Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Kawikaan 11:4 - Ang Salita ng Dios

4 Ang kayamanan ay hindi makakatulong sa araw ng paghuhukom, ngunit ang matuwid na pamumuhay ay magliligtas sa iyo sa kamatayan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

4 Ang mga kayamanan ay walang kabuluhan sa kaarawan ng poot: nguni't ang katuwiran ay nagliligtas sa kamatayan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

4 Ang mga kayamanan ay walang kabuluhan sa araw ng kapootan, ngunit ang katuwiran ay nagliligtas sa kamatayan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

4 Ang mga kayamanan ay walang kabuluhan sa kaarawan ng poot: Nguni't ang katuwiran ay nagliligtas sa kamatayan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

4 Walang halaga ang yaman sa araw ng kamatayan, ngunit ang katuwiran ay naglalayo sa kapahamakan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

4 Walang halaga ang yaman sa araw ng kamatayan, ngunit ang katuwiran ay naglalayo sa kapahamakan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

4 Walang halaga ang yaman sa araw ng kamatayan, ngunit ang katuwiran ay naglalayo sa kapahamakan.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Kawikaan 11:4
15 Mga Krus na Reperensya  

Sinabi ng Panginoon kay Noe, “Pumasok ka sa barko kasama ng buong pamilya mo. Sapagkat sa lahat ng tao sa panahong ito, ikaw lang ang nakita kong matuwid.


Tatangayin ng baha ang bahay niya sa araw na ibuhos ng Dios ang kanyang galit.


Ang kayamanang nakuha sa masamang paraan ay hindi makapagbibigay ng anumang kabutihan, ngunit ang matuwid na pamumuhay ay makapagliligtas sa iyo sa kamatayan.


Ang matuwid na pamumuhay ay patungo sa buhay, at maililigtas ka nito sa kamatayan.


Sapagkat ang asawang seloso ay sobra kung magalit at maghihiganti siya ng walang awa.


Ano ang gagawin ninyo sa araw ng pagpaparusa sa inyo? Ano ang gagawin nʼyo pagdating ng panganib mula sa malayo? Kanino kayo hihingi ng tulong? At saan ninyo itatago ang mga kayamanan ninyo?


Kahit kasama pa nila sina Noe, Daniel at Job, silang tatlo lang ang maliligtas dahil sa matuwid nilang pamumuhay. Ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito.


Itatapon nila sa mga lansangan ang mga pilak at ginto nila na parang maruruming bagay. Hindi sila maililigtas ng mga ito sa araw na ipadama ko ang aking poot. Hindi rin nila ito makakain para mabusog sila dahil ito ang dahilan kung bakit sila nagkasala.


Hindi sila maililigtas ng kanilang mga pilak at ginto sa araw na ipapakita ko ang aking galit na parang apoy na tutupok sa buong mundo. Sapagkat bigla kong lilipulin ang lahat ng naninirahan sa lupa.”


Ano ba ang mapapala ng tao kung mapasakanya man ang lahat ng bagay sa mundo, pero mapapahamak naman ang kanyang buhay? May maibabayad ba siya para mabawi niya ang kanyang buhay?


Ngunit sinabi sa kanya ng Dios, ‘Hangal! Ngayong gabi ay babawiin ko sa iyo ang buhay mo. Kanino ngayon mapupunta ang lahat ng inipon mo para sa iyong sarili?’


Dahil sa kasalanan ng isang tao, naghari ang kamatayan, pero dahil sa ginawa ng isa pang tao na si Jesu-Cristo ang mga taong tumanggap ng masaganang biyaya at kaloob ng Dios ay itinuring niyang matuwid, at maghahari sila sa buhay na walang hanggan.


Sapagkat kung may mabuting naidudulot ang pagsasanay natin sa katawan, may mas mabuting maidudulot ang pagsasanay sa kabanalan sa lahat ng bagay, hindi lang sa buhay na ito kundi maging sa buhay na darating.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas