Mahalaga kang tao sa buhay ng anak mo. Ikaw ang lider sa tahanan, ang gumagabay sa kanila, at nagtuturo ng mga mabubuting asal at salita ng Diyos. Ikaw ang tinitingnan nilang halimbawa. Kaya naman mahalaga ang bawat kilos mo, dahil ginagaya ka ng mga anak mo.
Sabi nga sa Kawikaan 23:24, “Magagalak ang ama ng matuwid, at ang magkaanak ng marunong ay magagalak sa kaniya.” Inilagay ka ng Diyos bilang haligi ng tahanan para pangunahan at gabayan ang iyong pamilya. Humingi ka ng tulong sa Kanya at ituturo Niya sa iyo kung paano.
Katulad ng isang mapagmahal na ama sa kaniyang mga anak, ganoon din ang pagmamahal at pagkahabag sa atin ng Panginoon. Nasa Salmo 103:13 naman ito, “Kung paanong ang ama ay naaawa sa kaniyang mga anak, gayon naaawa ang Panginoon sa mga may takot sa kaniya.”
“Igalang mo ang iyong ama at ina. Sa gayo'y mabubuhay ka nang matagal sa lupaing ibinibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos.
Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang, [alang-alang sa Panginoon,] sapagkat ito ang nararapat. Bilang pagwawakas, magpakatibay kayo sa kalakasang galing sa Panginoon at sa kanyang dakilang kapangyarihan. Isuot ninyo ang buong kasuotang pandigma na kaloob ng Diyos, upang mapaglabanan ninyo ang mga pakana ng diyablo. Sapagkat hindi tayo nakikipaglaban sa mga tao, kundi sa mga pinuno, sa mga maykapangyarihan, sa mga tagapamahala ng kadilimang umiiral sa sanlibutang ito, sa mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid. Kaya't gamitin ninyo ang kasuotang pandigma na mula sa Diyos. Sa gayon, makakatagal kayo sa pakikipaglaban pagdating ng araw na sumalakay ang masama, upang pagkatapos ng labanan ay matatag pa rin kayong nakatayo. Kaya't maging handa kayo. Ibigkis sa inyong baywang ang sinturon ng katotohanan, at isuot sa dibdib ang baluti ng katuwiran; isuot ninyo ang sapatos ng pagiging handa sa pangangaral ng Magandang Balita ng kapayapaan. Lagi ninyong gawing panangga ang pananampalataya, na siyang papatay sa lahat ng nagliliyab na palaso ng diyablo. Isuot ninyo ang helmet ng kaligtasan, at gamitin ang tabak ng Espiritu, na walang iba kundi ang Salita ng Diyos. Manalangin kayo sa lahat ng pagkakataon, humiling at sumamo sa patnubay ng Espiritu. Lagi kayong maging handa, at patuloy na ipanalangin ang lahat ng hinirang ng Diyos. Ipanalangin din ninyong ako'y pagkalooban ng wastong pananalita upang buong tapang kong maipahayag ang hiwaga ng Magandang Balitang ito. “Igalang mo ang iyong ama at ina.” Ito ang unang utos na may kalakip na pangako: Dahil sa Magandang Balitang ito, ako'y isinugo, at ngayo'y nakabilanggo. Kaya't ipanalangin ninyong maipahayag ko ito nang buong tapang gaya ng nararapat. Si Tiquico, na mahal nating kapatid at tapat na lingkod ng Panginoon, ang magbabalita sa inyo ng lahat ng bagay tungkol sa aking kalagayan at ginagawa. Kaya't isinusugo ko siya sa inyo upang malaman ninyo ang aming kalagayan, at upang palakasin ang inyong loob. Nawa'y ipagkaloob ng Diyos Ama at ng Panginoong Jesu-Cristo sa lahat ng mga kapatid ang kapayapaan at ang pag-ibig na kalakip ng pananampalataya. Ang kagandahang-loob ng Diyos ay sumainyong lahat na umiibig nang walang maliw sa ating Panginoong Jesu-Cristo. “Magiging maganda at mahaba ang iyong buhay sa lupa.”
Mga anak, sundin ninyong lagi ang inyong mga magulang, sapagkat iyan ang nakalulugod sa Panginoon.
Anak ko, dinggin mo ang aral ng iyong ama, at huwag ipagwalang-bahala ang turo ng iyong ina; sapagkat ang mga iyon ay parang korona sa iyong ulo, parang kuwintas na may dalang karangalan.
Aking anak, utos nga ng ama mo ay sundin, huwag mong tatalikuran, turo ng inang giliw. Sa puso mo ay iukit, at itanim mo sa isip. Pagkat ang aral na ito sa iyo ay patnubay, sa pagtulog mo ay bantay, sa paggawa ay alalay.
“‘Igalang mo ang iyong ama at ina tulad ng iniutos ko sa iyo. Sa gayo'y mabubuhay ka nang matagal at sagana sa lupaing ibinibigay sa iyo ni Yahweh na iyong Diyos.
Igalang ninyo ang inyong ama at ina. Ipangilin ninyo ang Araw ng Pamamahinga. Ako si Yahweh, ang inyong Diyos.
Pakinggan mo ang iyong ama na pinagkakautangan mo ng buhay, at huwag hahamakin ang iyong ina kapag siya'y matanda na.
Ang ama ng taong matuwid ay puno ng kagalakan. Ipinagmamalaki ng ama ang anak na matalino. Sikapin mong ikaw ay maging karapat-dapat ipagmalaki ng iyong mga magulang at madudulutan mo ng kaligayahan ang iyong ina.
Ang anak na kumukutya sa kanyang ama at laging sumusuway sa salita ng ina, tutukain ng uwak ang kanilang mata at kakainin ng buwitre ang kanilang bangkay.
Sinabi ng Diyos, ‘Igalang mo ang iyong ama at ina’ at, ‘Ang sinumang lumait sa kanyang ama o ina ay dapat patayin.’
“‘Sumpain ang sinumang hindi gumagalang sa kanyang ama at ina.’ “Sasagot ang sambayanan: ‘Amen.’
Ang matalinong anak ay ligaya ng magulang, ngunit tinik sa dibdib ang anak na mangmang.
Ang mga apo ay putong ng katandaan; ang karangalan ng mga anak ay ang kanilang magulang.
igalang mo ang iyong ama at ina; at ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.”
Ang anak na may unawa ay kaligayahan ng isang ama, ngunit ang isang mangmang ay kahihiyan ng kanyang ina.
Halimbawa, iniutos ni Moises na ‘Igalang mo ang iyong ama at ina’, at ‘Ang sinumang lumait sa kanyang ama o ina ay dapat patayin.’
Subalit kung ang isang biyuda ay may mga anak o apo, sila ang unang dapat kumalinga sa kanya bilang pagtanaw ng utang na loob, sapagkat ito ay nakalulugod sa Diyos.
Kaloob nga ni Yahweh itong ating mga anak, ang ganitong mga supling, pagpapalang mayro'ng galak. Ang lalaking mga anak sa panahong kabataan, ang katulad ay palaso sa kamay ng isang kawal. Mapalad ang isang taong mapalasong tulad niyan, hindi siya malulupig, at malayo sa kahihiyan, kung sila man ng kalaban ay magtagpo sa hukuman.
Mga magulang, huwag ninyong ibuyo sa paghihimagsik laban sa inyo ang inyong mga anak. Sa halip, palakihin ninyo sila ayon sa disiplina at aral ng Panginoon.
Ituro sa bata ang daang dapat niyang lakaran, at hanggang sa paglaki'y di niya ito malilimutan.
Siya'y sumama sa kanila pauwi sa Nazaret, at siya'y naging masunurin sa kanila. Ang lahat ng bagay na ito ay iningatan ng kanyang ina sa kanyang puso.
Hindi ba't dinidisiplina tayo ng ating mga magulang, at dahil diyan ay iginagalang natin sila? Hindi ba't upang tayo'y mabuhay, mas nararapat na tayo'y pasakop sa Diyos na ating Ama sa espiritu?
Ang sinumang hindi kumakalinga sa kanyang mga kamag-anak, lalo na sa mga kabilang sa kanyang pamilya, ay tumalikod na sa pananampalataya, at mas masama pa kaysa sa isang di-mananampalataya.
Sinumang magmura sa kanyang magulang, parang ilaw na walang ningas ang wakas ng kanyang buhay.
“Pakaingatan ninyong huwag hamakin ang isa sa maliliit na ito. Sinasabi ko sa inyo, ang kanilang mga anghel ay laging nasa harap ng aking Ama na nasa langit. [
Disiplina at pangaral, hatid ay karunungan; ngunit ang batang suwail, sa magulang ay kahihiyan.
Ang anak na may unawa'y nakikinig sa kanyang ama, ngunit walang halaga sa palalo ang paalala sa kanya.
Mapalad ang bawat tao na kay Yahweh ay may takot, ang maalab na naisi'y sumunod sa kanyang utos. Kakainin niya ang bunga ng kanyang pinaghirapan, ang taong ito'y maligaya't maunlad ang pamumuhay. Sa tahanan, ang asawa'y parang ubas na mabunga, at bagong tanim na olibo sa may hapag ang anak niya. Ang sinuman kung si Yahweh buong pusong susundin, buhay niya ay uunlad at laging pagpapalain.
Anak ko, ang aral ko ay huwag mong lilimutin, lahat ng aking utos sa isipan mo'y itanim; Sa gayon, kamalig mo ay lagi nang aapaw, sisidlan ng inumin ay hindi nga matutuyuan. Aking anak, ang saway ni Yahweh ay huwag mamaliitin, at ang kanyang pagtutuwid ay huwag mong itakwil, pagkat lahat ng mahal niya'y itinatama ng daan, tulad ng anak na minamahal, sinasaway ng magulang. Mapalad ang isang taong nakasumpong ng karunungan, at ang taong nagsisikap, unawa ay nagtatamo. Higit pa sa pilak ang pakinabang dito, at higit sa gintong lantay ang tubo nito. Sa alinmang alahas ay higit ang karunungan, at walang kayamanang dito ay maipapantay. Mahabang buhay ang dulot ng kaalaman, may taglay na kayamanan at may bungang karangalan. Maaliwalas ang landas ng taong may kaalaman, at puno ng kapayapaan ang lahat niyang araw. Mapalad nga ang taong may taglay na karunungan, para siyang punongkahoy na mabunga kailanman. Karunungan ang ginamit ni Yahweh sa paglikha sa daigdig, sa pamamagitan ng talino, inayos niya ang buong langit. upang araw mo'y tumagal, humaba ang iyong buhay, at maging masagana sa lahat ng kailangan.
Ang mga utos niya'y itanim ninyo sa inyong puso. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak; pag-aralan ninyo ito sa inyong tahanan, sa inyong paglalakbay, sa inyong pagtulog sa gabi, at sa inyong pagbangon sa umaga.
Dinggin ninyo, mga anak, ang turo ng inyong ama, sasainyo ang unawa kung laging diringgin siya. Makinig ka, aking anak, payo ko ay tanggapin, lalawig ang iyong buhay, maraming taon ang bibilangin. Ika'y pinatnubayan ko sa daan ng karunungan, itinuro ko sa iyo ang daan ng katuwiran. Hindi ka matatalisod sa lahat ng iyong hakbang, magmabilis man ng lakad ay hindi ka mabubuwal. Panghawakan mo nga ito at huwag pabayaan, ito ay ingatan mo pagkat siya'y iyong buhay. Ang daan ng kasamaan ay huwag mong lalakaran, at ang buhay ng masama, huwag mo ngang tutularan. Kasamaa'y iwasan mo, ni huwag lalapitan, bagkus nga ay talikuran mo, tuntunin ang tamang daan. Sila'y hindi makatulog kapag di nakagawa ng masama, at hindi matahimik kapag nasa'y di nagawa. Ang kanilang kinakain ay buhat sa kasamaan, ang kanilang iniinom ay bunga ng karahasan. Ngunit ang daan ng matuwid, parang bukang-liwayway, tumitindi ang liwanag habang ito'y nagtatagal. Ang daan ng masama'y pusikit na kadiliman, ni hindi niya makita kung saan siya nabubuwal. Pagkat tiyak na mabuti itong aking sinasabi, kaya't aking mga katuruan huwag mong isantabi. Aking anak, salita ko ay pakinggan mong mabuti, pakinig mo ay ikiling sa aking sinasabi. Huwag itong babayaang mawala sa paningin, sa puso mo ay iukit nang mabuti at malalim. Pagkat itong kaalaman ay daan ng buhay, nagbibigay kalusuga't kagalingan ng katawan. Ang puso mo'y ingatang mabuti at alagaan, pagkat iyan ang siyang bukal ng buhay mong tinataglay. Ilayo mo sa iyong bibig ang salitang mahahalay, ilayo ang mga labi sa kasinungalingan. Palaging sa hinaharap ang pukol ng iyong tanaw, ituon ang iyong pansin sa iyong patutunguhan. Siyasatin mong mabuti ang landas na lalakaran, sa gayon ang lakad mo ay laging matiwasay. Huwag kang liliko sa kaliwa o sa kanan; humakbang nang papalayo sa lahat ng kasamaan. Noong ako ay bata pa, nasa kupkop pa ni ama, batambata, walang malay, tanging anak nga ni ina, itinuro niya sa akin at kanyang sinabi, “Sa aking mga aral buong puso kang manangan, sundin mo ang aking utos at ikaw ay mabubuhay.
Di pansin ng mangmang ang turo ng kanyang ama, ngunit dinirinig ng may isip ang paalala sa kanya.
Kung paano nahahabag ang ama sa anak niya, gayon siya nahahabag sa may takot sa kanya.
Pinili ko si Abraham upang turuan niya ang kanyang lahi na sumunod sa aking mga utos, sa pamamagitan ng paggawa ng matuwid at pagpapairal ng katarungan. Kapag nangyari iyon, tutuparin ko ang aking pangako sa kanya.”
Ituwid mo ang iyong anak habang may pagkakataon pa, kung hindi'y ikaw na rin ang nagtulak sa pagkawasak niya.
Ang anak mo'y busugin sa pangaral, at pagdating ng araw, siya'y iyong karangalan.
Nang makita ni Jesus ang kanyang ina at ang minamahal niyang alagad na nasa tabi nito, sinabi niya, “Ginang, narito ang iyong anak!” At sinabi niya sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula noon, pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay ang ina ni Jesus.
Ang taong may unawa ay tumatanggap ng payo, ngunit ayaw mapaalalahanan ang matigas ang ulo.
Kayo'y maging mapagpakumbaba, mahinahon at matiyaga. Magparaya kayo dahil sa inyong pagmamahal sa isa't isa.
Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh, dulot ay kapayapaan, may hatid na katatagan sa buong sambahayan.
Huwag mo silang yuyukuran ni sasambahin sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay mapanibughuing Diyos. Ang kasalanan ng mga magulang ay sinisingil ko sa kanilang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi. Ngunit ipinadarama ko ang aking pag-ibig sa libu-libong salinlahi ng mga umiibig sa akin at tumutupad sa aking mga kautusan.
Disiplinahin mo ang bata. Ang wastong pagpalo ay hindi niya ikamamatay. Inililigtas mo pa siya mula sa daigdig ng mga patay.
Makinig ka, aking anak, payo ko ay tanggapin, lalawig ang iyong buhay, maraming taon ang bibilangin. Ika'y pinatnubayan ko sa daan ng karunungan, itinuro ko sa iyo ang daan ng katuwiran.
Mga magulang, huwag ninyong pagagalitan nang labis ang inyong mga anak at baka masiraan sila ng loob.
Nawa ang ating mga kabataan lumaking matatag tulad ng halaman. Ang kadalagaha'y magandang disenyo, kahit saang sulok ng isang palasyo.
Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay pasimula ng karunungan, ngunit walang halaga sa mga mangmang ang aral at mga saway.
Aking anak, ang mga pangaral ko ay dinggin mo, at ang aking mga utos, ingatan nga at sundin mo. Lalawak ang karunungang matatanim sa isipan, madadama ang kasiyahang dulot nitong kaalaman. Ang natamong kaalaman sa iyo ay mag-iingat, ang unawa'y maglilihis sa liku-likong landas. Ilalayo ka nito sa masamang pamumuhay, at doon sa mga taong ang nais ay kaguluhan; ilalayo ka rin nito sa mga tampalasan, na ang landas na pinili ay landas ng kadiliman, mga taong ang hilig ay paggawa ng kasamaan, ang kanilang kasiyaha'y pawang walang kabuluhan. Sa ugaling taglay nila'y di sila maaasahan, sila ay hindi tapat, hindi mapagkakatiwalaan. Malalayo ka sa babaing mahalay, at sa kanyang pang-aakit ay hindi ka maaakay. Siya ay babaing hindi tapat sa asawa; ang sumpaan sa altar ay binaliwala niya. Kaya naman ang landas niya'y patungo sa kamatayan, at ang kanyang buhay ay tungo sa kawakasan. Sinumang maakit niya ay tuluyang natatangay, at hindi na makakabalik sa maayos na pamumuhay. Ang pakinig mo'y ibaling sa wastong karunungan, at ito ay isipin nang iyong maunawaan. Kaya nga, tahakin mo ang landas ng kabutihan, huwag itong hiwalayan hanggang hininga ay mapatid. Pagkat ang mabuting tao'y magtatagal sa daigdig, ang may buhay na matapat ay hindi matitinag. Ngunit ang masama sa lupai'y mawawala, bubunutin pati ugat ng lahat ng mandaraya. Pagsikapan mong hanapin ang tunay na kaalaman, pang-unawa'y pilitin mong makita at masumpungan. Kung ito ay parang pilak na iyong hahanapin, at tulad ng ginto, na iyong miminahin, malalaman mo kung ano ang kahulugan ng paggalang at pagsunod kay Yahweh, at matatamo ang kaalaman tungkol sa Diyos.
Maliban nga na si Yahweh ang nagtatag nitong bahay, ang ginawa ng nagtayo ay wala ring kabuluhan; maliban nga na si Yahweh ang sa lunsod ay gumabay, ang pagmamasid ng bantay ay wala ring saysay. Hindi dapat pakahirap, magpagal sa hanapbuhay; maaga pa kung bumangon, gabing-gabi kung humimlay, pagkat pinagpapahinga ni Yahweh ang kanyang mahal.
Ngunit mag-ingat kayo. Huwag ninyong kakalimutan o babaliwalain ang mga bagay na inyong nasaksihan, habang kayo'y nabubuhay. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak at mga apo.
Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugong marahas, poot ay hindi mawawaglit.
Ang lalaking mga anak sa panahong kabataan, ang katulad ay palaso sa kamay ng isang kawal.
Mapagmahal na magulang, anak ay dinidisiplina, anak na di napapalo, hindi mahal ng magulang.
Ang nagpapahalaga sa karunungan ay nagbibigay galak sa magulang, ngunit ang nakikisama sa patutot ay nagwawaldas ng kayamanan.
Ang mga ito'y ibinigay sa inyo ni Yahweh at sa inyong mga anak at sa mga susunod na salinlahi upang magkaroon kayo ng takot sa kanya. Kung ito'y susundin ninyo, hahaba ang inyong buhay.
Ang anak na hangal ay kasawiang-palad ng kanyang ama, at tila ulang walang tigil ang bibig ng madaldal na asawa.
Yamang kayo'y mga anak na minamahal ng Diyos, tularan ninyo siya. Sikapin ninyong matutunan kung ano ang kalugud-lugod sa Panginoon. Huwag kayong makibahagi sa mga gawain ng kadiliman na walang ibinubungang mabuti. Sa halip ay ibunyag ninyo ang mga iyon. Kahiya-hiyang mabanggit man lamang ang mga bagay na iyon na ginagawa nila nang lihim. Ang lahat ng nalalantad sa liwanag ay nakikilala kung ano talaga ang mga iyon, at nalalantad ang lahat dahil sa liwanag. Kaya't sinasabi, “Gumising ka, ikaw na natutulog, bumangon ka mula sa libingan, at liliwanagan ka ni Cristo.” Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. Gamitin ninyo nang lubusan para sa mabuti ang bawat pagkakataon, sapagkat puno ng kasamaan ang kasalukuyang panahon. Huwag kayong maging hangal. Sa halip, unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon. Huwag kayong maglalasing, sapagkat sisirain lamang niyan ang inyong buhay. Sa halip ay dapat kayong mapuspos ng Espiritu. Sa inyong pag-uusap gumamit kayo ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal; buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon. Mamuhay kayo nang may pagmamahal tulad ni Cristo; dahil sa kanyang pagmamahal sa atin, inialay niya ang kanyang buhay bilang mabangong alay at handog sa Diyos.
Kung ang isang ama'y namumuhay sa katuwiran, mapalad ang mga anak na siya ang tinutularan.
Mula pa sa pagkabata alam mo na ang Banal na Kasulatan, na may kapangyarihang magbigay sa iyo ng karunungan tungo sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.
Sa sarili naming anak ito'y hindi ililihim, ito'y aming isasaysay sa sunod na lahi namin; mga gawang tinutukoy ay lubhang kahanga-hanga na si Yahweh ang gumanap, mga gawa niyang dakila. Madalas na nag-aalsa noong sila'y nasa ilang; ang ganitong gawa nila'y labis niyang dinaramdam. Lagi siyang sinusubok, hindi sila tumitigil, ginagalit nilang lagi itong Banal na Diyos ng Israel. Ang kapangyarihan niya'y ayaw nilang gunitain, gayong sila'y iniligtas sa kaaway nilang taksil. Ang ginawa nitong Diyos na lubos na hinangaan, ay nangyari sa Egipto sa lupain nitong Zoan. Yaong mga ilog doo'y naging dugong umaagos, kaya walang makainom sa batis at mga ilog. Makapal na mga langaw at palaka ang dumating, nataranta silang lahat, di malaman ang gagawin. Dumating ang maninira sa taniman ng halaman, mga tanim ay kinain ng balang na di mabilang. Pati tanim na ubasa'y winasak ng ulang yelo, anupa't sa kalamiga'y namatay ang sikamoro. Nang ulanin na ng yelo, mga baka ay namatay, sa talim ng mga kidlat namatay ang mga kawan. Sa ganito ay nadama ang matinding poot ng Diyos, kaya sila ay winasak sa sama ng kanyang loob, mga anghel ang gumanap ng parusang sunud-sunod. Mayro'n siyang patotoo na kay Jacob itinatag, mayro'n siyang kautusang sa Israel iniatas; ang utos sa ating nuno, dapat nilang ipatupad, ituturong lagi ito, sa kanilang mga anak. Ang matinding galit ng Diyos hindi niya pinigilan, yaong naging wakas nila'y humantong sa kamatayan; dahilan sa isang salot, buhay nila ay pumanaw. Yaong lahat na panganay sa Egipto ay pinatay, ang panganay na lalaki sa Egiptong lahi ni Ham. Tinipon ang kanyang hirang na animo'y mga tupa, inakay sa lupaing ilang sa kanyang pangunguna. Inakay nga at naligtas, kaya naman di natakot, samantalang ang kanilang kaaway ay nangalunod. Inihatid sila ng Diyos sa lupain niyang banal, sa bundok na mismong siya ang kumuha sa kaaway. Itinaboy niyang lahat ang naroong namamayan, pinaghati-hati niya ang lupaing naiwanan; sa kanilang mga tolda ang Israel ay nanahan. Ngunit sila'y naghimagsik sa Kataas-taasang Diyos, hindi nila iginalang ang kanyang mga utos; katulad ng nuno nila sila'y kusang tumalikod, nagtaksil na wari'y panang lumipad nang walang taros. Nanibugho itong Diyos, sa kanila ay nagalit, nang makita ang dambana ng larawang iniukit. Sumamâ ang loob niya noong ito ay mamasid, itinakwil ang Israel sa tindi ng kanyang galit. Sa lahat ng lahi nila ito'y dapat na iaral, at ang angkang susunod pa ay marapat na turuan. Kaya't kanyang iniwanan ang tahanang nasa Shilo, yaong toldang tirahan niya sa gitna ng mga tao. Sagisag ng kanyang lakas, ang Kaban ng kanyang Tipan, binayaan na mahulog at makuha ng kaaway. Nagalit sa kanyang baya't ibinigay sa kaaway, kaya naman ang marami sa kanila ay namatay. Kanilang mga binata ay nasawi sa labanan, dalaga mang magaganda'y wala nang mapangasawa. Pati mga pari nila, sa patalim ay napuksa, ang kanilang mga balo'y ni ayaw nang magluksa. Parang tulog na gumising, si Yahweh ay nagbangon, ang katawan ay masigla, tumayo ang Panginoon; parang taong nagpainit sa alak na iniinom. Pinaurong ang kaaway, lahat niyang katunggali, napahiya silang lahat, pawang galit na umuwi. Maging ang lahi ni Jose, sadya niyang itinakwil, at di niya pinagbigyan pati lahi ni Efraim. Sa halip, pinili niya'y ang sambahayan ni Juda, at ang bundok naman ng Zion ang tirahang minahal niya. Doon niya itinayo yaong banal na santuwaryo, katulad ng nasa langit na tahanan niyang dako; lubos niyang pinatatag na tulad ng mundong ito. Sa ganito, masusunod nilang lagi yaong utos, ang matatag na pag-asa'y ilalagak nila sa Diyos, at ang dakila niyang gawa'y hindi nila malilimot.
Alam mo ang mga utos, ‘Huwag kang mangangalunya; huwag kang papatay; huwag kang magnanakaw; huwag kang tatayong saksi para sa kasinungalingan; at igalang mo ang iyong ama at ina.’”
Palawakin nawa ng Diyos ang lupain ni Jafet. Sa lahi ni Shem, sila'y mapipisan, at paglilingkuran si Jafet nitong si Canaan.”
Ituro ninyo ito sa inyong mga anak; pag-aralan ninyo ito sa inyong tahanan, sa inyong paglalakbay, sa inyong pagtulog sa gabi, at sa inyong pagbangon sa umaga.
Ngunit ang makinig sa akin, mananahan nang tiwasay, mabubuhay nang payapa, walang katatakutan.”
At kayo namang mga kabataan, pasakop kayo sa matatandang pinuno ng iglesya. At kayong lahat ay magpakumbaba sapagkat, “Sinasalungat ng Diyos ang mapagmataas, ngunit pinagpapala niya ang mababang-loob.”
Unahin mo sa lahat, pagtuklas ng karunungan, ito'y pilitin mong matamo kahit gaano kamahal.
“Kapag dumating ang araw na itanong ng inyong mga anak kung bakit kayo binigyan ni Yahweh ng kautusan at mga tuntunin, ganito ang sabihin ninyo: ‘Noong araw, inalipin kami ng Faraon sa Egipto. Pinalaya kami roon ni Yahweh sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. Nasaksihan namin ang maraming kababalaghang ginawa niya laban sa Faraon at sa mga Egipcio. Inilabas niya kami sa Egipto upang dalhin sa lupaing ipinangako niya sa ating mga ninuno. Ibinigay niya sa amin ang kautusan at mga tuntuning ito upang magtaglay kami ng takot sa kanya. Sa ganoon, sasagana tayo at iingatan niyang tulad ng ginagawa niya sa atin ngayon. Kalulugdan tayo ng Diyos nating si Yahweh kung susundin natin nang buong katapatan ang lahat ng ipinag-uutos niya sa atin.’
Ang nag-iimbak kung tag-araw ay nagpapakilala ng katalinuhan, ngunit ang natutulog kung anihan ay nag-iipon ng kahihiyan.
Ang nagpupunla ng gulo sa sariling sambahayan, mag-aani ng problema, gugulo ang pamumuhay. Ang taong mangmang at walang nalalaman, ay alipin ng matalino habang siya'y nabubuhay.
Magmahalan kayo bilang magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo.
Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa.
“Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang buod ng Kautusan at ng mga isinulat ng mga propeta.”
Purihin si Yahweh! Mapapalad ang tao na kay Yahweh ay gumagalang, at taos-pusong sumusunod sa kanyang kautusan. Kung makita ito ng mga masama, lumalayas silang mabagsik ang mukha; pagkat ang pag-asa'y lubos nang nawala. Ang kanyang lipi'y magiging dakila, pati mga angkan ay may pagpapala.
Mga anak, huwag tayong magmahal sa pamamagitan ng salita lamang, kundi patunayan natin ito sa pamamagitan ng gawa.
Ang taong mabait ay nag-iimpok ng kabutihan, ngunit winawasak ng marahas ang sarili niyang buhay.
Mas mabuting piliin ang malinis na pangalan, kaysa pilak at ginto o anumang kayamanan.
Ang babaing baog pinagpapala niya, binibigyang anak para lumigaya. Purihin si Yahweh!
Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa pansariling layunin o pagyayabang; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili.
Dinggin ninyo, mga anak, ang turo ng inyong ama, sasainyo ang unawa kung laging diringgin siya.
Hindi ito natutuwa sa masama, sa halip ay nagagalak sa katotohanan. Ang pag-ibig ay matiisin, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at nagtitiyaga hanggang wakas.
Likas sa mga bata ang pagiging pilyo, ngunit sa pamamagitan ng palo, sila'y matututo.
Ang hangal na anak ay problema ng kanyang ama at pabigat sa damdamin ng kanyang ina.
Sa madaling salita, magkaisa kayo at magdamayan, magmahalan bilang magkakapatid at maging maunawain at mapagpakumbaba.
Mapalad ang isang taong mapalasong tulad niyan, hindi siya malulupig, at malayo sa kahihiyan, kung sila man ng kalaban ay magtagpo sa hukuman.
“Alalahanin ninyo ang mga lumipas na panahon, ang mga salinlahi ng mga nagdaang taon; tanungin ninyo ang inyong ama at kanilang sasabihin, pati ang matatanda at kanilang sasaysayin.
Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos at kumikilala sa Diyos. Ang hindi umiibig ay hindi kumikilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.
ang karunungan naman ay mabuti sa kaluluwa. Kaya, hanapin mo ang kaalaman at magkakaroon ka ng magandang kinabukasan.
Ibigay ninyo sa bawat isa ang nararapat sa kanya. Magbayad kayo sa mga dapat bayaran at magbigay kayo ng buwis sa dapat buwisan; igalang ninyo ang dapat igalang at parangalan ninyo ang dapat parangalan.
“Mas mabuti pa sa isang tao ang siya'y bitinan sa leeg ng isang malaking gilingang-bato at ihulog sa kailaliman ng dagat kaysa siya'y maging sanhi ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito na nananampalataya sa akin.
Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon, at sa oras ng kagipita'y kapatid na tumutulong.
Ang matuwid ay nag-iiwan ng pamana hanggang sa kaapu-apuhan, at sa matuwid nauuwi ang naipon ng isang makasalanan.
Kaya tinawag ni Isaac si Jacob at matapos basbasan ay pinagbilinan, “Huwag kang mag-aasawa ng Cananea.
Mga kapatid, paalam na sa inyo. Sikapin ninyong maging ganap at sundin ninyo ang mga payo ko; magkaisa na kayo, at mamuhay nang payapa. Sa gayon, sasainyo ang Diyos ng pag-ibig at kapayapaan.
Anak, matutuwa ako kung magiging matalino ka. Makadarama ako ng pagmamalaki kung ang mga salita mo ay may karunungan.
Bilang pagtatapos, mga kapatid, lagi ninyong isaisip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang.
Sinabi ng Diyos, ‘Igalang mo ang iyong ama at ina’ at, ‘Ang sinumang lumait sa kanyang ama o ina ay dapat patayin.’ Ngunit itinuturo ninyo na kapag sinabi ng isang tao sa kanyang ama o ina, ‘Ang anumang maitutulong ko sa inyo ay naihandog ko na sa Diyos,’ hindi na niya kailangang tulungan ang kanyang ama [at ang kanyang ina]. Pinawawalang-kabuluhan ninyo ang salita ng Diyos masunod lamang ninyo ang inyong minanang mga katuruan.
Aking anak, sakali mang akitin ka ng mga makasalanan, huwag kang papayag, tanggihan mo sila.
Napakaligaya at kahanga-hanga sa ating pangmasid, ang nagkakaisa't laging sama-sama na magkakapatid!
Kaya nga, dahil kayo'y hinirang ng Diyos, minamahal niya at pinili para sa kanya, dapat kayong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbaba, mahinahon, at mapagtiis. Magpasensiya kayo sa isa't isa. Kung may hinanakit kayo kaninuman, magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon.
Huwag kayong magkaroon ng sagutin kaninuman, maliban na kayo'y magmahalan sa isa't isa, sapagkat ang nagmamahal sa kapwa ay nakatupad na sa Kautusan.
Iginagalang siya ng kanyang mga anak at pinupuri ng kanyang kabiyak: “Maraming babae na mabuting asawa, ngunit sa kanila'y nakahihigit ka.”
At sinabi pa niya, “Sa edad na iyon ni Abraham, sinong makakapagsabi sa kanyang ako'y mag-aalaga pa ng bata? Gayunman, nabigyan ko pa rin siya ng anak kahit siya'y matanda na.”
Ang anak na matalino ay sumusunod sa aral, ngunit ang nakikipagbarkada sa masasama ay kahihiyan ng magulang.
May mga taong naninira sa kanilang ama, masama ang sinasabi tungkol sa kanilang ina.
sapagkat ang tunay na pag-ibig sa Diyos ay ang pagtupad sa kanyang mga utos. Hindi naman napakahirap sundin ang kanyang mga utos,
Ang pagsunod at paggalang kay Yahweh'y simula ng karunungan. Taong masunurin, pupurihing lubos. Purihin ang Diyos magpakailanman!
“Pinagpala ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan, sapagkat sila'y ituturing na mga anak ng Diyos.
Nagpapahina sa loob ng isang tao ang kabalisahan, ngunit ang magandang balita'y may dulot na kasiglahan.
Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha. Huwag ninyong ipalagay na kayo'y napakarunong.
Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag naman ninyong gamitin ang inyong kalayaan upang masunod ang hilig ng laman, kundi maglingkod kayo sa isa't isa sa diwa ng pag-ibig. Sapagkat ang buong Kautusan ay nauuwi sa isang pangungusap, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.”
“Igalang mo ang iyong ama at ina.” Ito ang unang utos na may kalakip na pangako: Dahil sa Magandang Balitang ito, ako'y isinugo, at ngayo'y nakabilanggo. Kaya't ipanalangin ninyong maipahayag ko ito nang buong tapang gaya ng nararapat. Si Tiquico, na mahal nating kapatid at tapat na lingkod ng Panginoon, ang magbabalita sa inyo ng lahat ng bagay tungkol sa aking kalagayan at ginagawa. Kaya't isinusugo ko siya sa inyo upang malaman ninyo ang aming kalagayan, at upang palakasin ang inyong loob. Nawa'y ipagkaloob ng Diyos Ama at ng Panginoong Jesu-Cristo sa lahat ng mga kapatid ang kapayapaan at ang pag-ibig na kalakip ng pananampalataya. Ang kagandahang-loob ng Diyos ay sumainyong lahat na umiibig nang walang maliw sa ating Panginoong Jesu-Cristo. “Magiging maganda at mahaba ang iyong buhay sa lupa.”
Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang Ama ng kahabagan at Diyos na pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan. Inaaliw niya kami sa aming mga kapighatian upang sa pamamagitan ng kaaliwang tinanggap natin sa kanya ay maaliw naman namin sa mga nahahapis.
Kung paanong kayo'y malugod na tinanggap ni Cristo, tanggapin ninyo ang isa't isa upang mapapurihan ang Diyos.
Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.
Mapagpatawad ka at napakabuti; sa dumadalangin at sa nagsisisi, ang iyong pag-ibig ay mananatili.
Humagulgol ng iyak si Esau nang marinig ito at nagmamakaawa, “Basbasan din po ninyo ako, ama!” Ngunit sinabi ni Isaac, “Nilinlang ako ng iyong kapatid kaya nakuha niya ang basbas ko para sa iyo.”
Sa pamamagitan ng karunungan, naitatayo ang isang bahay, at ito'y naitatatag dahil sa kaunawaan. Napadaan ako sa bukid at ubasan ng isang tamad at mangmang. Ito'y puno ng matinik na damo, at gumuho na ang bakod nito. Ang nakita ko'y pinag-isipan kong mabuti at may nakuha akong magandang aral: Kaunting tulog, bahagyang idlip, sandaling pahinga at paghalukipkip, samantalang namamahinga ka ang kahirapa'y darating na parang armadong magnanakaw upang kunin ang lahat ng iyong kailangan. Ang loob ng tahanan ay napupuno ng lahat ng magagandang bagay dahil sa karunungan.
Sa alinmang lahi, ang iyong ginawa ay papupurihan, ihahayag nila ang mga gawa mong makapangyarihan.
Marangal at kapita-pitagan ang kanyang kaanyuan at wala siyang pangamba sa bukas na daratal. Ang mga salita niya ay puspos ng karunungan at ang turo niya ay pawang katapatan.
Magpasensiya kayo sa isa't isa. Kung may hinanakit kayo kaninuman, magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon.
Sumagot si Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, buong kaluluwa mo, at buong pag-iisip mo. Ito ang pinakamahalagang utos. Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.
Lapit, ako'y dinggin mga kaibigan, at kayo ngayo'y aking tuturuan na si Yahweh ay dapat sundi't igalang.
Pakinggan mo itong ipapayo ko sa iyo at tutulungan ka ng Diyos. Ikaw ang lalapit sa Diyos para sa kanila at magdadala sa kanya ng kanilang mga usapin. Si Jetro ang nag-aruga kay Zipora nang ito'y pauwiin ni Moises sa Midian Ikaw ang magtuturo sa kanila ng mga kautusan at mga tuntunin, at ikaw rin ang magpapaliwanag sa kanila kung ano ang dapat nilang gawin.
“Kung magkasala [sa iyo] ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan tungkol sa kanyang kamalian. Kapag nakinig siya sa iyo, naibalik mo na ang inyong pagsasamahan bilang magkapatid.
“At ngayon, aking anak, ako nga ay pakinggan, sundin ang payo ko't liligaya ang iyong buhay. Upang maging matalino, ang turo ko ay dinggin mo, huwag mong pababayaan ni lalayuan ito.
Anak, maging matalino ka at pag-isipan mong mabuti ang iyong buhay. Kung ikaw man ay matakaw, pigilan mo ang iyong sarili. Huwag kang makikisama sa mga lasenggo at sa masiba sa pagkain. Pagkat sila'y masasadlak sa kahirapan, at darating ang panahong magdadamit ng basahan.
“Opo! Sila po ang ipinagkaloob sa akin ng Diyos dito sa Egipto,” tugon niya. Sinabi ni Israel, “Ilapit mo sila sa akin at babasbasan ko.”
Mula pa sa pagkabata ako'y iyong tinuruan, hanggang ngayo'y hinahayag ang gawa mong kabutihan. Matanda na't puti na ang aking buhok, huwag akong iiwanan, ang samo ko sa iyo, O Diyos. Hayaan mong ihayag ko ang lakas mong tinataglay, samahan sa bawat lahing sa daigdig ay lilitaw.
Mga buháy lamang ang makakapagpuri sa iyo, tulad ng ginagawa ko ngayon, at tulad din ng ama na itinuturo sa mga anak ang katapatan.
Samantala, nananatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig, ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.
Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, poot at galit; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdamin ng kapwa. Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.
Ang taong kay Yahweh ay gumagalang, matututo ng landas na dapat niyang lakaran. Ang buhay nila'y palaging sasagana, mga anak nila'y magmamana sa lupa.
Patuloy kayong magmahalan bilang magkakapatid kay Cristo. Tayo'y may isang dambana, at ang mga paring naglilingkod sa sambahan ay hindi maaaring kumain ng mga inihandog sa dambanang ito. Ang dugo ng mga hayop ay dinadala ng pinakapunong pari sa Dakong Kabanal-banalan upang ialay bilang handog dahil sa kasalanan, ngunit ang katawan ng mga hayop ay sinusunog sa labas ng kampo. Gayundin naman, namatay si Jesus sa labas ng lungsod upang linisin niya ang tao sa kanilang kasalanan, sa pamamagitan ng kanyang dugo. Kaya't pumunta tayo sa kanya sa labas ng kampo at magtiis din ng kahirapang kanyang tiniis. Sapagkat hindi rito sa lupa ang tunay na lungsod natin, at ang hinahanap natin ay ang lungsod na darating. [Kaya't] lagi tayong mag-alay ng papuri bilang handog sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus, papuring mula sa ating mga labi na nagpapahayag ng ating pagkilala sa kanyang pangalan. At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa kapwa, sapagkat iyan ang alay na kinalulugdan ng Diyos. Pasakop kayo at sumunod sa mga namamahala sa inyo. Sila'y nangangalaga sa inyo, at mananagot sila sa Diyos sa gawaing ito. Kung sila'y susundin ninyo, magagalak sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin; kung hindi, sila'y mamimighati, at hindi ito makakabuti sa inyo. Ipanalangin ninyo kami. Nakakatiyak kaming malinis ang aming budhi at hinahangad naming mabuhay nang matuwid sa lahat ng panahon. Higit sa lahat, hinihiling kong ipanalangin ninyo na ako'y makabalik agad sa inyo. Palaging maging bukás ang inyong mga tahanan para sa mga taga-ibang bayan. May ilang tao noon na nakapagpatulóy ng mga anghel, lingid sa kanilang kaalaman.
Sinabi ni Jesus, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pagbawalan sapagkat ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng langit.”
Ngunit ang pag-ibig ni Yahweh ay tunay na walang hanggan, sa sinuman na sa kanya'y may takot at pagmamahal; ang matuwid niyang gawa ay wala ring katapusan. At ang magtatamo nito'y ang tapat sa kasunduan, at tapat na sumusunod sa bigay na kautusan.
Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa mabuti kasama ang mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.
Mga susunod na salinlahi'y maglilingkod sa kanya, ang tungkol sa Panginoon ay ipahahayag nila. Maging ang mga di pa isinisilang ay babalitaan, “Iniligtas ni Yahweh ang kanyang bayan.”
Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit.”