Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Kawikaan 11:5 - Ang Salita ng Dios

5 Ang matuwid at walang kapintasang pamumuhay ay makapagpapagaan ng buhay, ngunit ang masamang pamumuhay ay maghahatid ng kapahamakan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

5 Ang katuwiran ng sakdal ay magtuturo ng kaniyang lakad: nguni't mabubuwal ang masama dahil sa kaniyang sariling kasamaan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

5 Ang katuwiran ng walang sala ang nagtutuwid sa kanyang daan, ngunit nabubuwal ang masama dahil sa sarili niyang kasamaan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

5 Ang katuwiran ng sakdal ay magtuturo ng kaniyang lakad: Nguni't mabubuwal ang masama dahil sa kaniyang sariling kasamaan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

5 Mas panatag ang landas ng tapat ang pamumuhay, ngunit nabubuwal ang masama sa sariling kabuktutan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

5 Mas panatag ang landas ng tapat ang pamumuhay, ngunit nabubuwal ang masama sa sariling kabuktutan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

5 Mas panatag ang landas ng tapat ang pamumuhay, ngunit nabubuwal ang masama sa sariling kabuktutan.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Kawikaan 11:5
19 Mga Krus na Reperensya  

Nang malaman ni Ahitofel na hindi sinunod ang payo niya, sumakay siya sa asno niya at umuwi sa bayan niya. Pagkatapos niyang magbigay ng mga habilin sa sambahayan niya, nagbigti siya. Inilibing siya sa pinaglibingan ng kanyang ama.


Noon ay may katatagan siya pero ngayon ay bumabagsak. Ang sarili niyang plano ang siya ring sisira sa kanya.


Alam ng ibon na mahuhuli siya, pero ang taong masasama, hindi nila alam na sila rin ang magiging biktima ng ginagawa nila.


Ang pamumuhay nang may katapatan ang gagabay sa taong matuwid, ngunit ang taong mandaraya ay mapapahamak dahil hindi tama ang kanyang pamumuhay.


Ang taong gumagawa ng masama ay walang katatagan, ngunit ang taong matuwid ay matatag tulad ng isang punongkahoy na malalim ang ugat.


Ang taong walang kapintasan ay iingatan dahil sa kanyang matuwid na pamumuhay, ngunit ang makasalanan ay mapapahamak dahil sa kanyang kasamaan.


Mapapahamak ang masama dahil sa kanyang masamang gawain, ngunit ang mga matuwid ay iingatan dahil sa kanilang pagkamakadios.


Kung ikaw ay tamad, buhay mo ay maghihirap, ngunit kung ikaw ay masipag, buhay mo ay uunlad.


Ang taong masama ay hindi pinag-iisipan ang kanyang ginagawa, ngunit ang taong matuwid ay pinag-iisipan muna nang mabuti ang kanyang ginagawa.


Ang taong namumuhay nang matuwid ay ligtas sa kapahamakan, ngunit ang taong namumuhay sa maling pamamaraan ay bigla na lamang mapapahamak.


Alalahanin mo ang Panginoon sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.


Ang masamang tao ay bihag ng kanyang kasamaan, para itong bitag na huhuli sa kanya.


Patag ang daan ng taong matuwid, at kayo, Panginoong matuwid, ang nagpatag nito.


Ang pagmamataas ninyo ay nagpapatunay na dapat kayong parusahan. At dahil sa mga kasalanan nʼyo, mapapahamak kayo, kayong mga taga-Israel kasama ang mga taga-Juda.


Kaya bumalik ang mga Israelita at nilusob nila ang mga taga-Benjamin. Natakot ang mga taga-Benjamin dahil napansin nilang malapit na ang katapusan nila.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas