Biblia Todo Logo
Online na Bibliya
- Mga patalastas -




Mga Awit 7:9 - Ang Salita ng Dios

9 Pigilan nʼyo ang kasamaang ginagawa ng mga tao, at pagpalain nʼyo ang mga matuwid, dahil kayo ay Dios na matuwid, at sinisiyasat nʼyo ang aming mga pusoʼt isipan.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia

9 Oh wakasan ang kasamaan ng masama, nguni't itatag mo ang matuwid; sapagka't sinubok ng matuwid na Dios ang mga pagiisip at ang mga puso.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia 2001

9 O nawa'y magwakas na ang kasamaan ng masama, ngunit itatag mo ang matuwid; sapagkat sinusubok ng matuwid na Diyos ang mga puso at mga pag-iisip.

Tingnan ang kabanata Kopya

Ang Biblia (1905-1982)

9 Oh wakasan ang kasamaan ng masama, ngunit itatag mo ang matuwid; Sapagka't sinubok ng matuwid na Dios ang mga pagiisip at ang mga puso.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia (2005)

9 Ikaw ay isang Diyos na matuwid, batid mo ang aming damdamin at pag-iisip; sugpuin mo ang gawain ng masasama, at ang mabubuti'y bigyan mo ng gantimpala.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Biblia

9 Ikaw ay isang Diyos na matuwid, batid mo ang aming damdamin at pag-iisip; sugpuin mo ang gawain ng masasama, at ang mabubuti'y bigyan mo ng gantimpala.

Tingnan ang kabanata Kopya

Magandang Balita Bible (Revised)

9 Ikaw ay isang Diyos na matuwid, batid mo ang aming damdamin at pag-iisip; sugpuin mo ang gawain ng masasama, at ang mabubuti'y bigyan mo ng gantimpala.

Tingnan ang kabanata Kopya




Mga Awit 7:9
36 Mga Krus na Reperensya  

Sinabi po kasi ni Abraham na kapatid niya si Sara at sinabi rin ni Sara na kapatid niya si Abraham. Inosente po ako at wala akong masamang balak sa pagkuha kay Sara.”


dinggin nʼyo po ito riyan sa langit at hatulan ang inyong mga lingkod –  ang nagbintang at ang pinagbintangan. Parusahan nʼyo po ang nagkasala ayon sa kanyang ginawa at palayain ang walang sala para mahayag na inosente siya.


“At ikaw, Solomon na anak ko, kilalanin mo at paglingkuran ang Dios ng iyong ama nang buong puso mo at isip, dahil nakikita ng Panginoon ang bawat puso ng tao at nalalaman niya ang ating layunin at pag-iisip. Kung dudulog ka sa kanya, tutulungan ka niya, pero kung tatalikod ka sa kanya, itatakwil ka niya magpakailanman.


Alisan nʼyo ng lakas ang mga taong masama, at parusahan nʼyo sila hanggang sa silaʼy tumigil na sa paggawa ng masama.


Bigyan nʼyo ng katarungan ang mga ulila at mga api, upang wala ng mga taong mananakot ng kapwa, dahil silaʼy tao rin lang.


Sinisiyasat niya ang matutuwid at masasama. At siyaʼy napopoot sa malulupit.


Panginoon, siniyasat nʼyo ako at kilalang-kilala.


Siniyasat nʼyo ang puso ko, at kahit sa gabiʼy sinusubukan nʼyo ako, ngunit wala kayong nakitang anumang kasalanan sa akin. Napagpasyahan ko na hindi ako magsasalita ng masama


Dahil sinusunod ko ang inyong kalooban, at hindi ko kayo tinalikuran, Panginoon na aking Dios.


Siyasatin at subukin nʼyo ako, Panginoon. Suriin nʼyo ang aking pusoʼt isipan,


Sige na po, Panginoon kong Dios, ipagtanggol nʼyo na ako sa kanila.


Ginagabayan ng Panginoon ang bawat hakbang ng taong matuwid na ang buhay ay nakakalugod sa kanya.


Para akong nasa malalim at lubhang maputik na balon, ako ay kanyang iniahon at itinatayo sa malaking bato, upang hindi mapahamak.


Patunayan nʼyo, O Dios, na akoʼy walang kasalanan, at akoʼy inyong ipagtanggol sa mga hindi matuwid. Iligtas nʼyo ako sa mga mandaraya at sa masasama.


hindi baʼt iyon ay malalaman nʼyo rin? Dahil alam nʼyo kahit ang mga lihim sa isip ng tao.


O Panginoong Dios, sirain nʼyo ang kanilang kakayahan sa pamiminsala na parang binabali nʼyo ang kanilang mga ngipin na parang pangil ng mga leon!


Panginoon, kayo ang kanlungan ng mga inaapi, at kublihan sa panahon ng kahirapan.


Sabihin ninyo sa mga bansa, “Naghahari ang Panginoon!” Matatag ang daigdig na kanyang nilikha at hindi ito matitinag. Hahatulan niya ang mga tao ng walang kinikilingan.


sa presensya ng Panginoon. Dahil tiyak na darating siya upang hatulan ang mga tao sa mundo batay sa kanyang katuwiran at katotohanan.


Natutuwa sila sa presensya ng Panginoon dahil darating siya upang hatulan ang lahat ng tao sa buong mundo. Hahatulan niya sila nang matuwid at walang kinikilingan.


Pero nanalangin ako, “O Panginoong Makapangyarihan, matuwid po ang paghatol ninyo. Nalalaman po ninyo ang isip at puso ng tao. Ipakita nʼyo po sa akin ang paghihiganti nʼyo sa kanila, dahil ipinaubaya ko sa inyo ang usaping ito!”


Pero ako, ang Panginoon, alam ko ang puso at isip ng tao. Gagantihan ko ang bawat isa ayon sa pag-uugali at mga gawa niya.


O Panginoong Makapangyarihan, nalalaman nʼyo po kung sino ang matuwid dahil alam nʼyo ang nasa puso at isip ng tao. Ipakita nʼyo po sa akin ang paghihiganti nʼyo sa kanila dahil ipinaubaya ko na po sa inyo ang usaping ito.


Magtatayo siya ng maharlikang tolda sa pagitan ng dagat at ng banal na bundok. Pero mamamatay siya nang wala man lang tutulong sa kanya.”


Nang oras ding iyon, pinarusahan siya ng anghel ng Panginoon, dahil hindi niya binigyan ng papuri ang Dios. Inuod siya at namatay.


Purihin natin ang Dios na siyang makakapagpatibay sa pananampalataya ninyo ayon sa Magandang Balita na ipinangaral ko sa inyo. Ang Magandang Balita tungkol kay Jesu-Cristo ay inilihim nang matagal na panahon,


At dahil dito, magiging malakas ang loob nʼyo, at magiging banal at walang kapintasan ang inyong buhay sa harapan ng ating Dios Ama sa araw ng pagbabalik ng ating Panginoong Jesus, kasama ang mga pinili niya.


Maikling panahon lang ang paghihirap ninyo. Pagkatapos nito, tutulungan kayo ng Dios para maging ganap ang buhay ninyo. At siya rin ang magpapatatag at magpapalakas sa inyo, dahil siya ang pinagmumulan ng lahat ng pagpapala. Pinili niya kayo upang makabahagi rin sa walang hanggang kaluwalhatian niya sa pamamagitan ng pakikipag-isa ninyo kay Cristo.


Mula kay Judas na alipin ni Jesu-Cristo at kapatid ni Santiago. Mahal kong mga pinili ng Dios Ama na maging kanya, na minamahal niya at iniingatan ni Jesu-Cristo:


Papatayin ko ang mga tagasunod niya upang malaman ng lahat ng iglesya na alam ko ang iniisip at hinahangad ng tao. Gagantihan ko ang bawat isa sa inyo ayon sa mga ginawa ninyo.


Pero sinabi ng Panginoon kay Samuel, “Huwag mong tingnan ang tangkad at ang kakisigan niya dahil hindi siya ang pinili ko. Hindi ako tumitingin na gaya ng pagtingin ng tao. Ang taoʼy tumitingin sa panlabas na kaanyuan, ngunit ang tinitingnan koʼy ang puso.”


Iniingatan niya ang tapat niyang mamamayan. Ngunit lilipulin niya ang masasama. Walang sinumang magtatagumpay sa pamamagitan ng sarili niyang kalakasan.


Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas