Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


102 Mga talata sa Bibliya tungkol sa pangangalunya At Diborsyo

102 Mga talata sa Bibliya tungkol sa pangangalunya At Diborsyo

Nakakalungkot isipin, pero parang normal na lang ang pagtataksil ngayon. Ang sakit isipin na parang nawawala na ang respeto at katapatan sa isa’t isa. Parang sinasabi ng mundo na luma na ang pagiging tapat, pero alam mo, nakakalungkot ito sa Diyos.

Sa panahon ngayon na puno ng pagsubok, ang pagiging malapit sa Espiritu Santo lang ang magbibigay sa atin ng lakas para malabanan ang tukso at mga atake ng kaaway. Ang pagtataksil ay kasalanan hindi lang sa Diyos kundi pati na rin sa iyong karelasyon at kay Jesus.

Ingatan natin ang ating puso, mata, at tainga. Lumayo tayo sa mga bagay na maglalayo sa atin sa Diyos. Kung nahihirapan ka at natutukso, huwag kang mahiyang humingi ng tulong.

Ang sabi sa Biblia[a], ang kasal ay hanggang kamatayan, hindi hanggang sa may mangaliwa o dahil sa plano ng diyablo. Kaya kung natutukso ka, lumapit ka agad sa Diyos. Humingi ka ng tawad at humingi ka ng tulong sa mga taong may malalim na pananampalataya na maaaring magdasal para sa iyo.

Doon mo mararamdaman ang kapangyarihan ng Espiritu Santo na makapagliligtas sa buhay mo at sa relasyon mo.

[a] Mateo 19:6


Mateo 5:27-28

“Narinig ninyong sinabi, ‘Huwag kang mangangalunya.’ Ngunit sinasabi ko sa inyo, ang sinumang tumingin sa isang babae nang may pagnanasa ay nangangalunya na sa babaing iyon sa kanyang puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:32

Ngunit ang nangangalunya ay isang taong mangmang, sinisira ang sarili, buhay niya at pangalan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:9

Ito ang sinasabi ko sa inyo, sinumang lalaking humiwalay sa kanyang asawa, maliban kung ang asawa niya'y nakikiapid, [itinutulak niya ang kanyang asawa na mangalunya] at siya'y mag-asawa ng iba ay nagkakasala ng pangangalunya [at ang mag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nagkakasala rin ng pangangalunya].”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:19

Hindi maikakaila ang mga gawa ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 4:4

Mga taksil! Hindi ba ninyo alam na kapag nakipagkaibigan kayo sa sanlibutan ay kinakaaway naman ninyo ang Diyos? Ang sinumang nagnanais na maging kaibigan ng sanlibutan ay nagiging kaaway ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 5:3-5

Pagkat labi ng haliparot ay sintamis nitong pulot, at ang kanyang mga halik, kasiyahan nga ang dulot. Ngunit pagkatapos mong magpasasa sa alindog, hapdi, kirot ang kapalit ng kaunti niyang lugod. Ang kanyang mga hakbang ay tungo sa kamatayan, daigdig ng mga patay, ang landas na hahantungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 15:19

Sapagkat sa puso nanggagaling ang masasamang kaisipan, pagpatay, pangangalunya, pakikiapid, pagnanakaw, pagiging saksi para sa kasinungalingan, at paninirang-puri.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Marcos 10:11-12

Sinabi niya sa kanila, “Kapag hiniwalayan ng isang lalaki ang kanyang asawa at mag-asawa ng iba, siya ay nagkakasala ng pangangalunya sa kanyang asawa. Gayon din naman, ang babaing humiwalay sa kanyang asawa at mag-asawa ng iba ay nagkakasala rin ng pangangalunya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 7:25-27

Huwag mo ngang hahayaang ang puso mo ay maakit, ng babaing ang tuntunin ay landasing nakalihis, sapagkat marami na ang kanyang naipahamak, at hindi na mabibilang, nabuwal sa kanyang yapak. Sa bahay niya'y nagmumula ang landas ng kasawian, tiyak na patungo sa malagim na kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 51:10-11

Isang pusong tapat sa aki'y likhain, bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin. Sa iyong harapa'y huwag akong alisin; iyong banal na Espiritu'y paghariin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 7:26

Natuklasan ko ang isang bagay na mas mapait kaysa kamatayan: ito'y walang iba kundi ang babae. Ang kanyang pag-ibig ay tulad ng bitag, at ang kanyang mga bisig ay tulad ng tanikala. Ang taong matuwid ay nakakaiwas rito ngunit naaalipin ang mga masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 5:7-8

Ang tanong nga ni Yahweh: “Bakit ko kayo patatawarin? Nagtaksil sa akin ang iyong mga anak at sumamba sa mga diyus-diyosan. Pinakain ko kayo hanggang sa mabusog, ngunit nangalunya pa rin kayo, at ginugol ang panahon sa babaing bayaran. Tulad nila'y mga lalaking kabayo, nagpupumiglas dahil sa matinding pagnanasa sa asawa ng iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 2:2

Kapag nagustuhan nila ang lupa ng may-lupa, kinakamkam nila ito. Inaapi nila ang mga tao sa pamamagitan ng pandaraya upang maalipin nila ang pamilya ng mga ito at masamsam ang kanilang mga ari-arian.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:37

Ilayo mo ang pansin ko sa bagay na walang saysay; at ayon sa pangako mo'y pagpalain akong tunay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:4-6

Sumagot si Jesus, “Hindi ba ninyo nabasa na sa pasimula'y nilalang ng Diyos ang tao na lalaki at babae? At siya rin ang nagsabi, ‘Dahil dito'y iiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina, at magsasama sila ng kanyang asawa at sila'y magiging isa.’ Hindi na sila dalawa kundi iisa, kaya't ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 7:2-3

Halimbawa, ayon sa Kautusan, ang isang babae ay nasasakop ng kanyang asawa habang nabubuhay ito. Subalit kung mamatay na ang lalaki, malaya na ang babae sa batas na nagtatali sa kanya sa lalaking iyon. Kung ang ginagawa ko ay hindi ko nais, hindi na ako ang gumagawa nito kundi ang kasalanang naninirahan sa akin. Ito ang natuklasan ko: kapag nais kong gumawa ng mabuti, ang masama ay malapít sa akin. Sa kaibuturan ng aking puso, ako'y nalulugod sa Kautusan ng Diyos. Ngunit may ibang kapangyarihan sa mga bahagi ng aking katawan na salungat sa tuntunin ng aking isip; binibihag ako ng kapangyarihang ito sa kasalanang naninirahan sa aking katawan. Kay saklap ng aking kalagayan! Sino ang magliligtas sa akin mula sa katawang ito na nagdadala sa akin sa kamatayan? Wala nang iba pa kundi ang Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Panginoon! Salamat sa kanya! Ito nga ang kalagayan ko: sa pamamagitan ng aking isip, pinaglilingkuran ko ang Kautusan ng Diyos, ngunit sa pamamagitan ng aking katawang makalaman ay pinaglilingkuran ko ang tuntunin ng kasalanan. Kaya nga, siya'y magkakasala ng pangangalunya kung makikisama siya sa ibang lalaki habang nabubuhay ang kanyang asawa. Ngunit kung patay na ang kanyang asawa, malaya na siya sa batas na iyon, at mag-asawa man siya sa ibang lalaki, hindi siya nagkakasala ng pangangalunya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 73:27

Yaong hihiwalay sa iyo'y mamamatay, at ang nagtataksil wawasaking tunay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 16:32-34

O babaing mangangalunya, mas gusto mo pang pasiping sa iba kaysa iyong asawa. Ang mga lalaki'y nagbabayad sa mga babaing bayaran, ngunit iba ka. Ikaw pa ang nagbabayad sa sinumang gusto mong umangkin sa iyo para lamang magawâ mo ang iyong kahalayan. Kabaligtaran ka ng babaing bayaran. Hindi ikaw ang hinahanap, ikaw ang naghahanap. Hindi ka nagpabayad, ikaw pa ang nagbabayad. Grabe ka talaga.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 2:16-17

Malalayo ka sa babaing mahalay, at sa kanyang pang-aakit ay hindi ka maaakay. Siya ay babaing hindi tapat sa asawa; ang sumpaan sa altar ay binaliwala niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 2:15-16

Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay na nasa sanlibutan. Ang umiibig sa sanlibutan ay hindi umiibig sa Ama. Ang lahat ng nasa sanlibutan, ang pagnanasa ng laman, ang pagnanasa ng mga mata, at ang pagmamalaki sa buhay na ito ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa sanlibutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:155

Iyang mga masasama'y tiyak na di maliligtas, dahilan sa kautusang hindi nila ginaganap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 30:20

Ganito naman ang ginagawa ng asawang nagtataksil: makikipagtalik, pagkatapos ay magbibihis saka sasabihing wala siyang ginagawang masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 54:6

Israel, ang katulad mo'y asawang iniwan at ngayo'y nagdurusa, isang babaing maagang nag-asawa at pagkatapos ay itinakwil. Ngunit pinababalik ka ngayon ni Yahweh at sa iyo'y sinasabi,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:12

Kaya't mag-ingat ang sinumang nag-aakalang siya'y nakatayo, at baka siya mabuwal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:5

Kaya't patayin na ninyo ang mga pagnanasang makamundo: ang pakikiapid, karumihan, mahalay na simbuyo ng damdamin, masamang pagnanasa, at ang kasakiman na isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:7

Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili; hindi maaaring tuyain ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:13

Mamuhay tayo sa liwanag at huwag gugulin ang panahon sa magulong pagsasaya at paglalasing, kahalayan at kalaswaan, sa alitan at inggitan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:26

Ang payo ng kaibigang matuwid ay isang gabay, ngunit ang daan ng masama ay tungo sa pagkaligaw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 101:3

sa buhay kong ito ang gawang masama'y di ko tutulutan. Ang sinumang taong gawai'y masama, di ko sasamahan, di ko papansinin kung sinuman siyang ang Diyos ay kalaban.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:113

Ako'y galit sa sinumang sa iyo ay hindi tapat, ang tunay kong iniibig ay ang iyong mga batas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:14

Taglay ng masama'y pana at patalim, upang ang mahirap dustai't patayin, at ang mabubuti naman ay lipulin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:15

Huwag nawang mangyaring magdusa ang sinuman sa inyo dahil siya'y mamamatay-tao, magnanakaw, salarin o pakialamero.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 10:26

Matapos nating malaman at tanggapin ang katotohanan at sadyain pa rin nating magkasala, wala nang handog na maiaalay pa para sa ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:17

“Huwag mong pagnanasaang maangkin ang sambahayan ng iyong kapwa: ang kanyang asawa, mga alilang lalaki o babae, mga baka, asno o ang anumang pag-aari niya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 57:3

Halikayo, mga makasalanan upang hatulan. Wala kayong pagkakaiba sa mga mangkukulam, nangangalunya at babaing masasama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:20

pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot, pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 5:11

Ang tinutukoy ko na huwag ninyong papakisamahan ay ang nagsasabing sila'y Cristiano ngunit nakikiapid, sakim, sumasamba sa diyus-diyosan, nanlalait, naglalasing, at nagnanakaw. Ni huwag kayong makikisalo sa ganyang uri ng tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 50:16-17

Ang tanong ng Panginoon sa masama't mga buktot, “Bakit ninyo inuusal ang aking mga utos? Gayundin ang kasunduang hindi ninyo sinusunod? Kapag kayo ay tinutuwid, agad kayong napopoot, at ni ayaw na tanggapin ang aking mga utos;

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Eclesiastes 10:20

Ni sa isip ay huwag susumpain ang inyong hari, ni sa pag-iisa'y huwag hamakin ang mayayaman pagkat may pakpak ang balita at may tainga ang lupa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:3-9

May ilang Pariseong lumapit sa kanya na humanap ng maipaparatang sa kanya. Tanong nila, “Naaayon ba sa Kautusan na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa sa kahit anong dahilan?” Ngunit maraming nauuna na magiging huli, at maraming nahúhulí na mauuna.” Sumagot si Jesus, “Hindi ba ninyo nabasa na sa pasimula'y nilalang ng Diyos ang tao na lalaki at babae? At siya rin ang nagsabi, ‘Dahil dito'y iiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina, at magsasama sila ng kanyang asawa at sila'y magiging isa.’ Hindi na sila dalawa kundi iisa, kaya't ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.” Tinanong siya ng mga Pariseo, “Kung gayon, bakit iniutos ni Moises na bigyan ng lalaki ang kanyang asawa ng isang kasulatan ng paghihiwalay bago niya ito palayasin?” Sumagot si Jesus, “Ipinahintulot ni Moises na hiwalayan ninyo ang inyong asawa dahil sa katigasan ng inyong ulo. Subalit hindi ganoon sa pasimula. Ito ang sinasabi ko sa inyo, sinumang lalaking humiwalay sa kanyang asawa, maliban kung ang asawa niya'y nakikiapid, [itinutulak niya ang kanyang asawa na mangalunya] at siya'y mag-asawa ng iba ay nagkakasala ng pangangalunya [at ang mag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nagkakasala rin ng pangangalunya].”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 7:10-11

Sa mga may asawa, ito ang iniuutos ng Panginoon, hindi ako: huwag makipaghiwalay ang babae sa kanyang asawa. Ngunit kung siya'y hihiwalay, manatili siyang walang asawa, o kaya'y muling makipagkasundo sa kanyang asawa. At huwag din namang hihiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Malakias 2:16

“Nasusuklam ako sa pagpapalayas at paghihiwalay ng mga mag-asawa,” sabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. “Napopoot ako sa taong gumagawa ng kalupitan sa kanyang asawa. Kaya nga maging tapat kayo sa inyong asawa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 2:24

Ito ang dahilan kaya iniiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina, nagsasama sila ng kanyang asawa, at sila'y nagiging isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:6

Hindi na sila dalawa kundi iisa, kaya't ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:7

Kayo namang mga lalaki, unawain ninyo at pakitunguhang mabuti ang inyong asawa, sapagkat sila'y mas mahina. At sila'y kasama ninyong tatanggap ng buhay na kaloob ng Diyos. Gawin ninyo ito upang walang maging sagabal sa inyong mga panalangin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 127:1

Maliban nga na si Yahweh ang nagtatag nitong bahay, ang ginawa ng nagtayo ay wala ring kabuluhan; maliban nga na si Yahweh ang sa lunsod ay gumabay, ang pagmamasid ng bantay ay wala ring saysay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 145:20

Yaong umiibig sa kanya ng lubos ay iniingatan; ngunit ang masama'y wawasakin niya't walang mabubuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 30:5

Ang kanyang galit, ito'y panandalian, ngunit panghabang-buhay ang kanyang kabutihan. Sa buong magdamag, luha ma'y pumatak, pagsapit ng umaga, kapalit ay galak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 2:2-4

lubusin ninyo ang aking kagalakan; magkaroon kayo ng iisang kaisipan, mabuklod kayo sa iisang pag-ibig, at magkaisa kayo sa puso't diwa. Wala nang hihigit sa kanya sa pakikiisa sa aking damdamin at pagmamalasakit para sa inyong kapakanan. Ang inaatupag lamang ng iba ay ang sarili nilang kapakanan at hindi ang kay Jesu-Cristo. Kayo na rin ang nakakaalam sa katapatan ni Timoteo. Kasama ko siya sa pangangaral ng Magandang Balita. Tinulungan niya ako tulad ng pagtulong ng isang anak sa kanyang ama. Kaya, binabalak kong papuntahin siya riyan pagkatapos kong matiyak ang magiging kalagayan ko rito. Subalit ako'y umaasa, sa tulong ng Panginoon, na ako rin ay makakapunta riyan sa lalong madaling panahon. Inisip kong kailangan nang papuntahin diyan ang ating kapatid na si Epafrodito, na aking kamanggagawa at kapwa kawal ng Diyos na isinugo ninyo upang magdala ng inyong kaloob, at upang makatulong sa akin. Sabik na sabik na siya sa inyong lahat. Nag-aalala siya dahil nabalitaan ninyong nagkasakit siya. Totoong siya'y nagkasakit at muntik nang mamatay. Subalit kinahabagan siya ng Diyos, at hindi lamang siya kundi pati ako, upang huwag nang madagdagan pa ang aking kalungkutan. Kaya nga, nais kong makapunta na siya riyan sapagkat alam kong matutuwa kayong makita siyang muli. Sa gayon, mawawala na ang aking kalungkutan. Kaya, tanggapin ninyo siya nang buong galak bilang isang tunay na lingkod ng Panginoon. Igalang ninyo ang mga taong tulad niya. Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa pansariling layunin o pagyayabang; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili. Sapagkat muntik na siyang namatay alang-alang sa gawain para kay Cristo; itinaya niya ang kanyang buhay sa paglilingkod sa akin upang mapunuan ang hindi ninyo kayang gampanan. Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 31:14

Subalit sa iyo, Yahweh, ako'y nagtitiwala, ikaw ang aking Diyos na dakila!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:19

Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa, at huwag kayong maging malupit sa kanila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:31-32

“Sinabi rin naman, ‘Kapag makikipaghiwalay ang isang lalaki sa kanyang asawa, ito'y dapat niyang bigyan ng kasulatan ng paghihiwalay.’ Ngunit sinasabi ko sa inyo, kapag nakipaghiwalay ang isang lalaki sa kanyang asawa, maliban kung ito ay nakikiapid, itinutulak niya ang kanyang asawa sa pangangalunya, at sinumang makipag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nagkakasala rin ng pangangalunya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 7:12-15

Sa iba naman, ito ang sinasabi ko, ako ang nagsasabi at hindi ang Panginoon: kung ang isang lalaking mananampalataya ay may asawang di-mananampalataya at nais nitong patuloy na makisama sa kanya, huwag niya itong hiwalayan. Kung ang isang babaing sumasampalataya ay may asawang hindi sumasampalataya at nais ng lalaking magpatuloy ng pakikisama sa kanya, huwag siyang makipaghiwalay. Sapagkat ang lalaking hindi pa sumasampalataya ay itinatalaga sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang asawa, at ang babaing hindi pa sumasampalataya ay itinatalaga sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang asawa. Kung hindi gayon ay magiging marumi sa paningin ng Diyos ang kanilang mga anak; ngunit ang totoo, ang mga ito ay itinatalaga sa Diyos. Kung nais namang humiwalay ng asawang di-mananampalataya sa kanyang asawang sumasampalataya, hayaan ninyo siyang humiwalay. Sa gayong mga pagkakataon, ang naturang kapatid ay malaya. Tinawag kayo ng Diyos upang mamuhay nang mapayapa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:31

Gaya ng sinasabi sa kasulatan, “Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina at magsasama sila ng kanyang asawa; at silang dalawa ay magiging isa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:10

Magmahalan kayo bilang magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 5:18

Kaya nga ba't mahalin mo ang kabiyak ng iyong buhay, ang ligaya ay lasapin sa mabango niyang kandungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:4-5

Sumagot si Jesus, “Hindi ba ninyo nabasa na sa pasimula'y nilalang ng Diyos ang tao na lalaki at babae? At siya rin ang nagsabi, ‘Dahil dito'y iiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina, at magsasama sila ng kanyang asawa at sila'y magiging isa.’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 19:14

Nawa'y ang mga salita ko at kaisipan, kaluguran mo, Yahweh, manunubos ko at kanlungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:12

Sari-saring kaguluhan ang bunga ng kapootan, ngunit ang pag-ibig ay pumapawi sa lahat ng kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:17

Mas masarap ang isang plato ng gulay na inihaing may pag-ibig kaysa isang matabang baka na inihaing may galit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:22-23

Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ganito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 19:8

Sumagot si Jesus, “Ipinahintulot ni Moises na hiwalayan ninyo ang inyong asawa dahil sa katigasan ng inyong ulo. Subalit hindi ganoon sa pasimula.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:28

Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa mabuti kasama ang mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 1:9

Subalit kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 10:13

Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi nararanasan ng ibang tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipapahintulot na kayo'y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang makayanan ito at ng paraan upang malampasan ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Colosas 3:14

At higit sa lahat, taglayin ninyo ang pagmamahalan, na siyang nagbubuklod sa lahat sa ganap na pagkakaisa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 31:10-12

Mahirap makakita ng mabuting asawa, higit sa mamahaling alahas ang kanyang halaga. Lubos ang tiwala ng kanyang asawa, at saganang pakinabang ang makakamit niya. Pinaglilingkuran niya ang asawa habang sila'y nabubuhay, pawang kabutihan ang ginagawa at di kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 14:19

Kaya't lagi nating pagsikapang gawin ang mga bagay na makakapagdulot ng kapayapaan at makakapagpalakas sa isa't isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:7

“Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:5

Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya'y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay nang sagana at hindi nanunumbat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 18:22

Ang mabuting maybahay ay isang kayamanan; siya'y pagpapala na si Yahweh lang ang may bigay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 7:39

Ang babae ay nakatali sa kanyang asawa habang nabubuhay ito. Kapag namatay ang lalaki, ang babae ay malaya nang mag-asawa sa sinumang maibigan niya, ngunit dapat ay sa isa ring nananampalataya sa Panginoon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 15:13

Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Filipos 4:6-7

Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 119:176

Para akong isang tupa na nawala at nawalay, hanapin mo ang lingkod mo, ako ngayon ay lapitan, pagkat ako ay sumunod sa lahat mong kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 24:67

Pagkatapos, dinala ni Isaac si Rebeca sa tolda ni Sara na kanyang ina at ito'y naging asawa niya. Minahal ni Isaac si Rebeca at siyang naging kaaliwan niya sa pagkamatay ng kanyang ina.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 43:2

Kapag dumaan ka sa malalim na tubig, sasamahan kita; tumawid ka man sa mga ilog, hindi ka malulunod; dumaan ka man sa apoy, hindi ka masusunog, hindi ka matutupok.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:10

Ang umiibig ay hindi gumagawa ng masama kaninuman, kaya't ang pag-ibig ang katuparan ng Kautusan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:14

Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 6:7-8

Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili; hindi maaaring tuyain ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin. Ang nagtatanim para sa sarili niyang laman ay aani ng pagkabulok mula sa laman. Ngunit ang nagtatanim para sa Espiritu ay aani ng buhay na walang hanggan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 22:30

Sa muling pagkabuhay, ang mga tao'y hindi na mag-aasawa; sila ay magiging tulad ng mga anghel sa langit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Timoteo 4:1

Maliwanag ang sinasabi ng Espiritu na sa mga huling araw ay tatalikuran ng ilan ang pananampalataya. Susunod sila sa mga mapanlinlang na espiritu at sa mga katuruan ng mga demonyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 3:13

Makikilala ang uri ng gawa ng bawat isa sa Araw ng Paghuhukom sapagkat mahahayag sa pamamagitan ng apoy kung anong uri ang ginawa ng bawat isa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:4

Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo'y iyong makakamtan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:28

Dahil ayaw nilang kilalanin ang Diyos, hinayaan sila ng Diyos sa masasamang pag-iisip at sa mga gawaing kasuklam-suklam.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:3

Ipagkatiwala mo kay Yahweh ang iyong mga gagawin, at magtatagumpay ka sa lahat ng iyong mga layunin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 54:5

Sapagkat ang Lumalang sa iyo ay ang asawa mo, ang pangalan niya'y Yahweh na Makapangyarihan sa lahat. Ang tagapagligtas mo ay ang Banal na Diyos ng Israel, kung tawagin siya'y Diyos ng buong sanlibutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:32

Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 4:8

Higit sa lahat, magmahalan kayo nang tapat, sapagkat ang pagmamahal ay pumapawi ng maraming kasalanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Hebreo 13:4

Dapat ituring na marangal ng lahat ang pag-aasawa at maging tapat kayo sa isa't isa, sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga nakikiapid at nangangalunya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:32

Ngunit sinasabi ko sa inyo, kapag nakipaghiwalay ang isang lalaki sa kanyang asawa, maliban kung ito ay nakikiapid, itinutulak niya ang kanyang asawa sa pangangalunya, at sinumang makipag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nagkakasala rin ng pangangalunya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Lucas 16:18

“Kapag hiniwalayan ng isang lalaki ang kanyang asawa, at mag-asawa sa iba, siya ay nagkakasala ng pangangalunya, at ang mag-aasawa naman sa babaing hiniwalayan ay nagkakasala rin ng pangangalunya.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:26

Babaing masama'y maaangkin sa halaga ng tinapay, ngunit bunga'y kasamaan sa buo mong pamumuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Corinto 6:18

Iwasan ninyo ang imoralidad. Ang ibang kasalanang nagagawa ng tao ay hindi nakakasira sa katawan, ngunit ang gumagawa ng imoralidad ay nagkakasala laban sa sarili niyang katawan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:28

Ngunit sinasabi ko sa inyo, ang sinumang tumingin sa isang babae nang may pagnanasa ay nangangalunya na sa babaing iyon sa kanyang puso.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Exodus 20:14

“Huwag kang mangangalunya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Leviticus 18:20

Huwag ninyong durungisan ang inyong sarili sa pakikiapid sa asawa ng iba.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Deuteronomio 22:22

“Kapag ang isang lalaki'y nahuling kasiping ang asawa ng iba, pareho silang dapat patayin. Sa ganyang paraan ninyo aalisin ang ganitong uri ng kasamaan sa Israel.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 3:8

Nakita rin ng Juda nang pinalayas at hiwalayan ko ang Israel dahil sa pagtataksil sa akin at pagiging masamang babae. Ngunit hindi man lamang natakot ang taksil ding Juda. Naging masama rin siyang babae.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 16:26

Maraming ulit ka ring nagpaangkin sa Egipto, ang makasanlibutan mong kapit-bansa, kaya labis akong nagalit sa iyo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Dakila at makapangyarihang Diyos, walang hanggan ang iyong awa sa aking buhay! Sa iyo ko utang ang lahat, kaya sa iyong harapan, iniaalay ko ang aking puso upang igalang at purihin ka. Inaamin ko Panginoon, labis ang aking kalungkutan dahil sa pagtataksil ng aking asawa. Puspos ng galit at poot ang aking puso, tulungan mo akong patawarin siya upang mapatawad mo rin ako. Ikaw ang humubog sa amin at alam mo ang nilalaman ng aming mga puso, kaya't hinihiling ko na maawa ka sa aming pamilya at ibuhos mo ang iyong Banal na Espiritu sa aking asawa na nagkasala nang labis sa piling ng iba. Tulungan mo akong maging repleksyon ng iyong pag-ibig sa bawat sandaling kausap ko siya. Alam mo ang mangyayari, Panginoon, at nakita mo kami. Pagalingin mo ang aking mga sugat at ibalik mo ang aking relasyon sa iyo upang maibalik ko rin ang aking pakikipag-isa sa taong nanakit sa akin. Espiritu Santo, tulungan mo akong makita siya sa pamamagitan ng iyong mga mata, nang may pagmamahal, lambing, at katapatan. Bigyan mo ako ng karunungan upang makapagsalita at ng pusong handang makinig. Tinatalikuran ko ang paghihiganti, ang poot, ang selos, at ang alitan. Hesus, ikaw ay nagdusa ng walang dahilan, dinaya at pinagtaksilan, tulungan mo akong malampasan ang pagsubok na ito sa aking tahanan. Sapagkat ang iyong salita ay nagsasabi: “Layuan ninyo ang pakikiapid. Ang lahat ng ibang kasalanang ginagawa ng tao ay nasa labas ng katawan; ngunit ang gumagawa ng pakikiapid ay nagkakasala laban sa sarili niyang katawan.” Mahal na Diyos, ingatan mo ang aking puso sa iyong ligtas na kanlungan upang hindi ito masira ng mga tukso ni satanas o ng mga gawa ng tao. Ilayo mo ako sa taong mapanlinlang at sa taong taksil. Sa ngalan ni Hesus. Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas