Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


116 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Kasamaan

116 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Kasamaan

Sabi nga sa Salmo 5:4, “Sapagkat ikaw ay hindi Diyos na nalulugod sa kasamaan; ang masama ay hindi mananahan sa iyo.” Napakahalagang pagnilayan natin ang salita ng Diyos. Dito natin makikita ang gabay sa araw-araw nating pamumuhay.

Kung gusto nating maging maayos ang ating buhay, kailangan nating sundin ang mga utos at mga itinakda ng Panginoon sa Biblia para sa atin. Kaya, layuan natin ang anumang hindi tama sa Kanyang paningin. Ituwid natin ang ating mga landas at hayaan nating ang Kanyang tinig ang gumabay sa atin patungo sa Kanyang katotohanan.

Tinatanggihan Niya ang kasamaan ng tao, kaya sikapin nating buong puso na huwag magkaroon ng kahit anong bahid ng kasamaan sa ating sarili. Sa halip, makipag-ayos tayo sa Diyos at pagsisihan ang ating mga kasalanan. Dahil ang Kanyang awa ay handang iligtas ang ating kaluluwa, linisin at ipanumbalik tayo upang tayo ay mamuhay nang may kabutihan at maging kalugud-lugod sa Kanyang harapan.




Mga Awit 5:4

Kayo ay Dios na hindi natutuwa sa kasamaan, at hindi nʼyo tinatanggap ang taong namumuhay sa kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 4:14

Huwag mong gagayahin ang ginagawa ng mga taong masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:16-19

May mga bagay na kinamumuhian ang Panginoon: ang pagmamataas, ang pagsisinungaling, ang pagpatay ng tao, ang pagpaplano ng masama, ang pagmamadaling gumawa ng masama, ang pagpapatotoo sa kasinungalingan, at pinag-aaway ang kanyang kapwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 7:9

Pigilan nʼyo ang kasamaang ginagawa ng mga tao, at pagpalain nʼyo ang mga matuwid, dahil kayo ay Dios na matuwid, at sinisiyasat nʼyo ang aming mga pusoʼt isipan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 4:14-15

Huwag mong gagayahin ang ginagawa ng mga taong masama. Iwasan mo ito at patuloy kang mamuhay nang matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 2:1

Nakakaawa kayong nagpupuyat sa pagpaplano ng masama. Kinaumagahan ay isinasagawa ninyo ang inyong planong masama dahil may kakayahan kayong gawin iyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 5:20

Nakakaawa kayong mga nagsasabi na ang masama ay mabuti at ang mabuti ay masama. Ang kadiliman ay sinasabi ninyong liwanag at ang liwanag ay sinasabi ninyong kadiliman. Ang mapait ay sinasabi ninyong matamis at ang matamis ay sinasabi ninyong mapait.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:21

Huwag kayong patatalo sa masama kundi talunin ninyo ang masama sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 64:2

Ingatan nʼyo ako sa kasamaang pinaplano nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 4:17

Ang pagkain nila ay paggawa ng kasamaan at ang inumin nila ay paggawa ng karahasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 5:4-5

Kayo ay Dios na hindi natutuwa sa kasamaan, at hindi nʼyo tinatanggap ang taong namumuhay sa kasalanan. Ang mga mapagmataas ay hindi makalalapit sa inyong harapan, at ang mga gumagawa ng kasamaan ay inyong kinasusuklaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 5:8

Sinabi ng anghel, “Ang babaeng iyan ay sumisimbolo sa kasamaan.” Itinulak niya ang babae pabalik sa loob ng kaing at isinara ang takip.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 15:19-20

Sapagkat sa puso ng tao nagmumula ang masasamang pag-iisip na nagtutulak sa kanya para pumatay, mangalunya, gumawa ng sekswal na imoralidad, magnakaw, magsinungaling at manira ng kapwa. “Bakit nilalabag ng mga tagasunod mo ang tradisyon ng ating mga ninuno? Hindi sila naghuhugas ng kamay bago kumain.” Ang mga bagay na ito ang nagpaparumi sa isang tao. Ngunit ang kumain nang hindi naghuhugas ng kamay ay hindi nakapagpaparumi sa tao.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 10:15

Alisan nʼyo ng lakas ang mga taong masama, at parusahan nʼyo sila hanggang sa silaʼy tumigil na sa paggawa ng masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:29-32

Naging alipin sila ng lahat ng uri ng kasamaan, kalikuan, kasakiman at masasamang hangarin. Silaʼy mainggitin, mamamatay-tao, mapanggulo, mandaraya, at laging nag-iisip ng masama sa kanilang kapwa. Silaʼy mga tsismosoʼt tsismosa Ang balitang itoʼy tungkol sa kanyang Anak, ang ating Panginoong Jesu-Cristo. Sa kanyang pagkatao, isinilang siya sa lahi ni Haring David, at sa kanyang banal na espiritu, napatunayang siya ang makapangyarihang Anak ng Dios, nang siyaʼy nabuhay mula sa mga patay. at mapanirang-puri. Napopoot sila sa Dios, mga walang galang at mapagmataas. Naghahanap sila ng magagawang masama, at suwail sa mga magulang nila. Silaʼy mga hangal, mga traydor, at walang awa. Alam nila ang utos ng Dios na dapat parusahan ng kamatayan ang mga taong gumagawa ng mga kasalanang ito, pero patuloy pa rin silang gumagawa nito, at natutuwa pa sila na ginagawa rin ito ng iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:21

Ang masamang tao ay papatayin ng kanyang kasamaan. At silang nagagalit sa taong matuwid ay parurusahan ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:29-30

Ang pagsunod ng matuwid sa pamamaraan ng Panginoon ay mag-iingat sa kanya, ngunit ang mga suwail dito ay mapapahamak. Hindi hinahayaan ng Panginoon na magutom ang mga matuwid, ngunit ipinagkakait naman niya ang hangad ng mga masama. Ang matuwid ay hindi paaalisin sa kanyang lupain, ngunit ang masama ay paaalisin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 35:8

Ang maaapektuhan lamang sa ginagawa mong mabuti o masama ay ang iyong kapwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 94:23

Parurusahan nʼyo sila dahil sa kanilang mga kasalanan. Tiyak na lilipulin nʼyo sila, O Panginoon naming Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 25:5

Kailangang alisin ang masasamang tauhan ng hari upang magpatuloy ang katuwiran sa kanyang kaharian.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 48:22

Pero ang masasama ay hindi magkakaroon ng kapayapaan, sabi ng Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:1-2

Huwag kang mainis o mainggit man sa masasama, Hindi magtatagal at mawawala ang masasama. At kahit hanapin mo man sila ay hindi mo na makikita. Ngunit ang mga mapagpakumbaba ay patuloy na mananahan sa lupain ng Israel nang mapayapa at masagana. Ang mga masama ay nagpaplano ng hindi mabuti laban sa mga matuwid, at galit na galit sila. Ngunit tinatawanan lamang ng Panginoon ang mga masama, dahil alam niyang malapit na ang oras ng paghahatol. Binunot na ng masasama ang kanilang mga espada, at nakaumang na ang kanilang mga pana upang patayin ang mga dukha na namumuhay nang matuwid. Ngunit sila rin ang masasaksak ng kanilang sariling espada at mababali ang kanilang mga pana. Ang kaunting tinatangkilik ng matuwid ay mas mabuti kaysa sa kayamanan ng masama. Dahil tutulungan ng Panginoon ang matuwid, ngunit mawawalan ng kakayahan ang taong masama. Araw-araw, inaalagaan ng Panginoon ang mga taong matuwid. At tatanggap sila ng gantimpalang pangwalang hanggan. Sa panahon ng kahirapan hindi sila malalagay sa kahihiyan. Kahit na taggutom, magkakaroon pa rin sila ng kasaganaan. dahil tulad ng damo, silaʼy madaling matutuyo, at tulad ng sariwang halaman, silaʼy malalanta.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 15:21

Ililigtas kita sa kamay ng masasama at mararahas na tao.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 3:19

Pero kung pinagsabihan mo siya at hindi siya lumayo sa kasamaan, mamamatay siya dahil sa kanyang kasalanan, pero wala kang pananagutan sa akin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 59:2-4

Ang inyong mga kasalanan ang siyang naglayo sa inyo sa Dios at iyon ang dahilan kung bakit niya kayo tinalikuran at ayaw nang makinig sa inyong mga dalangin. Sinabi ng Panginoon, “Darating sa Zion ang magliligtas sa inyong mga lahi ni Jacob, at kanyang ililigtas ang mga nagsisisi sa kanilang mga kasalanan. At ito ang kasunduan ko sa inyo: Hindi mawawala ang aking Espiritu na nasa inyo at ang mga salitang sinabi ko sa inyo. Sabihin ninyo ito sa inyong mga anak, at kailangang sabihin din ito ng inyong mga anak sa kanilang mga anak hanggang sa susunod pang mga henerasyon. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.” Pumapatay kayo ng tao, at gumagawa pa ng ibang kasamaan. Nagsisinungaling kayo at nagsasalita ng masama. Wala sa isip ninyo ang katarungan; ang mga bintang ninyo sa inyong kapwa ay puro mga kasinungalingan. Ang inyong iniisip ay masama, at iyon ay inyong ginagawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:11

Huwag kayong makibahagi sa mga walang kabuluhang gawain ng mga taong nasa kadiliman, sa halip, ipamukha nʼyo sa kanila ang kasamaan nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 6:5

Nang makita ng Panginoon na ang ginagawa ng mga tao sa mundo ay puro kasamaan lang, at ang palagi nilang iniisip ay masama,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:19-21

Ang mga taong sumusunod sa ninanasa ng laman ay makikilala sa gawa nila: sekswal na imoralidad, kalaswaan, kahalayan, Tandaan nʼyo ang sinasabi ko: Ako mismong si Pablo ang nagsasabi sa inyo na kung magpapatuli kayo para maging katanggap-tanggap sa Dios, mawawalan ng kabuluhan ang ginawa ni Cristo para sa inyo. pagsamba sa mga dios-diosan, pangkukulam, pagkapoot, pag-aaway-away, pagkasakim, pagkagalit, pagkakawatak-watak, pagkakahati-hati, pagkainggit, paglalasing, pagkahilig sa kalayawan, at iba pang kasamaan. Binabalaan ko kayo tulad ng ginawa ko na noon: Ang mga namumuhay nang ganito ay hindi mapapabilang sa kaharian ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 4:16

Sapagkat ang taong masama ay hindi makatulog kapag hindi nakakagawa ng masama o walang naipapahamak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:18

ang pagpaplano ng masama, ang pagmamadaling gumawa ng masama,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 3:1-5

Tandaan mo ito: Magiging mahirap ang mga huling araw, Ngunit ikaw, Timoteo, alam mo lahat ang itinuturo mo, ang aking pamumuhay, layunin, pananampalataya, pagtitiyaga, pag-ibig at pagtitiis. Alam mo rin ang mga dinanas kong pag-uusig at paghihirap, katulad ng nangyari sa akin sa Antioc, Iconium at Lystra. Ngunit iniligtas ako ng Panginoon sa lahat ng mga iyon. Ang totoo, lahat ng nagnanais mamuhay nang matuwid bilang tagasunod ni Cristo Jesus ay daranas ng pag-uusig. Ang masasama at manlilinlang namaʼy lalo pang sasama at patuloy na manlilinlang. Maging sila mismoʼy malilinlang. Ngunit ikaw, magpatuloy ka sa mga bagay na natutunan mo at pinanaligan, dahil alam mo kung kanino mo ito natutunan. Mula pa sa pagkabata, alam mo na ang Banal na Kasulatan, na nakapagbibigay sa iyo ng karunungan tungo sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. Lahat ng Kasulatan ay isinulat sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios, at mapapakinabangan sa pagtuturo ng katotohanan, pagsasaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa matuwid na pamumuhay, para maging handa sa lahat ng mabubuting gawa ang naglilingkod sa Dios. dahil magiging makasarili ang mga tao, sakim sa salapi, mayabang, mapagmataas, mapang-insulto, masuwayin sa magulang, walang utang na loob, at hindi makadios. Ayaw nilang makipagkasundo sa kaaway nila, malupit, walang awa, mapanira sa kapwa, walang pagpipigil sa sarili, at galit sa anumang mabuti. Hindi lang iyan, mga taksil sila, mapusok, mapagmataas, mahilig sa kalayawan sa halip na maibigin sa Dios. Ipinapakita nilang makadios sila pero hindi naman nakikita ang kapangyarihan nito sa buhay nila. Iwasan mo ang mga taong ganito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:12

Sapagkat iniingatan ng Panginoon ang matuwid, at sinasagot niya ang mga panalangin nila, ngunit galit siya sa mga gumagawa ng masama.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 17:9

“Ang puso ng tao ay mandaraya higit sa lahat, at lubos na masama. Sino ang nakakaalam kung gaano ito kasama?

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 94:16-17

Walang tumutulong sa akin laban sa mga taong gumagawa ng kasamaan kundi kayo lang, Panginoon. Kung hindi nʼyo ako tinulungan Panginoon, maaaring patay na ako ngayon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:12

Mag-uumaga na, kaya iwanan na natin ang mga gawain ng kadiliman at isuot na ang kabutihan bilang panlaban nating mga nasa liwanag.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:21

Ang taong masama, tiyak na parurusahan, ngunit ang matuwid ay makakaligtas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:8

Ngunit ang nagpapatuloy sa kasalanan ay kampon ng diyablo, dahil ang diyablo ay gumagawa na ng kasalanan mula pa sa simula. Ito ang dahilan kung bakit naparito ang Anak ng Dios, upang wasakin ang mga gawa ng diyablo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 9:17

Mamamatay ang taong masasama sa lahat ng bansa, dahil itinakwil nila ang Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:10

Ang masasama ay laging gustong gumawa ng masama at sa kanilang kapwa ay wala silang awa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 11:5

Sinisiyasat niya ang matutuwid at masasama. At siyaʼy napopoot sa malulupit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:17-18

Ang mabuting puno ay namumunga ng mabuting bunga, at ang masamang puno ay namumunga ng masama. Ang mabuting puno ay hindi namumunga ng masama, at ang masamang puno ay hindi namumunga ng mabuti.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:29

Malayo ang Panginoon sa masasama, ngunit malapit siya sa mga matuwid at pinapakinggan niya ang kanilang dalangin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 13:11

Sinabi ng Panginoon, “Parurusahan ko ang mundo dahil sa kasamaan nito. Parurusahan ko ang mga makasalanan dahil sa kanilang kasalanan. Wawakasan ko ang kahambugan ng mayayabang. Patitigilin ko ang pagmamataas ng mga taong malupit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 24:19-20

Huwag kang mabalisa o mainggit sa mga taong masama, Sapagkat ang iniisip nila at sinasabi ay para sa kapahamakan ng iba. sapagkat wala silang mabuting kinabukasan at magiging tulad sila ng ilaw na namatay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 1:5-6

Parurusahan sila ng Dios sa araw ng paghatol, at ihihiwalay sa mga matuwid. Sapagkat pinapatnubayan ng Panginoon ang mga matuwid, ngunit ang buhay ng taong masama ay hahantong sa kapahamakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:21

Walang mangyayaring masama sa taong matuwid, ngunit sa masama, pawang kaguluhan ang mararanasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 55:7

Talikuran na ng mga taong masama ang masasama nilang ugali at baguhin na ang masasama nilang pag-iisip. Magbalik-loob na sila sa Panginoon na ating Dios, dahil kaaawaan at patatawarin niya sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:31

Alisin nʼyo ang anumang samaan ng loob, galit, pag-aaway, pambubulyaw, paninira sa kapwa, pati na ang lahat ng uri ng masasamang hangarin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:6

Ang taong matuwid ay pinagpapala; ang bibig ng masamang tao ay nakakapinsala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 13:41-42

Ako na Anak ng Tao ay magpapadala ng mga anghel, at aalisin nila sa aking kaharian ang lahat ng gumagawa ng kasalanan at nagiging dahilan ng pagkakasala ng iba. Itatapon sila sa nagliliyab na apoy, at dooʼy iiyak sila at magngangalit ang kanilang ngipin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:12-15

Ang taong walang kwenta at masama ay puro kasinungalingan ang sinasabi. Kumikindat at sumisenyas siya gamit ang kanyang mga kamay at paa para makumbinsi ang mga tao sa mga sinasabi niya. Ang puso niya ay puno ng pandaraya, laging nagbabalak na gumawa ng masama at sa mga gulo siya ang nagpapasimula. Kaya biglang darating sa kanya ang kapahamakan at hindi na siya matutulungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 14:1-3

“Walang Dios!” Iyan ang sinasabi ng mga hangal sa kanilang sarili. Masasama sila at kasuklam-suklam ang kanilang mga gawa. Ni isa sa kanila ay walang gumagawa ng mabuti. Mula sa langit, tinitingnan ng Panginoon ang lahat ng tao, kung may nakakaunawa ng katotohanan at naghahanap sa kanya. Ngunit ang lahat ay naligaw ng landas at pare-parehong nabulok ang pagkatao. Wala kahit isa man ang gumagawa ng mabuti.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:16

Ngunit kinakalaban ng Panginoon ang mga gumagawa ng masama. Silaʼy kanyang nililipol hanggang sa hindi na sila maalala ng mga tao sa mundo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 32:6

Sapagkat kahangalan ang sinasabi ng hangal, at ang masama niyang isipan ay nagbabalak na gumawa ng mga kasamaan. Nilalapastangan niya ang Dios, at pinagkakaitan ang mga nagugutom at nauuhaw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:29

Ang taong nabubuhay sa karahasan ay nanghihikayat ng kanyang kapwa sa kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 16:17-18

Mga kapatid, mag-ingat kayo sa mga taong lumilikha ng pagkakahati-hati at gumugulo sa pananampalataya ninyo. Nangangaral sila laban sa mga aral na natanggap ninyo sa amin. Kaya iwasan ninyo sila. Ang mga taong ganyan ay hindi naglilingkod sa Panginoong Jesu-Cristo, kundi sa sarili nilang hangarin sila sumusunod. Dinadaya nila ang mga kulang sa kaalaman sa pamamagitan ng mahuhusay at magaganda nilang pananalita.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:6

Kung minamahal natin ang Panginoon nang may katapatan, patatawarin niya ang ating mga kasalanan. Kung may takot tayo sa kanya nang may paggalang, makalalayo tayo sa kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 8:20-22

“Ang totoo, hindi itinatakwil ng Dios ang taong matuwid at hindi niya tinutulungan ang taong masama. Patatawanin ka niyang muli, at pasisigawin sa kagalakan. Ipapahiya niya ang mga napopoot sa iyo at wawasakin ang kanilang sambahayan.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 140:1-2

Panginoon, iligtas nʼyo ako sa mga taong masama at malupit. Bagsakan sana sila ng mga nagniningas na baga, at ihulog sana sila sa hukay nang hindi na sila makabangon pa. Madali sanang mawala sa lupa ang mga taong nagpaparatang ng mali laban sa kanilang kapwa. Dumating sana ang salot sa mga taong malupit upang lipulin sila. Panginoon, alam kong iniingatan nʼyo ang karapatan ng mga dukha, at binibigyan nʼyo ng katarungan ang mga nangangailangan. Tiyak na pupurihin kayo ng mga matuwid at sa piling nʼyo silaʼy mananahan. Nagpaplano sila ng masama at palaging pinag-aaway ang mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:20

Pandaraya ang nasa puso ng mga taong nagbabalak ng masama, ngunit kagalakan ang nasa puso ng mga taong nagbabalak ng mabuti.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 59:7-8

Nagmamadali kayong gumawa ng masama at mabilis ang kamay ninyong pumatay ng walang kasalanan. Palaging masama ang iniisip ninyo, at kahit saan kayo pumunta ay wala kayong ginawa kundi kapahamakan at kasiraan. Wala kayong alam tungkol sa mapayapang pamumuhay. Binabalewala ninyo ang katarungan at binabaluktot pa ninyo ito. Ang sinumang sumunod sa inyong mga ginagawa ay hindi rin makakaranas ng mapayapang pamumuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 24:1-2

Huwag kang mainggit sa mga taong masama o hangarin mang makipagkaibigan sa kanila. Kapag ikaw ay nawalan ng pag-asa sa panahon ng kahirapan, nagpapakita lang ito na ikaw ay mahina. Huwag kang mag-atubiling iligtas ang walang kasalanan na hinatulan ng kamatayan. Maaaring sabihin mo na wala kang nalalaman sa nangyari, pero alam ng Dios kung totoo o hindi ang iyong sinasabi, dahil binabantayan ka niya at alam niya ang nasa puso mo. Gagantimpalaan ka niya ayon sa iyong mga ginawa. Anak, kung papaanong matamis at mabuti para sa iyo ang pulot, ganoon din naman ang karunungan. Sapagkat kung marunong ka, mapapabuti ang iyong kinabukasan at mapapasaiyo ang iyong mga hinahangad. Huwag kang gagaya sa taong masama na palihim na sumasalakay sa bahay ng matuwid. Ang taong matuwid, mabuwal man ng pitong ulit ay tiyak na makakabangon ulit. Hindi tulad ng taong masama na kapag nabuwal ay hindi na makakabangon pa. Huwag kang matuwa kapag napapahamak ang iyong kaaway, dahil kapag nakita ng Panginoon na natutuwa ka, hindi niya ito magugustuhan, at hindi na niya parurusahan ang iyong kaaway. Huwag kang mabalisa o mainggit sa mga taong masama, Sapagkat ang iniisip nila at sinasabi ay para sa kapahamakan ng iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 36:1-4

Pumapasok sa puso ng masamang tao ang tukso ng pagsuway, kaya wala man lang siyang takot sa Dios. Patuloy nʼyong ibigin ang mga kumikilala sa inyo, at bigyan nʼyo ng katarungan ang mga namumuhay nang matuwid. Huwag nʼyong payagang akoʼy tapakan ng mga mapagmataas o itaboy ng mga masasama. Ang masasamang tao ay mapapahamak nga. Silaʼy babagsak at hindi na muling makakabangon. Dahil mataas ang tingin niya sa kanyang sarili, hindi niya nakikita ang kanyang kasalanan para kamuhian ito. Ang kanyang mga sinasabi ay puro kasamaan at kasinungalingan. Hindi na niya iniisip ang paggawa ng ayon sa karunungan at kabutihan. Kahit siyaʼy nakahiga, nagpaplano siya ng masama. Napagpasyahan niyang gumawa ng hindi mabuti, at hindi niya tinatanggihan ang kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 26:24-26

Maaaring ang kaaway ay magandang magsalita, ngunit ang nasa isip niya ay makapandaya. Kahit masarap pakinggan ang kanyang pananalita ay huwag kang maniwala, sapagkat ang iniisip niya ay napakasama. Maaaring ang galit ay kanyang maitago, ngunit malalantad din sa karamihan ang masama niyang gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 101:3-4

at hindi ko hahayaan ang kasamaan. Namumuhi ako sa mga ginagawa ng mga taong tumatalikod sa Dios, at hindi ko gagawin ang kanilang ginagawa. Lalayo ako sa mga taong baluktot ang pag-iisip; hindi ako sasali sa kanilang ginagawang kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 1:16-17

Linisin ninyo ang inyong sarili. Tigilan na ninyo ang paggawa ng kasamaan sa aking harapan. Pag-aralan ninyong gumawa ng mabuti at pairalin ang katarungan. Sawayin ninyo ang mga nang-aapi at ipagtanggol ninyo ang karapatan ng mga ulila at mga biyuda.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 6:12

Sapagkat ang kalaban natin ay hindi mga tao kundi masasamang espiritu sa himpapawid – mga pinuno, may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang namamayani sa mundong ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:5

Ang matuwid at walang kapintasang pamumuhay ay makapagpapagaan ng buhay, ngunit ang masamang pamumuhay ay maghahatid ng kapahamakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:8

Humanda kayo at mag-ingat, dahil ang kaaway ninyong si Satanas ay umaali-aligid na parang leong umaatungal at naghahanap ng malalapa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:23-24

O Dios, siyasatin nʼyo ako, upang malaman nʼyo ang nasa puso ko. Subukin nʼyo ako, at alamin ang aking mga iniisip. Tingnan nʼyo kung ako ay may masamang pag-uugali, at patnubayan nʼyo ako sa daang dapat kong tahakin magpakailanman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:15

Kapag katarungan ang umiiral, ang mga matuwid ay natutuwa, ngunit natatakot ang masasama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 3:11

Pero nakakaawa ang masasama, dahil darating sa kanila ang kapahamakan. Gagantihan sila ayon sa mga ginawa nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 7:24

“Pero hindi nila sinunod o pinansin man lang ang mga sinabi ko sa kanila. Sa halip, sinunod nila ang nais ng matitigas at masasama nilang puso. At sa halip na lumapit sa akin, lalo pa silang lumayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 125:5

Ngunit parusahan nʼyo kasama ng masasama ang inyong mamamayan na sumusunod sa hindi wastong pamumuhay. Mapasaiyo nawa Israel ang kapayapaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:15

Iniingatan ng Panginoon ang mga matuwid, at pinakikinggan niya ang kanilang mga karaingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 2:1-2

Nakakaawa kayong nagpupuyat sa pagpaplano ng masama. Kinaumagahan ay isinasagawa ninyo ang inyong planong masama dahil may kakayahan kayong gawin iyon. Kaya ngayon, umalis na kayo rito sa Israel dahil ang lugar na ito ay hindi na makapagbibigay sa inyo ng kapahingahan, sapagkat dinungisan ninyo ito ng inyong mga kasalanan. Masisira ang lugar na ito at hindi na mapapakinabangan. Ang gusto ninyong mangangaral ay iyong nangangaral nang walang kabuluhan, manlilinlang at sinungaling, at ganito ang sinasabi: ‘Sasagana kayo sa alak at iba pang mga inumin.’ ” Sinabi ng Panginoon, “Kayong natitirang mga mamamayan ng Israel at Juda, titipunin ko kayo gaya ng mga tupa sa kulungan o kawan ng mga hayop sa pastulan. Mapupuno ng mga tao ang inyong lupain. Bubuksan ko ang pinto ng lungsod na bumihag sa inyo, at pangungunahan ko kayo sa inyong paglabas. Ako, ang Panginoon na inyong hari, ang mangunguna sa inyo.” Inaagaw ninyo ang mga bukid at mga bahay na inyong nagugustuhan. Dinadaya ninyo ang mga tao para makuha ninyo ang kanilang bahay o lupaing minana.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:13-15

Kung dumaranas ng tukso ang isang tao, hindi niya dapat isiping galing ito sa Dios, dahil hindi maaaring matukso ang Dios sa kasamaan, at hindi rin siya nanunukso sa kahit kanino. Natutukso ang isang tao kapag nahihikayat siya at nadadala ng sariling pagnanasa. At kung susundin niya ang pagnanasa niya, magbubunga ito ng kasalanan; at kung magpapatuloy siya sa kasalanan, hahantong ito sa kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 2:12-15

Ilalayo ka ng karunungan sa masamang pag-uugali at sa mga taong nagsasalita ng masama. Pinili ng mga taong ito na iwanan ang magandang pag-uugali at sumunod sa pamamaraan ng mga nasa kadiliman. Natutuwa sila sa paggawa ng masama at nasisiyahan sa mga kalikuan nito. Masama ang pag-uugali nila at hindi matuwid ang kanilang pamumuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:44

Ngunit sinasabi ko sa inyo na mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:26

Kinasusuklaman ng Panginoon ang iniisip ng masasamang tao, ngunit nagagalak siya sa iniisip ng mga taong may malinis na puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:7-8

Kalaban ng Dios ang sinumang sumusunod sa nais ng makasalanan niyang pagkatao, dahil ayaw niyang sumunod sa Kautusan ng Dios, at talagang hindi niya magagawang sumunod. Kaya ang mga taong nabubuhay ayon sa kanilang makasalanang pagkatao ay hindi maaaring kalugdan ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 6:27-28

Sinabi sa akin ng Panginoon, “Ginawa kitang tulad ng tagasuri ng mga metal, para masuri mo ang pag-uugali ng aking mga mamamayan. Silang lahat ay rebelde at matitigas ang ulo, kasintigas ng tanso at bakal. Nanlalait at nanloloko sila ng kanilang kapwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 33:15-16

Ang makakatagal ay ang mga taong namumuhay nang matuwid at hindi nagsisinungaling, hindi gahaman sa salapi o tumatanggap man ng suhol. Hindi sila nakikiisa sa mga mamamatay-tao at hindi gumagawa ng iba pang masamang gawain. Ganyang klaseng mga tao ang maliligtas sa kapahamakan, parang nakatira sa mataas na lugar, na ang kanilang kanlungan ay ang malalaking bato. Hindi sila mawawalan ng pagkain at inumin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:12-13

Huwag na ninyong paghariin ang kasalanan sa inyong katawang may kamatayan, para hindi na ninyo sundin ang masasamang hilig nito. Huwag na ninyong gamitin ang alin mang bahagi ng inyong katawan sa paggawa ng kasalanan. Sa halip, ialay ninyo ang inyong sarili sa Dios bilang mga taong binigyan ng bagong buhay. Ilaan ninyo sa Dios ang inyong katawan sa paggawa ng kabutihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 140:4-5

Panginoon, ingatan nʼyo ako sa masasama at malulupit na mga taong nagpaplanong akoʼy ipahamak. Ang mga hambog ay naglagay ng mga bitag para sa akin; naglagay sila ng lambat sa aking dinadaanan upang ako ay hulihin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 4:19

Pero ang pamumuhay ng taong masama ay parang kadiliman; hindi niya alam kung ano ang dahilan ng kanyang pagbagsak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Tesalonica 3:3

Pero tapat ang Panginoon; bibigyan niya kayo ng lakas at iingatan laban sa diyablo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 3:10-12

Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan, “Walang matuwid sa paningin ng Dios, wala kahit isa. Walang nakakaunawa tungkol sa Dios, walang nagsisikap na makilala siya. Ang lahat ay tumalikod sa Dios at naging walang kabuluhan. Walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:6

Ang taong walang kapintasan ay iingatan dahil sa kanyang matuwid na pamumuhay, ngunit ang makasalanan ay mapapahamak dahil sa kanyang kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:13

At huwag nʼyo kaming hayaang matukso kundi iligtas nʼyo po kami kay Satanas. [Sapagkat kayo ang Hari, ang Makapangyarihan at Dakilang Dios magpakailanman!]’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 73:27

Ang mga taong lumalayo sa inyo ay tiyak na mapapahamak. Ang mga nagtaksil sa inyo ay lilipuling lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:4-5

Ang lahat ay nilikha ng Panginoon na mayroong layunin, kahit na nga ang masasama, itinalaga sila para sa kapahamakan. Kinasusuklaman ng Panginoon ang mayayabang at tiyak na silaʼy parurusahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:21-23

“Marami ang tumatawag sa akin ng ‘Panginoon’, pero hindi ito nangangahulugan na makakapasok sila sa kaharian ng langit. Ang mga tao lang na sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit ang mapapabilang sa kanyang kaharian. Marami ang magsasabi sa akin sa Araw ng Paghuhukom, ‘Panginoon, hindi baʼt sa ngalan nʼyo ay nagpahayag kami ng inyong salita, nagpalayas ng masasamang espiritu at gumawa ng maraming himala?’ Ngunit sasabihin ko sa kanila, ‘Hindi ko kayo kilala! Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng masama!’ ”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:27

Kinasusuklaman ng mga matuwid ang masasama, at kinasusuklaman din naman ng masasama ang mga matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 91:3

Tiyak na ililigtas ka niya sa bitag ng masasama at sa mga nakamamatay na salot.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 5:19

Ang buong mundo ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng diyablo, ngunit alam nating tayoʼy mga anak ng Dios.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 97:10

Kayong mga umiibig sa Panginoon ay dapat mamuhi sa kasamaan. Dahil iniingatan ng Panginoon ang buhay ng kanyang mga tapat na mamamayan at inililigtas niya sila sa masasama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:9

Magmahalan kayo nang tapat. Iwasan ninyo ang masama at laging gawin ang mabuti.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 3:19-20

Hinatulan sila dahil dumating ang Anak ng Dios bilang ilaw dito sa mundo, ngunit mas ginusto nilang manatili sa dilim kaysa sa lumapit sa kanya na nagbibigay-liwanag, dahil masama ang mga ginagawa nila. Isang gabi, pumunta siya kay Jesus at sinabi, “Guro, alam naming isa kayong tagapagturo na mula sa Dios, dahil walang makakagawa ng mga himalang ginagawa ninyo, maliban kung sumasakanya ang Dios.” Ang taong gumagawa ng masama ay ayaw sa liwanag at hindi lumalapit sa liwanag, dahil ayaw niyang malantad ang kanyang mga gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 24:8-9

Ang taong laging nagpaplano ng masama ay kikilalaning may pakana ng kasamaan. Anumang pakana ng hangal ay kasalanan, at kinasusuklaman ng mga tao ang sinumang nangungutya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 31:17-18

Panginoon, huwag nʼyong payagang akoʼy mapahiya, dahil sa inyo ako tumatawag. Ang masasama sana ang mapahiya at manahimik doon sa libingan. Patahimikin nʼyo silang mga sinungaling, pati ang mga mayayabang at mapagmataas na binabalewala at hinahamak ang mga matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:4

Sapagkat ang mga namumuno sa bayan ay mga lingkod ng Dios para sa ating ikabubuti. Pero kung gagawa ka ng masama, dapat kang matakot dahil may kapangyarihan silang parusahan ka. Silaʼy mga lingkod ng Dios na nagpaparusa sa mga gumagawa ng masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:7

Ang karahasan ng masasama ang magpapahamak sa kanila, sapagkat ayaw nilang gawin ang tama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 13:49-50

Ganyan din ang mangyayari sa katapusan ng mundo. Darating ang mga anghel at ihihiwalay nila ang masasama sa matutuwid. May mga binhi namang nahulog sa mabatong lugar, kung saan walang gaanong lupa. Mabilis na tumubo ang binhi dahil mababaw ang lupa. Itatapon ang masasama sa nagliliyab na apoy, at dooʼy iiyak sila at magngangalit ang kanilang ngipin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 5:23-24

Pinakakawalan ninyo ang may mga kasalanan dahil sa suhol, pero hindi ninyo binibigyan ng katarungan ang mga walang kasalanan. Kaya matutulad kayo sa dayami o tuyong damo na masusunog ng apoy. Matutulad din kayo sa tanim na ang mga ugat ay nabulok o sa bulaklak na tinangay ng hangin na parang alikabok, dahil itinakwil ninyo ang Kautusan ng Panginoong Makapangyarihan, ang Banal na Dios ng Israel.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:10-11

Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, “Ang sinumang nagnanais ng maligaya at masaganang pamumuhay ay hindi dapat magsalita ng masama at kasinungalingan. Dapat lumayo siya sa masama at gawin ang mabuti. Pagsikapan niyang kamtin ang kapayapaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:27

Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon si Satanas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:29

Ang pagsunod ng matuwid sa pamamaraan ng Panginoon ay mag-iingat sa kanya, ngunit ang mga suwail dito ay mapapahamak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 101:4

Lalayo ako sa mga taong baluktot ang pag-iisip; hindi ako sasali sa kanilang ginagawang kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 36:12

Ang masasamang tao ay mapapahamak nga. Silaʼy babagsak at hindi na muling makakabangon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:18-19

Ang kayabangan ay humahantong sa kapahamakan, at ang nagmamataas ay ibabagsak. Higit na mabuti ang mamuhay nang may pagpapakumbaba kasama ang mahihirap kaysa sa mamuhay kasama ng mayayabang at makibahagi sa kanilang pinagnakawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 91:10

walang kasamaan, kalamidad o anumang salot ang darating sa iyo o sa iyong tahanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Panginoon, lumikha Ka sa akin ng malinis na puso at panibaguhin Mo ang matuwid na espiritu sa loob ko. Mahal kong Ama sa langit, nagpapakumbaba ako sa Iyong harapan dahil kailangan Kita. Nananawagan ako ngayon upang humingi ng kapatawaran sa lahat ng aking kasalanan. Patawarin Mo ako sapagkat lumakad ako sa kasamaan at ang puso ko'y gumawa ng masama sa Iyong paningin. Hinuhugasan ko ang aking sarili sa Iyong dugo, Hesus, sapagkat nais kong baguhin Mo ang aking pagkatao ayon sa Iyong wangis. Punahin Mo ako araw-araw ng Iyong presensya upang manatili ako sa Iyong kabanalan. Ituwid Mo ang aking mga hakbang at ituro Mo sa akin ang Iyong kalooban na mabuti, kalugud-lugod, at ganap. Tulungan Mo akong huwag lumayo sa Iyong salita kailanman, bagkus ay mabuhay ako upang tuparin ang Iyong mga tuntunin at utos. Huwag Mo akong hayaang sumunod sa mga pagnanasa ng aking laman o sa kasamaan ng aking puso. Manahan Ka sa aking espiritu, Banal na Espiritu, at nawa'y mangibabaw ang Iyong pag-ibig sa aking buong pagkatao upang mabuhay ako para sa Iyo at dahil sa Iyo, sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas