Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


128 Mga talata sa Bibliya tungkol sa hindi pagpaparungi sa iyong sarili

128 Mga talata sa Bibliya tungkol sa hindi pagpaparungi sa iyong sarili

Alam mo ba, ang buhay na nakalaan sa Diyos ang hinihingi Niya sa atin. Itinuro ni Hesus na hindi ang pumapasok sa bibig ang nagpaparumi sa tao, kundi ang lumalabas mula sa puso natin.

Sa panahon ngayon, kitang-kita natin ang paglaganap ng kasamaan at imoralidad sa mundo. Kaya nga kailangan nating magbantay para hindi tayo madaig ng mga bagay na hindi kalugod-lugod sa paningin ng Panginoon.

Isipin mo, ang puso natin ay maaaring marumihan ng iba't ibang bagay na nakakaapekto sa ating ugali, damdamin, at emosyon. Halimbawa nito ang inggit, sama ng loob, negatibong pag-iisip, pride, pagiging makasarili, kayabangan, pagsisinungaling, at marami pang iba. Madali tayong malason ng mga ito at mapalayo sa isang buhay na puno ng kapayapaan kasama ang Diyos.

Paano natin malalaman kung marumi na ang ating puso? Maaaring nahihirapan tayong magpatawad sa mga nakasakit sa atin. Baka masyado tayong naghahangad ng kapangyarihan at kayamanan. O baka naman wala tayong pakialam sa paghihirap ng iba at gusto pa nating gumanti. Minsan, nagiging manhid na rin tayo sa tawag ng Diyos at nawawalan ng gana na sumunod sa Kanyang kalooban.

Kaya ngayon, inaanyayahan kita nang buong pagmamahal na linisin natin ang ating mga puso at mamuhay nang kalugod-lugod sa Diyos. Harapin natin Siya at alisin ang lahat ng dumi sa ating mga puso na naglalayo sa atin sa Kanya. Tandaan mo, kahit gaano man kapula ang ating mga kasalanan, dahil sa dugo ni Hesus, magiging mapuputi ito gaya ng balahibo ng tupa. Kaya't bumangon ka at lumakad sa kabanalan para maligtas ang iyong kaluluwa.




Mga Gawa 15:20

Sa halip, sulatan natin sila na huwag kumain ng mga pagkaing inihandog sa mga dios-diosan, dahil itoʼy itinuturing nating marumi. Iwasan nila ang sekswal na imoralidad. At huwag kakain ng dugo o karne ng hayop na namatay nang hindi tumulo ang dugo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 7:1

Mga minamahal, dahil sa mga ipinangako ng Dios sa atin, linisin natin ang ating sarili sa anumang bagay na nagpaparumi sa ating katawan at espiritu, at sikapin nating mamuhay nang banal at may takot sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:16

Sapagkat sinasabi ng Dios sa Kasulatan, “Magpakabanal kayo dahil banal ako.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 20:3

Kasusuklaman ko ang taong iyon at huwag na ninyong ituring na kababayan. Sapagkat dahil sa paghahandog niya ng kanyang anak kay Molec, dinungisan niya ang lugar na pinagsasambahan sa akin at nilapastangan niya ang aking pangalan. Kapag ang taong iyon ay hinahayaan ninyo sa kanyang ginagawang iyon,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 20:7

Pagkatapos, sinabi ko sa kanila, ‘Itakwil na ninyo ang inyong mga dios-diosan, huwag ninyong dungisan ang inyong sarili sa pamamagitan ng pagsamba sa mga dios-diosan ng Egipto, dahil ako ang Panginoon na inyong Dios.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:2

Huwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Hayaan ninyong baguhin kayo ng Dios sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip, para malaman ninyo ang kalooban ng Dios – kung ano ang mabuti, ganap, at kalugod-lugod sa kanyang paningin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 20:18

Sinabihan ko ang mga anak nila roon sa ilang, ‘Huwag ninyong tutularan ang mga tuntunin at pag-uugali ng inyong mga magulang at huwag ninyong dudungisan ang sarili ninyo sa pamamagitan ng pagsamba sa mga dios-diosan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 6:17

Kaya lumayo kayo at humiwalay sa kanila. Layuan ninyo ang itinuring na marumi at tatanggapin ko kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 4:4

Kayong mga hindi tapat sa Dios, hindi nʼyo ba alam na kaaway ng Dios ang umiibig sa mundo? Kaya ang sinumang nagnanais makipagkaibigan sa mundo ay ginagawa niyang kaaway ng Dios ang sarili niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:21

Kaya talikuran nʼyo na ang lahat ng kasamaan at maruruming gawain, at tanggapin nang may pagpapakumbaba ang salita ng Dios na itinanim sa inyong puso na siyang makapagliligtas sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:19-21

Ang mga taong sumusunod sa ninanasa ng laman ay makikilala sa gawa nila: sekswal na imoralidad, kalaswaan, kahalayan, Tandaan nʼyo ang sinasabi ko: Ako mismong si Pablo ang nagsasabi sa inyo na kung magpapatuli kayo para maging katanggap-tanggap sa Dios, mawawalan ng kabuluhan ang ginawa ni Cristo para sa inyo. pagsamba sa mga dios-diosan, pangkukulam, pagkapoot, pag-aaway-away, pagkasakim, pagkagalit, pagkakawatak-watak, pagkakahati-hati, pagkainggit, paglalasing, pagkahilig sa kalayawan, at iba pang kasamaan. Binabalaan ko kayo tulad ng ginawa ko na noon: Ang mga namumuhay nang ganito ay hindi mapapabilang sa kaharian ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 7:20-23

Sinabi pa ni Jesus, “Ang lumalabas sa tao ang nagpaparumi sa kanya sa paningin ng Dios. Sapagkat sa puso ng tao nagmumula ang masamang pag-iisip na nagtutulak sa kanya na gumawa ng sekswal na imoralidad, pagnanakaw, pagpatay, pangangalunya, kasakiman, at paggawa ng lahat ng uri ng kasamaan tulad ng pandaraya, kabastusan, inggitan, paninira sa kapwa, pagyayabang, at kahangalan. Ang lahat ng kasamaang ito ay nanggagaling sa puso ng tao, at siyang nagpaparumi sa kanya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 6:19-20

Hindi baʼt ang katawan ninyo ay templo ng Banal na Espiritung nasa inyo at tinanggap ninyo mula sa Dios? Kung ganoon, ang katawan ninyoʼy hindi sa inyo kundi sa Dios, Hindi nʼyo ba alam na sa mga huling araw tayong mga banal ang hahatol sa mga tao sa mundo? At kung kayo ang hahatol sa mga tao sa mundo, wala ba kayong kakayahang hatulan ang maliliit na bagay na iyan? dahil tinubos kayo ng Dios sa napakalaking halaga. Kaya gamitin ninyo ang inyong katawan sa paraang ikapupuri ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:22

at iwasan ang lahat ng uri ng kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:8

Bukod diyan, mga kapatid, lagi ninyong isaisip ang mga bagay na mabuti at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, maganda, at kanais-nais.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 1:9

Ngunit kung ipinagtatapat natin sa Dios ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin niya ang ating mga kasalanan at lilinisin tayo sa lahat ng uri ng kasamaan dahil matuwid siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 2:15-17

Huwag ninyong ibigin ang mundo o ang mga makamundong bagay. Ang umiibig sa mga ito ay hindi umiibig sa Ama. Sapagkat ang lahat ng kamunduhan – ang masasamang hilig ng laman, ang pagnanasa sa mga nakikita ng mata, at ang anumang pagmamayabang sa buhay – ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa mundo. Ang mundo at lahat ng bagay dito na hinahangad ng tao ay mawawala, ngunit ang taong sumusunod sa kalooban ng Dios ay mabubuhay magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 4:8

Lumapit kayo sa Dios at lalapit din siya sa inyo. Kayong mga makasalanan, mamuhay kayo nang malinis. At kayong mga nagdadalawang-isip, linisin nʼyo ang inyong puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:11

Huwag kayong makibahagi sa mga walang kabuluhang gawain ng mga taong nasa kadiliman, sa halip, ipamukha nʼyo sa kanila ang kasamaan nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 1:16

Linisin ninyo ang inyong sarili. Tigilan na ninyo ang paggawa ng kasamaan sa aking harapan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Tito 2:14

Ibinigay niya ang kanyang sarili para sa atin upang tubusin tayo sa lahat ng kasamaan, at upang tayoʼy maging mamamayan niya na malinis at handang gumawa ng mabuti.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 4:23

Higit sa lahat, ingatan mo ang iyong isipan, sapagkat kung ano ang iyong iniisip iyon din ang magiging buhay mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Daniel 12:10

Marami sa mga nakakaunawa ng katotohanan ang lilinisin ang kanilang buhay, at mauunawaan nila ang mga sinasabi ko. Pero ang masasama ay patuloy na gagawa ng masama at hindi makakaunawa ng mga sinasabi ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 2:22

Kaya iwasan mo ang masasamang hilig ng kabataan. Pagsikapan mong mamuhay nang matuwid, tapat, mapagmahal at may mabuting pakikitungo sa kapwa, kasama ng mga tumatawag sa Panginoon nang may malinis na puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:8

Mapalad ang mga taong may malinis na puso, dahil makikita nila ang Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 22:16

Ngayon, ano pa ang hinihintay mo? Tumayo ka na at magpabautismo, at tumawag sa Panginoon para maging malinis ka sa iyong mga kasalanan.’ ”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 1:18

Sinabi pa ng Panginoon, “Halikayoʼt pag-usapan natin ito. Kahit gaano man karumi ang inyong mga kasalanan, lilinisin ko iyan para maging malinis kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:14

Sa halip, paghariin ninyo sa inyong buhay ang Panginoong Jesu-Cristo, at huwag ninyong pagbigyan ang inyong makamundong pagnanasa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Pedro 2:20

Ang mga taong nakakilala na kay Jesu-Cristo na Panginoon at Tagapagligtas ay tumalikod na sa kasamaan ng mundo. Ngunit kung muli silang bumalik sa kasamaan at maging alipin muli nito, mas masahol pa sa dati ang magiging kalagayan nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 24:3-4

Sino ang karapat-dapat umakyat sa bundok ng Panginoon? At sino ang maaaring tumungtong sa kanyang banal na templo? Makatutungtong ang may matuwid na pamumuhay at malinis na puso, ang hindi sumasamba sa mga dios-diosan, at ang hindi sumusumpa ng kasinungalingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 5:11

Ang tinutukoy ko na huwag ninyong pakikisamahan ay ang mga nagsasabing silaʼy mga kapatid sa Panginoon pero mga imoral, sakim, sumasamba sa dios-diosan, mapanlait, lasenggo, at magnanakaw. Ni huwag kayong makisalo sa kanila sa pagkain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 18:20

Huwag kang sumiping sa asawa ng iba dahil kapag ginawa mo ito, ituturing kang marumi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 18:25

At kahit ang lupain ay nadungisan dahil sa ginawa nilang iyon. Pinadalhan ko ng mga salot ang lupaing iyon para silaʼy magsialis doon. Pero kayong mga katutubong Israelita at mga dayuhang naninirahang kasama ninyo, huwag ninyong gawin ang kasuklam-suklam na gawaing iyon, kundi sundin ninyo ang mga tuntunin at mga kautusan ko. Sapagkat kung dudungisan din ninyo ang lupaing iyon, sa pamamagitan ng paggawa ng mga gawaing iyon, paaalisin ko rin kayo sa lupaing iyon katulad ng mga taong unang tumira roon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:9

Paano mapapanatili ng isang kabataan na maging malinis ang kanyang buhay? Mamuhay siya ayon sa inyong mga salita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 19:29

Huwag ninyong ilagay sa kahihiyan ang inyong anak na babae sa pamamagitan ng pagpilit sa kanila na ipagbili ang kanilang sarili para sa panandaliang-aliw, dahil ito ang magiging dahilan ng paglaganap ng kasamaan sa inyong bayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 19:31

Huwag kayong sasangguni sa mga espiritistang nakikipag-usap sa kaluluwa ng mga patay, dahil kapag ginawa ninyo ito, ituturing kayo na marumi. Ako ang Panginoon na inyong Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:13

Walang pagsubok na dumarating sa inyo na hindi naranasan ng ibang tao. Ngunit maaasahan natin ang pangako ng Dios na hindi niya tayo pababayaang subukin ng higit pa sa ating makakaya. Kaya kung dumaranas kayo ng pagsubok, gagawa siya ng paraan para mapagtagumpayan ninyo ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 106:38

na mga dios-diosan ng Canaan. Dahil sa pagpatay nila sa walang malay nilang mga anak, dinungisan nila ang lupain ng Canaan

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:5

Kaya patayin nʼyo na ang anumang kamunduhang nasa inyo: ang sekswal na imoralidad, kalaswaan, pagnanasa, at kasakiman na katumbas na rin ng pagsamba sa mga dios-diosan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 59:3

Pumapatay kayo ng tao, at gumagawa pa ng ibang kasamaan. Nagsisinungaling kayo at nagsasalita ng masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 2:7

Mula rooʼy dinala ko sila sa magandang lupain para makinabang sa kasaganaan ng ani nito. Pero nang naroon na kayo, dinungisan nʼyo ang lupain ko at ginawa itong kasuklam-suklam.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 2:11

Mga minamahal, mga dayuhan kayong nakikitira lang sa mundong ito. Kaya nakikiusap ako sa inyong talikuran na ninyo ang masasamang pagnanasa ng inyong katawan na nakikipaglaban sa inyong espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:22-24

Kaya talikuran nʼyo na ang dati ninyong pamumuhay dahil gawain ito ng dati ninyong pagkatao. Ang pagkataong ito ang siyang nagpapahamak sa inyo dahil sa masasamang hangarin na dumadaya sa inyo. Baguhin nʼyo na ang inyong pag-iisip at pag-uugali. Ipakita nʼyong binago na kayo ng Dios at binigyan ng buhay na matuwid at banal katulad ng sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 3:9

sa pamamagitan ng pagsamba sa mga dios-diosang bato at kahoy, kaya dinungisan niya ang lupain. Hindi siya nababahala sa pagsamba sa mga dios-diosan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 32:34

Dinungisan nila ang templo ko kung saan dinadakila ang pangalan ko. Inilagay nila roon ang mga dios-diosan nilang kasuklam-suklam.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:14

Pagsikapan ninyong mamuhay nang may mabuting relasyon sa lahat ng tao, at magpakabanal kayo. Sapagkat kung hindi banal ang pamumuhay nʼyo, hindi nʼyo makikita ang Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:27-28

Kung maglalaro ka ng apoy sa iyong kandungan tiyak na masusunog ang damit mo. At kung tatapak ka sa baga, mapapaso ang mga paa mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Panaghoy 4:14

Sila ngayon ay nangangapa sa mga lansangan na parang mga bulag. Puno ng dugo ang kanilang mga damit, kaya walang sinumang nagtangkang humipo sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 4:12

Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman dahil sa iyong kabataan. Sa halip, maging halimbawa ka sa mga mananampalataya sa iyong pananalita, pag-uugali, pag-ibig, pananampalataya at malinis na pamumuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 23:38

Ito pa ang ginawa nila sa akin: Nilapastangan nila ang Araw ng Pamamahinga at ang aking templo. Nilapastangan nila ang templo ko sa pamamagitan ng paghahandog ng mga anak nila sa kanilang mga dios-diosan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Hosea 5:3

Alam ko ang lahat ng tungkol sa inyo na mga taga-Israel. Wala kayong maililihim sa akin. Sumasamba kayo sa mga dios-diosan kaya naging marumi kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:27

Ang pagkarelihiyosong itinuturing na dalisay at walang kapintasan ng Dios Ama ay ito: Ang pagtulong sa mga ulila at mga biyuda sa kahirapan nila, at ang pagtalikod sa lahat ng kasamaan sa mundong ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 2:10

Kaya ngayon, umalis na kayo rito sa Israel dahil ang lugar na ito ay hindi na makapagbibigay sa inyo ng kapahingahan, sapagkat dinungisan ninyo ito ng inyong mga kasalanan. Masisira ang lugar na ito at hindi na mapapakinabangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 15:33

Huwag kayong palilinlang sa kasabihang iyan. Sa halip, ito ang inyong paniwalaan: “Ang masasamang kasamaʼy nakakasira ng mabuting ugali.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zefanias 3:1

Sinabi ni Zefanias: Nakakaawa ang Jerusalem! Ang mga naninirahan dito ay nagrerebelde sa Dios at gumagawa ng karumihan. Ang kanyang mga pinuno ay mapang-api.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 52:11

Kayong mga tagapagdala ng mga kagamitan ng templo ng Panginoon, umalis na kayo sa Babilonia. Huwag kayong hihipo ng mga bagay na itinuturing na marumi. Umalis na kayo sa Babilonia, at magpakabanal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zefanias 3:4

Ang kanilang mga propeta ay padalos-dalos sa kanilang mga ginagawa at hindi mapagkakatiwalaan. Nilalapastangan ng kanilang mga pari ang mga bagay na banal at sinusuway ang Kautusan ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 15:11

Hindi ang pumapasok sa bibig ng tao ang nagpaparumi sa kanya kundi ang mga lumalabas dito.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 17:15-16

Hindi ko idinadalangin na kunin mo na sila sa mundo, kundi ingatan mo sila laban kay Satanas. Hindi sila makamundo, tulad ko na hindi makamundo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:11

“Mapalad kayo kung dahil sa pagsunod ninyo sa akin ay iniinsulto kayo, inuusig at pinaparatangan ng masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 15:18

Ngunit ang lumalabas sa bibig ay nagmumula sa puso ng tao, at ito ang nagpaparumi sa kanya sa paningin ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 15:20

Ang mga bagay na ito ang nagpaparumi sa isang tao. Ngunit ang kumain nang hindi naghuhugas ng kamay ay hindi nakapagpaparumi sa tao.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:12-13

Huwag na ninyong paghariin ang kasalanan sa inyong katawang may kamatayan, para hindi na ninyo sundin ang masasamang hilig nito. Huwag na ninyong gamitin ang alin mang bahagi ng inyong katawan sa paggawa ng kasalanan. Sa halip, ialay ninyo ang inyong sarili sa Dios bilang mga taong binigyan ng bagong buhay. Ilaan ninyo sa Dios ang inyong katawan sa paggawa ng kabutihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:16

Kaya mamuhay kayo nang ayon sa nais ng Banal na Espiritu para hindi ninyo mapagbigyan ang pagnanasa ng laman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:3

Dahil mga banal kayo, hindi nararapat na ang isa man sa inyo ay masabihang siya ay malaswa, mahalay at sakim.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:4

Dapat ninyong pahalagahan ang pag-aasawa, at dapat ninyong iwasan ang pangangalunya. Sapagkat hahatulan ng Dios ang mga nangangalunya at ang mga imoral.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:3

Kaya ang sinumang may ganitong pag-asa kay Cristo ay dapat maging matuwid sa kanyang buhay, tulad ng buhay ni Cristo na matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 4:3-4

Nais ng Dios na maging banal kayo, kaya lumayo kayo sa sekswal na imoralidad. Dapat ay matutong makitungo ang bawat isa sa asawa niya sa banal at marangal na pamamaraan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 5:8

Lumayo kayo sa babaeng masama ni huwag lumapit sa kanyang bahay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:13

At huwag nʼyo kaming hayaang matukso kundi iligtas nʼyo po kami kay Satanas. [Sapagkat kayo ang Hari, ang Makapangyarihan at Dakilang Dios magpakailanman!]’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 3:16-17

Hindi nʼyo ba alam na kayoʼy templo ng Dios, at ang Espiritu ng Dios ay naninirahan sa inyo? Ang sinumang wawasak sa templo ng Dios ay parurusahan niya, dahil banal ang templo ng Dios. At ang templong iyon ay walang iba kundi kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 51:10

Ilikha nʼyo ako ng busilak na puso, O Dios, at bigyan ako ng bagong espiritu na matapat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 5:17

Ang sinumang nakay Cristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao; binago na siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:6-8

Ang kahihinatnan ng pagsunod sa nais ng makasalanang pagkatao ay kamatayan, pero ang kahihinatnan ng pagsunod sa nais ng Banal na Espiritu ay kapayapaan at buhay na walang hanggan. Kalaban ng Dios ang sinumang sumusunod sa nais ng makasalanan niyang pagkatao, dahil ayaw niyang sumunod sa Kautusan ng Dios, at talagang hindi niya magagawang sumunod. Kaya ang mga taong nabubuhay ayon sa kanilang makasalanang pagkatao ay hindi maaaring kalugdan ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:29

Huwag kayong magsasalita ng masama kundi iyong makabubuti at angkop sa sitwasyon para maging kapaki-pakinabang sa nakakarinig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:15

para maging malinis kayo at walang kapintasang mga anak ng Dios sa gitna ng mga mapanlinlang at masasamang tao sa panahong ito. Kailangang magsilbi kayong ilaw na nagliliwanag sa kanila

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:15-16

Alalahanin nʼyo na si Cristo ang dapat ninyong parangalan at sundin. Dapat lagi kayong handang magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa pag-asa ninyo. At maging mahinahon at magalang kayo sa inyong pagsagot. Tiyakin ninyong laging malinis ang inyong konsensya, para mapahiya ang mga taong minamasama ang mabubuti ninyong gawa bilang mga tagasunod ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:31-32

Huwag kang matakam sa alak na napakagandang tingnan sa isang baso at tila masarap. Kapag nalasing ka, sasama ang iyong pakiramdam na parang tinuklaw ka ng makamandag na ahas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:13

Kaya nga huwag na tayong maghatulan. Sa halip, iwasan na nating gumawa ng mga bagay na magiging dahilan ng pagkakasala ng ating kapatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 8:9

Ngunit kahit na malaya kayong kumain ng kahit ano, mag-ingat kayo dahil baka iyan ang maging dahilan ng pagkakasala ng mga taong mahihina pa sa kanilang pananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 101:3

at hindi ko hahayaan ang kasamaan. Namumuhi ako sa mga ginagawa ng mga taong tumatalikod sa Dios, at hindi ko gagawin ang kanilang ginagawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 5:18

Alam nating ang sinumang naging anak ng Dios ay hindi na nagpapatuloy sa kasalanan. Iniingatan siya ng Anak ng Dios, at hindi siya maaaring saktan ng diyablo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Tito 2:12

Ito ang nagtuturo sa atin na talikuran ang kasamaan at makamundong pagnanasa. Kaya mamuhay tayo sa mundong ito nang maayos, matuwid at makadios

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:20

Kapag ang lagi mong kasama ay isang taong marunong, magiging marunong ka rin, ngunit kung hangal ang lagi mong kasama ay mapapahamak ka.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 3:5

Ipinapakita nilang makadios sila pero hindi naman nakikita ang kapangyarihan nito sa buhay nila. Iwasan mo ang mga taong ganito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:37

Ilayo nʼyo ako sa pagnanais ng mga bagay na walang kabuluhan. Panatilihin nʼyo ang aking buhay ayon sa inyong pangako.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 4:7

Tinawag tayo ng Dios para mamuhay sa kabanalan, hindi sa kahalayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:16

Ang taong marunong ay iniingatan ang kanyang sarili at umiiwas sa gulo, ngunit ang taong hangal ay walang pag-iingat at padalos-dalos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 26:41

Magpuyat kayo at manalangin upang hindi kayo madaig ng tukso. Ang espirituʼy handang sumunod, ngunit mahina ang laman.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:8

Kung ang ninanasa ng laman ang sinusunod ng isang tao, kamatayan ang aanihin niya. Pero kung ang Banal na Espiritu ang sinusunod ng isang tao, matatanggap niya mula sa Espiritu ang buhay na walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:2

Doon ninyo ituon ang isip nʼyo, at hindi sa mga makamundong bagay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:9

Ang sinumang naging anak ng Dios ay hindi na nagpapatuloy sa kasalanan dahil ang katangian ng Dios ay nasa kanya na. At dahil nga ang Dios ay kanyang Ama, hindi na siya nagpapatuloy sa kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 7:18

Alam kong walang mabuti sa akin; ang tinutukoy ko ay ang makasalanan kong pagkatao, dahil kahit gusto kong gumawa ng mabuti, hindi ko ito magawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 9:27

Dinidisiplina ko ang aking katawan at sinusupil ko ang masasamang pagnanasa nito, dahil baka pagkatapos kong ipangaral ang Magandang Balita sa iba ay ako pa ang hindi makatanggap ng gantimpala mula sa Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Pedro 3:14

Kaya nga, mga minamahal, habang inaasahan nʼyo ang bagay na ito, pagsikapan ninyong mamuhay nang mapayapa, malinis, at walang kapintasan sa paningin niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 4:15

Nadarama rin ng ating punong pari ang lahat ng kahinaan natin, dahil naranasan din niya ang lahat ng pagsubok na dumarating sa atin, pero hindi siya nagkasala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 6:11

Gamitin nʼyo ang lahat ng kagamitang pandigma na ibinigay sa inyo ng Dios para malabanan nʼyo ang mga lalang ng diyablo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:17

Ang namumuhay nang matuwid ay lumalayo sa kasamaan, at ang nag-iingat ng kanyang sarili ay nalalayo sa kapahamakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:13

Mamuhay tayo nang marangal dahil tayo ay nasa liwanag na. Huwag nating gawin ang paglalasing, magugulong kasiyahan, sekswal na imoralidad, kalaswaan, ang pag-aaway, at inggitan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 4:4

Ngunit mga anak ko, kayoʼy sa Dios at napagtagumpayan na ninyo ang mga huwad at sinungaling na propeta, dahil ang Espiritung nasa inyo ay higit na makapangyarihan kaysa kay Satanas, na siyang naghahari ngayon sa mga makamundo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Pedro 1:4

At sa pamamagitan din nito, ipinagkaloob niya sa atin ang mahahalaga at dakila niyang mga pangako. Ginawa niya ito para makabahagi tayo sa kabanalan ng Dios at matakasan ang mapanirang pagnanasa na umiiral sa mundong ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:22

lumapit tayo sa kanya nang may tapat na puso at matatag na pananampalataya, dahil nilinis na ng dugo ni Jesus ang mga puso natin mula sa maruming pag-iisip, at nahugasan na ang mga katawan natin ng malinis na tubig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 1:27

Mamuhay kayo nang ayon sa Magandang Balita ni Cristo. Nang sa ganoon, makadalaw man ako sa inyo o hindi, mababalitaan kong nagkakaisa kayo at sama-samang naninindigan para sa pananampalatayang ayon sa Magandang Balita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:19

Ginagamit ko bilang halimbawa ang tungkol sa mga alipin para madali ninyong maunawaan ang ibig kong sabihin. Noong unaʼy nagpaalipin kayo sa karumihan at kasamaan, at naging masama nga kayo. Ngayon namaʼy magpaalipin kayo sa kabutihan para maging banal kayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 6:18

Kaya lumayo kayo sa sekswal na imoralidad. Ang ibang kasalanang ginagawa ng tao ay walang kinalaman sa kanyang katawan, ngunit ang gumagawa ng sekswal na imoralidad ay nagkakasala sa sarili niyang katawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 11:2

Makadios na pagseselos kasi ang nararamdaman ko para sa inyo. Sapagkat tulad kayo ng isang dalagang birhen na ipinangako kong ipapakasal sa isang lalaki, si Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:6

Kaya nga, huwag tayong maging pabaya katulad ng iba na natutulog, kundi maging handa at mapagpigil sa sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:11

Ang salita nʼyo ay iningatan ko sa aking puso upang hindi ako magkasala sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:29-30

Kaya kung ang kanang mata mo ang dahilan ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito at itapon! Mas mabuti pang mawalan ka ng isang parte ng iyong katawan kaysa sa buo ang katawan mo pero itatapon ka naman sa impyerno. “Mapalad ang mga taong inaaming nagkulang sila sa Dios, dahil makakasama sila sa kaharian ng Dios. At kung ang kanang kamay mo ang dahilan ng iyong pagkakasala, putulin mo ito at itapon! Mas mabuti pang mawalan ka ng isang parte ng katawan kaysa sa buo ang katawan mo pero itatapon ka naman sa impyerno.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:5

Tandaan ninyo: Walang taong mahalay, malaswa ang pamumuhay, at sakim ang mapapabilang sa kaharian ni Cristo at ng Dios. Sapagkat ang kasakiman ay tulad din ng pagsamba sa mga dios-diosan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:3-4

Kaya huwag na ninyong gawin ang mga ginagawa nʼyo noon, ang mga bagay na gustong gawin ng mga taong hindi kumikilala sa Dios. Puno ng kahalayan ang buhay nʼyo noon at sinunod nʼyo ang nasa ng inyong laman. Palagi kayong nagtitipon-tipon para mag-inuman at gumagawa ng mga bagay na kahiya-hiya. At sa pagsamba ninyo sa inyong mga dios-diosan, kung anu-ano pang masasamang bagay ang ginagawa ninyo. Pero nagtataka ngayon sa inyo ang mga taong hindi kumikilala sa Dios kung bakit hindi na kayo nakikisama sa magulo at maluho nilang pamumuhay. Kaya nagsasalita sila ng masama sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 3:10-12

Mula sa iisang bibig nanggagaling ang pagpupuri at pagsumpa. Mga kapatid, hindi dapat ganyan. Maaari bang lumabas sa iisang bukal ang matabang na tubig at ang maalat na tubig? Hindi! Mga kapatid, hindi rin maaaring mamunga ng olibo ang puno ng igos o ng igos ang ubas. Hindi rin maaaring makakuha ng tubig-tabang sa tubig-alat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 1:10

Anak, huwag kang padadala sa panghihikayat ng mga taong makasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 2:6

ang sinumang nagsasabing siya ay sa Dios, dapat siyang mamuhay nang tulad ni Jesu-Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 141:4

Ilayo nʼyo ako sa gawaing masama at sa mga taong gumagawa nito. Ilayo nʼyo rin ako sa kanilang mga handaan upang huwag makisalo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 6:14

Huwag kayong makiisa sa mga hindi mananampalataya. Sapagkat hindi maaaring magkaisa ang kabutihan at kasamaan, gaya ng liwanag at dilim hindi rin sila maaaring magsama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:13

Sapagkat mamamatay kayo kapag namuhay kayo ayon sa inyong makasalanang pagkatao. Pero mabubuhay kayo kung susupilin ninyo ang inyong makasalanang pagkatao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:6

Kung minamahal natin ang Panginoon nang may katapatan, patatawarin niya ang ating mga kasalanan. Kung may takot tayo sa kanya nang may paggalang, makalalayo tayo sa kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:1

Napapaligiran tayo ng maraming tao na nagpapatotoo tungkol sa pananampalataya nila sa Dios. Kaya talikuran na natin ang kasalanang pumipigil sa atin at alisin ang anumang hadlang sa pagtakbo natin. Buong tiyaga tayong magpatuloy sa takbuhing itinakda ng Dios para sa atin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 15:3

Malinis na kayo dahil sa mga salitang sinabi ko sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:25

Kaya huwag na kayong magsisinungaling. Ang bawat isaʼy magsabi ng katotohanan sa kanyang mga kapatid kay Cristo, dahil kabilang tayong lahat sa iisang katawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:13-14

“Pumasok kayo sa makipot na pintuan, dahil maluwang ang pintuan at malapad ang daan patungo sa kapahamakan, at marami ang pumapasok doon. Ngunit makipot ang pintuan at mahirap ang daan patungo sa buhay na walang hanggan, at kakaunti lang ang dumadaan dito.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 2:10

Saksi namin kayo at ang Dios na ang pakikitungo namin sa inyong mga mananampalataya ay tapat, matuwid at walang kapintasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 1:15

Banal ang Dios na tumawag sa inyo, kaya dapat magpakabanal din kayo sa lahat ng ginagawa ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:9

May kapayapaan ang taong namumuhay nang matuwid, ngunit ang masama ang pamumuhay ay malalantad.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:9

Magmahalan kayo nang tapat. Iwasan ninyo ang masama at laging gawin ang mabuti.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Ama naming nasa langit, ang buong pagkatao ko'y nagpupuri at nagbibigay-dangal sa iyong pangalan. Ikaw ang lumikha ng aking buhay, lahat ng ako'y dahil sa iyong biyaya na ibinuhos mo sa akin araw-araw. Kay laki ng iyong pag-ibig na kahit sa aking mga kasalanan ay patuloy mo pa ring ipinapakita ang iyong awa. Inibig mo ako at isinugo mo ang iyong anak na si Hesus upang ako'y malinis sa pamamagitan ng kanyang mahalang dugo. Kaya nga po sa oras na ito, lumalapit ako kay Hesus, inaamin ko sa iyong harapan ang aking mga pagkakamali. Maraming bagay sa akin ang nagpaparumi sa aking kaluluwa at isipan. Hinihiling ko po na hugasan mo ako ng iyong dugo at linisin mo ako dahil nais kong mabuhay sa kabanalan. Ayaw ko pong biguin ka, Panginoon. Suriin mo po ako, ayusin mo ang aking mga motibo, nawa'y ikaw ang maging pinakamahalaga at sentro ng aking buhay. Wala sanang anumang bagay na aking maipagmamalaki kundi ang pagkakaroon ko sa'yo. Ang aking buhay ay nasa iyong mga kamay, hubugin mo ako ayon sa iyong kagustuhan, gawin mo akong ganap sa iyong kabanalan at takot upang ako'y mabuhay nang matuwid sa iyong harapan, na may malinis na puso. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas