Biblia Todo Logo
Mga Talata sa Bibliya
- Mga patalastas -


116 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Kasamaan

116 Mga talata sa Bibliya tungkol sa Kasamaan

Sabi nga sa Salmo 5:4, “Sapagkat ikaw ay hindi Diyos na nalulugod sa kasamaan; ang masama ay hindi mananahan sa iyo.” Napakahalagang pagnilayan natin ang salita ng Diyos. Dito natin makikita ang gabay sa araw-araw nating pamumuhay.

Kung gusto nating maging maayos ang ating buhay, kailangan nating sundin ang mga utos at mga itinakda ng Panginoon sa Biblia para sa atin. Kaya, layuan natin ang anumang hindi tama sa Kanyang paningin. Ituwid natin ang ating mga landas at hayaan nating ang Kanyang tinig ang gumabay sa atin patungo sa Kanyang katotohanan.

Tinatanggihan Niya ang kasamaan ng tao, kaya sikapin nating buong puso na huwag magkaroon ng kahit anong bahid ng kasamaan sa ating sarili. Sa halip, makipag-ayos tayo sa Diyos at pagsisihan ang ating mga kasalanan. Dahil ang Kanyang awa ay handang iligtas ang ating kaluluwa, linisin at ipanumbalik tayo upang tayo ay mamuhay nang may kabutihan at maging kalugud-lugod sa Kanyang harapan.


Mga Awit 5:4

Ikaw ay Diyos na di nalulugod sa kasamaan, mga maling gawain, di mo pinapayagan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 4:14

Ang daan ng kasamaan ay huwag mong lalakaran, at ang buhay ng masama, huwag mo ngang tutularan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:16-19

Ang kinamumuhian ni Yahweh ay pitong bagay, mga bagay na kanyang kinasusuklaman: kapalaluan, kasinungalingan, at mga pumapatay sa walang kasalanan, pusong sa kapwa'y walang mabuting isipan, mga paang ubod tulin sa landas ng kasamaan, saksing sinungaling, mapaglubid ng buhangin, pag-awayin ang kapwa, laging gusto niyang gawin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 7:9

Ikaw ay isang Diyos na matuwid, batid mo ang aming damdamin at pag-iisip; sugpuin mo ang gawain ng masasama, at ang mabubuti'y bigyan mo ng gantimpala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 4:14-15

Ang daan ng kasamaan ay huwag mong lalakaran, at ang buhay ng masama, huwag mo ngang tutularan. Kasamaa'y iwasan mo, ni huwag lalapitan, bagkus nga ay talikuran mo, tuntunin ang tamang daan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 2:1

Kakila-kilabot ang mangyayari sa mga hindi na natutulog dahil sa pagbabalak ng kasamaan at maagang bumabangon upang agad itong isagawa sa sandaling magkaroon ng pagkakataon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 5:20

Kawawa kayo, mga baligtad ang isip! Ang mabuting gawa ay minamasama, at minamabuti naman iyong masama, ang kaliwanaga'y ginagawang kadiliman at ang kadilima'y itinuturing na kaliwanagan. Sa lasang mapait ang sabi'y matamis, sa lasang matamis ang sabi'y mapait.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:21

Huwag kayong magpadaig sa masama, kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 64:2

ipagtanggol ako sa mga pakana't lihim na sabwatan, niyong mga pangkat na ang binabalak pawang kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 4:17

Ang kanilang kinakain ay buhat sa kasamaan, ang kanilang iniinom ay bunga ng karahasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 5:4-5

Ikaw ay Diyos na di nalulugod sa kasamaan, mga maling gawain, di mo pinapayagan. Ang mga palalo'y di makakatagal sa iyong harapan, mga gumagawa ng kasamaa'y iyong kinasusuklaman.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Zacarias 5:8

Sinabi sa akin ng anghel, “Iyan si Kasamaan.” At itinulak niya ito pabalik sa loob ng kaing at muling sinarhan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 15:19-20

Sapagkat sa puso nanggagaling ang masasamang kaisipan, pagpatay, pangangalunya, pakikiapid, pagnanakaw, pagiging saksi para sa kasinungalingan, at paninirang-puri. “Bakit nilalabag ng mga alagad mo ang mga katuruang minana natin sa ating mga ninuno? Kumakain sila nang hindi muna naghuhugas ng kamay ayon sa tamang paraan!” Iyan ang nagpaparumi sa tao sa paningin ng Diyos. Hindi nagiging marumi ang isang tao kung siya man ay kumain nang hindi muna naghuhugas ng kamay.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 10:15

Mga braso ng masasama'y iyong baliin, parusahan mo sila't kasamaa'y sugpuin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 1:29-32

Naging alipin sila ng lahat ng uri ng kasamaan, kabuktutan, kasakiman, maruruming pag-iisip, pagkainggit, pagpaslang, pagtatalo, pandaraya at masasamang hangarin. Sila'y naging mahilig sa tsismis, ay tungkol sa kanyang Anak, ang ating Panginoong Jesu-Cristo. Tungkol sa kanyang pagiging tao, siya'y ipinanganak mula sa lahi ni David; subalit tungkol sa kanyang pagka-Diyos, pinatunayan ng Banal na Espiritu na siya ay Anak ng Diyos sa pamamagitan ng isang makapangyarihang gawa, ang kanyang muling pagkabuhay. mapanirang puri, nasusuklam sa Diyos, walang pakundangan, mapagmataas, mayayabang, mapagkatha ng kasamaan, at suwail sa magulang. Sila'y naging mga hangal, mga taksil, mga walang puso, at di-marunong lumingap sa kapwa. Nalalaman nila ang utos ng Diyos na karapat-dapat sa parusang kamatayan ang mga gumagawa nito. Gayunman, hindi lamang patuloy sila sa paggawa nito kundi sumasang-ayon pa sila sa mga gumagawa rin ng mga ito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:21

Ngunit ang masama, ay kasamaan din sa taglay na buhay ang siyang kikitil.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:29-30

Si Yahweh ay kanlungan ng mga taong matuwid, ngunit kaaway sila ng taong masama ang hilig. Ang matuwid ay binibigyan ni Yahweh ng kasiyahan, ngunit ang masama'y kanyang ginugutom naman. Ang matuwid ay mananatili sa kanyang dako, ngunit ang masama, kung saan-saan matutungo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 35:8

Kung nagkakasala ka'y kapwa mo ang nagdurusa, sa paggawa ng mabuti'y natutulungan mo sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 94:23

Sa masamang gawa nila ay Diyos ang gaganti, lilipulin niyang lahat, pagkat sila'y di mabuti; ang wawasak sa kanila ay ang Diyos na si Yahweh.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 25:5

Kapag ang masamang tagapayo'y naalis sa paligid ng hari, ang katarungan ang mamamalagi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 48:22

Ang sabi ni Yahweh, “Walang kapayapaan ang mga makasalanan!”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 37:1-2

Huwag kang mabalisa dahil sa masama; huwag mong kainggitan liko nilang gawa. Hindi magtatagal, sila'y mapaparam, kahit hanapin mo'y di masusumpungan. Tatamuhin ng mga mapagpakumbaba, ang lupang pangako na kanyang pamana; at sa lupang iyon na napakasagana, ang kapayapaa'y matatanggap nila. Ang taong masama'y laban sa matuwid, napopoot siyang ngipi'y nagngangalit. Si Yahweh'y natatawa lang sa masama, pagkat araw nila lahat ay bilang na. Taglay ng masama'y pana at patalim, upang ang mahirap dustai't patayin, at ang mabubuti naman ay lipulin. Ngunit sa sariling tabak mamamatay, pawang mawawasak pana nilang taglay. Higit na mabuti ang may kakaunti ngunit matuwid at walang kinakanti, kaysa kayamanan nitong masasama, pagsamahin mang lahat, ito'y balewala. Lakas ng masama ay aalisin, ngunit ang matuwid ay kakalingain. Iingatan ni Yahweh ang taong masunurin, ang lupang minana'y di na babawiin. Kahit na sumapit ang paghihikahos, di daranasin ang pagdarahop. Katulad ng damo, sila'y malalanta, tulad ng halaman, matutuyo sila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 15:21

Ililigtas kita sa kamay ng masasama at iingatan laban sa mararahas.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Ezekiel 3:19

Subalit kapag binigyan mo sila ng babala, at hindi sila nagsisi sa kanilang kasamaan, mamamatay nga sila dahil sa kanilang mga kasalanan; ngunit hindi mo iyon pananagutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 59:2-4

Ang masasama ninyong gawa ang dahilan ng pagkawalay ninyo sa Diyos. Nagkasala kayo kaya hindi ninyo siya makita, at hindi niya kayo marinig. Sinabi ni Yahweh sa kanyang bayan, “Pupunta ako sa Zion upang tubusin ang mga taong mula sa lahi ni Jacob na magsisisi sa kanilang kasalanan. Ito ang aking kasunduan sa inyo,” sabi ni Yahweh. “Ibinigay ko na ang aking kapangyarihan at mga katuruan upang sumainyo magpakailanman. Mula ngayon ay susundin ninyo ako at tuturuan ang inyong mga anak at salinlahi na sumunod sa akin sa buong panahong darating.” Natigmak sa dugo ang inyong mga kamay, ang inyong mga daliri'y sanhi ng katiwalian. Ang inyong mga labi ay puno ng kasinungalingan; ang sinasabi ng inyong mga dila ay pawang kasamaan. Hindi makatarungan ang inyong pagsasakdal sa hukuman; hindi rin matapat ang hatol ng inyong mga hukom. Ang inyong batayan ay hindi tamang pangangatuwiran, at ang pananalita ninyo'y pawang kasinungalingan. Ang iniisip ninyo'y pawang kaguluhan na nagiging sanhi ng maraming kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 5:11

Huwag kayong makibahagi sa mga gawain ng kadiliman na walang ibinubungang mabuti. Sa halip ay ibunyag ninyo ang mga iyon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Genesis 6:5

Nakita ni Yahweh na laganap na ang kasamaan ng tao sa daigdig, at puro kasamaan na lamang ang palaging nasa isip nito.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Galacia 5:19-21

Hindi maikakaila ang mga gawa ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan; Akong si Pablo ang nagsasabi sa inyo, kapag nagpatuli kayo, binabaliwala ninyo si Cristo. pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot, pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi, pagkainggit, [pagpatay] paglalasing, walang habas na pagsasaya, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 4:16

Sila'y hindi makatulog kapag di nakagawa ng masama, at hindi matahimik kapag nasa'y di nagawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:18

pusong sa kapwa'y walang mabuting isipan, mga paang ubod tulin sa landas ng kasamaan,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Timoteo 3:1-5

Dapat mong malaman na sa mga huling araw ay darating ang mga panahon ng kaguluhan. Ngunit sinunod mo ang aking itinuro sa iyo, ang aking ugali at layunin sa buhay. Tinularan mo ang aking pananampalataya, pagtitiyaga, pag-ibig at katapatan. Nasaksihan mo ang mga pag-uusig at paghihirap na dinanas ko sa Antioquia, Iconio at Listra. Napagtiisan ko ang mga ito! At sa lahat ng ito ay iniligtas ako ng Panginoon. Gayundin naman, ang lahat ng nagnanais mamuhay nang matuwid bilang tagasunod ni Cristo Jesus ay daranas ng mga pag-uusig, samantalang ang masasama ay lalo namang magpapakasama, at ang manlilinlang ay patuloy na manlilinlang at sila man ay malilinlang din. Ngunit ikaw, magpatuloy ka sa mga aral na natutunan mo at matibay mong pinaniwalaan, sapagkat kilala mo ang mga nagturo nito sa iyo. Mula pa sa pagkabata alam mo na ang Banal na Kasulatan, na may kapangyarihang magbigay sa iyo ng karunungan tungo sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at kapaki-pakinabang sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagsaway sa kamalian, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, upang ang lingkod ng Diyos ay maging ganap at handa sa lahat ng mabubuting gawain. Sapagkat ang mga tao'y magiging maibigin sa sarili, maibigin sa salapi, palalo, mapagmataas, mapagsamantala, suwail sa magulang, walang utang na loob at lapastangan sa Diyos. Sila'y magiging walang pagmamahal sa kapwa, walang habag, mapanirang-puri, walang pagpipigil sa sarili, marahas, at walang pagpapahalaga sa mabuti. Sila'y magiging mga taksil, padalus-dalos, mayayabang, maibigin sa kalayawan sa halip na maibigin sa Diyos. Sila'y may anyo ng pagiging maka-Diyos, ngunit hindi naman nakikita ang kapangyarihan nito sa kanilang pamumuhay. Iwasan mo ang ganyang uri ng mga tao.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:12

Ang mga mata ng Panginoon, sa matuwid nakatuon, ang kanilang panalangin ay kanyang pinakikinggan, ngunit ang masasama ay kanyang sinasalungat.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 17:9

“Sino ang makakaunawa sa puso ng tao? Ito'y mandaraya at walang katulad; wala nang lunas ang kanyang kabulukan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 94:16-17

Sino kaya'ng kakampi ko sa pagbaka sa masama? Sino ngayon ang babaka sa masama nilang gawa? O Yahweh, kung ako nga ay hindi mo tinulungan, akin sanang kaluluwa'y naroon na sa libingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:12

Namamaalam na ang gabi at malapit nang lumiwanag. Layuan na natin ang lahat ng masasamang gawain at italaga natin ang sarili sa paggawa ng mabuti.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:21

Ang taong masama'y di makakaligtas sa kaparusahan, ngunit hindi maaano ang nabubuhay sa katuwiran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 3:8

Ang nagpapatuloy sa pagkakasala ay kampon ng diyablo, sapagkat sa simula pa'y nagkakasala na ang diyablo. Kaya't naparito ang Anak ng Diyos upang wasakin ang mga gawa ng diyablo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 9:17

Sa daigdig ng mga patay doon sila matatapos, pati ang lahat ng bansang nagtakwil sa Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:10

Ang isip ng masama'y lagi sa kalikuan, kahit na kanino'y walang pakundangan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 11:5

Ang mabuti at masama ay kanyang sinusuri; sa taong suwail siya'y lubos na namumuhi.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:17-18

Mabuti ang bunga ng mabuting puno, subalit masama ang bunga ng masamang puno. Hindi maaaring mamunga ng masama ang mabuting puno at hindi maaaring mamunga ng mabuti ang masamang puno.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:29

Pinapakinggan ni Yahweh ang daing ng matuwid, ngunit ang panawagan ng masama ay hindi dinirinig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 13:11

“Paparusahan ko ang daigdig dahil sa kasamaan nito, at ang masasama dahil sa kanilang kasalanan; wawakasan ko na ang pagmamataas ng mga palalo, at puputulin ko na ang kayabangan ng mga walang awa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 24:19-20

Huwag kang maiinggit sa mga gumagawa ng masama ni tutulad sa kanilang mga gawa. Ang nasa isip nila'y laging kaguluhan, at ang dila nila'y puno ng kasinungalingan. Ang masama ay walang kinabukasan, walang inaasahan sa hinaharap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 1:5-6

Sa araw ng paghuhukom, parusa niya'y nakalaan siya'y ihihiwalay sa grupo ng mga banal. Sa taong matuwid, si Yahweh ang pumapatnubay, ngunit ang taong masama, kapahamakan ang hantungan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:21

Ang kasamaang-palad ay malayo sa matuwid, ngunit ang buhay ng masama ay puno ng ligalig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 55:7

Dapat nang talikuran ang mga gawain ng taong masama, at dapat magbago ng pag-iisip ang taong liko. Sila'y dapat manumbalik, at lumapit kay Yahweh upang kahabagan; at mula sa Diyos, makakamit nila ang kapatawaran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:31

Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, poot at galit; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdamin ng kapwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:6

Ang matuwid ay mag-aani ng pagpapala't kabutihan, ngunit ang bibig ng masama ay nagtatakip ng karahasan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 13:41-42

Ipag-uutos ng Anak ng Tao sa kanyang mga anghel na tipunin nila mula sa kanyang kaharian ang lahat ng nagiging sanhi ng pagkakasala at ang lahat ng gumagawa ng masama. Ihahagis nila ang mga ito sa lumalagablab na pugon at doon ay mananangis sila at magngangalit ang kanilang mga ngipin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 6:12-15

Taong walang kuwenta at taong masama, kasinungalingan, kanyang dala-dala. Ang mata ay ikikindat o kaya'y ipipikit, ikukumpas pa ang kamay upang ikaw ay maakit. Ngunit sa sarili ay may masamang iniisip, ang lagi niyang nais ay manggulo sa paligid. Dahil dito, kapahamakan niya'y biglang darating, sa sugat na tatamuhi'y hindi na nga siya gagaling.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 14:1-3

“Wala namang Diyos!” ang sabi ng hangal sa kanyang sarili. Silang lahat ay masasama, kakila-kilabot ang kanilang mga gawa; walang gumagawa ng mabuti, wala nga, wala! Nagmamasid si Yahweh mula sa itaas, sangkatauha'y kanyang sinisiyasat; tinitingnan kung may taong marunong pa, na sa kanya'y gumagalang at sumasamba. Silang lahat ay naligaw ng landas, at naging masasama silang lahat; walang gumagawa sa kanila ng tama, wala ni isa man, wala nga, wala!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:16

Sa mga masasama, siya'y tumatalikod, at sa alaala, sila'y mawawala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 32:6

Ang sinasabi ng mangmang ay puro kamangmangan, at puro kasamaan ang kanyang iniisip; paglapastangan kay Yahweh ang ginagawa niya't sinasabi. Minsan ma'y hindi siya nagpakain ng nagugutom o nagpainom ng nauuhaw.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:29

Tinutukso ng taong liko ang kanyang kapwa, at ibinubuyo sa landas na masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 16:17-18

Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo: mag-ingat kayo sa mga pasimuno ng mga pagkakampi-kampi at sanhi ng pagtalikod dahil sa pagsalungat nila sa aral na tinanggap ninyo. Iwasan ninyo sila. Ang mga taong gayon ay hindi naglilingkod kay Cristo na Panginoon natin, kundi sa pansariling hangarin. Inililigaw nila ang mga may mahinang pag-iisip sa pamamagitan ng kaakit-akit at matatamis na pangungusap.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:6

Katapatan kay Yahweh, bunga ay kapatawaran, ang sa kanya'y gumagalang at sumusunod, malayo sa kasamaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Job 8:20-22

“Hindi pababayaan ng Diyos ang mabuting tao, ngunit sa masama'y hindi siya sasaklolo. Patatawanin ka niya at pasisigawin sa tuwa, ngunit ang mga kaaway mo'y kanyang ipapahiya, at ang tahanan ng masasama ay ganap na mawawala.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 140:1-2

Sa mga masama ako ay iligtas, iligtas mo, Yahweh, sa mga marahas; Bagsakan mo sila ng apoy na baga, itapon sa hukay nang di makaalsa. At ang mga taong gawai'y mangutya, huwag pagtagumpayin sa kanilang nasa; ang marahas nama'y bayaang mapuksa. Batid ko, O Yahweh, iyong papanigan ang mga mahirap, upang isanggalang, at pananatilihin ang katarungan. Ang mga matuwid magpupuring tunay, ika'y pupurihi't sa iyo mananahan! sila'y nagpaplano at kanilang hangad palaging mag-away, magkagulo lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 12:20

Ang nagbabalak ng masama ay mag-aani ng kapahamakan, ngunit ang nag-iisip ng mabuti'y magtatamo ng kagalakan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 59:7-8

Mabilis ang kanilang paa sa paggawa ng masama, nagmamadali sila sa pagpatay ng mga walang sala; pawang kasamaan ang kanilang iniisip. Bakas ng pagkawasak ang kanilang iniiwan sa kanilang malalawak na lansangan. Hindi nila alam ang landas patungo sa kapayapaan, wala silang patnubay ng katarungan; liku-likong landas ang kanilang ginagawa; ang nagdaraan doo'y walang kapayapaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 24:1-2

Huwag mong kainggitan ang mga makasalanan ni sa kanila'y makipagkaibigan. Kung hindi ka makatagal sa panahon ng kahirapan ay nangangahulugan ngang ikaw ay mahina. Tulungan mo at iligtas ang hinatulang mamatay nang walang katarungan. Kapag sinabi mong, “Wala akong pakialam sa taong iyan,” ito'y hindi maikakaila sa Diyos na nakakaalam ng laman ng iyong puso. Alam ito ng Diyos na nakatunghay sa iyo. Pagbabayarin niya ang tao ayon sa ginawa nito. Anak, uminom ka ng pulot-pukyutan at ito'y makakabuti sa iyo. Kung ang pulot-pukyutan ay masarap sa panlasa, ang karunungan naman ay mabuti sa kaluluwa. Kaya, hanapin mo ang kaalaman at magkakaroon ka ng magandang kinabukasan. Ang tahanan ng matuwid ay huwag mong pag-isipang pagnakawan, ni gagawan ng dahas ang kanyang tinitirhan, sapagkat siya'y makatatayong muli mabuwal man ng pitong ulit. Ngunit ang masama ay dagling nababagsak sa panahon ng kahirapan. Huwag mong ikagalak ang pagbagsak ng iyong kaaway ni ang kanyang kapahamakan. Kapag ginawa mo iyon, magagalit sa iyo si Yahweh at sila'y hindi na niya paparusahan. Huwag kang maiinggit sa mga gumagawa ng masama ni tutulad sa kanilang mga gawa. Ang nasa isip nila'y laging kaguluhan, at ang dila nila'y puno ng kasinungalingan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 36:1-4

Kasalana'y nangungusap sa puso ng masasama, sa kaibuturan ng puso doon ito nagwiwika; tumatanggi sa Diyos at ni takot ito'y wala. Patuloy mong kalingain ang sa iyo'y umiibig, patuloy mong pagpalain ang may buhay na matuwid. Ang palalo'y huwag tulutan na ako ay salakayin, o ang mga masasamang gusto akong palayasin. Lahat silang masasama'y masdan ninyo at nagupo! Sa kanilang binagsakan, hindi sila makatayo. Ang palagay sa sarili, siya'y isang dakila na; ang akala'y hindi batid ni Yahweh ang kanyang sala, kaya't kanyang iniisip, hindi siya magdurusa. Kung mangusap ay masama at ubod nang sinungaling; dahop na ang karunungan sa paggawa ng magaling. Masama ang binabalak samantalang nahihimlay, masama rin ang ugali, at isa pang kasamaa'y ang laging inaakap ay gawaing mahahalay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 26:24-26

Ang tunay na damdamin ng mapagkunwari ay maitatago sa salitang mainam. Matamis pakinggan ngunit huwag paniwalaan sapagkat iyon ay bunga ng kanyang pagkasuklam. Maaaring ang galit niya'y maitago sa magandang paraan ngunit nalalantad din sa mata ng lahat.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 101:3-4

sa buhay kong ito ang gawang masama'y di ko tutulutan. Ang sinumang taong gawai'y masama, di ko sasamahan, di ko papansinin kung sinuman siyang ang Diyos ay kalaban. Aking sisikapin na ang masunod ko'y ang gawaing tapat; maging sa isipan di ko iisipin ang gawang di tumpak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 1:16-17

Linisin ninyo ang inyong sarili at magbalik-loob sa akin; sa aking harapan, kasamaan ninyo'y inyong tigilan. Pag-aralan ninyong gumawa ng makatuwiran; pairalin ang katarungan; tulungan ang naaapi; ipagtanggol ninyo ang mga ulila, at tulungan ang mga biyuda.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 6:12

Sapagkat hindi tayo nakikipaglaban sa mga tao, kundi sa mga pinuno, sa mga maykapangyarihan, sa mga tagapamahala ng kadilimang umiiral sa sanlibutang ito, sa mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 11:5

Mas panatag ang landas ng tapat ang pamumuhay, ngunit nabubuwal ang masama sa sariling kabuktutan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 5:8

Maging handa kayo at magbantay. Ang diyablo, ang kaaway ninyo, ay parang leong umuungal at aali-aligid na naghahanap ng malalapa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 139:23-24

O Diyos, ako'y siyasatin, alamin ang aking isip, subukin mo ako ngayon, kung ano ang aking nais; kung ako ay hindi tapat, ito'y iyong nababatid, sa buhay na walang hanggan, samahan mo at ihatid.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:15

Kapag umiiral ang katarungan, natutuwa ang matuwid, ngunit nalulungkot ang masama at may likong pag-iisip.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 3:11

At sa masasamang tao: “Kawawa naman kayo! Ang sasapitin ninyo'y kapahamakan, kung ano ang inyong inutang ay siya ring kabayaran, kung ano ang inyong ginawa, gayundin ang gagawin sa inyo.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 7:24

Ngunit hindi sila sumunod; ayaw nilang makinig sa akin. Sa halip, ginawa nila ang bawat maibigan at lalo pa silang nagpakasama, sa halip na magpakabuti.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 125:5

Ngunit ang masama, sa kanilang hilig iyong parusahan, parusahan sila, dahil sa di wasto nilang pamumuhay. Kapayapaan para sa Israel!

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 34:15

Mga mata ni Yahweh, sa mat'wid nakatuon, sa kanilang pagdaing, lagi siyang tumutugon.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Micas 2:1-2

Kakila-kilabot ang mangyayari sa mga hindi na natutulog dahil sa pagbabalak ng kasamaan at maagang bumabangon upang agad itong isagawa sa sandaling magkaroon ng pagkakataon. Maghanda kayo at umalis dito; hindi na ligtas ang dakong ito para sa inyo. Sinumpa na ng inyong mga kasalanan ang dakong ito at ito'y wawasakin. “Ang gusto nilang propeta ay iyong nagpapahayag ng kasinungalingan at pandaraya at nagsasabing, ‘Sasagana kayo sa alak.’ “Gayunman, darating ang panahon na kayong mga naiwan sa Israel ay titipunin ko. Pagsasama-samahin ko kayo, tulad ng mga tupa sa kawan. Gaya ng pastulang puno ng mga tupa, ang inyong lupain ay mapupuno ng mga tao.” Magbubukas ang Diyos ng daan para sa kanila at palalayain sila mula sa pagkabihag. Magtatakbuhan silang palabas sa mga pintuang lunsod at magiging malaya. Si Yahweh mismo na kanilang hari ang sa kanila'y mangunguna. Kapag nagustuhan nila ang lupa ng may-lupa, kinakamkam nila ito. Inaapi nila ang mga tao sa pamamagitan ng pandaraya upang maalipin nila ang pamilya ng mga ito at masamsam ang kanilang mga ari-arian.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Santiago 1:13-15

Huwag sabihin ninuman na tinutukso siya ng Diyos kapag siya'y dumaranas ng pagsubok, sapagkat ang Diyos ay hindi maaaring matukso at hindi rin naman niya tinutukso ang kahit sino. Natutukso ang tao kapag siya'y naaakit at nagpapatangay sa kanyang sariling pagnanasa. At ang pagnanasa kapag naitanim sa puso ay nagbubunga ng kasalanan; at ang kasalanan, sa hustong gulang ay nagbubunga ng kamatayan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 2:12-15

Ilalayo ka nito sa masamang pamumuhay, at doon sa mga taong ang nais ay kaguluhan; ilalayo ka rin nito sa mga tampalasan, na ang landas na pinili ay landas ng kadiliman, mga taong ang hilig ay paggawa ng kasamaan, ang kanilang kasiyaha'y pawang walang kabuluhan. Sa ugaling taglay nila'y di sila maaasahan, sila ay hindi tapat, hindi mapagkakatiwalaan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 5:44

Ngunit ito naman ang sinasabi ko, ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo,

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 15:26

Kasuklam-suklam kay Yahweh ang iniisip ng masama, ngunit kasiyahan niya ang pangungusap ng may malinis na diwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 8:7-8

Kaya nga, kapag itinutuon ng tao ang kanyang pag-iisip sa mga hilig ng laman, siya'y nagiging kaaway ng Diyos sapagkat hindi siya nagpapasakop sa batas ng Diyos, at sadyang hindi niya ito magagawa. At ang nabubuhay ayon sa hilig ng laman ay hindi maaaring kalugdan ng Diyos.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Jeremias 6:27-28

Jeremias, suriin mo ang aking bayan, gaya ng pagsuri sa bakal, upang malaman ang uri ng kanilang pagkatao. Silang lahat ay mapaghimagsik, masasama, walang ginagawa kundi ang magkalat ng maling balita. Sintigas ng tanso at bakal ang kanilang kalooban, at pawang kabulukan ang ginagawa nila.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 33:15-16

Ngunit maliligtas kayo kung tama ang sinasabi ninyo at ginagawa. Huwag ninyong gagamitin ang inyong kapangyarihan para apihin ang mahihirap; huwag kayong tatanggap ng suhol; huwag kayong makikiisa sa mga mamamatay-tao; o sa mga gumagawa ng kasamaan. Sa gayon, magiging ligtas kayo, parang nasa loob ng matibay na tanggulan. Hindi kayo mawawalan ng pagkain at inumin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 6:12-13

Huwag na ninyong paghariin ang kasalanan sa inyong mga katawang may kamatayan upang hindi na ninyo sundin ang masasamang hilig nito. Huwag na ninyong ipailalim sa kapangyarihan ng kasalanan ang alinmang bahagi ng inyong katawan bilang kasangkapan sa paggawa ng kasamaan. Sa halip, pasakop kayo sa Diyos bilang mga taong namatay na at muling binuhay, at ihandog ninyo sa kanya ang inyong katawan bilang kasangkapan sa kabutihan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 140:4-5

Sa mga masama ako ay iligtas; iligtas mo, Yahweh, sa mga marahas, na ang nilalayon ako ay ibagsak. Taong mga hambog, ang gusto sa akin, ako ay masilo, sa bitag hulihin, sa bitag na umang sa aking landasin. (Selah)

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 4:19

Ang daan ng masama'y pusikit na kadiliman, ni hindi niya makita kung saan siya nabubuwal.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
2 Tesalonica 3:3

Ngunit tapat ang Panginoon; siya ang magpapatatag at mag-iingat sa inyo laban sa Masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 3:10-12

Ayon sa nasusulat, “Walang matuwid, wala kahit isa. Walang nakakaunawa, walang naghahanap sa Diyos. Ang lahat ay lumihis ng landas at nagpakasama. Walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 13:6

Ang mabuti'y iniingatan ng kanyang katuwiran, ngunit ang masama'y ipinapahamak ng likong pamumuhay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 6:13

At huwag mo kaming hayaang matukso, kundi iligtas mo kami sa Masama! [Sapagkat iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailanman! Amen.]’

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 73:27

Yaong hihiwalay sa iyo'y mamamatay, at ang nagtataksil wawasaking tunay.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:4-5

Lahat ng nilalang ni Yahweh ay mayroong kadahilanan, at ang masasama, kaparusahan ang kahihinatnan. Kinamumuhian ni Yahweh ang lahat ng mayayabang, at sila'y tiyak na paparusahan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 7:21-23

“Hindi lahat ng tumatawag sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang mga taong sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit. Sa Araw ng Paghuhukom marami ang magsasabi sa akin, ‘Panginoon, hindi po ba't sa iyong pangalan ay nangaral kami, nagpalayas ng mga demonyo at gumawa ng mga himala?’ Ngunit sasabihin ko sa kanila, ‘Hindi ko kayo kilala. Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng kasamaan.’”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 29:27

Ang masama ay kinasusuklaman ng mga matuwid; ang masasama nama'y sa matuwid nagagalit.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 91:3

Sa panganib at bitag ika'y kanyang ililigtas, at kahit ano mang matinding salot ay di ka magdaranas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Juan 5:19

Alam nating tayo'y sa Diyos, kahit na ang buong sanlibutan ay nasa kapangyarihan ng diyablo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 97:10

Mahal ni Yahweh ang lahat ng namumuhi sa masama, siya ang nag-iingat sa buhay ng mga lingkod niya; sa kamay ng mga buktot, tiyak na ililigtas niya.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 12:9

Maging tunay ang inyong pagmamahalan. Kasuklaman ninyo ang masama at pakaibigin ang mabuti.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Juan 3:19-20

Ganito ang paghatol ng Diyos: naparito sa sanlibutan ang ilaw, ngunit inibig pa ng mga tao ang dilim kaysa liwanag, sapagkat masasama ang kanilang mga gawa. Isang gabi, pumunta siya kay Jesus at sinabi, “Rabi, nalalaman po naming kayo'y isang tagapagturong mula sa Diyos, sapagkat walang makakagawa ng mga himalang ginagawa ninyo kung wala sa inyo ang Diyos.” Kinasusuklaman ng mga gumagawa ng masama ang ilaw, ni hindi lumalapit dito upang hindi mahayag ang kanilang mga gawa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 24:8-9

Ang mahilig sa paggawa ng masama ay tinatawag na puno ng kasamaan. Anumang pakana ng masama ay kasalanan, at kinamumuhian ng tao ang nanunuya sa kapwa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 31:17-18

Sa iyo, Yahweh, ako'y nananawagan, huwag hayaang malagay ako sa kahihiyan. Ang masasamang tao ang dapat na mapahiya, sa daigdig ng mga patay, tahimik silang bababâ. Patahimikin mo ang mga sinungaling, ang mga palalong ang laging layunin, ang mga matuwid ay kanilang hamakin.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Roma 13:4

Sila'y mga lingkod ng Diyos para sa ikabubuti mo. Ngunit kung gumagawa ka ng masama, dapat kang matakot dahil sila'y may kapangyarihang magparusa. Sila'y mga lingkod ng Diyos, na nagpaparusa sa mga gumagawa ng masama.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 21:7

Ang masama'y ipinapahamak ng sariling karahasan, pagkat ayaw gawin ang talagang katuwiran.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mateo 13:49-50

Gayundin ang mangyayari sa katapusan ng daigdig, darating ang mga anghel, ihihiwalay ang masasama sa mga matuwid, May mga binhi namang nalaglag sa mabatong lupa. Dahil manipis lang ang lupa roon, sumibol agad ang mga binhi, at ihahagis ang masasama sa naglalagablab na apoy. Doo'y mananangis sila at magngangalit ang kanilang mga ngipin.”

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Isaias 5:23-24

dahil sa suhol, pinapalaya ang may kasalanan, at sa taong matuwid ipinagkakait ang katarungan. Kaya kung paanong ang dayami ng trigo at ang tuyong damo ay sinusunog ng apoy, gayundin ang bulaklak nila'y parang alikabok na papaitaas; at ang ugat nila'y dagling mabubulok. Sapagkat tinalikuran nila ang batas ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, at ang salita ng Banal na Diyos ng Israel ay kanilang binaliwala.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
1 Pedro 3:10-11

Ayon sa nasusulat, “Ang mga nagnanais ng payapa at saganang pamumuhay, dila nila'y pigilan sa pagsasabi ng kasamaan. Ang anumang panlilinlang at madayang pananalita sa kanyang mga labi ay di dapat mamutawi. Ang masama'y iwasan na, at ang gawin ay ang tama; at ang laging pagsikapan ay buhay na mapayapa.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Efeso 4:27

Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon ang diyablo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 10:29

Si Yahweh ay kanlungan ng mga taong matuwid, ngunit kaaway sila ng taong masama ang hilig.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 101:4

Aking sisikapin na ang masunod ko'y ang gawaing tapat; maging sa isipan di ko iisipin ang gawang di tumpak.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 36:12

Lahat silang masasama'y masdan ninyo at nagupo! Sa kanilang binagsakan, hindi sila makatayo.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Kawikaan 16:18-19

Ang kapalalua'y humahantong sa pagkawasak, at ang mapagmataas na isipan ay ibabagsak. Higit na mabuti ang mapagpakumbaba kahit na mahirap, kaysa makihati sa yaman ng mapagmataas.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya
Mga Awit 91:10

Di mo aabuting ika'y mapahamak; di mararanasan kahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan.

Kabanata   |  Mga bersyon Kopya

Panalangin sa Diyos

Panginoon, lumikha Ka sa akin ng malinis na puso at panibaguhin Mo ang matuwid na espiritu sa loob ko. Mahal kong Ama sa langit, nagpapakumbaba ako sa Iyong harapan dahil kailangan Kita. Nananawagan ako ngayon upang humingi ng kapatawaran sa lahat ng aking kasalanan. Patawarin Mo ako sapagkat lumakad ako sa kasamaan at ang puso ko'y gumawa ng masama sa Iyong paningin. Hinuhugasan ko ang aking sarili sa Iyong dugo, Hesus, sapagkat nais kong baguhin Mo ang aking pagkatao ayon sa Iyong wangis. Punahin Mo ako araw-araw ng Iyong presensya upang manatili ako sa Iyong kabanalan. Ituwid Mo ang aking mga hakbang at ituro Mo sa akin ang Iyong kalooban na mabuti, kalugud-lugod, at ganap. Tulungan Mo akong huwag lumayo sa Iyong salita kailanman, bagkus ay mabuhay ako upang tuparin ang Iyong mga tuntunin at utos. Huwag Mo akong hayaang sumunod sa mga pagnanasa ng aking laman o sa kasamaan ng aking puso. Manahan Ka sa aking espiritu, Banal na Espiritu, at nawa'y mangibabaw ang Iyong pag-ibig sa aking buong pagkatao upang mabuhay ako para sa Iyo at dahil sa Iyo, sa pangalan ni Hesus, Amen.
Sundan mo kami:

Mga patalastas


Mga patalastas