Nababasa natin sa Biblia na ang Diyos ay lumalayo sa mga mapagmataas. Hindi niya kinalulugdan ang pagmamataas, na nakikita natin sa maraming tao, na nagdudulot ng pagiging mayabang at paghahangad na kontrolin ang lahat ng bagay. Kapag tayo'y nasa ilalim ng pagmamataas, hindi natin nakikita ang sarili nating mga pagkakamali. Mas napapansin pa natin ang ginagawa ng iba, at nakakalimutan ang ating mga pagkukulang.
Para lubusan tayong makalaya sa pagmamataas na sumisira sa ating isip at puso, kailangan nating kilalanin ang Diyos sa lahat ng ating ginagawa. Kailangan nating magpakumbaba sa Kanya at aminin na tayo'y umaasa sa Kanya. Hindi tayo dapat umasa sa sarili nating lakas at kakayahan, kundi sa Kanyang biyaya at pagmamahal. Maniwala ka, kapag ginawa mo ito, bubuhusan ka ng Kanyang pagmamahal na magpapabago sa iyong pag-iisip at gagawin kang bagong nilalang na kawangis Niya.
Magpakumbaba ka sa makapangyarihang kamay ng Panginoon, at sa Kanyang panahon, itataas ka Niya at ilalagay sa lugar na inihanda Niya para sa iyo sa walang hanggan.
Kung ang Diyos mang si Yahweh ay dakila at mataas, hindi niya nililimot ang abâ at mahihirap; kumubli ma'y kita niya ang hambog at ang pasikat.
Ang sabi ng masasamang tao, “Diyos ay walang pakialam,” sabi nila'y “walang Diyos,” dahil sa kanilang kahambugan.
Ang pagmamataas ay nagbubunga ng kapahamakan, ngunit ang pagpapakumbaba, ay karangalan.
Ang kapalalua'y humahantong sa pagkawasak, at ang mapagmataas na isipan ay ibabagsak.
Ugaling mapangmata at pusong mapagyabang, ito ang siyang gabay ng mga makasalanan.
Ang magbabagsak sa tao'y ang kanyang kapalaluan, ngunit ang mapagpakumbaba ay magtatamo ng karangalan.
Huwag mong ipagyabang ang iyong nalalaman; igalang mo't sundin si Yahweh, at lumayo ka sa kasamaan.
Kahihiyan ang laging dulot ng kapalaluan, ngunit pagpapakumbaba'y nagbubunga ng karunungan.
Tumayo ka at sa lupa'y igawad ang iyong hatol, ang hambog ay hatulan mo ng parusang nauukol.
Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha. Huwag ninyong ipalagay na kayo'y napakarunong.
Pagdating ng araw ni Yahweh, ang mga palalo ay kanyang wawakasan, itong mga mayayabang, kanya ring paparusahan; pagkat si Yahweh lamang ang bibigyang kadakilaan.
Yahweh aking Diyos, ang pagmamataas, tinalikuran ko't iniwan nang ganap; ang mga gawain na magpapatanyag iniwan ko na rin, di ko na hinangad.
Kung inaakala ninyong kayo'y nakakahigit sa iba, subalit hindi naman, dinadaya ninyo ang inyong sarili.
Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa inyo, huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang higit sa nararapat. Sa halip, pakaisipin ninyong mabuti ang tunay ninyong katayuan ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa sa inyo.
Ngunit ang Diyos ay nagbibigay ng higit pang pagpapala. Kaya't sinasabi ng kasulatan, “Ang Diyos ay laban sa mga mapagmataas ngunit pinagpapala niya ang mga mapagpakumbaba.”
At kayo namang mga kabataan, pasakop kayo sa matatandang pinuno ng iglesya. At kayong lahat ay magpakumbaba sapagkat, “Sinasalungat ng Diyos ang mapagmataas, ngunit pinagpapala niya ang mababang-loob.”
Tulad ng sinasabi sa kasulatan, “Kung may nais magmalaki, ang ipagmalaki niya'y ang ginawa ng Panginoon.” Hindi ang taong pumupuri sa sarili ang katanggap-tanggap, kundi ang taong pinupuri ng Panginoon.
Ang lahat ng nasa sanlibutan, ang pagnanasa ng laman, ang pagnanasa ng mga mata, at ang pagmamalaki sa buhay na ito ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa sanlibutan.
Ang wakas ng isang bagay ay mas mainam kaysa pasimula. Ang pagtitiyaga ay mabuti kaysa kapalaluan. Pag-aralan mong magpigil sa sarili; mangmang lamang ang nagtatanim ng galit.
Ngunit hindi kayo nakinig sa akin. Sinuway ninyo ang utos ni Yahweh at nagpatuloy kayo sa inyong paglusob.
“‘Sino ba ang iyong nilalait at pinagtatawanan, at hinahamak ng iyong pagsigaw? Hindi mo na ako iginalang, ang Banal na Diyos ng Israel!
mapanirang puri, nasusuklam sa Diyos, walang pakundangan, mapagmataas, mayayabang, mapagkatha ng kasamaan, at suwail sa magulang.
Nakakita na ba kayo ng taong nag-aakalang siya ang pinakamatalino? Mas may pag-asa pa ang mangmang kaysa taong ito.
Ang wakas ng isang bagay ay mas mainam kaysa pasimula. Ang pagtitiyaga ay mabuti kaysa kapalaluan.
Siyang naninira ng kanyang kapwa'y aking wawasakin; di ko papayagan ang mapagmalaking hambog kung tumingin.
Ang kapalaluan ay nagbubunga ng kaguluhan, ngunit ang pakikinig sa payo'y nagbabadya ng karunungan.
Ang mga salita ng matalino ay nag-aani ng karangalan, ngunit napapahamak ang mangmang dahil sa kanyang mga salita. Ang pangungusap ng mangmang ay nag-uumpisa sa kamangmangan, hanggang matapos, ito pa ri'y kamangmangan.
Labis akong hinahamak nitong mga taong hambog, ngunit di ko sinusuway ang bigay mong mga utos.
Mga taong mayayabang, mga taong masuwayin, nag-umang ng mga bitag upang ako ay hulihin.
Kung sa kahangalan mo'y naging palalo ka at nagbalak ng masama, mag-isip-isip ka.
“Paparusahan ko ang daigdig dahil sa kasamaan nito, at ang masasama dahil sa kanilang kasalanan; wawakasan ko na ang pagmamataas ng mga palalo, at puputulin ko na ang kayabangan ng mga walang awa.
Sabi ni Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon, “Ako'y laban sa iyo sapagkat ikaw ay palalo; dumating na ang araw ng pagpaparusa sa iyo.
Huwag tayong maging palalo, huwag nating galitin ang isa't isa, at huwag rin tayong mainggit sa isa't isa.
Higit na mabuti ang mapagpakumbaba kahit na mahirap, kaysa makihati sa yaman ng mapagmataas.
Taong mga hambog, ang gusto sa akin, ako ay masilo, sa bitag hulihin, sa bitag na umang sa aking landasin. (Selah)
Ang akala ng mangmang ay siya lamang ang tama, ngunit handang tumanggap ng payo ang taong may unawa.
Humihibik sila sa Diyos ngunit hindi pinapakinggan, pagkat sila'y mga palalo at puno ng kasamaan. Huwag sabihing ang Makapangyarihang Diyos ay di nakikinig, na di niya pinapansin ang kanilang sinapit.
Parusahan mo ang mapanuya, matututo pati mangmang, pagsabihan mo ang may unawa, lalawak ang kanyang kaalaman.
Sa kanilang labi'y pawang kasamaan ang namumutawi; sa pagmamataas, ang aking dalangin, sila ay mahuli, pagkat sinungaling at sa pangungutya, sila'y nawiwili.
Hindi ba't sinabi mo sa iyong sarili? ‘Aakyat ako sa langit; at sa ibabaw ng mga bituin ng Diyos, ilalagay ko ang aking trono. Uupo ako sa ibabaw ng bundok na tagpuan ng mga diyos sa malayong hilaga. Aakyat ako sa ibabaw ng mga ulap, papantayan ko ang Kataas-taasan.’
Huwag mong ikagalak ang pagbagsak ng iyong kaaway ni ang kanyang kapahamakan. Kapag ginawa mo iyon, magagalit sa iyo si Yahweh at sila'y hindi na niya paparusahan.
Sino sa inyo ang marunong at nakakaunawa? Ipakita niya ito sa pamamagitan ng wastong pamumuhay na bunga ng kapakumbabaan at karunungan.
Kayo'y maging mapagpakumbaba, mahinahon at matiyaga. Magparaya kayo dahil sa inyong pagmamahal sa isa't isa.
“Sabi ko sa hambog sila ay mag-ingat, at ang masasama'y huwag magpasikat. Ang pagmamalaki'y dapat na iwasan, kung magsasalita'y gawing malumanay.”
Ang taong gahaman ay lumilikha ng kaguluhan, ngunit ang nagtitiwala kay Yahweh, uunlad ang kabuhayan.
Makapangyarihang hari kailanman, siya'y nagmamasid magpakailanman; kaya huwag magtatangkang sa kanya'y lumaban. (Selah)
Paano kayo nakakahigit sa iba? Hindi ba't lahat ng nasa inyo'y ibinigay lamang sa inyo ng Diyos? Kung gayon, bakit ninyo ipinagyayabang iyon na parang hindi kaloob sa inyo?
Naging palalo ka dahil sa iyong kagandahan. Ginamit mo sa kasamaan ang iyong karunungan para mapatatag ang iyong katayuan. Kaya ibinagsak kita sa lupa upang maging babala sa ibang mga bansa.
Sapagkat si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ay may itinakdang araw, laban sa lahat ng palalo at mayabang, laban sa lahat ng mapagmataas;
Hindi siya dapat isang baguhang mananampalataya; baka siya'y maging palalo at mahatulan na gaya ng diyablo.
Wawasakin ni Yahweh ang bahay ng hambog, ngunit ang tahanan ng isang biyuda ay iingatan ng Diyos.
Sino ka upang humatol sa lingkod ng iba? Ang panginoon lamang niya ang makahahatol kung siya'y karapat-dapat o hindi. At ituturing naman siyang karapat-dapat sapagkat kayang gawin iyon ng Panginoon.
“Pag-ingatan ninyong hindi pakitang-tao ang pagtupad ninyo sa inyong mga tungkulin sa Diyos. Kapag ganyan ang ginawa ninyo, wala kayong matatamong gantimpala buhat sa inyong Ama na nasa langit.
Ang nagtitiwala sa sariling kakayahan ay mangmang, ngunit ang sumusunod sa magandang payo ay malayo sa kapahamakan.
Sa lahat ng masasama, basura ang iyong tingin, kaya naman ang turo mo ang siya kong iibigin.
Mapalad ang taong, kay Yahweh'y tiwala, at sa diyus-diyosa'y hindi dumadapa; hindi sumasama sa nananambahan, sa mga nagkalat na diyus-diyosan.
Magandang payo'y tinatanggap ng pusong may unawa, ngunit kapahamakan ang wakas ng mangmang na masalita.
Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh at ang kapakumbabaan ay nagbubunga ng yaman, buhay at karangalan.
Totoo iyan. Pinutol sila dahil hindi sila sumampalataya, ngunit ikaw naman ay nananatili sa puno dahil sa iyong pananampalataya. Kaya't huwag kang magmalaki, sa halip ay matakot ka.
Kaya nga, pasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos at dadakilain niya kayo pagdating ng takdang panahon.
Nagpapataw sila ng mabibigat na pasanin sa mga tao, ngunit ni daliri ay ayaw nilang igalaw upang tumulong sa pagpasan ng mga iyon.
Gaano bang katagal pa ang masama'y maghahambog, upang sila'y magmalaki sa kanilang gawang buktot? Kanila ngang nililipol itong mga hinirang mo, Yahweh, inaapi nila mga taong tinubos mo.
Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay nagtuturo ng karunungan, at ang pagpapakumbaba ay nagbubunga ng karangalan.
Yahweh aking Diyos, ang pagmamataas, tinalikuran ko't iniwan nang ganap; ang mga gawain na magpapatanyag iniwan ko na rin, di ko na hinangad. Mapayapa ako at nasisiyahan, tulad niyong sanggol sa bisig ni Inay.
Kawawa rin kayo, mga nag-aakalang kayo'y marurunong, at matatalino sa inyong sariling palagay!
Ang bawat salita ng mangmang ay may katumbas na parusa, kaya ang matalino'y nag-iingat sa mga salita niya.
Anumang pakana ng masama ay kasalanan, at kinamumuhian ng tao ang nanunuya sa kapwa.
Tatamuhin ng mga mapagpakumbaba, ang lupang pangako na kanyang pamana; at sa lupang iyon na napakasagana, ang kapayapaa'y matatanggap nila.
Huwag kayong magpapakabuti o magpapakatalino nang labis. Bakit mo pahihirapan ang iyong sarili? Ngunit huwag ka rin namang magpapakasama ni magpapakamangmang at baka mamatay ka nang wala sa panahon.
Huwag kang magmamataas sa harap ng hari, ni ihanay ang sarili sa mga taong pili. Pagkat mas mabuting sabihin sa iyong, “Halika rito,” kaysa hamakin ka sa harap ng marami.
Suriin ng bawat isa ang kanyang gawa. Sa gayon, ang kanyang kagalakan ay nakabatay sa kanyang gawa. Huwag na niyang ihambing pa iyon sa gawa ng iba,
Ang taong nilalang ay katulad lamang ng ating hiningang madaling mapatid. Pagsamahin mo ma't dalhin sa timbangan, katumbas na bigat ay hininga lamang.
Mabuti nang di hamak ang hangal kaysa taong ang sinasabi'y hindi na pinag-iisipan.
Ang taong masama'y laban sa matuwid, napopoot siyang ngipi'y nagngangalit. Si Yahweh'y natatawa lang sa masama, pagkat araw nila lahat ay bilang na.
Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay naglalayo sa kasamaan. Ako ay namumuhi sa lahat ng kalikuan, sa salitang baluktot, at sa diwang kayabangan.
At nakukuha pa ninyong magmalaki! Dapat sana'y mahiya kayo at malungkot, at ang taong gumagawa ng ganoon ay dapat ninyong itiwalag!
Ang mabuti'y iniingatan ng kanyang katuwiran, ngunit ang masama'y ipinapahamak ng likong pamumuhay.
Di ka dapat mabagabag, ang tao man ay yumaman, lumago man nang lumago yaong kanyang kabuhayan; hindi ito madadala kapag siya ay namatay, ang yaman ay hindi niya madadala sa libingan.
Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa inyo, huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang higit sa nararapat. Sa halip, pakaisipin ninyong mabuti ang tunay ninyong katayuan ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa sa inyo. Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi at magkakaiba ang gawain ng mga ito, gayundin naman, kahit na tayo'y marami, nabubuo tayo sa iisang katawan ni Cristo, at tayong lahat ay bahagi ng isa't isa.
Di dapat tulutan ng isang hari ang gawang kasamaan, pagkat ang katatagan ng pamamahala ay nasa katarungan.
Huwag kayong patawag na tagapagturo, sapagkat iisa ang inyong tagapagturo, ang Cristo. Ang pinakadakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo. Ang nagmamataas ay ibababa, at ang nagpapakumbaba ay itataas.”
Ang nakikinig sa payo ay nasa daan ng buhay, ngunit ang ayaw sumunod ay tungo sa pagkaligaw.
Kung sila ay makinig at sa Diyos ay maglingkod, buhay na sagana at payapa, sa kanila'y idudulot.
Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.”
Kaaya-ayang salita ay parang pulot-pukyutan, matamis sa panlasa, pampalusog ng katawan.
Ako'y iyong pagpalain, kung kanilang sinusumpa, sa kanilang pag-uusig bayaan mong mapahiya; ako namang iyong lingkod mabubuhay na may tuwa.
Hindi maikakaila ang mga gawa ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan; Akong si Pablo ang nagsasabi sa inyo, kapag nagpatuli kayo, binabaliwala ninyo si Cristo. pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot, pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi, pagkainggit, [pagpatay] paglalasing, walang habas na pagsasaya, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos.
Maaaring ang galit niya'y maitago sa magandang paraan ngunit nalalantad din sa mata ng lahat.
“Ako ang Kataas-taasan at Banal na Diyos, ang Diyos na walang hanggan. Matataas at banal na lugar ang aking tahanan, sa mababang-loob at nagsisisi, ako ay sasama, aking ibabalik ang pagtitiwala nila at pag-asa.
Ang kapalalua'y humahantong sa pagkawasak, at ang mapagmataas na isipan ay ibabagsak. Higit na mabuti ang mapagpakumbaba kahit na mahirap, kaysa makihati sa yaman ng mapagmataas.
Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa.
Mga taksil! Hindi ba ninyo alam na kapag nakipagkaibigan kayo sa sanlibutan ay kinakaaway naman ninyo ang Diyos? Ang sinumang nagnanais na maging kaibigan ng sanlibutan ay nagiging kaaway ng Diyos.