Mahirap ang panahon ngayon, kailangan talaga ng hustisya. Isipin mo, ang kawalan ng hustisya, nakakasira at nakakalasong espiritwal sa buong mundo. Ang hustisya, napakagandang katangian na dapat sana ay nakikita natin sa lahat ng nilikha, para magkaroon ng kaayusan, katahimikan at seguridad dito sa mundo.
Isa sa pinakamagandang katangian ng Diyos na mababasa natin sa Bibliya ay ang Kanyang hustisya, pero minsan mahirap din itong maunawaan. Parang mahirap ihiwalay ang katuwiran ng Diyos sa Kanyang kabanalan at kabutihan. Sabi nga sa Awit 11:7, “Ang Panginoon ay matuwid; iniibig niya ang katuwiran; makikita ng matuwid ang kaniyang mukha.”
Paano ba natin maipapakita ang hustisya? Simple lang, gawin natin sa iba ang ginawa ng Diyos sa atin. Pinatawad ba tayo ng Diyos? Patawarin din natin ang iba. Pinagpapala ba tayo ng Diyos? Pagpalain din natin ang iba.
Huwag nating isipin na atin ang mundo, baka magalit ang tunay na may-ari. Huwag din nating isipin na kaya nating kontrolin ang panahon, kasi wala tayong mababago! Igalang natin ang ating Manlilikha at pagpapalain tayo ng Panginoon.
Sabi nga sa Colosas 3:25, “Sapagka't ang gumagawa ng di matuwid ay tatanggap ng kabayaran ng kaniyang ginawang di matuwid; at walang itinatanging tao.” Pantay-pantay tayo sa harap ng Diyos.
Dahil ang Panginoon ay matuwid at iniibig niya ang mga gawang mabuti, kaya ang mga namumuhay nang tama ay makakalapit sa kanya.
Pero naghihintay ang Panginoon na kayoʼy lumapit sa kanya para kaawaan niya. Nakahanda siyang ipadama sa inyo ang kanyang pagmamalasakit. Sapagkat ang Panginoon ay Dios na makatarungan, at mapalad ang nagtitiwala sa kanya.
Siya ang Bato na kanlungan; matuwid ang lahat ng gawa niya at mapagkakatiwalaan ang lahat ng kanyang mga pamamaraan. Matapat siyang Dios at hindi nagkakasala; makatarungan siya at maaasahan.
Ngunit kayo, Panginoon ay maghahari magpakailanman. At handa na ang inyong trono para sa paghatol. Hinahatulan nʼyo nang matuwid ang mga tao sa bawat bansa, at wala kayong kinikilingan.
Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti. Ipaubaya ninyo iyan sa Dios. Sapagkat sinabi ng Panginoon sa Kasulatan, “Ako ang maghihiganti; ako ang magpaparusa.”
Ang paggawa ng matuwid at makatarungan ay kalugod-lugod sa Panginoon kaysa sa paghahandog.
“Sapagkat ako, ang Panginoon, ay nagagalak sa katarungan. Galit ako sa mga pagnanakaw at sa iba pang kasamaan. Sa aking katapatan, gagantimpalaan ko ang mga mamamayan ko at gagawa ako ng walang hanggang kasunduan sa kanila.
Ninanais ng Panginoon ang katuwiran at katarungan. Makikita sa buong mundo ang kanyang pagmamahal.
Sapagkat ibibigay ng Dios sa bawat isa ang nararapat ayon sa kanyang mga gawa. Bibigyan niya ng buhay na walang hanggan ang mga taong nagpapatuloy sa paggawa ng mabuti, na ang hangad ay makamtan ang karangalan, papuri mula sa Dios, at buhay na walang kamatayan. Sa iba naman na walang iniisip kundi ang sarili at ayaw sumunod sa katotohanan kundi sa kasamaan, ibubuhos sa kanila ng Dios ang kanyang matinding galit.
Sumagot si Micas: Tinuruan tayo ng Panginoon kung ano ang mabuti. At ito ang nais niyang gawin natin: Gawin natin ang matuwid, pairalin natin ang pagkamaawain sa iba at buong pagpapakumbabang sumunod sa Dios.
Dahil ang nais ng Panginoon ay katarungan, at ang mga taong tapat sa kanya ay hindi niya pinapabayaan. Silaʼy iingatan niya magpakailanman. Ngunit ang lahi ng mga taong masama ay mawawala.
Makatarungan ang Dios, at hindi niya magagawang kalimutan ang inyong mabubuting gawa at ang pagmamahal na ipinakita ninyo sa kanya at patuloy na ipinapakita sa pamamagitan ng pagtulong sa mga kapwa pinabanal ng Dios.
Katuwiran at katarungan ang pundasyon ng inyong paghahari na pinangungunahan ng tapat na pag-ibig at katotohanan.
Gagawin ng Dios ang nararapat; tiyak na pahihirapan niya ang mga nagpapahirap sa inyo.
Kapag katarungan ang umiiral, ang mga matuwid ay natutuwa, ngunit natatakot ang masasama.
Pag-aralan ninyong gumawa ng mabuti at pairalin ang katarungan. Sawayin ninyo ang mga nang-aapi at ipagtanggol ninyo ang karapatan ng mga ulila at mga biyuda.”
Kung gusto ng sinuman na magmalaki, dapat lang niyang ipagmalaki na kilala niya ako at nauunawaan niyang ako ang Panginoong mapagmahal na gumagawa ng tama at matuwid dito sa mundo, dahil iyon ang kinalulugdan ko. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.
Pero ang Panginoong Makapangyarihan ay dadakilain sa kanyang paghatol. Sa pamamagitan ng matuwid niyang paghatol, ipinapakita niyang siya ay banal na Dios.
Dapat mangibabaw ang tamang hustisya para mabuhay kayo at makapanirahan sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Panginoon na inyong Dios.
Inihahayag ng kalangitan na ang Dios ay matuwid, dahil siya nga ang Dios na may karapatang mamuno at humatol.
Bigyan ninyo ng katarungan ang mga dukha at ulila. Ipagtanggol ninyo ang karapatan ng mga nangangailangan at inaapi. Iligtas ninyo ang mahihina at mga nangangailangan mula sa kamay ng masasamang tao!
Gagawin ito ng Panginoon dahil siya ang ating hukom, mambabatas, at hari. Siya ang magliligtas sa atin.
Napapalibutan siya ng makakapal na ulap at naghahari nang may katuwiran at katarungan.
Maaaring sabihin mo na wala kang nalalaman sa nangyari, pero alam ng Dios kung totoo o hindi ang iyong sinasabi, dahil binabantayan ka niya at alam niya ang nasa puso mo. Gagantimpalaan ka niya ayon sa iyong mga ginawa.
Kayo ang matuwid na hukom, at sa araw-araw ay ipinapakita nʼyo ang inyong galit sa masasama.
Sinabi pa ng Panginoon, “Darating ang araw na paghahariin ko ang isang hari na matuwid na mula sa angkan ni David. Maghahari siyang may karunungan, at paiiralin niya ang katuwiran at katarungan sa lupaing ito.
Buong puso kitang hinahanap-hanap kapag gabi. Kung hahatulan nʼyo ang mga tao sa mundo, matututo silang mamuhay nang matuwid.
Isinugo niya si Cristo para ipakita sa kasalukuyang panahon na matuwid siya. Dahil sa ginawa ng Dios, pinatunayan niyang matuwid siya maging sa pagturing niyang matuwid sa mga makasalanang sumasampalataya kay Jesus.
Ang inyong katuwiran ay kasintatag ng kabundukan. Ang inyong paraan ng paghatol ay sinlalim ng karagatan. Ang mga tao o hayop man ay inyong iniingatan, O Panginoon.
Ipinapakita ko ang pagmamahal ko sa maraming tao, at pinapatawad ko ang mga kasamaan nila, pagsuway at mga kasalanan. Pero pinaparusahan ko ang mga nagkakasala, pati na ang kanilang salinlahi hanggang sa ikatlo at ikaapat na henerasyon.”
Sinabi ko sa sarili ko, “Hahatulan ng Dios ang matutuwid at masasamang tao, dahil may itinakda siyang oras sa lahat ng bagay.
Natutuwa sila sa presensya ng Panginoon dahil darating siya upang hatulan ang lahat ng tao sa buong mundo. Hahatulan niya sila nang matuwid at walang kinikilingan.
Baka naman sabihin ng iba na hindi makatarungan ang Dios. Aba, hindi! Sapagkat sinabi niya kay Moises, “Mahahabag ako sa gusto kong kahabagan; maaawa ako sa gusto kong kaawaan.”
Ipinagtatanggol niya ang karapatan ng mga ulila at mga biyuda. Minamahal niya ang mga dayuhan at binibigyan sila ng pagkain at mga damit.
Kinikilala ng taong matuwid ang karapatan ng mahihirap, ngunit hindi ito maunawaan ng taong masama.
“Mga mamamayan ko, makinig kayo sa akin. Dinggin ninyo ako, O bansa ko! Ibibigay ko ang aking kautusan at magsisilbi itong ilaw sa mga bansa. Malapit ko na kayong bigyan ng tagumpay. Hindi magtatagal at ililigtas ko na kayo. Ako ang mamamahala sa mga bansa. Ang mga nasa malalayong lugar ay maghihintay sa akin at maghahangad ng aking kapangyarihan.
Gumalang kayo sa Panginoon, at humatol kayo nang mabuti dahil hindi pinapayagan ng Panginoon na ating Dios ang kawalan ng katarungan, ang paghatol nang may kinikilingan, at ang pagtanggap ng suhol.”
Ihahayag niya nang malinaw na ikaw ay matuwid at makatarungan, kasingliwanag ng sinag ng araw sa katanghaliang tapat.
Tinawag niya ang buong langit at mundo para sumaksi sa paghatol niya sa kanyang mga mamamayan. Sinabi niya, “Tipunin sa aking harapan ang mga tapat kong pinili na nakipagkasundo sa akin sa pamamagitan ng paghahandog.”
Mapalad ang mga taong ang hangad ay matupad ang kalooban ng Dios, dahil tutulungan sila ng Dios na matupad iyon.
Sapagkat kilala natin ang Dios na nagsabi, “Ako ang maghihiganti; ako ang magpaparusa.” At mayroon ding nakasulat na ganito: “Hahatulan ng Panginoon ang mga taong sakop niya.”
Panginoon, alam kong iniingatan nʼyo ang karapatan ng mga dukha, at binibigyan nʼyo ng katarungan ang mga nangangailangan.
Ngunit kung ipinagtatapat natin sa Dios ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin niya ang ating mga kasalanan at lilinisin tayo sa lahat ng uri ng kasamaan dahil matuwid siya.
Panginoon, narinig nʼyo ang dalangin ng mga mahihirap. Pakinggan nʼyo po sila at palakasin. Bigyan nʼyo ng katarungan ang mga ulila at mga api, upang wala ng mga taong mananakot ng kapwa, dahil silaʼy tao rin lang.
Ininsulto siya pero hindi siya gumanti ng insulto. Pinahirapan siya pero hindi siya nagbanta. Ipinagkatiwala niya ang lahat sa Dios na humahatol nang makatarungan.
Hindi siya manghihina o mawawalan ng pag-asa hanggaʼt hindi niya lubusang napapairal ang katarungan sa buong mundo. Pati ang mga tao sa malalayong lugar ay maghihintay sa kanyang mga turo.”
Ang Dios na tumatahan sa kanyang banal na templo ang nangangalaga sa mga ulila at tagapagtanggol ng mga biyuda.
Kayo ay Dios na hindi natutuwa sa kasamaan, at hindi nʼyo tinatanggap ang taong namumuhay sa kasalanan.
Sino ang maaaring mag-akusa sa mga pinili ng Dios? Ang Dios na mismo ang nagturing sa atin na matuwid. Wala ring makakahatol sa atin ng kaparusahan, dahil si Cristo Jesus na mismo ang hinatulang mamatay para sa atin. At hindi lang iyan, muli siyang binuhay at nasa kanang kamay na ngayon ng Dios at namamagitan para sa atin.
Sabi niya, “Ako ang maghihiganti at magpaparusa sa kanila, sapagkat darating ang panahon na madudulas sila. Malapit nang dumating ang panahon ng kanilang pagbagsak.”
kundi sa Dios lamang. Siya ang humahatol; kung sino ang ibababa at kung sino ang itataas.
Magsisisi ang mga tao sa Jerusalem, at ito ay ililigtas ng Dios at magiging matuwid ang pagtrato ng mga pinuno sa lahat ng mga mamamayan.
Ang Dios pa kaya ang hindi magbigay ng katarungan sa mga pinili niya na tumatawag sa kanya araw at gabi? Tinitiyak ko sa inyo na bibigyan niya agad sila ng katarungan. Ngunit kung ako na Anak ng Tao ay bumalik na rito sa mundo, may makikita kaya akong mga taong sumasampalataya sa akin?”
Sa halip, nais kong makita na pinaiiral ninyo ang katarungan at ang katuwiran na parang ilog na patuloy na umaagos.
Kinasusuklaman ng Panginoon ang nandaraya sa timbangan, ngunit ang nagtitimbang ng tama ay kanyang kinalulugdan.
Tingnan ninyo ang langit at ang mundo. Mawawala ang langit na parang usok, masisira ang mundo na parang damit, at mamamatay ang mga mamamayan nito na parang mga kulisap. Pero ang kaligtasan na aking ibibigay ay mananatili magpakailanman. Ang tagumpay at katuwiran na mula sa akin ay mapapasainyo magpakailanman.
Pairalin nʼyo ang katarungan at katuwiran. Tulungan nʼyo ang mga ninakawan, iligtas nʼyo sila sa kamay ng mga taong umaapi sa kanila. Huwag nʼyong pagmamalupitan o sasaktan ang mga dayuhan, ulila at mga biyuda. Huwag din kayong papatay ng mga taong walang kasalanan.
Walang makapagtatago sa Dios. Nakikita niya at lantad sa paningin niya ang lahat, at sa kanya tayo mananagot.
“Narito ang pinili kong lingkod. Minamahal ko siya at kinalulugdan. Ibibigay ko sa kanya ang aking Espiritu, at ipapahayag niya ang katarungan sa mga bansa. Hindi siya makikipagtalo o mambubulyaw, at hindi maririnig ang kanyang tinig sa daan. Nang makita ito ng mga Pariseo, sinabi nila kay Jesus, “Tingnan mo ang mga tagasunod mo! Ginagawa nila ang ipinagbabawal sa Araw ng Pamamahinga.” Hindi niya ipapahamak ang mahihina ang pananampalataya o pababayaan ang mga nawawalan ng pag-asa. Hindi siya titigil hanggaʼt hindi niya napapairal ang katarungan. At ang mga tao sa lahat ng bansa ay mananalig sa kanya.”
O Dios ko, dahil kayo ay matuwid kung humatol, ipahayag nʼyo na wala akong kasalanan. Huwag nʼyong payagang pagtawanan nila ako.
dinggin nʼyo po ito riyan sa langit at hatulan ang inyong mga lingkod – ang nagbintang at ang pinagbintangan. Parusahan nʼyo po ang nagkasala ayon sa kanyang ginawa at palayain ang walang sala para mahayag na inosente siya.
Hindi natin lubos na maunawaan ang Makapangyarihang Dios na napakadakila. Lubos siyang makatarungan, matuwid at hindi nang-aapi,
Baka naman may magsabi, “Kung sa pamamagitan ng mga ginagawa naming masama ay makikita ang kabutihan ng Dios, hindi makatarungan ang Dios kung parusahan niya kami.” (Ganyan ang pangangatwiran ng tao.) Aba, hindi maaari iyan. Sapagkat kung ganyan, paano niya hahatulan ang mga tao sa mundo?
May isang hari na maghahari nang matuwid, at ang kanyang mga opisyal ay mamamahala nang may katarungan.
Nakakaawa kayong mga gumagawa ng mga di-makatarungang kautusan na umaapi sa mga mahihirap kong mamamayan at nagkakait ng katarungan sa kanila. Sa pamamagitan ng mga kautusang iyon, kinukuha ninyo ang mga ari-arian ng mga biyuda at mga ulila. Pinarusahan ko ang mga bansang sumasamba sa mga dios-diosan na mas marami pa kaysa sa mga dios-diosan sa Jerusalem at Samaria. Winasak ko na ang Samaria at ang mga dios-diosan nito. Ganyan din ang gagawin ko sa Jerusalem at sa mga dios-diosan nito.” Pero ito ang sinabi ng Panginoon na mangyayari kapag natapos na niya ang gagawin niya laban sa Bundok ng Zion at sa Jerusalem: “Parurusahan ko ang hari ng Asiria dahil sa kanyang pagmamataas at pagmamalaki. Sapagkat sinasabi niya, ‘Nagawa ko ito dahil sa sarili kong lakas at karunungan. Tinalo ko ang maraming bansa at sinamsam ang kanilang mga kayamanan. Para akong toro; tinalo ko ang kanilang mga hari. Kinuha ko ang mga kayamanan ng mga bansa, na para bang nangunguha lang ako ng itlog sa mga pugad na iniwanan ng inahin. Walang pakpak na pumagaspas o huni na narinig.’ ” Maaari bang magmalaki ang palakol o ang lagare sa gumagamit sa kanya? Mabubuhat ba ng pamalo ang may hawak sa kanya? Kaya magpapadala ang Panginoong Makapangyarihan ng sakit na magpapahina sa malulusog na sundalo ng Asiria. Susunugin ng Panginoon ang mga kayamanan niya sa naglalagablab na apoy. Ang Panginoon na siyang ilaw at banal na Dios ng Israel ay magiging tulad ng naglalagablab na apoy na susunog sa mga matitinik niyang halaman sa loob ng isang araw lang. Kung paanong sinisira ng sakit ang katawan ng tao, sisirain din ng Panginoon ang mga kagubatan at mga bukid ng hari ng Asiria. Iilan lang ang matitirang puno sa kanyang kagubatan. Mabibilang ito kahit ng batang paslit.
Kasuklam-suklam sa Panginoon ang taong nagpaparusa sa taong walang kasalanan o nagpapalaya sa taong may kasalanan.
Walang katapusan ang inyong katuwiran, at ang inyong kautusan ay batay sa katotohanan.
Ang Espiritu ng Panginoong Dios ay nasa akin. Sapagkat hinirang niya ako na mangaral ng magandang balita sa mga mahihirap. Sinugo niya ako para aliwin ang mga sugatang-puso, at para ibalita sa mga bihag at mga bilanggo na silaʼy malaya na. Nalulugod ako sa Panginoon kong Dios, dahil para niya akong binihisan ng kaligtasan at tagumpay. Para akong lalaking ikakasal na may suot na katulad ng magandang damit ng pari, o babae sa kasal na may mga alahas. Sapagkat kung papaanong tiyak na sa lupa tumutubo ang mga binhi, ang tagumpay at katuwiran naman ay tiyak na manggagaling sa Panginoong Dios, at pupurihin siya ng mga bansa. Sinugo rin niya ako para ibalita na ngayon na ang panahon na ililigtas ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan at parurusahan ang kanilang mga kaaway. Sinugo rin niya ako para aliwin ang mga nalulungkot sa Zion, nang sa ganoon, sa halip na maglagay sila ng abo sa kanilang ulo bilang tanda ng pagdadalamhati, maglalagay sila ng langis o ng koronang bulaklak sa kanilang ulo bilang tanda ng kaligayahan. Silaʼy magiging parang matibay na puno na itinanim ng Panginoon. Kikilalanin silang mga taong matuwid sa ikakaluwalhati ng Panginoon.
Pero ako, ang Panginoon, alam ko ang puso at isip ng tao. Gagantihan ko ang bawat isa ayon sa pag-uugali at mga gawa niya.
Halimbawa, may isang taong matuwid na ginagawa kung ano ang tama. Hindi siya sumasamba sa mga dios-diosan ng Israel o kumakain ng mga inihandog sa mga dios-diosang ito sa mga sambahan sa mga bundok. Hindi siya sumisiping sa asawa ng iba o sa babaeng may buwanang dalaw. Hindi siya nang-aapi at ibinabalik niya ang mga isinangla ng mga nangungutang sa kanya. Hindi siya nagnanakaw, pinapakain niya ang mga nagugutom at binibigyan ng damit ang mga walang damit. Hindi siya nagpapatubo kapag nagpapahiram ng pera. Hindi rin siya gumagawa ng masama at wala siyang kinakampihan sa kanyang paghatol. Sinusunod niyang mabuti ang mga utos koʼt mga tuntunin. Ang taong ganito ay matuwid at patuloy na mabubuhay. Ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito.
Sinabi nʼyo O Dios, “May itinakda akong panahon ng paghatol at hahatol ako nang may katuwiran.”
Kapag pinalaya mo ang taong may kasalanan, susumpain ka at kamumuhian ng mga tao. Ngunit kapag pinarusahan mo ang may kasalanan, matutuwa ang mga tao at pagpapalain ka.
Sapagkat iniingatan ng Panginoon ang matuwid, at sinasagot niya ang mga panalangin nila, ngunit galit siya sa mga gumagawa ng masama.”
At maghahari ang isa sa mga angkan ni David na may katapatan at pag-ibig. Paiiralin niya ang katarungan sa kanyang paghatol. At masigasig siyang gagawa ng matuwid.
Mas mabuti ang kaunting halaga na pinaghirapan, kaysa sa malaking kayamanang galing sa masamang paraan.
Panginoon, matuwid kayo sa lahat ng inyong pamamaraan, at matapat sa lahat ng inyong ginagawa.
Sinabi pa ng Panginoon, “Halikayoʼt pag-usapan natin ito. Kahit gaano man karumi ang inyong mga kasalanan, lilinisin ko iyan para maging malinis kayo. Kung susunod lang kayo sa akin ay pagpapalain ko kayo.
Binibigyan niya ng katarungan ang mga inaapi, at binibigyan ng pagkain ang mga nagugutom. Pinalalaya ng Panginoon ang mga bilanggo. Pinagagaling niya ang mga bulag para makakita, pinalalakas ang mga nanghihina, at ang mga matuwid ay minamahal niya. Iniingatan niya ang mga dayuhan, tinutulungan ang mga ulila at mga biyuda, ngunit hinahadlangan niya ang mga kagustuhan ng masasama.
Sinabi ng Panginoon, “Narito ang lingkod ko na aking pinalalakas ang loob. Pinili ko siya at nagagalak ako sa kanya. Sumasakanya ang aking Espiritu, at papairalin niya ang katarungan sa mga bansa.
“Nakakaawa kayong mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Ibinibigay nga ninyo kahit ang ikapu ng inyong mga pampalasa, ngunit hindi naman ninyo sinusunod ang mga mas mahalagang utos tungkol sa pagiging makatarungan, mahabagin, at pagiging tapat. Dapat ngang magbigay kayo ng inyong mga ikapu, pero huwag naman ninyong kaligtaang gawin ang mga mas mahalagang utos.
Napakaganda po ng mga plano nʼyo at kahanga-hanga ang mga gawa ninyo. Nakikita nʼyo ang lahat ng ginagawa ng mga tao at ginagantihan nʼyo po sila ayon sa mga pag-uugali at gawa nila.
Iniingatan ng Panginoon ang mga matuwid, at pinakikinggan niya ang kanilang mga karaingan. Ngunit kinakalaban ng Panginoon ang mga gumagawa ng masama. Silaʼy kanyang nililipol hanggang sa hindi na sila maalala ng mga tao sa mundo.
Hindi nagpapabaya ang Panginoon sa pagtupad sa pangako niya, gaya ng inaakala ng ilan. Ang totoo, binibigyan lang niya ng pagkakataong magsisi ang lahat sa mga kasalanan nila, dahil ayaw niyang mapahamak ang sinuman.
Katuwiran at katarungan ang pundasyon ng inyong paghahari na pinangungunahan ng tapat na pag-ibig at katotohanan. Panginoon, mapalad ang mga taong nakaranas na sumigaw dahil sa kagalakan para sa inyo. Namumuhay sila sa liwanag na nagmumula sa inyo.
para makatarungan siyang makapaghatol sa inyong mga mamamayan, pati na sa mga dukha. Dito nagwawakas ang mga panalangin ni David na anak ni Jesse. Sumagana sana ang mga kabundukan upang mapagpala ang inyong mga mamamayan dahil matuwid ang hari. Tulungan nʼyo siyang maipagtanggol ang mga dukha at durugin ang mga umaapi sa kanila.
Ang iniisip ng taong matuwid ay tama, ngunit ang mga payo ng taong masama ay pandaraya.
Gagawin kong sukatan ang katarungan at katuwiran. Ipapatangay ko sa bagyo at baha ang kasinungalingan na inaasahan ninyong makakapagligtas sa inyo.
Sapagkat kung papaanong tiyak na sa lupa tumutubo ang mga binhi, ang tagumpay at katuwiran naman ay tiyak na manggagaling sa Panginoong Dios, at pupurihin siya ng mga bansa.
Sapagkat haharap tayong lahat kay Cristo para hatulan. Tatanggapin ng bawat isa ang nararapat na kabayaran sa kanyang mga ginawa, mabuti man o masama, nang nabubuhay pa siya sa mundong ito.
Kapootan ninyo ang masama at gawin ang mabuti, at pairalin ninyo ang hustisya sa inyong mga hukuman. Baka sakaling maawa ang Panginoong Dios na Makapangyarihan sa inyong mga natitira sa mga lahi ni Jose.
Ang matuwid na pamumuhay ng mamamayan ay nagpapaunlad ng kanilang bansa, ngunit kung sila ay magkasala, mapapahiya ang kanilang bansa.
Hindi magwawakas ang pag-unlad ng kanyang pamamahala, at maghahari ang kapayapaan. Siya ang magmamana ng kaharian ni David. Patatatagin niya ito at paghahariang may katarungan at katuwiran magpakailanman. Sisiguraduhin ng Panginoong Makapangyarihan na matutupad ito.
Mabuti at matuwid po kayo, Panginoon, kaya tinuturuan nʼyo ng inyong pamamaraan ang mga makasalanan. Pinapatnubayan nʼyo ang mga mapagpakumbaba para gumawa ng tama. Silaʼy tinuturuan nʼyo ng inyong pamamaraan.
Pero naroon pa rin ang presensya ng Panginoon sa kanilang lungsod. Ginagawa ng Panginoon ang mabuti at hindi ang masama. Araw-araw ipinapakita niya ang kanyang katarungan, at nananatili siyang tapat. Pero ang masasama ay patuloy na gumagawa ng masama at hindi sila nahihiya.
sa presensya ng Panginoon. Dahil tiyak na darating siya upang hatulan ang mga tao sa mundo batay sa kanyang katuwiran at katotohanan.
Sapagkat kung paano ninyo hinusgahan ang inyong kapwa ay ganoon din kayo huhusgahan ng Dios.
Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili. Ang Dios ay hindi madadaya ninuman. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin.
Alam ninyo na si Cristo ay matuwid, kaya makasisiguro kayo na ang lahat ng taong gumagawa ng matuwid ay mga anak ng Dios.
“ ‘Baguhin na ninyo ng lubusan ang inyong pag-uugali at pamumuhay. Tratuhin ninyo ng tama ang inyong kapwa, at huwag na ninyong apihin ang mga dayuhan, ulila, at mga biyuda. Huwag ninyong papatayin ang mga walang kasalanan, at huwag kayong sumamba sa ibang mga dios na siyang magpapahamak sa inyo. Kapag ginawa nʼyo ito, patuloy ko kayong patitirahin sa lupaing ito na ibinigay ko sa mga magulang nʼyo magpakailanman.
Ang Panginoon ay dakila sa lahat! Siyaʼy naninirahan sa langit. Paiiralin niya ang katarungan at katuwiran sa Jerusalem.
Kinamumuhian ng Panginoon ang taong ang gawain ay masama, ngunit ang taong nagsusumikap na gumawa ng matuwid ay minamahal niya.
Bibigyan niya ng hangarin ang mga hukom na pairalin ang katarungan. At bibigyan niya ng tapang ang mga tagapagbantay ng lungsod laban sa mga kaaway.
O Panginoon, dahil napakarami ng aking mga kaaway, gabayan nʼyo ako tungo sa inyong matuwid na daan. Gawin nʼyong madali para sa akin ang pagsunod ko sa inyong kagustuhan.
Hindi maintindihan ng masasama ang katarungan, ngunit lubos itong nauunawaan ng mga lumalapit sa Panginoon.
Hahanapin ko ang mga nawawala at ang mga naliligaw. Gagamutin ko ang mga may sugat at may sakit, palalakasin ko ang mahihina. Pero lilipulin ko ang matataba at malalakas na tupa. Gagawin ko sa kanila kung ano ang nararapat.
Panginoon alam kong matuwid ang inyong mga utos. At dahil kayo ay matapat, akoʼy inyong dinisiplina.
Ito ang sinasabi ng Panginoon: “Pairalin ninyo ang katarungan at katuwiran dahil malapit ko na kayong iligtas.
Bibigyan niya ng katarungan ang mga mahihirap at ipagtatanggol ang kanilang mga karapatan. Sa pamamagitan ng kanyang salita, parurusahan niya ang mga tao sa mundo at mamamatay ang masasamang tao.
Dahil tinutulungan niya ang mga napabayaang dukha na humingi ng tulong sa kanya. Kahahabagan niya ang mga dukha at nangangailangan at silaʼy kanyang tutulungan. Ililigtas niya sila sa mga malulupit at mapang-api dahil para sa kanya, ang buhay nilaʼy mahalaga.
Mula sa langit ay humatol kayo. Ang mga tao sa mundo ay natakot at tumahimik nang humatol kayo, O Dios, upang iligtas ang lahat ng inaapi sa daigdig.
Ipinapahayag ng Dios mula sa langit ang kanyang poot sa lahat ng kasamaan at kalapastanganang ginagawa ng mga tao, na siyang pumipigil sa kanila para malaman ang katotohanan tungkol sa Dios.
Pinamumunuan ng Dios ang pagtitipon ng kanyang mga mamamayan. Sa gitna ng mga hukom siya ang humahatol sa kanila. Sinabi niya sa kanila, “Hanggang kailan kayo hahatol ng hindi tama? Hanggang kailan ninyo papaboran ang masasama? Bigyan ninyo ng katarungan ang mga dukha at ulila. Ipagtanggol ninyo ang karapatan ng mga nangangailangan at inaapi. Iligtas ninyo ang mahihina at mga nangangailangan mula sa kamay ng masasamang tao!
Habang dinidisiplina tayo, hindi tayo natutuwa kundi nasasaktan. Ngunit ang ibubunga naman nito sa bandang huli ay ang mapayapa at matuwid na pamumuhay.
Ipinakita ng Panginoon kung sino siya sa pamamagitan ng paghatol niya ng matuwid. At ang masasama ay napahamak, dahil na rin sa kanilang ginawang masama.
Sapagkat ang Panginoon na inyong Dios ay Dios ng mga dios at Panginoon ng mga panginoon. Makapangyarihan siya at kamangha-manghang Dios. Wala siyang pinapanigan at hindi siya tumatanggap ng suhol. Ipinagtatanggol niya ang karapatan ng mga ulila at mga biyuda. Minamahal niya ang mga dayuhan at binibigyan sila ng pagkain at mga damit.
Maraming lumalapit sa pinuno upang humingi ng pabor, ngunit tanging ang Panginoon lang ang makapagbibigay ng katarungan.
Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo.
Nakatitiyak akong hindi maaaring gumawa ang Makapangyarihang Dios ng masama. Hindi niya maaaring baluktutin ang hustisya.
Pero ako ang kanilang Manunubos, Panginoong Makapangyarihan ang pangalan ko. Ipagtatanggol ko sila at bibigyan ng kapayapaan, pero guguluhin ko ang mga mamamayan ng Babilonia.
Pero ngayon, inihayag na kung paano itinuturing ng Dios na matuwid ang tao. Itoʼy hindi sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan. Ang Kautusan na mismo at ang mga propeta ang nagpapatotoo rito. Ang taoʼy itinuturing ng Dios na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo. At walang pinapaboran ang Dios. Kaya ang sinumang sumasampalataya kay Jesu-Cristo ay itinuturing niyang matuwid. Sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi naging karapat-dapat sa paningin ng Dios. Ngunit dahil sa biyaya ng Dios sa atin, itinuring niya tayong matuwid sa pamamagitan ni Cristo Jesus na siyang tumubos sa atin. Itoʼy regalo ng Dios. Isinugo si Cristo Jesus sa mundo para ialay ang kanyang buhay, nang sa ganoon mawala ang galit ng Dios sa atin, at sa pamamagitan ng kanyang dugo ay mapatawad ang ating mga kasalanan kung sasampalataya tayo sa kanya. Ginawa iyon ng Dios para ipakita na matuwid siya. Noong unaʼy nagtimpi siya at pinalampas ang mga kasalanang ginawa ng mga tao, kahit na dapat sanaʼy pinarusahan na sila. Isinugo niya si Cristo para ipakita sa kasalukuyang panahon na matuwid siya. Dahil sa ginawa ng Dios, pinatunayan niyang matuwid siya maging sa pagturing niyang matuwid sa mga makasalanang sumasampalataya kay Jesus.
Sapagkat hindi na kayo parurusahan ng Panginoon. Palalayasin niya ang inyong mga kaaway. Kasama ninyo ang Panginoon, ang Hari ng Israel, kaya wala nang kasawiang dapat pang katakutan.
Ang salita ng Panginoon ay matuwid, at maaasahan ang kanyang mga gawa. Ninanais ng Panginoon ang katuwiran at katarungan. Makikita sa buong mundo ang kanyang pagmamahal.
Magpasakop kayong lahat sa mga namumuno sa pamahalaan. Sapagkat ang lahat ng pamahalaan ay nagmula sa Dios, at siya ang naglagay sa mga namumuno sa kanilang pwesto. Ang taong nagmamahal ay hindi gumagawa ng masama sa kanyang kapwa. Kaya kung nagmamahalan tayo, tinutupad natin ang buong Kautusan. Dapat ninyong gawin ito dahil alam ninyong panahon na para gumising kayo. Sapagkat mas malapit na ngayon ang oras ng ating kaligtasan kaysa noong una, nang tayoʼy sumampalataya kay Jesu-Cristo. Mag-uumaga na, kaya iwanan na natin ang mga gawain ng kadiliman at isuot na ang kabutihan bilang panlaban nating mga nasa liwanag. Mamuhay tayo nang marangal dahil tayo ay nasa liwanag na. Huwag nating gawin ang paglalasing, magugulong kasiyahan, sekswal na imoralidad, kalaswaan, ang pag-aaway, at inggitan. Sa halip, paghariin ninyo sa inyong buhay ang Panginoong Jesu-Cristo, at huwag ninyong pagbigyan ang inyong makamundong pagnanasa. Kaya ang mga lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa itinalaga ng Dios, at dahil dito parurusahan niya sila.
Totoo ang lahat ng inyong salita, at ang inyong mga utos ay makatuwiran magpakailanman.
Sapagkat ang Panginoon ang nagbibigay ng karunungan, kaalaman, at ng pang-unawa. Iniingatan niya ang namumuhay nang matuwid, matapat, at walang kapintasan. Binibigyan din niya sila ng katagumpayan.
Kaya huwag kayong humatol nang wala sa takdang panahon. Hintayin ninyo ang pagbabalik ng Panginoon. Pagdating niya, ilalantad niya ang lahat ng mga sekreto at motibo ng bawat isa. At sa panahong iyon, tatanggapin ng bawat isa ang papuring mula sa Dios na ayon sa kanyang ginawa.
Umaawit sila ng awit ni Moises na lingkod ng Dios, na siya ring awit ng Tupa. Ito ang awit nila: “Panginoong Dios na makapangyarihan sa lahat, kahanga-hanga ang inyong mga gawa! Hari kayo ng lahat ng bansa, ang mga pamamaraan ninyo ay makatarungan at tama! Sino ang hindi matatakot at hindi magpupuri sa inyo? Kayo lang ang banal. Lalapit at sasamba sa inyo ang mga tao sa lahat ng bansa, sapagkat nakita na ng lahat ang matuwid ninyong gawa.”