

Hindi sila nakakaunawa ng inyong kautusan, ngunit akoʼy sumusunod sa inyong mga utos nang may kagalakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 2:21

Tinuturuan ninyo ang iba, pero bakit hindi ninyo maturuan ang inyong sarili? Nangangaral kayong huwag magnakaw, pero kayo mismoʼy nagnanakaw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Tito 2:10

Huwag din silang mangungupit sa kanilang amo, kundi ipakita nilang silaʼy tapat at mapagkakatiwalaan. Nang sa ganoon, maipapakita nila sa lahat ng kanilang ginagawa ang kagandahan ng ating mga itinuturo tungkol sa Dios na ating Tagapagligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:19-21

Ang mga taong sumusunod sa ninanasa ng laman ay makikilala sa gawa nila: sekswal na imoralidad, kalaswaan, kahalayan, Tandaan nʼyo ang sinasabi ko: Ako mismong si Pablo ang nagsasabi sa inyo na kung magpapatuli kayo para maging katanggap-tanggap sa Dios, mawawalan ng kabuluhan ang ginawa ni Cristo para sa inyo. pagsamba sa mga dios-diosan, pangkukulam, pagkapoot, pag-aaway-away, pagkasakim, pagkagalit, pagkakawatak-watak, pagkakahati-hati, pagkainggit, paglalasing, pagkahilig sa kalayawan, at iba pang kasamaan. Binabalaan ko kayo tulad ng ginawa ko na noon: Ang mga namumuhay nang ganito ay hindi mapapabilang sa kaharian ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 4:6

upang sa ganoon, hindi kayo makagagawa ng masama o mananamantala ng kapwa, dahil parurusahan ng Dios ang sinumang gumagawa ng mga ito, tulad ng sinabi at pinaalala namin sa inyo noon pa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 23:30

“Kaya laban ako sa mga propetang ginagaya lang ang mensahe ng kapwa nila propeta at sinasabi nila na galing daw ito sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:1

Kinasusuklaman ng Panginoon ang nandaraya sa timbangan, ngunit ang nagtitimbang ng tama ay kanyang kinalulugdan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 61:8

“Sapagkat ako, ang Panginoon, ay nagagalak sa katarungan. Galit ako sa mga pagnanakaw at sa iba pang kasamaan. Sa aking katapatan, gagantimpalaan ko ang mga mamamayan ko at gagawa ako ng walang hanggang kasunduan sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 22:1-4

“Kung nagnakaw ang isang tao ng baka o tupa, at kinatay niya ito o ipinagbili, kailangang magbayad siya. Sa isang bakang ninakaw niya, magbabayad siya ng limang baka. At sa isang tupang ninakaw niya, magbabayad siya ng apat na tupa. “Kung pinaalagaan ng isang tao ang kanyang baka, asno, tupa o kahit anong hayop sa kanyang kapwa, at namatay ito, o nasugatan o nawala nang walang nakakita. Dapat pumunta ang nag-alaga sa presensya ng Panginoon at susumpang wala siyang nalalaman tungkol sa nangyari. Dapat itong paniwalaan ng may-ari, at hindi na siya pagbabayarin. Pero kung ninakaw ang hayop, dapat magbayad ang nag-alaga sa may-ari. Kung napatay ng mabangis na hayop ang hayop, kailangang dalhin niya ang natirang parte ng hayop bilang patunay, at hindi na niya ito kailangang bayaran. “Kung may nanghiram ng hayop sa kanyang kapwa at nasugatan ito o namatay, at wala ang may-ari nang mangyari ito. Dapat itong bayaran ng nanghiram. Pero kung nariyan ang may-ari nang mangyari ito, hindi dapat magbayad ang nanghiram. Kung nirentahan ang hayop, ang perang ibinayad sa renta ang ibabayad sa nasugatan o namatay na hayop. “Kung linlangin ng isang lalaki ang dalagang malapit nang ikasal, at sumiping siya sa kanya, dapat magbayad ang lalaki sa pamilya ng dalaga ng dote, at magiging asawa niya ang dalaga. Kung hindi pumayag ang ama ng dalaga na ibigay ang kanyang anak na maging asawa ng nasabing lalaki, magbabayad pa rin ang lalaki ng dote. “Patayin ninyo ang mga mangkukulam. “Ang sinumang makikipagtalik sa hayop ay papatayin. “Kung nahuli siya sa gabi na aktong nagnanakaw, at napatay siya, walang pananagutan ang nakapatay sa kanya. “Ang sinumang maghahandog sa ibang dios maliban sa akin ay kailangang patayin. “Huwag ninyong pagmamalupitan ang mga dayuhan dahil mga dayuhan din kayo noon sa Egipto. “Huwag ninyong aapihin ang mga biyuda at mga ulila. Kung gagawin ninyo ito, at humingi sila ng tulong sa akin, siguradong tutulungan ko sila. Talagang magagalit ako sa inyo at papatayin ko kayo sa labanan. Mabibiyuda ang inyong mga asawa at mauulila ang inyong mga anak. “Kung magpapahiram kayo ng pera sa sinuman sa mamamayan kong mahihirap na naninirahang kasama ninyo, huwag ninyong tutubuan gaya ng ginagawa ng mga nagpapahiram ng pera. Kung kukunin ninyo ang balabal ng kapwa ninyo bilang garantiya na magbabayad siya ng utang sa iyo, isauli mo ito sa kanya bago lumubog ang araw. Sapagkat ito lang ang pangtakip niya sa kanyang katawan kapag natutulog siya sa gabi. Kung hihingi siya ng tulong sa akin, tutulungan ko siya dahil maawain ako. “Huwag ninyong lalapastanganin ang Dios at susumpain ang inyong pinuno. “Huwag ninyong kalilimutan ang paghahandog sa akin mula sa inyong mga ani, alak at mga langis. “Italaga rin ninyo sa akin ang inyong mga panganay na lalaki, Pero kung nangyari ito sa araw, may pananagutan ang nakapatay sa magnanakaw. “Ang magnanakaw na nahuli ay dapat magbayad sa ninakaw niya. Kung wala siyang maibabayad, ipagbibili siya bilang alipin at ang pinagbilhan ang ibabayad sa ninakaw niya. at ang panganay na mga baka at tupa. Dapat maiwan sa ina ang bagong panganak na baka at tupa sa loob ng pitong araw. Sa ikawalong araw, maaari na itong ihandog sa akin. “Kayo ang pinili kong mamamayan, kaya hindi kayo kakain ng karne ng kahit anong hayop na pinatay ng mababangis na hayop. Ipakain ninyo ito sa mga aso. Kung ang baka o asno o tupa na ninakaw niya ay nasa kanya pa, babayaran niya ito ng doble.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 24:1

Ang buong mundo at ang lahat ng naririto ay pag-aari ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:27

Ang taong yumaman sa masamang paraan ay nagdudulot ng kaguluhan sa kanyang sambahayan. Mabubuhay naman nang matagal ang taong hindi nasusuhulan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 146:7

Binibigyan niya ng katarungan ang mga inaapi, at binibigyan ng pagkain ang mga nagugutom. Pinalalaya ng Panginoon ang mga bilanggo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:19-21

“Huwag kayong mag-ipon ng kayamanan para sa inyong sarili rito sa mundo, dahil dito ay may mga insekto at kalawang na sisira sa inyong kayamanan, at may mga magnanakaw na kukuha nito. “Kaya kapag nagbibigay kayo ng tulong, huwag na ninyo itong ipamalita gaya ng ginagawa ng mga pakitang-tao roon sa mga sambahan at sa mga daan upang purihin sila ng mga tao. Ang totoo, tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Sa halip, mag-ipon kayo ng kayamanan sa langit, kung saan walang insekto at kalawang na naninira, at walang nakakapasok na magnanakaw. Sapagkat kung nasaan ang inyong kayamanan, naroon din ang inyong puso.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:1

“Huwag kayong magbabalita ng kasinungalingan. Huwag kayong magsisinungaling para tumulong sa isang taong masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:61

Kahit iginagapos ako ng masasama, hindi ko kinakalimutan ang inyong kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 24:7

“Sinuman sa inyo ang kumidnap sa kapwa niya Israelita at ginawa itong alipin o ipinagbili, dapat patayin ang kumidnap. Sa pamamagitan nito, mawawala ang masasamang gawa sa inyong bansa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:9

Ang mga kautusang, “Huwag kang mangangalunya, huwag kang papatay, huwag kang magnanakaw, huwag kang mag-iimbot,” at ang iba pang mga utos ay napapaloob sa iisang utos: “Mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:24

Ang taong nagnanakaw sa magulang at sasabihing hindi iyon kasalanan ay kasamahan ng mga kriminal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 24:2

Nangangamkam ng lupain ang masasamang tao sa pamamagitan ng paglilipat ng muhon. Nagnanakaw sila ng mga hayop at isinasama sa sarili nilang mga hayop.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:12

“Gawin ninyo sa inyong kapwa ang gusto ninyong gawin nila sa inyo. Ganyan ang tamang pagsunod sa Kautusan ni Moises at sa mga isinulat ng mga propeta.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 49:6-7

Sila ay nagtitiwala sa kanilang kayamanan at dahil dito ay nagmamayabang. Pero walang may kakayahang tubusin ang kanyang sarili mula sa kamatayan, kahit magbayad pa siya sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 9:11

Nagtanim kami sa inyo ng mga espiritwal na pagpapapala. Malaking bagay ba kung umani naman kami ng mga materyal na pagpapala sa inyo?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 10:2

Ang dukha ay pinahihirapan ng masasama at mayayabang. Sanaʼy mangyari rin sa kanila ang kanilang masasamang plano.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 5:10

Ang taong maibigin sa pera at iba pang kayamanan, kailanman ay hindi masisiyahan. Wala rin itong kabuluhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 50:18

Kapag nakakita kayo ng magnanakaw, nakikipagkaibigan kayo sa kanya at nakikisama rin kayo sa mga nakikiapid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 73:12

Ganito ang buhay ng masasama: wala nang problema, yumayaman pa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 24:43-44

Tandaan ninyo ito: kung alam ng isang tao kung anong oras sa gabi darating ang magnanakaw, magbabantay siya at hindi niya hahayaang pasukin ng magnanakaw ang kanyang bahay. Kaya maging handa rin kayo, dahil ako na Anak ng Tao ay darating sa oras na hindi ninyo inaasahan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 1:23

Ang mga pinuno moʼy mga suwail at kasabwat ng mga magnanakaw. Gusto nila palagi ng suhol, at nanghihingi ng mga regalo. Hindi nila ipinagtatanggol ang karapatan ng mga ulila at hindi rin nila pinapakinggan ang daing ng mga biyuda.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:7

Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili. Ang Dios ay hindi madadaya ninuman. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:23

Ang masikap sa trabaho ay may pakinabang, ngunit magiging mahirap ang puro salita lang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:29-30

Naging alipin sila ng lahat ng uri ng kasamaan, kalikuan, kasakiman at masasamang hangarin. Silaʼy mainggitin, mamamatay-tao, mapanggulo, mandaraya, at laging nag-iisip ng masama sa kanilang kapwa. Silaʼy mga tsismosoʼt tsismosa Ang balitang itoʼy tungkol sa kanyang Anak, ang ating Panginoong Jesu-Cristo. Sa kanyang pagkatao, isinilang siya sa lahi ni Haring David, at sa kanyang banal na espiritu, napatunayang siya ang makapangyarihang Anak ng Dios, nang siyaʼy nabuhay mula sa mga patay. at mapanirang-puri. Napopoot sila sa Dios, mga walang galang at mapagmataas. Naghahanap sila ng magagawang masama, at suwail sa mga magulang nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:12

Ang taong masama ay laging kasamaan ang ginagawa, kaya hindi matatag ang kanyang kalagayan; ngunit ang taong matuwid ay matatag gaya ng punongkahoy na malalim ang ugat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:28

Dahil ang nais ng Panginoon ay katarungan, at ang mga taong tapat sa kanya ay hindi niya pinapabayaan. Silaʼy iingatan niya magpakailanman. Ngunit ang lahi ng mga taong masama ay mawawala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 56:11

Para silang mga asong matatakaw na walang kabusugan. Ang mga tagapag-alaga ng Israel ay walang pang-unawa. Ang bawat isa sa kanilaʼy gumagawa ng kahit anong gusto nilang gawin, at ang pansariling kapakanan lang ang kanilang pinagkakaabalahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:11

Ang kayamanang nakuha sa pandaraya ay madaling nawawala, ngunit ang kayamanang pinaghirapan ay pinagpapala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 2:1

Nakakaawa kayong nagpupuyat sa pagpaplano ng masama. Kinaumagahan ay isinasagawa ninyo ang inyong planong masama dahil may kakayahan kayong gawin iyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 3:14

May mga sundalo ring nagtanong sa kanya, “Kami naman po, ano ang dapat naming gawin?” At sinagot niya sila, “Huwag kayong mangingikil sa mga tao, at huwag kayong magpaparatang ng hindi totoo. Makontento kayo sa mga sahod ninyo!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:17

Huwag ninyong gantihan ng masama ang mga gumagawa sa inyo ng masama. Gawin ninyo ang mabuti sa paningin ng lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 10:3

Ipinagmamalaki nila ang kanilang masasamang kagustuhan. Pinupuri nila ang mga sakim, ngunit kinukutya ang Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:40-42

Kung ihabla ka ng sinuman at kunin ang iyong damit, ibigay mo na rin pati ang iyong balabal. Kung sapilitang ipapasan sa iyo ng isang sundalo ang dala niya ng isang kilometro, dalhin mo ito ng dalawang kilometro. Bigyan mo ang nanghihingi sa iyo, at huwag mong tanggihan ang nanghihiram sa iyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 6:10

Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ang siyang ugat ng lahat ng kasamaan. Ang sobrang paghahangad ng salapi ang nagtulak sa iba na tumalikod sa pananampalataya at nagdulot ng maraming paghihinagpis sa buhay nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:119

Itinuturing nʼyo na parang basura ang lahat ng masasama rito sa mundo, kaya iniibig ko ang inyong mga turo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:8

Mas mabuti ang kaunting halaga na pinaghirapan, kaysa sa malaking kayamanang galing sa masamang paraan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 49:16-17

Huwag kang mangamba kung yumayaman ang iba at ang kanilang kayamanan ay lalo pang nadadagdagan, dahil hindi nila ito madadala kapag silaʼy namatay. Ang kanilang kayamanan ay hindi madadala sa libingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:17

Pagkaing nakuha sa pandaraya sa una ay matamis ang lasa, ngunit sa huli ay lasang buhangin na.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 78:70-72

Pinili ng Dios si David upang maging lingkod niya. Kinuha siya mula sa pagpapastol ng tupa at ginawang hari ng Israel, ang mga mamamayang kanyang hinirang. Katulad ng isang mabuting pastol, inalagaan niya ang mga Israelita nang may katapatan at mahusay silang pinamunuan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 7:10

Huwag ninyong gigipitin ang mga biyuda, mga ulila, mga dayuhan, at ang mga mahihirap. Huwag kayong magbalak ng masama laban sa isaʼt isa.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 5:19

“ ‘Huwag kayong magnanakaw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:16-17

Ang kaunting tinatangkilik ng matuwid ay mas mabuti kaysa sa kayamanan ng masama. Dahil tutulungan ng Panginoon ang matuwid, ngunit mawawalan ng kakayahan ang taong masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 22:7

“Kung nagpatago ang isang tao ng pera o kahit anong bagay sa bahay ng kapitbahay niya at ninakaw ito. Kung mahuhuli ang nagnakaw, kailangang magbayad siya ng doble.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 4:8

May isang taong nag-iisa sa buhay. Wala siyang anak at wala ring kapatid. Pero wala siyang tigil sa pagtatrabaho at hindi nakokontento sa kanyang kayamanan. Sinabi niya sa kanyang sarili, “Hindi na ako nakakapagsaya dahil sa sobrang pagtatrabaho. Pero wala naman akong mapag-iiwanan ng aking mga pinaghirapan.” Wala itong kabuluhan! At napakalungkot ng ganitong klase ng buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:28

Para siyang tulisan na nag-aabang ng mabibiktima, at siya ang dahilan ng pagtataksil ng maraming lalaki sa kanilang mga asawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:27

Ang taong mapagbigay sa mahihirap ay hindi kukulangin, ngunit ang nagbubulag-bulagan ay makakatanggap ng mga sumpa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 82:3

Bigyan ninyo ng katarungan ang mga dukha at ulila. Ipagtanggol ninyo ang karapatan ng mga nangangailangan at inaapi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 23:6

“Siguraduhin ninyong mabibigyan ng hustisya ang mga mahihirap sa kaso nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:19

Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti. Ipaubaya ninyo iyan sa Dios. Sapagkat sinabi ng Panginoon sa Kasulatan, “Ako ang maghihiganti; ako ang magpaparusa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:94

Akoʼy inyo, kaya iligtas nʼyo po ako! Dahil pinagsisikapan kong sundin ang inyong mga tuntunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:24

Ang taong nakikipagsabwatan sa magnanakaw ay ipinapahamak ang kanyang sarili. Kahit na pasumpain siya na magsabi ng totoo ay hindi pa rin magsasabi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:19

Ang mga taong sumusunod sa ninanasa ng laman ay makikilala sa gawa nila: sekswal na imoralidad, kalaswaan, kahalayan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 28:10

Ang taong inililigaw ang matuwid para magkasala ay mabibiktima ng sarili niyang mga pakana. Ngunit ang taong namumuhay nang matuwid ay tatanggap ng maraming kabutihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 109:11

Kunin sana ng kanyang pinagkakautangan ang kanyang mga ari-arian, at agawin ng mga dayuhan ang kanyang pinaghirapan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 5:1-3

Kayong mayayaman, makinig kayo! Umiyak kayoʼt maghinagpis dahil sa mga kahirapang darating sa inyo. Tularan nʼyo ang pagtitiyaga at pagtitiis ng mga propeta na mga tagapagsalita ng Panginoon. Hindi baʼt itinuturing nating mapalad ang mga taong nagtitiis? Alam nʼyo ang tungkol sa pagtitiis ni Job, at alam naman ninyo kung paano siya tinulungan ng Panginoon sa bandang huli. Sadyang mabuti at maawain ang Panginoon. Higit sa lahat, mga kapatid, huwag kayong manunumpa sa mga pangako ninyo. Huwag ninyong sabihin, “Saksi ko ang langit,” o “Saksi ko ang lupa,” o ano pa man. Sabihin nʼyo lang na “Oo” kung oo, at “Hindi” kung hindi, para hindi kayo hatulan ng Dios. Mayroon bang dumaranas ng paghihirap sa inyo? Dapat siyang manalangin sa Dios. Mayroon bang masaya sa inyo? Dapat siyang umawit ng mga papuri. Mayroon bang may sakit sa inyo? Dapat niyang ipatawag ang mga namumuno sa iglesya para ipanalangin siya at pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon. Ang panalanging may pananampalataya ay nakapagpapagaling ng may sakit. Ibabangon siya ng Panginoon at patatawarin kung nagkasala siya. Kaya nga, ipagtapat ninyo sa isaʼt isa ang mga kasalanan nʼyo at ipanalangin ang isaʼt isa para gumaling kayo. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid, katulad ni propeta Elias. Tao rin siyang tulad natin. Mataimtim siyang nanalangin na huwag umulan, at hindi nga umulan ng tatloʼt kalahating taon. At nang nanalangin siya para umulan, bumuhos ang ulan, at namunga ang mga pananim. Mga kapatid, kung nalilihis sa katotohanan ang isa sa inyo at may nakapagpabalik sa kanya sa tamang landas, Nabubulok na ang mga kayamanan nʼyo at sinisira na ng insekto ang mga damit ninyo. dapat ninyong malaman na ang nagpabalik sa isang makasalanan mula sa kanyang masamang pamumuhay ay nagliligtas ng kaluluwa ng taong iyon sa kamatayan, at magdudulot ng kapatawaran ng maraming kasalanan. Itinatago nʼyo lang ang mga pera nʼyo at hindi naman napapakinabangan. Sa mga huling araw, hahatulan kayo sa impyerno dahil sa pera ninyong hindi naman ginamit sa kabutihan. Sayang lang ang mga itinago nʼyo dahil malapit na ang katapusan ng mundo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 33:15

Ang makakatagal ay ang mga taong namumuhay nang matuwid at hindi nagsisinungaling, hindi gahaman sa salapi o tumatanggap man ng suhol. Hindi sila nakikiisa sa mga mamamatay-tao at hindi gumagawa ng iba pang masamang gawain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 3:13-14

“Ang kanilang pananalitaʼy hindi masikmura tulad ng bukas na libingan. Ang kanilang sinasabiʼy puro pandaraya. Ang mga salita nilaʼy parang kamandag ng ahas. Ang lumalabas sa kanilang bibig ay panay pagmumura at masasakit na salita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:155

Hindi maliligtas ang masasama, dahil hindi nila ipinamumuhay ang inyong mga tuntunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 21:13

Sinabi niya sa kanila, “Sinasabi ng Dios sa Kasulatan, ‘Ang bahay ko ay bahay-panalanginan.’ Pero ginawa ninyong pugad ng mga tulisan!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 12:5

Sinabi ng Panginoon, “Kikilos ako! Nakikita ko ang kaapihan ng mga dukha, at naririnig ko ang iyakan ng mga naghihirap. Kayaʼt ibibigay ko sa kanila ang pinapangarap nilang kaligtasan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:7

Ang karahasan ng masasama ang magpapahamak sa kanila, sapagkat ayaw nilang gawin ang tama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 10:30-37

Bilang sagot sa kanya, nagkwento si Jesus: “May isang taong papunta sa Jerico galing sa Jerusalem. Habang naglalakad siya, hinarang siya ng mga tulisan. Kinuha nila ang mga dala niya, pati na ang suot niya. Binugbog nila siya at iniwang halos patay na sa tabi ng daan. Nagkataong dumaan doon ang isang pari. Nang makita niya ang taong nakahandusay, lumihis siya at nagpatuloy sa kanyang paglalakad. Napadaan din ang isang Levita at nakita niya ang tao, pero lumihis din siya sa kabilang daan at nagpatuloy sa kanyang paglalakad. Pero may isang Samaritanong naglalakbay na napadaan doon. Nakita niya ang taong nakahandusay at naawa siya. Nilapitan niya ang lalaki, hinugasan ng alak ang sugat, binuhusan ng langis at saka binendahan. Pagkatapos, isinakay niya ang tao sa sinasakyan niyang hayop, dinala sa bahay-panuluyan at inalagaan doon. Kinabukasan, binigyan ng Samaritano ng pera ang may-ari ng bahay-panuluyan at sinabi, ‘Alagaan mo siya, at kung kulang pa iyan sa magagastos mo ay babayaran kita pagbalik ko.’ ” Nagtanong ngayon si Jesus sa tagapagturo ng Kautusan, “Sa palagay mo, sino sa tatlong ito ang nagpakita na siya ang tunay na kapwa-tao ng biktima ng mga tulisan?” Sumagot siya, “Ang tao pong nagpakita ng awa sa kanya.” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Lumakad ka at ganoon din ang gawin mo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:21-22

Ang taong masama ay nangungutang pero hindi nagbabayad, ngunit ang taong matuwid ay naaawa at nagbibigay ng sagana. Ang mga pinagpapala ng Panginoon ay patuloy na titira sa lupain ng Israel. Ngunit silang mga isinumpa niya ay palalayasin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:3

Ang pamumuhay nang may katapatan ang gagabay sa taong matuwid, ngunit ang taong mandaraya ay mapapahamak dahil hindi tama ang kanyang pamumuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 18:30

“Kaya sinasabi ko sa inyo, mga mamamayan ng Israel, ako, ang Panginoong Dios, ako ang hahatol sa bawat isa sa inyo ayon sa inyong mga ginawa. Kaya, magsisi na kayo! Talikuran na ninyo ang lahat ng inyong kasalanan para hindi kayo mapahamak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:118

Itinakwil nʼyo ang lahat ng lumayo sa inyong mga tuntunin. Sa totoo lang, ang kanilang panloloko ay walang kabuluhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:22

Ang gusto natin sa isang tao ay matapat. Mas mabuti pang maging mahirap kaysa maging sinungaling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 79:12

O Panginoon, gantihan nʼyo ng pitong ulit ang mga kalapit naming bansa dahil sa ginawa nilang pangungutya sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 56:2

Mapalad ang mga taong gumagawa nito at ang mga sumusunod sa aking mga ipinapagawa sa Araw ng Pamamahinga. Mapalad din ang taong hindi gumagawa ng masama.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 52:1

Ikaw, taong mapagmataas, bakit mo ipinagyayabang ang kasamaan mo? Hindi baʼt ang Dios ay palaging mabuti sa iyo?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 4:17

Kung alam ng isang tao ang mabuti na dapat niyang gawin, pero hindi naman ginagawa, nagkakasala siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:25

Kung marami kang ninanais ngunit tamad kang magtrabaho, iyon ang sisira sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:24

“Walang taong makapaglilingkod nang sabay sa dalawang amo. Sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, o kayaʼy magiging tapat siya sa isa at hahamakin ang ikalawa. Ganoon din naman, hindi kayo makapaglilingkod nang sabay sa Dios at sa kayamanan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:10

Ang madadayang timbangan at sukatan ay kasuklam-suklam sa paningin ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:13

Huwag na ninyong gamitin ang alin mang bahagi ng inyong katawan sa paggawa ng kasalanan. Sa halip, ialay ninyo ang inyong sarili sa Dios bilang mga taong binigyan ng bagong buhay. Ilaan ninyo sa Dios ang inyong katawan sa paggawa ng kabutihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 53:4

Kailan kaya matututo ang masasamang tao? Sinasamantala nila ang aking mga kababayan para sa kanilang pansariling kapakanan. At hindi sila nananalangin sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:21

pagkainggit, paglalasing, pagkahilig sa kalayawan, at iba pang kasamaan. Binabalaan ko kayo tulad ng ginawa ko na noon: Ang mga namumuhay nang ganito ay hindi mapapabilang sa kaharian ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:16

Ang nagreregalo sa mayaman o nang-aapi sa mahihirap para yumaman ay hahantong din sa karalitaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 84:11

Dahil kayo Panginoong Dios ay parang araw na nagbibigay liwanag sa amin at pananggalang na nag-iingat sa amin. Pinagpapala nʼyo rin kami at pinararangalan Hindi nʼyo ipinagkakait ang mabubuting bagay sa sinumang matuwid ang pamumuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 9:17

“Mas masarap ang tubig na ninakaw at mas masarap ang pagkain na kinakain ng lihim.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Malakias 3:8

Magtatanong din ako sa inyo, maaari bang nakawan ng tao ang Dios? Parang imposible. Pero ninanakawan ninyo ako. At itinatanong inyo, ‘Paano namin kayo ninanakawan?’ Ninanakawan ninyo ako dahil hindi ninyo ibinibigay ang inyong mga ikapu at mga handog.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 10:1

Nagsalita si Jesus sa pamamagitan ng paghahalintulad. Sinabi niya, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang pumapasok sa kulungan ng mga tupa nang hindi dumadaan sa pintuan, kundi umaakyat sa pader ay magnanakaw at tulisan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 7:9

Kayo ay nagnanakaw, pumapatay, nangangalunya, sumasaksi nang may kasinungalingan, naghahandog ng mga insenso kay Baal, at sumasamba sa ibang mga dios na hindi nʼyo nakikilala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:30

Minsan nauunawaan ng mga tao ang taong nagnakaw dahil sa gutom.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:15

“Huwag kayong magnanakaw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 22:1

“Kung nagnakaw ang isang tao ng baka o tupa, at kinatay niya ito o ipinagbili, kailangang magbayad siya. Sa isang bakang ninakaw niya, magbabayad siya ng limang baka. At sa isang tupang ninakaw niya, magbabayad siya ng apat na tupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 2:26

“Tulad ng isang magnanakaw na napapahiya kapag nahuli, mapapahiya rin kayong mga taga-Israel. Talagang mapapahiya kayo, pati ang mga hari, pinuno, pari, at mga propeta ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 10:19

Tungkol sa tanong mo, alam mo ang sinasabi ng Kautusan: ‘Huwag kang papatay, huwag kang mangangalunya, huwag kang magnanakaw, huwag kang sasaksi ng kasinungalingan, huwag kang mandadaya, at igalang mo ang iyong ama at ina.’ ”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:28

Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw, sa halip ay maghanapbuhay siya nang marangal para makatulong din siya sa mga nangangailangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Mahal kong Espiritu Santo, ikaw ang aking gabay, ang aking aliw, at ang siyang bumabago sa akin. Dalangin ko po na tulungan mo ako at palayain mula sa lahat ng bagay na nagbibigkis sa akin sa kasalanan. Sabi ng iyong salita: “Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw pa, bagkus ay magpagal, na gumagawa ng mabuti sa pamamagitan ng kaniyang mga kamay, upang siya'y may maibahagi sa nangangailangan.” Panginoong Hesus, patawarin mo po ako sa bawat taong aking tinakot at nilapastangan upang nakawin ang kanilang pag-aari, patawad po sa lahat ng aking ninakaw, dahil man sa pangangailangan o sa pagsasamantala. Panibaguhin at palakasin Mo po ang aking kalooban, tulungan mo akong hubarin ang aking dating pagkatao na puno ng mapandayang pagnanasa upang hindi ko na bigyan ng puwang ang kasalanan sa aking buhay. Tinatalikuran ko na po ang lahat ng karumihan at lahat ng bagay na nagtutulak sa akin sa pagnanakaw. Ilayo Mo po sa akin, Panginoon, ang lahat ng taong may masamang impluwensya sa akin at ang mga nagnanais ng aking kapahamakan; alisin Mo sila sa aking landas. Sabi ng iyong salita: “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang bawat gumagawa ng kasalanan ay alipin ng kasalanan.” Panginoon, tulungan Mo po akong magtagumpay at isara ang pinto sa kasalanan. Nawa’y kamuhian at itakwil ng aking puso ang pagnanakaw, pangangalunya, pornograpiya, pagsisinungaling, kalibugan, kasakiman, at lahat ng uri ng karumihan. Sa ngalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas