Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Awit 10:2 - Ang Salita ng Dios

2 Ang dukha ay pinahihirapan ng masasama at mayayabang. Sanaʼy mangyari rin sa kanila ang kanilang masasamang plano.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

2 Sa kapalaluan ng masama ang dukha ay hinahabol na mainam; mahuli nawa sila sa mga lalang na kanilang inakala.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

2 Sa kapalaluan ay mainit na hinahabol ng masama ang dukha; mahuli nawa sila sa binalangkas nilang mga pakana.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

2 Sa kapalaluan ng masama ang dukha ay hinahabol na mainam; Mahuli nawa sila sa mga lalang na kanilang inakala.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

2 Inaapi ang mga dukha ng palalo't walang-awa; nawa'y sila ang mahuli sa patibong nilang gawa.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

2 Inaapi ang mga dukha ng palalo't walang-awa; nawa'y sila ang mahuli sa patibong nilang gawa.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

2 Inaapi ang mga dukha ng palalo't walang-awa; nawa'y sila ang mahuli sa patibong nilang gawa.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Awit 10:2
18 Mga Krus na Reperensya  

Dahil hindi niya naiisip na gumawa ng mabuti, sa halip ay inuusig at pinapatay niya ang mga dukha, ang mga nangangailangan at ang mga nawalan ng pag-asa.


Ipangako nʼyong tutulungan nʼyo ako na inyong lingkod; huwag pabayaang apihin ako ng mga mayayabang.


Labis kong ninanais na maging tapat sa pagsunod sa inyong mga tuntunin.


Kahit na akoʼy sinisiraan ng mga taong mapagmataas, buong puso ko pa ring tinutupad ang inyong mga tuntunin.


Ang mga mapagmataas na hindi sumusunod sa inyong mga kautusan ay naghukay ng mga patibong upang akoʼy hulihin.


Ang mga hambog ay naglagay ng mga bitag para sa akin; naglagay sila ng lambat sa aking dinadaanan upang ako ay hulihin.


Patahimikin nʼyo silang mga sinungaling, pati ang mga mayayabang at mapagmataas na binabalewala at hinahamak ang mga matuwid.


Huwag nʼyong payagang akoʼy tapakan ng mga mapagmataas o itaboy ng mga masasama.


Nagkakasala sila dahil sa kasamaan ng kanilang sinasabi. Mahuli sana sila sa kanilang kayabangan. Nagmumura sila at nagsisinungaling,


Nalalaman ko ngayon na mas makapangyarihan ang Panginoon sa lahat ng dios, dahil iniligtas niya ang mga Israelita sa mga Egipciong nagmamaltrato sa kanila.”


Pero nagyayabang ka pa rin sa mamamayan ko, at hindi mo pa rin sila pinapayagang umalis.


Ang masamang tao ay bihag ng kanyang kasamaan, para itong bitag na huhuli sa kanya.


Sinabi mo sa iyong sarili, ‘Aakyat ako sa langit, at ilalagay ko ang aking trono sa itaas ng mga bituin ng Dios. Uupo ako sa itaas ng bundok na pinagtitipunan ng mga dios sa bandang hilaga.


Tititigan kang mabuti ng mga patay at sasabihin nila, ‘Hindi baʼt ito ang taong kinatatakutan ng mga tao sa mundo, at ang yumanig ng mga kaharian?


sinabi sa kanya nina Azaria na anak ni Hosaya, Johanan na anak ni Karea, at ng iba pang mayayabang na lalaki, “Sinungaling ka! Hindi ka isinugo ng Panginoon na aming Dios, para sabihin sa amin na hindi kami dapat pumunta sa Egipto upang manirahan doon.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas