Alam mo, parang isang mabuting Ama, alam ng Diyos ang pangangailangan natin. Kaya dapat tayong humingi sa Kanya. Sa paghingi natin, inaamin natin na may mga bagay tayong hindi kayang gawin at kailangan natin Siya. Anuman ang pinagdadaanan natin ngayon, dalhin natin sa Panginoon ang ating mga pangangailangan – maging ito man ay probisyon, proteksyon, paggaling, o gabay – at humingi tayo ng tulong sa Kanya.
Sabi nga sa Salmo 139:4, “Bago pa man ako magsalita, Panginoon, alam mo nang alam na ninyo ang aking sasabihin.” Parang susi ang panalangin na ibinigay sa atin ng Maylikha para mabuksan natin ang mga kayamanan ng Kaharian ng Diyos. Kayang-kaya Niya tayong bigyan ng lahat ng kailangan natin; sa Kanya ang lahat at nasa ilalim ng Kanyang kapangyarihan ang buong sansinukob. Napakadali para sa Kanya na ibigay ang lahat ng ating kailangan kahit hindi pa tayo humihingi.
Pero hindi ganito ang nais Niya. Mahal tayo ng Diyos, at ang pinakanais Niya ay ang magkaroon tayo ng malalim na relasyon sa Kanya. Ang panalangin ang daan para dumaloy ang biyaya at probisyon ng Diyos sa ating buhay.
Sa umaga, O Panginoon naririnig nʼyo ang aking panalangin, habang sinasabi ko sa inyo ang aking mga kahilingan at hinihintay ko ang inyong kasagutan.
Gising na ako bago pa sumikat ang araw at humihingi ng tulong sa inyo, dahil nagtitiwala ako sa inyong pangako.
O Dios, kayo ang aking Dios. Hinahanap-hanap ko kayo. Nananabik ako sa inyo nang buong pusoʼt kaluluwa, na tulad ng lupang tigang sa ulan.
Kaya Panginoon, humihingi ako ng tulong sa inyo. Tuwing umagaʼy nananalangin ako sa inyo.
Panginoon, sa gabi ay inaalala ko kayo at iniisip ko kung paano ko masusunod ang inyong kautusan.
Buong puso kitang hinahanap-hanap kapag gabi. Kung hahatulan nʼyo ang mga tao sa mundo, matututo silang mamuhay nang matuwid.
Itinaas ko ang aking mga kamay sa inyo at nanalangin, kinauuhawan ko kayo tulad ng tuyong lupa na uhaw sa tubig.
Umaga, tanghali at gabi, dumadaing ako at nagbubuntong-hininga sa kanya, at akoʼy pinapakinggan niya.
O Dios na aking Tagapagtanggol, sagutin nʼyo po ako kapag akoʼy tumatawag sa inyo. Hindi ba noon tinulungan nʼyo ako nang akoʼy nasa kagipitan? Kaya ngayon, maawa kayo sa akin at pakinggan ang dalangin ko.
Tuwing umagaʼy ipadama nʼyo sa amin ang inyong tapat na pag-ibig, upang umawit kami nang may kagalakan at maging masaya habang nabubuhay.
Kahit hatinggabi ay gumigising ako upang kayoʼy pasalamatan sa inyong matuwid na mga utos.
Sa halip, kung mananalangin kayo, pumasok kayo sa inyong kwarto at isara ang pinto. At saka kayo manalangin sa inyong Ama na hindi nakikita. At ang inyong Ama na nakakakita sa ginagawa ninyo nang lihim ang magbibigay ng gantimpala sa inyo.
Tulad ng usang sa tubig ng ilog ay nasasabik, O Dios, ako sa inyoʼy nananabik. Para bang tumatagos na sa aking mga buto ang pang-iinsulto ng aking mga kaaway. Patuloy nilang sinasabi, “Nasaan na ang Dios mo?” Bakit nga ba ako nalulungkot at nababagabag? Dapat magtiwala ako sa inyo. Pupurihin ko kayong muli, aking Dios at Tagapagligtas! Akoʼy nauuhaw sa inyo, Dios na buhay. Kailan pa kaya ako makakatayo sa presensya nʼyo?
Buong puso akong lumalapit sa inyo; kaya tulungan nʼyo akong huwag lumihis sa inyong mga utos.
ang pag-ibig at awa ng Panginoon ay walang katapusan. Iyan ang dahilan kung bakit hindi tayo lubusang nalipol. Araw-araw ay ipinapakita niya ang kanyang habag. Dakila ang katapatan ng Panginoon!
Kaya huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng maawaing Dios para matanggap natin ang awa at biyayang makakatulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.
Turuan nʼyo akong mamuhay ayon sa katotohanan, dahil kayo ang Dios na aking tagapagligtas. Kayo ang lagi kong inaasahan.
Panginoon, buong puso akong tumatawag sa inyo; sagutin nʼyo ako, at susundin ko ang inyong mga tuntunin. Tumatawag ako sa inyo; iligtas nʼyo ako, at susundin ko ang inyong mga tuntunin.
Itinuturing nʼyo na parang basura ang lahat ng masasama rito sa mundo, kaya iniibig ko ang inyong mga turo.
Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Sa halip, ilapit sa Dios ang lahat ng pangangailangan nʼyo sa pamamagitan ng panalangin na may pasasalamat. Kapag ginawa nʼyo ito, bibigyan kayo ng Dios ng kapayapaan na siyang mag-iingat sa puso ninyo at pag-iisip dahil kayoʼy nakay Cristo Jesus. At ang kapayapaang ito ay hindi kayang unawain ng tao.
Kapag tumawag siya sa akin, sasagutin ko siya; sa oras ng kaguluhan, sasamahan ko siya. Ililigtas ko siya at pararangalan.
Pumanatag ka sa piling ng Panginoon, at matiyagang maghintay sa gagawin niya. Huwag mong kaiinggitan ang masasama na gumiginhawa, kahit pa magtagumpay ang masasamang plano nila.
Masisiyahan ako tulad ng taong nabusog sa malinamnam na handaan. At magpupuri ako sa inyo ng awit ng kagalakan Sa aking paghiga, kayo ang naaalala ko. Sa buong magdamag kayo ang iniisip ko.
Tinuruan ako ng Panginoong Dios kung ano ang sasabihin ko para mapalakas ang mga nanlulupaypay. Ginigising niya ako tuwing umaga para pakinggan ang mga itinuturo niya sa akin.
Kaya huwag tayong magsasawa sa paggawa ng mabuti, dahil sa tamang panahon matatanggap natin ang ating gantimpala kung hindi tayo susuko.
Buong puso akong nakikiusap sa inyo na ako ay inyong kahabagan ayon sa inyong pangako.
Purihin ang Panginoon! Mapalad ang taong may takot sa Panginoon at malugod na sumusunod sa kanyang mga utos.
Kapag tumawag ako sa inyo, O Dios, magsisitakas ang aking mga kaaway. Alam ko ito dahil ikaw ay aking kakampi.
Paano mapapanatili ng isang kabataan na maging malinis ang kanyang buhay? Mamuhay siya ayon sa inyong mga salita.
Tunay na napakabuti nʼyo at mapagpatawad, at puno ng pag-ibig sa lahat ng tumatawag sa inyo.
Ngunit ako ay nagtitiwala sa inyo, Panginoon. Sinasabi kong, “Kayo ang aking Dios!” Ang aking kinabukasan ay nasa inyong mga kamay. Iligtas nʼyo po ako sa aking mga kaaway na umuusig sa akin.
At kung dumulog kayo sa akin para humingi ng tulong, kayoʼy aking sasagutin. “Kung titigilan na ninyo ang pang-aapi, ang pambibintang ng kasinungalingan, ang pagsasalita ng masama,
“Humingi kayo sa Dios, at bibigyan kayo. Hanapin ninyo sa kanya ang hinahanap nʼyo, at makikita ninyo. Kumatok kayo sa kanya, at pagbubuksan kayo.
Dahil naghihintay pa rin ako sa inyo, Panginoon. Kayo, Panginoon na aking Dios, sasagutin nʼyo ako.
Dumating sa akin ang mga kaguluhan at kahirapan, ngunit ang inyong mga utos ay nagbigay sa akin ng kagalakan.
Kasuklam-suklam sa Panginoon ang handog ng masasama, ngunit kalugod-lugod sa kanya ang panalangin ng mga matuwid.
At dahil may pag-asa kayo sa buhay, magalak kayo. Magtiis kayo sa mga paghihirap at laging manalangin.
Nagdidilim na ang aking paningin sa paghihintay ng pangako nʼyo sa akin. Ang tanong koʼy, “Kailan nʼyo pa ako palalakasin at aaliwin?”
Ngunit ako, minabuti kong maging malapit sa Dios. Kayo, Panginoong Dios, ang pinili kong kanlungan, upang maihayag ko ang lahat ng inyong mga ginawa.
Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo.
Panginoon, hinipo nʼyo ang aking puso na lumapit sa inyo, kaya narito ako, lumalapit sa inyo.
Ang inyong mga turo ang aking mana na walang hanggan, dahil itoʼy nagbibigay sa akin ng kagalakan.
Pupurihin ko ang Panginoon sa lahat ng oras. Ang aking bibig ay hindi titigil sa pagpupuri sa kanya.
Ipagkatiwala nʼyo sa kanya ang lahat ng kabalisahan nʼyo, dahil nagmamalasakit siya sa inyo.
Sa inyo nagtitiwala ang nakakakilala sa inyo, dahil hindi nʼyo itinatakwil ang mga lumalapit sa inyo.
Kahabagan nʼyo ako upang patuloy akong mabuhay, dahil nagagalak akong sumunod sa inyong kautusan.
Ilayo nʼyo ako mula sa paggawa ng masama, at tulungan nʼyo ako na sundin ang inyong kautusan.
Panginoon, siniyasat nʼyo ako at kilalang-kilala. kayo ay naroon din upang akoʼy inyong patnubayan at tulungan. Maaaring mapakiusapan ko ang dilim na itago ako, o ang liwanag sa paligid ko na maging gabi; kaya lang, kahit ang kadiliman ay hindi madilim sa inyo, Panginoon, at ang gabi ay parang araw. Dahil para sa inyo, pareho lang ang dilim at ang liwanag. Kilala nʼyo ako, dahil kayo ang lumikha sa akin. Kayo ang humugis sa akin sa sinapupunan ng aking ina. Pinupuri ko kayo dahil kahanga-hanga ang pagkakalikha nʼyo sa akin. Nalalaman ko na ang inyong mga gawa ay tunay na kahanga-hanga. Nakita nʼyo ang aking mga buto nang akoʼy lihim na hugisin sa loob ng sinapupunan ng aking ina. Nakita nʼyo na ako, hindi pa man ako isinisilang. Ang itinakdang mga araw na akoʼy mabubuhay ay nakasulat na sa aklat nʼyo bago pa man mangyari. O Dios, hindi ko lubos maintindihan ang mga iniisip nʼyo; itoʼy tunay na napakarami. Kung bibilangin ko ito, mas marami pa kaysa sa buhangin. Sa aking paggising, akoʼy nasa inyo pa rin. O Dios, patayin nʼyo sana ang masasama! Lumayo sana sa akin ang mga mamamatay-tao! Nalalaman nʼyo kung ako ay nakaupo o nakatayo. Kahit na kayo ay nasa malayo, nalalaman nʼyo ang lahat ng aking iniisip.
Bukod diyan, mga kapatid, lagi ninyong isaisip ang mga bagay na mabuti at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, maganda, at kanais-nais.
Lagi ko kayong kasama, at kinakalinga nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.
Panginoon, akoʼy naghihintay sa inyo, at umaasa sa inyong mga salita. Naghihintay ako sa inyo higit pa sa tagabantay na naghihintay na dumating ang umaga.
Kapag akoʼy natatakot, magtitiwala ako sa inyo. O Dios, pinupuri ko kayo dahil sa inyong pangako. Hindi ako matatakot dahil nagtitiwala ako sa inyo. Ano bang magagawa ng isang hamak na tao sa akin? Wala!
Panginoon, pakinggan nʼyo sana ang aking hinaing. Bigyan nʼyo ako ng pang-unawa ayon sa inyong pangako.
Bigyan nʼyo ako ng kaalaman at karunungan, dahil nagtitiwala ako sa inyong mga utos.
Napatunayan na maaasahan ang inyong mga pangako, kaya napakahalaga nito sa akin na inyong lingkod.
Ang pagkatakot sa Panginoon ang pinagmumulan ng karunungan. Lahat ng sumusunod sa kanyang mga utos ay may mabuting pang-unawa. Purihin siya magpakailanman.
Panginoon, bigyan nʼyo nang lubos na kapayapaan ang taong kayo lagi ang iniisip dahil nagtitiwala siya sa inyo. Magtiwala kayong lagi sa Panginoon, dahil siya ang ating Bato na kanlungan magpakailanman.
Sa aking paghiga, kayo ang naaalala ko. Sa buong magdamag kayo ang iniisip ko. Dahil kayo ang tumutulong sa akin, aawit ako, habang akoʼy nasa inyong pangangalaga.
Pinagpapala nʼyo Panginoon ang mga matuwid. Ang pag-ibig nʼyo ay parang kalasag na nag-iingat sa kanila.
Sa araw, Panginoon, ipinapakita nʼyo ang inyong pag-ibig. Kaya sa gabi, umaawit ako ng aking dalangin sa inyo, O Dios na nagbigay ng buhay ko.
Gustong-gusto kong pumunta roon! Nananabik akong pumasok sa inyong templo, Panginoon. Ang buong katauhan koʼy aawit nang may kagalakan sa inyo, O Dios na buhay.
Kinamumuhian ko ang mga taong hindi tapat sa inyo, ngunit iniibig ko ang inyong mga kautusan.
Ipagkatiwala mo sa Panginoon ang lahat ng iyong ginagawa; magtiwala ka sa kanya at tutulungan ka niya.
Mapalad ang mga taong ang hangad ay matupad ang kalooban ng Dios, dahil tutulungan sila ng Dios na matupad iyon.
Pakinggan nʼyo ang paghingi ko ng tulong, O Dios ko at aking Hari, dahil sa inyo lamang ako lumalapit.
Para sa akin, ang kautusang ibinigay nʼyo ay higit na mahalaga kaysa sa maraming kayamanan.
Alisin nʼyo ang mga kahihiyan na aking kinatatakutan, dahil mabuti ang inyong mga tuntunin.
ngunit ang mga nagtitiwala sa Panginoon ay muling magkakaroon ng lakas. Lilipad sila na gaya ng isang agila. Tumakbo man sila ay hindi mapapagod. Lumakad man sila ay hindi manghihina.
Panginoon, kayoʼy mahabagin at matulungin; hindi madaling magalit at sagana sa pagmamahal.
O Dios, siyasatin nʼyo ako, upang malaman nʼyo ang nasa puso ko. Subukin nʼyo ako, at alamin ang aking mga iniisip. Tingnan nʼyo kung ako ay may masamang pag-uugali, at patnubayan nʼyo ako sa daang dapat kong tahakin magpakailanman.
Tinutulungan tayo ng Banal na Espiritu sa kahinaan natin. Hindi natin alam kung ano ang dapat nating ipanalangin, kaya ang Espiritu na rin ang namamagitan sa Dios para sa atin sa pamamagitan ng mga daing na hindi natin kayang sabihin.
O Panginoon, pakinggan nʼyo po ang aking mga hinaing at iyak. O Dios, parusahan nʼyo po ang aking mga kaaway. Mapahamak sana sila sa sarili nilang masamang plano. Itakwil nʼyo sila dahil sa kanilang mga kasalanan, dahil silaʼy sumuway sa inyo. Ngunit magalak nawa ang lahat ng nanganganlong sa inyo; magsiawit nawa sila sa kagalakan. Ingatan nʼyo silang mga nagmamahal sa inyo, upang sa inyo magmula ang kanilang kagalakan. Pinagpapala nʼyo Panginoon ang mga matuwid. Ang pag-ibig nʼyo ay parang kalasag na nag-iingat sa kanila. Pakinggan nʼyo ang paghingi ko ng tulong, O Dios ko at aking Hari, dahil sa inyo lamang ako lumalapit.
Mapalad ang taong sumusunod sa mga katuruan ng Dios, at buong pusong hinahanap ang kanyang kalooban.
Sanaʼy dinggin nʼyo ang aking dalangin, at iligtas ako katulad ng inyong ipinangako.
Malayo ang Panginoon sa masasama, ngunit malapit siya sa mga matuwid at pinapakinggan niya ang kanilang dalangin.
Bawat umaga, ipaalala nʼyo sa akin ang inyong pag-ibig, dahil sa inyo ako nagtitiwala. Ipakita nʼyo sa akin ang tamang daan na dapat kong daanan, dahil sa inyo ako nananalangin.
Kapag kayoʼy nagagalit, huwag kayong magkakasala. Habang nakahiga kayo sa inyong higaan, tumahimik kayo at magbulay-bulay.
Panginoon, buong puso akong tumatawag sa inyo; sagutin nʼyo ako, at susundin ko ang inyong mga tuntunin.
Gumuho man ang mga burol at bundok, ang pag-ibig ko sa iyoʼy hindi mawawala, maging ang kasunduan ko sa iyo na ilalagay kita sa magandang kalagayan. Ako, ang Panginoong naaawa sa iyo, ang nagsasabi nito.
Walang katapusan ang inyong katuwiran, at ang inyong kautusan ay batay sa katotohanan.
“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. Sundin ninyo ang mga utos ko at matuto kayo sa akin, dahil mabait ako at mababang-loob. Makakapagpahinga kayo, upang tanungin si Jesus, “Kayo na po ba ang inaasahan naming darating o maghihintay pa kami ng iba?” dahil madaling sundin ang aking mga utos, at magaan ang aking mga ipinapagawa.”
Napakahalaga ng pag-ibig nʼyong walang hanggan, O Dios! Nakakahanap ang tao ng pagkalinga sa inyo, tulad ng pagkalinga ng inahing manok sa kanyang mga inakay sa ilalim ng kanyang pakpak. Sa inyong tahanan ay pinakakain nʼyo sila ng masaganang handa, at pinaiinom nʼyo sila sa inyong ilog ng kaligayahan. Dahil kayo ang nagbibigay ng buhay. Pinapaliwanagan nʼyo kami, at naliliwanagan ang aming isipan.
Ang sinumang nananahan sa piling ng Kataas-taasang Dios na Makapangyarihan ay kakalingain niya.
Dahil ang kanyang galit ay hindi nagtatagal, ngunit ang kanyang kabutihan ay magpakailanman. Maaaring sa gabi ay may pagluha, pero pagsapit ng umaga ay may ligaya.
Kayo, O Dios ang aking Tagapagligtas. Magtitiwala po ako sa inyo at hindi matatakot. Kayo, Panginoon, ang nagbibigay ng lakas sa akin, at kayo ang aking awit. Kayo nga ang nagligtas sa akin.”
Alalahanin mo ang Panginoon sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.
Panatilihin nʼyo ang aking buhay upang kayoʼy aking mapapurihan, at sanaʼy tulungan ako ng inyong mga utos na masunod ang inyong kalooban.
Purihin ang Dios, na hindi tumanggi sa aking panalangin, at hindi nagkait ng kanyang tapat na pag-ibig sa akin.
Ang lahat kong ginagawa ay inyong nalalaman, kaya sinusunod ko ang inyong mga tuntunin at katuruan.
Pero naghihintay ang Panginoon na kayoʼy lumapit sa kanya para kaawaan niya. Nakahanda siyang ipadama sa inyo ang kanyang pagmamalasakit. Sapagkat ang Panginoon ay Dios na makatarungan, at mapalad ang nagtitiwala sa kanya.
Magtiwala kayo sa Panginoon! Magpakatatag kayo at huwag mawalan ng pag-asa. Magtiwala lamang kayo sa Panginoon!
Ngunit kayo, Panginoon, huwag nʼyo akong lalayuan. Kayo ang aking kalakasan; magmadali kayo at akoʼy tulungan.
Purihin ang Panginoon, ang Dios na ating Tagapagligtas na tumutulong sa ating mga suliranin sa bawat araw.
Mapalad ang tao na ang tulong ay nagmumula sa Dios ni Jacob, na ang kanyang pag-asa ay sa Panginoon na kanyang Dios,
Tulungan nʼyo akong masabi ang katotohanan sa lahat ng pagkakataon, dahil ang pag-asa ko ay nakasalalay sa inyong mga kautusan.
Kaya mga kapatid, malaya na tayong makakapasok sa Pinakabanal na Lugar dahil sa dugo ni Jesus. Dahil kung napatawad na sila sa pamamagitan ng mga handog, hindi na sana sila uusigin ng kanilang budhi, at hindi na nila kailangang maghandog pa. Sa pamamagitan ng paghahandog ng kanyang katawan, binuksan niya para sa atin ang bagong daan patungo sa Pinakabanal na Lugar na nasa kabila ng tabing. At ang daang ito ang nagdadala sa atin sa buhay na walang hanggan. At dahil mayroon tayong dakilang punong pari na namamahala sa pamilya ng Dios, lumapit tayo sa kanya nang may tapat na puso at matatag na pananampalataya, dahil nilinis na ng dugo ni Jesus ang mga puso natin mula sa maruming pag-iisip, at nahugasan na ang mga katawan natin ng malinis na tubig.
Magpasalamat kayo sa Panginoon, dahil siyaʼy mabuti. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.
Tumitingin ako sa mga bundok; saan kaya nanggagaling ang aking saklolo? Ang tulong para sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at ng lupa.
Panginoon, sinunod namin ang inyong mga utos, at nagtiwala kami sa inyo. Hangad namin na kayo ay aming maparangalan.
Kahit mga leon ay kukulangin sa pagkain at magugutom, ngunit hindi kukulangin ng mabubuting bagay ang mga nagtitiwala sa Panginoon.
“Kayo ang nagsisilbing ilaw sa mundo. At ito ay makikita nga tulad ng lungsod na itinayo sa ibabaw ng isang burol na hindi maitago.
Ngayon, kung iisipin natin ang mga bagay na ito, masasabi nating panig sa atin ang Dios, at dahil dito, walang magtatagumpay laban sa atin.
Akoʼy nauuhaw sa inyo, Dios na buhay. Kailan pa kaya ako makakatayo sa presensya nʼyo?
Sanaʼy maging kalugod-lugod sa inyo Panginoon ang aking iniisip at sinasabi. Kayo ang aking Bato na kanlungan at Tagapagligtas!
Ngunit dumadalangin ako sa inyo, Panginoon. Sa inyong tinakdang panahon, sagutin nʼyo ang dalangin ko ayon sa tindi ng inyong pagmamahal sa akin. Dahil sa tapat kayo sa inyong pagliligtas,
Tumawag ako nang malakas sa Dios. Tumawag ako sa kanya upang akoʼy kanyang mapakinggan. At sinabi ko, “Ang pinakamasakit para sa akin ay ang malamang hindi na tumutulong ang Kataas-taasang Dios.” Panginoon, aalalahanin ko ang inyong mga gawa. Gugunitain ko ang mga himalang ginawa nʼyo noon. Iisipin ko at pagbubulay-bulayan ang lahat ng inyong mga dakilang gawa. O Dios, ibang-iba ang inyong mga pamamaraan. Wala nang ibang Dios na kasindakila ninyo. Kayo ang Dios na gumagawa ng mga himala. Ipinapakita nʼyo sa mga tao ang inyong kapangyarihan. Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan iniligtas nʼyo ang inyong mga mamamayan na mula sa lahi nina Jacob at Jose. Ang mga tubig, O Dios ay naging parang mga taong natakot at nanginig nang makita kayo. Mula sa mga ulap ay bumuhos ang ulan, kumulog sa langit at kumidlat kung saan-saan. Narinig ang kulog mula sa napakalakas na hangin; ang mga kidlat ay nagbigay-liwanag sa mundo, at nayanig ang buong daigdig. Tinawid nʼyo ang karagatang may malalaking alon, ngunit kahit mga bakas ng paa nʼyo ay hindi nakita. Sa panahon ng kahirapan, nananalangin ako sa Panginoon. Pagsapit ng gabi nananalangin akong nakataas ang aking mga kamay, at hindi ako napapagod, ngunit wala pa rin akong kaaliwan.
Panginoon, ang inyong pag-ibig at katapatan ay umaabot hanggang sa kalangitan. Ang inyong katuwiran ay kasintatag ng kabundukan. Ang inyong paraan ng paghatol ay sinlalim ng karagatan. Ang mga tao o hayop man ay inyong iniingatan, O Panginoon.
At dahil kayoʼy nakay Cristo Jesus, ibibigay sa inyo ng aking Dios ang lahat ng pangangailangan nʼyo, mula sa kasaganaan ng kayamanan niya.
At ang pangakong itoʼy para sa lahat dahil walang pagkakaiba ang Judio sa hindi Judio. Ang Panginoon ay Panginoon ng lahat, at pinagpapala niya nang masagana ang lahat ng tumatawag sa kanya.
Nakapagpapalungkot sa tao ang kabalisahan, ngunit ang magandang pananalita ay kaaliwan.
Ngunit magalak nawa ang lahat ng nanganganlong sa inyo; magsiawit nawa sila sa kagalakan. Ingatan nʼyo silang mga nagmamahal sa inyo, upang sa inyo magmula ang kanilang kagalakan.