Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Jeremias 2:7 - Ang Salita ng Dios

7 Mula rooʼy dinala ko sila sa magandang lupain para makinabang sa kasaganaan ng ani nito. Pero nang naroon na kayo, dinungisan nʼyo ang lupain ko at ginawa itong kasuklam-suklam.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

7 At dinala ko kayo sa saganang lupain, upang kumain ng bunga niyaon at ng kabutihan niyaon; nguni't nang kayo'y pumasok ay inyong hinawahan ang aking lupain, at ginawa ninyong kasuklamsuklam ang aking mana.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

7 At dinala ko kayo sa masaganang lupain, upang sa mga bunga ng mabubuting bagay nito kayo ay kumain. Ngunit nang kayo'y pumasok ang lupain ko'y inyong dinungisan, at ang aking pamana ay ginawa ninyong karumaldumal.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

7 At dinala ko kayo sa saganang lupain, upang kumain ng bunga niyaon at ng kabutihan niyaon; nguni't nang kayo'y pumasok ay inyong hinawahan ang aking lupain, at ginawa ninyong kasuklamsuklam ang aking mana.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

7 Dinala ko sila sa isang mayamang lupain, upang tamasahin nila ang kasaganaan niyon. Ngunit dinungisan nila ang ibinigay kong lupain dahil sa karumal-dumal nilang mga gawain.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

7 Dinala ko sila sa isang mayamang lupain, upang tamasahin nila ang kasaganaan niyon. Ngunit dinungisan nila ang ibinigay kong lupain dahil sa karumal-dumal nilang mga gawain.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

7 Dinala ko sila sa isang mayamang lupain, upang tamasahin nila ang kasaganaan niyon. Ngunit dinungisan nila ang ibinigay kong lupain dahil sa karumal-dumal nilang mga gawain.

Tingnan ang kabanata Kopya




Jeremias 2:7
28 Mga Krus na Reperensya  

Sinakop po ng mga mamamayan ninyo ang mga napapaderang lungsod at ang matatabang lupain. Inangkin din po nila ang mga bahay na punong-puno ng magagandang bagay, mga balon, mga ubasan, mga taniman ng olibo at napakarami pang ibang punongkahoy na namumunga. Kumain sila hanggang sa mabusog sila at naging malusog ang kanilang katawan. Nagalak sila sa napakabuting ginawa ninyo sa kanila.


“Pero sa kabila ng lahat, sumuway at lumabag po sila sa inyo. Tinalikuran nila ang inyong Kautusan, pinatay nila ang inyong mga propeta na nanghikayat sa kanilang magbalik sa inyo. Labis ang paglapastangan nila sa inyo!


Pagpapalain sila ng Panginoong Makapangyarihan at sasabihin, “Pinagpapala ko ang mga taga-Egipto na aking mga mamamayan, ang mga taga-Asiria na aking nilalang, at ang mga taga-Israel na pagmamay-ari ko.”


Kaya pagbabayarin ko sila nang doble sa kasamaan at kasalanan nila dahil dinungisan nila ang lupain ko sa pamamagitan ng mga kasuklam-suklam at patay nilang mga dios-diosan.”


“Kung ang isang babae ay hiniwalayan ng kanyang asawa at ang babaeng ito ay mag-asawang muli, hindi na siya dapat bawiin ng kanyang unang asawa, dahil magpaparumi ito nang lubos sa inyong lupain. Kayong mga taga-Israel ay namumuhay na parang isang babaeng bayaran. Marami kayong minamahal na mga dios-diosan. Sa kabila ng lahat ng ito, tatawagin ko pa rin kayo na magbalik sa akin. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.


“Tingnan ninyo ang matataas na lugar kung saan kayo sumasamba sa inyong mga dios-diosan. May mga lugar pa ba roon na hindi ninyo dinungisan? Pinarumi ninyo ang lupain dahil sa kasamaan ninyo. Para kayong babaeng bayaran na nakaupo sa tabi ng daan at naghihintay ng lalaki. Tulad din kayo ng isang mapagsamantalang tao na naghihintay ng mabibiktima niya sa ilang.


sa pamamagitan ng pagsamba sa mga dios-diosang bato at kahoy, kaya dinungisan niya ang lupain. Hindi siya nababahala sa pagsamba sa mga dios-diosan.


Naging kanila po ito pero hindi sila sumunod sa inyo o sa mga kautusan nʼyo, at hindi nila ginawa ang ipinapagawa nʼyo sa kanila. Kaya pinadalhan nʼyo sila ng kapahamakan.


“Mula pa noong una, wala nang ginawa ang mga taga-Israel at taga-Juda kundi puro kasamaan. Ginalit nila ako sa pamamagitan ng mga ginagawa nila.


dahil hindi nila sinunod ang mga utos koʼt panuntunan at hindi nila pinahalagahan ang Araw ng Pamamahinga na ipinatutupad ko sa kanila. Higit nilang pinahalagahan ang pagsamba sa mga dios-diosan ng kanilang mga magulang.


Sapagkat nang dalhin ko sila sa lupaing ipinangako ko sa kanila, nag-alay sila ng mga handog, mga insenso at mga inumin sa matataas na lugar at malalagong punongkahoy. Kaya nagalit ako sa kanila.


Isinumpa ko sa kanila na palalayain ko sila sa Egipto at dadalhin sa lupaing pinili ko para sa kanila – isang maganda at masaganang lupain, ang lupaing pinakamaganda sa lahat.


At dahil kinalimutan mo akoʼt itinakwil, ako, ang Panginoong Dios ay nagsasabing maghihirap ka dahil sa kahalayan mo at sa pagpapagamit mo ng iyong katawan.”


“Anak ng tao, noong ang mga Israelita ay nakatira pa sa lupain nila, dinungisan nila ito sa pamamagitan ng masasama nilang ugali at pamumuhay. Sa aking paningin, ang kanilang uri ng pamumuhay ay kasindumi ng babaeng may buwanang dalaw.


Lilisanin ninyo ang Israel, ang lupain ng Panginoon, at babalik kayo sa Egipto, at ang iba sa inyo ay pupunta sa Asiria, at doon ay kakain kayo ng mga pagkaing itinuturing ninyong marumi.


Kaya ngayon, umalis na kayo rito sa Israel dahil ang lugar na ito ay hindi na makapagbibigay sa inyo ng kapahingahan, sapagkat dinungisan ninyo ito ng inyong mga kasalanan. Masisira ang lugar na ito at hindi na mapapakinabangan.


Sinabi nila kay Moises, “Pumunta kami sa lugar na pinapuntahan mo sa amin, maganda at masaganang lupain iyon. Sa katunayan, heto ang mga prutas.


hindi dapat umabot hanggang umaga ang bangkay niya roon. Dapat ninyo itong ilibing sa araw ding iyon, dahil ang sinumang ibinitin sa puno ay isinumpa ng Dios. Kung hindi ninyo ito ililibing sa araw ding iyon, madudungisan nito ang lupaing ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Dios bilang mana ninyo.


Pinili rin ng Panginoon ang lahi ni Jacob bilang mamamayan niya.


Gawin ninyo ang tama at mabuti sa paningin ng Panginoon para maging mabuti ang inyong kalagayan at maangkin ninyo ang magandang lupaing ipinangako niya sa inyong mga ninuno.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas