Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Genesis 15:15 - Ang Salita ng Dios

15 Ikaw naman Abram, pahahabain ko ang buhay mo at mamamatay ka sa katandaan na may kapayapaan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

15 Datapuwa't ikaw ay payapang pasa sa iyong mga magulang; at ikaw ay malilibing sa mabuting katandaan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

15 Subalit ikaw ay payapang tutungo sa iyong mga ninuno, at ikaw ay malilibing sa panahong lubos na ang iyong katandaan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

15 Datapuwa't ikaw ay payapang pasa sa iyong mga magulang; at ikaw ay malilibing sa mabuting katandaan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

15 Pahahabain ko ang iyong buhay; mamamatay at ililibing kang payapa.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

15 Pahahabain ko ang iyong buhay; mamamatay at ililibing kang payapa.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

15 Pahahabain ko ang iyong buhay; mamamatay at ililibing kang payapa.

Tingnan ang kabanata Kopya




Genesis 15:15
29 Mga Krus na Reperensya  

Inilibing agad ni Abraham si Sara sa kweba na nasa bukirin ng Macpela, na sakop ng lupain ng Canaan. Ang Macpela ay malapit sa Mamre na siyang Hebron.


“Nakatira ako rito sa lugar ninyo bilang isang dayuhan, kaya kung maaari ay pagbilhan din ninyo ako ng lupa na maaari kong paglibingan ng asawa ko.”


Namatay siya sa katandaan na kontento sa kanyang buhay, at kasama na ng kanyang mga kamag-anak na sumakabilang buhay na. Inilibing siya ng mga anak niyang sina Esau at Jacob.


Kapag namatay na ako, ilibing mo ako sa libingan ng aking mga ninuno.” Sumagot si Jose, “Gagawin ko po ang sinasabi ninyo.”


Matapos habilinan ni Jacob ang mga anak niya. Sinabi niya, “Ngayon, sandali na lang at makakasama ko na ang mga kamag-anak ko sa kabilang buhay, ilibing nʼyo ako sa libingan ng aking mga ninuno, doon sa kweba na nasa sa bukid ni Efron na Heteo.


Doon siya inilibing pati ang lola kong si Sara at ang mga magulang kong sina Isaac at Rebeka, at doon ko rin inilibing si Lea.


Sapagkat dinala nila ang bangkay nito sa Canaan at inilibing sa kweba na nasa bukid sa Macpela, sa silangan ng Mamre. Binili ni Abraham ang bukid na ito kay Efron na Heteo para gawing libingan.


Nang matandang-matanda na si David, ginawa niyang hari ng Israel ang anak niyang si Solomon.


Nabuhay siya nang matagal, mayaman at marangal. Namatay siya nang matandang-matanda na at ang anak niyang si Solomon ang pumalit sa kanya bilang hari.


habang buhay ka pa, hindi darating ang paglipol na ipapadala ko sa lugar na ito at sa mga naninirahan dito. Mamamatay ka nang mapayapa.” At sinabi nila sa hari ang isinagot ni Hulda.


Ang tubig na kanyang dinadaanan ay bumubula, parang puting buhok kung tingnan.


Matandang-matanda na si Job nang siya ay namatay.


Hahaba ang buhay mo at hindi ka mamamatay nang hindi sa tamang panahon.


Tingnan mo ang taong totoo at matuwid. May magandang kinabukasan at may tahimik na pamumuhay.


Ngunit makakasama pa rin sila ng kanilang mga ninunong namatay na, doon sa lugar na hindi sila makakakita ng liwanag.


Kung magkagayon, babalik ka sa lupa kung saan ka nagmula at ang espiritu moʼy babalik sa Dios na siyang nagbigay nito.


Masasabi kong mas mabuti pa ang isang sanggol na ipinanganak na patay kaysa sa taong nabuhay nga nang matagal at nagkaanak pa ng marami, pero hindi naman nagkaroon ng kasiyahan sa buhay at hindi nailibing nang maayos.


“At ikaw Daniel, ipagpatuloy mo ang iyong gawain. Mamamatay ka, pero bubuhayin kang muli sa mga huling araw upang tanggapin ang iyong gantimpala na inihanda para sa iyo.”


“Dumating na ang panahon Aaron na isasama ka na sa piling ng mga yumao mong ninuno. Hindi ka makakapasok sa lupaing ibibigay ko sa mga Israelita dahil sumuway kayong dalawa ni Moises sa aking utos doon sa bukal ng Meriba.


Pagkatapos mong makita ito, sasama ka na sa piling ng mga yumao mong ninuno, tulad ng kapatid mong si Aaron.


‘Ako ang Dios nila Abraham, Isaac, at Jacob.’ Hindi siya Dios ng mga patay kundi ng mga buhay.”


Hindi si David ang tinutukoy dito, dahil nang matapos ni David ang ipinapagawa sa kanya ng Dios na maglingkod sa kanyang henerasyon, namatay siya at inilibing sa tabi ng kanyang mga ninuno, at ang kanyang katawan ay nabulok.


Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Malapit ka nang mamatay at makasama ng mga ninuno mo. Kung wala ka na, ang mga taong ito ay sasamba sa ibang mga dios na sinasamba ng mga tao sa lupaing pupuntahan nila. Itatakwil nila ako at susuwayin ang kasunduang ginawa ko sa kanila.


Nang mamatay ang mga tao sa henerasyong iyon, ang sumunod na salinlahi ay hindi nakikilala ang Panginoon, maging ang mga ginawa niya para sa Israel.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas