Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Kawikaan 13:1 - Ang Salita ng Dios

1 Ang matalinong anak ay nakikinig sa pagtutuwid ng kanyang ama, ngunit ang nangungutyang anak ay hindi nakikinig kapag sinasaway siya.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

1 Dinidinig ng pantas na anak ang turo ng kaniyang ama: nguni't hindi dinidinig ng mangduduwahagi ang saway.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

1 Ang turo ng ama'y dinirinig ng matalinong anak, ngunit hindi nakikinig sa saway ang manlilibak.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

1 Dinidinig ng pantas na anak ang turo ng kaniyang ama: Nguni't hindi dinidinig ng mangduduwahagi ang saway.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

1 Ang anak na may unawa'y nakikinig sa kanyang ama, ngunit walang halaga sa palalo ang paalala sa kanya.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

1 Ang anak na may unawa'y nakikinig sa kanyang ama, ngunit walang halaga sa palalo ang paalala sa kanya.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

1 Ang anak na may unawa'y nakikinig sa kanyang ama, ngunit walang halaga sa palalo ang paalala sa kanya.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Kawikaan 13:1
13 Mga Krus na Reperensya  

Sinunod niya ang pamumuhay ng ama niyang si Asa. Matuwid ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon. Pero hindi niya winasak ang mga sambahan sa matataas na lugar, kaya ang mga tao ay patuloy na nag-aalay at nagsusunog ng mga insenso roon.


Narito ang mga kawikaan ni Solomon: Ang anak na marunong ay ligaya ng magulang, ngunit ang anak na hangal ay nagbibigay ng kalungkutan.


Ang akala ng hangal ay palagi siyang tama, ngunit ang taong marunong ay nakikinig sa payo.


Ang taong nangungutya ay hindi magkakaroon ng karunungan kahit ano pa ang kanyang gawin, ngunit ang taong may pang-unawa ay madaling matututo.


Ang taong nangungutya ay ayaw ng sinasaway; ayaw ding tumanggap ng payo mula sa taong may karunungan.


Ang anak na marunong ay ligaya ng magulang, ngunit ang anak na hangal ay hinahamak ang magulang.


Hindi pinapansin ng taong hangal ang pagtutuwid ng kanyang ama, ngunit ang taong marunong, sumusunod sa mga paalala sa kanya.


Kaya mga anak, pakinggan ninyong mabuti ang aking mga sinasabi.


Sinabi pa ni Eli, “Kung magkasala ang isang tao sa kanyang kapwa, maaaring mamamagitan ang Dios sa kanila; pero sino ang mamamagitan kung magkasala ang tao sa Panginoon?” Pero hindi nakinig ang mga anak niya dahil nakapagpasya na ang Panginoon na patayin sila.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas