Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


MGA TALATA TUNGKOL SA MGA YUGTO NG BUHAY

MGA TALATA TUNGKOL SA MGA YUGTO NG BUHAY

Marami tayong pinagdadaanan sa buhay natin. May mga panahong malakas tayo, may mga panahon din namang nagkakasakit. Noong bata pa tayo, ang dami nating oras at lakas, parang kaya natin lahat. Pero minsan, napapatigil tayo kasi kulang ang pera. Nung nagkatrabaho na, may pera na nga, pero halos wala nang oras para sa pamilya at mga kaibigan. Yung mga pangarap natin, parang ang layo pa.

Tapos, pag tumatanda na tayo, may ipon na at ang dami nang oras, saka naman natin mararamdaman na wala na tayong dating lakas. Kaya dapat, pahalagahan natin ang bawat sandali. Huwag nating hanapin yung mga bagay na wala sa atin ngayon. Kontento na tayo sa kung anong meron tayo.

Isipin natin lagi na ang lahat ng bagay ay may tamang panahon ayon sa Panginoon. Gaya ng sabi sa Ecclesiastes 3:1, “May panahon para sa lahat ng bagay sa ilalim ng langit.” Magtiwala tayo sa Kanya at maging masaya sa bawat biyayang ibinibigay Niya sa atin, araw-araw.




Leviticus 19:32

Igalang ninyo ang matatanda. Igalang nʼyo ako na inyong Dios, ako ang Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 25:8

Namatay siya sa katandaan na kontento sa buhay at kasama na ng kanyang mga kamag-anak na sumakabilang buhay na.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 32:7

Ang akala ko ay kayo ang dapat magturo dahil matatanda na kayo at maraming nalalaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:25

Akoʼy naging bata at ngayoʼy matanda na, ngunit hindi ko pa nakita kahit kailan na ang matuwid ay pinabayaan ng Panginoon o ang kanya mang mga anak ay namalimos ng pagkain.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 46:3-4

Makinig kayo sa akin, mga lahi ni Jacob, kayong mga natirang mga mamamayan ng Israel. Inalagaan ko kayo mula nang kayoʼy ipinanganak. Aalagaan ko kayo hanggang sa tumanda at pumuti ang inyong buhok. Nilikha ko kayo kaya kayoʼy aalagaan ko. Tutulungan ko kayo at ililigtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:22

Makinig ka sa iyong mga magulang sapagkat kung hindi dahil sa kanila, hindi ka naisilang sa mundong ito. Huwag mo silang hahamakin kapag sila ay matanda na.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:1

Ang matalinong anak ay nakikinig sa pagtutuwid ng kanyang ama, ngunit ang nangungutyang anak ay hindi nakikinig kapag sinasaway siya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ruth 4:15

Palalakasin at aalagaan ka niya kapag matanda ka na, dahil anak siya ng manugang mo na nagmamahal sa iyo ng higit pa sa pagmamahal ng pitong anak na lalaki.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 46:4

Aalagaan ko kayo hanggang sa tumanda at pumuti ang inyong buhok. Nilikha ko kayo kaya kayoʼy aalagaan ko. Tutulungan ko kayo at ililigtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 5:1-2

Huwag mong pagsasabihan nang marahas ang matatandang lalaki, sa halip kausapin mo sila na parang iyong ama. Ituring mo ang mga kabataang lalaki na parang mga kapatid, kilala sa paggawa ng mabuti gaya ng maayos na pagpapalaki ng mga anak, bukas ang tahanan sa mga nakikituloy, naglilingkod sa mga pinabanal ng Dios, tumutulong sa mga nangangailangan, at inilalaan ang sarili sa mabubuting gawa. Ngunit huwag mong isama sa listahan ang mga biyuda na bata pa; dahil kung dumating ang panahon na nais nilang mag-asawa ulit, mapapabayaan nila ang paglilingkod kay Cristo. At dahil dito, magkakasala sila dahil magiging walang saysay ang pangako nila na maglingkod na lang kay Cristo. Maliban dito, matututo silang maging tamad at mag-aksaya ng panahon sa pangangapit-bahay. Hindi lang sila magiging tamad kundi magiging tsismosa at pakialamera, at kung anu-ano ang mga sinasabi. Kaya para sa akin, kung ganito lang ang mangyayari, mas mabuti pang muli na lang silang mag-asawa at magkaanak, at mag-asikaso sa sariling pamilya. Sa ganoon, walang masasabing masama ang mga sumasalungat sa atin. Sinasabi ko ito dahil may ilang biyuda na ang tumalikod sa pananampalataya at sumusunod na kay Satanas. Kung ang isang mananampalatayang babae ay may kamag-anak na biyuda, dapat niya itong tulungan. Sa ganoon, hindi mabibigatan ang iglesya sa pag-aaruga sa kanila, at matutulungan pa ang mga biyuda na talagang wala nang inaasahan. Ang mga namumuno sa iglesya na naglilingkod nang mabuti ay dapat bigyan ng nararapat na sahod, lalo na ang mga naglilingkod sa pangangaral at pagtuturo ng salita ng Dios. Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, “Huwag mong bubusalan ang baka habang gumigiik” at sinasabi pa, “Nararapat bigyan ng sahod ang manggagawa.” Huwag mong papansinin ang paratang sa isang namumuno sa iglesya kung walang patotoo ng dalawa o tatlong saksi. at ang matatandang babae na parang iyong ina. Pakitunguhan mo nang may malinis na puso ang mga nakababatang babae na parang kapatid mo na rin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 40:29-31

Pinalalakas niya ang mga nanghihina at ang mga napapagod. May tagapagbalitang sumisigaw na nangangaral sa mga tao, “Ihanda ninyo ang daan sa ilang para sa Panginoon. Gawin ninyong matuwid ang daan na dadaanan ng ating Dios. Kahit ang mga kabataan ay napapagod, nanlulupaypay at nabubuwal, ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon ay muling magkakaroon ng lakas. Lilipad sila na gaya ng isang agila. Tumakbo man sila ay hindi mapapagod. Lumakad man sila ay hindi manghihina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 78:5-6

Ibinigay niya ang kanyang mga kautusan sa mga mamamayan ng Israel na mula sa lahi ni Jacob. Iniutos niya sa ating mga ninuno na ituro ito sa kanilang mga anak, Hindi pinigilan ng Dios ang kanyang poot. Hindi niya sila iniligtas sa kamatayan. Sa halip ay pinatay sila sa pamamagitan ng mga salot. Pinatay niyang lahat ang mga panganay na lalaki sa Egipto na siyang lugar ng lahi ni Ham. Ngunit inilabas niya sa Egipto ang kanyang mga mamamayan na katulad ng mga tupa at pinatnubayan sila na parang kanyang kawan sa ilang. Pinatnubayan niya sila, kaya hindi sila natakot. Ngunit ang mga kaaway nila ay nalunod sa dagat. Dinala sila ng Dios sa lupain na kanyang pinili, doon sa kabundukan na kinuha niya sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. Itinaboy niya ang lahat ng naninirahan doon, at hinati-hati ang lupain sa mga lahi ng Israel para maging pag-aari nila at maging tirahan. Ngunit sinubok pa rin nila ang Kataas-taasang Dios, naghimagsik sila at hindi sumunod sa kanyang mga utos. Tumalikod sila sa Dios kagaya ng kanilang mga ninuno. Tulad sila ng isang sirang pana na hindi mapagkakatiwalaan. Pinanibugho nila ang Dios at ginalit dahil sa mga dios-diosan sa mga sambahan sa matataas na lugar. Alam ng Dios ang ginawa ng mga Israelita, kaya nagalit siya at itinakwil sila nang lubusan. upang malaman din ito ng mga susunod na lahi at nang ituro rin nila ito sa kanilang mga anak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 12:26-27

Kapag nagtanong ang mga anak ninyo kung ano ang ibig sabihin ng seremonyang ito, ito ang isasagot ninyo: Pista ito ng Paglampas ng Anghel bilang pagpaparangal sa Panginoon, dahil nilampasan lang niya ang mga bahay ng mga Israelita sa Egipto nang patayin niya ang mga Egipcio.” Pagkatapos magsalita ni Moises, yumukod ang mga Israelita at sumamba sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 12:1

Alalahanin mo ang lumikha sa iyo habang bata ka pa at bago dumating ang panahon ng kahirapan at masabi mong, “Hindi ako masaya sa buhay ko.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:31

Ang katandaan ay tanda ng karangalan na matatanggap ng taong namumuhay sa katuwiran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 12:6-7

Nakipagkita agad si Haring Rehoboam sa mga tagapamahala na naglilingkod sa ama niyang si Solomon nang nabubuhay pa ito. Nagtanong si Rehoboam sa kanila, “Ano ba ang maipapayo ninyo na isasagot ko sa hinihiling ng mga taong iyon?” Sumagot sila, “Kung ipapakita mo ngayon ang iyong kabutihan sa kanila, at ibibigay ang kahilingan nila, maglilingkod sila sa iyo magpakailanman.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:12

“Igalang ninyo ang inyong amaʼt ina para mabuhay kayo nang matagal sa lupaing ibinibigay ko sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 32:9

Ang katandaan ay hindi garantiya ng karunungan at kaalaman kung ano ang tama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 92:14-15

lumalago at namumunga kahit matanda na, berdeng-berde ang mga dahon at nananatiling matatag. Ipinapakita lamang nito na ang Panginoon, ang aking Bato na kanlungan ay matuwid. Sa kanyaʼy walang anumang kalikuan na matatagpuan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:7

Alalahanin nʼyo ang mga dating namuno sa inyo na nagbahagi sa inyo ng salita ng Dios. Isipin nʼyo kung paano silang namuhay at namatay na may pananampalataya. Sila ang tularan ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 5:8

Ang sinumang hindi kumakalinga sa sariling kamag-anak, lalo na sa sariling pamilya ay tumatalikod sa pananampalataya at masahol pa sa mga hindi mananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 23:24

Matutuwa ang iyong mga magulang kung matuwid ka at matalino. Ikaliligaya nila na sila ang naging iyong ama at ina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 20:29

Karangalan ng kabataan ang kanilang kalakasan, at karangalan naman ng matatanda ang kanilang katandaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:20

Ang anak na marunong ay ligaya ng magulang, ngunit ang anak na hangal ay hinahamak ang magulang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 12:12

Maraming alam sa buhay ang matatanda, dahil habang tumatagal ang buhay nila, lalong dumarami ang kanilang nalalaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:19

igalang mo ang iyong ama at ina, at mahalin mo ang kapwa mo tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 27:16

“Sumpain ang taong hindi gumagalang sa kanyang magulang.” At sasagot ang lahat ng tao, “Amen!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 71:9

Huwag nʼyo akong iiwan kapag akoʼy matanda na. Huwag nʼyo akong pababayaan kapag akoʼy mahina na.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:7

Kayo namang mga lalaki, pakisamahan ninyong mabuti ang inyong asawa, dahil ito ang nararapat bilang isang Cristiano. Igalang nʼyo sila bilang mga babaeng mas mahina kaysa sa inyo, dahil binigyan din sila ng Dios ng buhay na walang hanggan katulad ninyo. Kapag ginawa nʼyo ito, sasagutin ng Dios ang mga panalangin ninyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 6:1-3

Mga anak, sundin nʼyo ang mga magulang nʼyo dahil ito ang nararapat gawin bilang mga mananampalataya sa Panginoon. At bilang pangwakas, magpakatatag kayo sa Panginoon sa pamamagitan ng dakila niyang kapangyarihan. Gamitin nʼyo ang lahat ng kagamitang pandigma na ibinigay sa inyo ng Dios para malabanan nʼyo ang mga lalang ng diyablo. Sapagkat ang kalaban natin ay hindi mga tao kundi masasamang espiritu sa himpapawid – mga pinuno, may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang namamayani sa mundong ito. Kaya gamitin nʼyo ang lahat ng kagamitang pandigma na ibinigay sa inyo ng Dios, para sa oras na dumating ang kasamaan ay magawa ninyong makipaglaban, at pagkatapos ng pakikipaglaban ay manatili pa rin kayong matatag. Kaya maging handa kayo. Gawin ninyong sinturon ang katotohanan. Isuot nʼyo ang pagkamatuwid bilang pananggalang sa dibdib ninyo. Isuot nʼyo bilang sapatos ang pagiging handa sa pangangaral ng Magandang Balita na nagbibigay ng kapayapaan. Hindi lang iyan, gamitin din ninyo bilang panangga ang pananampalataya ninyo para hindi kayo tablan ng mga panunukso ni Satanas na parang mga palasong nagliliyab. Isuot nʼyo bilang helmet ang tinanggap ninyong kaligtasan, at gamitin nʼyo bilang espada ang Salita ng Dios na kaloob ng Banal na Espiritu. At manalangin kayo sa lahat ng oras sa tulong ng Banal na Espiritu. Ipanalangin nʼyo ang lahat ng dapat ipanalangin. Huwag kayong magpabaya; patuloy kayong manalangin lalo na para sa lahat ng mga pinabanal. Ipanalangin din ninyo ako sa tuwing mangangaral ako, na bigyan ako ng Dios ng wastong pananalita para maipahayag ko nang buong tapang ang Magandang Balita na inilihim noon. “Igalang nʼyo ang inyong amaʼt ina.” Ito ang unang utos na may kasamang pangako. Sapagkat isinugo ako ng Dios para mangaral ng Magandang Balitang ito na siyang dahilan ng pagkakabilanggo ko. Kaya kung maaari, ipanalangin ninyong maipahayag ko ito nang buong tapang gaya ng nararapat. Si Tykicus, na minamahal nating kapatid at tapat na lingkod ng Panginoon, ang magbabalita sa inyo ng lahat tungkol sa akin, para malaman nʼyo ang kalagayan ko at kung ano ang mga ginagawa ko. Ito ang dahilan kung bakit pinapupunta ko siya sa inyo: Para malaman nʼyo ang tungkol sa amin at mapalakas niya ang loob ninyo. Mga kapatid, sumainyo nawa ang kapayapaan, pag-ibig at pananampalatayang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. Pagpalain nawa ng Panginoong Jesu-Cristo ang lahat ng nagmamahal sa kanya nang tapat. At ito ang pangako, “Giginhawa ka at hahaba ang buhay mo rito sa lupa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:5

At kayo namang mga kabataan, magpasakop kayo sa matatanda. At kayong lahat na mga mananampalataya, magpakumbaba kayo at maglingkod sa isaʼt isa, dahil sinasabi sa Kasulatan, “Kinamumuhian ng Dios ang mga mapagmataas, ngunit kinakaawaan niya ang mga mapagpakumbaba.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 127:3-4

Ang mga anak ay pagpapala at gantimpalang mula sa Panginoon. Ang anak na isinilang sa panahon ng kabataan ng kanyang ama ay parang pana sa kamay ng sundalo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 92:12-14

Uunlad ang buhay ng mga matuwid gaya ng mga palma, at tatatag na parang puno ng sedro na tumutubo sa Lebanon. Para silang mga punong itinanim sa templo ng Panginoon na ating Dios, lumalago at namumunga kahit matanda na, berdeng-berde ang mga dahon at nananatiling matatag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 7:10

Huwag mong sabihin, “Bakit mas mabuti pa noon kaysa ngayon?” Dahil ang tanong na iyan ay walang katuturan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Tito 2:2-3

Ang mga nakatatandang lalaki ay turuan mong maging mahinahon, marangal, marunong magpasya kung ano ang nararapat, at matatag sa pananampalataya, sa pag-ibig at sa pagtitiis. Ganoon din sa mga nakatatandang babae: turuan mo silang mamuhay nang maayos bilang mga mananampalataya. Huwag silang mapanira sa kapwa, at huwag maging mahilig sa alak. Dapat ay ituro nila ang mabuti,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 12:8

Pero hindi sinunod ni Rehoboam ang kanilang payo, sa halip nakipagkita siya sa mga kababata niya na naglilingkod sa kanya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:20

Anak, sundin mo ang itinuturo at iniuutos ng iyong mga magulang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:6

Ituro sa bata ang tamang pag-uugali, at hindi niya ito malilimutan hanggang sa kanyang pagtanda.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 32:7

Alalahanin ninyo ang mga taon na lumipas; isipin ninyo ang mga lumipas na henerasyon. Tanungin ninyo ang inyong mga magulang at mga matatanda, at ihahayag nila ito sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Tesalonica 5:12-13

Hinihiling namin sa inyo, mga kapatid, na pahalagahan ninyo ang mga naglilingkod sa inyo na pinili ng Panginoon para mamuno at mangaral sa inyo. Ibigay nʼyo sa kanila ang lubos na paggalang at pag-ibig dahil sa gawain nila. Mamuhay kayo nang may mabuting pakikitungo sa isaʼt isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 71:17

O Dios, mula pagkabataʼy itinuro nʼyo na sa akin ang tungkol sa inyong mga kahanga-hangang gawa at hanggang ngayon, inihahayag ko ito sa mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 19:20

Dinggin mo at sundin ang mga payo at pagtutuwid sa iyong pag-uugali, at sa bandang huli ay magiging marunong ka.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:7

Ang alaala ng taong matuwid ay mananatili magpakailanman, ngunit ang masamang tao ay makakalimutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 5:17

Ang mga namumuno sa iglesya na naglilingkod nang mabuti ay dapat bigyan ng nararapat na sahod, lalo na ang mga naglilingkod sa pangangaral at pagtuturo ng salita ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:1

Narito ang mga kawikaan ni Solomon: Ang anak na marunong ay ligaya ng magulang, ngunit ang anak na hangal ay nagbibigay ng kalungkutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 4:1-2

Mga anak, pakinggan ninyong mabuti ang mga pagtutuwid ng inyong ama sa inyong pag-uugali, upang lumawak ang inyong pang-unawa. Anak, pakinggan mo at tanggapin ang mga sinasabi ko sa iyo upang humaba ang iyong buhay. Tinuruan na kita ng karunungan, kung paano mamuhay sa katuwiran. Kung susundin mo ito, walang makakasagabal sa buhay mo at maliligtas ka sa anumang kapahamakan. Huwag mong kalilimutan ang pagtutuwid ko sa iyong pag-uugali; ingatan mo ito sa puso mo sapagkat mabubuhay ka sa pamamagitan nito. Huwag mong gagayahin ang ginagawa ng mga taong masama. Iwasan mo ito at patuloy kang mamuhay nang matuwid. Sapagkat ang taong masama ay hindi makatulog kapag hindi nakakagawa ng masama o walang naipapahamak. Ang pagkain nila ay paggawa ng kasamaan at ang inumin nila ay paggawa ng karahasan. Ang pamumuhay ng taong matuwid ay parang sikat ng araw na lalong nagliliwanag habang tumatagal. Pero ang pamumuhay ng taong masama ay parang kadiliman; hindi niya alam kung ano ang dahilan ng kanyang pagbagsak. Mabuti ang itinuturo kong ito, kaya huwag ninyong ipagwalang bahala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 5:26

Hahaba ang buhay mo at hindi ka mamamatay nang hindi sa tamang panahon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 29:8-9

tumatabi ang mga kabataang lalaki kapag nakita nila ako, at ang matatandaʼy tumatayo para magbigay galang sa akin. Tumatahimik kahit ang mga pinuno

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:1-2

Anak, huwag mong kalilimutan ang mga itinuturo ko sa iyo. Ingatan mo sa iyong puso ang mga iniuutos ko, Kapag ginawa mo ito, mapupuno ng ani ang iyong mga bodega at aapaw ang inumin sa iyong mga sisidlan. Anak, huwag mong mamasamain kapag itinatama ka ng Panginoon upang ituwid ang iyong pag-uugali. Sapagkat itinutuwid ng Panginoon ang ugali ng kanyang mga minamahal, katulad ng ginagawa ng isang ama sa kanyang anak na kinalulugdan. Mapalad ang taong may karunungan at pang-unawa. Higit pa ito sa pilak at ginto, at sa ano pa mang mga mamahaling bato. Walang anumang bagay ang maaaring ipantay dito. Magpapahaba ito ng iyong buhay, magpapaunlad ng iyong kabuhayan at magbibigay sa iyo ng karangalan. Ang karunungan ay magpapabuti ng iyong kalagayan. Mapalad ang taong may karunungan, dahil magbibigay ito ng mabuti at mahabang buhay. Sa pamamagitan ng karunungan, nilikha ng Panginoon ang lupa at ang langit, at bumukas ang mga bukal at mula sa mga ulap ay bumuhos ang ulan. sapagkat ito ang magpapahaba at magpapaunlad ng iyong buhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 92:14

lumalago at namumunga kahit matanda na, berdeng-berde ang mga dahon at nananatiling matatag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 71:20

Bagamaʼt pinaranas nʼyo ako ng maraming hirap, bibigyan nʼyo akong muli ng bagong buhay. Katulad koʼy patay na muli nʼyong bubuhayin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 90:10

Ang buhay namin ay hanggang 70 taon lang, o kung malakas pa ay aabot ng 80 taon. Ngunit kahit ang aming pinakamagandang mga taon ay puno ng paghihirap at kaguluhan. Talagang hindi magtatagal ang buhay namin at kami ay mawawala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 4:16

Iyan ang dahilan kung bakit hindi kami pinanghihinaan ng loob. Kahit na unti-unting humihina ang aming katawan, patuloy namang lumalakas ang aming espiritu.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 4:12

Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman dahil sa iyong kabataan. Sa halip, maging halimbawa ka sa mga mananampalataya sa iyong pananalita, pag-uugali, pag-ibig, pananampalataya at malinis na pamumuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 42:16-17

Pagkatapos nitoʼy nabuhay pa si Job ng 140 taon. Nakita pa niya ang kanyang mga apo hanggang sa ikaapat na salinlahi. Matandang-matanda na si Job nang siya ay namatay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 71:18

At ngayong akoʼy matanda na at maputi na ang buhok, huwag nʼyo akong pabayaan, O Dios. Maihayag ko sana ang inyong lakas at kapangyarihan sa susunod na henerasyon, at sa lahat ng mga darating sa hinaharap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 30:17

Ang anak na kumukutya at sumusuway sa kanyang magulang ay tutukain ng uwak sa mga mata, at kakainin ng mga agila ang bangkay niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:33

Ang takot sa Panginoon ay nagtuturo ng karunungan, at ang nagpapakumbaba ay pinaparangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 17:6

Karangalan ng mga loloʼt lola ang kanilang mga apo, gayon din naman, karangalan ng mga anak ang kanilang mga magulang.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 15:4

Halimbawa, sinabi ng Dios, ‘Igalang ninyo ang inyong mga magulang,’ at ‘Ang lumapastangan sa kanyang mga magulang ay dapat patayin.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 15:15

Ikaw naman Abram, pahahabain ko ang buhay mo at mamamatay ka sa katandaan na may kapayapaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 13:4-7

Ang taong may pag-ibig ay mapagtiis, mabait, hindi marunong mainggit, hindi hambog o mapagmataas, hindi bastos ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa, hindi natutuwa sa kasamaan, kundi nagagalak sa katotohanan, matiyaga, laging nagtitiwala, laging may pag-asa, at tinitiis ang lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:13

Kaya kong harapin ang kahit anong kalagayan sa pamamagitan ng tulong ni Cristo na nagpapatatag sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:17

Ngunit ang pag-ibig ng Panginoon ay walang hanggan sa mga may takot sa kanya, sa mga tumutupad ng kanyang kasunduan, at sa mga sumusunod sa kanyang mga utos. At ang kanyang katuwirang ginagawa ay magpapatuloy sa kanilang mga angkan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 31:23

Kilala ang asawa niya bilang isa sa mga tagapamahala ng bayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 1:8-9

Anak, dinggin mo ang turo at pagtutuwid sa iyong pag-uugali ng iyong mga magulang, dahil itoʼy makapagbibigay sa iyo ng karangalan katulad ng koronang gawa sa bulaklak at makapagpapaganda katulad ng kwintas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Samuel 12:2

Ngayon, may hari na kayo bilang inyong pinuno. Matanda na ako, at maputi na ang buhok. At kasama naman ninyo ang mga anak ko. Naging pinuno nʼyo na ako mula pa noong kabataan ko.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 3:5

Aapihin ng bawat isa ang kanyang kapwa. Lalabanan ng mga bata ang matatanda, at lalabanan ng mga hamak ang mararangal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 2:25

May isang tao roon sa Jerusalem na ang pangalan ay Simeon. Matuwid siya, may takot sa Dios, at sumasakanya ang Banal na Espiritu. Naghihintay siya sa pagdating ng haring magliligtas sa Israel.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Josue 14:10-11

“Nakalipas na ang 45 taon nang sabihin iyon ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises. Naglalakbay pa noon ang mga Israelita sa ilang. Buhay pa ako hanggang ngayon at 85 taong gulang na ako, pero ang lakas ko ay gaya pa rin noong panahon na inutusan ako ni Moises. Kayang-kaya ko pang makipaglaban gaya nang dati.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Mga Hari 12:13-14

Pero hindi tinupad ni Rehoboam ang ipinayo ng mga tagapamahala. Sa halip, pinagsalitaan niya ng masasakit ang mga tao ayon sa ipinayo ng mga kababata niya. Sinabi niya sa kanila, “Mabigat ang ipinapatupad ng aking ama sa inyo, pero mas mabigat pa ang ipapatupad ko sa inyo. Kung pinalo kayo ng aking ama ng latigo, papaluin ko kayo ng latigong may matalim na mga bakal.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 78:4

Huwag natin itong ilihim sa ating mga anak; sabihin din natin ito sa mga susunod na salinlahi. Sabihin natin sa kanila ang kapangyarihan ng Panginoon at ang mga kahanga-hanga niyang gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Gawa 2:17

‘Sinabi ng Dios, “Sa mga huling araw, ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng uri ng tao. Ang inyong mga anak na lalaki at babae ay magpapahayag ng aking mga salita; ang inyong mga binata ay makakakita ng mga pangitain; at ang inyong matatandang lalaki ay magkakaroon ng mga panaginip.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 19:26-27

Nang makita ni Jesus ang kanyang ina na nakatayo roon katabi ng minamahal niyang tagasunod, sinabi niya, “Babae, ituring mo siyang anak.” At sinabi naman niya sa tagasunod niya, “Ituring mo siyang ina.” Mula noon, tumira na ang ina ni Jesus sa tahanan ng tagasunod na ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 1:5

Hindi ko makakalimutan ang tapat mong pananampalataya tulad ng nasa iyong Lola Luisa at ng iyong inang si Eunice, at natitiyak kong nasa iyo rin ngayon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 12:13

“Pero ang Dios ay hindi lang nagtataglay ng karunungan, nasa kanya rin ang kapangyarihan, at siya lang ang nakakaunawa kung ano ang dapat gawin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:15

Ang akala ng hangal ay palagi siyang tama, ngunit ang taong marunong ay nakikinig sa payo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 22:28

Huwag mong aalisin ang mga muhon na inilagay noon ng mga ninuno mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 12:9

Kahit ang mga ama natin dito sa lupa ay dinidisiplina tayo, at sa kabila nito, iginagalang natin sila. Kaya lalong dapat tayong magpasakop sa pagdidisiplina ng ating Ama na nasa langit, para maging mabuti ang pamumuhay natin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 4:9

Pero mag-ingat kayo! Huwag ninyong kalilimutan ang mga bagay na inyong nakita na ginawa ng Panginoon. Kailangang manatili ito sa inyong mga puso habang nabubuhay kayo. Sabihin ninyo ito sa inyong mga anak at mga apo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 71:5-6

Kayo ang aking pag-asa, O Panginoong Dios. Mula noong akoʼy bata pa, nagtiwala na ako sa inyo. Mula nang akoʼy isilang, kasama na kita at akoʼy inyong iningatan. Pupurihin ko kayo magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 3:5-6

Magtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan. Alalahanin mo ang Panginoon sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:14

Babagsak ang bansa kung ang namumuno nito ay walang gumagabay, ngunit kung maraming tagapayo tiyak ang tagumpay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:4

Sa Panginoon mo hanapin ang kaligayahan, at ibibigay niya sa iyo ang ninanais mo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 21:2

Nagbuntis si Sara at nanganak ng lalaki kahit matanda na si Abraham. Isinilang ang sanggol sa panahon na sinabi noon ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 48:9

Sumagot si Jose, “Sila po ang mga anak ko na ibinigay sa akin ng Dios dito sa Egipto.” Kaya sinabi ni Israel, “Dalhin sila rito sa akin para mabasbasan ko sila.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 1:6

Silang dalawa ay kapwa matuwid sa harap ng Dios. Maingat nilang sinusunod ang lahat ng utos at mga tuntunin ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 42:10

Pagkatapos maipanalangin ni Job ang kanyang mga kaibigan, muli siyang pinaunlad ng Panginoon at dinoble pa niya ang dating kayamanan ni Job.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 17:1

Nang 99 na taong gulang si Abram, nagpakita sa kanya ang Panginoon at sinabi, “Ako ang Dios na Makapangyarihan. Palagi kang maging matapat sa akin at mamuhay nang matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:3-4

Huwag kayong gumawa ng anumang bagay dahil sa makasariling hangarin o sa paghahangad na maitaas ang sarili. Sa halip, magpakumbaba kayo sa isaʼt isa at ituring na mas mabuti ang iba kaysa sa inyo. dahil nalagay sa panganib ang buhay niya para sa gawain ni Cristo. Itinaya niya ang buhay niya para matulungan ako bilang kinatawan ninyo. Huwag lang ang sarili ninyong kapakanan ang isipin nʼyo kundi ang kapakanan din ng iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 45:9

Ngayon, magmadali kayong bumalik sa aking ama at sabihin nʼyo sa kanya na ang anak niyaʼy ginawa ng Dios na tagapamahala ng buong Egipto. At sabihin ninyo sa kanya na pinapapunta ko siya rito sa akin sa lalong madaling panahon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 2:36-37

Naroon din sa templo ang isang babaeng propeta na ang pangalan ay Ana. Anak siya ni Fanuel na mula sa lahi ni Asher. Matandang-matanda na siya. Pitong taon lang silang nagsama ng kanyang asawa bago siya nabiyuda. At ngayon, 84 na taon na siya. Palagi siyang nasa templo; araw-gabi ay sumasamba siya sa Dios sa pamamagitan ng pananalangin at pag-aayuno.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:10

Magmahalan kayo bilang magkakapatid kay Cristo at maging magalang sa isaʼt isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 103:1-5

Pupurihin ko ang Panginoon! Buong buhay kong pupurihin ang kanyang kabanalan. Hindi niya tayo pinarurusahan ayon sa ating mga kasalanan. Hindi niya tayo ginagantihan batay sa ating pagkukulang. Dahil kung gaano man kalaki ang agwat ng langit sa lupa, ganoon din kalaki ang pag-ibig ng Dios sa mga may takot sa kanya. Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran, ganoon din niya inilalayo sa atin ang ating mga kasalanan. Kung paanong ang ama ay nahahabag sa kanyang mga anak, ganoon din ang pagkahabag ng Panginoon sa mga may takot sa kanya. Dahil alam niya ang ating kahinaan, alam niyang nilikha tayo mula sa lupa. Ang buhay ng tao ay tulad ng damo. Tulad ng bulaklak sa parang, itoʼy lumalago. At kapag umiihip ang hangin, itoʼy nawawala at hindi na nakikita. Ngunit ang pag-ibig ng Panginoon ay walang hanggan sa mga may takot sa kanya, sa mga tumutupad ng kanyang kasunduan, at sa mga sumusunod sa kanyang mga utos. At ang kanyang katuwirang ginagawa ay magpapatuloy sa kanilang mga angkan. Itinatag ng Panginoon ang kanyang trono sa kalangitan, at siyaʼy naghahari sa lahat. Pupurihin ko ang Panginoon, at hindi kalilimutan ang kanyang kabutihan. Purihin ninyo ang Panginoon, kayong makapangyarihan niyang mga anghel na nakikinig at sumusunod sa kanyang mga salita. Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na mga nilalang niya sa langit na naglilingkod sa kanya at sumusunod sa kanyang kalooban. Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na mga nilalang niya sa lahat ng dako na kanyang pinaghaharian. Purihin ang Panginoon! Pinatatawad niya ang lahat kong kasalanan, at pinagagaling ang lahat kong karamdaman. Inililigtas niya ako sa kapahamakan, at pinagpapala ng kanyang pag-ibig at habag. Pinagkakalooban niya ako ng mga mabubuting bagay habang akoʼy nabubuhay, kaya akoʼy parang nasa aking kabataan at malakas tulad ng agila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 71:8

Maghapon ko kayong pinapupurihan dahil sa inyong kahanga-hangang kagandahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 9:10

Ang paggalang sa Panginoon ang pasimula ng karunungan. At ang pagkilala sa Banal na Dios ay nagpapahiwatig ng pagkaunawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 14:26

Ang taong may takot sa Panginoon ay may kasiguraduhan at siya ang kanlungan ng kanyang sambahayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 4:13

Mas mabuti pa ang isang batang mahirap pero marunong, kaysa sa isang matandang hari pero hangal at ayaw tumanggap ng payo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:2

kundi ang kapakanan din ng iba, para mapalakas ang kanilang pananampalataya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Corinto 12:9

Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, “Sapat na sa iyo ang aking biyaya, dahil ang kapangyarihan koʼy nakikita sa iyong kahinaan.” Kaya buong galak kong ipinagmamalaki ang aking mga kahinaan, nang sa ganoon ay lagi kong maranasan ang kapangyarihan ni Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Salamat po Panginoon, aking manggagamot, tagapaglaan, at tagapangalaga. Ikaw ang lumalaban sa aking mga laban at nagdadala sa akin mula sa isang kaluwalhatian patungo sa isa pa. Sa mahal na pangalan ni Hesus, lumalapit ako sa iyo, aking Diyos, upang humingi ng iyong gabay sa bawat hakbang ng aking buhay sa pamamagitan ng iyong Banal na Espiritu. Kinikilala ko na ang iyong pag-ibig at kalooban ay higit na mabuti kaysa sa buhay kaya't kahit bata pa ako, nais kong ibigay sa iyo ang lahat ng ako upang ikaw ay mahayag sa akin at tulad ng isang magpapalayok, hubugin mo ang aking puso. Espiritu Santo, hinihiling ko na tulungan mo akong mapalugdan ang Diyos sa aking mga gawa, iniisip, at hangarin, na ang lahat ng aking magagawa sa buhay na ito ay para sa kanyang kaluwalhatian at hindi para sa mga tao. Idinedeklara ko ang dugo ni Kristo sa aking katawan at puso, idinedeklara ko na walang salot ang hihipo sa aking tahanan, idinedeklara ko na ang kabutihan at awa ng Panginoon ay susunod sa akin sa lahat ng araw ng aking buhay. Sinasabi ng iyong salita: "Ang tao'y parang damo, ang kanyang mga araw ay parang bulaklak sa parang." Diyos ng aking kaligtasan, hinihiling ko na ang aking mga araw ay mapuno ng iyong kapayapaan at pag-ibig, linisin mo ako ng isopo at tingnan kung may kasamaan sa aking landas at iligtas mo ako sa paggawa ng masama. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas