Napakadakila at kagalang-galang ng Diyos, karapat-dapat sa lahat ng papuri. Sa Kanyang harapan, nanginginig ang mga bundok, at walang sinumang rebelde ang makakatakas sa Kanyang katarungan. Matibay ang pangalan ng walang hanggan; walang kapantay ang Kanyang kapangyarihan.
Kaya, ituwid mo ang anumang baluktot sa iyong puso. Kung may kasamaan ka man sa iyong kalooban, humingi ka ng tawad sa Diyos, dahil Siya ay makatarungan at mahabagin. Huwag mong labanan ang Kanyang salita o ang Kanyang kalooban, dahil hindi ka uunlad sa mundo kung susuwayin mo Siya.
Ngayon na ang araw para makipagkasundo sa Kanya, para buksan ang iyong puso at magpakumbaba sa Kanyang harapan, dahil ang pusong mapagkumbaba ay hindi Niya kailanman itatakwil. Kilalanin mo Siya sa lahat ng iyong mga lakad at huwag kang magmarunong sa sarili mong pananaw, sa halip ay magtiwala ka sa Diyos at huwag kang magmataas; dahil kung hindi, masisira ang iyong kaluluwa at magrerebelde ka laban sa Lumikha sa iyo at nagbigay sa iyo ng buhay.
Ganap ang mga daan ng Diyos at patungo sa buhay na walang hanggan, samantalang ang mga daan ng tao ay masama at patungo sa kamatayan.
Kaya ang sabi ni Yahweh: ‘Ikaw ay mawawala sa daigdig na ito. Mamamatay ka sa taon ding ito, sapagkat tinuruan mo ang bayan na maghimagsik laban kay Yahweh!’”
May tahanan siyang laan sa sinumang nalulungkot, ang bilanggo'y hinahango upang sila ay malugod; samantalang ang tirahan ng suwail ay malungkot.
Sinabi ni Samuel, “Akala mo ba'y higit na magugustuhan ni Yahweh ang handog at hain kaysa ang pagsunod sa kanya? Mas mabuti ang pagsunod kay Yahweh kaysa paghahandog, at ang pakikinig ay higit sa haing taba ng tupa.
Ang pagsuway sa kanya ay kasinsama ng pangkukulam, at ang katigasan ng ulo'y tulad ng pagsamba sa diyus-diyosan. Sapagkat itinakwil mo ang salita ni Yahweh, itinakwil ka rin niya bilang hari.”
At ang propetang iyon o ang nagbibigay ng kahulugan sa panaginip ay dapat patayin sapagkat inuudyukan niya ang mga tao upang maghimagsik kay Yahweh na inyong Diyos, na siyang nagligtas sa inyo sa pagkaalipin sa Egipto; hinihikayat nila kayong iwan ang daang itinuro niya sa inyo. Iyan ay masama at dapat ninyong iwasan.
“Mamamatay si Aaron at hindi siya makakapasok sa lupaing ibibigay ko sa Israel sapagkat sinuway ninyo ang utos ko sa inyo sa Meriba.
Kung mamumuhay kayong may takot kay Yahweh, kung maglilingkod kayo sa kanya at susundin ang kanyang kalooban, kung hindi kayo susuway sa kanyang mga utos, at kung kayo at ang inyong hari ay susunod kay Yahweh na inyong Diyos, magiging maayos ang inyong pamumuhay.
Ngunit kapag hindi kayo sumunod sa kanya, sa halip ay lumabag sa kanyang utos, paparusahan niya kayo.
Sinabi ni Yahweh, “Kawawa ang mga suwail na anak, na ang ginagawa'y hindi ayon sa aking kalooban; nakikipagkaisa sila sa iba nang labag sa aking kagustuhan, palala nang palala ang kanilang kasalanan.
Huwag lamang kayong maghihimagsik laban sa kanya. Magtiwala kayo sa kanya at huwag matakot sa mga tagaroon. Madali natin silang matatalo. Kasama natin si Yahweh at ginapi na niya ang kanilang mga diyos. Kaya huwag kayong matakot.”
Huwag ninyong kalilimutan kung bakit nagalit sa inyo si Yahweh nang kayo'y nasa ilang. Mula nang umalis kayo sa Egipto hanggang ngayon, wala na kayong ginawa kundi magreklamo.
O Diyos, sila sana'y iyong panagutin, sa sariling pakana, sila'y iyong pabagsakin; sa dami ng pagkakasala nila, sila'y iyong itakwil, sapagkat mapaghimagsik sila at mga suwail.
Ngunit sa kabila nito, sila'y naghimagsik at pinighati nila ang kanyang banal na Espiritu; dahil doon naging kaaway nila si Yahweh.
“Sa kanilang pag-alis, makikita nila ang mga bangkay ng mga naghimagsik laban sa akin. Ang uod na kakain sa kanila'y hindi mamamatay, gayon din ang apoy na susunog sa kanila. Ang kalagayan nila'y magiging kahiya-hiya sa buong sangkatauhan.”
Paparusahan ka ng sarili mong kasamaan. Ipapahamak ka ng iyong pagtalikod sa akin. Mararanasan mo kung gaano kapait at kahirap ang mawalan ng takot at tumalikod kay Yahweh na iyong Diyos. Ako, ang Panginoong Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat, ang nagsasabi nito.
Sa kanilang mga nuno, hindi dapat na pumaris, na matigas ang damdaming sa Diyos ay naghimagsik; isang lahing di marunong magtiwala at magtiis, ang pag-asa ay marupok at kulang ang pananalig.
“Nasa panig ng katuwiran si Yahweh, ako ang naghimagsik laban sa kanyang salita; ngunit makinig kayo, mga bansa, at tingnan ninyo ang aking paghihirap; binihag ang aking kadalagahan at kabinataan.
Paliligiran nila ang Jerusalem, parang bukid na ligid ng mga bantay; sapagkat ang mga tagaroon ay naghimagsik laban kay Yahweh.
Ang masasama ninyong gawa ang dahilan ng pagkawalay ninyo sa Diyos. Nagkasala kayo kaya hindi ninyo siya makita, at hindi niya kayo marinig.
Mananagot ang Samaria, sapagkat siya'y naghimagsik laban sa Diyos. Mamamatay sa tabak ang mga mamamayan niya. Ipaghahampasan sa lupa ang kanyang mga sanggol, at lalaslasin ang tiyan ng mga nagdadalang-tao.”
Lilinisin ko sila sa lahat nilang kasalanan at patatawarin sa kanilang paghihimagsik laban sa akin.
Alam kong kayo'y mapaghimagsik at matigas ang ulo. Kung ngayong buháy pa ako ay lagi kayong naghihimagsik kay Yahweh, lalo na kung patay na ako.
Huwag kayong magpapadaya kaninuman sa anumang paraan. Hindi darating ang Araw ng Panginoon hangga't di pa nagaganap ang huling paghihimagsik laban sa Diyos at ang paglitaw ng Suwail na itinakda sa kapahamakan.
At sa halip, nagiging hadlang ang inyong mga kasalanan upang makamit ang mabubuting bagay na ito.
Ang dahilan nito— sila'y naghimagsik, lumaban sa Diyos; mga pagpapayo ng Kataas-taasan ay hindi sinunod.
Kaya nga, ang lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa itinalaga ng Diyos; at sila'y nararapat sa parusa.
Aminin mo lamang na nagkasala ka at naghimagsik laban kay Yahweh na iyong Diyos. Sabihin mo na sa ilalim ng bawat punongkahoy ay nakiapid ka sa kahit sinong diyos at hindi ka sumunod sa aking mga utos,” ang sabi ni Yahweh.
Ang pagsuway sa kanya ay kasinsama ng pangkukulam, at ang katigasan ng ulo'y tulad ng pagsamba sa diyus-diyosan. Sapagkat itinakwil mo ang salita ni Yahweh, itinakwil ka rin niya bilang hari.”
Ngunit hindi nila ako sinunod, hindi nila ako pinakinggan. Hindi nila tinalikuran ang kasuklam-suklam na mga bagay na iyon ni iniwan ang mga diyus-diyosan ng Egipto. “Binalak ko sanang ibuhos na sa kanila ang aking matinding poot noong nasa Egipto pa sila.
Naghimagsik kami sa iyo, O Yahweh, at itinakwil ka namin at hindi na sumunod sa iyo. Ang sinasabi namin ay pawang pang-aapi at pagtataksil; ang inuusal ng aming mga bibig ay mga kasinungalingan, na katha ng aming mga isip.
Ang nais ng masama'y paghihimagsik, kaya ipadadala sa kanya'y isang sugong malupit.
Ngunit maging sa ilang ay naghimagsik sila sa akin, hindi nila sinunod ang aking mga tuntunin. Ang Kautusan kong dapat sundin upang mabuhay sila ay kanilang tinanggihan, bagkus nilapastangan pa nila ang Araw ng Pamamahinga. “At binalak ko na noong iparanas sa kanila ang matinding galit ko para malipol na sila.
Ang sabi niya, “Ezekiel, anak ng tao, susuguin kita sa Israel, sa bansang suwail. Pagkat mula sa kanilang ninuno, naghihimagsik na sila sa akin hanggang ngayon.
Hindi na miminsan, marami nang beses iniligtas sila, naghimagsik pa rin, kaya naman sila'y lalong nagkasala.
Panginoon naming Diyos, kayo po ay mahabagin at mapagpatawad sa kabila ng lagi naming paghihimagsik
Kaya nga, kapag itinutuon ng tao ang kanyang pag-iisip sa mga hilig ng laman, siya'y nagiging kaaway ng Diyos sapagkat hindi siya nagpapasakop sa batas ng Diyos, at sadyang hindi niya ito magagawa.
Buong maghapong nakaunat ang aking mga kamay, sa isang bansang mapanghimagsik, at ginagawa ang lahat ng magustuhan nila.
“Ngunit kinalaban ka pa rin nila, at tinalikuran nila ang iyong Kautusan. Pinatay nila ang iyong mga propeta na isinugo mo upang sila'y panumbalikin sa iyo. Patuloy ka nilang hinahamak.
“Ngunit hindi kayo nagpunta; sa halip ay sinuway ninyo ang utos ni Yahweh.
Lihim kayong nag-usap-usap sa inyong mga tolda. Ang sabi ninyo, ‘Marahil ay galit sa atin si Yahweh kaya niya tayo inilabas sa Egipto at dinala rito upang ipapatay sa mga Amoreo.
Makinig ang kalangitan gayundin ang kalupaan, sapagkat si Yahweh ay nagsasalita, “Pinalaki ko't inalagaan ang aking mga anak, ngunit naghimagsik sila laban sa akin.
“Hindi namin papakinggan ang sinasabi mo sa amin sa pangalan ni Yahweh.
Sa halip, gagawin namin ang lahat ng aming ipinangako sa aming sarili: magsusunog kami ng handog sa reyna ng kalangitan, mag-aalay kami ng handog na alak para sa kanya, gaya ng ginagawa ng aming mga ninuno, mga hari, at mga pinuno, at gaya ng ginawa namin sa mga lunsod ng Juda at sa mga lansangan sa Jerusalem. Noon ay sagana kami sa pagkain, payapa kami, at walang anumang kapahamakang dumating sa amin.
Hindi pinatawad ng Diyos ang mga anghel na nagkasala. Sila'y itinapon sa impiyerno kung saan sila'y iginapos sa kadiliman upang doon hintayin ang Araw ng Paghuhukom.
Ngunit hinahamak lamang nila ang mga ito, pinagtatawanan ang mga propeta at binabaliwala ang mga babala ng Diyos. Dahil dito'y umabot sa sukdulan ang galit ni Yahweh sa kanyang bayan at hindi na sila makaiwas sa kanyang pagpaparusa.
Akong si Yahweh ay nagtatanong, ano ang isusumbat ninyo sa akin? Lahat kayo'y mga suwail. Wala na kayong ginawa kundi kalabanin ako!
Nalipol ang aking bayan dahil sa kamangmangan; sapagkat itinakwil ninyo ang karunungan, itinatakwil ko rin kayo bilang pari. At dahil kinalimutan ninyo ang kautusan ng inyong Diyos, kalilimutan ko rin ang inyong mga anak.
Bayan kong hinirang, bakit kayo lumalayo sa akin ngunit hindi naman nagbabalik? Bakit hindi ninyo maiwan ang inyong mga diyus-diyosan, at ayaw ninyong magbalik sa akin?
Ngunit pagkamatay ng hukom, muli na namang sumasamba sa mga diyus-diyosan ang mga Israelita. Higit pa sa kasamaan ng kanilang mga ninuno ang kanilang ginagawa; hindi nila maiwan ang kanilang masasamang gawain at katigasan ng ulo.
“Ngunit ang bayan ko'y hindi ako pansin, di ako sinunod ng bayang Israel,
sa tigas ng puso, aking hinayaang ang sarili nilang gusto'y siyang sundan.
Ngunit hindi sila sumunod; ayaw nilang makinig sa akin. Sa halip, ginawa nila ang bawat maibigan at lalo pa silang nagpakasama, sa halip na magpakabuti.
hindi nila ito pinakinggan. Sa halip, nagmatigas sila tulad ng kanilang mga ninuno na hindi nagtiwala kay Yahweh na kanilang Diyos.
Itinakwil nila ang kanyang mga utos, sinira ang kasunduang ginawa ni Yahweh sa kanilang mga ninuno, at binaliwala ang mga babala niya sa kanila. Sila'y naglingkod sa mga diyos na walang kabuluhan kaya nawalan din sila ng kabuluhan. Tinularan nila ang mga kaugalian ng mga bansang nakapaligid sa kanila na sa simula pa'y ipinagbawal na ni Yahweh.
Nagkasala po kami at nagpakasama. Naghimagsik po kami at sumuway sa inyong mga tuntunin at utos.
Alam kong hindi kayo mapagkakatiwalaan, sapagkat lagi na lamang kayong naghihimagsik. Kaya tungkol dito'y wala kayong alam, kahit kapirasong balita'y walang natatanggap.
“Mapapahamak sila dahil sa paglayo sa akin! Lilipulin sila sapagkat naghimagsik sila laban sa akin! Tutubusin ko sana sila, ngunit nagsasalita sila ng kasinungalingan laban sa akin.
Ngunit hindi sila nakinig. Hindi sila lumakad ayon sa aking mga tuntunin ni sumunod sa aking Kautusan na kung sundin ng tao ay magdudulot sa kanya ng buhay. Hindi rin nila pinahalagahan ang Araw ng Pamamahinga. “At inisip ko na namang ibuhos sa kanila ang aking matinding poot.
Ginawa rin nila ang kasalanan ng kanilang mga magulang; hindi nila sinunod ang aking utos; sumamba sila sa mga diyus-diyosan. Ang Israel at ang Juda ay kapwa sumira sa kasunduan namin ng mga magulang nila.
Sapagkat natitiyak kong kayo'y magpapakasama pagkamatay ko, lilihis kayo sa daang itinuro ko sa inyo. Darating ang araw na magagalit sa inyo si Yahweh dahil gagawin ninyo ang pinakaaayawan niya.”
Hindi ninyo pinansin o pinakinggan ang mga propetang sinugo niya.
Sinabi nila na talikuran na ninyo ang masama ninyong pamumuhay at likong gawain, upang sa gayo'y mananatili kayo habang panahon sa lupaing ibinigay sa inyo ni Yahweh at sa inyong mga magulang.
Madalas na nag-aalsa noong sila'y nasa ilang; ang ganitong gawa nila'y labis niyang dinaramdam.
Binigyan ako ng Panginoong Yahweh ng pang-unawa, hindi ako naghimagsik o tumalikod sa kanya.
Ang masasamang taong ito'y hindi sumunod sa aking mga utos; lalo silang nagmatigas at sinunod ang kanilang sariling kagustuhan. Sumamba pa sila at naglilingkod sa mga diyus-diyosan. Matutulad sila sa sirang damit-panloob na wala nang kabuluhan.
Kaya nga ipinapasabi ni Yahweh: “Dahil sa iyong paglimot at pagtalikod sa akin, pagdurusahan mo ang iyong pakikiapid at mahalay na pamumuhay.”
Sumagot si Yahweh, “Nangyari ito sapagkat tinalikuran ng aking bayan ang kautusang ibinigay ko sa kanila at hindi sila sumunod sa akin.
Sa halip, nagmatigas sila at sumamba sa diyus-diyosang si Baal, gaya ng itinuro ng kanilang mga magulang.
Ang magulang namin nang nasa Egipto, di nagpahalaga sa kahanga-hangang mga ginawa mong kanilang nakita; ni hindi pinansin ang iyong pag-ibig na walang kagaya, bagkus ang ginawa sa Dagat na Pula'y nilabanan ka pa.
Sapagkat sila'y mapaghimagsik laban sa Diyos, sinungaling at ayaw makinig sa aral ni Yahweh.
Subalit tulad ng inyong mga ninuno, tumalikod kayo at sinuway ninyo ang aking mga kautusan. Manumbalik kayo sa akin at manunumbalik din ako sa inyo,” sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat. Itinatanong ninyo, ‘Paano kami manunumbalik sa inyo?’
Ako'y itinakwil ninyong lahat; kayo'y tumalikod sa akin. Kaya pagbubuhatan ko kayo ng kamay at aking dudurugin, sapagkat hindi ko mapigil ang poot ko sa inyo. Akong si Yahweh ang nagsasalita.
“Wala namang Diyos!” ang sabi ng hangal sa kanyang sarili. Silang lahat ay masasama, kakila-kilabot ang kanilang mga gawa; walang gumagawa ng mabuti, wala nga, wala!
Hindi sila sumunod at nilimot ang mga himalang iyong ginawa para sa kanila. Naging matigas ang kanilang ulo at naglagay ng pinuno na mangunguna sa kanila pabalik sa pagkaalipin sa Egipto. Ngunit ikaw ay Diyos na mapagpatawad at mahabagin, hindi madaling magalit at sagana sa wagas na pag-ibig, kaya't sila'y hindi mo itinakwil.
Patuloy nga itong mga panawagan ko sa inyo, ngunit hindi ninyo pansin pati mga saway ko.
Winalang-bahala n'yo ang aking mga payo, ayaw ninyong bigyang pansin, paalala ko sa inyo.
Dahil dito, kayo'y aking tatawanan, kapag kayo'y napahamak, nasadlak sa kaguluhan.
Magmula noon, patuloy na naghimagsik ang sampung lipi ng Israel sa paghahari ng angkan ni David.
Sasabihin naman ni Yahweh, “Sa salita lamang malapit sa akin ang mga taong ito, at sa bibig lamang nila ako iginagalang, subalit inilayo nila sa akin ang kanilang puso, at ayon lamang sa utos ng tao ang kanilang paglilingkod.
Ako'y tinalikuran nila; bagama't patuloy ko silang tinuruan, ayaw nilang makinig o tumanggap man ng payo.
“Ngunit hindi nila ito pinakinggan; matigas ang kanilang ulo at sila'y nagbingi-bingihan.
Ipinilit nila ang sariling kagustuhan at hindi dininig ang sinabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat sa pamamagitan ng mga propeta. Dahil dito, labis siyang nagalit sa kanila.
Kaya kung paanong ang dayami ng trigo at ang tuyong damo ay sinusunog ng apoy, gayundin ang bulaklak nila'y parang alikabok na papaitaas; at ang ugat nila'y dagling mabubulok. Sapagkat tinalikuran nila ang batas ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, at ang salita ng Banal na Diyos ng Israel ay kanilang binaliwala.
Gayunman, patuloy kong sinugo sa inyo ang aking mga lingkod na propeta. Sinabi nila sa inyo, ‘Huwag ninyong gawin ang kasuklam-suklam na bagay na iyan.’
Subalit hindi sila nakinig; hindi nila pinagsisihan at tinalikuran ang kanilang kasamaan at patuloy rin silang nagsunog ng handog sa mga diyus-diyosan.
Sapagkat ang mga tao'y magiging maibigin sa sarili, maibigin sa salapi, palalo, mapagmataas, mapagsamantala, suwail sa magulang, walang utang na loob at lapastangan sa Diyos.
Sila'y magiging walang pagmamahal sa kapwa, walang habag, mapanirang-puri, walang pagpipigil sa sarili, marahas, at walang pagpapahalaga sa mabuti.
Sila'y magiging mga taksil, padalus-dalos, mayayabang, maibigin sa kalayawan sa halip na maibigin sa Diyos.
Ngunit higit na masama ang ginawa ninyo kaysa ginawa ng inyong mga ninuno. Kayong lahat ay matitigas ang ulo, masasama, at hindi sumusunod sa akin.
Ngunit hindi sila makikinig sa iyo pagkat ako mismo'y ayaw nilang pakinggan. Matigas ang ulo nila.
Ang isasagot nila, ‘Hindi! Lalo pa kaming magmamatigas at magpapakasama hanggang gusto namin.’”
Kahit na kilala nila ang Diyos, siya'y hindi nila pinarangalan bilang Diyos, ni pinasalamatan man. Sa halip, naghaka-haka sila ng mga bagay na walang kabuluhan kaya't nagdilim ang hangal nilang pag-iisip.
Sila'y nagmamarunong ngunit lumitaw na sila'y mga hangal.
Tinalikuran nila ang kaluwalhatian ng Diyos na walang kamatayan, at ang sinamba nila'y mga larawan ng mga taong may kamatayan, ng mga ibon, ng mga hayop na lumalakad, at ng mga hayop na gumagapang.
Ito nga ang sinasabi sa kasulatan, “Kapag narinig ninyo ngayon ang tinig ng Diyos, huwag ninyong patigasin ang inyong mga puso, tulad noong kayo'y maghimagsik sa Diyos.”
Nalalaman nila ang utos ng Diyos na karapat-dapat sa parusang kamatayan ang mga gumagawa nito. Gayunman, hindi lamang patuloy sila sa paggawa nito kundi sumasang-ayon pa sila sa mga gumagawa rin ng mga ito.
Ginagawa ng tao ang kanyang maibigan, at matutuwa pang gumawa ng kasamaan. Para sa kanya ay walang kaibahan ang handog na toro o kaya ay tao; ang handog na tupa o patay na aso; ang handog na pagkaing butil o dugo ng baboy; ang pagsusunog ng insenso o ang pagdarasal sa diyus-diyosan. Natutuwa sila sa nakakahiyang pagsamba.
Dahil dito, ipararanas ko sa kanila ang kapahamakang kinatatakutan nila. Sapagkat nang ako'y tumawag walang tumugon kahit na isa; nang ako'y magsalita, walang gustong makinig. Ginusto pa nila ang sumuway sa akin at gumawa ng masama.”
Palagi nilang sinasabi sa mga taong ayaw makinig sa akin, ‘Magiging mabuti ang inyong kalagayan’; at sa mga ayaw tumalikod sa kasalanan, ‘Hindi ka daranas ng anumang kahirapan.’”
Matapos nating malaman at tanggapin ang katotohanan at sadyain pa rin nating magkasala, wala nang handog na maiaalay pa para sa ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan.
Ang naghihintay na lamang sa atin ay ang kakila-kilabot na paghuhukom at ang naglalagablab na apoy na tutupok sa mga kaaway ng Diyos!
Kaya't sumigaw siya sa propetang galing sa Juda, “Ganito ang ipinapasabi ni Yahweh: ‘Sinuway mo ang aking utos;
bumalik ka sa iyong dinaanan at kumain ka at uminom dito sa lugar na ipinagbawal ko sa iyo. Dahil dito, ang bangkay mo ay hindi malilibing sa libingan ng iyong mga magulang.’”
“Si Jacob na irog, tumaba't lumaki—katawa'y bumilog; ang Diyos na lumalang kanyang tinalikuran, at itinakwil ang batong tanggulan ng kanyang kaligtasan.
Mga hari ng lupa'y nagkasundo at sama-samang lumalaban, hinahamon si Yahweh at ang kanyang hinirang:
Sinasabi nila: “Ang paghahari nila sa atin ay dapat nang matapos; dapat na tayong lumaya at kumawala sa gapos.”
Kapag kayo ay tinutuwid, agad kayong napopoot, at ni ayaw na tanggapin ang aking mga utos;
Sinira na ang daigdig ng mga naninirahan dito dahil sinuway nila ang katuruan ng Diyos; at nilabag ang kanyang mga utos; winasak nila ang walang hanggang tipan.
Nagsalita ako sa inyo noong kayo'y masagana, subalit hindi kayo nakinig. Ganyan na ang ugali ninyo mula pa sa inyong kabataan; kahit minsan ay hindi kayo sumunod sa akin.
Sabihin mong ipinapasabi ko na akong si Yahweh, ang buháy na Diyos, ay hindi nasisiyahan na ang sinuma'y mamatay sa kanyang kasamaan; nais kong siya'y magbagong-buhay. Sabihin mo ngang magbagong-buhay sila pagkat di sila dapat mamatay sa kanilang kasamaan.
Dahil dito, lumukob ang Espiritu ng Diyos kay Zacarias na anak ng paring si Joiada. Tumayo siya sa harap ng bayan. Sinabi niya, “Ito ang sinabi ng Diyos: ‘Bakit ninyo nilalabag ang mga utos ni Yahweh? Bakit ninyo ipinapahamak ang inyong mga sarili. Sapagkat itinakwil ninyo siya, itinakwil din niya kayo!’”
Ang tipan sa Panginoo'y hindi nila sinusunod, hindi sila lumalakad nang ayon sa mga utos.
Ang hanap ni Yahweh ay katotohanan. Pinarusahan niya kayo, ngunit hindi ninyo pinansin ang sakit; pinahirapan niya kayo ngunit hindi pa rin kayo nagbago. Ayaw ninyong talikuran ang inyong mga kasalanan; dahil sa katigasan ng inyong ulo.
Idinugtong pa ni Moises, “Mamayang gabi, bibigyan niya kayo ng karne. Bukas ng umaga ay tinapay ang ibibigay niya sa inyo hanggang gusto ninyo. Iyan ang sagot niya sa inyo. Ang totoo, anumang reklamo ninyo ay laban sa kanya, hindi sa amin, sapagkat sino ba kami para pagreklamuhan ninyo?”
At ngayon, ginawa rin ninyo ang mga kasalanang iyon. Paulit-ulit ko kayong pinaalalahanan, ngunit ayaw ninyong makinig. Hindi ninyo pinansin ang aking panawagan.
Ang kinamumuhian ni Yahweh ay pitong bagay, mga bagay na kanyang kinasusuklaman:
kapalaluan, kasinungalingan, at mga pumapatay sa walang kasalanan,
pusong sa kapwa'y walang mabuting isipan, mga paang ubod tulin sa landas ng kasamaan,
saksing sinungaling, mapaglubid ng buhangin, pag-awayin ang kapwa, laging gusto niyang gawin.
Ang kalawang mo ay ang iyong kahalayan, Jerusalem. Nililinis kita ngunit ayaw mo. Kaya, hindi ka na lilinis hanggang hindi ko naibubuhos sa iyo ang aking matinding galit.
Dalawa ang kasalanan ng aking bayan: Tinalikuran nila ako, ako na bukal na nagbibigay-buhay, at humukay sila ng mga balon, ngunit mga balong butas na walang naiipong tubig.
Bakit patuloy kayong naghihimagsik? Nais ba ninyong laging pinaparusahan? Ang isip ninyo'y gulung-gulo, ang damdamin ninyo'y nanlulumo.
Nagpakasamang lubha ang aking bayan gaya ng nangyari sa Gibea. Gugunitain ng Diyos ang kanilang kalikuan, at paparusahan ang kanilang mga kasalanan.
Nagalit ako sa kanila dahil sa kanilang kasalana't kasakiman, kaya sila'y aking itinakwil. Ngunit matigas ang kanilang ulo at patuloy na sumuway sa akin.
“Ginutom ko kayo sa bawat lunsod; walang tinapay na makain sa bawat bayan, gayunma'y hindi kayo nanumbalik sa akin.
Hindi ko rin pinapatak ang ulan na kailangan ng inyong halaman. Nagpaulan ako sa isang lunsod ngunit sa iba'y hindi. Dinilig ko ang isang bukirin ngunit ang iba'y hinayaang matuyo.
Kaya't naghanap ang mga tao mula sa dalawa o tatlong lunsod ng tubig sa karatig-lunsod ngunit di rin napatid ang kanilang uhaw. Gayunman, hindi pa rin kayo nanumbalik sa akin.
Ihihiwalay ko ang mga mapaghimagsik at makasalanan. Iaalis ko nga sila sa lupaing pinagtapunan ko sa kanila ngunit hindi sila makakapanirahan sa Israel. Sa gayon, makikilala ninyong ako si Yahweh.”
“Ito ang ipinapasabi ni Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat, ang Diyos ng Israel: Ipapataw ko na sa lunsod na ito at sa mga karatig-bayan ang lahat ng parusang binanggit ko, sapagkat matitigas ang ulo ninyo at ayaw ninyong pakinggan ang aking sinasabi.”
Mapapahiya ang kanilang mga matatalino; sila'y malilito at mabibigo. Sapagkat tinanggihan nila ang salita ni Yahweh, anong karunungan ang taglay nila ngayon?
Ngunit hindi kayo nakinig kay Yahweh; ginalit ninyo siya dahil sinamba ninyo ang mga diyus-diyosang inyong ginawa. Kaya naman naganap sa inyo ang kapahamakang ito.
“Subalit kung hindi kayo makikinig kay Yahweh na inyong Diyos at hindi susunod sa kanyang mga utos at mga tuntuning ibinibigay ko sa inyo ngayon, mangyayari sa inyo ang mga sumpang ito:
Huwag maging matigas ang ulo ninyo katulad nila. Sa halip, maging masunurin kayo kay Yahweh. Dumulog kayo sa kanyang Templo na inilaan niya para sa kanyang sarili magpakailanman. Paglingkuran ninyo ang Diyos ninyong si Yahweh upang mapawi ang galit niya sa inyo.
Isusugo ko siya laban sa isang bayang walang diyos, isang bayang kinapopootan ko, upang ito'y wasakin at samsaman ng lahat ng yaman at tapakang parang putik sa lansangan.
Darating ang araw na kayo'y dadaing kay Yahweh, ngunit hindi niya kayo tutugunin. Hindi niya kayo papakinggan dahil sa inyong mga kasamaang ginawa.”
Ganito ang sabi ni Yahweh: “Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Juda, kaya sila'y paparusahan ko. Hinamak nila ang aking mga katuruan; nilabag nila ang aking mga kautusan. Iniligaw sila ng mga diyus-diyosang pinaglingkuran ng kanilang mga ninuno.